CHARLES MALCOLM... Pareho silang hinihingal ng dalaga ng maghiwalay. Sabay silang bumagsak sa tela na ginawa n'yang sapin nila sa buhanginan. Nang makabawi ay hinatak n'ya si Dee at pinaunan sa kan'yang balikat. Agad namang pumalibot ang braso ng babae sa kan'yang bewang na ikinangiti n'ya. The feeling of having Dee for the second time is the same when he had her before. Walang pinagbago at sabik pa rin s'ya dito. Hindi talaga s'ya magsasawa sa dalaga at kahit pa siguro ulit-ulitin nila ang kanilang ginawa ay ganon pa rin ang kan'yang excitement na nararamdaman dito. "Hmmmm! I'm tired," pabulong na sabi ni Dee habang nakadapa sa kan'yang katawan. Nasa ibabaw n'ya na ito ngayon at pareho silang walang saplot na dalawa. Mahina s'yang natawa at hinaplos ang buhok nito para ayusin. Ginawaran n'ya rin ito ng halik sa noo at naglambing naman itong mas idinikit pa ang mukha sa kan'yang didbib. "Isa pa nga lang yon pagod ka na? Don't be dahil may kasunod pa tayo," sagot n'ya rito haban
ABRIELLE DEE... All her life was in the dark! She doesn't hope for any light after what happened to her. She grew up with the dark past and even until now, it haunts her. Hindi n'ya na alam kung paano n'ya malalampasan ang lahat at kung paano n'ya alisin sa kan'yang isip at puso ang sakit na dulot ng nakaraan. Pinatay ang kan'yang mga magulang sa harapan n'ya mismo at iniwan s'ya ng mga taong iyon na buhay para magdusa at paulit-ulit na sisihin ang sarili dahil wala man lang s'yang nagawa para iligtas ang mga ito. Kaya ng makita n'ya si Tanya at nalaman ang tungkol sa pagkatao at mga pinagdaanan nito ay biglang nagbago ang kan'yang pananaw sa buhay. Kung noon ay ayos na sa kan'ya ang pagiging masama at walang sinasanto at iniiwang buhay na tao, nang makilala n'ya si Tanya ay nagkaroon ng kaunting liwanag ang kan'yang isip at puso. Malaki ang pasasalamat n'ya sa babae at humanga s'ya sa tapang at lakas ng loob nito. Hindi katulad n'ya na magaling pumatay at magpahirap ng tao nguni
ABRIELLE DEE... Hindi n'ya pinagsisihan na inakit-akit n'ya ito at s'ya mismo ang unang nagpakita ng motibo sa lalaki dahil naramdaman n'ya ang tinatawag na saya sa puso. Simula ng mamatay ang kan'yang mga magulang ay hindi na s'ya nakaramdam ng saya at namuhay na poot at galit ang nasa loob. Ngunit ng makilala n'ya si Charles ay biglang nag-iba ang tibok ng kan'yang puso at alam n'ya na kakaiba ang lalaki sa ibang mga lalaki na nakakasalamuha n'ya. Hindi n'ya din agad-agad nagawa ang kan'yang pakay dahil palagi s'yang nawawala sa kan'yang sarili sa tuwing ito ang kan'yang kaharap. At isa pa ay bigla n'yang nahalata na nagdududa na si lady D sa kan'ya kaya hindi n'ya muna itinuloy ang kan'yang balak na pagpapaalis kay Tanya sa lugar na iyon. Naghintay muna s'ya ng tamang oras para maisagawa ang plano. At habang naghihintay ay inihanda n'ya na ang lahat ng kakailanganin n'ya at ni Tanya. At habang naghihintay ay nagpakasaya muna s'ya sa piling ni Charles. Aaminin n'ya na ibang ta
ABRIELLE DEE...Maliwanag pa ang buong bahay ng matanda ng pumasok s'ya. Marami-rami rin ang mga taohan nito na nagkalat sa buong lugar. Fully guarded ang bahay ng hayop na matanda.Napaghalataan talaga na may kinatatakutan kaya kung makapagbantay ay dinaig pa ang presidente ng Pilipinas.Maingat at walang ingay s'yang nakapasok sa loob. Alam n'ya na ang pasikot-sikot sa bahay nito dahil ilang beses na s'yang nakapunta dito.Ilang beses na s'yang isinama ni lady D sa pagpunta nito sa bahay ng ama at aaminin n'ya na sa pagkakita n'ya sa matanda ay parang gusto n'ya na agad itong balatan ng buhay.Ngunit hindi n'ya ginawa at pinigilan n'ya ang kan'yang sarili at naghintay ng tamang pagkakataon na maisagawa ang planong paghihiganti.At ito ang tamang oras na matagal n'ya ng hinihintay. At hindi n'ya sasayangin ang pagkakataong ito na maipaghiganti ang kan'yang mga magulang. Pagkatapos nito ay magbabagong buhay na s'ya.Ililigtas n'ya lang si Tanya ayon sa napagkasunduan nila ni Briggs at
ABRIELLE DEE... "Gusto n'yo bang maipaghiganti ang mga sarili n'yo sa demonyong ito?" tanong n'ya sa mga ito. Sabay-sabay na tumango ang limang kabataan at ang pag-iyak ng mga ito kanina ay napalitan ng galit at paninibugho sa lalaki. "Alright! We'll do that pero ako ang gagawa n'yan. Huwag n'yong dungisan ang mga kamay n'yo sa walang kwentang tao na katulad ng hayop na ito," s'ya sa mga ito at ibinalik ang tingin sa lalaki na puno na ng dugo mula sa mga tama ng kan'yang baril. "May gusto ka bang sabihin demonyo? Any wish? Malay mo, pagbibigyan kita!" nakangisi na tanong n'ya rito habang papalapit sa matanda. "Manigas ka! Kahit patayin mo ako ngayon ay hindi ako magmamakaawa sayo. At kahit patayin mo pa ako ay hindi ka makakatakas sa anak ko. She will kill you mercilessly!" matigas na sagot ng lalaki kahit halata sa mukha ang iniindang sakit mula sa mga sugat. Mahina s'yang natawa at tumigil saglit sa paghakbang. "Masyado kang tiwala sa anak mo! Hmmmmm! Paano kung sasabihin ko
ABRIELLE DEE...After everything, she went home na masaya. Alam n'ya na mali ang kan'yang ginawa dahil inilagay n'ya sa kan'yang mga kamay ang batas ngunit wala s'yang pinagsisihan.Nakamit n'ya at naibigay sa mga namayapang magulang ang hustisya na para sa mga ito.Dumiretso s'ya sa kan'yang bahay matapos utosan ang mga tao ni Briggs kung saan dadalhin ang mga bata. Lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang lugar na pag-aari n'ya ang nagsisilbing tahanan ng mga bata na napabayaan at nagpalaboy-laboy sa kalye.Marami s'yang mga taohan na nagbabantay at nag-aalaga sa mga bata. Sa mismong facility rin nag-aaral ang mga ito at marami s'yang binabayaran na mga guro na s'yang nagtuturo sa mga bata.Hindi lamang sa pagsusulat at pagbabasa tinuturan ang mga kabataan kundi pati na sa ibang mga bagay na pwedeng ituro sa mga ito. Katunayan ay marami sa mga bata na napulot n'ya sa kalye ang gumagawa ng mga magagandang crafts na s'yang ibenebenta nila sa mga foreign countries.Ang kinikita ng kan'
ABRIELLE DEE... Hindi naging madali para sa kanila at kay Briggs ang pagligtas kay Tanya. Dahil sa biglang pagdating ni Donna ay medyo naiba ang kanilang plano ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi nila ituloy ang kanilang balak. Nagkagulo ang lahat at malakas na putokan ang maririnig sa buong paligid. Nahirapan din s'ya sa paghahanap kay Tanya ng iwan n'ya ito at mabuti na lang naalala n'ya na may tracker pala s'yang nilagay sa katawan nito kaya natunton n'ya ang babae. Agad n'yang inabesohan si Briggs kung nasaan ang asawa nito at dinala sila pareho sa basement ng lugar kung nasaan ang mga tangke ng gas na ginagamit sa taas. At hindi naging madali para sa kanila ang pakikipaglaban sa mga taohan ni Donna at sa babae mismo na nasundan si Tanya sa lugar na iyon. Mas lalo pang dumagdag ang kan'yang takot ng makita n'ya si Charles na naroon din at ilang beses ng muntik na mapurohan. Mabuti na lang at nandoon na si Briggs na s'yang nakabantay kay Tanya, nagkaroon s'ya ng pagkak
ABRIELLE DEE..."Hindi ka lang kagusto-gusto, Abrielle Dee kundi kamahal-mahal pa. Hmmmm! I love you amor," pakiramdam n'ya ay nabingi s'ya at parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang sinabi ni Charles."Y-You w-what?" nauutal ang labi na tanong n'ya kay Charles. Sinapo nito ang kan'yang pisngi at malamlam ang tingin na ibinigay sa kan'ya."I love you mi amor! Mahal na mahal kita, Abrielle Dee Lopez, mahal na mahal," puno ng pagmamahal ang boses ni Charles ng sabihin sa kan'ya ang mga katagang iyon. Napuno ng kakaibang emosyon ang kan'yang puso ng mga oras na iyon at hindi n'ya alam kung paano tugunan ang sinabi ng binata.Pareho sila ng nararamdaman ni Charles ngunit hindi n'ya pa rin maiwasan ang mapatulala sa rebelasyon ni Charles tungkol sa nararamdaman nito sa kan'ya."Amor!" tawag ni Charles sa kan'ya. Alanganin s'yang ngumiti dito dahil hindi n'ya pa rin alam kung ano ang isasagot sa lalaki."C-Charles! T-Totoo ba ang sinabi mo na m-mahal mo ako?" nag-init ang kan'yan