SIMON BRIGGS... He is an asshole for proposing Tanya without a ring. Kung hindi pa s'ya sinita ng kan'yang ina ay hindi n'ya pa naalala na wala pala s'yang inihanda na singsing para sa babae. At ngayon ay para s'yang natuklaw ng ahas ng sitahin s'ya ng kan'yang mommy for not having a ring for Tanya. Napakamot s'ya sa kan'yang ulo at nagpapaawa na tumingin kay Tanya. "B-Baby, I'm sorry, I forgot the ring," paghingi n'ya ng paumanhin sa kasintahan. Ginagap nito ang kan'yang palad at ang isang libreng kamay ay itinaas at hinaplos ng kan'yang pisngi. "Ano ka ba! Ayos lang yon, hindi ko naman kailangan ang singsing, Simon. Ikaw ang mahalaga sa akin at kahit walang singsing ay tatanggapin ko pa rin ang magiging asawa mo. Mahal na mahal kita at alam ko na mahal mo rin ako at iyon lang ang kailangan ko," nakangiti na sabi ni Tanya sa kan'ya. Parang may mainit na mga palad ang humaplos sa kan'yang puso ng mga oras na iyon. Napakaswerte n'ya sa babae. Napakabait nito, maganda ang kalooban,
TANYA CAMILLE... Pagkatapos ng purian nila ni Simon ay umalis na silang dalawa. Sakay ng sasakyan ay bumiyahe sila ngunit hindi n'ya alam kung saan sila pupunta. "Saan tayo pupunta?" tanong n'ya sa lalaki ng hindi makatiis. "Hmmmm! I will bring my baby out for dinner," nakangiti na sagot ng binata sa kan'ya. Hawak nito ang kan'yang kamay na isa habang nagmamaneho. Wala sa sarili na napatingin s'ya sa magkahugpong nilang mga palad ni Simon at doon n'ya lang napagtanto na parang hinulma ang kanilang kamay para sa isat-isa. Perpekto ang pagkakahugpong nito at parang itinadhana talaga sila para sa isat-isa. "What are you thinking, baby?" nakangiti na tanong nito sa kan'ya ng balingan s'ya saglit ng tingin at agad ding ibinalik sa kalsada ang mga mata. "Hmmmm! Naisip ko lang, bagay na bagay ang mga palad natin—," "Because we are meant to be, baby. Ikaw ay para sa akin at ako ay para sayo,hmmmm!" putol nito sa kan'yang gustong sabihin. "Ngayon ko lang napansin na may pagka korny ka
SIMON BRIGGS... Nagulat s'ya ng biglang may tumawag sa kan'ya ngunit mas nagulat s'ya ng makilala kung sino ito. Agad na nagtagis ang kan'yang mga bagang at hinapit palapit sa kan'yang katawan si Tanya. "Briggs, hi! How are you? It's been a while, Briggs, kamusta ka na?" malapad ang ngiti at sunod-sunod na tanong ng babae. Mas lalong tumindi ang pag-igting ng kan'yang mga panga sa inasal nito. Parang wala lang itong nagawa na kasalanan kung makapagtanong sa kan'ya. "What are you doing here, Nyla?" malamig ang boses na tanong n'ya sa babae. Itinaas nito ang kamay at akmang hahaplusin ang kan'yang pisngi ngunit mabilis na kumilos ang kan'yang kamay at tinabig ang palad ng babae. "Don't touch me!" mahina ngunit may diin na sabi n'ya sa babae. "Oh, c'mon, Briggs! Hindi ka pa rin ba nakaka- move on? Look! I'm sorry, ok? Matagal na yon, kalimutan na natin ang nangyari. We are still friends, right?" matamis ang ngiti na tanong nito sa kan'ya at binalewala ang kan'yang malamig na trato
SIMON BRIGGS... Pumasok sila sa silid na pina reserve n'ya at inalalayan n'ya si Tanya na makaupo. Maya-maya lang ay sunod-sunod na pumasok ang mga staff ni Chuck at may bitbit na mga pagkain. Inilapag ng mga ito sa mesa ang mga dala at pagkatapos ay umalis din ang mga ito. Agad s'yang nagsandok ng pagkain at nilagyan ang plato ni Tanya. "Eat up baby," s'ya rito ngunit hindi ito gumalaw. Nakatingin lang ito sa pagkain at hindi nagsasalita. "Baby?" tawag n'ya rito ngunit walang tugon mula sa kasintahan. "Tanya!" tawag n'ya ulit dito. Para naman itong nagising mula sa mahimbing na pagtulog na nag-angat ng ulo at pilit na ngumiti ngunit nakikita n'ya sa mga mata ng dalaga ang takot at pag-aalala. "What's wrong? Are you ok?" "Ha? A-Ah oo, ayos lang ako," natatarantang sagot nito sa kan'ya at pilit na ngumiti ngunit alam n'ya sa kan'yang sarili na hindi ito ok. "I don't think so! Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang bumabagabag sa isip ko, baby?" malambing na pakiusap n'ya k
TANYA CAMILLE... Sumama s'ya sa mayordoma ng mga Carson ng araw na iyon para mag grocery. Wala naman s'yang gagawin sa bahay ng mga ito dahil inabisohan na s'ya ng ina ni Simon na huwag ng magtrabaho bilang katulong. Nakaramdam tuloy s'ya ng hindi matatawarang hiya sa mga magulang ng lalaki. Nagbuga s'ya ng hangin at kinalma ang sarili. Naalala n'ya na naman ang gabing nag date silang dalawa ni Simon. Noong gabi na nakita nila sa restaurant ang ex nito. Inaamin n'ya na natatakot s'ya at nababahala ngunit sinigurado ng binata na s'ya lang at hindi na ito babalik pa sa ex na nakita nila. "Tanya, ayos ka lang?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang tanong ng mayordoma ng mga Carson na katabi n'ya sa upoan. Nilingon n'ya ito at tipid na ngumiti. "Ayos lang po ako nay," magalang na sagot n'ya rito. "May bumabagabag ba sayo, Tanya? Pasensya ka na kung nagtanong ako sayo, nakikita ko kasi na parang hindi ka mapakali!" "W-Wala naman po! Naisip ko lang na parang hindi ak
SIMON BRIGGS... Nang magising s'ya at agad n'yang hinanap si Tanya ngunit hindi n'ya ito nakita kaya naman ay agad s'yang bumaba para hanapin ito ngunit wala din ang babae at ayon sa kanilang isang kasambahay ay sumama ito sa kanilang mayordoma sa palengke. Nang marinig ang sinabi ng kanilang katulong ay hindi na s'ya nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali s'yang bumalik sa taas at nagpalit ng damit. Kinuha n'ya ang susi ng sasakyan pagkatapos at umalis. Susundan n'ya s'ya Tanya sa palengke. Alam n'ya kung saan namamalengke ang kanilang mayordoma dahil minsan na s'yang naghatid dito sa pamamalengke at ito lang ang tanging palengke na pinuntahan nito. Mabilis ang kan'yang pagmamaneho kaya mabilis n'ya lang din na narating ang naturang palengke. Naghanap s'ya ng parkingan at ng may nakita ay agad n'yang ipinarada ang sasakyan at bumaba. Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at nahagip ng kan'yang tingin ang kanilang sasakyan na isa kaya sigurado s'ya na nandito pa ang mga ito. Naglakad s'
TANYA CAMILLE... Napakasaya n'ya at halos wala na s'yang mahihiling pa sa taas. Nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kan'yang pamilya at ang nangyari na din sa kan'ya. Binigyan s'ya ng trabaho noong mga panahon na walang-wala s'yang mapupuntahan at makakapitan at higit sa lahat ay binigyan s'ya ng lalaki na s'yang naging instrumento para maabot n'ya ang lahat ng tinatamasa n'ya ngayon. Masasabi n'ya na si Simon ang pinakamalaking biyaya na natanggap n'ya sa tanang buhay n'ya at habang buhay s'yang magpapasalamat sa binata dahil hindi s'ya nito iniwan ay pinabayaan. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa kan'ya at mga pinagdaanan n'ya ay tinanggap s'ya ng lalaki ng buong puso at hindi iniwan bagkus ay tinulongan na bumangon mula sa pagkakalugmok. "Tanya, iha, are you with me? Earth to our Tanya!" napapiksi s'ya ng marinig ang boses ng ina ni Simon. Nakagat n'ya ang kan'yang labi at nanghihingi ng paumanhin na tumingin mag-asawa. Nakalimutan n'ya na kaharap n'ya pala ang mga ito dahil
TANYA CAMILLE... Tatlong araw matapos nilang mag-usap ng mga magulang ni Simon ay nakapili na s'ya ng unibersidad na gusto n'yang pasukan at pati na rin ang kurso na gusto n'yang kuhanin. At ngayong araw sila aalis para bisitahin ang naturang unibersidad na napili n'ya. Sana lang ay maging maayos ang kanilang lakad at wala lang magiging aberya. Excited na din s'ya na makapag-aral ulit at nangako s'ya sa kan'yang sarili na gagawin n'ya ang lahat para makapagtapos. "Baby sabihin mo na sa akin kung saan kayo pupunta nina mommy, please. Hindi ako mapakali dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung saan kayo pupunta. Nag-aalala ako na baka ilayo ka nila sa akin!" madramang sabi ng kasintahan mula sa kabilang linya. Naka video call silang dalawa habang nag-aayos s'ya dahil nga aalis silang tatlo ngayon para puntahan ang eskwelahan na papasukin n'ya. Hindi nila sinabi kay Simon ang bagay na ito ngunit nadulas s'ya kanina sa binata ng sagutin n'ya ang tawag nito at nakita na nakabihis s