SIMON BRIGGS... "Bitawan n'yo ako! Hindi n'yo ba ako kilala?" pagmumumiglas ng lalaki na s'yang hawak-hawak ni Charles at nakaposas sa likod ang parehong kamay. Hindi biro ang naganap na putokan sa naturang powerplant bago nila nahuli ang kanilang hinanap na tao. At maliban sa mga patong-patong na ebedensya na nakuha nila ay marami pang kaso ang naghihintay sa lalaki at ngayon pa lang ay sigurado na s'ya na mabubulok ito sa kulongan habangbuhay. At hindi n'ya rin hahayaan na makakaiwas ito sa batas at sa kaukolan na parusa. Nangako s'ya kay Tanya na makakamit nito ang hustisya para sa pamilya at ibibigay n'ya iyon sa dalaga. "Who says na hindi ka namin kilala? C'mon idiot! Bago ka pa namin nahuli ay kilalang-kilala ka na namin mula ulo hanggang paa kaya sinasabi ko sayo na wala ka ng kawala sa batas ngayon," singhal ni Charles dito. "Nagpapatawa ka ba? Anong batas ang pinagsasabi mo? Kami ang batas at walang pwedeng kumanti sa amin," nakangising sagot nito kay Charles ngunit agad
SIMON BRIGGS... Ilang minuto na silang nakahiga sa kama ni Tanya habang magkayakap. Walang gustong bumitaw sa kanilang dalawa lalo na s'ya na mahigpit na nakapalibot ang mga braso sa bewang ng dalaga. Ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganitong klase ng pangungulila. Gustong-gusto n'ya ang init na nararamdaman mula sa katawan ni Tanya at ang natural na amoy nito na walang bahid ng kahit na anong pabango. "Do you miss me?" pabulong na tanong n'ya rito. "O-Oo," nahihiya ngunit tapat na sabi ng dalaga. At nakaramdam s'ya ng ibayong saya ng malaman na na miss din s'ya nito. "I miss you more baby. Walang araw na hindi kita naaalala at walang araw na hindi ako nangungulila sayo," malamyos ang boses na sabi n'ya rito. Masuyo n'yang sinusuklay ng kan'yang mga daliri ang malambot na buhok ni Tanya. Nakaunan ito sa kan'yang braso at nakaharap ang mukha sa kan'yang dibdib. Ang mainit na hininga nito ay tumatama sa kan'yang dibdib na nagbigay ng magandang pakiramdam sa kan'ya. "Masaya ako na
TANYA CAMILLE... She was an orphan! No parents, no siblings, no family. Wala s'yang ideya kung ano ang mangyayari sa buhay n'ya pagkatapos ng mga masasakit na nangyari sa kan'yang buhay. Pinatay ang kan'yang mga magulang at kapatid sa harapan n'ya mismo at pinagsamantalahan s'ya ng mga lalaki na pumasok sa bahay nila. Sa isang malayong probinsya sila nakatira at malayo sa mga kapitbahay. Pagsasaka, pagtatanim ng gulay at pag-aalaga ng mga hayop ang ikinabubuhay nilang pamilya at masaya sila kahit sa simpling buhay na mayroon sila. Hindi man sila sagana sa materyal na bagay ngunit kuntento sila at masaya sa buhay. Tahimik silang naninirahan sa lugar na kinalakhan n'ya ngunit nagulo ang kan'yang buhay ng bigla na lamang may mga lalaki na lumusob sa kanilang bahay at pinagbabaril ang kan'yang mga magulang. She was terrified and scared at the same time. Idagdag pa ang mga lalaki na nagpakasasa sa paghawak sa kan'yang katawan. That was the most horrible and disgusting thing that happen
SIMON BRIGGS... "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong sa kan'ya ni Tanya ng makapasok sila sa sasakyan. Kanina pa ito nagtatanong sa kan'ya ngunit tanging pagngiti lamang ang kan'yang sagot dito. May binabalak s'ya na gagawin ngayong araw at pinaghandaan n'ya ito para maging memorable sa kanila pareho ang araw na ito. "Relax, ok? Malalaman mo mamaya pagdating natin sa pupuntahan natin," nakangiti na sagot n'ya rito at hinawakan ang isang kamay nito habang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi n'ya binitawan ang kamay ni Tanya at hindi naman ito umangal. "Baka hahanapin ako ni senyora," may pag-alala sa boses na sabi ng dalaga. Pinisil n'ya ang palad nito at bahagya itong tinapuna ng tingin bago ibinalik sa kalsada ang kan'yang tingin. "Don't worry about mom. Ipinagpaalam kita sa kan'ya kanina." "Anong sinabi mo sa kan'ya? Sigurado ka ba na hindi s'ya magagalit?" naniniguradong tanong n'ya rito. "Hmmm! Mukhang nagalit s'ya pero very-very light lang naman," pilyong sagot n'ya rito. Ag
TANYA CAMILLE... Pinagbihis s'ya ni Simon dahil may pupuntahan daw sila. Hindi naman ito nagsasabi kung saan sila pupunta at puro ngiti lang ang sagot ng binata sa kan'ya. At dahil wala namang balak na sagutin ni Simon ang kan'yang tanong ay mas pinili n'ya na lang ang matulog sa byahe. At ginising lamang s'ya nito ng makarating na sila sa lugar. Noong una ay nagtataka pa s'ya kung nasaan sila ngunit ng makita n'ya ang paligid ng lugar na kinaroroonan nila ay ganon na lang ang kan'yang pagkamangha. Naramdaman n'ya ang pagpulupot ng mga braso ni Simon sa kan'yang bewang ngunit ang kan'yang atensyon ay nasa ganda ng paligid. "Ang ganda!" hindi napigilan na puri n'ya habang inilibot ang tingin sa buong lugar. "Do you like it?" malambing na tanong ni Simon sa kan'ya habang inilagay ang baba nito sa kan'yang balikat. "Ang ganda, sobra! Oo! Nagustohan ko dito, Simon. Dito ba tayo mamamasyal?" exited na tanong n'ya rito. "Nope! Dito tayo mag stay buong gabi, how was that?" sagot ng bi
TANYA CAMILLE... "Come here! Sit with me," aya sa kan'ya ni Simon ng makapasok sila sa bahay. Nakakamangha ang ganda ng bahay ng binata ngunit hindi n'ya makuha ang mapuri ang ganda nito dahil ang isip n'ya ay nasa sinabi nito kanina ng paakyat silang dalawa. Lumapit s'ya sa lalaki at naupo sa tabi nito. Agad na hinawakan ni Simon ang kan'yang palad at pinisil iyon. "Bakit mukhang malungkot ka baby? Hindi mo ba gusto ang ibinalita ko sayo?" tanong ng binata. Umiling s'ya bilang tugon at agad na nagsalita. Nagulat lang s'ya sa ibinalita nito ngunit ang puso n'ya ay napakasaya dahil sa wakas ay nakamit n'ya na ang hustisya na hinahangad n'ya para sa kan'yang pamilya. "Masaya ako Simon, masaya ako na nahuli na ang mga taong pumatay sa mga magulang at kapatid ko. Nagulat lang ako at hindi ko inaasahan na makakamit ko pa ang hustisya para sa kanila," naiiyak na sagot n'ya rito. Malamlam ang mga tingin na ibinigay sa kan'ya at masuyong hinaplos ang kan'yang pisngi. "You deserve everyt
TANYA CAMILLE... Kanina pa s'ya iwas ng iwas ng tingin kay Simon na walang damit at tanging short lang ang suot habang nag-iihaw ng pagkain nila. Nasa harapan sila ng bahay nito kung saan ay kitang-kita ang buong syudad sa baba. May mesa na gawa sa semento sa labas at mga upoan at sa tabi nito ay mayroong ihawan kung saan ay nakatayo ang lalaki habang seryoso ang mukha na nagpapaypay sa iniihaw nito. Lihim n'yang nakagat ang kan'yang labi at hindi mapigilan ang mapalunok ng laway ng paulit-ulit. Parang may kung anong pakiramdam sa kan'yang loob ang binuhay ni Simon. "Staring is rude baby!" napapiksi s'ya ng marinig ang boses nito. At nagsalubong ang kan'yang kilay ng makita na hindi naman ito nakatingin sa kan'ya ngunit alam nito na kanina pa hindi maalis sa katawan ng lalaki ang kan'yang mga mata. "H-Hindi ah!" nauutal na pagkaila n'ya. Mahina itong natawa at napailing ngunit ang atensyon ay nasa mga iniihaw pa rin. "Sabi mo eh!" pakikisakay nito ngunit hindi naman kumbinsido a
TANYA CAMILLE... Hindi n'ya alam kung paano sila napunta ni Simon sa isang sofa na nasa labas din ng bahay nito. Hindi n'ya ito napansin kanina ngunit malapit lang din ito sa pinag-ihawan nila. Namalayan n'ya na lang na nakaupo na s'ya sa malambot na sofa habang ang binata ay nasa ibabaw n'ya at mapusok silang naghahalikan na dalawa. Dalang-dala na s'ya sa halik at haplos ni Simon ng mga oras na iyon at nakalimutan n'ya saglit kung nasaan silang dalawa. Ang kan'yang isip ay nasa ginagawa at pinagsaluhan lang nilang dalawa ng binata. Nang magsawa sa kan'yang labi si Simon ay bumaba ang mga halik nito sa kan'yang leeg at hindi n'ya na naman napigilan ang pag-alpas ng isang ungol sa kan'yang labi ng s!psipin nito ang kan'yang balat sa leeg. Itinaas n'ya din ang kan'yang ulo para mabigyang laya ang binata sa ginagawa nito. Ang kan'yang dalawang kamay ay nakasabunot sa buhok ng lalaki at hindi man lang alintana ng binata ang sakit. "Ohhhhhh!" malakas na ungol n'ya ng damhin ni Simon