Home / Mystery/Thriller / BAYAW / KABANATA II

Share

KABANATA II

Author: iamkenny
last update Huling Na-update: 2022-08-27 21:33:53

MAGING ang mga daliri ko sa paa ay hindi ko magalaw.

Kinakabahan ako? Oo, siguro. Hindi ko alam, hindi ko masabi. Para ngang nakatapak ako sa yelo ngayon at nanlalamig ang mga talampakan ko, umaakyat sa binti ko, sa tuhod ko, sa hita ko, papunta sa puwitan ko at kung meron kung anong patusok na tila kumakatok sa butas ng puwit ko… lahat ng ito’y nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko sa madilim na parte nitong kwarto si Kuya Sam habang himas-himas niya ang tinuturing niyang… alaga.

“Anong ginagawa mo… Kuya Sam?” Tanong ko sa kaniya na sa pagitan nang pagka-crack ng boses ko. Hindi ko malakasan, hindi ko mahinaan at kahit na kaming dalawa lamang ang nandito ngayon pakiramdam ko maririnig at maririnig kami ng mga tao na nasa labas lang ng kwartong ito.

Paano kung nasa likod lang ng pintuang nakasara si tatay? O si ate. Kung naririnig ko sila sa labas ay posible na maririnig nila akong nagsasalita rito sa loob.

“Hindi mo ba gustong makilala ang alaga ko, bata?”

Napayuko ako at napatingin sa talampakan ko… sa sahig na may mantel.

“Wala akong nakikitang hayop dito, kuya Sam.”

“Sino ba nagsabi sa iyong hayop ang alaga ko?” Tanong niya na nagpalunok sa kaluluwa ko, “…lumapit ka na rito bata. Huwag ka nang mahiya.”

Muli akong napatingin sa kaniya habang inilabas niya ang palad niya sa loob ng manipis niyang shorts. Pinabakat niya sa tela ang malaking alaga niya. Hulmadong-hulmado ito, malaki, mahaba at matigas na handang pumunit ng kung anomang masikip na butas na papasukan nito. Naalala ko kasi na bukod sa gwapong itsura niya, ang alaga niya ring iyan ang panay na pumapasok sa panaginip ko habang nasa ibang bansa ako.

O’ baka nga, panaginip lang din ito? Na wala pa talaga ako rito? Baka nasa eroplano pa rin ako, baka halusinasyon lang ang lahat ng ito at hindi magagawa o masasabi ni Kuya Sam ang mga bagay na ito sa harapan ko, hindi sa pagkakataon na ito, hindi sa bahay na ito kung saan ngayon nakaburol ang nanay.

“Anong nangyari sa’yo bata?” Boses pa rin ni Kuya Sam. Nakikita ko pa rin siyang nakahiga sa kama pero sa pagkakataon ito ay inunan na niya ang mga palad niya sa batok niya. Nakabakat pa rin ang malaking ari niya na sobrang laki na talaga nito at hindi na ako bata para hindi maakit dito, matukso. Gusto kong lapitan, hawakan, kamustahin at gusto kong makita.

Napabuntong hininga. Humakbang ako ng isa, dalawa, tatlo hanggang sa tumama ang tuhod ko sa kanto ng kama, pumatalikod ako, pumaupo. Naramdaman kong hinawakan, kinapitan ni Kuya Sam ang tagiliran ko. Ganoon pa rin naman ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Tinatanong kita bata, anong nangyari sa’yo?”

“Saan Kuya Sam? Sa ibang bansa?”

“Wala akong pakialam sa kung anong nangyari sa iyo noon, tinatanong ko ay ang ngayon dahil parang natahimik ka, parang naiilang ka na sa akin. Hindi ganiyan ang batang pinatuloy ko noon sa bahay. Hindi ganiyan ang batang si Sid na nakilala ko noon.”

“Kuya Sam, hindi na ako bata.”

“Ilang taon ka na?”

“Nasa wastong edad na ako.”

“Bata ka pa rin sa paningin ko, bata. Humiga ka na rito sa tabi ko. Huwag kang kabahan, ano ka ba, ako lang ito, ang Kuya Sam mo, ang bayaw mo.”

Napatingin ako sa mukha niya. Nakatingin siya sa akin. Inihanda niya ang kanang braso niya, nag-aalok na higaan ko ito, unanan ko. Matigas na masels at kitang-kita ko ang malagong buhok sa lalim ng kili-kili niya.

Isang pagbuntong hininga at pumahiga na ako sa tabi niya, patalikod, nakapahawak pa ako sa braso niya. Pinakikiramdaman ko ang paligid, ang bawat sulok, naririnig ko ang boses ni ate sa labas na para bang nakikita ko siyang nakikipag-agrumento sa mga kasugalan niya, nakataas ang paa sa upuan, meron yosi sa bibig, magulo ang buhok, malayong-malayo sa ate na naiwanan ko noon.

Naramdaman ko rin ang pagtagilid ni Kuya Sam at pumadikit sa aking likuran. Kumapit siya sa aking balakang, pinararamdam niya sa akin ang init ng kaniyang katawan, ang katigasan ng masels niya, ang kahubugan niya at ang matigas na ari niyang tuluyan ng nakalapat sa hiwa ng katambukan ng puwit ko. Napapakislot ang tumbong ko.

“Kuya Sam.”

“Oh?” Bulong niya sa kaliwang tainga ko habang dama ko iyong init ng buga ng kaniyang hininga, amoy ko iyong yosi na hinithit niya, ang kape na ininom niya, parang halimuyak ito sa aking ilong.

“Kinakabahan po ako.”

“Saan?”

“Dito.”

“Hindi mo ba ako gusto?”

“Kuya Sam!” Pabigla kong pagkakasabi’t tinakipan niya ng kanang palad niya ang bibig ko, ang laki nito, sakop nito ang buong halos kalahati ng ibabang parte ng bunganga ko.

“Shh… huwag mong lakasan ang boses mo. Gusto mo bang katukin tayo rito ng tatay mo? Gusto mo bang matulog siya rito sa loob? Diyan sa lapag? Gusto mo bang may kasama tayong iba ngayon dito? O baka naman, gusto mong pasukin tayo rito ni misis? Ng ate mo.” Habang sinasabi niya iyon ay naamoy ko sa palad niya ang naiwang amoy na mula sa pagkakahawak niya kanina sa kaniyang alaga. Itong palad niya ngayon na nasa aking mukha ang kanina lang na pinanghihimas sa ari niya.

Wala na akong naiipon laway dahil kanina pa ako lunok ng lunok. Nanunuyot ako pero para akong namamasa ngayon, hindi sa pawis, hindi sa init, hindi ko alam kung saan galing ang pamamasang nararamdaman ko sa mismong butas ng puwitan ko na kasalukuyang meron malaki at matigas na bagay na pumaiipit dito.

Hindi lasing si Kuya Sam. Wala kong naamoy na alak sa hininga niya. Nanuyong pawis, amoy ng araw, amoy ng lugar na ito ang nanunuot sa balat niya na tila ba pinapasa niya sa akin.

“…ganito na lang bata, hindi mo naman talaga kailangan magsalita. Gusto ko lang malaman mo na masaya akong nandito ka na ulit. Binalikan mo ako, bata. Kagaya ng ipinangako mo. Natatandaan mo ba ‘yon? Siguro naman.”

Mapanukso talaga ang boses na lumalabas sa bibig niya. Nararamdaman ko na iyon bawat hibla at tulis ng bigote niya, ng balbas niya, pumangingiliti sa balat ko, sa batok ko.

Wala kasi talaga akong maisip na sasabihin o maisasagot.

Mali ito pero hindi ko magawang tumayo o iwanan siya sa kwartong ito at paano kung gawin ko iyon? Anong iisipin niya? Na hindi ko siya gusto? Na hindi ko gustong makita siya? Makasama siya? Na hindi ko gustong merong mangyari sa aming dalawa.

Nag-antay ako ng ilang taon para sa pagkakataon ito.

Oo, hinintay ko talaga ito.

Hinawakan niya ang kaliwang palad ko. Nakatakip pa rin sa bibig ko ang kanang palad niya na hindi naman ako nasasakal talaga o nasasaktan. Dinadala niya ang palad ko sa aking likuran hanggang sa tuluyan niyang ipahawak sa akin ang napakalaking alaga niya, ga-braso sa laki, ga-bakal sa tigas, galit na galit, pumamumuslit-muslit.

Para akong hihimatayin, para akong mawawalan ng malay. Hindi ko na mapigilan pa ang pagdabog ng tibok ng puso ko. Sasabog na talaga ako.

“Naging magkasundo kayo ni brutos kahit na kinagat ka niya noon, kaya siguro naman hindi ka mahihirapan na makasundo kayo nito, bata.”

Nanlambot ako sa binulong niya at talaga napapiga pa ako sa hinahawakan ko ngayong pag-aari niya.

TILAOK ng manok. Kaliwa’t kanan kong naririnig.

“Hoy, bumangon ka na riyan!” Malakas na boses ni ate kaya naman napadilat ako. Nakita ko siya na nakatalikod sa akin, nakaharap sa mataas na salamin habang nagsusuklay sa buhok niyang may kahabaan pa rin naman, basa na ito, bagong ligo si ate, amoy ko pa iyong sabon na ginamit niya at nakasuot ng itim. Napabangon ako at napatingin sa aking likuran, sa akin tabi.

“Nasaan si Kuya Sam?” Unang tanong na lumabas sa bibig ko sa umaga.

“Bakit siya ang una mong hahanapin?” Iritang pagkakatanong ni ate, napatingin ako sa repleksyon ng salamin, masama ang tingin niya sa akin.

“Magkasama kasi kaming natulog— I mean, sabay kaming nakatulog kagabi o baka mas nauna pa akong nakatulog sa kaniya kagabi.”

“Magkatabi kayo riyan sa kama namin kagabi?”

“Ha? Uh—malaki naman itong kama na ito.”

“Bale, tinabihan mo ang asawa ko, Sid?” Hinarap niya ako.

“Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin sa tanong mong iyan ate. Pero oo, magkatabi kaming dalawa at nakatulog na ako.”

“Kaya hinahanap mo siya?”

“Alam mo ate, kalimutan mo na lang na naitanong ko siya.”

“Nasa labas si Sam at ikaw na lang ang inaantay. Paimportante ka masyado. Ngayon ang libing ni nanay, ‘di ba? Nangako ka kagabi. Kung nasanay ka sa ibang bansa na tanghali gumising pwes huwag mong dalhin dito sa NGala ang kinalikihan mo roon, wala ka na sa ibang bansa Sid nandito ka na ulit sa lugar na ito… o baka naman, napasarap lang talaga ang tulog mo dahil katabi mo ang asawa ko kaya ngayon ka lang gumising.”

BUMANGON ako at hindi ko naman pinatulan ang mga pinagsasabi niya. Hindi naman kabastusan ang umiwas sa usapang alam kong wala namang kahahantungan. Lumabas ako ng kwarto pagkakuha ko ng damit na isusuot ko.

Malinis na rito sa sala, hindi malinis na malinis pero wala na iyong kabaong ni nanay. Wala rin mesa sa labas, wala na ring tent, pero nagkalat ang kalat, mga upos, mga balat ng kendi, styro na pinagkapihan at kung ano-ano pa. Wala na rin si tatay dito at nakita ko naman kaagad si Kuya Yvar na pinagpapatong-patong ang mga upuan, nakabihis na rin naman siya, nakaitim na damit at napalingon siya sa akin.

“Oh, gising ka na pala. Bumalik ako rito kagabi, kaso sarap na ng tulog mo eh kaya hindi na kita inabala.”

“Sobrang pagod at antok ko talaga, Kuya Yvar.”

“Ayos lang Sid. Maliligo ka pa lang ba?”

“Oo—” Sagot ko’t napatingin siya sa relo niya.

“Dalian mo lang Sid, kasi aalis na ‘yong jeep. Dadalhin na iyong nanay mo sa sementeryo.”

“Ugh, bakit kasi hindi ako ginising ng mas maaga.”

“Sino ka para gisingin ng maaga? Paimportante. Tumabi ka nga riyan.” Biglang hawi sa akin ni ate mula sa likuran ko, “…kung hindi ka makakasunod kaagad, walang problema roon. Pwede ka naman dumito na lang at mukhang inaantok ka pa talaga. Huwag mo lang kakalimutan na meron kang babayaran ngayon araw, bayad sa purinarya at sa pwesto sa sementeryo.”

“Sasama na ako. Saglit lang naman ako maligo.” Sagot ko at hindi ako inintindi ni ate. Napatingin lang sa akin si Kuya Yvar.

“Yvar, ano tatayo ka lang diyan? Ihatid mo na ako sa sementeryo. Doon na ako maghihintay, hindi ko gustong maglakad ng pagkalayo-layo.”

“Okay ate. Kunin ko lang iyong motor. Pero hindi na ba natin isasabay si Sid?”

“Matatagalan pa iyang baklang ‘yan.” Diretsahang pagkakasabi ni ate. Napatingin ulit sa akin si Yvar.

“Ayos lang ako, Kuya Yvar, sige na susunod na lang ako. Mauna na kayo.”

PUMASOK na ako sa loob ng banyo. Sumaglit lang talaga ako sa pagligo at habang nagbubuhos ako, pumapasok sa isipan ko iyong mga nangyari kagabi na wala naman talagang nangyari pero ang huling naalala ko nasa palad ko iyong malaking ari ni Kuya Sam.

Sigurado akong totoo iyon at hindi lang basta panaginip lang.

Bakit niya kaya nagawa iyon? Bakit niya nasabi iyong mga ‘yon? Bakit niya pinahawak sa akin iyong kaniya kagabi?

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay kaagad naman akong sinalubong ng isang bakla. Payat, kasing taas ko o baka nga mas mataas pa sa akin, nakasuot ng masikip na damit, naka-makeup sa umaga, kulay blonde ang pakulot na buhok. Pagkahawak na pagkahawak niya sa mga palad ko ay nakilala ko siya kaagad lalo pa na naalala ko iyong nguso niyang malaki na tuluyan na talagang lumalabas ang mga ngipin niya.

“Sid, it’s you. It’s really you! Bumalik ka, friend.”

“Horsy?”

“Yes. Sino pa ba? Ako lang naman ang kabayo rito sa baranggay Patay Na Lupa,” Pabirong sabi niya at bumitaw siya sa mga palad ko, “…ang gwapo mo na. Ang puti-puti mo at infairness ha? Napakinis ng kutis, para ka ng artista, artista ka ba friend?”

“Baklang-baklang bakla ka na talaga, Vanvan the horsy.”

“Bakla ka, matagal naman na akong bakla no? pero ikaw hindi mo ba pinili ang landas ng kabaklaan? Lalaking-lalaki ka na.”

“Hindi ko alam isasagot ko riyan.”

“S***a, in-denial ka pa rin? Oh! Sorry kung padalos-dalos ‘yong pagsasalita ko? nao-offend ba kita? But you know, I’m happy to see you again, promise.”

“Hindi ako in-denial.”

“So, naka-out ka na ng bongga?”

“Parang ganoon.”

“Well, good for you. Pero bakit parang lang?”

“Eh, hindi ko naman sinasabi kanila ate na ganito ako dahil kadarating ko lang din naman kahapon. Alangan pagdating na pagdating ko sabihin ko, I’m back—la. Ganoon ba dapat?”

“Sabagay may point.” Sabi niya at napabuntong hininga siya, napatingin siya sa paligid, sa bahay, sa kalat, “…condolence pala, friend.”

“Salamat, katunayan papunta na ako sa sementeryo, hindi nila ako hinintay.”

“Yeah, nakita ko nga sa labasan kanina. Pwede kitang samahan, wala naman akong gagawin at isa pa, naging mabuting tao sa akin ang nanay mo hindi nga lang ako talaga napunta rito kasi hindi gusto ng ate mo na makita ako, galit sa bakla ang ate mo, pero sa bakla kumakapit ang asawa niya.”

“Ha?”

“Wala iyon joke lang. O tara na, go na tayo sa sementeryo. Maraming boys doon. Mura lang pang sigarilyo lang okay na sa kanila, iyon nga lang mga lasang natunaw na kandila ang mga etits nila.”

“Hoy, bibig mo.”

“Ops, sorry Papa Lord.” Nag-sign of the cross pa siya.

MAGKASABAY kaming naglalakad na dalawa palabas sa kantong masikip. Wala pa rin talagang pinagbago ang lugar na ito bukod sa parang mas lalong dumami iyong mga bahay at mga bata. Noon kasi parang kami-kami lang iyong mga bata rito talaga, o baka hindi ko lang napapansin kasi nga bata pa ako at masyado pang maliit ang mundo ko noon.

“Sid? Ikaw na ba yan?” Biglang meron tumapik sa likuran ko at napalingon ako’t nakilala ko kaagad siya.

“Tito Barok, nagulat naman ako sa’yo.”

“Laki mo na bata ah, at ang gwapo mo ah. Mana ka talaga sa lahi namin.” Sabi nito at napansin ko na pogi pa lang itong si Tito Barok, matikas ang pangangatawan, mabulas, malaking tao, pulido ang mga masels, kulay tsokolate ang balat, maitim masyado ang buhok, may bigote, nausbong ang buhok sa kili-kili dahil naka-jersy lang siya, pinsan siya ni tatay kaya hindi ko talaga siya Tito, biologically, “…oh, bakit kasama mo itong si Vanvan bakla? Naging bakla ka na ba talaga?”

“Hindi po ba pwedeng kaibigan niya ako kaya kasama niya ako ngayon?” Sabat ni Vanvan.

“Kaya inaasar na bakla itong pamangkin ko noon dahil sa’yo.”

“Uh, Tito pwede mo ba kaming ihatid sa sementeryo? May motor ka pa rin naman no?”

“Nakapila pa ako sa dulo pero sige, sige ihahatid kita.”

“Kami.” Sagot ni Vanvan. Tinignan lang siya ni Tito.

“Mabilis ka naman tumakbo ‘di ba? Bakit sasakay ka pa sa motor?”

“Napapagod din ang kabayo Kuya Barok.” Palaban na sagot ni Horsy.

Umangkas kami kaagad sa loob. Nauna akong pumasok at sunod si Horsy.

“Tito, nasaan na po iyong iba kong Tito? At bakit hindi kayo sasama sa libing ni nanay?”

“Ako at ang tatay mo na lang ang nandito ngayon bata.” Pinaandar niya ang makina, “…’yong dalawa, namatay. Iyong isa, nakakulong at iyong iba naman, umalis na sa lugar na ‘to. Kaya naman, wala ka nang kamag-anak dito, bukod sa akin at sa pamilya mo. Gusto ko sanang dumalo sa libing ni kumare pero kasi nakapila nga ako, kailangan kong kumayod bata, tatlo na anak ko. Babayaran mo naman ako ‘di ba?”

“Oo naman—Tito.”

“Pasensya ka na bata ha? Hindi talaga kita maililibre ngayon ng sakay.”

“Wala pong problema Tito Barok, naiintindihan ko po.”

Pagkaandar ng motor, napatingin ako sa kalsada at nakita ko iyong outpost tent ng mga pulis. Maraming motor, meron mesa sa loob ng tent at meron mga pulis sa loob parang mga nag-aalmusal.

“Nandiyan pa rin pala sila no?”

“Oo friend, bantay sarado mga adik dito sa atin.”

“Hindi pa nila nauubos?”

“Gaga, hindi mauubos mga iyon at nadadagdan pa nga araw araw eh. Kilala mo si Toryo ‘di ba? Iyong syota ko. And yes… naging syota ko talaga siya.”

“Oo, natatandaan ko. Totoo naging kayo rin pala no?”

“Oo naman no, sa ganda kong ito aayaw pa ba siya sa akin? pero wala na kami, nag-adik kasi siya. Actually, adik na siya noong maging kami. Wala na akong maibigay sa kaniya kaya nakipaghiwalay na ako sa kaniya. Ilang beses na rin iyong nakulong. Labas masok ang lolo mo.”

“Grabe naman, anong nangyari sa kaniya? Bakit naman napariwara?”

“Napabarkada sa mga adik eh. Sayang, pogi pa naman ni Toryo. Malaki pa ang etits.”

“Hooy.”

“Totoo naman no? walong pulgada, abot hanggang dito sa lalamunan ko. Lagi nga akong nabibilaukan kapag pinasusubo niya sa akin eh.”

“Gago ka talagang bakla ka, kung ano-anong kinukwento mo riyan sa pamangkin ko.”

“Tsismoso ka talaga Kuya Barok, nakikinig ka sa usapan ng may usapan.”

“Gago ka, ihulog kita eh.”

“Tito, ayos lang hindi naman na ako bata.”

“Huwag mong sabihin na naging bakla ka na rin talaga kaya ayos lang sa’yo na ganiyang usapan niyo.”

“Tito.”

“Homokojic talaga mga lalaki rito.” Umikot pa mga mata ni Horsy habang sinasabi niya ‘yon.

“Homokojic?”

“Oo Sid, kasi ang mga bakla, mahilig sa kojic.”

“Gagi ka. Homophobic kasi.”

“Duh, gay lingo. Anyway, ayon na nga nagbreak na kami ng adik kong ex. Akala ko kasi mapapabago ko siya, mukhang balak niya atang bukod sa pagiging adik ko sa kaniya, maging adik na rin ako sa pinagbabawal na gamot. Bakla ako, pero hindi ako nagda-drugs no. Hindi ko gustong makulong kasama ng mga pangit sa kulungan. Dinadalaw ko kasi noon si Toryo, nakikita ko mga pangit mga kasama niya basta lahat pangit, nakakatakot sa kapangitan. At sabi-sabi pa ng mga pulis, kapag nakulong daw ako, wawasakin daw ng mga pangit na preso ang kepyas ko. I cannot, ‘di ba?”

“Gago, wala kang ganoon.” Singit ni Tito. Napatingin ako kay Tito at dahil mas malapit ako sa kaniya napatingin ako sa shorts niya at parang nakabukol ang ano niya, usapan kahalayan kasi kaya hindi ko maiwasang hindi mapatingin at parang ang laki.

“Kuya Barok, bakit ba homokojic ka? Ano bang nagawa sa’yo ng mga bakla at galit na galit ka? O baka nasa dugo niyo kasi iyong ate nitong si Sid, si Rosario, galit sa akin, siguro dahil mas maganda ako sa kaniya.”

“Gago, tikom mo iyang bunganga mo. Salot ang mga bakla, ikaw salot ka. Ikaw ang malas sa lugar na ito.”

“Wow, ako lang talaga? paano naman iyong mga adik? Mga tsismosang marites at marisol, ‘yong mga negosyanteng p****k at pahada? Sila hindi? At ako lang talaga? kaming mga bakla lang talaga ang mga salot? Pero atleast no? salot man kami sa inyong paningin hindi naman iyon krimen sa batas ng mga pulis. Kung naiimbierna kayo sa amin, wala na kaming magagawa, tanggap namin ‘yon. Saktan niyo na kami sa salita, huwag lang sa gawa and I thank you.”

“Dami mong talak, bakla. Kung ako naging ama mo, baka pinatay na kita.”

“Well, thank God, hindi ikaw ang ama ko. Godbless your soul, Kuya Barok.”

“Tigilan niyo na nga ‘yang bangayan na ‘yan. Aga-aga.”

Hindi naman na nagsalita pa si Tito Barok. Hanggang sa maihatid niya nga kami rito sa sementeryo. Nandito iyong jeep sa labasan. Hindi na bumaba si Tito at bumalik na siya sa kanto Masikip para makapila ulit kagaad. Pumasok na kami sa loob, maaga pa lang pero tirik na tirik na ang araw, grabeng makapaniksik ng init sa balat na parang nakakapanglusaw talaga. Patong-patong iyong mga nitso at meron mga bata sa mga itaas nito, maraming lalaki sa paligid, makalat, mabasura, madamo, maputik. Meron pa akong nakitang batang iniihian iyong isang nitso. Kilalang-kilala nga si Horsy dito at mukhang seryoso nga siya sa sinabi niyang nakakakuha siya ng mga lalaki rito. Napunta rin naman kami noon dito pero hindi kami nagpapagabi kasi takot kaming lahat sa multo.

“Sige na, lumapit ka na roon Sid. Dito na lang ako baka magbunganga pa iyang ate mo kapag nakita na naman ako.” Sabi niya at huminto lang sa isang nitso. Mga limang metro pa ang layo naming. Nakikita ko naman na sila ate, tatay at Kuya Sam. Nakatalikod kasi sila sa amin.

“Para naman atang personal na ‘yong galit niya sa’yo. Ano bang nagawa mo?”

“Galit nga siya sa baklang kagaya ko.”

“Ano ka ba, kasama mo naman ako at hindi naman siya magbubunganga siguro.”

“Ano kasi—”

“Anong ano?”

“Na-booking ko kasi asawa niya.”

“What?”

“Oh, kita mo pati ikaw nagalit.”

“No-but—ha? Anong nabooking… paano?”

“Kailangan daw kasi niya ng pera. Eh nakainom din ako noon. Nalaman ng ate mo, nagalit sa akin… sa akin nagalit at hindi sa asawa niya.”

Hindi ko na alam kung paano o kung anong isasagot ko o itatanong ko. Napatingin ako kay Kuya Sam, napatingin ako kay Horsy at mukhang seryoso siya… at wala siyang balak na sabihin na nagbibiro lang siya.

“Sige na, go na ka doon. Dito na lang ako. Baka ihulog ako ng ate mo sa hukay.”

“Okay, sige… sige.”

Tinalikuran ko na siya’t naglakad ako palapit kanila tatay habang naglalaro pa rin sa isipan ko iyong mga sinabi sa akin ni Horsy. Pinagmamasdan ko si Kuya Sam habang papalapit ako ng papalapit sa kaniya. Napalingon siya sa akin at hindi ko naman maalis ang mga mata ko sa kaniya. Iyong mga mata niya, ‘yong mga tinginan niya sa akin, parang meron kung anong gustong iparating pero saglit lang at gumuhit ang mga ngiti sa labi niya na nagpagaan ng loob ko.

Pagkalapit na pagkalapit ko, tumabi ako kay tatay. Umiiyak si ate pero hindi ko alam kung totoo o nagdadrama lang siya pero meron talaga siyang luha. Si tatay, dama ko ‘yong lungkot niya talaga dahil mas matagal niyang nakasama si nanay at ngayon nga, tuluyan na talaga silang magkakahiwalay talaga.

Tinatabunan na ng lupa ang kabaong nang maramdaman kong meron pumaakbay sa akin at napatingin ako sa palad na nakakapit sa balikat ko, napalingon ako kay Kuya Sam. Nagpalit sila ng pwesto ni ate, kaya napapagitnaan namin siya. Hinimas-himas niya ang balikat ko.

NAGPAIWAN pa ako habang sinisementuhan na ‘yong lupa. Kapansin-pansin na hindi maganda itong napwestuhan nila para kay nanay. Napapagitnaan ng mataas ng dalawang libingan, madamo sa bandang uluhan at may kanal sa kaliwa. Napansin ko na meron pang tatlong sako sa gilid.

“Manong ano po ‘yang sako na ‘yan?”

“Ah mga kalansay iyan ng dating nakalibing dito.”

“What?”

“Oo sir. Hindi naman na binabalikan o dinadalaw itong pwesto na ito matagal na. Kaya noong sinabi ng ate mo na ngayon iyong libing, kagabi pa lang hinukay na namin itong pwesto, hindi namin kaagad naitabi iyang mga sako, huwag kayo mag-aalala sir, aalisin naman namin iyan mamaya.”

“Nasaan iyong kabaong nila?”

“Kahoy lang iyon sir, sobrang tagal, nasira na sa ilalim ng lupa.” Sabi niya at tinuro niya iyong mga pira-pirasong kahoy sa gilid.

“Ibig sabihin, wala pa pala talagang pwesto si nanay bago pa ako dumating.” Mahinang pagkakasabi ko—

“Tayo na bata.” Tumabi sa akin si Kuya Sam at umakbay na naman siya sa akin.

“Oh, akala ko sumabay ka na kay ate.”

“Napansin kitang nagpaiwan pa rito—”

“Kasama ko naman si Horsy.” Sabi ko at napakunot noo niya, “…si Vanvan, iyong baklang kaibigan ko. Siguro naman, natatandaan mo pa siya.”

“Oo. Pero nakita ko siyang umalis na, hindi ka na niya hinintay. Kagaya noong pag-iwan niya sa’yo noong makagat ka ng aso.”

“O’ baka naman pinauwi mo na.”

“Bakit ko naman gagawin ‘yon, bata?”

“Bakit nga ba hindi, Kuya Sam?”

“Marunong ka nang magbalik ng tanong bata. Mukhang hindi ka pa nag-aalmusal, tara na, nagpahanda ng catering ang ate mo para sa mga bisita niyo.”

“Catering?”

“Oo at sabi niya, ikaw daw ang nagsabi ah. Kaya nga, umalis ako ng maaga kaninang madaling araw para puntahan iyong caterer. Mabilisang luto lang pero sigurado namang magugustuhan mo iyong inihanda nila.”

“Bakit meron handaan?”

“Ngayon ka pa lang ba namatayan, bata?”

“Ha?”

“Pasasalamat iyon sa mga taong nakasama, nakilala ng nanay mo at sa mga taong dumalo ngayon araw na ito.”

“Pero wala naman tao sa bahay kanina…”

“Hindi naman sa bahay ang handaan bata. Umarkela ang ate mo ng bahay, ikaw daw ang nagsabi noon sa kaniya.”

Napailing-iling na lang talaga ako pero wala naman na akong magagawa dahil nandito na ang lahat at kailangan ko na lang talagang bayaran ang lahat. Hindi ko alam kung makakatagal pa ako sa lugar na ito, hindi ko alam kung tama ba na bumalik pa ako rito, hindi magandang pakinggan pero iba ang nararamdaman ko sa pagbalik ko sa lugar na ito. Kailangan kong makaalis din kaagad dito… baka hindi ko na paabutin pa ng hanggang bukas ito.

NANDITO kami sa malaking bahay. Lumang bahay at maraming handa, maraming tao, parang birthday party at parang hindi namatayan ang eksena dito. Meron pang video oke, maraming alak na pumapasok, may mga tambay pa mula sa labas, mga taong hindi ko kakilala, hindi ko nakilala. Wala rin dito si Horsy, hindi ko rin nakikita si Kuya Yvar. Nandito ako sa mesa kasama si tatay at Kuya Sam, umiinom sila ng alak habang gulong-gulo ako kung ano ba talagang gustong mangyari ni ate. Parang mali talaga—parang merong mali talaga.

“Oh, saan ka pupunta?” Tanong ni Kuya Sam pagkatayo ko.

“Uuwi na ako Kuya Sam. Hindi ko kasi masikmura na nagkakasiyahan tayo rito, kayo. Kakalilibing lang ni nanay.”

“Hindi tayo nagkakasyahan dito.”

“Kuya Sam, tignan mo si ate? Lasing na, kanta pa ng kanta ng kung ano-ano. Para masaya pa siya…”

“Anak, nasasaktan din ang ate mo.”

“Hindi ganiyan ang itsura ng taong nasasaktan Tay. Uh, basta aalis na ako, uuwi na ako sa bahay, mas okay doon dahil tahimik lang. Nabayaran ko naman na lahat ng dapat bayaran, kulang pa ata ako sa tulog, matutulog na lang muna siguro ako.”

“Ihahatid na kita.”

“Uh, dito ka na lang Kuya Sam… kaya ko naman ang sarili ko. Bantayan mo iyan asawa mo baka kung anong eksenang gawin niyan.”

Lumabas na ako kaagad sa bahay.

Kailangan pang sumakay pa ng tryke pabalik talaga sa amin.

PAGKABABA na pagkababa ko sa tryke. Parang nagkakagulo sa looban. Nagsisigawan.

“SUNOG. SUNOG!”

Natataranta iyon mga tao. Mula rito sa labasan nga ay nakikita ko iyong malaking usok, maitim na usok mula sa loob. Pagkabayad na pagkabayad ko tumakbo kaagad ako sa loob kasi parang nanggagaling sa amin iyong malaking usok. Bumibilis ang tibok ng puso ko, napapataranta ako.

Nakita kong pasalubong sa akin si Horsy.

“Sid—”

“Saan iyang sunog?”

“Iyong bahay niyo. Nasusunog!”

“Ha?”

“Iyong bahay niyo…”

Mas kumaripas pa ang takbo ko dahil nandoon sa loob ng bahay ang gamit ko. Nandoon ang passport ko at kung matutupok iyon ng malaking apoy, mahihirapan akong makaalis kaagad dito sa lugar na ito.

Bago pa man ako makalapit ay kitang-kita ko kung paano bumagsak ang bubong ng bahay. Nahila pa ako ni Kuya Yvar. Nanlulumo ako, nanghihina ako. Paano pa ako makaalis nito?

Kaugnay na kabanata

  • BAYAW   disclaimer.

    “BAYAW”ni Madam K/iamkenth**********This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Contains explicit/sexual contents, inappropriate use of words/language, drugs, violence, homoerotic scenes that may be found offensive to some readers. Read it at your own risk. R18+BE SAFE. Do Not Use/Practice Drugs.************ Ito ay gawain ng piksyon lamang. Ang mga pangalan, karakter, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at insidente ay alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginagamit sa isang mahiwagang paraan. Anumang pagkakahalintulad sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay dalisay na nagkataon lamang.Naglalaman ng eksplisiyon/seksuwal na nilalaman, hindi angkop na paggamit ng mga salita/wika, droga, karahasan, homoerotic scenes n

    Huling Na-update : 2022-08-27
  • BAYAW   INTRODUKSYON

    “SIR, papasok na po tayo rito sa Ngala. Hindi pa po updated sa GPS Map ang lugar na ‘to.” Panggigising sa akin ni manong driver na kinontrata ko kanina sa airport. Napatingin ako sa labas ng bintana. Magdadapit hapon pa lang naman. Nasa kahabaan pa kami ng highway talaga. Napatingin ako sa malaking signboard na meron nakalagay na NGala pakaliwa, “…pasensya na po kung naabala ko kayo sa pagtulog niyo. Gigisingin ko pa rin kayo kasi nga hindi ko alam kong saan ko po kayo mismo ibababa.”“Ayos lang po manong. Pasensya na nakatulog ako. Sige po, ituturo ko na lang sa inyo pagkapasok po natin sa loob at hindi po Ngala, N Gala po. Nakahiwalay po ‘yong N sa Gala kapag babasahin niyo.”“Ah ganoon po ba sir. Dalawang beses pa lang kasi nakapaghatid rito sa lugar niyo.” Sabi niya’t sabay iniliko niya ang sasakyan papasok na nga sa dating lugar na kinalakihan ko. napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang mga talahiban na naalaala kong Nadaanan ko rin noong lumabas ako ng lugar na ‘to.

    Huling Na-update : 2022-08-27
  • BAYAW   KABANATA I - PHASE I

    PHASE I: “BALIK BAYAN”“KARAPATAN?” Napakunot talaga ang noo ko, “…anong sinasabi mong karapatan Kuya Sam? Nawalan na ako ng karapatan sa pamilyang ‘to mula noong umalis ako. Mula noong ipamigay ako ni nanay kay Dr. Harrison, kay Dad.” Napaupo ako sa dulo ng papag na merong manipis na kama na halos nakadikit na sa kahoy. Sobrang luma na ng kamang ito at kitang-kita na ‘yong paniniksik ng mga mantsa ng dumi, natatakpan lang talaga dahil sa kobreng puti na hindi namang maayos na nakaipit sa ilalim kaya lumalabas ‘yong maruming kutson nito. Sa pagkakatanda ko rin, ito ‘yong kwarto naming dalawa ni ate noon. Hindi ko nga lang natatandaan ‘tong papag na ‘to, baka ginawa nila noong umalis na ako. Kalawangin na rin ‘yong bubong at merong mga mangilan-ngilang butas pa, at may isa na parang merong nakadikit na matagal ng bubblegum. Maagiw ang bawat sulok, masapot, madumi at nangingitim. Meron isang electric fan dito, ‘yon nakatayo, at halatang luma na rin talaga, maingay na ang ikot. May mga b

    Huling Na-update : 2022-08-27

Pinakabagong kabanata

  • BAYAW   KABANATA II

    MAGING ang mga daliri ko sa paa ay hindi ko magalaw.Kinakabahan ako? Oo, siguro. Hindi ko alam, hindi ko masabi. Para ngang nakatapak ako sa yelo ngayon at nanlalamig ang mga talampakan ko, umaakyat sa binti ko, sa tuhod ko, sa hita ko, papunta sa puwitan ko at kung meron kung anong patusok na tila kumakatok sa butas ng puwit ko… lahat ng ito’y nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko sa madilim na parte nitong kwarto si Kuya Sam habang himas-himas niya ang tinuturing niyang… alaga.“Anong ginagawa mo… Kuya Sam?” Tanong ko sa kaniya na sa pagitan nang pagka-crack ng boses ko. Hindi ko malakasan, hindi ko mahinaan at kahit na kaming dalawa lamang ang nandito ngayon pakiramdam ko maririnig at maririnig kami ng mga tao na nasa labas lang ng kwartong ito.Paano kung nasa likod lang ng pintuang nakasara si tatay? O si ate. Kung naririnig ko sila sa labas ay posible na maririnig nila akong nagsasalita rito sa loob.“Hindi mo ba gustong makilala ang alaga ko, bata?”Napayuko ako at napatingi

  • BAYAW   KABANATA I - PHASE I

    PHASE I: “BALIK BAYAN”“KARAPATAN?” Napakunot talaga ang noo ko, “…anong sinasabi mong karapatan Kuya Sam? Nawalan na ako ng karapatan sa pamilyang ‘to mula noong umalis ako. Mula noong ipamigay ako ni nanay kay Dr. Harrison, kay Dad.” Napaupo ako sa dulo ng papag na merong manipis na kama na halos nakadikit na sa kahoy. Sobrang luma na ng kamang ito at kitang-kita na ‘yong paniniksik ng mga mantsa ng dumi, natatakpan lang talaga dahil sa kobreng puti na hindi namang maayos na nakaipit sa ilalim kaya lumalabas ‘yong maruming kutson nito. Sa pagkakatanda ko rin, ito ‘yong kwarto naming dalawa ni ate noon. Hindi ko nga lang natatandaan ‘tong papag na ‘to, baka ginawa nila noong umalis na ako. Kalawangin na rin ‘yong bubong at merong mga mangilan-ngilang butas pa, at may isa na parang merong nakadikit na matagal ng bubblegum. Maagiw ang bawat sulok, masapot, madumi at nangingitim. Meron isang electric fan dito, ‘yon nakatayo, at halatang luma na rin talaga, maingay na ang ikot. May mga b

  • BAYAW   INTRODUKSYON

    “SIR, papasok na po tayo rito sa Ngala. Hindi pa po updated sa GPS Map ang lugar na ‘to.” Panggigising sa akin ni manong driver na kinontrata ko kanina sa airport. Napatingin ako sa labas ng bintana. Magdadapit hapon pa lang naman. Nasa kahabaan pa kami ng highway talaga. Napatingin ako sa malaking signboard na meron nakalagay na NGala pakaliwa, “…pasensya na po kung naabala ko kayo sa pagtulog niyo. Gigisingin ko pa rin kayo kasi nga hindi ko alam kong saan ko po kayo mismo ibababa.”“Ayos lang po manong. Pasensya na nakatulog ako. Sige po, ituturo ko na lang sa inyo pagkapasok po natin sa loob at hindi po Ngala, N Gala po. Nakahiwalay po ‘yong N sa Gala kapag babasahin niyo.”“Ah ganoon po ba sir. Dalawang beses pa lang kasi nakapaghatid rito sa lugar niyo.” Sabi niya’t sabay iniliko niya ang sasakyan papasok na nga sa dating lugar na kinalakihan ko. napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang mga talahiban na naalaala kong Nadaanan ko rin noong lumabas ako ng lugar na ‘to.

  • BAYAW   disclaimer.

    “BAYAW”ni Madam K/iamkenth**********This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Contains explicit/sexual contents, inappropriate use of words/language, drugs, violence, homoerotic scenes that may be found offensive to some readers. Read it at your own risk. R18+BE SAFE. Do Not Use/Practice Drugs.************ Ito ay gawain ng piksyon lamang. Ang mga pangalan, karakter, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at insidente ay alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginagamit sa isang mahiwagang paraan. Anumang pagkakahalintulad sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay dalisay na nagkataon lamang.Naglalaman ng eksplisiyon/seksuwal na nilalaman, hindi angkop na paggamit ng mga salita/wika, droga, karahasan, homoerotic scenes n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status