AUDREY PRISCILLA... Inayos n'ya ang mga kailangan na ayusin sa bahay kubo. Mabuti na lang at may mga gamit na iniwan ang may-ari katulad ng mga kaldero at plato. Kahit paano ay may magagamit s'ya habang hindi pa s'ya nakakabili. Nagustohan n'ya ang lugar dahil tahimik at malayo sa mga tao. Walang manghuhusga sa kan'ya kapag nakita s'yang buntis at walang asawa. Napapalibutan s'ya ng palayan at may mga tanim na mga gulay ang may-ari na ibinigay din sa kan'ya. Ayon sa mga ito ay padamihin n'ya ang mga ito at mabilis lang na dumami ang mga gulay dahil maganda ang lupa sa lugar na iyon. At iyon nga ang kan'yang ginawa. Nagtanim pa s'ya ng nagtanim hanggang sa may na harvest na s'ya at naibenta sa palengke. Nakakabili na s'ya ng bigas, ulam at iba pang mga gamit sa bahay. Ilang buwan na simula ng umalis s'ya sa bahay ni Tres at medyo malaki na rin ang umbok ng kan'yang t'yan. Napangiti s'ya na hinaplos ang kan'yang t'yan. "Ang bilis mong lumaki anak, at masaya si nanay dahil hi
BLAYRE JOAQUIM... "A-Audrey," nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng asawa. Nagulat ito noong una ngunit ng mahimasmasan ay agad na naningkit ang mga mata. Bagay na ngayon n'ya lang nakita kay Preccy dahil simula ng makilala n'ya ito at hindi n'ya ito nakitaan ng kahit na maliit na galit sa mukha kahit na madalas ay iniinsulto o sinisigawan n'ya ito. "Anong ginagawa mo rito?" seryoso ang boses na tanong ng asawa sa kan'ya. Lihim s'yang napalunok ng laway dahil ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganito kaba sa tanang buhay n'ya. "Ahmmmm, nandito ako para sunduin ka," sagot n'ya rito ngunit wala s'yang nakitang reaksyon sa mukha ni Preccy. Ilang segundo lang s'ya nitong pinakatitigan at maya-maya pa ay sunod-sunod itong umiling. "Umalis ka na Tres, huwag mo na akong guluhin pa dito. Nagpakalayo-layo na ako sayo dahil ito ang gusto mo, hindi ba? Kaya sana ay hindi ka na pumunta pa rito para guluhin ako!" malamig ang boses na sagot ng dalaga sa kan'ya. Lihim s'yang napamura dahil ngayon lan
AUDREY PRISCILLA... Kahit nagtatapang-tapangan s'ya ngunit hindi n'ya pa rin mapigilan ang sarili na matakot ng makita ang galit sa mga mata ni Tres habang nakatingin kay Ben. Si Ben ay anak ng nagtitinda ng karne sa loob ng palengke. Nakilala n'ya ito dahil minsan na s'yang nakabili ng karne sa tindahan ng mga ito at ang binata ang nagbabantay. Simula noon ay naging magkaibigan na silang dalawa at ito ang madalas na tumutulong sa kan'ya kapag marami s'yang paninda. At kilala n'ya ang ugali ni Tres kaya natakot s'ya na baka saktan nito si Ben ng dahil sa kan'ya kaya agad n'yang pinaalis ang binata at sinabi na ayos lang s'ya. Mabuti na lang at sumunod naman si Ben sa kan'ya kahit may pag-alinlangan. Umalis ito at iniwan silang dalawa ni Tres. Nagbuga s'ya ng hangin at hinamig ang sarili. Hindi n'ya dapat pinapakita kay Tres na takot s'ya rito. Wala na itong karapatan sa kan'ya sa kabila ng lahat ng mga ginawa nitong pasakit kahit alam naman nito na buntis s'ya. "Audrey!" tawag
AUDREY PRISCILLA... Tanghali na ng maubos ang kan'yang paninda. Hindi pa rin umaalis si Tres at tinulongan nga s'ya nito para ibenta ang kan'yang mga gulay. Napailing na lamang s'ya habang nagliligpit ng plastic bag na ginawa n'yang latagan ng mga paninda. "Let me do that!" natigil s'ya sa ginagawa ng biglang kunin ni Tres ang mga nasa lupa at niligpit. Nagbuga s'ya ng hangin para pakalmahin ang kan'yang sarili. Kanina n'ya pa itinataboy ang binata para umalis na ito ngunit parang balewala lang dito ang kan'yang sinabi at nanatili pa rin sa lugar. "Akin na yan, Tres at umalis ka na," pag-uulit n'ya sa sinabi n'ya rito simula pa kanina. Natigil ito sa pagliligpit at seryoso ang mukha na nag-angat ng ulo at sinalubong ang kan'yang tingin. "I'm not leaving! Kung hindi ka sasama sa akin sa pag-uwi ko ay hindi din ako aalis dito!" may diin na sagot sa kan'ya ng lalaki. Napabuga s'ya ng hangin dahil pakiramdam n'ya ay kinakapos s'ya ng hininga dahil sa mga pinagagawa ni Tres. "Ano pa
BLAYRE JOAQUIM..."What? Sa akin ka pa galit dahil sa sinabi ko sa matandang iyon? Are you telling me na dapat ay hindi ko na sinabi na asawa mo ako? Na dapat ay nanahimik na lang ako at hinayaan ka sa pagpapanggap mo na dalaga ka!" himig nagtatampo na tanong n'ya kay Audrey.Pagkatapos nila na bumili ng isda at bigas kanina sa tindahan ng ina ng manliligaw nito ay agad silang umalis at alam n'ya na galit si Preccy sa kan'ya dahil sa ginawa n'ya at mga pinagsasabi kanina sa ina ni Ben."Hindi ako nagpapanggap! At bakit? May asawa ba ako? Anong nagawa mo bilang asawa ko Tres? Hindi mo dapat binabastos ng ganon ang ina ni Ben. Mabuti s'yang tao at wala s'yang alam tungkol sa buhay ko kaya ang akala n'ya ay wala akong asawa— na totoo naman dahil wala naman dito ang asawa ko dahil kasama yon ng ibang babae!" namumula sa galit na sagot ni Audrey sa kan'ya.Ngayon n'ya lang nakita na nagalit ang dalaga at masasabi n'ya na may tapang din pala itong tinatago sa katawan.Nagalit s'ya kanina ng
AUDREY PRISCILLA...Hanggang makarating s'ya sa bahay kubo na tinitirhan ay naiinis pa rin s'ya kay Tres. Lahat-lahat na lang ay pinakikialaman ng lalaki at palagi na lang s'yang walang magagawa dito.Gusto n'ya itong singhalan ngunit mukhang wala namang epekto sa lalaki dahil alam n'ya na matigas ang ulo ni Tres at gagawin nito kung ano ang gusto at alam n'ya iyon.Dumiretso s'ya sa kusina at uminom ng tubig. Pakiramdam n'ya ay hapong-hapo s'ya ng araw na iyon. Dahan-dahan s'yang naupo sa papag at napaisip.Naisip n'ya na lisanin ang lugar na iyon ngunit ng maalala n'ya na wala naman pala s'yang magagawa kahit anong gawin n'yang pagtatago dahil matunton pa rin s'ya ni Tres.Malawak ang connection nito at ma-impluensya ang lalaki. Mayaman din ito at kaya nitong magbayad ng tao para lang hanapin s'ya.Nagbuga s'ya ng hangin at hinaplos ang umbok ng kan'yang t'yan. "Anak patawarin mo si nanay, ha? Sinabi ko na sayo na makapamuhay na tayo ng tahimik ngunit mukhang hindi ko na matutupad
AUDREY PRISCILLA...Pagkatapos n'yang mamitas ng gulay ay bumalik na s'ya sa kan'yang bahay-kubo. At ng mapadaan s'ya sa papag sa harapan ng kan'yang bahay ay wala na si TresNagsalubong ang kan'yang kilay na inilibot ang kan'yang tingin sa paligid ngunit hindi n'ya nakita ang lalaki."Nasaan na yon? Ang bilis naman na nawala! Hmmmmm! Mabuti nga yan para wala ng manggugulo sa akin," pagkausap n'ya sa sarili bago pumasok sa loob ng kan'yang kubo.Dumiretso s'ya sa kusina para magluto. Hindi n'ya alam kung saan pumunta si Tres at sa isip n'ya ay baka umalis na ito kaya naman ay nakahinga s'ya ng maluwag.Sinimulan n'ya na ang pagluluto dahil gusto n'ya na rin na magpahinga ng maaga. Bukas ay maaga pa s'ya dahil balak n'yang magdamo sa kan'yang mga pananim bukas.Pagkatapos ng kan'yang tinola ay isinunod n'ya naman ang kan'yang paksiw. Natatakam na s'ya na makahigop ng sabaw kaya habang sinasalang ang paksiw ay naghain na s'ya ng kan'yang haponan.Nagsandok s'ya ng kanin at isda at naupo
BLAYRE JOAQUIM... Kanina pa s'ya sa labas ng bahay ni Audrey at hindi mapakali. Nasa isip n'ya pa rin ang sinabi nito kanina na ang mga lamok sa probinsya ay hindi takot sa mga mosquito spray o patches. Galit na galit ito sa kan'ya kanina ng maamoy ang amoy ng kan'yang pinang spray sa katawan. Mabuti na lang at may dala-dala s'ya sa kan'yang sasakyan. Makakalimutan n'ya lang ang magdala ng condom huwag lang ang mosquito spray at mga patches. Natigil s'ya sa kan'yang iniisip at biglang napatalon ng may marinig na tunog ng lamok sa kan'yang tainga. "Damn it! Fvck!" sunod-sunod na mura n'ya habang nagpapagpag ng kan'yang damit at walang tigil na pinapadyak ang mga paa sa lupa. Sabi nila kapag gumagalaw ka daw ay hindi ka kakagatin kaya iyon ang kan'yang ginawa. At hindi n'ya alam kung gaano s'ya katagal sa ganong sitwasyon. Natigil lang s'ya ng makaramdam ng pagod at naupo sa papag na gawa sa kawayan. Hindi man lang s'ya pinapasok ni Audrey sa bahay-kubo nito. Pagkatapos n'ya it