SIMON BRIGGS... Stay away from me, Adrian at baka hindi kita matantya," singhal n'ya sa pinsan na dinaig pa ang surot na panay ang dikit sa kan'ya. Nakakasuka pa ang ngisi nito na parang sinapian ng masamang inspiritu. Hindi ito umaalis sa tabi n'ya at panay ang dikit at buska sa kan'ya. Pahamak din kasi itong si Henry na kanina pa din ngisi ng ngisi ng makita ang kan'yang reaction kanina. Alam n'ya na matinik si Henry at sa mga oras na ito ay mukhang nababasa na nito ang kan'yang mga iniisip. "Ay gago to! Bakit ang busangot mo ngayon, ha? Wala ka bang ka fubu ngayon kaya mainit ang ulo mo? Mabigat na ba ang betlog mo, darling? dagdag na pambubuwesit ni Adrian sa kan'ya. "Pwede ba, lumayo ka sa akin dahil kapag hindi ka pa lumayo ay baka mas lalong iinit ang ulo ko at ikaw ang mapagbuntonan ko," banta n'ya sa pinsan. Mabilis naman itong tumalon sa kabilang upoan palayo sa kan'ya at parang tanga na bumusangot ang mukha. Sa kanilang lahat ay si Adrian ang pinakamaloko. Kasing ugali
SIMON BRIGGS... "Senyorito!" pag-uulit na pagtawag sa kan'ya ng kung sino mula sa kan'yang likuran. Kinalma n'ya ang kan'yang sarili at nagpakawala muna ng hangin bago umikot para harapin ang tao na nasa kan'yang likuran. At nakahinga s'ya ng maluwag ng makita na si manang Nadia ang nasa likuran n'ya. Tipid s'yang ngumiti dito at hindi ipinahalata sa ginang ang kan'yang pagkagulat. "Manang bakit gising pa kayo?" patay malisya na tanong n'ya rito. "Kagigising ko lang senyorito. Ganitong oras talaga ako nagigising! Teka! May kailangan ka ba? Bakit napasugod ka rito ng ganitong oras?" sunod-sunod na tanong nito sa kan'ya. Lihim s'yang napalunok ng laway at agad na naghagilap ng isasagot sa ginang. "Ahmmm! Nakakahiya manang Diday, pero ayos na ako. Aakyat na lang ako sa taas, pasensya na kayo sa disturbo," paghingi n'ya ng paumanhin sa ginang at agad na tinalikuran ito. "Teka lang senyorito! Ano ka ba? Bakit ka mahiya, eh kung may iuutos ka ay ayos lang sa akin. Normal lang na utos
SIMON BRIGGS... Dali-dali s'yang umakyat sa taas na igting ang mga panga. Pagkapasok n'ya sa loob ng kan'yang kwarto ay mahina n'yang nasuntok ang pader dahil sa sobrang frustration. Sino ba naman ang hindi? Hindi n'ya alam kung ano ang pumasok sa utak n'ya kung bakit n'ya nagawa ang ganong bagay. Kapag naiisip n'ya ang takot sa mga mata ni Tanya kanina ay parang gusto n'yang suntokin ang kan'yang sarili. "Fvck! What did you do, Briggs?" kastigo n'ya sa sarili at inihilamos sa mukha ang palad. Kailanman ay hindi s'ya naging ganito sa isang babae. Ngayon lang ito nangyari sa kan'ya at hindi n'ya alam kung anong mayroon ang babaeng iyon na ganon na lang kung mag react ang kan'yang katawan kapag nasa malapit ito. Nanatili s'ya ng ilang segundo sa ganong posisyon. Nakatunganga at naghihintay ng kasagutan ngunit ng wala s'yang makuhang sagot ay wala sa sarili na sinipa n'ya ang paa ng maliit na mesa na nasa gilid ng pinto ng kan'yang silid. Frustrated na naglakad s'ya patungo sa kama
SIMON BRIGGS... Ilang segundo n'yang tinitigan lamang si Tanya at hindi nagsalita. Nakatayo pa rin ito sa kan'yang harapan at nakayuko. Hinihintay siguro nito ang kan'yang tugon bago umalis para may masabi sa kan'yang ina. Nagpakawala s'ya ng hangin at kinalma ang kan'yang sarili bago ibinuka ang labi para magsalita. "Get inside!" utos n'ya rito. Mabilis itong nag-angat ng tingin sa kan'ya at ang mga mata nito na kulay berde ay puno ng samot-saring tanong, takot at pag-aalala. "I said get inside, Tanya!" may pinalidad sa kan'yang boses na inulit ang sinabi kanina. Napakislot ito dahil sa pagtaas ng kan'yang boses. Alam n'ya na labag sa loob nito ang pumasok sa kan'yang silid ngunit dahil amo s'ya nito ay napilitan itong ihakbang ang mga paa papasok sa kan'yang kwarto. Nang tuloyan na itong makapasok ay agad n'yang isinarado ang pinto at hinarap ang babae ngunit nakatalikod ito sa kan'ya habang nanginginig ang mga balikat. Inuusig tuloy s'ya ng kan'yang kunsensya dahil sa nakik
SIMON BRIGGS... Ilang minuto pa s'yang nanatili sa kan'yang silid bago nagpasyang bumaba. Naaamoy n'ya pa rin sa kan'yang silid ang mabangong amoy ni Tanya kaya parang ayaw n'yang lumabas para sabayan ang mga magulang sa almusal. Ilang beses n'ya ng kinastigo ang kan'yang sarili dahil pakiramdam n'ya ay nababaliw na s'ya ng mga oras na iyon. Hindi na normal ang kan'yang nararamdaman at kailangan n'yang rendahan ang kan'yang sarili dahil baka may magawa na naman s'yang hindi kaaya-aya at matakot na naman ang babae sa kan'ya. Ngunit kapag naiisip n'ya ang malambot na katawan nito at ang mabangong amoy ng buhok ng dalaga ay hindi n'ya maiiwasan ang mag-isip ng kahalayan. Lalaki lang s'ya at normal lang naman siguro ang kan'yang nararamdaman. Ang nakakatawa lang, dahil ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganito sa tanang buhay n'ya at kay Tanya pa. Panigurado na babalatan s'ya ng buhay ng kan'yang mommy kapag may ginawa s'ya kay Tanya. Ang kan'yang balak na pahinga sa kan'yang pag-uwi ay
SIMON BRIGGS... Hindi pa rin s'ya mapakali sa nalaman n'ya mula sa kan'yang ina at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya pinapatulog ng bagay na iyon. At hindi n'ya rin mapigilan ang makaramdam ng galit kapag naiisip n'ya na tama ang kan'yang hinala. Nakakaawa ang dalaga kung totoo man ang kan'yang iniisip. Marahas s'yang bumangon sa kan'yang kama at hinablot ang kan'yang t-shirt na nasa sofa. Isinuot n'ya ito at lumabas ng silid. Diretso s'ya sa hagdan at nagmamadaling bumaba. Wala ng tao sa buong bahay at sigurado s'ya na tulog na ang lahat sa bahay nila. Kanina n'ya pa ito gustong gawin ngunit pinigilan n'ya ang kan'yang sarili at pinili na lang na magkulong sa kan'yang silid at magtrabaho para maialis n'ya sa kan'yang isip si Tanya ngunit kabaliktaran ang nangyari. Mas lalo lang s'ya ginulo ng babae at ngayon ay hindi n'ya na ito makayanan pa. Mas lalo lang sumasakit ang ulo n'ya sa kakaisip dito at sa nangyari sa babae noon. Kailangan na may malaman s'ya mula rito para
SIMON BRIGGS... Wala s'yang pakialam kung gaano sila katagal nanatili sa ganong sitwasyon na dalawa. Nagugustohan n'ya ang pagdikit ng kanilang mga katawan ni Tanya kaya kahit mananatili pa sila sa ganong posisyon ng buong araw ay ayos lang sa kan'ya. Nakasandig na ang kan'yang likod sa headboard ng kama nito habang nakasubsob ang mukha ng babae sa kan'yang didbib. Nakapalibot naman ang kan'yang mga braso sa maliit na bewang nito at parang ayaw n'yang alisin iyon. "Are you awake?" mahina ang boses na tanong n'ya kay Tanya pagkalipas ng halos kalahating oras na nasa ganon silang posisyon. Ayaw n'ya rin na umalis ito mula sa pagkakayakap sa kan'ya ngunit gusto n'ya lang malaman kung gising pa ito o baka nakatulog na. Kumilos naman ang dalaga at maingat na nag-angat ng ulo para harapin s'ya. "S-Senyorito," may gulat sa mga mata na tawag nito sa kan'ya ng makita s'ya. Parang ngayon lang ito nahimasmasan at na realise nito na s'ya ang kasama sa kwarto at kayakap. "Yeah! It's me! How
SIMON BRIGGS... "Kiss me then para mawala ang galit ko," walang gatol na sabi n'ya rito. Nanlaki ang mga mata ni Tanya ng marinig ang kan'yang sinabi at parang gusto n'yang matawa sa reaction nito ngunit pinigilan n'ya ang kan'yang sarili at pinakita dito na seryoso s'ya sa kan'yang sinabi. "A-Ano po?" gulat na tanong nito sa kan'ya. "And one more thing Tanya, huwag kang po ng po sa akin. Hindi pa naman ako ganon katanda, hindi ba?" "P-Pero matanda po kayo sa akin?" katwiran ng babae na ikinabuga n'ya ng hangin dahil ginigiit talaga nito na matanda na s'ya. "At nangatwiran pa talaga!" lihim na sabi n'ya ng marinig ang sinabi ni Tanya. "Age is just a number Tanya, ok?" "O-Ok po! Pasensya na po kayo senyorito." "What can I do? Hmmmm!" mahinang sabi n'ya ngunit narinig pala ng dalaga. "M-May gagawin po ba kayo?" inosenteng tanong nito sa kan'ya na ikinaubo n'ya ng mahina. Muntik pa s'yang mabilaukan ng kan'yang laway ng marinig ang tanong ng babae. Ganito pala ang pakiramdam