SIMON BRIGGS... "Damn it!" malutong na mura n'ya at mabilis na tinungga ang beer na hawak. Nasa bar sila ni Cowell kasama ang kan'yang mga pinsan. Nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan ngunit s'ya ay nagmumokmok sa gilid at hindi maipinta ang mukha. Pagkatapos nilang mag-usap ni Tanya at nasabi n'ya rito ang kan'yang ginawa ay bigla na lamang s'ya nitong iniwan sa kwarto at hindi na kinausap pa. "Looks like someone has a heart problem!" narinig n'yang sabi ni Ardian ngunit hindi n'ya ito pinansin. Hindi n'ya din napansin na hindi na pala nag-uusap ang kan'yang mga kasama at ang lahat ng tingin ay nasa kan'ya. Wala pa rin s'yang pakialam at nakatingin lang sa malayo habang mahigpit na nakahawak ang isang kamay sa lata ng beer. "Simon Briggs Carson! Are you ok dude?" malakas ang boses na tanong sa kan'ya ni Andrian. Doon pa s'ya at parang nahimasmasan at napatingin sa kan'yang mga pinsan. Lahat ay may nagtatanong na mga tingin sa mga mata ng mga ito maliban kay Charles na nakang
SIMON BRIGGS... Halos madaling araw na sila bago natapos ng mga pinsan. Kan'ya-kan'ya na silang sakay sa kanilang mga sasakyan para umuwi. Habang nagmamaneho ay naisip n'ya si Tanya at ang suggestion ng kan'yang mga pinsan kung paano n'ya mapapawi ang galit ni Tanya sa kan'ya. Kahit puro kalokohan ang mga ito ngunit naisip n'ya din na mukhang may sense naman ang kan'yang mga pinsan. Natatakot nga lang s'ya na baka mas magalit pa lalo sa kan'ya si Tanya o di kaya ay magkaroon ito ng trauma o ma trigger ang takot nito sa nangyari noon. Hindi pa malinaw ang lahat sa kan'ya kung anong klaseng pansasamantala ang naranasan ng dalaga sa kamay ng mga tao na pumatay sa mga magulang nito dahil agad-agad na umalis si Tanya matapos nitong malaman ang kan'yang ginawa. Ngunit kahit ano pa ang pinagdaanan nito ay walang magbabago sa kan'yang pakikitungo dito lalo na sa nararamdaman n'ya sa babae. There's no doubt, he is in love with Tanya. Kung ang mga nararamdaman n'ya ang kan'yang basehan ay
SIMON BRIGGS... Ilang minuto na naghinang ang kanilang mga labi ni Tanya. Hindi din s'ya pinigilan ng dalaga bagkus ay gumanti pa ito sa kanilang paghahalikan. Kaya naman ay mas lalo pa s'yang ginanahan na galingan ang paghalik dito. Nakatayo sila sa gitna ng silid at ng maisip na baka mangalay ang paa ni Tanya sa kakatayo ay dahan-dahan n'ya itong kinarga habang naghahalikan pa rin sila. Naglakad s'ya patungo sa kama at dahan-dahan na ibinaba si Tanya sa kama. Akala n'ya ay may mangyayari sa kanila ng higit pa sa kiss ngunit nagulat s'ya ng bigla s'yang itinulak ni Tanya at parang takot na takot itong nagsumiksik sa headboard ng kama. "H-Huwag kang lumapit! D'yan ka lang, maawa kayo sa akin! Maawa kayo sa akin," umiiyak na pagmamakaawa nito. Nagtagis ang kan'yang mga bagang ng makita ang takot na takot na hitsura ng babae. Ito ang ayaw n'ya na gagawin dahil may pakiramdam talaga s'ya na may mangyayari na hindi maganda kay Tanya. Hindi n'ya mapigilan ang magtagis ang bagang at ma
SIMON BRIGGS..."Anong balak mong gawin ngayon, Briggs?" tanong sa kan'ya ni Charles. Magkaharap silang tatlo ni Henry at Charles.Gusto n'yang gawin na mag-isa ang paghahanap sa mga tao na may atraso kay Tanya at sa pamilya nito ngunit alam n'ya sa kan'yang sarili na kailangan n'ya ang mga pinsan sa ganitong bagay kaya ayaw n'ya mang gambalain ang dalawa o idamay sa kan'yang problema ay wala s'yang choice."I'm going to the province where Tanya lived before," malamig na sagot n'ya sa pinsan. Sa tuwing naiisip n'ya ang nangyari sa babae ay hindi n'ya maiwasan ang kumulo ang dugo at mangalaiti sa galit."We're on it! Let's do this, Briggs," sagot ni Charles at mahinang sinuntok ang mesa. Nagpapasalamat s'ya sa kan'yang mga pinsan na palaging nand'yan para sa kan'ya o sa kahit sino sa kanila."When are we going?" seryoso naman ang boses na tanong ni Henry."In two days time. Kakausapin ko lang si Tanya at ipaalam sa kan'ya ang gagawin natin.""Pussy! Takot ka na magalit s'ya ulit sayo?
SIMON BRIGGS... "Para iyon lang, nag-aaway na kayo?" tanong ni Tanya sa kan'ya na ikinahaba ng kan'yang nguso. "Of course! Akin ka lang at hindi ka n'ya pwedeng tawagin na sweetheart o kahit na sino d'yan," ngitngit ang loob na sagot n'ya rito. Sa isip n'ya ay parang ayos lang dito na tinatawag na sweetheart ni Charles ngunit para sa kan'ya ay parang gusto n'ya ng pumatay ng tao. Akmang magsasalita pa ulit s'ya para magreklamo kay Tanya ngunit lumabas sa silid ng mga ito ang kan'yang ina at naabutan s'ya na sambakol ang mukha. "What's going on here, Briggs, Tanya?" sita ng ina sa kanila. Nakataas ang kilay nito habang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng dalaga. "Nothing mom," pagkaila n'ya rito ngunit not Tanya. "Tanya?" may banta na tawag ng ina sa pangalan ng babae. "K-Kasi senyora nag-aaway po sila ni sir Charles," pagsusumbong nito. Nagtagis ang kan'yang bagang dahil mukhang magigisa s'ya ng kan'yang mommy ng mga oras na iyon. "And why is that?" nakataas ang
SIMON BRIGGS... Agad-agad silang tumulak na magpinsan patungo sa probinsya kung saan nakatira si Tanya noon. Matapos n'yang magpaalam sa dalaga at makumbinsi ito sa kan'yang balak ay agad n'yang tinawagan si Henry at Charles. At hindi naman s'ya binigo ng mga pinsan dahil mabilis na dumating ang mga ito para samahan s'ya. Pagdating nila sa probinsya ay nagtanong-tanong sila kung saan ang bahay ng pamilya ni Tanya. May isang matanda na nagturo sa kanila at pinabulaanan pa sila na mag-ingat dahil madalas daw na nagmumulto ang pamilya na namatay sa bahay. Natawa pa si Charles ng marinig ang sinabi ng matanda sa kanila ngunit hindi iyon nagpapigil sa kan'ya na puntahan ang naturang lugar. At tama si Tanya sa kwento nito sa kan'ya. Malayo nga ang kinatitirikan ng bahay ng mga ito sa ibang naninirahan sa lugar na yon. Liblib na bahagi na iyon at may magilan-ngilan na mga bahay na nakatirik sa bahaging iyon ngunit napakalayo sa bahay nila ni Tanya. Nang sa wakas ay narating nila ang mis
SIMON BRIGGS... "Damn it! Mga putang'ina!" malutong na mura ni Charles ng makita ang bagay na tinitingnan n'ya. "They deserve to die, Briggs. Don't let them get away from this, do you understand?" igting ang mga panga na sabat naman ni Henry habang matalim ang mga tingin sa papag kung saan ay may nakatali na pinunit na kumot. "I won't! I will make them pay, bigtime!" nangangalaiti sa galit na sagot n'ya kay Henry. Parang nilalamukos ang puso n'ya sa tuwing sasagi sa kan'yang isip ang masakit na pinagdaanan ni Tanya. Naglibot pa sila sa buong bahay para maghanap ng ebedensya at ang lahat na nakuha nila ay inilagay nila sa isang zip bag para sa imbestigasyon. Gamit ang mga bagay na nakuha nila ay ma identify nila ang mga salarin dahil sigurado s'ya na may mga fingerprints silang makukuha sa mga bagay na nakita nila na posibling ginamit aa krimen. Pati ang kumot na ginamit na pantali kay Tanya ay dala n'ya rin. Masakit para sa kan'ya na makikita pa ang bagay na ito na s'yang nagpahi
SIMON BRIGGS... "Sino ka?" pasigaw na tanong ng kapitan sa kan'ya. "Ako ang puputol ng sungay mo! Hayop ka!" nangangalaiti sa galit na sagot n'ya rito at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang mesa ng lalaki. Mabilis na tumayo ang babae na kandong nito at tumakbo palabas kaya nagkaroon s'ya ng pagkakataon na maabot ang lalaki at mahawakan sa kwelyo ng suot nitong damit. Marahas n'ya itong hinablot at hinila patayo. Nakita n'ya ang gulat sa mga mata ng lalaki ngunit wala s'yang pakialam. Ang nasa isip n'ya ngayon ay ang paulanan ito ng suntok dahil sa ginawang pambabalewala at pagpapalayas kay Tanya sa lugar ng mga ito imbes na tulongan. "Briggs, calm down," saway sa kan'ya ni Henry ngunit hindi n'ya ito pinakinggan. "He deserves to beat to death, Henry!" nangangalaiti sa galit na sagot n'ya sa pinsan. "T-Teka! Anong kasalanan ko sa inyo? Hindi ko kayo kilala!"pagpupumiglas na sabi ng lalaki sa kan'ya ngunit hindi n'ya ito binitawan bagkus ay mas lalo pang hinigpitan ang pagkak