Home / Mistery / Thriller / BAYAW / KABANATA I - PHASE I

Share

KABANATA I - PHASE I

Author: iamkenny
last update Huling Na-update: 2022-08-27 21:32:54

PHASE I: “BALIK BAYAN”

“KARAPATAN?” Napakunot talaga ang noo ko, “…anong sinasabi mong karapatan Kuya Sam? Nawalan na ako ng karapatan sa pamilyang ‘to mula noong umalis ako. Mula noong ipamigay ako ni nanay kay Dr. Harrison, kay Dad.” Napaupo ako sa dulo ng papag na merong manipis na kama na halos nakadikit na sa kahoy. Sobrang luma na ng kamang ito at kitang-kita na ‘yong paniniksik ng mga mantsa ng dumi, natatakpan lang talaga dahil sa kobreng puti na hindi namang maayos na nakaipit sa ilalim kaya lumalabas ‘yong maruming kutson nito. Sa pagkakatanda ko rin, ito ‘yong kwarto naming dalawa ni ate noon. Hindi ko nga lang natatandaan ‘tong papag na ‘to, baka ginawa nila noong umalis na ako. Kalawangin na rin ‘yong bubong at merong mga mangilan-ngilang butas pa, at may isa na parang merong nakadikit na matagal ng bubblegum. Maagiw ang bawat sulok, masapot, madumi at nangingitim. Meron isang electric fan dito, ‘yon nakatayo, at halatang luma na rin talaga, maingay na ang ikot. May mga basahang nagkakalat sa ibaba ng kama, o baka mga damit. Niluma na rin ‘yon mga poster na nakadikit sa dingding, meron pang kalendaryo sa likod ng pintuan na taong 2016 pa.

Sinarado ni Kuya Sam ang pintuan kasi nga rinig na rinig mula rito sa loob ng kwarto ‘yong ingay ng mga tao na nasa labas na nakikiramay, nagsusugal.

“Ibig mo bang sabihin, aalis ka rin talaga pagkalibing ng nanay mo? Ni nanay.” Tanong niya habang meron siyang hinihilang banig na nakarolyo patayo sa gilid ng aparador. Katatapos niya lang walisan ang sahig. Hinubad ko ang sapatos ko at inilagay ko sa ilalim nitong kama. Hinubad ko na rin pati ang medyas ko.

“Ano pa bang gagawin ko rito Kuya Sam? Nakita mo naman kung paano ako pagsalitaan pa rin ni ate ‘di ba? Kaya ‘yang sinasabi mong may karapatan akong sumasagot-sagot kay ate kung gugustuhin ko, ‘yon ang bagay na mas lalo niya lang ikagagalit sa akin. Tama rin naman kasi siya, umalis ako at hindi kaagad bumalik. Aaminin kong maganda ang naging buhay ko sa ibang bansa at baka nga, nakalimutan ko sila, kayo… ikaw, Kuya Sam.”

Inilatag niya ang banig. Tinuwid niya ‘to at sinuksok niya sa pinakagilid. Lumapit siya sa akin at kumuha siya ng isang unan. Binagsak niya lang ito sa magiging uluhan niya. Nakatayo siya sa harapan ko at wala ng isang metro ang pagitan ng layo ko sa kaniya o niya sa akin.

Kinalas niya ang pagkakabunotes ng pantalon na suot niya. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Napapahawak ako ng mahigpit sa kobre ng kama habang dahan-dahan niyang ibinababa ang zipper ng pantalon niya. Kaagad kong nasilayan ang puting tela na nakatago sa loob ng pantalon niya na bigla niya naman itong binaba. Bago pa man ako mapaiwas ng tingin ay nakita ko naman iyong malaki, mahaba at matabang… alaga niya na nakatago sa loob ng puting brief niya, nakaturo sa kaliwa iyon.

Ginawa niya iyon na parang wala lang sa kaniya. Napakakomportable. Hindi ko rin naman gustong bigyan o haluan ng malisya pero natatandaan ko, noong gabing natulog ako sa kanila noong bata pa ako ay pinilit akong paaminin ni Yvar na bakla ako, magkasama kasi kami sa iisang kwarto noong gabing ‘yon, sinabi ko sa kaniya na huwag niyang ipagkakalat, huwag niyang sasabihin kay Kuya Sam… pero siguro, baka o malamang nasabi niya rin.

Masyado ng malabo ang alaala kong ‘yon. Masyado pa akong bata pero may mga gabi na napapanaginipan ko pa rin ang lahat na para bang nandoon pa rin ako sa mga sandaling iyon.

Pagkahubad niya ng pantalon niya, pumaupo siya sa banig at pumahiga. Kaagad niyang inunan sa uluhan niya ang magkabilang palad niya. Naglalakihan ang mga masels niya sa braso, naglalabasan ang mga ugat niya sa kamay niya hanggang sa kamao niya, mas naging maugat at mabuhok ang mga kamay niya Kuya Sam. Maganda pa rin ang pagkakasibol ng bigote at balbas niya na parang tila tansi ang bawat maiitim na hibla nito. Nakapolo pa siyang itim pero nakikita ko ‘yong pagkakausbong ng buhok sa magkabilang kili-kili niya. Sa una’y nakatingin pa siya sa bubong at nakakuha ako ng pagkakataon na mapagmasdang muli ang katawan niya, pumahuhubog kasi ang malapad niyang dibdib at ang mga u***g niya sa tela ng suot niya, kahit iyong tagiliran niya at ang tiyan niya ay hulmadong-hulmado sa suot niya. Napahinto ang aking mga mata sa nakabakat na mahabang alaga niya sa tela ng brief niya.

Napatingin siya sa akin at mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa harapan niya. Bigla siyang napayuko at napatingin din siya sa alaga niya.

“Naiilang ka ba, bata?”

“Po? Uh—hindi. A-ayos lang, Kuya Sam.”

“Okay.”

“Akala ko ba rito ka rin sa kama hihiga?”

“Gusto mo bang magkatabi tayo?”

“Hindi ka pa rin nagbabago, binabalikan mo lang ng tanong ang tanong ko sa’yo.”

“Dito na lang ako sa baba. Ayos na ako rito, iidlip lang naman ako saglit pero ikaw, kailangan mong magpahinga.”

“Nakatulog naman po ako sa biyahe kanina papunta rito pero sigurado nga po ay kailangan ko pa rin po ng pahinga.” Sabi ko at sumampa na ako sa kama at pumahiga na ako. Medyo nanibago ako kasi, ibang-iba ang kama na ito sa kamang nakasanayan kong higaan. Parang nakadikit na iyong likuran ko sa papag talaga dahil sa kanipisan nitong kama. Inilagay ko ang mga palad ko sa dibdib ko, pinatong ko ang kaliwang binti ko sa kanang binti ko habang pinaggagalaw ko ang mga daliri ng paa ko. Nakatingin ako sa bubong at parang meron akong nakikitang maliliit na particles sa hangin. Napahinga ako ng malalim. Hindi ako inaantok. Hindi ako makakatulog nito. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako ulit.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko.

Pilit kong inaalala ‘yong araw na binibigay na ako ni nanay kay Dr. Harrison Hill, kay Dad. Iyak ako ng iyak dahil hindi ko gustong umalis, hindi ko pala kayang iwanan si nanay, si ate at si tatay. Kinailangan kasi namin ng pera at mabait naman si Dad talaga. Sa katunayan, hindi kami kaagad umalis ng bansa. Kinuha niya muna ang loob ko, pinaliwanag niya sa aking maigi ang magiging kapalaran ko at iyong maitutulong ko sa mga magulang ko at ate ko kapag sumama ako sa kaniya. Meron siya noong kaibigan na lalaki, pinoy din siya kaya siya ang nagta-translate ng mga sinasabi sa akin ni Dad.

Bumalik ako rito pero huli na ang lahat na hindi ko man lang natanong kay nanay kung bakit pinaampon niya ako sa ibang tao kung pwede namang ipakilala niya ako sa totoong tatay ko. Pero naiisip ko rin minsan, kung binigay ako sa totoong tatay ko, tutulungan niya kaya sila nanay, tatay at ate?

“KUYA Sam. Gising ka pa?”

“O’ bakit?”

Tumagilid ako at tumingin ako ulit sa kaniya. Hindi man lang siya nagbago ng posisyon niya. Nakapikit siya kaya naman malayang-malaya ngayon na maipako ang mga mata ko sa nakatagong alaga niya. Nakakasabik na makita ito, ‘yong hindi sana nakatago, kaya naman pilit ko namang hinuhulma sa isipan ko ang itsura nito, ang kulay nito. Pumauukit din kasi talaga sa tela ‘yong ilalim ng ulo ng…  niya ano niya.

Hindi ko masabi ang salitang iyon talaga. Hindi pa ako sanay. Naiilang ako. Kahit naman na pwedeng-pwede ko na talagang sabihin dahil hindi naman na ako bata.

Hulmadong-hulmado rin ang… balls niya, mabilog ‘to at malaki. May kakapalan ang buhok niya sa hita niya.

“…anong sasabihin mo, bata?” Tanong niya at napalunok ko dahil nakadilat na pala ‘yong mga mata niya. Nakita niya kayang pinagmamasdan ko ang kabakatan niya?

“Uhh—paano po naging kayo ni ate?”

“Hindi mo pa rin ba ako gusto para sa ate mo?”

“Na naman. Tanong na naman.”

“Nakikipag-inuman ako noon kay erpats, sa tatay mo. Nalasing ako. Hinatid ako ng ate mo sa bahay. May nangyari sa aming dalawa. Kinabukasan, kaming dalawa na.”

“Ganoon lang?”

“Ano bang dapat?”

“Uh, alam kong gusto mo si ate noon pa, pero hindi mo siya niligawan man lang?”

“Bakit pa? sinabi kong gusto ko siya at gusto niya rin pala ako. Mahal ko ang ate mo kaya nga noong meron kasalan sa munisipyo, nagpalista na kaming dalawa. Sayang din iyong isang sako ng bigas.”

“Hindi ko alam na nagpakasal pala kayo. Bakit wala kayong singsing?”

“Sinanla namin bata ang kaso hindi na namin natubos.”

“Sayang naman ‘yon.”

“Singsing lang ‘yon bata. Nagsasama pa rin naman kaming dalawa, sa hirap at—sa hirap, walang ginahawa.”

“Ilang taon na po kayong kasal?”

“Lima? Anim? Hindi ko na matandaan bata. Basta pagka-alis mo, mga ilang taon pa bago meron nangyari sa amin ng ate mo.”

“Hmm, bakit po wala pa po kayong anak?”

“May anak na ako, si Ibarra. Anak na rin ‘yon ng ate mo. Pamangkin mo na rin siya.”

“Hmm, I mean, kayo—iyong sa inyo po.”

“Nahihirapan ng magbuntis ang ate mo mula noong nakunan siya. Sinabi ‘yon ng doctor sa kaniya pero sumusubok pa rin naman kami. Mabubuntis ko rin ang ate mo, kapag nangyari ‘yon may dahilan ka naman na siguro para manatili rito ‘di ba? Ikaw mag-aalaga sa magiging pamangkin mo.”

“Hmm, hindi ko po alam Kuya Sam, pero salamat po at hindi mo iniwan si ate kahit hindi ka niya mabigyan ng anak.”

“Hindi ko siya iniwan dahil alam kong babalik ka.” Seryosong pagkakasabi niya’t biglang meron kumatok sa pintuan. Napabangon tuloy si Kuya Sam. Inabot niya lang iyong kapitan ng pintuan at hinila niya ito papasok.

Si Tatay. Napatingin siya sa akin at kay Kuya Sam.

“Bakit Tay?” Tanong ni Kuya Sam.

“Uh—‘yong mga pulis bumalik na naman.” Nahihiyang sabi nito at napakamot pa ng ulo. Ngayon ko lang din talaga napansin na magkasing-edad lang talaga ‘tong si Kuya Sam at Tatay. Medyo mukhang matanda lang talaga tignan si Tatay.

“Sinong mga pulis? Bakit may pulis?” Napabangon talaga ako. Napatayo na naman tuloy si Kuya Sam. Kumuha lang siya ng shorts sa aparador at kaagad niyang sinuot ito.

“May mga nagrireklamo kasing mga kapitbahay.” Sagot ni Kuya Sam sa akin, “…sige, Tay sunod ako sa labas.”

Umalis na si tatay sa pintuan.

“May problema po ba Kuya Sam? May kaaway ba si ate?”

“Wala. Dito ka na lang sa loob. Magpahinga ka na lang at ako nang bahala sa labas.”

Kaagad naman lumabas si Kuya at naririnig ko na iyong boses naman ni ate na parang meron kaaway, sinarado na lang kaagad ni Kuya Sam ang pinto. Tumayo ako dahil hindi naman kasi talaga ako inaantok.

Lumabas ako ng kwarto. Napatingin ako sa kabaong ni mama. Nasilip ko naman na talaga kanina sadyang malulungkot lang ako kung sisilip ako ulit.

Nangingibabaw ang boses ni ate sa labas talaga. Ginawa ko lumapit ako sa bintana, sa kusi-kusinaan namin, kung saan ako napasok at nalabas sa tuwing nakasado ang pintuan nitong bahay noong bata pa ako.

“Magtatatlong linggo na itong burol na ito. Nagrireklamo na iyong mga kapitbahay niyo. Hindi pwedeng magtagal ng ganiyan katagal ang burol at kailangan niyo nang ilibing uyan, hindi niyo ba naiisip na pwedeng makasama sa mga tao na nagpupunta rito sa burol niyo ang patay?” Paliwanag ng pulis habang minumukhaan ko siya at parang natatandaan ko ‘yong itsura niya. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ‘yong nagpakulong kay Tatay. Buhay pa pala siya at pulis pa rin pala siya hanggang ngayon. Bukod sa kaniya, meron din mga tanod. Natigil din tuloy iyong mga nagsusugal.

“Sino ba kasing h*******k na reklamador na ‘yon? Paano namin maililibing si nanay eh kulang pa nga ‘yong pang-down namin sa lupang pagpupwestuhan ni nanay sa sementeryo? At kulang pa ‘yong barayin naman sa purinarya. Wala naman kaming nakukuhang tulong mula sa baranggay, lumapit na rin kami sa munisipyo pero kung saan-saan pa kami pinapunta ng mga h*******k. Saan niyo gustong ilibing si nanay? Sa likod bahay na lang? Ganoon ba gusto niyo?”

“Hindi ganoon ang gusto naming mangyari ate.”

“Ate? Gago, mas matanda ka pa sa akin, sir. Dalaga pa lang ako noon, pulis ka na. Maka-ate ang hayop na ‘to.” Iritang pagsagot-sagot ni ate sa pulis. Katabi naman niya si Kuya Sam at inilalayo na lang nito si ate.

“Boss, pagsabihan mo ‘yan asawa mo sa pananalita niya. Lumapit ako rito sa inyo para kausapin kayo ng maayos. Uulitin ko lang, kailangan niyo nang ilibing ang patay ninyo.” Sabi nito’t bigla siyang napatingin dito sa bintana at napatingin siya sa akin at nakipagtitigan din talaga ako sa kaniya, parang minumukhaan niya rin ako pero malabong makilala niya ako dahil matagal na ‘yong huling paghaharap naming dalawa. Medyo tumagal ng limang segundo ang pagtingin niya sa akin at hindi ko rin naman talaga inalis iyong mga mata ko sa kaniya.

“Anong ginagawa mo rito, nak? Bakit lumabas ka sa kwarto?”

“Tay, hindi po kasi talaga ako inaantok. Totoo po ba na magtatatlong linggo na ‘tong burol ni nanay? Akala ko po kakasimula pa lang noong burol noong tumawag ako rito sa inyo. May punto naman po iyong pulis, hindi po pwedeng po natin pwedeng patagalin at isa pa kawawa naman po si nanay ‘tay.”

“Ililibing na sana namin ang nanay mo. Noong tumawag ka, pina-extend muna ng ate mo para maabutan mo ‘yong nanay mo. Kinausap naman niya ‘yong mga tanod, pumayag naman sila at kahit si kapitan. Sadyang naging maarte lang talaga ang mga tao rito anak mula noong umalis ka.”

“Tay, hindi ko na po naabutan si nanay. At pwede naman po akong dumiretso sa libingan niya. Kailangan na pong magpahinga ni nanay. Bukas na bukas po o kung pwede nga lang ngayon sana, ipapalibing na natin si nanay.” Sabi ko at biglang pumasok ‘yong pulis dito sa loob at napatingin siya sa akin ulit.

“Tay, nakikiramay po ako ulit sa inyo. Kayo na ho ang magdesisyon.” Malumanay na pagkakasabi niya at parang mas lalong lumaki ata iyong katawan niya. Hapit na hapit sa katawan niya ‘yong uniporme niya, “…hindi po namin gawain ito pero kasi pabalik-palik na sa outpost namin ‘yong ibang kapitbahay niyo. Wala raw magawa ‘yong mga tanod kaya bumalik kami ulit rito at sana po ito na ‘yong huling balik ko rito.”

“Nagpaparinig ka ba?”

Parang narindi kasi ako sa sinabi niya. Tumingin na naman siya sa akin habang naririnig kong nagbubunganga pa rin si ate sa labas at nakita ko naman kinakausap siya ni Kuya Sam.

“Anak niyo, tay?”

“Opo sir. Siya ‘yong batang humarang sa’yo noong kinuha niyo ako rito sa bahay.”

“Ah kaya pala parang pamilyar ang itsura niya. Lumaki ka na bata ah. Natatandaan na kita ngayon, ikaw ‘yong makulit na batang pinagbibintangan ako ng kung ano-anong paratang.”

“Hindi kita pinagbintangan. Totoo ‘yon. Pero ikaw, ikaw ang nagbintang kay tatay kaya siya nakulong. Nagkahiwa-hiwalay kami dahil sa’yo. At ang lakas ng loob mong magparinig na huling balik mo na rito, iniisip mo pa rin ba ng mga kalaban ng batas ang buong pamilya ko?”

“Wala akong gustong iparating na ganoon. Sarado na iyon kaso ng tatay mo. Matagal na ‘yon bata. Bumalik lang ako rito—”

“Oo na, paulit-ulit.”

“Magkapatid nga kayong dalawa. Matabas ang mga dila niyo. Mabait ang mga magulang niyo kaya sana tularan niyo silang magkapatid.”

“Alam mo naman pa lang mabait si tatay pero pinakulong mo pa rin.”

“Hindi ka makapag-move on bata?” Tanong niya’t parang napangisi pa siya. Pinakita niya ‘yong kompletong ngipin niya.

“Hindi—hinding-hindi, sir.”

“Aalis na po ako Tay.” Sabi niya at dumukot siya sa bulsa niya at talagang napasunod iyong mga mata ko sa kaliwang palad niyang pumasok nga sa bulsa niya, napasulyap din tuloy ako sa malaking kabakatan na nasa harapan niya.

Kumuha siya ng pera at lumapit siya sa kabaong ni Nanay. Sumilip siya at inilagay niya iyong pera niya na pinakita niya pa talaga sa akin, isang libo sa garapon at inilista niya ang pangalan niya, “…nakikiramay ako ulit sa inyo.” Iyon lang at lumabas na siya.

Lumapit ako sa listahan ng mga nagbibigay. Binasa ko talaga iyong pangalan niya.

Arthuro Trinidad. Sinulat niya rin talaga ‘yong halaga ng perang inilagay niya—dalawang libo pala. Napatingin ako sa iba pang mga pangalan at iyong mga binibigay na abuloy; isang daan, dalawa, pinakalamali ‘yong kay sir Arthuro Trinidad. Napatingin ako sa garapon, parang hindi naman aakma ‘yong suma-total ng abuloy sa nakalagay sa loob. Kinukuhaan ba nila ‘to?

MABILIS na lumipas pa ang mga oras. Tuluyan nang nagdilim sa labas at parang mas lalo pang dumami iyong mga tao, mga nanay, tatay at mga batang nagsisipaglaro sa labas. Nakaupo lang ako rito sa gilid, nakausap ko na naman na si ate at pumayag naman na siyang bukas na ilibing si nanay.

“Kape ka muna.” Napatingin ako kay Kuya Sam. Inalukan niya ako, “…huwag mo sabihing hindi ka nagkakape? Paborito mo ‘yan ‘di ba? Iyan ang pinatimpla mo sa akin noong unang beses na natulog ka sa bahay. Gusto mo matamis na matamis at gusto mo ‘yong may gatas.” Dagdag niya habang inaalok niya ako ng kape na bagong timpla at mainit-init habang siya naman ay n*******d at parang pinagpapawisan. May tumutulo kasing pawis sa leeg niya, pababa sa malapad niyang dibdib na mabuhok, pati palibot ng magkabilang u***g niya, may hibla ng buhok. Tskolateng-tsokolate pa rin ang kulay ng balat niya.

“Nakalimutan ko na po ‘yon Kuya Sam, pero opo, nagkakape pa rin po ako. Salamat.” Kinuha ko habang nakatayo lang siya sa harapan ko. Naiilang tuloy akong humigop—

“Hipan mo na muna, mainit pa ‘yan bata.”

“Aw…”

“Kasasabi ko lang.”

Napakagat labi ko, sobrang init. Nakakapaso at napatingin ako sa baso, parang meron mamuo-muong kulay puti na parang gatas na kondensada… naalala ko nga, pinalagyan ko ng kondensada iyong kapeng pinatimpla ko sa kaniya. Sabi ko kasi, iyong inilalagay sa champorado. Inilapag ko na lang muna sa tabi ko.

“Kuya Sam, bakit po pala dito kayo sa bahay? I mean, hindi ba po mas malaki iyong bahay ni Mang Goryo? Hindi po ba siya pumayag na doon kayo?”

“Tumira naman kami roon, pero ilang buwan lang.”

“Bakit po, pinaalis kayo ni mang Goryo?”

“Hindi pero namatay na si utol.”

“Ha? Bakit po?”

“Inatake ng highblood. Matagal na pa lang nakasanla iyong bahay. Kaya naman, bangko na iyong nagmamay-ari ng bahay. Makukuha lang ulit ng kamag-anak niya o ako, kung mababayaran iyon. Sa ngayon, nakasarado lang iyon at bawal ng pumasok ang kahit na sino roon.”

“Magkano po nakasanla Kuya Sam?”

“One million. One thousand. One hundred dollars and ninety-nine centavos.” Sabi niya’t napabusangol talaga ako at natawa lang siya, “…naalala ko tuloy noong niloloko kita noong bata ka. Ang sarap mong asarin talaga noon. Takot na takot ka pang mamatay. Kaya gustong-gusto talaga kitang nakakasama talaga noon eh.”

“Ayaw ko na po maalala ‘yon Kuya Sam.”

“Bakit? Saya kaya noon at naalala mo pa ba iyong ginawa ko sa’yo noon?”

“Uh—eh, hi-hindi po. Kung sasabihin mo po Kuya baka sakaling maalala ko.” Nauutal kong pagkakasabi. Hindi kasi siya umuupo man lang at nakatayo pa rin siya sa harapan ko, bukod nga sa n*******d siya ay ang nipis-nipis nang napili niyang shorts. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ilalagay ang nagiging malikot kong mga mata, sa poging mukha niya, sa hubog ng pawisang katawan niya o sa nakapayukong alaga niyang hulmang-hulma ang malaking ulo. Kung siguro pati ang mga kamay ko malikot baka nahawakan ko na ito. Hindi ko na magawang makatagal ng nakaharap sa akin si Kuya Sam talaga—hindi na kagaya noon.

“Kung sabagay kasi, bata ka pa talaga noon, pero iyon ang unang beses na nagkita tayong dalawa. At kung hindi mo na naalala ibig sabihin ay wala ka ng peklat sa puwit mo na magpapaalala sa’yo ng pagiging malikot mo noong kabataan mo.”

Halos malunok ko ang laway ko at hindi lang ata laway ang nalunok ko, damay na rin pati ang kaluluwa ko. Naalala ko na ang lahat, I mean, naalala ko iyong pangyayari ngang ‘yon… kinagat ako ni Brutos sa puwit.

“Naalala ko na po Kuya Sam.”

“May peklat ka ba sa puwit?”

“Wa-wala po.”

“Patingin ka.”

“Kuya Sam!”

“Biro lang. Alam ko naman hindi mo na ipapakita sa akin kasi nga, hindi ka na bata, bata.”

“Yeah, pero tinatawag mo pa rin akong bata.”

“Tungkol sa tanong mo—” Sabi niya’t umupo na siya sa tabi ko. Gumilid lang ako. Idinikit niya ang basang braso niya sa braso ko. Kinuha ko iyong baso ng kape at hinigop ko. Mainit-init pa rin at masarap talaga magtimpla ng kape ‘tong si Kuya Sam. Lasang-lasa ‘yong tapang at kapuruan ng kape, “…humigit kumulang isang milyon lang naman iyong pagkakasanla.”

“Lang?”

“Oo bata, lang.”

“Kung sabagay. Sayang nga ‘yong bahay na iyon.”

“Oo. Pero saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaga? Kahit siguro ibenta ko ang katawan ko, hindi pa rin iyon sapat. At mukhang walang bibili sa akin. Pangit-pangit ko eh.”

“Hindi ka pangit Kuya Sam.”

“Sinasabi mo lang iyan kasi bayaw mo ako.”

“Po-pogi ka po, Kuya Sam.” Mahina kong pagkakasabi at humigop ako ulit. Alam kong nakatingin siya sa akin.

“Sabi ng ate mo, hindi niya raw alam kung bakit ako ang napangasawa niya, pangit-pangit ko naman daw. Samantalang gwapo naman raw iyong ex-boyfriend niya.”

“Ganiyan lang talaga ‘yan si ate. Ako nga sinasabihan niya noong—”

“Bakla?”

“Oo…”

“Bakit hindi ba?”

“Uh—eh…” Napahigop ako ulit sa kape. Nakakaba itong usapan na ito. Parang pinagpapawisan din tuloy ako ng malagkit. Malapit lang sa amin si ate, mga dalawang metro lang pero abala siya sa pagsusugal niya.

“Biro lang bata. Pero nababanggit nga sa akin ni misis iyon tungkol sa’yo. Babakla-bakla ka raw. Baka nga raw kaya ka lagi napunta sa bahay kasi crush mo raw ako.”

Umula talaga iyon kape sa baba ko, “…dahan-dahan lang sa paghigop bata. Biro lang iyon at alam ko naman, kaya ka lang napunta sa bahay ay dahil gusto mong makalaro iyong alaga kong dating galit sa’yo pero napaamo mo.”

“A-alaga mo?”

“Si Brutos. Iyong aso namin.”

“Ah—eh... oo, siya lang paborito ko. Siya lang pinupuntahan ko.” Pautal kong pagkakasagot, nakatingin ako sa laman baso pero nasisipat pa rin ng mata ko iyong alaga niya, iyong sa kaniya talaga. Parang tumatayo kapag tumayo siya, baka tuluyang tumayo na ‘yan talaga at makakagat. Kung kakagatin ako, kakagatin ko rin.

Napailing-iling ako sa naiisip ko at bigla naman siyang napahikab. Inunat niya ang mga braso niya kaya naman nakakuha ako ng pagkakataon na mapatingin sa kabakatan niya. Saglit lang pero sapat na, nakatayo na talaga eh.

“Bigla akong inantok, Sid. Baliw kasi iyong pulis, biglang dumating pa kanina sarap na nang higa ko eh.”

“Si-sige po, matulog ka na po muna ulit.”

“Ikaw?”

“Ah—hindi ako makakatulog, pinainom mo ako ng kape eh.”

“Oo nga pala. Pero kung antukin ka, hindi ko na isasarado ang pintuan, pumasok ka na lang.” Sabi niya’t pumatayo siya. Bakat na bakat talaga iyong sa kaniya at wala siyang pakialam kahit maraming tao rito sa labas. Tipikal na lalaki itong si Kuya Sam, itong Bayaw ko. Hindi man siya napapansin ng iba dahil abala sa kani-kanilang mga pinaggagawa, ako naman, pansin na pansin ko talaga siya. Ginulo-gulo niya pa ang buhok ko at para akong pinasukan ng malakas ng kuryente ng maisagi niya ang malaki, mataba at mahabang pag-aari niya sa braso ko. Damang-dama ko talaga ito, hindi matigas pero sobrang ma-meaty.

Tinalikuran na niya ako at dumiretso na siya sa loob ng bahay. Hindi mapanatag iyong tibok ng puso ko. Ano ba iyong mga napag-usapan namin ni Kuya Sam? Parang bilis-bilis ng mga pangyayari. Napahigop ako sa kape hanggang sa maubos ko ito at parang meron kung ano sa loob ng bibig ko. Nasasalat ng dila ko na parang tansi. Inilapag ko ang baso at hinugot ko sa loob ng bibig ko ang nalalaro ng dila ko.

Tinignan kong maigi buhok. Makulot na itim na buhok. Makapal na hibla ng kulot na buhok. Kaninong buhok ‘to at paanong napunta ito sa loob ng basong pinag-iinuman ko?

Kaagad akong napatayo. Napatingin ako kay ate at napatingin din siya sa akin. Naglakad ako papalapit sa pintuan ng bahay.

“Hoy, Cedrik.”

Napahinto ako.

“Bakit, ate?” Tanong ko at ang tagal-tagal niyang sumagot. Pinagpapalit-palit niya iyong barahang hawak niya, “…ano iyon ate?”

“Wala-wala. Siguraduhin mo lang na gastos mo lahat bukas ha?”

“Oo ate.”

“Mabuting nagkakaintindihan tayong dalawa.”

Hindi na ako kumibo pa at dumiretso na ako sa loob ng bahay. Nakahiga si tatay sa mahabang upuan. Nagpapahinga rin. Napatingin ako sa garapon at parang nawala iyong perang inilagay kanina ni sir Arthuro. Nilingon ko ulit si ate at meron akong nakitang limang daan na nakaipit sa basong nasa harapan niya. Iyong kaba ko sa naging usapan namin ni Kuya Sam napalitan na naman ng pagka-inis. Patay na nga si nanay pero hindi niya pa rin inirirespeto.

Lumapit ako sa pintuan ng kwarto at hindi na ako kumatok dahil sa inis ko. Binuksan ko ito at nakita kong nakahiga si Kuya Sam sa kama. Napasok ang kaliwang palad niya sa loob ng manipis niyang shorts. Humakbang ako papasok sa loob na muling nakaramdam ng kakaibang uri ng kaba sa aking puso. Parang sasabog—sobrang bilis, sobra ang dabog.

“Sarado mo ang pintuan, Sid.” Mapanuksong pagkakasabi niya. Iyong boses niyang napakalutong, buong-buo na parang meron volume sa vocal cord niya na kayang-kaya niyang kontrolin ang boses niya para mas maging kaakit-akit ito sa aking pandinig. Kumilos ang palad niyang nasa loob ng shorts niya at parang pumalabas iyong ulo ng alaga niya sa waistline garter nito, gayumpaman, hindi ako kumbinsido sa aking nasisilayan, gusto kong makasigurado sa aking nakikita, “…patay na ang alaga naming aso na si Brutos, hindi ka na niya nahintay pa kaya naman—meron akong ibang alaga na gustong ipapakilala sa’yo. Lumapit ka rito sa akin… bata.”

Kaugnay na kabanata

  • BAYAW   KABANATA II

    MAGING ang mga daliri ko sa paa ay hindi ko magalaw.Kinakabahan ako? Oo, siguro. Hindi ko alam, hindi ko masabi. Para ngang nakatapak ako sa yelo ngayon at nanlalamig ang mga talampakan ko, umaakyat sa binti ko, sa tuhod ko, sa hita ko, papunta sa puwitan ko at kung meron kung anong patusok na tila kumakatok sa butas ng puwit ko… lahat ng ito’y nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko sa madilim na parte nitong kwarto si Kuya Sam habang himas-himas niya ang tinuturing niyang… alaga.“Anong ginagawa mo… Kuya Sam?” Tanong ko sa kaniya na sa pagitan nang pagka-crack ng boses ko. Hindi ko malakasan, hindi ko mahinaan at kahit na kaming dalawa lamang ang nandito ngayon pakiramdam ko maririnig at maririnig kami ng mga tao na nasa labas lang ng kwartong ito.Paano kung nasa likod lang ng pintuang nakasara si tatay? O si ate. Kung naririnig ko sila sa labas ay posible na maririnig nila akong nagsasalita rito sa loob.“Hindi mo ba gustong makilala ang alaga ko, bata?”Napayuko ako at napatingi

    Huling Na-update : 2022-08-27
  • BAYAW   disclaimer.

    “BAYAW”ni Madam K/iamkenth**********This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Contains explicit/sexual contents, inappropriate use of words/language, drugs, violence, homoerotic scenes that may be found offensive to some readers. Read it at your own risk. R18+BE SAFE. Do Not Use/Practice Drugs.************ Ito ay gawain ng piksyon lamang. Ang mga pangalan, karakter, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at insidente ay alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginagamit sa isang mahiwagang paraan. Anumang pagkakahalintulad sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay dalisay na nagkataon lamang.Naglalaman ng eksplisiyon/seksuwal na nilalaman, hindi angkop na paggamit ng mga salita/wika, droga, karahasan, homoerotic scenes n

    Huling Na-update : 2022-08-27
  • BAYAW   INTRODUKSYON

    “SIR, papasok na po tayo rito sa Ngala. Hindi pa po updated sa GPS Map ang lugar na ‘to.” Panggigising sa akin ni manong driver na kinontrata ko kanina sa airport. Napatingin ako sa labas ng bintana. Magdadapit hapon pa lang naman. Nasa kahabaan pa kami ng highway talaga. Napatingin ako sa malaking signboard na meron nakalagay na NGala pakaliwa, “…pasensya na po kung naabala ko kayo sa pagtulog niyo. Gigisingin ko pa rin kayo kasi nga hindi ko alam kong saan ko po kayo mismo ibababa.”“Ayos lang po manong. Pasensya na nakatulog ako. Sige po, ituturo ko na lang sa inyo pagkapasok po natin sa loob at hindi po Ngala, N Gala po. Nakahiwalay po ‘yong N sa Gala kapag babasahin niyo.”“Ah ganoon po ba sir. Dalawang beses pa lang kasi nakapaghatid rito sa lugar niyo.” Sabi niya’t sabay iniliko niya ang sasakyan papasok na nga sa dating lugar na kinalakihan ko. napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang mga talahiban na naalaala kong Nadaanan ko rin noong lumabas ako ng lugar na ‘to.

    Huling Na-update : 2022-08-27

Pinakabagong kabanata

  • BAYAW   KABANATA II

    MAGING ang mga daliri ko sa paa ay hindi ko magalaw.Kinakabahan ako? Oo, siguro. Hindi ko alam, hindi ko masabi. Para ngang nakatapak ako sa yelo ngayon at nanlalamig ang mga talampakan ko, umaakyat sa binti ko, sa tuhod ko, sa hita ko, papunta sa puwitan ko at kung meron kung anong patusok na tila kumakatok sa butas ng puwit ko… lahat ng ito’y nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko sa madilim na parte nitong kwarto si Kuya Sam habang himas-himas niya ang tinuturing niyang… alaga.“Anong ginagawa mo… Kuya Sam?” Tanong ko sa kaniya na sa pagitan nang pagka-crack ng boses ko. Hindi ko malakasan, hindi ko mahinaan at kahit na kaming dalawa lamang ang nandito ngayon pakiramdam ko maririnig at maririnig kami ng mga tao na nasa labas lang ng kwartong ito.Paano kung nasa likod lang ng pintuang nakasara si tatay? O si ate. Kung naririnig ko sila sa labas ay posible na maririnig nila akong nagsasalita rito sa loob.“Hindi mo ba gustong makilala ang alaga ko, bata?”Napayuko ako at napatingi

  • BAYAW   KABANATA I - PHASE I

    PHASE I: “BALIK BAYAN”“KARAPATAN?” Napakunot talaga ang noo ko, “…anong sinasabi mong karapatan Kuya Sam? Nawalan na ako ng karapatan sa pamilyang ‘to mula noong umalis ako. Mula noong ipamigay ako ni nanay kay Dr. Harrison, kay Dad.” Napaupo ako sa dulo ng papag na merong manipis na kama na halos nakadikit na sa kahoy. Sobrang luma na ng kamang ito at kitang-kita na ‘yong paniniksik ng mga mantsa ng dumi, natatakpan lang talaga dahil sa kobreng puti na hindi namang maayos na nakaipit sa ilalim kaya lumalabas ‘yong maruming kutson nito. Sa pagkakatanda ko rin, ito ‘yong kwarto naming dalawa ni ate noon. Hindi ko nga lang natatandaan ‘tong papag na ‘to, baka ginawa nila noong umalis na ako. Kalawangin na rin ‘yong bubong at merong mga mangilan-ngilang butas pa, at may isa na parang merong nakadikit na matagal ng bubblegum. Maagiw ang bawat sulok, masapot, madumi at nangingitim. Meron isang electric fan dito, ‘yon nakatayo, at halatang luma na rin talaga, maingay na ang ikot. May mga b

  • BAYAW   INTRODUKSYON

    “SIR, papasok na po tayo rito sa Ngala. Hindi pa po updated sa GPS Map ang lugar na ‘to.” Panggigising sa akin ni manong driver na kinontrata ko kanina sa airport. Napatingin ako sa labas ng bintana. Magdadapit hapon pa lang naman. Nasa kahabaan pa kami ng highway talaga. Napatingin ako sa malaking signboard na meron nakalagay na NGala pakaliwa, “…pasensya na po kung naabala ko kayo sa pagtulog niyo. Gigisingin ko pa rin kayo kasi nga hindi ko alam kong saan ko po kayo mismo ibababa.”“Ayos lang po manong. Pasensya na nakatulog ako. Sige po, ituturo ko na lang sa inyo pagkapasok po natin sa loob at hindi po Ngala, N Gala po. Nakahiwalay po ‘yong N sa Gala kapag babasahin niyo.”“Ah ganoon po ba sir. Dalawang beses pa lang kasi nakapaghatid rito sa lugar niyo.” Sabi niya’t sabay iniliko niya ang sasakyan papasok na nga sa dating lugar na kinalakihan ko. napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang mga talahiban na naalaala kong Nadaanan ko rin noong lumabas ako ng lugar na ‘to.

  • BAYAW   disclaimer.

    “BAYAW”ni Madam K/iamkenth**********This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Contains explicit/sexual contents, inappropriate use of words/language, drugs, violence, homoerotic scenes that may be found offensive to some readers. Read it at your own risk. R18+BE SAFE. Do Not Use/Practice Drugs.************ Ito ay gawain ng piksyon lamang. Ang mga pangalan, karakter, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at insidente ay alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginagamit sa isang mahiwagang paraan. Anumang pagkakahalintulad sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay dalisay na nagkataon lamang.Naglalaman ng eksplisiyon/seksuwal na nilalaman, hindi angkop na paggamit ng mga salita/wika, droga, karahasan, homoerotic scenes n

DMCA.com Protection Status