TANYA CAMILLE... Tatlong araw matapos nilang mag-usap ng mga magulang ni Simon ay nakapili na s'ya ng unibersidad na gusto n'yang pasukan at pati na rin ang kurso na gusto n'yang kuhanin. At ngayong araw sila aalis para bisitahin ang naturang unibersidad na napili n'ya. Sana lang ay maging maayos ang kanilang lakad at wala lang magiging aberya. Excited na din s'ya na makapag-aral ulit at nangako s'ya sa kan'yang sarili na gagawin n'ya ang lahat para makapagtapos. "Baby sabihin mo na sa akin kung saan kayo pupunta nina mommy, please. Hindi ako mapakali dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung saan kayo pupunta. Nag-aalala ako na baka ilayo ka nila sa akin!" madramang sabi ng kasintahan mula sa kabilang linya. Naka video call silang dalawa habang nag-aayos s'ya dahil nga aalis silang tatlo ngayon para puntahan ang eskwelahan na papasukin n'ya. Hindi nila sinabi kay Simon ang bagay na ito ngunit nadulas s'ya kanina sa binata ng sagutin n'ya ang tawag nito at nakita na nakabihis s
TANYA CAMILLE... Nagpa enroll na s'ya sa kursong political science. Mabuti na lang at natapos n'ya ang kan'yang K12 kaya eligible s'ya sa kurso na gusto n'yang kunin. Inalalayan s'ya ng mga magulang ni Simon sa lahat ng kan'yang mga kakailangan at pati na sa mga bayarin. Binigyan din s'ya ng test ng university at ang akala n'ya ay entrance test iyon ngunit ng lumabas ang resulta ay ipinaalam sa kan'ya ng staff na umasikaso sa kanila na nakapasa s'ya at nakakuha ng fifty percent discount for academic scholarship. "I'm so proud of you anak! Ang galing mo sa scholarship!" tuwang-tuwa na sabi ng ina ni Simon sa kan'ya. Natutuwa din s'ya at masaya sa kan'yang achievement ngayong araw na maipagmamalaki n'ya sa kan'yang kasintahan. "Salamat po mommy, daddy!" taos pusong pasasalamat n'ya sa mga ito. Pagkatapos maayos ang lahat ng mga dapat ayusin ay umuwi na silang tatlo at habang nasa daan ay excited na s'yang ibalita kay Simon ang tungkol sa kanilang lakad ngayong araw. Pagdating sa b
SIMON BRIGGS... Justice served for Tanya and her family and he is the most happy with the result. Nahatolan ng habangbuhay na pagkakabilanggo ang mga salarin. Hindi nasayang ang kan'yang ginawang pagtulong kay Tanya at alam n'ya ito ang nararapat. Hindi nakaligtas sa kan'ya ang pag trigger ng trauma ni Tanya dahil sa mga tanong dito tungkol sa nangyari noon kaya sinigurado n'ya na naalalayan ng maayos ang kasintahan at hindi s'ya umalis sa tabi nito hanggang sa matapos ang hearing. Halos magwala ang pamilya ng mga akusado sa loob ng court house ngunit walang magawa ang mga ito dahil sa dami ng security at mga bodyguards ng pamilya nila. Nasa court room din si Charles at Henry at ang iba pa nilang mga pinsan para sa suporta at dagdag bantay na rin kung sakali mang may mangyari na hindi maganda. May sariling security din ang kan'yang mga magulang kaya hindi s'ya nag-aalala na may makalusot sa mga kalaban at makalapit sa kanila. "Calm down baby, it's fine! Tapos na ang lahat at ma
SIMON BRIGGS... Everything went well at naging tahimik at maayos na ang lahat. Ilang buwan na ang nakalipas simula ng mahatolan ng habangbuhay na pagkabilanggo ang mga pumatay sa pamilya ni Tanya. And he can see that Tanya is in a good shape now lalo na at araw-araw na itong pumapasok sa eskwelahan. Naging distruction ng babae ang pag-aaral sa pag-iisip tungkol sa nakaraan nito at nagpapasalamat s'ya na nakatulong ito sa kasintahan. S'ya naman ay nagpa-asign muna sa syudad para malapit lang s'ya sa babae kaya ang kan'yang duty araw-araw ay ang ihatid si Tanya sa university na pinapasokan nito, pupunta sa trabaho pagkatapos at sa hapon ay dadaanan ang dalaga para sunduin at sabay silang uuwi. Masaya s'ya sa kan'yang ginagawa lalo na kapag nakikita n'ya si Tanya na maaliwalas ang mukha sa tuwing susunduin n'ya ito sa eskwelahan. Katulad na lang ngayon na nasa labas na s'ya at hinihintay na lumabas ang kasintahan. Kalahating oras din ang kan'yang hinintay bago n'ya nakita si Tanya n
SIMON BRIGGS... Pagkatapos n'yang masundo si Tanya ay dumiretso sila sa bahay ng kan'yang pinsan na si Adrian. Hindi na s'ya makakapaghintay pa. Hindi malayo na marami ang magtatangka na manligaw kay Tanya sa university. Maganda ang dalaga at matalino at alam n'ya na agaw atensyon ito sa university kaya para makasiguro ay kailangan na nilang magpakasal na dalawa. Inaamin n'ya na may takot s'ya na nararamdaman dahil kung sa edad ang pagbabasehan ay napakalayo ng agwat nilang dalawa ng kasintahan. "Kaninong bahay to? Bakit dito tayo dumiretso?" nagtatakang tanong sa kan'ya ni Tanya ng balingan s'ya nito. "This is Adrian's house and we are going to have our wedding now. I'm sorry baby, I know this is not your dream wedding but I can give you the best wedding in the country after this," paliwanag n'ya kay Tanya na may kasamang pakiusap. Nagsalubong naman ang kilay nito at mariin s'yang tiningnan sa mukha. "Natatakot ka ba na maagaw ako ng iba sayo kaya ka naninigurado na kasal tayo
SIMON BRIGGS... Sumunod sila ni Tanya sa library at pagpasok nila ay naghihintay na si Adrian at ang asawa nito na si Nalie na may matamis na ngiti sa labi. "Hi Tanya, it's nice to finally meet you. Call me ate Nalie or Laurice, ok?" magiliw na sabi ng asawa ng pinsan sa kan'yang kasintahan at sinalubong pa si Tanya ng isang yakap para e-welcome sa pamilya nila. "Maraming salamat po ate," magalang na sagot ni Tanya sa asawa ni Adrian. "No problem! So, shall we?" si Tanya at binalingan ang asawa nito. "Babe parang ikaw tong magkakasal sa kanilang dalawa, ah! Sa pagkakatanda ko ay doctor ka at hindi judge!" "Ah yeah! You are right at kapag hindi ka pa tumigil sa mga kalokohan mo ay baka maging killer ako mamaya ng sarili kong asawa," nakangisi na sagot ni Nalie kay Adrian na agad na ikinatahimik ng pinsan. Mahina s'yang natawa ngunit ng maalala ang sinabi ni Tanya sa kan'ya kanina na pagkatapos ng kasal nila ay magiging myembro na rin s'ya ng mga takosa ay agad na nawala ang kan'
TANYA CAMILLE... Hindi pa rin s'ya makakapaniwala na mag-asawa na silang dalawa ni Simon. Parang kailan lang ay nagtatrabaho lang s'ya sa mga ito bilang katulong ngunit ngayon ay isa na s'yang Mrs. Simon Briggs Carson. Totoo nga ang sabi nila na iba maglaro ang tadhana. Mula sa isang babae na mahina at nag-iisa sa buhay, ngayon ay may katuwang na sa buhay at mahal na mahal s'ya. Malaki ang kan'yang utang na loob sa kan'yang asawa dahil sa lahat ng ginawa nito sa kan'ya. At ang kan'yang pambawi lamang dito ay ang magiging isang mabuting asawa kay Simon. Mahal na mahal n'ya ang lalaki at ganon din ito sa kan'ya kaya wala s'yang pag-alinlangan na pumayag ng yayain s'ya nitong magpakasal sila. "Are you ready for our honeymoon, baby?" nakangiti na tanong sa kan'ya ni Simon. Nasa manibela ito at s'yang nagmamaneho ng sasakyan. Pagkatapos ng kanilang kasal na dalawa na ginawa ng pinsan nito na judge ay agad silang umalis at ngayon ay nasa byahe na. Wala s'yang ideya kung saan sila pup
SIMON BRIGGS... Pagkapasok nila sa kan'yang bahay ay agad n'yang idineritso sa sofa ang asawa at maingat na ibinaba ngunit hindi s'ya lumayo. Ang kalahati ng kan'yang katawan ay nasa katawan ni Tanya at ang kalahati ay nasa baba. Nakaluhod s'ya sa sahig habang mariin na nakatingin sa magandang mukha ng asawa. Itinaas n'ya ang kan'yang kamay at masuyong hinaplos ang pisngi ng asawa. "I love you so much wife! Hmmmm! Mahal na mahal kita!" puno ng pagmamahal na sabi n'ya rito habang hindi inaalis ang malagkit na tingin sa asawa. "Mahal na mahal din kita hubby! Mahal na mahal!" sagot ng asawa sa kan'ya. Inilapit n'ya ang kan'yang mukha sa mukha nito at hindi napigilan ang sarili na ilapat ang labi sa labi ni Tanya. Walang reklamo naman na tinanggap ni Tanya ang kan'yang labi. Itinaas pa nito ang mga braso sa kan'yang batok at ikinawit doon kaya naman ay nagkaroon s'ya ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang kan'yang ginagawang paghalik dito. Ang kan'yang isang kamay ay nasa t'yan ni Tan