SIMON BRIGGS... "Can you bring it to my room later kapag luto na, Tanya? Maliligo lang ako," sabi n'ya sa dalaga na ang tinutukoy ay ang niluluto nitong pagkain. Ipinaghanda nga s'ya nito at sobrang tuwang-tuwa s'ya ng mga oras na iyon. Ngunit napapansin n'ya na asiwa si Tanya habang nagluluto na nasa paligid s'ya kaya minabuti n'ya na lang muna na umakyat na lang sa kwarto para maligo. Inutosan n'ya din ito na dadalhin na lang sa taas ang pagkain at doon na lang s'ya kakain sa kan'yang kwarto. "S-Sige po," nauutal na sagot nito sa kan'ya. Nagpakawala s'ya ng hangin bago tinanguan ang babae at iniwan sa kusina. Dumiretso s'ya ng akyat sa kan'yang silid at katulad ng kan'yang nakagawian ay isa-isa n'yang tinatanggal ang mga damit habang papasok sa banyo. At nagkalat ang kan'yang mga hinubad na damit sa sahig. Mamaya n'ya na lang ito liligpitin pagkatapos n'yang maligo. Nakaugalian n'ya na talaga ang ganitong ugali sa tuwing maliligo s'ya. Dumiretso s'ya sa loob ng shower at agad
SIMON BRIGGS... "Just put those clothes in a laundry basket inside the toilet, Tanya," utos n'ya rito ng makita na parang wala itong balak na tantanan ang kan'yang boxer na kulay pink. Para naman itong nataohan at dali-daling pumasok sa banyo bitbit ang mga damit n'ya na hinubad. Napahilamos s'ya ng palad sa kan'yang mukha dahil pakiramdam n'ya ay mauubosan s'ya palagi ng paliwanag kay Tanya sa mga bagay-bagay. Natigil lamang s'ya sa kan'yang mga iniisip ng makita itong lumabas ng banyo at wala ng bitbit na kahit na ano. "M-May ipag-uutos pa ba kayo senyorito?" mahinang tanong nito sa kan'ya ng makita s'ya na mariin na nakatingin dito. "Yeah! Samahan mo akong kumain," sagot n'ya sa dalaga. Hindi n'ya alam kung saan n'ya nakuha ang ideyang iyon ngunit bigla na lamang itong nanulas sa kan'yang bibig at wala na s'yang balak na bawiin pa ito. Mas mainam na nga na ganito ang sinabi n'ya para magkaroon s'ya ng pagkakataon na makausap ang dalaga tungkol sa mga gusto n'yang malaman. Hi
SIMON BRIGGS... "Tanya!" tawag n'ya sa pangalan nito ng hindi ito nakahuma. "A-Ahmmmm! W-Wala po! Nasa probinsya po sila," nanginginig ang boses na sagot nito sa kan'ya. Mariin n'ya itong pinakatitigan at pilit na pinag-aaralan ang mga kilos nito. "Something is not right," lihim na sabi n'ya sa kan'yang sarili. Ramdam at alam n'ya na may mali sa babae ngayon lalo na ng mabanggit ang tungkol sa pamilya nito. Nagbuga s'ya ng hangin at inisang subo ang natirang sandwich at nginuya. Sinigurado n'ya muna na wala ng natira sa kan'yang kinakain bago inabot ang baso na may tubig at tinungga ang laman. Agad na inilapag n'ya ang baso at tumayo para ilipat ang tray sa mesa kung saan ito naroon kanina. "Ako na po senyorito, dadalhin ko na lang po sa baba," awat ni Tanya ngunit hindi n'ya ibinigay ang tray na hawak. "No! We need to talk Tanya," malamig at may pinalidad sa kan'yang boses. Natigilan naman ang babae at hindi agad nakahuma kaya kinuha n'ya ang pagkakataong iyon na ilagay ang tr
SIMON BRIGGS...Nasa opisina s'ya ng kompanya na pag-aari ng araw na iyon. Balak n'yang simulan na ang mag imbestiga sa kaso ni Tanya.Nag file din s'ya ng leave sa kan'yang trabaho para matutokan n'ya ang tungkol sa dalaga. Hindi n'ya maintindihan ngunit pakiramdam n'ya ay kailangan na unahin n'ya ang tungkol sa dalaga.Kaya naman ay nagpadala agad s'ya ng notice of leave kahapon sa kan'yang trabaho at hindi naman s'ya binigo ng kan'yang superior.Agad na inaprubahan nito ang kan'yang leave kahit sa email n'ya lang ipinadala. At para makapag trabaho s'ya ng maayos ay nagpasya s'yang pumunta sa kan'yang kompanya para dito magtrabaho.He is the main distributor of firearms and ammos sa mga military at mga police at malaki ang kan'yang kinikita sa kan'yang negosyo.Of course it's a legal business at kumpleto sa mga permit and license. Wala sa bokabularyo n'ya ang mag negosyo ng illegal kahit pa kayang-kaya n'ya naman itong protektahan dahil nasa serbisyo s'ya.Carson's legacy is very im
SIMON BRIGGS... "Oh Briggs, nand'yan ka na pala? Halika ka na rito at kakain na tayo," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ng ina. Hindi n'ya man lang namalayan na nakatingin na pala ito sa kan'ya. Masyadong malayo ang nilakbay ng kan'yang isip dahil sa kan'yang narinig na sinabi ni Tanya. "Hi mom!" bati n'ya sa ina at naglakad patungo rito at hinalikan ang ina sa sintido. "Is everything alright? Bakit ang aga mong umuwi?" "Mom! Ayaw mo na ba akong umuwi dito sa bahay?" kunyari ay nagtatampo na reklamo n'ya rito. "Yeah! Baka kasi may mabuntis ng wala sa oras kapag panay ang uwi mo dito sa bahay," pairap na sagot ng kan'yang ina na ikinaawang ng kan'yang labi. Hindi n'ya inaasahan ang sasabihin nito kaya para s'yang natuklaw ng ahas ng marinig ang lumabas sa labi ng ina. "Mom!" bulalas n'ya ng makabawi ngunit inirapan lamang s'ya ng kan'yang mommy. Akmang magsasalita pa s'ya ulit ng biglang may narinig na tunog ng kung ano na nahulog. Kaya naman ay agad
SIMON BRIGGS... Dali-dali s'yang umalis ng dining area ng marinig ang ibinalita ng kanilang kasambahay. Para s'yang tinuboan ng pakpak at pakiramdam n'ya ay ang gaan-gaan ng kan'yang mga paa. "What happened to her?" pasigaw na tanong n'ya sa mga kasambahay nila na nakapalibot kay Tanya. Malayo pa s'ya sa mga ito at nakita n'ya na nagkukumpolan ang mga ito at si manang Diday ang s'yang pumapaypay kay Tanya na walang malay. "Bubuhatin ko s'ya," presenta ng driver ng kan'yang ina na kapapasok lang ngunit agad s'yang pumagitna at inawat ito. "No! Don't touch her!" may diin ang boses na sabi n'ya rito. Nakita n'yang nagulat ang mga kasambahay nila sa kan'yang sinabi ngunit wala s'yang pakialam. Pakiramdam n'ya ay bubuga s'ya ng apoy sa naisip na may hahawak na ibang lalaki kay Tanya. Hindi na s'ya naghintay pa na makapagsalita ang mga nanunuod. Dali-dali n'yang binuhat si Tanya at iniakyat sa taas. Nakasalubong n'ya pa ang kan'yang ina na puno ng pagtataka ang mukha ngunit hindi n'ya
SIMON BRIGGS... "Briggs, I'm here," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng bumukas ang pinto ng kan'yang kwarto at pumasok si Laurice. "Thanks Laurice, please check her," agad na utos n'ya sa babae at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama para bigyan ng espasyo ang babae na matingnan ni Tanya. "I heard from tita Beatrice na hinimatay daw s'ya?" sagot ng asawa ng kan'yang pinsan sabay lapit kay Tanya. Inilapag nito ang bag na dala sa mesa katabi ng kama at binuksan iyon. "Yes and I think she has a fever," sagot n'ya rito. "Hindi naman s'ya buntis, hindi ba?" tanong nito ng lingunin s'ya. "Of course not!" mabilis na sagot n'ya rito. Nakita n'ya ang pinipigilan na ngisi sa labi ni Nalie at parang hindi ito naniniwala. "Alright! I will check her," tugon ng babae pagkatapos s'yang tapunan ng nagdududang tingin at kinuha ang stethoscope sa loob ng bag at sinimulan ng suriin si Tanya. Nakamasid lang s'ya sa ginagawa ni Laurice sa babae na wala pa ring malay. Ilang segundo din ang iginu
SIMON BRIGGS... "How do you feel? Masakit pa ba ang ulo mo?" malambing na tanong n'ya sa dalaga ng mapasukan ito na gising na. Bumaba s'ya para kumuha ng pagkain nito at ng umalis s'ya kanina ay tulog pa ito at tamang-tama lang na pagbalik n'ya ay gising na ito. Tatlong araw na itong nakaratay sa kan'yang silid at sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala s'yang ibang ginawa kundi ang alagaan ang babae. Hinayaan din s'ya ng kan'yang ina at ama sa mga ginagawa n'ya at wala s'yang narinig sa mga ito. Bagay na ipinagpasalamat n'ya dahil mukhang ayos na sa kan'yang mga magulang ang pakikipaglapit n'ya kay Tanya. "O-Ok na ako senyorito. Pasensya na po kayo sa abala," nahihiya na paghingi nito ng paumanhin. Nakagawian na yata nito ang paghingi ng paumanhin sa tuwing may aberya itong ginawa. "Stop saying sorry, Tanya! It's not your fault, ok? saway n'ya rito. Ayon sa test na isinagawa ni Nalie gamit ang dugo ni Tanya ay stress ito. At hindi iyon dahil sa trabaho sa kanila kundi dahil sa