TANYA CAMILLE... "I wanted to continue pero natatakot ako na baka ma trigger ko ang nangyari sayo noon. I'm sorry baby kung hindi ko napigilan ang sarili. I lost my mind pagdating sayo," paos ang boses na paghingi ng paumanhin ng binata. Natigil kasi ito bigla at parang nahimasmasan. Ganon din s'ya na nawala sa sarili dahil sa pinagagawa nilang dalawa ni Simon at nakalimutan n'ya ang lahat. Muntik ng may nangyari sa kanila at mabuti na lang at may control pa kahit papaano sa katawan nito si Simon. Ito na mismo ang pumutol sa mainit na nagaganap sa kanilang dalawa. At dahil nahimasmasan na s'ya ay ganon na lang ang kan'yang pagkapahiya at pamumula ng pisngi ng maalala kung paano s'ya nagpaubaya sa binata kanina. "Hey! Are you mad at me?" nag-aalala ang boses na tanong nito. Tipid s'yang ngumiti kay Simon ngunit sa loob-loob n'ya ay katakot-takot na ngiwi ang kan'yang ginawa. "H-Hindi ah! Nagpapasalamat nga ako sayo dahil nagawa mong pigilan ang sarili mo. Pasensya ka na Simon, naw
SIMON BRIGGS... Nagulat s'ya ng may bagay na tumama sa kan'yang mukha. At nang silipin n'ya ang bagay na iyon ay ganon na lang ang kan'yang pagmumura ng makita na isang tsinelas ang tumama sa mukha n'ya. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin at naabutan si Charles na nakangisi habang nakatingin sa kan'ya. "Fvck you!" singhal n'ya sa pinsan. "Gago! Magpasalamat ka sa akin dahil iniligtas kita sa sakit mo!" "Anong sakit?" nagtatakang tanong n'ya sa lalaki. Nasa kompanya silang dalawa dahil may inaasikaso silang mga shipment. Pagkauwi nila ni Tanya galing sa kan'yang rest house ay agad s'yang nagtrabaho dahil ilang araw na lang ay babalik na s'ya sa kampo. Kaya magkasama silang dalawa ni Charles ngayon dahil katulad n'ya ay babalik na din ito sa trabaho nila. "Sakit sa utak! Para kang tanga na nakangiti habang malayo ang tingin. Nakakasuka talaga kayo kapag ma-inlove. Yuck!" buska nito sa kan'ya. Hindi n'ya man lang namalayan na nakangiti na pala s'ya habang nagbabalik tanaw sa nangy
TANYA CAMILLE... Nagtutupi s'ya ng mga damit ni Simon ng dumating ito. At hindi n'ya inaasahan ang agad na tanong nito sa kan'ya. Wala s'yang ideya sa tinatawag nila na proposal ngunit sa tanong ni Simon ay napagtanto n'ya na inaaya s'ya nitong magpakasal. Hindi agad s'ya nakahuma at awang ang mga labi na nakatingin sa binata na mariin din na nakatingin sa kan'ya at hinihintay ang kan'yang sagot. Nanatili pa s'ya ng ilang segundo sa pagkakatulala bago nahimasmasan. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at natataranta na nagsalita. "T-Teka lang, anong sinabi mo?" gulat na tanong n'ya rito. "Ahmmmm! I'm asking you if you could be my wife? Please!" pakiusap nito sa kan'ya. At sa ikalawang pagkakataon ay ganon pa rin ang kan'yang naging reaction. Awang ang mga labi at hindi nakahuma ng ilang segundo. "I'm sorry baby, I shouldn't ask you this way. Nagulat ba kita? I think, I will ask you again some other ti—," "No! Ang ibig kong sabihin— oo..., gusto kong maging asawa mo, Simon. Gusto ko!"
SIMON BRIGGS... He is an asshole for proposing Tanya without a ring. Kung hindi pa s'ya sinita ng kan'yang ina ay hindi n'ya pa naalala na wala pala s'yang inihanda na singsing para sa babae. At ngayon ay para s'yang natuklaw ng ahas ng sitahin s'ya ng kan'yang mommy for not having a ring for Tanya. Napakamot s'ya sa kan'yang ulo at nagpapaawa na tumingin kay Tanya. "B-Baby, I'm sorry, I forgot the ring," paghingi n'ya ng paumanhin sa kasintahan. Ginagap nito ang kan'yang palad at ang isang libreng kamay ay itinaas at hinaplos ng kan'yang pisngi. "Ano ka ba! Ayos lang yon, hindi ko naman kailangan ang singsing, Simon. Ikaw ang mahalaga sa akin at kahit walang singsing ay tatanggapin ko pa rin ang magiging asawa mo. Mahal na mahal kita at alam ko na mahal mo rin ako at iyon lang ang kailangan ko," nakangiti na sabi ni Tanya sa kan'ya. Parang may mainit na mga palad ang humaplos sa kan'yang puso ng mga oras na iyon. Napakaswerte n'ya sa babae. Napakabait nito, maganda ang kalooban,
TANYA CAMILLE... Pagkatapos ng purian nila ni Simon ay umalis na silang dalawa. Sakay ng sasakyan ay bumiyahe sila ngunit hindi n'ya alam kung saan sila pupunta. "Saan tayo pupunta?" tanong n'ya sa lalaki ng hindi makatiis. "Hmmmm! I will bring my baby out for dinner," nakangiti na sagot ng binata sa kan'ya. Hawak nito ang kan'yang kamay na isa habang nagmamaneho. Wala sa sarili na napatingin s'ya sa magkahugpong nilang mga palad ni Simon at doon n'ya lang napagtanto na parang hinulma ang kanilang kamay para sa isat-isa. Perpekto ang pagkakahugpong nito at parang itinadhana talaga sila para sa isat-isa. "What are you thinking, baby?" nakangiti na tanong nito sa kan'ya ng balingan s'ya saglit ng tingin at agad ding ibinalik sa kalsada ang mga mata. "Hmmmm! Naisip ko lang, bagay na bagay ang mga palad natin—," "Because we are meant to be, baby. Ikaw ay para sa akin at ako ay para sayo,hmmmm!" putol nito sa kan'yang gustong sabihin. "Ngayon ko lang napansin na may pagka korny ka
SIMON BRIGGS... Nagulat s'ya ng biglang may tumawag sa kan'ya ngunit mas nagulat s'ya ng makilala kung sino ito. Agad na nagtagis ang kan'yang mga bagang at hinapit palapit sa kan'yang katawan si Tanya. "Briggs, hi! How are you? It's been a while, Briggs, kamusta ka na?" malapad ang ngiti at sunod-sunod na tanong ng babae. Mas lalong tumindi ang pag-igting ng kan'yang mga panga sa inasal nito. Parang wala lang itong nagawa na kasalanan kung makapagtanong sa kan'ya. "What are you doing here, Nyla?" malamig ang boses na tanong n'ya sa babae. Itinaas nito ang kamay at akmang hahaplusin ang kan'yang pisngi ngunit mabilis na kumilos ang kan'yang kamay at tinabig ang palad ng babae. "Don't touch me!" mahina ngunit may diin na sabi n'ya sa babae. "Oh, c'mon, Briggs! Hindi ka pa rin ba nakaka- move on? Look! I'm sorry, ok? Matagal na yon, kalimutan na natin ang nangyari. We are still friends, right?" matamis ang ngiti na tanong nito sa kan'ya at binalewala ang kan'yang malamig na trato
SIMON BRIGGS... Pumasok sila sa silid na pina reserve n'ya at inalalayan n'ya si Tanya na makaupo. Maya-maya lang ay sunod-sunod na pumasok ang mga staff ni Chuck at may bitbit na mga pagkain. Inilapag ng mga ito sa mesa ang mga dala at pagkatapos ay umalis din ang mga ito. Agad s'yang nagsandok ng pagkain at nilagyan ang plato ni Tanya. "Eat up baby," s'ya rito ngunit hindi ito gumalaw. Nakatingin lang ito sa pagkain at hindi nagsasalita. "Baby?" tawag n'ya rito ngunit walang tugon mula sa kasintahan. "Tanya!" tawag n'ya ulit dito. Para naman itong nagising mula sa mahimbing na pagtulog na nag-angat ng ulo at pilit na ngumiti ngunit nakikita n'ya sa mga mata ng dalaga ang takot at pag-aalala. "What's wrong? Are you ok?" "Ha? A-Ah oo, ayos lang ako," natatarantang sagot nito sa kan'ya at pilit na ngumiti ngunit alam n'ya sa kan'yang sarili na hindi ito ok. "I don't think so! Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang bumabagabag sa isip ko, baby?" malambing na pakiusap n'ya k
TANYA CAMILLE... Sumama s'ya sa mayordoma ng mga Carson ng araw na iyon para mag grocery. Wala naman s'yang gagawin sa bahay ng mga ito dahil inabisohan na s'ya ng ina ni Simon na huwag ng magtrabaho bilang katulong. Nakaramdam tuloy s'ya ng hindi matatawarang hiya sa mga magulang ng lalaki. Nagbuga s'ya ng hangin at kinalma ang sarili. Naalala n'ya na naman ang gabing nag date silang dalawa ni Simon. Noong gabi na nakita nila sa restaurant ang ex nito. Inaamin n'ya na natatakot s'ya at nababahala ngunit sinigurado ng binata na s'ya lang at hindi na ito babalik pa sa ex na nakita nila. "Tanya, ayos ka lang?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang tanong ng mayordoma ng mga Carson na katabi n'ya sa upoan. Nilingon n'ya ito at tipid na ngumiti. "Ayos lang po ako nay," magalang na sagot n'ya rito. "May bumabagabag ba sayo, Tanya? Pasensya ka na kung nagtanong ako sayo, nakikita ko kasi na parang hindi ka mapakali!" "W-Wala naman po! Naisip ko lang na parang hindi ak