SIMON BRIGGS... "O-Opo! Pinahatid po ni senyora," mahina ang boses na sagot ni Tanya sa tanong ni Charles. "Ohhhh! How sweet! Mabuti pa si tita Bettina at naisipan na pakainin ako. Itong pangit ko na pinsan ay hindi talaga nag-abala na magbigay ng pagkain," sagot ni Charles at nagpasaring pa sa kan'ya. Akmang babatuhin n'ya ito ng calculator ng biglang magsalita si Tanya. "H-Hindi naman po s'ya pangit," depensa ng dalaga na ikinalapad ng kan'yang ngisi at proud na tinapunan ng tingin ang pinsan na umaakto na sukang-suka. "G-Gwapo naman po si senyorito Simon, m-matanda nga lang," ang kan'yang ngiti ay biglang nawala ng marinig ang sunod na sinabi ni Tanya. Si Charles naman ay buminghalit ng tawa na halos hindi na makahinga. Umigting ang kan'yang mga panga at naikuyom ang kan'yang mga kamao. Akala n'ya pa naman ay tanggap na ng dalaga na mas matanda s'ya kqysa rito pero hindi pa pala at ganon pa rin ang nasa isip nito tungkol sa kan'yang edad. "Stop laughing Charles! It's not funn
SIMON BRIGGS... He didn't let go of Tanya. Hindi n'ya alam kung gaano na katagal na naghinang ang kanilang mga labi. Ayaw n'yang tumigil lalo na ng mararamdaman na gumaganti na si Tanya sa kan'yang mga halik. Nasa batok n'ya na rin ang mga braso nito at ang kan'yang kamay naman ay nasa likod ng dalaga at bahagyang pumipisil sa mahahawakan n'ya. Naging mainit ang kanilang paligid at parang ayaw n'ya ng matapos ang kanilang ginagawa. Ngunit ng maramdaman na parang kakapusin na sila ng hininga ay s'ya na mismo ang kumalas para lumanghap ng hangin. Pareho nilang habol ang kanilang hininga ng mga oras na iyon. Agad na nagyuko ang dalaga ng magtama ang kanilang mga mata at alam n'ya kung bakit. Nahihiya ito sa kan'ya ngunit hindi n'ya hahayaan na mararamdaman iyon ng babae. Agad n'yang hinawakan ang baba ni Tanya at itinaas iyon. Nagtama ang kanilang mga mata at napangiti s'ya ng makita, na ang kulay berde na mga mata nito ay puno ng kislap. "Tanya," paanas na tawag n'ya sa pangalan
SIMON BRIGGS... "Fvck! Is this true?" tanong n'ya kay Hunk ng ilapag nito sa kan'yang harapan ang mga papel kung saan ay naglalaman ng report tungkol kay Tanya. "Yeah!' Kibit-balikat na sagot ng lalaki sa kan'ya. Nagtagis ang kan'yang mga bagang at naikuyom n'ya ang kan'yang kamao habang nakatingin sa nakasulat sa mga papel na nagkalat sa kan'yang harapan. Tanya has been through a lot, kaya pala nakakaranas ito ng mga bangungot at parang palaging takot na takot lalo na kapag ginugulat. Her family was massacred and murdered by unknown people. And it's only Tanya survived ngunit dahil nasaksihan nito kung paano pinatay ang buong pamilya ay nagkaroon ito ng trauma at nakakaranas ng mga bangungot sa gabi. Parang pinipiga ang kan'yang puso habang binabasa ang report na nakalap ni Hunk. Hindi n'ya lubos maisip kung anong klaseng sakit at hirap ang pinagdaanan ng babae. "What's your plan?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang tanong ni Hunk. Nagbuga s'ya ng hangin at k
SIMON BRIGGS... Matapos n'yang makausap ang ina ay nagpaalam s'ya rito na kakausapin n'ya si Tanya para ipaalam dito ang kan'yang plano na pagtulong dito. Pabalik-balik s'ya ng lakad sa loob ng kan'yang kwarto. Kanina n'ya pa hinihintay si Tanya na umakyat sa taas. Pinatawag n'ya ito sa kanilang kasambahay pagkatapos nilang mag-usap ng ina. Hindi n'ya alam kung tama ang kan'yang gagawin ngunit ang alam n'ya lang ay ang makabubuti ito sa babae. Nang hindi pa rin umakyat si Tanya ay nagpasya na s'yang bumaba at s'ya na lang ang pupunta dito ngunit ng nasa tapat na s'ya ng pinto ay sunod-sunod na katok ang sumalubong sa kan'ya. Mabilis n'yang hinawakan ang seradura at binuksan iyon at bumungad sa kan'ya ang babae na may pag-alinlangan sa mukha. "S-Senyorito, may ipag-uutos ba kayo?" tanong nito sa kan'ya. Lihim s'yang napangiti ng marinig na hindi na s'ya pino "po" nito. "Ayaw n'ya yata sa halik ko," lihim na sabi n'ya sa sarili at ipinilig ang ulo para alisin ang mga iniisip na k
SIMON BRIGGS... "Damn it!" malutong na mura n'ya at mabilis na tinungga ang beer na hawak. Nasa bar sila ni Cowell kasama ang kan'yang mga pinsan. Nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan ngunit s'ya ay nagmumokmok sa gilid at hindi maipinta ang mukha. Pagkatapos nilang mag-usap ni Tanya at nasabi n'ya rito ang kan'yang ginawa ay bigla na lamang s'ya nitong iniwan sa kwarto at hindi na kinausap pa. "Looks like someone has a heart problem!" narinig n'yang sabi ni Ardian ngunit hindi n'ya ito pinansin. Hindi n'ya din napansin na hindi na pala nag-uusap ang kan'yang mga kasama at ang lahat ng tingin ay nasa kan'ya. Wala pa rin s'yang pakialam at nakatingin lang sa malayo habang mahigpit na nakahawak ang isang kamay sa lata ng beer. "Simon Briggs Carson! Are you ok dude?" malakas ang boses na tanong sa kan'ya ni Andrian. Doon pa s'ya at parang nahimasmasan at napatingin sa kan'yang mga pinsan. Lahat ay may nagtatanong na mga tingin sa mga mata ng mga ito maliban kay Charles na nakang
SIMON BRIGGS... Halos madaling araw na sila bago natapos ng mga pinsan. Kan'ya-kan'ya na silang sakay sa kanilang mga sasakyan para umuwi. Habang nagmamaneho ay naisip n'ya si Tanya at ang suggestion ng kan'yang mga pinsan kung paano n'ya mapapawi ang galit ni Tanya sa kan'ya. Kahit puro kalokohan ang mga ito ngunit naisip n'ya din na mukhang may sense naman ang kan'yang mga pinsan. Natatakot nga lang s'ya na baka mas magalit pa lalo sa kan'ya si Tanya o di kaya ay magkaroon ito ng trauma o ma trigger ang takot nito sa nangyari noon. Hindi pa malinaw ang lahat sa kan'ya kung anong klaseng pansasamantala ang naranasan ng dalaga sa kamay ng mga tao na pumatay sa mga magulang nito dahil agad-agad na umalis si Tanya matapos nitong malaman ang kan'yang ginawa. Ngunit kahit ano pa ang pinagdaanan nito ay walang magbabago sa kan'yang pakikitungo dito lalo na sa nararamdaman n'ya sa babae. There's no doubt, he is in love with Tanya. Kung ang mga nararamdaman n'ya ang kan'yang basehan ay
SIMON BRIGGS... Ilang minuto na naghinang ang kanilang mga labi ni Tanya. Hindi din s'ya pinigilan ng dalaga bagkus ay gumanti pa ito sa kanilang paghahalikan. Kaya naman ay mas lalo pa s'yang ginanahan na galingan ang paghalik dito. Nakatayo sila sa gitna ng silid at ng maisip na baka mangalay ang paa ni Tanya sa kakatayo ay dahan-dahan n'ya itong kinarga habang naghahalikan pa rin sila. Naglakad s'ya patungo sa kama at dahan-dahan na ibinaba si Tanya sa kama. Akala n'ya ay may mangyayari sa kanila ng higit pa sa kiss ngunit nagulat s'ya ng bigla s'yang itinulak ni Tanya at parang takot na takot itong nagsumiksik sa headboard ng kama. "H-Huwag kang lumapit! D'yan ka lang, maawa kayo sa akin! Maawa kayo sa akin," umiiyak na pagmamakaawa nito. Nagtagis ang kan'yang mga bagang ng makita ang takot na takot na hitsura ng babae. Ito ang ayaw n'ya na gagawin dahil may pakiramdam talaga s'ya na may mangyayari na hindi maganda kay Tanya. Hindi n'ya mapigilan ang magtagis ang bagang at ma
SIMON BRIGGS..."Anong balak mong gawin ngayon, Briggs?" tanong sa kan'ya ni Charles. Magkaharap silang tatlo ni Henry at Charles.Gusto n'yang gawin na mag-isa ang paghahanap sa mga tao na may atraso kay Tanya at sa pamilya nito ngunit alam n'ya sa kan'yang sarili na kailangan n'ya ang mga pinsan sa ganitong bagay kaya ayaw n'ya mang gambalain ang dalawa o idamay sa kan'yang problema ay wala s'yang choice."I'm going to the province where Tanya lived before," malamig na sagot n'ya sa pinsan. Sa tuwing naiisip n'ya ang nangyari sa babae ay hindi n'ya maiwasan ang kumulo ang dugo at mangalaiti sa galit."We're on it! Let's do this, Briggs," sagot ni Charles at mahinang sinuntok ang mesa. Nagpapasalamat s'ya sa kan'yang mga pinsan na palaging nand'yan para sa kan'ya o sa kahit sino sa kanila."When are we going?" seryoso naman ang boses na tanong ni Henry."In two days time. Kakausapin ko lang si Tanya at ipaalam sa kan'ya ang gagawin natin.""Pussy! Takot ka na magalit s'ya ulit sayo?