SIMON BRIGGS... "Briggs, I'm here," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng bumukas ang pinto ng kan'yang kwarto at pumasok si Laurice. "Thanks Laurice, please check her," agad na utos n'ya sa babae at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama para bigyan ng espasyo ang babae na matingnan ni Tanya. "I heard from tita Beatrice na hinimatay daw s'ya?" sagot ng asawa ng kan'yang pinsan sabay lapit kay Tanya. Inilapag nito ang bag na dala sa mesa katabi ng kama at binuksan iyon. "Yes and I think she has a fever," sagot n'ya rito. "Hindi naman s'ya buntis, hindi ba?" tanong nito ng lingunin s'ya. "Of course not!" mabilis na sagot n'ya rito. Nakita n'ya ang pinipigilan na ngisi sa labi ni Nalie at parang hindi ito naniniwala. "Alright! I will check her," tugon ng babae pagkatapos s'yang tapunan ng nagdududang tingin at kinuha ang stethoscope sa loob ng bag at sinimulan ng suriin si Tanya. Nakamasid lang s'ya sa ginagawa ni Laurice sa babae na wala pa ring malay. Ilang segundo din ang iginu
SIMON BRIGGS... "How do you feel? Masakit pa ba ang ulo mo?" malambing na tanong n'ya sa dalaga ng mapasukan ito na gising na. Bumaba s'ya para kumuha ng pagkain nito at ng umalis s'ya kanina ay tulog pa ito at tamang-tama lang na pagbalik n'ya ay gising na ito. Tatlong araw na itong nakaratay sa kan'yang silid at sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala s'yang ibang ginawa kundi ang alagaan ang babae. Hinayaan din s'ya ng kan'yang ina at ama sa mga ginagawa n'ya at wala s'yang narinig sa mga ito. Bagay na ipinagpasalamat n'ya dahil mukhang ayos na sa kan'yang mga magulang ang pakikipaglapit n'ya kay Tanya. "O-Ok na ako senyorito. Pasensya na po kayo sa abala," nahihiya na paghingi nito ng paumanhin. Nakagawian na yata nito ang paghingi ng paumanhin sa tuwing may aberya itong ginawa. "Stop saying sorry, Tanya! It's not your fault, ok? saway n'ya rito. Ayon sa test na isinagawa ni Nalie gamit ang dugo ni Tanya ay stress ito. At hindi iyon dahil sa trabaho sa kanila kundi dahil sa
SIMON BRIGGS... Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kan'yang isip ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Tanya. Napakalambot ng labi nito at napakabango ng hininga bagay na gustong-gusto n'ya sa babae. Isang linggo na ang nakaraan at nakabalik na rin si Tanya sa trabaho nito. Magaling na ito at mali man pero parang gusto n'ya na lang na may sakit ang babae para manatili ito sa kan'yang kwarto at maalagaan n'ya. Pagkatapos n'yang halikan si Tanya ng araw na iyon ay napapansin n'ya na umiiwas na ito sa kan'ya. Sa tuwing alam nito na nasa paligid s'ya ay naghahanap ito ng paraan para makalayo sa kan'ya at sa ginagawa ng babae ay nakaramdam s'ya ng sakit. Naiisip n'ya na baka galit ito sa kan'ya at gusto n'ya sanang kausapin ito ngunit hindi din s'ya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang dalaga dahil palaging nakabantay ang kan'yang mommy. Akala n'ya ay ayos na sa mga ito ang pakikipaglapit n'ya kay Tanya ngunit ng maging ok na ang dalaga mula sa pagkakasakit nito
SIMON BRIGGS... "O-Opo! Pinahatid po ni senyora," mahina ang boses na sagot ni Tanya sa tanong ni Charles. "Ohhhh! How sweet! Mabuti pa si tita Bettina at naisipan na pakainin ako. Itong pangit ko na pinsan ay hindi talaga nag-abala na magbigay ng pagkain," sagot ni Charles at nagpasaring pa sa kan'ya. Akmang babatuhin n'ya ito ng calculator ng biglang magsalita si Tanya. "H-Hindi naman po s'ya pangit," depensa ng dalaga na ikinalapad ng kan'yang ngisi at proud na tinapunan ng tingin ang pinsan na umaakto na sukang-suka. "G-Gwapo naman po si senyorito Simon, m-matanda nga lang," ang kan'yang ngiti ay biglang nawala ng marinig ang sunod na sinabi ni Tanya. Si Charles naman ay buminghalit ng tawa na halos hindi na makahinga. Umigting ang kan'yang mga panga at naikuyom ang kan'yang mga kamao. Akala n'ya pa naman ay tanggap na ng dalaga na mas matanda s'ya kqysa rito pero hindi pa pala at ganon pa rin ang nasa isip nito tungkol sa kan'yang edad. "Stop laughing Charles! It's not funn
SIMON BRIGGS... He didn't let go of Tanya. Hindi n'ya alam kung gaano na katagal na naghinang ang kanilang mga labi. Ayaw n'yang tumigil lalo na ng mararamdaman na gumaganti na si Tanya sa kan'yang mga halik. Nasa batok n'ya na rin ang mga braso nito at ang kan'yang kamay naman ay nasa likod ng dalaga at bahagyang pumipisil sa mahahawakan n'ya. Naging mainit ang kanilang paligid at parang ayaw n'ya ng matapos ang kanilang ginagawa. Ngunit ng maramdaman na parang kakapusin na sila ng hininga ay s'ya na mismo ang kumalas para lumanghap ng hangin. Pareho nilang habol ang kanilang hininga ng mga oras na iyon. Agad na nagyuko ang dalaga ng magtama ang kanilang mga mata at alam n'ya kung bakit. Nahihiya ito sa kan'ya ngunit hindi n'ya hahayaan na mararamdaman iyon ng babae. Agad n'yang hinawakan ang baba ni Tanya at itinaas iyon. Nagtama ang kanilang mga mata at napangiti s'ya ng makita, na ang kulay berde na mga mata nito ay puno ng kislap. "Tanya," paanas na tawag n'ya sa pangalan
SIMON BRIGGS... "Fvck! Is this true?" tanong n'ya kay Hunk ng ilapag nito sa kan'yang harapan ang mga papel kung saan ay naglalaman ng report tungkol kay Tanya. "Yeah!' Kibit-balikat na sagot ng lalaki sa kan'ya. Nagtagis ang kan'yang mga bagang at naikuyom n'ya ang kan'yang kamao habang nakatingin sa nakasulat sa mga papel na nagkalat sa kan'yang harapan. Tanya has been through a lot, kaya pala nakakaranas ito ng mga bangungot at parang palaging takot na takot lalo na kapag ginugulat. Her family was massacred and murdered by unknown people. And it's only Tanya survived ngunit dahil nasaksihan nito kung paano pinatay ang buong pamilya ay nagkaroon ito ng trauma at nakakaranas ng mga bangungot sa gabi. Parang pinipiga ang kan'yang puso habang binabasa ang report na nakalap ni Hunk. Hindi n'ya lubos maisip kung anong klaseng sakit at hirap ang pinagdaanan ng babae. "What's your plan?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang tanong ni Hunk. Nagbuga s'ya ng hangin at k
SIMON BRIGGS... Matapos n'yang makausap ang ina ay nagpaalam s'ya rito na kakausapin n'ya si Tanya para ipaalam dito ang kan'yang plano na pagtulong dito. Pabalik-balik s'ya ng lakad sa loob ng kan'yang kwarto. Kanina n'ya pa hinihintay si Tanya na umakyat sa taas. Pinatawag n'ya ito sa kanilang kasambahay pagkatapos nilang mag-usap ng ina. Hindi n'ya alam kung tama ang kan'yang gagawin ngunit ang alam n'ya lang ay ang makabubuti ito sa babae. Nang hindi pa rin umakyat si Tanya ay nagpasya na s'yang bumaba at s'ya na lang ang pupunta dito ngunit ng nasa tapat na s'ya ng pinto ay sunod-sunod na katok ang sumalubong sa kan'ya. Mabilis n'yang hinawakan ang seradura at binuksan iyon at bumungad sa kan'ya ang babae na may pag-alinlangan sa mukha. "S-Senyorito, may ipag-uutos ba kayo?" tanong nito sa kan'ya. Lihim s'yang napangiti ng marinig na hindi na s'ya pino "po" nito. "Ayaw n'ya yata sa halik ko," lihim na sabi n'ya sa sarili at ipinilig ang ulo para alisin ang mga iniisip na k
SIMON BRIGGS... "Damn it!" malutong na mura n'ya at mabilis na tinungga ang beer na hawak. Nasa bar sila ni Cowell kasama ang kan'yang mga pinsan. Nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan ngunit s'ya ay nagmumokmok sa gilid at hindi maipinta ang mukha. Pagkatapos nilang mag-usap ni Tanya at nasabi n'ya rito ang kan'yang ginawa ay bigla na lamang s'ya nitong iniwan sa kwarto at hindi na kinausap pa. "Looks like someone has a heart problem!" narinig n'yang sabi ni Ardian ngunit hindi n'ya ito pinansin. Hindi n'ya din napansin na hindi na pala nag-uusap ang kan'yang mga kasama at ang lahat ng tingin ay nasa kan'ya. Wala pa rin s'yang pakialam at nakatingin lang sa malayo habang mahigpit na nakahawak ang isang kamay sa lata ng beer. "Simon Briggs Carson! Are you ok dude?" malakas ang boses na tanong sa kan'ya ni Andrian. Doon pa s'ya at parang nahimasmasan at napatingin sa kan'yang mga pinsan. Lahat ay may nagtatanong na mga tingin sa mga mata ng mga ito maliban kay Charles na nakang