TANYA CAMILLE... Nagtutupi s'ya ng mga damit ni Simon ng dumating ito. At hindi n'ya inaasahan ang agad na tanong nito sa kan'ya. Wala s'yang ideya sa tinatawag nila na proposal ngunit sa tanong ni Simon ay napagtanto n'ya na inaaya s'ya nitong magpakasal. Hindi agad s'ya nakahuma at awang ang mga labi na nakatingin sa binata na mariin din na nakatingin sa kan'ya at hinihintay ang kan'yang sagot. Nanatili pa s'ya ng ilang segundo sa pagkakatulala bago nahimasmasan. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at natataranta na nagsalita. "T-Teka lang, anong sinabi mo?" gulat na tanong n'ya rito. "Ahmmmm! I'm asking you if you could be my wife? Please!" pakiusap nito sa kan'ya. At sa ikalawang pagkakataon ay ganon pa rin ang kan'yang naging reaction. Awang ang mga labi at hindi nakahuma ng ilang segundo. "I'm sorry baby, I shouldn't ask you this way. Nagulat ba kita? I think, I will ask you again some other ti—," "No! Ang ibig kong sabihin— oo..., gusto kong maging asawa mo, Simon. Gusto ko!"
SIMON BRIGGS... He is an asshole for proposing Tanya without a ring. Kung hindi pa s'ya sinita ng kan'yang ina ay hindi n'ya pa naalala na wala pala s'yang inihanda na singsing para sa babae. At ngayon ay para s'yang natuklaw ng ahas ng sitahin s'ya ng kan'yang mommy for not having a ring for Tanya. Napakamot s'ya sa kan'yang ulo at nagpapaawa na tumingin kay Tanya. "B-Baby, I'm sorry, I forgot the ring," paghingi n'ya ng paumanhin sa kasintahan. Ginagap nito ang kan'yang palad at ang isang libreng kamay ay itinaas at hinaplos ng kan'yang pisngi. "Ano ka ba! Ayos lang yon, hindi ko naman kailangan ang singsing, Simon. Ikaw ang mahalaga sa akin at kahit walang singsing ay tatanggapin ko pa rin ang magiging asawa mo. Mahal na mahal kita at alam ko na mahal mo rin ako at iyon lang ang kailangan ko," nakangiti na sabi ni Tanya sa kan'ya. Parang may mainit na mga palad ang humaplos sa kan'yang puso ng mga oras na iyon. Napakaswerte n'ya sa babae. Napakabait nito, maganda ang kalooban,
TANYA CAMILLE... Pagkatapos ng purian nila ni Simon ay umalis na silang dalawa. Sakay ng sasakyan ay bumiyahe sila ngunit hindi n'ya alam kung saan sila pupunta. "Saan tayo pupunta?" tanong n'ya sa lalaki ng hindi makatiis. "Hmmmm! I will bring my baby out for dinner," nakangiti na sagot ng binata sa kan'ya. Hawak nito ang kan'yang kamay na isa habang nagmamaneho. Wala sa sarili na napatingin s'ya sa magkahugpong nilang mga palad ni Simon at doon n'ya lang napagtanto na parang hinulma ang kanilang kamay para sa isat-isa. Perpekto ang pagkakahugpong nito at parang itinadhana talaga sila para sa isat-isa. "What are you thinking, baby?" nakangiti na tanong nito sa kan'ya ng balingan s'ya saglit ng tingin at agad ding ibinalik sa kalsada ang mga mata. "Hmmmm! Naisip ko lang, bagay na bagay ang mga palad natin—," "Because we are meant to be, baby. Ikaw ay para sa akin at ako ay para sayo,hmmmm!" putol nito sa kan'yang gustong sabihin. "Ngayon ko lang napansin na may pagka korny ka
SIMON BRIGGS... Nagulat s'ya ng biglang may tumawag sa kan'ya ngunit mas nagulat s'ya ng makilala kung sino ito. Agad na nagtagis ang kan'yang mga bagang at hinapit palapit sa kan'yang katawan si Tanya. "Briggs, hi! How are you? It's been a while, Briggs, kamusta ka na?" malapad ang ngiti at sunod-sunod na tanong ng babae. Mas lalong tumindi ang pag-igting ng kan'yang mga panga sa inasal nito. Parang wala lang itong nagawa na kasalanan kung makapagtanong sa kan'ya. "What are you doing here, Nyla?" malamig ang boses na tanong n'ya sa babae. Itinaas nito ang kamay at akmang hahaplusin ang kan'yang pisngi ngunit mabilis na kumilos ang kan'yang kamay at tinabig ang palad ng babae. "Don't touch me!" mahina ngunit may diin na sabi n'ya sa babae. "Oh, c'mon, Briggs! Hindi ka pa rin ba nakaka- move on? Look! I'm sorry, ok? Matagal na yon, kalimutan na natin ang nangyari. We are still friends, right?" matamis ang ngiti na tanong nito sa kan'ya at binalewala ang kan'yang malamig na trato
SIMON BRIGGS... Pumasok sila sa silid na pina reserve n'ya at inalalayan n'ya si Tanya na makaupo. Maya-maya lang ay sunod-sunod na pumasok ang mga staff ni Chuck at may bitbit na mga pagkain. Inilapag ng mga ito sa mesa ang mga dala at pagkatapos ay umalis din ang mga ito. Agad s'yang nagsandok ng pagkain at nilagyan ang plato ni Tanya. "Eat up baby," s'ya rito ngunit hindi ito gumalaw. Nakatingin lang ito sa pagkain at hindi nagsasalita. "Baby?" tawag n'ya rito ngunit walang tugon mula sa kasintahan. "Tanya!" tawag n'ya ulit dito. Para naman itong nagising mula sa mahimbing na pagtulog na nag-angat ng ulo at pilit na ngumiti ngunit nakikita n'ya sa mga mata ng dalaga ang takot at pag-aalala. "What's wrong? Are you ok?" "Ha? A-Ah oo, ayos lang ako," natatarantang sagot nito sa kan'ya at pilit na ngumiti ngunit alam n'ya sa kan'yang sarili na hindi ito ok. "I don't think so! Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang bumabagabag sa isip ko, baby?" malambing na pakiusap n'ya k
TANYA CAMILLE... Sumama s'ya sa mayordoma ng mga Carson ng araw na iyon para mag grocery. Wala naman s'yang gagawin sa bahay ng mga ito dahil inabisohan na s'ya ng ina ni Simon na huwag ng magtrabaho bilang katulong. Nakaramdam tuloy s'ya ng hindi matatawarang hiya sa mga magulang ng lalaki. Nagbuga s'ya ng hangin at kinalma ang sarili. Naalala n'ya na naman ang gabing nag date silang dalawa ni Simon. Noong gabi na nakita nila sa restaurant ang ex nito. Inaamin n'ya na natatakot s'ya at nababahala ngunit sinigurado ng binata na s'ya lang at hindi na ito babalik pa sa ex na nakita nila. "Tanya, ayos ka lang?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang tanong ng mayordoma ng mga Carson na katabi n'ya sa upoan. Nilingon n'ya ito at tipid na ngumiti. "Ayos lang po ako nay," magalang na sagot n'ya rito. "May bumabagabag ba sayo, Tanya? Pasensya ka na kung nagtanong ako sayo, nakikita ko kasi na parang hindi ka mapakali!" "W-Wala naman po! Naisip ko lang na parang hindi ak
SIMON BRIGGS... Nang magising s'ya at agad n'yang hinanap si Tanya ngunit hindi n'ya ito nakita kaya naman ay agad s'yang bumaba para hanapin ito ngunit wala din ang babae at ayon sa kanilang isang kasambahay ay sumama ito sa kanilang mayordoma sa palengke. Nang marinig ang sinabi ng kanilang katulong ay hindi na s'ya nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali s'yang bumalik sa taas at nagpalit ng damit. Kinuha n'ya ang susi ng sasakyan pagkatapos at umalis. Susundan n'ya s'ya Tanya sa palengke. Alam n'ya kung saan namamalengke ang kanilang mayordoma dahil minsan na s'yang naghatid dito sa pamamalengke at ito lang ang tanging palengke na pinuntahan nito. Mabilis ang kan'yang pagmamaneho kaya mabilis n'ya lang din na narating ang naturang palengke. Naghanap s'ya ng parkingan at ng may nakita ay agad n'yang ipinarada ang sasakyan at bumaba. Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at nahagip ng kan'yang tingin ang kanilang sasakyan na isa kaya sigurado s'ya na nandito pa ang mga ito. Naglakad s'
TANYA CAMILLE... Napakasaya n'ya at halos wala na s'yang mahihiling pa sa taas. Nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kan'yang pamilya at ang nangyari na din sa kan'ya. Binigyan s'ya ng trabaho noong mga panahon na walang-wala s'yang mapupuntahan at makakapitan at higit sa lahat ay binigyan s'ya ng lalaki na s'yang naging instrumento para maabot n'ya ang lahat ng tinatamasa n'ya ngayon. Masasabi n'ya na si Simon ang pinakamalaking biyaya na natanggap n'ya sa tanang buhay n'ya at habang buhay s'yang magpapasalamat sa binata dahil hindi s'ya nito iniwan ay pinabayaan. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa kan'ya at mga pinagdaanan n'ya ay tinanggap s'ya ng lalaki ng buong puso at hindi iniwan bagkus ay tinulongan na bumangon mula sa pagkakalugmok. "Tanya, iha, are you with me? Earth to our Tanya!" napapiksi s'ya ng marinig ang boses ng ina ni Simon. Nakagat n'ya ang kan'yang labi at nanghihingi ng paumanhin na tumingin mag-asawa. Nakalimutan n'ya na kaharap n'ya pala ang mga ito dahil
CHARLES MALCOLM... "Fvck! Champ, Charlie, tulongan n'yo ako sa mga kapatid n'yo," hindi magkandauga na paghingi n'ya ng tulong sa kan'yang mga panganay. Naiwan silang walo sa bahay dahil may pinuntahan si Dee. At rules na sa bahay nila na kapag may pupuntahan ang isa sa kanila ng asawa ay kailangan na may maiiwan na isa kahit pa may tig-isang yaya ang kan'yang mga anak. Pito na lahat ang kanilang mga anak at dalawang taon na ang bunso nila ni Dee na kambal ulit. Halos dalawang taon lang ang pagitan ng triplets at ng bunso nila ng kan'yang asawa. Hindi naman problema sa kanila ang maraming anak dahil kaya naman nilang buhayin ngunit kapag may ganitong pagkakataon na s'ya ang nakatoka na magbabantay sa pito ay pakiramdam n'ya ay malalagas ang kan'yang mga bolbol. "Papa, you can do it. Busy ako sa paghuhugas ng mga feeding bottle nila," sagot ni Charlie sa kan'ya na ngayon ay mag- wawalong taong gulang na. Parang kailan lang ay katulad din ito ng mga kapatid ngunit ngayon ay katuwan
ABRIELLE DEE... "Ahhhhhh! Ang sakit ng t'yan ko! Charles! Charles!" namimilipit sa sakit na sigaw n'ya sa asawa. Nasa loob s'ya ng isang private room sa hospital na pinagdalhan sa kan'ya. Dalawang linggo na s'yang naka confine dahil sa OA n'yang asawa. May dalawang linggo pa bago s'ya manganak ngunit hindi na ito magkandauga sa pagpunta sa hospital at dito na sila nanatili simula pa noong nakaraang dalawang linggo. Nang malaman n'ya na tatlo ang nasa loob ng kan'yang sinapupunan ay agad n'yang ipinaalam ito kay Charles dahil aaminin n'ya na kahit anong tapang n'ya ngunit may takot s'yang nararamdaman na baka kung may mangyari sa kanilang mga anak kung itatago n'ya ito sa asawa. Mas mabuti ng alam nito para matulongan s'ya nitong alagaan ang kan'yang pagbubuntis. At hindi naman s'ya nabigo dahil trumiple pa ang pag-aalaga at pag-iingat ni Charles sa kan'ya. Very hands-on ito sa lahat ng bagay pati na sa kanilang dalawang anak. Halos hindi na s'ya nito pagalawin sa bahay nila dahil
ABRIELLE DEE... "Charles aalis na ako, ikaw na muna ang bahala sa dalawang bata, ha!" paalam n'ya sa asawa. Tatlong taon na silang kasal ni Charles at mag-aapat na taon na din ang kambal. Hindi pa nila ito nasundan sa hindi malamang dahilan. Active naman ang kanilang sex life na dalawa at halos walang pahinga na nga sila. Nag resign si Charles sa pagiging sundalo ngunit hindi ito pinayagan ng presidente bagkus ay binigyan ito ng posisyon sa opisina ng militar. Kaya isang mataas na opisyal na ngayon ang kan'yang asawa at mataas ang posisyon nito. S'ya naman ay hindi pinigilan ni Charles sa kan'yang gustong gawin sa kan'yang buhay kahit kasal na sila at may mga anak bagkus ay sinuportahan pa s'ya nito. Ngunit ang kan'yang focus sa ngayon ay ang kan'yang pamilya kaya hindi na muna s'ya gaanong nagtatrabaho. May mga misyon s'ya pero hindi na ganon ka dilikado katulad ng dati. Ang kan'yang routine ngayon ay pamilya, ang kanilang negosyo ni Charles at ang kan'yang shelter na mas luma
ABRIELLE DEE... The ceremony went well and fast at hindi n'ya man lang namalayan na tapos na pala ang lahat. She can't even remember kung ano ang mga sinabi n'ya sa kan'yang vows para kay Charles at ganon din ang mga sinabi nito para sa kan'ya dahil ang kan'yang isip ay kung saan-saan nakarating. Ang daming bagay ang kan'yang na-imagine na magkasama silang apat ni Charles at ang kanilang mga anak habang patuloy ang seremonyas ng kanilang kasal. At nagbalik na lang s'ya sa kan'yang sarili ng halikan s'ya sa labi ng asawa. Patunay na tapos na pala ang kanilang kasal and she is now officially Mrs. Charles Malcolm Carson. "You're spacing out, mi amore," pabulong na sabi ng asawa sa kan'ya ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I imagined too much but don't worry dahil kasama naman kita at ang mga anak natin sa imagination ko," sagot n'ya rito at sinundan ng hagikhik. Mahinang natawa si Charles at pinanggigilan na pinisil ang kan'yang ilong. "Silly mama," sabi nito at hinalikan s'ya
CHARLES MALCOLM... The day he was dreaming of came at wala ng pinakamasayang lalaki sa buong mundo kundi s'ya. Standing in front of the man-made altar sa gitna ng kanilang ubasan sa Italy habang hinihintay ang pinakamaganda at pinakamamahal n'yang babae ay isa sa pinakamasayang sandali ng kan'yang buhay. Pagkalipas ng isang linggo, matapos ang kan'yang proposal kay Dee ay idinaos ang kanilang kasal na dalawa. Parehong masaya ang lahat lalo na ang kan'yang pamilya. Bailey is Dee's maid of honor at magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay. Natatawa pa s'ya kapag naiisip n'ya na naging matalik na magkaibigan ang kan'yang dating asawa at ang present wife n'ya. Kung sabagay ay wala namang involve na pagmamahal ang sa kanilang dalawa ni Bailey at nangyari lamang iyon dahil sa kanilang mga pamilya. At malaki din ang pasasalamat n'ya sa babae na hindi na s'ya pinahirapan pa nito. Hiling n'ya na sana ay makita at matagpuan na rin ni Bailey ang totoong pag-ibig nito. Hindi n'ya napansin na
ABRIELLE DEE... "Warm up lang to Charles! We have more on this sa honeymoon natin and yes— I will marry you," pilyang sagot n'ya sa lalaki na pareho nilang ikinatawa na dalawa. "And speaking of the proposal, this is not the plan pero dahil nandito na din tayo. Let me do it in a romantic and sensual way," sagot ng lalaki at agad na bumangon. Walang kahit na suot na naglakad ito at pinulot sa sahig ang pantalon na hinubad nito kanina. Nakagat n'ya pa ang kan'yang pang-ibabang labi ng makita ang maumbok at maputi na puwetan ni Charles. Nahuli pa s'ya nito ng humarap ito sa kan'ya at agad na sumilay ang isang ngiti sa labi ng lalaki ng maglakad pabalik sa kama. Mas lalong nag-init ang kan'yang mukha ng tumayo ito sa gilid ng kama at tumapat mismo sa kan'yang mukha ang nakatayo at parang galit na galit pa rin na pagkalalaki nito. "Enough of that kind of look, mi amore dahil simula sa araw na ito ay araw-araw mo ng makikita ang galit na galit na sandata ko d'yan sa baba at kasalanan mo
ABRIELLE DEE... "Huwag ka ng magselos kay Bailey, mi amore dahil ikaw ang asawa ko at ikaw ang pakakasalan ko ulit. Hmmmm! Let's build our family together at sa pagkakataong ito ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan natin, Mrs. Abrielle Dee Lopez— Carson," puno ng lambing na sabi ng lalaki sa kan'ya ngunit parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang lahat ng binitawan nitong salita na s'yang dahilan ng ilang segundo n'yang pagkatulala sa kawalan. "Mi amore?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng mahina s'yang tinapik ni Charles sa mukha. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili. "Stop playing with me, Charles," matapang na sabi n'ya rito. Nagsalubong ang mga kilay nito at puno ng pagtataka na nagsalita. "Playing with you? Who says na pinaglalaruan kita, Dee? I'm telling you the truth. Bago pa ako pumunta dito ay inayos ko na ang lahat sa amin ni Bailey. We are no longer married. Tinupad n'ya ang pangako n'ya sa akin na kapag naibalik ko sa kan'ya ang
ABRIELLE DEE... Binuksan n'ya iyon at agad na pumasok ngunit ng akmang isasarado n'ya na ito ay may malaking kamay ang pumigil sa pinto at mabilis ang mga kilos na pumasok sa loob at ito na mismo ang nagsarado ng pinto. Dahil sa pagkagulat ay hindi agad s'ya nakahuma at awang lamang ang mga labi na nakatingin sa mukha ni Charles na walang emosyon na nakatingin sa kan'ya. "Charles, anong ginagawa mo dito? Baka makita ka nila at kung ano pa ang sasabihin nila tungkol sa akin. Ayoko ng gulo Charles kaya pakiusap, lumabas ka na," taboy n'ya sa lalaki ng makabawi sa pagkagulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla na lamang itong sumulpot sa kan'yang silid. Ngunit imbes na umalis ito at sundin ang kan'yang sinabi ay hindi ito ginawa ni Charles bagkus ay lumapit pa ito sa kan'ya hanggang sa ikinulong s'ya sa dalawang mga braso nito. Mas lalo s'yang hindi nakahuma ng ilapit ni Charles ang mukha sa kan'yang mukha. "Bakit ka umalis sa hapag-kainan? Hmmmmm!" paanas ang boses
ABRIELLE DEE... Kanina pa s'ya nakaupo sa kama habang tulala. Hindi n'ya inaasahan na magkita-kita silang tatlo ni Charles at Bailey sa bahay ng abuela nito. Kung tutuusin ay s'ya ang sampid sa pamamahay ng mga ito dahil hindi naman s'ya kamag-anak ng mga Carson. Inanakan lang s'ya ni Charles ngunit hindi ibig sabihin na bahagi na s'ya ng pamilya nito. Mapait s'yang napangiti at pinahid ang luha na naglandas sa kan'yang pisngi. Ngayong gabi ay magkakaroon ng dinner to formally welcome Bailey as part of the family. At kanina pa lang ay inabesohan na s'ya ni Nana na sumabay sa dinner. Ayaw n'ya namang magmukhang better kaya kahit masakit para sa kan'ya ay sasabay s'ya sa mga ito. Aalis na lang s'ya rito pagkatapos ng kasal ng dalawa dahil nangako na s'ya sa abuela ni Charles na tutulong sa paghahanda at hindi n'ya na mababawi pa iyon. Matapos ang kan'yang pag-eemote sa kan'yang silid ay tumayo s'ya at inayos ang suot na damit. Naglagay s'ya ng powder sa mukha at kaunting lipstick