SIMON BRIGGS... "Sino ka?" pasigaw na tanong ng kapitan sa kan'ya. "Ako ang puputol ng sungay mo! Hayop ka!" nangangalaiti sa galit na sagot n'ya rito at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang mesa ng lalaki. Mabilis na tumayo ang babae na kandong nito at tumakbo palabas kaya nagkaroon s'ya ng pagkakataon na maabot ang lalaki at mahawakan sa kwelyo ng suot nitong damit. Marahas n'ya itong hinablot at hinila patayo. Nakita n'ya ang gulat sa mga mata ng lalaki ngunit wala s'yang pakialam. Ang nasa isip n'ya ngayon ay ang paulanan ito ng suntok dahil sa ginawang pambabalewala at pagpapalayas kay Tanya sa lugar ng mga ito imbes na tulongan. "Briggs, calm down," saway sa kan'ya ni Henry ngunit hindi n'ya ito pinakinggan. "He deserves to beat to death, Henry!" nangangalaiti sa galit na sagot n'ya sa pinsan. "T-Teka! Anong kasalanan ko sa inyo? Hindi ko kayo kilala!"pagpupumiglas na sabi ng lalaki sa kan'ya ngunit hindi n'ya ito binitawan bagkus ay mas lalo pang hinigpitan ang pagkak
SIMON BRIGGS... "Naalala mo na ang ginawa mo?" "H-Hindi! Wala akong ginawa na mali sa pamilya Garcia. Mga taong bayan ang nagpalayas sa anak ni Tony dahil manganganib ang buhay ng ibang residente dito kung mananatili sila dito," kaila nito ngunit hindi s'ya naniniwala. "Sila? Eh alam mo sa sarili mo na nag-iisa na lang si Tanya na naiwan ng mga pinatay n'yang pamilya. Humingi s'ya ng tulong at nagmakaawa sa inyo pero anong ginawa mo? Binalewala mo s'ya, hindi tinulongan at ang malala ay pinirmahan mo ang reklamo ng mga tao dito na palayasin s'ya," galit na singhal n'ya sa lalaki. Nakita n'ya na ilang beses itong napalunok ng laway at nag-iwas ng tingin sa kanila. "P-Pinoprotektahan ko lang ang mga tao sa lugar na ito," nauutal na sagot nito. Sa sinabi nito ay mabilis n'yang tinawid ang kanilang pagitan at inundayan ng suntok ang mukha nito. "Idiot!" galit na galit na singhal n'ya sa lalaki. Ang lakas ng loob nito na sabihin na pinoprotektahan nito ang mga tao sa lugar kung ang is
SIMON BRIGGS... Pagkatapos ng gulo sa barangay hall ay dinala nila ang kapitan na panay pa ang alma ngunit wala namang magagawa sa kanila. Wala na silang alalahanin pa dahil nakahanda na pala ang lahat para dito bago pa sila lumusob kanina. Talagang maasahan n'ya itong si Charles kahit pa na medyo may saltik lang ang utak minsan. "Saan natin dadalhin ang taong ito?" tanong n'ya sa dalawa ng makasampa sa kanilang sasakyan na dala. "Sa lugar kung saan ay tayo ang batas, Briggs," nakangising tugon ni Charles sa kan'ya. Napailing na lamang s'ya sa narinig mula sa pinsan. Nasa likod ang kanilang dala na lalaki at katabi si Henry na tahimik lang. Hindi katulad ng iba nilang mga pinsan na magulo at maingay, Henry is like Brook. Tahimik at madalas ay seryoso ngunit kapag nagalit ay nakakatakot. Henry is associated with the El Frio dahil sa asawa nito na isang El Frio. At alam ng lahat kung anong klaseng pamilya mayroon ang mga El Frio at madalas ay nasa likod ito ni Henry kapag kailang
SIMON BRIGGS..."What is your plan now?" tanong sa kan'ya ni Henry. Nasa bar sila ng kanilang hideout at si Charles ay naiwan sa silid ng tao na dala nila.Pinalabas s'ya ni Henry dahil baka mapatay n'ya daw ang lalaki kung nagtagal pa s'ya sa loob. Itinuro nito ang anak ng mayor sa bayan ng mga ito na s'yang mastermind sa lahat ng nangyari.FLASHBACK..."Ang anak ni mayor, s'ya ang mastermind. Gusto n'ya si Tanya ngunit hindi para gawing kasintahan kundi para gawing laruan at parausan. Adik ang anak ni mayor at marami ng mga babae sa lugar namin ang nabiktima. Kaya ko sinunod ang gusto n'ya kapalit ng hindi nito pagkuha sa mga anak ko na babae. Pinoprotektahan ko lang ang pamilya ko kaya ko nagawa ang bagay na yon," kwento ng matanda ngunit hindi s'ya naniniwala rito."Punyeta! Pinoprotektahan mo ang mga anak mo pero pinahamak mo naman ang ibang tao!" Alam nila kung ano ang mga hindi magandang nagawa ng taong kaharap nila sa mga mamayan sa barangay na pinamumunoan nito kaya malabo
SIMON BRIGGS... "Damn! Sa tinagal-tagal na pag-upo ng mayor na to sa pwesto wala talagang may nakasilip sa mga kabulokan na pinagagawa nito?" si Charles na s'yang nasa harapan ng computer. "What do you have there?" tanong ni Henry sa pinsan. Pareho silang nakaupo na dalawa sa visitor's chair sa harapan ng mesa kung saan ay nagtatrabaho si Charles. Nag-iimbestiga sila ngayon at naghahalungkat ng mga baho ng naturang mayor para magamit nila sa anak nito. Pati na ang mga kasama nito na pumaslang sa pamilya ni Tanya ay iniisa-isa nila. Ang kanilang bihag ay nakakulong na ngayon sa kulongan. Sa tulong ng mga ebedensya na nakalap ni Charles laban dito ay patong-patong na kaso ang isinampa sa kapitan. Unti-unti n'ya ng nabibigyan ng hustisya ang nangyari sa pamilya ni Tanya. Makakamit na din ng dalaga sa wakas ang nararapat na hustisya para dito at sa pamilya na walang awa na pinatay. "Drug smuggling, human trafficking, illegal car dealer at marami pang iba. Lahat ng proyekto nito sa b
SIMON BRIGGS...Sunod-sunod na pananalakay ang ginawa nilang tatlo ni Henry at Charles sa mga nakalista na involved sa nangyari.Lahat ay nasa kustodiya na ng mga otoridad at ang anak na lang ng mayor ang natira. Nakatunog na ito na huhulihin ngunit sinigurado na nila na hindi ito makakalabas ng bansa sa kahit na anong paraan.May mga nakabantay sa lahat ng mga daan at pati na sa mga airport at pyer. Nang malaman nito na hinahanap nila ito ay agad na nagtago ang lalaki kaya ito ang hindi pa nila nahuhuli."What do you think, Briggs?" tanong ni Henry sa kan'ya ng ipakita ang lugar kung saan ay pinaghihinalaan nila na nagtatago ang huling suspek."Let's try this one," sagot n'ya rito at nauna ng tumayo para umalis. Susunod naman ang dalawa at lulan ng sariling helicopter ay bumiyahe sila patungo sa lugar.Nasa liblib ito na lugar at halos walang tao na nakatira. At dahil helicopter ang gamit nila ay makikita nila mula sa taas kung ano ang mayroon sa baba.Ilang minuto silang naglilibot
SIMON BRIGGS... "Bitawan n'yo ako! Hindi n'yo ba ako kilala?" pagmumumiglas ng lalaki na s'yang hawak-hawak ni Charles at nakaposas sa likod ang parehong kamay. Hindi biro ang naganap na putokan sa naturang powerplant bago nila nahuli ang kanilang hinanap na tao. At maliban sa mga patong-patong na ebedensya na nakuha nila ay marami pang kaso ang naghihintay sa lalaki at ngayon pa lang ay sigurado na s'ya na mabubulok ito sa kulongan habangbuhay. At hindi n'ya rin hahayaan na makakaiwas ito sa batas at sa kaukolan na parusa. Nangako s'ya kay Tanya na makakamit nito ang hustisya para sa pamilya at ibibigay n'ya iyon sa dalaga. "Who says na hindi ka namin kilala? C'mon idiot! Bago ka pa namin nahuli ay kilalang-kilala ka na namin mula ulo hanggang paa kaya sinasabi ko sayo na wala ka ng kawala sa batas ngayon," singhal ni Charles dito. "Nagpapatawa ka ba? Anong batas ang pinagsasabi mo? Kami ang batas at walang pwedeng kumanti sa amin," nakangising sagot nito kay Charles ngunit agad
SIMON BRIGGS... Ilang minuto na silang nakahiga sa kama ni Tanya habang magkayakap. Walang gustong bumitaw sa kanilang dalawa lalo na s'ya na mahigpit na nakapalibot ang mga braso sa bewang ng dalaga. Ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganitong klase ng pangungulila. Gustong-gusto n'ya ang init na nararamdaman mula sa katawan ni Tanya at ang natural na amoy nito na walang bahid ng kahit na anong pabango. "Do you miss me?" pabulong na tanong n'ya rito. "O-Oo," nahihiya ngunit tapat na sabi ng dalaga. At nakaramdam s'ya ng ibayong saya ng malaman na na miss din s'ya nito. "I miss you more baby. Walang araw na hindi kita naaalala at walang araw na hindi ako nangungulila sayo," malamyos ang boses na sabi n'ya rito. Masuyo n'yang sinusuklay ng kan'yang mga daliri ang malambot na buhok ni Tanya. Nakaunan ito sa kan'yang braso at nakaharap ang mukha sa kan'yang dibdib. Ang mainit na hininga nito ay tumatama sa kan'yang dibdib na nagbigay ng magandang pakiramdam sa kan'ya. "Masaya ako na