SIMON BRIGGS... Hindi pa rin s'ya mapakali sa nalaman n'ya mula sa kan'yang ina at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya pinapatulog ng bagay na iyon. At hindi n'ya rin mapigilan ang makaramdam ng galit kapag naiisip n'ya na tama ang kan'yang hinala. Nakakaawa ang dalaga kung totoo man ang kan'yang iniisip. Marahas s'yang bumangon sa kan'yang kama at hinablot ang kan'yang t-shirt na nasa sofa. Isinuot n'ya ito at lumabas ng silid. Diretso s'ya sa hagdan at nagmamadaling bumaba. Wala ng tao sa buong bahay at sigurado s'ya na tulog na ang lahat sa bahay nila. Kanina n'ya pa ito gustong gawin ngunit pinigilan n'ya ang kan'yang sarili at pinili na lang na magkulong sa kan'yang silid at magtrabaho para maialis n'ya sa kan'yang isip si Tanya ngunit kabaliktaran ang nangyari. Mas lalo lang s'ya ginulo ng babae at ngayon ay hindi n'ya na ito makayanan pa. Mas lalo lang sumasakit ang ulo n'ya sa kakaisip dito at sa nangyari sa babae noon. Kailangan na may malaman s'ya mula rito para
SIMON BRIGGS... Wala s'yang pakialam kung gaano sila katagal nanatili sa ganong sitwasyon na dalawa. Nagugustohan n'ya ang pagdikit ng kanilang mga katawan ni Tanya kaya kahit mananatili pa sila sa ganong posisyon ng buong araw ay ayos lang sa kan'ya. Nakasandig na ang kan'yang likod sa headboard ng kama nito habang nakasubsob ang mukha ng babae sa kan'yang didbib. Nakapalibot naman ang kan'yang mga braso sa maliit na bewang nito at parang ayaw n'yang alisin iyon. "Are you awake?" mahina ang boses na tanong n'ya kay Tanya pagkalipas ng halos kalahating oras na nasa ganon silang posisyon. Ayaw n'ya rin na umalis ito mula sa pagkakayakap sa kan'ya ngunit gusto n'ya lang malaman kung gising pa ito o baka nakatulog na. Kumilos naman ang dalaga at maingat na nag-angat ng ulo para harapin s'ya. "S-Senyorito," may gulat sa mga mata na tawag nito sa kan'ya ng makita s'ya. Parang ngayon lang ito nahimasmasan at na realise nito na s'ya ang kasama sa kwarto at kayakap. "Yeah! It's me! How
SIMON BRIGGS... "Kiss me then para mawala ang galit ko," walang gatol na sabi n'ya rito. Nanlaki ang mga mata ni Tanya ng marinig ang kan'yang sinabi at parang gusto n'yang matawa sa reaction nito ngunit pinigilan n'ya ang kan'yang sarili at pinakita dito na seryoso s'ya sa kan'yang sinabi. "A-Ano po?" gulat na tanong nito sa kan'ya. "And one more thing Tanya, huwag kang po ng po sa akin. Hindi pa naman ako ganon katanda, hindi ba?" "P-Pero matanda po kayo sa akin?" katwiran ng babae na ikinabuga n'ya ng hangin dahil ginigiit talaga nito na matanda na s'ya. "At nangatwiran pa talaga!" lihim na sabi n'ya ng marinig ang sinabi ni Tanya. "Age is just a number Tanya, ok?" "O-Ok po! Pasensya na po kayo senyorito." "What can I do? Hmmmm!" mahinang sabi n'ya ngunit narinig pala ng dalaga. "M-May gagawin po ba kayo?" inosenteng tanong nito sa kan'ya na ikinaubo n'ya ng mahina. Muntik pa s'yang mabilaukan ng kan'yang laway ng marinig ang tanong ng babae. Ganito pala ang pakiramdam
SIMON BRIGGS... "Mom, can I talk to you?" tanong n'ya sa ina ng makapasok sa kanilang library. Kanina n'ya pa ito hinahanap at ayon kay manang Diday ay nasa library ito kasama ang kan'yang daddy kaya agad n'yang sinugod ang dalawa para makausap ang mga ito lalo na ang kan'yang ina. "Come here, Briggs! What do you want to talk about?" ang kan'yang mommy at inaya s'yang pumasok sa loob na agad n'ya namang pinaunlakan. Nasa working table nito ang kan'yang daddy at nagbabasa ng newspaper at ang kan'yang mommy naman ay nasa kabilang mesa din at may ginagawa na kung ano. Naupo s'ya sa bakanteng upoan sa harapan ng mesa ng ina na mariin na nakatitig sa kan'ya at parang pinag-aaralan ang kan'yang mga kilos. "Are you ok? It seems like something is bothering you," puna agad ng kan'yang mommy. Matinik talaga ito at magaling kumilatis ng tao. "Do you have any information about Tanya? I mean, noong pumasok s'ya rito ay hiningan mo ba s'ya ng mga dokumento?" wala ng paligoy-ligoy pa na tanon
SIMON BRIGGS... Dalawang linggo ng hindi n'ya nakikita si Tanya dahil kinagabihan matapos nilang mag-usap ng kan'yang mga magulang ay tinawagan s'ya ng kan'yang superior para mag report. Kaya ang nangyari ay dalawang linggo s'yang nasa trabaho at sa loob ng dalawang linggo na yon ay walang araw na hindi sumasagi sa kan'yang isip si Tanya. He wanted to call home pero pinipigilan n'ya ang kan'yang sarili dahil simula ng magtrabaho s'ya ay hindi n'ya nasubukan na tumawag sa telepono nila sa bahay. Panigurado na magtataka ang kan'yang ina kapag nalaman nito na tumawag s'ya. Kaya kahit gustong-gusto n'ya ng marinig ang boses ni Tanya ay mahigpit n'yang pinigilan ang kan'yang sarili. Hindi n'ya pa nagawa ang kan'yang balak na mag imbestiga tungkol sa nangyari kay Tanya noon dahil sa kan'yang trabaho. May malaking kaso silang inaasikaso at involve ang mga malalaking tao kaya nahihirapan ang kanilang departmento na resolbahin ang naturang kaso at mapanagot ang lahat ng involve dahil sa
SIMON BRIGGS... "Can you bring it to my room later kapag luto na, Tanya? Maliligo lang ako," sabi n'ya sa dalaga na ang tinutukoy ay ang niluluto nitong pagkain. Ipinaghanda nga s'ya nito at sobrang tuwang-tuwa s'ya ng mga oras na iyon. Ngunit napapansin n'ya na asiwa si Tanya habang nagluluto na nasa paligid s'ya kaya minabuti n'ya na lang muna na umakyat na lang sa kwarto para maligo. Inutosan n'ya din ito na dadalhin na lang sa taas ang pagkain at doon na lang s'ya kakain sa kan'yang kwarto. "S-Sige po," nauutal na sagot nito sa kan'ya. Nagpakawala s'ya ng hangin bago tinanguan ang babae at iniwan sa kusina. Dumiretso s'ya ng akyat sa kan'yang silid at katulad ng kan'yang nakagawian ay isa-isa n'yang tinatanggal ang mga damit habang papasok sa banyo. At nagkalat ang kan'yang mga hinubad na damit sa sahig. Mamaya n'ya na lang ito liligpitin pagkatapos n'yang maligo. Nakaugalian n'ya na talaga ang ganitong ugali sa tuwing maliligo s'ya. Dumiretso s'ya sa loob ng shower at agad
SIMON BRIGGS... "Just put those clothes in a laundry basket inside the toilet, Tanya," utos n'ya rito ng makita na parang wala itong balak na tantanan ang kan'yang boxer na kulay pink. Para naman itong nataohan at dali-daling pumasok sa banyo bitbit ang mga damit n'ya na hinubad. Napahilamos s'ya ng palad sa kan'yang mukha dahil pakiramdam n'ya ay mauubosan s'ya palagi ng paliwanag kay Tanya sa mga bagay-bagay. Natigil lamang s'ya sa kan'yang mga iniisip ng makita itong lumabas ng banyo at wala ng bitbit na kahit na ano. "M-May ipag-uutos pa ba kayo senyorito?" mahinang tanong nito sa kan'ya ng makita s'ya na mariin na nakatingin dito. "Yeah! Samahan mo akong kumain," sagot n'ya sa dalaga. Hindi n'ya alam kung saan n'ya nakuha ang ideyang iyon ngunit bigla na lamang itong nanulas sa kan'yang bibig at wala na s'yang balak na bawiin pa ito. Mas mainam na nga na ganito ang sinabi n'ya para magkaroon s'ya ng pagkakataon na makausap ang dalaga tungkol sa mga gusto n'yang malaman. Hi
SIMON BRIGGS... "Tanya!" tawag n'ya sa pangalan nito ng hindi ito nakahuma. "A-Ahmmmm! W-Wala po! Nasa probinsya po sila," nanginginig ang boses na sagot nito sa kan'ya. Mariin n'ya itong pinakatitigan at pilit na pinag-aaralan ang mga kilos nito. "Something is not right," lihim na sabi n'ya sa kan'yang sarili. Ramdam at alam n'ya na may mali sa babae ngayon lalo na ng mabanggit ang tungkol sa pamilya nito. Nagbuga s'ya ng hangin at inisang subo ang natirang sandwich at nginuya. Sinigurado n'ya muna na wala ng natira sa kan'yang kinakain bago inabot ang baso na may tubig at tinungga ang laman. Agad na inilapag n'ya ang baso at tumayo para ilipat ang tray sa mesa kung saan ito naroon kanina. "Ako na po senyorito, dadalhin ko na lang po sa baba," awat ni Tanya ngunit hindi n'ya ibinigay ang tray na hawak. "No! We need to talk Tanya," malamig at may pinalidad sa kan'yang boses. Natigilan naman ang babae at hindi agad nakahuma kaya kinuha n'ya ang pagkakataong iyon na ilagay ang tr