“SIR, papasok na po tayo rito sa Ngala. Hindi pa po updated sa GPS Map ang lugar na ‘to.” Panggigising sa akin ni manong driver na kinontrata ko kanina sa airport. Napatingin ako sa labas ng bintana. Magdadapit hapon pa lang naman. Nasa kahabaan pa kami ng highway talaga. Napatingin ako sa malaking signboard na meron nakalagay na NGala pakaliwa, “…pasensya na po kung naabala ko kayo sa pagtulog niyo. Gigisingin ko pa rin kayo kasi nga hindi ko alam kong saan ko po kayo mismo ibababa.”
“Ayos lang po manong. Pasensya na nakatulog ako. Sige po, ituturo ko na lang sa inyo pagkapasok po natin sa loob at hindi po Ngala, N Gala po. Nakahiwalay po ‘yong N sa Gala kapag babasahin niyo.”
“Ah ganoon po ba sir. Dalawang beses pa lang kasi nakapaghatid rito sa lugar niyo.” Sabi niya’t sabay iniliko niya ang sasakyan papasok na nga sa dating lugar na kinalakihan ko. napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang mga talahiban na naalaala kong Nadaanan ko rin noong lumabas ako ng lugar na ‘to. Wala pa rin pagbabago sa lugar na ‘to at kagaya nga ng sinabi ni Manong, wala pa sa app ‘tong loob ng Ngala. Maliit lang naman na lalawigan ito na kasunod ng San Pedro. Wala pa ata sa kalahati ‘to ng San Pedro. Bago ako umalis dito, sabi-sabi na noon na idi-develop nga raw ‘tong lugar na ‘to pero hindi naman matuloy-tuloy talaga at parang napabayaan na talaga ng panahon ‘yong mga umaasang mapapatayuan ng magandang bahay. Ganunpaman, masaya sa loob NGala, masaya kung taga rito ka pero kung taga labas ka, hindi magiging masaya ang pagbisita mo kaya nga nahirapan akong kontratahin ‘tong si Manong kanina. Meron naman mga bus papunta rito kaso magpupunta pa ako sa Terminal at pagbaba ko sa Terminal sasakay pa ako ulit ng jeep at tryke bago marating sa Baranggay Patay na Lupa.
Nahahati sa tatlo ang NGala. Hindi lang sa lugar kung ‘di pati ‘yong estado ng mga nakatira rito, lugar ng sakto sa buhay sa Bagong Bato o itong bungad, mayayaman sa NCCP na dating Gintong Bato, ‘yon ang nasa gitna at sa doon kami napadpad sa lugar ng mahihirap sa pinakadulo, sa Dulong Bato, halos malapit na kami sa dagat kaya maraming negro talaga roon. Meron din namang mga mayayaman talaga sa baranggay namin at sa iba pang parte ng Dulong Bato pero mas marami ang mga buraot na mahihirap.
Dumaan kami sa Tulay na Ginto. Iyong nagdudugtong sa Bago at Dulong Bato. Maarte kasi ang mga taga-NCCP ayaw nila magpadaan sa lugar nila kung hindi taga roon sa kanila. Hindi talaga ‘to tulay, tinawag lang na tulay dahil nga nagdudugtong sa dalawang lugar. Nasa gilid ‘to ng NGala kaya nakikita ko sa kaliwa ‘yong dagat ng San Pedro at nitong lugar namin.
Isang oras mahigit lang ang biyahe hanggang sa Dulong Bato. Pinasok ni manong ang sasakyan niya sa maliit na eskinita at medyo nabigla siya dahil kung anong tahimik sa nadaanan namin siya namang ingay dito at dami ng tao.
“Bakit maraming tao rito sa lugar niyo sir?”
“Kasi wala naman pong pinagkakaabalahan ‘yong mga tao rito kung ‘di gumawa ng bata.” Pabirong sagot ko pero totoo naman talaga ‘yon. Factory ng mga bata ‘tong Dulong Bato. Hindi uso isang bata lang sa isang pamilya. Kung isa lang anak, asahan na dalawa naman ang asawa o tatlo. Kagaya ni nanay. Kapatid ko lang talaga si ate kay nanay pero magkaiba ang tatay namin, pero ayos naman ‘yong pakikisama sa akin noong naging tatay ko na tatay ni ate. Tatay na rin talaga turing ko sa kaniya.
At dahil sa naka-taxi ako, nakatingin ‘yong mga tsismosa na nagtitipon-tipon pa rin sa ganitong oras. Hindi naman pala talaga sila natutulog, magdamag pala ang tsismisan dito kasi kaliwa’t kanan ang pasugalan.
“…Manong, diyan na lang po sa Kanto Masikip.” Sabi ko’t tinuro ko sa kaniya ‘yong mga tambay na mas marami pa kaysa sa mga sidecar at motor. Dito lang naman sa labasan maraming tao talaga pero sa looban, kaunti na lang, mga kalahati na lang ng mga nandito sa labas.
Ipinadara ni manong ang sasakyan at lumabas na ako pagkaabot ko ng bayad. Maliit na bag lang ang dala ko kasi hindi naman talaga ako magtatagal sa lugar na ‘to. Hanggang sa mailibing lang talaga si nanay tapos aalis na rin ako.
“Sid.” Pamilyar na boses na tumawag sa akin at napalingon ako. Tinaas niya ang kamay niya’t gumuhit ang ngiti sa mga labi ko habang papalapit siya sa akin. Nakasuot siya ng itim na polo. Nakapantalon na hapit na hapit at hindi pwedeng hindi babakat ang malaking alaga niya. Iniiwasan niya ‘yong mga tao hanggang sa makalapit siya sa akin.
Sampong taon na ‘yong nakakalipas at kung paano ko siya noon nakitang papalapit sa akin ganoon pa rin hanggang ngayon. Mas lalo siyang naging pogi ngayon, mas lumaki pa ang katawan niya, ang braso, ang dibdib, ang hulmadong abs niya na nakatago sa damit niya, o hindi ko alam kung may abs ba siya… at tatay na tatay na rin talaga ang datingan niya.
“…hindi nabanggit sa akin ni misis na ngayon ang dating mo, mabuti na lang at lumabas ako rito sa labasan. Kadarating mo lang?”
“Hindi rin po alam ni ate na ngayon ang dating ko. Dapat bukas pa kaso naisipan kong dumiretso na po rito.”
“Ganoon ba? Maligayang pagbabalik dito sa lugar natin, bata.” Pagbati niya’t ginulo-gulo niya ang buhok ko.
“Salamat po, Kuya Sam.”
“Tayo na sa looban.” Sabi niya’t kinuha niya sa akin ang dala kong bag at inakbayan niya ako, “…at masanay ka nang tawagin mo akong… bayaw.”
“ROSARIO, nandito na kapatid mo.” Pakuha ni Kuya Sam sa atensyon ni ate na kaupo sa mesa ng mga nagsusugal. Napatingin siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Losyang na losyang na si ate. Magulo ang buhok,may sigarilyo pa sa bibig at halos nakaluwa ang s**o niya sa suot niyang maluwang na itim na daster. Meron siyang tattoo sa braso niya. Naging tipikal na babaeng taga Dulong Bato na ‘to si ate talaga noong iwanan ko sila, hindi naman siya ganiyan at noong natawag-tawag pa ako sa kanila o kapag ka-chat ko sila, hindi pa siya ganiyan.
“A-anong nangyari sa’yo ate?”
“Anong anong nangyari sa akin? Ikaw… anong nangyari sa’yo, kung hindi pa namatay si nanay, hindi ka pa babalik dito.”
“Rosario,” Pamimigil ni Kuya Sam.
“At ikaw lalaki ka, saan ka galing? Ang daming tao rito oh, kung saan-saan ka nagpupunta.” Sabi niya’t tumayo siya, “…mamaya na ako maglalaro, aasikasuhin ko lang muna ‘tong kapatid kong stateside.”
“Mare, bayad ka muna.”
“Magbabayad ako mamaya. Bwisit kayo! mabuti nga’t hindi ko kinuhaan ng tong itong mesa natin.”
“Tsk, tsk… sabihin mo lang na wala ka ng pangbayad. Hindi porket lamay niyo ‘to, ganiyan ka na. Baka nakakalimutan mong marami ka pang utang sa mga nagdaang sugalan na dinadayuhan mo.”
“Eh baliw ka pala eh!”
“Ate! Ano ba?!” Pinigil ko talaga siya. Napatingin ‘yon ibang mga nagsusugal dito, “…magkano ba kulang mo? Ako na magbabayad.” Sabi ko’t kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko.
“Limang daan.”
“Kapal mo naman, 480 lang ‘yon! Hayop na p****k na ‘to.”
“Hoy, kahit p****k ako marunong akong magbayad ng utang no. Kapag wala na kasing pera, tayo-tayo rin pag may time.”
“Fine—” Paninikit ko’t inilapag ko ang limang daan sa mesa nila.
“Oh ‘di ba? Galante ‘tong kapatid ko. Balik ako riyan mamaya. Bawiin ko ‘yan pera ng utol ko.” sabi niyang may pagmamayabang. Humarap siya sa akin at basta bigla na lang niya akong niyakap, “…bango mo ‘tol, hindi ka na amoy araw kagaya noong bata ka pa ah. Tara sa loob ng bahay.” Dagdag niya’t hinalik-halikan niya pa ang mukha ko. Kumalas siya sa akin at tumingin sa mga nagsusugal, “…’yong mga tong niyo sa patay ha? Baka nagkakalimutan. Umayos kayong lahat, nanay ko ang nasa kabaong.”
Napayuko na lang ako talaga’t napailing-iling. Inakbayan naman ako ni Kuya Sam at sumunod kami kay ate papasok sa loob ng lumangbahay namin.
“KUYA Yvar, nandito ka pa rin pala.” Pagkabigla ko nang makita ko siyang papalabas sana ng bahay habang papasok naman ako, kami ni Kuya Sam. Napahinto siya, napatingin siya sa akin. Kung paano ko nakita noon si Kuya Sam, ganitong-ganito na ang itsura at datingan ngayon ni Kuya Yvar. Ibarra talaga siya, Yvar lang tawag sa kaniya. Pogi, matangkad, malaki ang katawan, binatang-binata ang datingan. Meron siyang tattoo sa braso niyang malaman, mamasel, tsokolateng-tsokolate ang kulay niya, kagaya ng sa papa niya.
“Cedrick? Grabe naman ‘yan, hindi kita nakilala. Kamusta ka na?” Pagkasabik nitong bungad din sa akin paglipas ng ilang segundong pangingilala niya sa mukha ko. Bigla niya akong niyakap at damang-dama ko ‘yong kalakihan ng katawan niya, naamoy ko rin ang pawis niya, “…bakit ngayon ka lang ulit nagpakita rito? Na-miss kita ah.” Humiwalay siya sa akin. Nauna naman pumasok si Kuya Sam, “…anak ako sa labas ng ate mo kaya nandito pa rin ako. Pero hindi ako rito nakatira, nandito lang ako ngayon dahil sa lamay ni nanay, nanay mo. Pakikiramay nga pala sa’yo, Sid.”
“Salamat, Kuya Yvar. At ayos lang naman po ako.”
“Grabe, gwumapo ka, adnag matindi ah. Usap tayo mamaya, tinatawag ako ng barkada eh. Maligayang pagbabalik, Sid. Masaya akong makita ka ulit. Masaya kami ng bayaw mo na makita kang muli.” Tinapik niya ang braso ko’t nagmadali siyang pumalabas.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Ito pa rin ‘yong dating bahay naming na medyo lumaki lang ng kaunti at nilagyan lang talaga ng trapal sa harapan para sa mga nagsusugal at nandito rin ngayon sa loob ang kabaong ni nanay.
“Nak…” Boses ni tatay. Napatingin ako sa kaniya kaagad akong lumapit sa kinauupuan niya’t naiyak ako na may ngiti sa labi na makita kong muli si tatay. Tumayo siya’t sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.
“Tay, kamusta ka na po? Pasensya na po kung ngayon lang ako nakauwi rito sa atin. Ano po bang nangyari kay nanay?” Mahinahon na halos pabulong na pagkakasabi ko sa kaniya, pumakalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at hindi niya nasagot ang tanong ko basta na lang tumingin siya kay ate at kay bayaw.
“INATAKE sa puso si nanay. Biglaan lang din. Wala ako rito sa bahay. Wala rin ‘tong bayaw mo at tulog si tatay dahil lasing siya noong araw na ‘yon. Iyon ang dahilan kung bakit nasa loob ng kabaong ngayon si nanay.” Paliwanag ni ate. Nagsindi pa siya ng sigarilyo niya habang nakatayo lang si Kuya Sam malapit sa bintana. Katabi ko naman si tatay at parang nahihiya siya sa akin, siguro dahil totoo na lasing nga siya, “…pero kahit naman meron tao rito, Sid hindi pa rin namin maisasalba si nanay. Ilang beses na siyang inaatake. Baon na kami sa utang dahil nakailang balik na kami sa hospital. Hindi sapat ang sinasahod nitong bayaw mo pang-sustento sa pangangailangan ni nanay. Hindi ka naman namin mahagilap, parang kinalimutan mo na ‘tong pamilyang ‘to. Ikaw ang may magandang buhay pagkatapos mong sumama sa amerikanong ‘yon tapos kinalimutan mo na kami. Doon din talaga nagsimula ang pagkakasakit ni nanay. Sinisisi niya ang sarili niya dahil wala siyang magawa kung ‘di ang ibigay ka sa kano na ‘yon kapalit ng malaking halaga.”
“Kayo ang hindi ko na makontak. Wala kayong mga social media rito. Ilang beses akong sumubok na kontakin kayo.”
“Hindi uso ‘yon dito. Bakit hindi ka bumalik kaagad dito?”
“Hindi naman ganoon kadali ‘yon ate.”
“Hindi mo ba natatanggap ‘yong mga pinapadala namin sulat sa’yo noon?”
“Kailan lang binigay sa akin ni Dad.”
“Dad? Iyong umampon sa’yo?”
“Oo, ate. Inamin niya sa akin na gusto niyang makalimutan ko kayo kaya naman hindi niya binibigay sa akin ‘yong mga sulat niyo sa akin. Kahit ‘yong mga pagtawag niyo sa akin. Kay Dad ko lang din nalaman ang nangyari kay nanay kaya hiningi ko kaagad ang permiso sa kaniya na bumalik dito. Sa kaniya ko lang din nakuha ang number na ginagamit niyo.”
“Kinalimutan mo pa rin kami, Cedrick.”
“Hindi totoo ‘yan.”
“Kahit ‘yong mga kamag-anak ni nanay sa NCCP walang maibigay man lang na tulong. Kahit ‘yong pamilya ng tatay mo, ‘yong totoong tatay mo, hindi man lang magbigay ng tuloy. Mayaman ‘yon ate mo sa isang tatay mo ‘di ba? Alam mo naman na siguro ang tungkol sa isa pang pamilya ng totoong tatay mo.”
“Kailan ko lang nalaman, I mean, kailan ko lang din nakontak si ate, ‘yong isang ate ko. actually, siya ang unang komontak sa akin, sinabi lang daw kasi ni tatay ‘yong pangalan ko. nakita niya ako sa social media, minissage niya ako para lang sabihin na naka-ICU si tatay.”
“Wow, mukhang magkikita silang dalawa ni nanay sa langit.”
“Ate!”
“Eh ‘yon ate mo, hindi ba siya magbibigay man lang ng tulong dito?”
“Hindi naman niya nanay si nanay.”
“Oo nga naman.”
“Ako nang bahala sa lahat ng gastusin ate.”
“Mabuti naman at lumabas ‘yan sa bibig mo. Iyan lang naman ang gusto kong marinig mula sa’yo. At galing ka ng ibang bansa, wala ka man lang dala-dalang pasalubong.”
“Hindi na ako nakabili… at seryoso ate? Libing ni nanay tapos magdadala ako ng pasalubong?”
“Hindi naman kami lahat nang pupuntahan mo ililibing, pero siguro kung nagtagal ka pa, baka patay na kaming lahat na maabutan mo. Mamatay kami rito sa gutom at kunsumisyon dahil sa kabilaang utang ng pamilyang ‘to. Pumayag si nanay na ipaampon ka pero hindi ka naman nakatulong, sino ngayon sa ating dalawa ang walang silbi, Cedrick?”
Sasagot pa sana ako pero pinatayo na ni Kuya Sam si ate. Pinalabas na niya ‘to. Mababa lang ang luha ko pero pinipigilan ko na lang. Hindi ako umuwi rito para sa ganitong drama at mukhang malaki ang galit sa akin ni ate… lalo pa’t ako rin talaga ang sinisisi niya dahil nakunan nga siya noon.
Ilang araw lang naman akong mananatili rito. Hindi rin ako makakatagal dito at wala rin akong maisip na dahilan para magtagal pa sa lugar na ito. Kung papayag si tatay, isasama ko siya at ilalayo ko siya sa lugar na ito.
“Mukhang pagod ka sa biyahe mo, Sid. Tara sa kwarto.”
“Po?”
“Kailangan ko rin kasi magpahinga. Ilang araw na akong puyat. Huwag ka mag-alala, malaki ang kama, kasyang-kasya tayong dalawa.”
PHASE I: “BALIK BAYAN”“KARAPATAN?” Napakunot talaga ang noo ko, “…anong sinasabi mong karapatan Kuya Sam? Nawalan na ako ng karapatan sa pamilyang ‘to mula noong umalis ako. Mula noong ipamigay ako ni nanay kay Dr. Harrison, kay Dad.” Napaupo ako sa dulo ng papag na merong manipis na kama na halos nakadikit na sa kahoy. Sobrang luma na ng kamang ito at kitang-kita na ‘yong paniniksik ng mga mantsa ng dumi, natatakpan lang talaga dahil sa kobreng puti na hindi namang maayos na nakaipit sa ilalim kaya lumalabas ‘yong maruming kutson nito. Sa pagkakatanda ko rin, ito ‘yong kwarto naming dalawa ni ate noon. Hindi ko nga lang natatandaan ‘tong papag na ‘to, baka ginawa nila noong umalis na ako. Kalawangin na rin ‘yong bubong at merong mga mangilan-ngilang butas pa, at may isa na parang merong nakadikit na matagal ng bubblegum. Maagiw ang bawat sulok, masapot, madumi at nangingitim. Meron isang electric fan dito, ‘yon nakatayo, at halatang luma na rin talaga, maingay na ang ikot. May mga b
MAGING ang mga daliri ko sa paa ay hindi ko magalaw.Kinakabahan ako? Oo, siguro. Hindi ko alam, hindi ko masabi. Para ngang nakatapak ako sa yelo ngayon at nanlalamig ang mga talampakan ko, umaakyat sa binti ko, sa tuhod ko, sa hita ko, papunta sa puwitan ko at kung meron kung anong patusok na tila kumakatok sa butas ng puwit ko… lahat ng ito’y nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko sa madilim na parte nitong kwarto si Kuya Sam habang himas-himas niya ang tinuturing niyang… alaga.“Anong ginagawa mo… Kuya Sam?” Tanong ko sa kaniya na sa pagitan nang pagka-crack ng boses ko. Hindi ko malakasan, hindi ko mahinaan at kahit na kaming dalawa lamang ang nandito ngayon pakiramdam ko maririnig at maririnig kami ng mga tao na nasa labas lang ng kwartong ito.Paano kung nasa likod lang ng pintuang nakasara si tatay? O si ate. Kung naririnig ko sila sa labas ay posible na maririnig nila akong nagsasalita rito sa loob.“Hindi mo ba gustong makilala ang alaga ko, bata?”Napayuko ako at napatingi
“BAYAW”ni Madam K/iamkenth**********This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Contains explicit/sexual contents, inappropriate use of words/language, drugs, violence, homoerotic scenes that may be found offensive to some readers. Read it at your own risk. R18+BE SAFE. Do Not Use/Practice Drugs.************ Ito ay gawain ng piksyon lamang. Ang mga pangalan, karakter, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at insidente ay alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginagamit sa isang mahiwagang paraan. Anumang pagkakahalintulad sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay dalisay na nagkataon lamang.Naglalaman ng eksplisiyon/seksuwal na nilalaman, hindi angkop na paggamit ng mga salita/wika, droga, karahasan, homoerotic scenes n