BLAYRE JOAQUIM... "No! That is not my wife!" tanggi n'ya ng makita ang naagnas na bangkay. Agad s'yang dumiretso sa lokasyon kung saan ay may natagpuan na bangkay ng isang babae na buntis para kumpirmahin kung ang asawa n'ya ang natagpuan. Alam n'ya na hindi si Preccy iyon ngunit habang nakatingin sa bangkay na buntis ay nananayo ang kan'yang mga balahibo. Nakaramdam din s'ya ng takot na baka isang araw ay makita n'ya na lang ang kan'yang mag-ina sa ganitong sitwasyon. "Damn it!" malutong na mura at malalaki ang mga hakbang na bumalik sa kan'yang sasakyan. "Boss!" natigil s'ya sa kan'yang paglakad ng marinig ang boses ni Moses na tinatawag s'ya. Hinarap n'ya ang lalaki at naabutan n'ya itong patakbo sa kan'yang kinaroroonan. "I'm sorry about that!" paghingi nito ng paumanhin sa kan'ya. "It's fine!" tipid na sagot n'ya rito. "Pinakalat ko na ang lahat ng mga taohan natin para sa paghahanap boss!" pagbibigay alam nito sa kan'ya. Tumango s'ya bilang tugon bago ito tinalikuran ng
BLAYRE JOAQUIM... It's been a while since Preccy went missing at sa loob ng ilang buwan na wala ito ay miserable ang kan'yang buhay. Mas miserable pa noong nasa bahay n'ya pa ang babae. Hindi n'ya akalain na maging ganito ang buhay n'ya sa pag-alis ng asawa. Wala s'yang maayos na tulog at kain dahil sa kakahanap dito hanggang sa bumigay na ang kan'yang katawan at nagkasakit s'ya. Dinala s'ya ng kan'yang kapatid na si Ace sa hospital dahil ito ang nakakita sa kan'ya ng puntahan s'ya nito sa kan'yang bahay. Tanging si Ace lang ang may lakas ng loob na suwayin ang utos ng kanilang nanay kaya kahit anong pagbabawal ng kanilang ina na puntahan s'ya ay ginawa pa rin ng kan'yang kapatid. "I need to go home now, Ace. Hahanapin ko pa ang asawa ko," pakiusap n'ya rito. Nagbuga ito ng hangin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Can you listen to me, Tres! You are not well yet. Paano mo mahahanap si Preccy kung hindi ka pa magaling? Mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon," sermon ng kapat
AUDREY PRISCILLA... Kanina pa s'ya nakalatag ng kan'yang mga paninda ngunit hindi pa rin nauubos. Mataas na ang sikat ng araw at masakit na sa balat ngunit hindi pwede na tumigil s'ya. Kailangan n'yang mag-ipon para sa kan'yang anak. Noong umalis s'ya sa bahay ni Tres ay wala s'yang dinala na kahit isa sa mga binigay sa kan'ya. Wala din s'yang pera mula sa mga El Frio. Ang tanging dala n'ya ay ang kan'yang naipon mula sa pagtatrabaho sa mga ito. Binigyan s'ya ng pera ng ina at ama ni Tres ngunit hindi n'ya ito tinanggap pero mapilit ang dalawa at inilagay na lang sa kan'yang account ang pera para daw kay baby. Ngunit hangga't maaari ay hindi n'ya iyon gagalawin at kakayod s'ya para sa kan'yang anak. Hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta ng araw na iyon, basta na lang s'ya sumakay ng bus pagkatapos magpaalam sa mga magulang ni Tres. Kung hindi dahil sa babae na dinala ni Tres sa bahay nila ay hindi sana s'ya aalis ngunit natatakot s'ya na kapag nagtagal pa s'ya at ganon pa ri
AUDREY PRISCILLA... Inayos n'ya ang mga kailangan na ayusin sa bahay kubo. Mabuti na lang at may mga gamit na iniwan ang may-ari katulad ng mga kaldero at plato. Kahit paano ay may magagamit s'ya habang hindi pa s'ya nakakabili. Nagustohan n'ya ang lugar dahil tahimik at malayo sa mga tao. Walang manghuhusga sa kan'ya kapag nakita s'yang buntis at walang asawa. Napapalibutan s'ya ng palayan at may mga tanim na mga gulay ang may-ari na ibinigay din sa kan'ya. Ayon sa mga ito ay padamihin n'ya ang mga ito at mabilis lang na dumami ang mga gulay dahil maganda ang lupa sa lugar na iyon. At iyon nga ang kan'yang ginawa. Nagtanim pa s'ya ng nagtanim hanggang sa may na harvest na s'ya at naibenta sa palengke. Nakakabili na s'ya ng bigas, ulam at iba pang mga gamit sa bahay. Ilang buwan na simula ng umalis s'ya sa bahay ni Tres at medyo malaki na rin ang umbok ng kan'yang t'yan. Napangiti s'ya na hinaplos ang kan'yang t'yan. "Ang bilis mong lumaki anak, at masaya si nanay dahil hi
BLAYRE JOAQUIM... "A-Audrey," nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng asawa. Nagulat ito noong una ngunit ng mahimasmasan ay agad na naningkit ang mga mata. Bagay na ngayon n'ya lang nakita kay Preccy dahil simula ng makilala n'ya ito at hindi n'ya ito nakitaan ng kahit na maliit na galit sa mukha kahit na madalas ay iniinsulto o sinisigawan n'ya ito. "Anong ginagawa mo rito?" seryoso ang boses na tanong ng asawa sa kan'ya. Lihim s'yang napalunok ng laway dahil ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganito kaba sa tanang buhay n'ya. "Ahmmmm, nandito ako para sunduin ka," sagot n'ya rito ngunit wala s'yang nakitang reaksyon sa mukha ni Preccy. Ilang segundo lang s'ya nitong pinakatitigan at maya-maya pa ay sunod-sunod itong umiling. "Umalis ka na Tres, huwag mo na akong guluhin pa dito. Nagpakalayo-layo na ako sayo dahil ito ang gusto mo, hindi ba? Kaya sana ay hindi ka na pumunta pa rito para guluhin ako!" malamig ang boses na sagot ng dalaga sa kan'ya. Lihim s'yang napamura dahil ngayon lan
AUDREY PRISCILLA... Kahit nagtatapang-tapangan s'ya ngunit hindi n'ya pa rin mapigilan ang sarili na matakot ng makita ang galit sa mga mata ni Tres habang nakatingin kay Ben. Si Ben ay anak ng nagtitinda ng karne sa loob ng palengke. Nakilala n'ya ito dahil minsan na s'yang nakabili ng karne sa tindahan ng mga ito at ang binata ang nagbabantay. Simula noon ay naging magkaibigan na silang dalawa at ito ang madalas na tumutulong sa kan'ya kapag marami s'yang paninda. At kilala n'ya ang ugali ni Tres kaya natakot s'ya na baka saktan nito si Ben ng dahil sa kan'ya kaya agad n'yang pinaalis ang binata at sinabi na ayos lang s'ya. Mabuti na lang at sumunod naman si Ben sa kan'ya kahit may pag-alinlangan. Umalis ito at iniwan silang dalawa ni Tres. Nagbuga s'ya ng hangin at hinamig ang sarili. Hindi n'ya dapat pinapakita kay Tres na takot s'ya rito. Wala na itong karapatan sa kan'ya sa kabila ng lahat ng mga ginawa nitong pasakit kahit alam naman nito na buntis s'ya. "Audrey!" tawag
AUDREY PRISCILLA... Tanghali na ng maubos ang kan'yang paninda. Hindi pa rin umaalis si Tres at tinulongan nga s'ya nito para ibenta ang kan'yang mga gulay. Napailing na lamang s'ya habang nagliligpit ng plastic bag na ginawa n'yang latagan ng mga paninda. "Let me do that!" natigil s'ya sa ginagawa ng biglang kunin ni Tres ang mga nasa lupa at niligpit. Nagbuga s'ya ng hangin para pakalmahin ang kan'yang sarili. Kanina n'ya pa itinataboy ang binata para umalis na ito ngunit parang balewala lang dito ang kan'yang sinabi at nanatili pa rin sa lugar. "Akin na yan, Tres at umalis ka na," pag-uulit n'ya sa sinabi n'ya rito simula pa kanina. Natigil ito sa pagliligpit at seryoso ang mukha na nag-angat ng ulo at sinalubong ang kan'yang tingin. "I'm not leaving! Kung hindi ka sasama sa akin sa pag-uwi ko ay hindi din ako aalis dito!" may diin na sagot sa kan'ya ng lalaki. Napabuga s'ya ng hangin dahil pakiramdam n'ya ay kinakapos s'ya ng hininga dahil sa mga pinagagawa ni Tres. "Ano pa
BLAYRE JOAQUIM..."What? Sa akin ka pa galit dahil sa sinabi ko sa matandang iyon? Are you telling me na dapat ay hindi ko na sinabi na asawa mo ako? Na dapat ay nanahimik na lang ako at hinayaan ka sa pagpapanggap mo na dalaga ka!" himig nagtatampo na tanong n'ya kay Audrey.Pagkatapos nila na bumili ng isda at bigas kanina sa tindahan ng ina ng manliligaw nito ay agad silang umalis at alam n'ya na galit si Preccy sa kan'ya dahil sa ginawa n'ya at mga pinagsasabi kanina sa ina ni Ben."Hindi ako nagpapanggap! At bakit? May asawa ba ako? Anong nagawa mo bilang asawa ko Tres? Hindi mo dapat binabastos ng ganon ang ina ni Ben. Mabuti s'yang tao at wala s'yang alam tungkol sa buhay ko kaya ang akala n'ya ay wala akong asawa— na totoo naman dahil wala naman dito ang asawa ko dahil kasama yon ng ibang babae!" namumula sa galit na sagot ni Audrey sa kan'ya.Ngayon n'ya lang nakita na nagalit ang dalaga at masasabi n'ya na may tapang din pala itong tinatago sa katawan.Nagalit s'ya kanina ng