ABRIELLE DEE...Maliwanag pa ang buong bahay ng matanda ng pumasok s'ya. Marami-rami rin ang mga taohan nito na nagkalat sa buong lugar. Fully guarded ang bahay ng hayop na matanda.Napaghalataan talaga na may kinatatakutan kaya kung makapagbantay ay dinaig pa ang presidente ng Pilipinas.Maingat at walang ingay s'yang nakapasok sa loob. Alam n'ya na ang pasikot-sikot sa bahay nito dahil ilang beses na s'yang nakapunta dito.Ilang beses na s'yang isinama ni lady D sa pagpunta nito sa bahay ng ama at aaminin n'ya na sa pagkakita n'ya sa matanda ay parang gusto n'ya na agad itong balatan ng buhay.Ngunit hindi n'ya ginawa at pinigilan n'ya ang kan'yang sarili at naghintay ng tamang pagkakataon na maisagawa ang planong paghihiganti.At ito ang tamang oras na matagal n'ya ng hinihintay. At hindi n'ya sasayangin ang pagkakataong ito na maipaghiganti ang kan'yang mga magulang. Pagkatapos nito ay magbabagong buhay na s'ya.Ililigtas n'ya lang si Tanya ayon sa napagkasunduan nila ni Briggs at
ABRIELLE DEE... "Gusto n'yo bang maipaghiganti ang mga sarili n'yo sa demonyong ito?" tanong n'ya sa mga ito. Sabay-sabay na tumango ang limang kabataan at ang pag-iyak ng mga ito kanina ay napalitan ng galit at paninibugho sa lalaki. "Alright! We'll do that pero ako ang gagawa n'yan. Huwag n'yong dungisan ang mga kamay n'yo sa walang kwentang tao na katulad ng hayop na ito," s'ya sa mga ito at ibinalik ang tingin sa lalaki na puno na ng dugo mula sa mga tama ng kan'yang baril. "May gusto ka bang sabihin demonyo? Any wish? Malay mo, pagbibigyan kita!" nakangisi na tanong n'ya rito habang papalapit sa matanda. "Manigas ka! Kahit patayin mo ako ngayon ay hindi ako magmamakaawa sayo. At kahit patayin mo pa ako ay hindi ka makakatakas sa anak ko. She will kill you mercilessly!" matigas na sagot ng lalaki kahit halata sa mukha ang iniindang sakit mula sa mga sugat. Mahina s'yang natawa at tumigil saglit sa paghakbang. "Masyado kang tiwala sa anak mo! Hmmmmm! Paano kung sasabihin ko
ABRIELLE DEE...After everything, she went home na masaya. Alam n'ya na mali ang kan'yang ginawa dahil inilagay n'ya sa kan'yang mga kamay ang batas ngunit wala s'yang pinagsisihan.Nakamit n'ya at naibigay sa mga namayapang magulang ang hustisya na para sa mga ito.Dumiretso s'ya sa kan'yang bahay matapos utosan ang mga tao ni Briggs kung saan dadalhin ang mga bata. Lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang lugar na pag-aari n'ya ang nagsisilbing tahanan ng mga bata na napabayaan at nagpalaboy-laboy sa kalye.Marami s'yang mga taohan na nagbabantay at nag-aalaga sa mga bata. Sa mismong facility rin nag-aaral ang mga ito at marami s'yang binabayaran na mga guro na s'yang nagtuturo sa mga bata.Hindi lamang sa pagsusulat at pagbabasa tinuturan ang mga kabataan kundi pati na sa ibang mga bagay na pwedeng ituro sa mga ito. Katunayan ay marami sa mga bata na napulot n'ya sa kalye ang gumagawa ng mga magagandang crafts na s'yang ibenebenta nila sa mga foreign countries.Ang kinikita ng kan'
ABRIELLE DEE... Hindi naging madali para sa kanila at kay Briggs ang pagligtas kay Tanya. Dahil sa biglang pagdating ni Donna ay medyo naiba ang kanilang plano ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi nila ituloy ang kanilang balak. Nagkagulo ang lahat at malakas na putokan ang maririnig sa buong paligid. Nahirapan din s'ya sa paghahanap kay Tanya ng iwan n'ya ito at mabuti na lang naalala n'ya na may tracker pala s'yang nilagay sa katawan nito kaya natunton n'ya ang babae. Agad n'yang inabesohan si Briggs kung nasaan ang asawa nito at dinala sila pareho sa basement ng lugar kung nasaan ang mga tangke ng gas na ginagamit sa taas. At hindi naging madali para sa kanila ang pakikipaglaban sa mga taohan ni Donna at sa babae mismo na nasundan si Tanya sa lugar na iyon. Mas lalo pang dumagdag ang kan'yang takot ng makita n'ya si Charles na naroon din at ilang beses ng muntik na mapurohan. Mabuti na lang at nandoon na si Briggs na s'yang nakabantay kay Tanya, nagkaroon s'ya ng pagkak
ABRIELLE DEE..."Hindi ka lang kagusto-gusto, Abrielle Dee kundi kamahal-mahal pa. Hmmmm! I love you amor," pakiramdam n'ya ay nabingi s'ya at parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang sinabi ni Charles."Y-You w-what?" nauutal ang labi na tanong n'ya kay Charles. Sinapo nito ang kan'yang pisngi at malamlam ang tingin na ibinigay sa kan'ya."I love you mi amor! Mahal na mahal kita, Abrielle Dee Lopez, mahal na mahal," puno ng pagmamahal ang boses ni Charles ng sabihin sa kan'ya ang mga katagang iyon. Napuno ng kakaibang emosyon ang kan'yang puso ng mga oras na iyon at hindi n'ya alam kung paano tugunan ang sinabi ng binata.Pareho sila ng nararamdaman ni Charles ngunit hindi n'ya pa rin maiwasan ang mapatulala sa rebelasyon ni Charles tungkol sa nararamdaman nito sa kan'ya."Amor!" tawag ni Charles sa kan'ya. Alanganin s'yang ngumiti dito dahil hindi n'ya pa rin alam kung ano ang isasagot sa lalaki."C-Charles! T-Totoo ba ang sinabi mo na m-mahal mo ako?" nag-init ang kan'yan
ABRIELLE DEE...Naging masaya ang kanilang pagsasama ni Charles sa beach house na pag-aari nito.Wala silang iniisip na ibang bagay kundi ang mga sarili lang nila at masasabi n'ya na napaka fulfilling ng ganitong sitwasyon.Ngayon lang s'ya nakaramdam ng totoong saya sa tanang buhay n'ya. Maliit pa lang s'ya ng makasama n'ya ang kan'yang mga magulang at hindi n'ya maalala ang ibang masasamang kaganapan sa buhay nila noon.At pagkatapos naman mamatay ng kan'yang mga magulang ay puro pait at poot na ang namuhay sa kan'yang puso.Ngunit ng makilala n'ya si Charles at makapaglagayan sila ng loob na dalawa ay doon n'ya at nararamdaman na maliban pala sa poot at galit ay may kaya n'ya ding makaramdam ng saya sa kan'yang puso na puno ng galit at paghihiganti.At malaki ang kan'yang pasasalamat kay Charles at habangbuhay n'yang hindi makakalimutan ang bagay na nagawa nito sa kan'ya.Sa ilang araw na pagsasama nilang dalawa ay ipinaramdam sa kan'ya ng lalaki kung gaano s'ya kahalaga dito ay da
CHARLES MALCOLM...Iniwan n'ya saglit si Dee sa balkonahe para kumuha ng pwede nilang kutkotin habang tumatambay.Kumuha din s'ya ng dalawang lata ng beer at inilagay sa tray kasama ang mga pagkain.Masaya s'ya habang bitbit ang tray pabalik sa balkonahe ngunit nagulat s'ya ng maabutan si Dee na nakatulala at parang gulat na gulat ang hitsura.Lumapit s'ya dito at inilapag ang tray sa mesa sa harapan nito ngunit kahit sa paglapag n'ya ng tray ay hindi natinag si Dee."Amor are you ok?" tanong n'ya kay Dee ngunit wala s'yang tugon na nakuha mula rito na mas lalong ikinasalubong ng kan'yang kilay."Hey! Amor! What's wrong? May nangyari ba?" tanong n'ya ulit rito sabay tapik ng mahina sa pisngi ni Dee.Parang doon pa ito at nataohan ng tapikin n'ya sa pisngi."Huh? Anong sabi mo? I mean— may sinabi ka ba?" tanong nito sa kan'ya."Anong nangyayari sayo? Bakit ka tulala at parang gulat na gulat? May nangyari ba?" ulit na tanong n'ya rito."Huh? Ah! Wala naman! Nagulat lang ako dahil habang
CHARLES MALCOLM... "Are you married to someone, Charles? May asawa ka na, hindi ba?" may pait sa boses na tanong sa kan'ya ni Dee na ikinatulos n'ya sa kan'yang kinauupoan. Parang bomba na sumabog sa kan'yang tainga ang tanong nito na hindi s'ya agad nakahuma at nakatulala lamang na nakatingin dito. Mahinang natawa si Dee ng makita ang kan'yang reaction. Iniwan n'ya lang ito saglit para kumuha ng pwede nilang makain ngunit pagbalik n'ya ay ganito na ang mga tanong nito. Hindi n'ya alam kung saan nakuha ni Dee ang ideya na may asawa na s'ya ngunit sa tingin n'ya ay seryoso itong may alam sa tungkol sa tanong nito. "A-Amor!" nauutal na tawag n'ya rito dahil sobrang kabado s'ya ng mga oras na iyon. Ang mga tingin ni Dee sa kan'ya ay nakakatakot na pakiramdam n'ya ay nanginginig pati ang kan'yang laman-loob. "Answer me Charles! Ang totoo at hindi ang kasinungalingan," matigas na utos sa kan'ya ni Dee. Ilang beses s'yang napalunok ng laway at nag-aalangan sa isasagot n'ya rito. Inip