“Teacher Carol, I’m done!”
“Wow, Carl! You are so fast!” puri niya sa batang lalaking lumapit sa table niya at inilapag ang papel kung saan puno iyon ng sinulat na buong pangalan nito.
“Yes, Teacher. Can I have my stars na, Teacher Pretty?”
“Okay.” Kinuha niya ang stamp na hugis star at idiniin iyon sa stamp pad. “Three stars for the fastest Carl.” Tatlong beses niyang itinatak iyon sa likod ng palad nito.
“Yey! Thank you, Teacher Caroline!” umalingaw-ngaw ang masaya nitong boses bago patakbong bumalik sa desk nito.
Ibinalik naman ulit niya ang atensiyon sa ginagawa, ngunit hindi pa nagtatagal, nakarinig na siya ng iyakan. Mabilis siyang tumayo pagkakita sa dalawang estudyante niyang nag-aaway na.
“Anong nangyari? Ronie, why are you crying? Carl?” mahinahon niyang tanong sa dalawang bata. Nakatayo si Carl sa tabi ng desk nito, si Ronie naman, nakaupo at umiiyak.
“It was Carl’s fault, Teacher! It should be me who finished first, not him!”
“Teacher, wala po akong ginagawa kay Ronie. Binilisan ko lang naman po ang pagsusulat ng name ko to have stars.”
Tinanguan niya si Carl at bumaling kay Ronie. Tumalungko siya sa harapan nito para magpantay ang mga mata niya sa estudyante. “Ronie, that is fine. Hindi naman tayo nagpapaligsahan kung sino ang unang matatapos. All I want is for you to complete the task I gave.”
“No, Teacher! It should be me, who should’ve finished first so I can have many stars!” patuloy nito sa pag-atungal.
“Is that all you want? When you finish writing your name, pass your paper, and I will give you many stars.” Nilingon niya si Carl na tahimik lang sa kinatatayuan nito. “Is that okay, Carl, right?”
Tumango ang paslit bago sumagot. “Yes po, Teacher Carol.”
Tumahimik si Ronie at pinunasan ng maliit nitong mga kamay ang mukha. Tinulungan niya ito, gamit ng sarili niyang panyo, tinuyo niya ang luha nito bago siya tumayo at akmang babalik sa mesa niya, nang mapahinto sa biglang hilo na naramdaman niya.
Tumigil siya at pumikit nang mariin, bahagya pa niyang ipinilig ang ulo, pero kahit nakapikit, ramdam niya ang pag-ikot ng paligid. Dumilat ulit siya at humakbang kahit gumagalaw ang classroom sa paningin niya.
Ngunit bago pa siya makalapit sa teacher’s table, hindi na niya kinaya. Kasabay ng pagbagsak ng katawan niya, ang tilian at pagtawag ng mga anak niya sa pangalan niya.
“Teacher!”
“Teacher Carol!”
"Si Teacher ganda!"
Hindi na niya alam ang buong nangyari dahil nilamon na siya ng kadiliman.
Ikinurap-kurap niya ang mga mata at pilit na idinilat ang mga iyon. Puting kisame ang bumungad sa kaniya. Lumimgon siya sa kaliwa, nililipad na puting kurtina dahil sa bahagyang nakabukas na sliding window naman ang nakita niya. Amoy alcohol ang paligid.
Wala na siyang hilong nararamdaman, pero bahagyang sumasakit ang sintido niya. Ang mga estudyane niya…
Pinilit niyang bumangon, kaso ramdam niya ang panghihina ng buo niyang katawan. Ano bang nangyari sa kaniya?
“Hi, Teacher Carol, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ng school nurse ng eskwelahang pinagtuturuan niya. Nasa infirmary siya kung gano’n.
“Ayos na ako, Nurse Miles.” Iniangat niya ang itaas na katawan para umupo sa kinahihigaan. “A-ano bang nangyari? Ang alam ko lang nakaramdam ako ng pagkahilo, tapos nag-blackout na ang paligid ko.”
“Yes, Teacher Carol. Pero natural lang iyang pagkahilo mo dahil sa ipinagbubuntis. Mabuti na lang at hindi naging malala ang pagbagsak mo, at matalino ang estudyante mo. Carl immediately called for help while his classmates gives you space to breathe.”
Sa dami ng sinabi ng nurse sa kaniya, walang ibang salitang umalingaw-ngaw sa isip niya kundi ang salitang ‘ipinagbubuntis’. Kunot ang noong napalingon siya sa gawi ng bintana. B-buntis siya?
“Pakiulit nga ng sinabi mo, Nurse Miles,” pakiusap niya rito nang lingunin ulit niya ito.
“That your students are smart?”
“No, bago iyon.”
“Th–at you are pregnant?” nag-aalangan nitong sagot. “Your bp measurement indicates that there is another life inside your body. You didn’t know?”
Hindi siya umimik sa tanong nito, natulala na lang siya sa harapan ng nurse.
“Oh, if you want to make sure, I have pregnancy kits here.” Umalis ito sa harapan niya at tinungo ang steel cabinet na nasa hilera ng pintuan. Pagbalik nito ay inabot nito ang isang pack box ng pregnancy kit. “May toilet paglabas mo, sa gawing kanan. Puwede mong i—”
“Sa bahay na lang, Nurse Miles. Salamat,” putol niya sa iba pa nitong sasabihin at tinanggap ang kit. Bumaba siya ng kama at hinagilap ang sapatos niya. Sinilip niya ang oras sa wristwatch at 3:47 na ang oras doon.
“Kaya mo na ba?” nag-aalalang tanong sa kaniya nitong makatayo.
Tumango siya. “Uwian na rin naman mayamaya. Kukunin ko lang ang mga gamit ko at kakausapin na rin ang principal sa nangyari.”
“O-okay, sige. Dahan-dahan ka lang sa paglalakad at baka mahilo ka. And avoid the sunlight.”
Tumango ulit siya at naglakad na palabas sa pintuang ito na ang nagbukas. “Thank you ulit, Nurse Miles.”
Tinalunton niya ang hallway at hindi na dumaan sa shortcut dahil bahagya pang tirik ang araw ng mga oras na iyon. Pagdating niya sa classroom niya, mga estudyante niya sa afternoon section na ang naroon, at isang student teacher ang nag-substitute sa kaniya. Nag–iikot ito nagtatak ng stars sa kamay ng mga estudyante nang maabutan niya.
Binati siya nito na tinanguan lang niya. Dumiretso siya sa mesa niya at naupo sa upuan, ‘saka doon natulala. Bumalik lang ulit siya sa huwisyo nang marinig na bumati ng pamamaalam ang mga bata. Isa-isa ring bumati ang mga ito nang madaanan siya paglabas ng silid.
Mariin siyang napapikit nang mag-double line ang pregnacy test na hawak. Positive. She’s pregnant. Nagbunga ang isang gabing pagpapaubaya niya sa hindi nakikilalang lalaki. At magkakaanak siya na walang kikilalaning ama. Mas masaklap pa sa sinapit niya. Kasi kahit papaano, siya nakilala niya ang ama kahit hindi niya ito nakakasama. Pero itong ipinagbubuntis niya—paano niya sasabihin sa magiging anak niya na hindi niya kilala ang ama nito?
Nanghihinang unti-unti siyang nauupos sa kinatatayuan hanggang sa malugmok siya sa malamig na marmol na sa banyo ng apartment niya. Impit siyang napahagulgol habang iniisip ang mangyayari sa mga susunod na araw, ang mangyayari sa kanila ng magiging anak niya.
Kinukuwesityon niya ang sarili; puwede ba iyon? Puwede bang mabuntis ka nang hindi mo nakikilala ang lalaking nakadisgrasya sa iyo? Puwede! Ito na nga at buntis siya! Bakit ba ang tanga-tanga niya? Kaya siguro siya naloko ni Jordan, kasi tanga siya! Kaya siguro siya naisahan ni Clarisse, kasi tanga siya! Kaya siya nabuntis at walang kikilalaning ama ang magiging anak niya, kasi ang tanga-tanga niya!
Really, Caroline? Teacher ka pa naman pero naloloko ka ng iba. Ganiyan ba ang ituturo mo sa mga estudyante mo? Ang maging tanga?
Aaaah! Ano bang kasalanan niya sa mundo? Ano bang kasamaan ang nagawa niya sa dati niyang buhay at kinakarma siya ng ganito? Bakit siya?
Siya naman ang naagrabyado, ‘di ba? Siya ang itinakwil ng mga magulang na nagkaniya-kaniya ng ibang pamilya. Siya ang niloko ng lalaking akala niyang siya ang magbibigay sa kaniya ng pamilyang hindi niya naranasan. Siya ang napagsamantalahan. Ayos lang na siya na lang, pero bakit kailangang may inosenteng buhay na madadamay?
Hilam na sa luha ang mga mata niya at basang-basa na rin ng pinaghalong pawis at luha ang mukha at leeg niya. Hinahabol niya ang paghinga dahil nagbabara na rin ang ilong niya. Nagsasalitan ang pagsinghot at paghikbi niya.
Pinunasan niya ang mga luha. Kinalma niya ang sarili. At nang maiayos niya ang paghinga, niyuko niya ang impis pa niyang tiyan. Hinaplos niya iyon at dinama ang buhay na nabuo roon. Siguro nga walang kikilalaning ama ang magiging anak niya, pero nandito pa siya. Hinding-hindi niya itatakwil ang sanggol na ito. May kikilalanin at may mag-aaruga pa ring ina rito, dahil hindi niya ipararamdam ang ipinaramdam sa kaniya ng sarili niyang mga magulang.
“Patawarin mo si mama, ha? Paglabas mo, ako lang ang makikilala mo. Ako lang ang magmamahal sa iyo. Pero ipinapangako ni mama, aalagaan kita nang higit sa buhay ko, anak.”
Walang nakaaalam sa eskwelahang pinagtuturuan niya na hindi natuloy ang kasal niya, kaya wala ring nagtatanong ng tungkol sa ipinagbubuntis niya. Para sa mga co-teachers niya, natural lang na magdalantao siya dahil kasal siya. At oras na malaman ng mga ito ang katotohanan, hindi niya alam kung paano niyang ipaliliwanag ang sitwasyon niya.
“Teacher Caroline, may naghahanap po sa inyo. Nandoon po siya sa waiting lounge,” anang ginang na nasa edad kuwarenta na at isa sa mga staff ng Midori Montesorri, matapos nitong kumatok sa pinto ng classroom niya para kunin ang atensiyon niya.
“Sino raw po?”
“Hindi ko po naitanong ang pangalan, basta ang sabi po kaibigan ninyo.”
“Ah, sige po. Puwede pong pabantayan po muna ang mga student ko?” pakiusap niya rito dahil walang student teacher na naka-assign sa kaniya ngayon at wala siyang mapag-iiwanan sa mga nursery student niya.
“Wala pong problema, Ma’am.”
“All right, cubs!” pagkuha niya sa atensiyon ng mga ito na ang ibig sabihin ay baby tigers. Her afternoon students like to be called cubs. “May visitor lang si Teacher Caroline, okay. Iiwan ko kayo saglit, but I want you all to behave. Ang hindi mag-behave, hindi bibigyan ng many stars. Are we clear?”
“Yes, Teacher Pretty Caroline!” Napangiti siya sa isinagot ng mga ito. Nang makitang hindi nasira ang konsentrasyon ng mga bata sa task na pinagagawa niya. Pinaupo niya ang ginang sa upuan niya at tinungo na ang bisitang tinutukoy nito.
Three minutes ang walking distance papuntang visitor’s lounge. Waiting area iyon para sa mga susundong parent or guardian at malapit na sa gate. Natigilan siya nang makita ang sinasabing bisita niya. Tatalikod na nga sana siya pero huli na, dahil nakita na siya nito.
Hindi niya alam kung anong pakay ng bisita niya sa pagpunta rito sa school at hanapin siya. Pero base sa pagkakasalubong ng mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya, nakakaramdam na siya ng hindi maganda.
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, bahagya pang huminto ang tingin nito sa tiyan niyang bahagya nang may umbok, bago taas ang isang kilay na tumitig sa kaniya.
“So it’s true that you are pregnant?”
“Anong kailangan mo?”
“Sino ang ama?”
“Kung pumunta ka lang dito para itanong iyan, maiwan na kita. Hindi pa tapos ang klase ko.” Tinalikuran niya ito, pero mabilis nitong hinaklit ang kaliwa niyang braso at buong lakas na ipinaharap siya rito.
“Don’t tell me nakikipagkita ka kay Liam? Si Liam ba ang ama niyan? Sumagot ka!”
Natigilan siya at salubong na rin ang mga kilay niya. Seryoso ba ito sa itinatanong nito sa kaniya?
“Bakit hindi ka makasagot, ha? Dahil totoo, ‘di ba? Alam mong buntis ako, Carol! Ako ang pinakasalan ni Liam at hindi ikaw kaya gumaganti ka! Kumakabit ka sa asawa ko dahil hindi mo matanggap?”
Inilibot niya ang tingin sa visitor’s lounge, marami-rami na ring guardian doon at nakuha na ng bisita niya ang atensiyon ng mga ito. Pumiksi siya para alisib ang pagkakahawak nito.
“What?! Bakit hindi ka makasagot? Nahihiya ka? Wow! Nahihiya kang marinig ng iba na kabit ka, pero hindi ka nahiya nang magpabuntis ka sa asawa ko! At ano? Hindi mo ipinapaalam sa lahat na hindi natuloy ang kasal mo, dahil ayaw mong isipin nila na walang magiging ama iyang bastardo mo!”
“Tumigil ka na, Clarisse. Ayoko ng eskandalo.”
“Ayaw mo ng eskandalo? Tigilan mo ang asawa ko kung ayaw mo ng eskandalo!”
“Ako ang tigilan mo. Ipinaubaya ko na sa iyo ang dapat asawa ko, kaya tigilan mo na ako.” Pilit niyang ibinababa ang boses dahil nasa kanila na ang atensiyon ng mga naroon.
“Ipinaubaya? Ipinaubaya mo pero nakikipagkita ka? At nagpabuntis ka pa talaga!”
“Hindi ako nakikipagkita kay Jordan, at mas lalong hindi siya ang ama ng dinadala ko, kaya tigilan mo na ako.”
“Sinungaling ka, Carol! Kahit kailan napakasinungaling mo. Kung hindi si Liam, sino? Sino ang ama ng dinadala mo?”
“Wala ka namg pakialam kung sino pa ang ama nito. Umalis ka na.” Tinalikuran niya ito pero napahiyaw siya na sinundan din ng hiyaw ng mga naroon, nang hablutin ni Clarisse ang hanggang baywang niyang buhok.
“Sinungaling ka! Napakakati mo!”
“Bitiwan mo ako!” Hinawakan niya ang bahagi ng buhok niya na hawak nito para alisin sana ang pagkakasabunot nito.
“Alam kong nagkikita kayo ni Liam! At alam kong si Liam ang ama niyan! Malandi ka!” Nanggagalaiti nitong mas hinigpitan pa ang pagkakasabunot sa kaniya.
Ang hapdi na ng anit niya, pero hindi niya magawang lumaban. Natatakot siyang baka kapag humarap siya rito, puntiryahin nito ang tiyan niya at mapahamak ang baby niya.
Nagkakagulo na sa lounge at may tumawag na ng security guard. Hinihila ni Clarisse ang buhok niya at pilit na kinakaladkad paharap dito. Mas maliit siya rito kaya madali lang para dito. Kakapigil niyang mapaharap dito, hinihila na lang siya nito pahiga sa sahig na marmol. Binitiwan niya ang kamay nito para hindi ipampigil ang mga kamay sakaling bumagsak siya sa sahig.
Pero bago pa siya maihiga nito, dalawang guwardiya na ang pumigil dito at inilayo sila sa isa’t isa.
“Teacher ka pa naman pero ang landi-landi mo! Nakikipagkita ka sa asawa ko, malandi ka! Nagpabuntis ka pa!” patuloy nitong pag-iingay.
Umiling-iling siya habang tinitingnan ang mga miron na nanonood sa kanila. Walang katotohanan ang sinasabi ni Clarisse, pero ang eskandaluhin nang ganito, alam niyang masisira na ang reputasyon niya bilang guro.
Dahil kahit maipaliwanag niyang hindi si Jordan ang ama ng dinadala niya, paano naman niya maipaliliwanag kung sino ang tunay na ama?
Guro siya. At ang malaman ng mga itong hindi niya nakikilala ang nakabuntis sa kaniya, alam niyang iba na ang iisipin ng mga nasa paligid niya.
“Mimi!” Nilingon ni Caroline ang nagmamay-ari ng matinis na boses, at napangiti nang makita ang kambal niyang anak. Si Lottie, ang bunso niya ang tumawag sa kaniya. Napangiti siya pagkakita sa nakabusangot nitong mukha. Pinatay niya ang screen ng laptop at iniurong ang ergonomical chair para harapin ang mga anak. Agad na yumapos ang mabilog na mga braso ni Lottie sa batok niya at kumandong sa mga hita niya. “Mimi, iaaway ako ni Tover,” pagsusumbong nito na ang tinutukoy ay ang kakambal nitong si Clover. “And what Clover did to you?” tanong niya rito habang nakatingin sa panganay, na seryoso lang na naupo sa gilid ng kama niya, paharap sa kaniya. “Nitatabi niya, buyoy yaw ako. I’m not buyoy, mimi, yayt?” Matamis niyang nginitian ang anak habang pinapasadahan niya ng mga daliri ang mala-Goldilocks nitong buhok. “Natural lang ang pagiging bulol, baby. As you grow up, you will learn to speak properly. Right, Clover?” Baling niya sa anak na may tuwid na tuwid naman at maayos na nakatal
NANGUNOT ang noo ni Caroline nang mabasa ang pangalang nakarehistro sa telepono na dahilan ng pagva-vibrate niyon. Sa mahabang panahon, hindi na pumasok sa isip niya na isang araw may isa sa mga taong bahagi ng buhay niya ang magpaparamdam pa sa kaniya.“All right, may phone call akong dapat na sagutin. I will give you time to study the 8 Earth History. Magkakaroon tayo ng recitation after this call. Are we clear?”“Yes, Ma’am.”In-off niya ang camera ng laptop at nag-mute ng speaker. Bago dinampot ang cellphone na muli na namang nag-vibrate matapos nang ilang segundong pananahimik.“H-hello?” nag-aalangan niyang tanong.“C-Carol, si— si Tita Bridgitte mo ito.”“Napatawag po kayo?” may kaba nang pag-uusisa niya. Garalgal kasi ang boses ng nasa kabilang linya at halatang nagpipigil na lang na umiyak“A-ang papa mo. Your father Carlo is dying, hija. And he’s looking for you.”“Po? A-ano pong nangyari kay Papa? ‘Asaan siya, Tita?”“We are in the hospital. Please visit your father. He rea
Pumasok ang itim na pajero sa nakabukas na gate at huminto iyon sa harap ng dalawang palapag na bahay. Huling tuntong ni Caroline doon was years ago, seven or eight years old palang yata siya noon. Bakas pa ang karangyaan sa bahay na iyon noon. Buhay na buhay sa mga ilaw sa buong paligid. Namumukadkad ang mga tanim na halaman at mga bulaklak sa hardin. Malayo sa nakikita niya ngayon.Walang kabuhay-buhay at mukhang hindi na naaalagaan. May bahagi ng pader na nabibitak na ang puting pintura, at ang hardin, tuyot na ang ilang mga halaman. Ang lupa na berdeng-berde dati dahil sa bermuda grass, ngayon, nakatiwangwang na lupa na lang ang mas malaking bahagi, at ligaw na damo na lang ang sa iba pa.Hindi niya alam kung ano ang nangyari, dahil simula nang ipagtabuyan siya palabas sa bakuran na iyon, hindi na siya muling tumapak pa roon.“Anyaki nan hawt, mimi!” bulalas ni Lottie nandilat pa ang bilugan nitong mga mata habang iginagala ang paningin sa paligid. Pero mabilis itong nagtago sa l
“Papa… ni Bullet…” Humigpit ang yakap ni Clover sa batok ng lalaking nakatalungko sa harapan niya at saka humikbi-hikbi habang hinahagod nito ang likod ng paslit.“Are you lost, pretty?” tanong ng lalaki na tinangu-tanguan ni Clover.Humiwalay ang paslit sa pagkakayapos dito at pinunasan ang basa sa luhang mukha. “Nakita ko po kasi kayo kaya sinundan ko po kayo. Kayo po papa ni Bullet, ‘di ba?”Nangunot ang noo ng lalaki at pinakatitigan ang batang babae. “Oh, you are that kid in the airport. I see.”“Naaalala n’yo na po ako?” Kumikinang sa tuwa ang mga mata ni Clover, lalo na nang tumango ang lalaki.“And why did you follow me? If my bodyguards didn’t tell me a kid was looking for me, I would not notice you.”“I—” Napayuko si Clover nang walang maisagot.Hinaplos ng estranghero ang tuwid na buhok ng paslit. “Next time, don’t follow anyone even if you know them. Do you understand?” paalala nito habang nakasapo sa magkabilang pisngi ni Clover ang malalaki nitong kamay.“Opo. Hindi na p
“Are you all right, hija?” Nag-aalalang lumapit si Bridgitte kay Caroline nang magulat ito sa naging reaksiyon ng anak ng asawa.Panay ang singhap at buga ng hangin ni Caroline habang kunot na kunot ang noo. Nag-angat siya ng tingin sa madrasta. “W-wala naman na po tayong connection sa Pure Falls, ‘di ba?” tanong niya rito.“B-bakit? May problema ba? Binigyan ni Mr. Salcedo ng 5% share ang papa mo. At iyon ang bumubuhay sa amin ngayon. May problema ka ba sa kaniya? Kilala mo ba siya?”“W-wala, Tita.” Umiling-iling siya at pilit na nginitian ang madrasta. “Mabuti pa po, matulog na tayo.”Tumango si Bridgitte bago sabay nilang inakyat ang second floor kung nasaan ang mga silid. Nanghihina siyang napaupo sa kama nang makapasok sa kuwartong okupado niya. Kung may maliit na shares pa rin ang ama niya sa dati nitong kumpaniya, may posibilidad na magkita pa sila ng dating kasintahan, lalo na kung mananatiling nasa ganitong kondisyon ang ama. At hindi niya alam kung handa na ba siyang makahar
“ARE you done, Silver?” tanong niya nang makitang nakahilig na lang ang ulo ng paslit sa desk nito at nilalaro ang hawak na lapis. Binigyan niya ito ng seatwork after ng lunch break nila. And it’s been an hour now, wala pa rin itong ipinapasa sa kaniya.“Silver?”Tamad na nag-angat ng ulo ang paslit. Padabog nitong binuklat ang pad paper at padabog ding dinampot ang pencil. “Not yet, Miss,” sagot nito.Marahang nagbuga ng hangin si Caroline. It’s been a week since she started teaching Silver. Gumagawa naman ito, iyon nga lang laging delayed ang tapos ng per subject niya rito dahil hindi agad nito ginagawa. Hinahayaan na lang muna niya, dahil kung ganito pa ito sa kaniya, baka mas mag-tantrums lang ito kapag pinilit niya.Ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa nang makitang nag-uumpisa nang magsulat ang bata. Simple lang naman ang ipinapagawa niya rito ngayon; isulat sa buong papel ang buo nitong pangalan. Matalino naman kasi ito. Sa isang linggo niyang pagtuturo dito, nakita niyang m
“Ikaw pala si Bullet na palaging ikinukuwento sa akin ni Lottie at Clover,” ani Caroline matapos makausap ang kambal. Pinagmamasdan niya ang estudyanteng tahimik na kumakain ng snacks nito.“Ikaw pala ang mom nina Lottie at Clover,” sambit nito nang hindi tumutingin sa kaniya.Matamis ang ngiting tumango si Caroline. Tumabi siya sa kinauupuan ng paslit at hinagod ang ulo nito. “I’m glad you are friends with my daughters.”Nag-angat ng tingin sa kaniya si Silver. “Hindi ka po galit?” bagama’t blangko ang ekspresiyon ng mukha nito, para namang maiiyak ang boses ng paslit.“Bakit naman ako magagalit?”“Dahil bad ako?”“You are not bad, Bullet. You just don’t trust me, and I understand you.”Yumuko ulit si Bullet at dumampot ng fries ‘saka iyon isinubo. “Sorry, Miss,” mahina nitong sambit na nagpangiti kay Caroline.“Apology accepted. So, are we friends now?” masiglang tanong ni Caroline. Nilingon siya ni Bullet, tipid itong ngumiti at tumango. “So, you want to go to the park after this?”
SAKTONG ibinaba ni Caroline ang telepono, siya namang paglapit ni Bullet sa kaniya. He’s smiling ear to ear, dahilan para mapangiti rin siya.“Uuwi na po tayo, Miss?” tanong nito.Sinilip niya ang oras sa suot na wristwatch, 4:36 palang naman. Puwede pa itong maglaro kung gusto pa nito. Bahagya siyang yumukod, itinukod ang mga kamay sa hita at nakangiting tinitigan ang paslit.“Tumawag ang papa mo. Ang sabi niya, hindi raw siya makakauwi ngayon kaya…”“Kaya? Miss, ako lang po mag-isa sa house kapag hindi umuwi si Papa,” lumamlam ang mga matang protesta nito.“Kaya sabi niya, kung puwedeng doon ka muna sa amin matulog. Okay ba sa iyo ‘yon?”Nanlaki ang mga mata ni Bullet at sunod-sunod na tumango, ‘saka siya nito hinila patungo sa gate ng playground.“Nida, let’s go home. I need to prepare my things. I’m going to sleep at Miss Caroline’s house,” walang gatol nitong utos sa yaya nito mabilis na sumunod sa kanila.Inusisa siya ni Nida habang naglalakad. Hindi pa ito naniniwala at naiinti
“Good afternoon, Mr. Donovan. Angelo Cervantes from ValSecA. Pleased to meet you, sir,” bati ng lalaking nakasuot ng smart formal attire na cream trouser, mint green button-down shirt, at white sneakers nang tumayo ito para salubungin si Timothy. Inilahad niya ang kamay nang makalapit ito sa kaniya.Tinanggap naman ni Timothy ang palad nito para makipagkamay. “Please to meet you too, Mr. Cervantes. Have a seat please,” pagbati niya rito ‘saka inilahad ang kanang kamay para ialok dito ang upuang inuupuan nito bago siya dumating.“My apology to keep you waiting," paghingi niya ng paumanhin `saka naupo sa bakanteng upuan sa katapat ni Angelo.“You are still early, sir. Nasa itaas lang naman ng hotel na `to ako naka-check-in.”Tumango si Timothy bilang tugon sa kaharap. Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa si Angelo, dinampot nito ang folder na nakapatong sa mesa malapit sa kopitang pinag-inuman at inilahad iyon kay Timothy. Tinanggap iyon ng binata at walang salitang binuklat ang folder pa
“DADA, when will you and mimi get married?” inosenteng tanong ni Charlotte habang sinusuklayan nito ang laruang manika.Natigilan naman si Timothy. Nilingon niya ang anak at hindi agad nakasagot sa taong kausap sa telepono. “I will call you back.” Tinapos niya ang tawag at naupo sa single couch para samahan ang kambal. Sasagot na sana siya sa tanong ng bunso niya, ngunit naunahan siya ni Clover.“Mima won't marry him, Lottie.”“Bakit hindi, Clover? Anak nila tayo kaya dapat papakasal na sila!”“Having us doesn't mean they have to get married. Mima doesn't love him anyway. Mima loves that Jordan.”Kunot ang noong nailipat ni Timothy ang tingin sa panganay na anak. Hindi niya alam kung ano'ng nalalaman ni Clover at nasasabi nito ang ganoon.Hinaplos niya ang buhok ng bunso na nasa harapan niya. “Once your mom recovers from all of these, we will talk about it, honey,” malambing niyang saad rito.Nag-angat naman ng mukha si Clover na nasa kaliwang gilid ng center table at nagkukulay. “Are
Inikot-ikot ni Timothy ang basong hawak habang prenteng nakaupo sa ergonomic chair at matiim na nakatitig sa labas ng malaking bintana ng sarili niyang opisina. Hindi niya maiwasang hindi mahulog sa malalim na pag-iisip tuwing sumasagi sa isip niya ang mga nangyari this past years. He was lost when they lost Caroline. Ang hirap ng adjustment na kailangan niyang gawin lalo na pagdating sa pagiging ama sa dalawa nilang anak. Clover and Charlotte did not grow up with him, kaya sobrang hirap mangapa. At alam niyang naging mahirap din sa dalawa ang biglang pagkawala ng ina ng mga ito.And now that Caroline was back, the kids were so excited to reunite with their mom. The problem is, Caroline couldn’t recognize them. She was trying, unfortunately, the overdose of the drugs that Jordan gave her, made Caroline’s memory—lost. And the experts are still monitoring her condition as she undergoes rehabilitation.Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung mabilis nilang nahanap si Jordan. But what
TIMOTHY couldn't process what he just heard from the officers. Jordan, the mastermind, was nowhere to be found. Caroline was drugged intentionally to erase her memory. At mababa ang chance na maibalik pa ang memorya nito. Ang sabi ng ina nito, six years ago ang naaalala ni Caroline nang ipaalaga ito ni Jordan dito. Memory nito hanggang sa bago niya ito na-meet sa tulay para sagipin siya sa pag-aakala nitong tangka niyang pagsu-suicide. Alaala kung saan bago ang kasal nito kay Jordan na hindi natuloy dahil sa pagkakabuntis sa kapatid niya.The situation became too complicated. Nagpapasalamat na lang siyang nagising itong hindi na naghihisterya para hanapin si Bullet. Ngunit hindi dahil unti-unti na itong nakaka-recover, kundi dahil hindi na nito naaalala kung bakit ito nasa hospital ngayon, maging ang pamangkin niyang inakala nitong anak.“Si Jordan? Baka hinahanap na ako ni Jordan. Kasal namin ngayon, Mister,” puno ng pag-aalala ang namamaos na boses ni Caroline nang sabihin nilang na
“Mamila? Mami ka ni Mima po?” nandidilat ang mga matang tanong ni Lottie.Mabilis na tumango-tango si Celine na sinasabayan ng paghikbi at pagsinghot. Inangat niya ang mga braso para abutin ang paslit na may bilugan at nangungusap na mga mata.“Mamila!” Pasugod na nilapitan ni Lottie ang lola nilang ngayon lang nakita.Sumisikip naman ang dibdib na agad sinalubong ni Celine ang isa sa mga apo at mahigpit itong niyakap.“Apo ko!” Hindi pa rin makapaniwala, ngunit ramdam ni Celine ang kakaibang saya habang yapos-yapos ang paslit. Hinagod-hagod niya ang mahaba nitong buhok at mas humigpit pa ang yakap dito habang tumatagal.Matapos ang ilang sandaling yakapan, kusang bumitiw si Charlotte sa lola niya at sinapo ang magkabila nitong pisngi.“Where have you been, po, Mamila? Mimi said you were in a faraway place—”“You were with Mima the whole time she was missing, right? Why you didn't tell grandpa? Why didn't you inform us that Mima is alive and she was with that evil man? Why you didn't
Nanlalatang inilapat ni Timothy ang likod sa sandalan ng backseat nang makasakay sa sasakyan. Ramdam niya ang buong pagod, ngunit alam niyang wala siyang karapatang indahin ang kahit anong pakiramdam matapos na maihatid ang nag-iisang kapatid sa huli nitong hantungan.“Dada...” mahinang tawag ni Charlotte na nasa kabilang dulo ng upuan, katabi ng kakambal na si Clover.Tumayo si Lottie at lumipat sa tabi ng ama kaya napagitnaan na ito ng dalawa. “Dadalawin natin si Mima?” tuwid na ang pananalitang tanong nito.“Mimi isn't fine yet, Lottie,” masungit na sagot ni Clover na ikinalingon dito ni Charlotte at ng ama ng dalawa.Malalim namang napabuntonghininga si Timothy. Ilang araw na buhat nang matagpuan nila si Caroline na nakalugmok sa lupa, sa kalsada ilang metro mula sa bahay-bakasyunan ng kapatid at tinatawag nang paulit-ulit ang pangalan ng pamangkin niya.At mula naman nang mai-confine ito, magigising lang ito para tawagin ang pangalan ni Bullet kaya kailangan itong pakalmahin ng
“HONEY?”Sabay na napalingon ang tatlo sa gawi ng pintuan ng banyo nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Jordan na ikinatalima ni Clarisse.“Come on, son.” Hinatak ni Clarisse ang wheelchair para mailabas ito sa closet, habang nakaalalay sa magkabilang hawakan sa likod ng upuang de-gulong si Bullet.“Clarisse!” dinig nilang tawag ni Jordan kaya mabilis na pinalitan ni Clarisse ang anak sa pagtutulak sa wheelchair ni Caroline nang tuluyan silang makalabas sa secret door ang tatlo.“Mom....” kabadong tawag ni Bullet sa ina habang mabibilis ang hakbang ng maiikli nitong binti na sinusundan ang dalawa.“Just walk fast, son, and don't look back.”“Clarisse, I'm warning you! Nasaan si Caroline?!” sigaw na naman ni Jordan.“Clarisse, mabuti pa ibalik mo na lang ako sa loob. Bumalik na lang tayo,” ani Caroline, nilingon niya ang babaeng nagtutulak sa wheelchair niya.“No, Carol. Kailangan nating makaalis dito, or else, Jordan will kill us, and you will never see your twins anymore!”“P
“WHAT the hell do you mean by that?” paasik na tanong ni Clarisse sa security guard. Plano sana niyang lumabas para makapag-jogging sa palibot ng lugar, subalit ayaw siyang palabasin ng bantay!“Pasensiya na po, Ma'am. Mahigpit pong bilin ni Sir Jordan na walang lalabas at papasok hangga't walang pahintulot niya.”Napamaang siya sa narinig. Pinamaywangan niya ito at pinanlakihan ng mga mata. “In my freaking own house? Alam mo ba na ako ang may-ari ng property na `to?” sindak niya sa guard na ikinatungo lang nito ng ulo.“Pasensiya na po talaga, Ma'am. Sumusunod lang po ako kay sir.”“Damn it!” Walang nagawang tinalikuran ni Clarisse ang lalaki.She wanted to go outside para sana kontakin ang Kuya Timothy niya at humingi ng tulong dito. Hindi niya puwedeng gamitin ang cellphone o kahit ang landline dahil naka-monitor iyon sa cellphone ni Jordan. Hindi naman siya puwedeng umalis nang hindi niya dala ang anak, kaya iyon ang naisip niyang paraan.But the hell with Jordan. Mukhang pinaghihi
MARIING ipinikit ni Caroline ang mga mata nang maramdaman ang pagbukas ng pintuan. Halos pigilin niya ang paghinga at mahigpitan ang pagkakayakap kay Bullet na natutulog sa kanan niya habang pinakikiramdaman ang kilos ni Jordan.Lumapit sa kama ang kinilala niyang asawa at naramdaman na lang niya ang pagdampi ng labi nito sa pisngi at sentido niya, dahilan para maamoy niya ang alak sa hininga at singaw ng katawan nito bago lumayo. Dinig niya ang yapak ng mga paa nito patungo sa bathroom. “Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.Inalis ni Caroline ang pagkakayakap sa paslit sa takot na magising ito dahil sa bigat ng braso niya. Hinila na lang niya ang comforter para itakip nang maigi sa katawan niya.Ilang sandali pa, narinig na niya ang muling pagbukas ng pinto sa banyo kaya ipinikit niya ulit ang mga mata at pinakiramdaman na lang ang paligid.“Hey, honey…” ungot ni Jordan nang umupo ito sa kaliwang pwesto ni Caroline. Isiniksik niya ang k