BLAYRE JOAQUIM... Kanina pa s'ya sa labas ng bahay ni Audrey at hindi mapakali. Nasa isip n'ya pa rin ang sinabi nito kanina na ang mga lamok sa probinsya ay hindi takot sa mga mosquito spray o patches. Galit na galit ito sa kan'ya kanina ng maamoy ang amoy ng kan'yang pinang spray sa katawan. Mabuti na lang at may dala-dala s'ya sa kan'yang sasakyan. Makakalimutan n'ya lang ang magdala ng condom huwag lang ang mosquito spray at mga patches. Natigil s'ya sa kan'yang iniisip at biglang napatalon ng may marinig na tunog ng lamok sa kan'yang tainga. "Damn it! Fvck!" sunod-sunod na mura n'ya habang nagpapagpag ng kan'yang damit at walang tigil na pinapadyak ang mga paa sa lupa. Sabi nila kapag gumagalaw ka daw ay hindi ka kakagatin kaya iyon ang kan'yang ginawa. At hindi n'ya alam kung gaano s'ya katagal sa ganong sitwasyon. Natigil lang s'ya ng makaramdam ng pagod at naupo sa papag na gawa sa kawayan. Hindi man lang s'ya pinapasok ni Audrey sa bahay-kubo nito. Pagkatapos n'ya it
AUDREY PRISCILLA...Late na s'ya ng magising dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos noong nakaraang gabi. Si Tres ang laman ng isip n'ya buong gabi. Naiinis s'ya sa lalaki dahil mukhang wala itong balak na tantanan s'ya.Nag-inat muna s'ya bago nagpasyang bumangon. Mataas na ang sikat ng araw at ang kan'yang balak na magdamo sa kan'yang mga pananim ay hindi n'ya na nagawa dahil mataas na ang sikat ng araw at masakit na sa balat.Nag-usal muna s'ya ng dasal bago tumayo at nagtungo sa kusina. Kinuha n'ya ang toothbrush at naglagay ng toothpaste.Nagsipilyo muna s'ya ng ngipin at naghilamos ng pisngi. Bumalik s'ya sa kan'yang silid pagkatapos at nagpunas ng mukha gamit ang kan'yang tuwalya. Sinuklay n'ya lang ang buhok at ipinusod pataas bago lumabas ng silid at dumiretso sa kusina.May kanin pa s'yang natira kagabi at balak n'yang isangag iyon. Masarap ang sinangag ipares sa paksiw na niluto n'ya kagabi.Naghanda na s'ya ng kan'yang mga gagamitin sa pagluluto ng may biglang dumaan na an
AUDREY PRISCILLA...Kanina pa s'ya nababagot sa loob ng bahay. Gusto n'yang lumabas ngunit dahil kay Tres na nasa labas ay pinigilan n'ya ang sarili. Mula sa siwang ng dingding na kawayan ay nakikita n'ya si Tres na naglilinis sa labas. Hindi n'ya alam kung ano ang trip nito sa buhay at napahanga s'ya ng lihim ng lalaki dahil nakuha pa nito ang magtrabaho sa bukid para lang sa balak nito.Ngunit kahit ganon pa man ay hindi pa rin s'ya naniniwala kay Tres. Alam n'ya na sa likod ng mga ginagawa nito ay may maitim itong binabalak laban sa kan'ya kaya hindi na s'ya magpapauto pa sa lalaki.Nagbuga s'ya ng hangin habang pabalik-balik ng lakad sa loob ng kan'yang bahay kubo. Nag-iisip s'ya ng mainam n'yang gagawin kay Tres. Kahit anong taboy n'ya rito ay walang epekto sa lalaki at parang pursigido ito sa balak na mananatili sa lugar n'ya.Kaya naman ay isang desisyon ang nabuo sa kan'yang isip. Walang saysay kung tatakas s'ya kay Tres dahil mahahanap at mahahanap pa rin s'ya nito.Nang mak
AUDREY PRISCILLA..."Akin na nga yan, mukhang wala ka namang balak na magtrabaho eh. Inaabala mo ang trabaho ko," sita n'ya rito at inagaw ang palakol mula kay Tres. Ngunit agad na iniwas nito ang hawak na palakol at tumayo. Napakamot ito sa ulo na bumalik sa trabaho ngunit nakikita n'ya na panay ang lingon nito sa paligid.Alam n'ya na ang lamok ang inaalala ni Tres na lihim n'yang ikinangisi. Hindi s'ya umalis doon at binabantayan lamang si Tres. Umalis lang s'ya ng magtanghali na at bumalik sa loob ng bahay-kubo para magluto ng tanghalian.Dumaan s'ya sa gilid ng bahay at namitas ng okra at talong. Ilalaga n'ya lang ito at gagawan ng sawsawan. Masarap ito iulam sa bagong luto na kanin.Dumiretso s'ya sa loob at nagsimula ng magluto. Nagsaing din s'ya at sinadya ng damihan para makakain din si Tres. Kahit ayaw n'ya itong pansinin ngunit naaawa naman s'ya rito na magutom kaya kahit ayaw n'ya ay wala s'yang magagawa.Pero bahala na ito kung ayaw nitong kumain ng gulay. Wala naman s
AUDREY PRISCILLA... Naghikab s'ya pagkatapos n'yang kumain. Ganito pala talaga kapag buntis, palagi ka na lang inaantok kaya naman matapos n'yang ligpitin ang mga pinagkainan ay pumasok s'ya sa maliit na silid ng bahay-kubo at nahiga. Ipinikit n'ya ang kan'yang mga mata ngunit sa kan'yang pagpikit ay ang mukha ni Tres ang kan'yang nakita. Hindi na ito bumalik pagkatapos umalis kanina kaya hindi na din s'ya nag-abala pa na hanapin ito sa paligid. Mas mabuti nga kung bumalik na ito sa Maynila para wala ng manggugulo sa kan'ya. Inalis n'ya si Tres sa kan'yang isip dahil inaantok na talaga s'ya. At wala pang limang minuto ay nawalan na s'ya ng ulirat. ******** Hapon na ng magising s'ya. Medyo napasarap ang kan'yang tulog at hindi man lang napansin ang oras. Naghikab s'ya at nag-unat bago nagpasyang bumangon. Hapon na at maganda magdilig ng mga pananim kapag hapon kaya naisip n'ya na lumabas para makapagdilig. Nagkukusot s'ya ng mga mata habang palabas ng kwarto ngunit nagulat s'ya
AUDREY PRISCILLA... Nakaupo lang s'ya sa upoan na kawayan habang nagmamasid kay Tres na nasa harapan ng kalan. Nagluluto ito at hindi s'ya pinayagan na humawak ng kahit ano. Pinaupo lang s'ya ng lalaki at ayaw nitong may gagawin s'ya. Kahit anong gawin n'ya na pakikipag-away dito ay hindi naman tumatalab kay Tres kay pinili n'ya na lang na manahimik. Baka kung magpaka stress s'ya ng magpaka stress sa lalaki ay maapektohan ang anak n'ya at kung ano pa ang mangyari. "Nagpa check up ka na ba dito?" natigil lamang s'ya sa kan'yang mga iniisip ng marinig na nagsalita si Tres. "Huh?" "Ang sabi ko kung nagpa check up ka na dito?" pag-uulit nito sa tanong. "H-Hindi pa," nahihiya na sagot n'ya sa lalaki. Natigil ito sa ginagawa at lumingon sa kan'ya habang salubong ang mga kilay. "What? Hindi ka pa nakapagpa-check-up? And what are you doing then? Ilang buwan ka na dito Audrey at hindi mo man lang naisip na magpa doctor?" sermon ng lalaki na ikinairap n'ya. "Alam ko! At magpapa check-
AUDREY PRISCILLA... Pagkatapos nilang kumain ay si Tres din ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan nila. Habang nakatingin sa likod ng lalaki ay hindi n'ya mapigilan ang makagat ng lihim ang kan'yang ibabang labi. Naisip n'ya na kapag ipagpatuloy ni Tres ang ganitong trato sa kan'ya ay hindi malabo na mahulog s'ya sa bitag nito. El Frio si Tres at alam n'ya kung ano ang kayang gawin at kung paano maglaro ang mga El Frio. Hindi lingid sa kan'ya kung anong klaseng mga tao ang mga ito sa likod ng prominenteng pamilya. Oo nga at mababait ang mga El Frio ngunit alam n'ya na may mga nakakatakot na ugali ang mga ito at alam n'ya na si Tres ay may ganito din. Kaya sa ginagawa ng lalaki ngayon ay naghahalong saya at takot ang kan'yang nararamdaman. Saya na minsan sa kan'yang buhay ay natrato s'ya ni Tres na parang tao at takot din na baka sa kabila ng ginagawa nitong pag-alaga sa kan'ya ay hindi matatawarang sakit ang ipapalit nito. At isang bagay lang ang pumapasok sa isip n'ya na
AUDREY PRISCILLA..."Bibigyan kita ng five hundred thousand para sa lupain mo at ako na ang sasagot sa operasyon ng asawa mo," sagot ni Tres na pareho nilang ikinaawang ng bibig ni mang Julio."Ha? Teka, totoo ho ba ang sinabi n'yo ser?" si mang Julio kay Tres ng makabawi ito. Kahit s'ya ay nagulat din sa sinabi ng lalaki. Alam n'ya na mayaman si Tres at kahit milyones pa ay kayang-kaya nitong magbayad ngunit ang nakakagulat ay ang pagtulong nito sa matanda."Iba lang ba talaga ang pagkakakilala ko sa kan'ya?" lihim na tanong n'ya sa kan'yang sarili."Yes! Tama at totoo ang narinig n'yo. Five hundred thousand for the land at ako na ang sasagot sa operasyon ng asawa mo. Ipapadala ko kayo sa magandang hospital at ako din ang kukuha ng magaling na doctor para sa kan'ya," seryoso ang boses na sagot ni Tres sa matanda. At hindi n'ya inaasahan ang kasunod na ginawa ni mang Julio. Bigla na lamang itong napaluhod sa lupa at naiiyak na nagpapasalamat kay Tres."Ser, maraming salamat. Sobra-so