SAKTONG ibinaba ni Caroline ang telepono, siya namang paglapit ni Bullet sa kaniya. He’s smiling ear to ear, dahilan para mapangiti rin siya.“Uuwi na po tayo, Miss?” tanong nito.Sinilip niya ang oras sa suot na wristwatch, 4:36 palang naman. Puwede pa itong maglaro kung gusto pa nito. Bahagya siyang yumukod, itinukod ang mga kamay sa hita at nakangiting tinitigan ang paslit.“Tumawag ang papa mo. Ang sabi niya, hindi raw siya makakauwi ngayon kaya…”“Kaya? Miss, ako lang po mag-isa sa house kapag hindi umuwi si Papa,” lumamlam ang mga matang protesta nito.“Kaya sabi niya, kung puwedeng doon ka muna sa amin matulog. Okay ba sa iyo ‘yon?”Nanlaki ang mga mata ni Bullet at sunod-sunod na tumango, ‘saka siya nito hinila patungo sa gate ng playground.“Nida, let’s go home. I need to prepare my things. I’m going to sleep at Miss Caroline’s house,” walang gatol nitong utos sa yaya nito mabilis na sumunod sa kanila.Inusisa siya ni Nida habang naglalakad. Hindi pa ito naniniwala at naiinti
“Fine. Pero hindi sa café o kung saan pa. We can talk in the conference room,” pagde-decide ni Caroline.Wala nang ibang choice na tumango na lamang si Jordan. Inilahad nito ang kanang palad paturo sa elevator. Tahimik na naglakad si Caroline at pumasok sa bumukas na elevator, kasunod ang dating nobyo.Nakatingin lang siya sa harapan niya, kaya nakikita niya sa repleksiyon nila sa metal na pinto ang pagsipat sa kaniya ni Jordan. Hindi niya alam kung may kabuluhan pa ba ang magiging usapan nila, gayong matagal na naman sila nitong hiwalay. Pero kung para dito, may dapat silang pag-usapan, mabuti nang pagbigyan na niya ito kaysa araw-araw siya nitong guluhin ngayong nagkrus na ulit ang landas nila.Huminto sa fifth floor ang metal cabin at bumukas ang pinto. Naunang lumabas si Jordan at hinintay siyang makalabas. Hinawakan siya nito sa kanang siko at inalalayan tulad ng nakagawian nito noon.“Please prepare two coffee for us,” utos nito sa sekretaryang sumalubong sa kanila nang makita s
Tumango-tango ang lalaki sa sinabi niya. Nagkatinginan naman ang iba at nagsariling kuro-kuro sa bawat isa. Tiningnan niya si Jordan na nakatulala na naman na parang ang lalim ng iniisip. At nang mag-angat ito ng tingin, agad na nagtama ang mga mata nila. He looks down and disoriented.Hindi niya binawi ang tingin dito dahil ayaw niyang isipin nito na nagsisinungaling siya. Baka kung ano pa ang isipin nito.Bumuka ang bibig ni Jordan, akmang may sasabihin pero agad na binawi.“So, Mr. Salcedo, should we nominate another member for the position?”Mabilis na umiling si Jordan at tumayo. “We will conduct another meeting. For now meeting adjourned,” pag-dismiss nito sa meeting ‘saka walang lingon-likod na lumabas ng conference room, hindi alintana ang naging reklamo ng mga kasama.Malalim na napabuntonghininga si Caroline habang naiiling na binigyan ng simpatiya ang mga kasama. Mga nagrereklamo dahil may kaniya-kaniya pang pinagkakaabalahan ang mga ito na na-cancel para sa meeting na iyon
“Jordan?”Tumayo ang bisita niya at hindi malaman kung lalapit ba sa kaniya o hindi. Ang anak na si Lottie na may dalang teddy bear naman ang sumugod sa kaniya at yumakap.“Mimi! Gift po sa akin ni Tito Yordan!”Hinila naman ni Clover ang kamay niyang hawak nito dahilan para lingunin niya ito.“Kanina pa siya nandito, Mima.”Inalis niya ang tingin sa anak at bumaling sa bisita na nanatili sa kinatatayuan nito.“Lottie, Clover, maglaro muna kayo sa room ninyo, ha? May pag-uusapan lang kami ng bisita.”Hindi tumalima si Clover na masama ang tingin sa bisita nila, pero hinila ito ni Lottie at kinaladkad papunta sa kuwarto. Hatid-tanaw naman ni Jordan ang kambal.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito. Iniisip niyang dahil nasabi na niya kahapon sa meeting ang tungkol sa pagiging ina niya ay mawawalan na ito ng interes at tatantanan na siya. Pero mukhang mali siya ng akala.“Ang gaganda nila,” puri nito sa kambal.Hindi niya iyon pinansin. Itinuro niya ang upuan sa likod nito para pau
PARANG itinulos si Caroline sa kinauupuan pagkarinig sa pamilyar na boses ng nagsalita. Kahit na sobrang tagal na buhat nang huli niyang narinig ang may kaartehan at mapagpanggap na tinig na iyon, hinding-hindi iyon mawawala sa isip dahil naging parte na iyon ng bangungot niya.Subalit, maaari namang kaboses lang ng nagsalita ang kilala niyang nagmamay-ari ng tinig, ‘di ba?“Mommy.”Hindi agad siya nakahuma kahit pa tumayo na si Bullet sa upuan nito at tawagin ang ina nito. Narinig niya sa likuran ang magagaang nitong yapak.“Hi, Miss Carol, right? I just want to say thank you at natagalan mo ang katigasan ng ulo ng anak ko. You know, Silver is too stubborn and hard-headed, kaya walang nakatatagal na tutor sa kaniya.”“That’s not true, Mom. I am pissed off my previous tutor because they were flirting with Papa.”“Oh, c’mon, Silver. Why don’t you just leave your uncle alone and stop calling him that way? Anyway, Miss?”Hindi na mawari ni Caroline kung gaano kalalim ang gitla sa noo ni
“Where are we going, Papa?” tanong ni Bullet nang ipasok ito ni Timothy sa binuksang passenger seat ng itim na kotse.Ikinakabit ng lalaki ang seatbelt sa katawan nito nang sagutin ang pamangkin. “We will visit your therapist. Huwag kang maglikot d’yan, all right?” Tumango si Bullet sa paalala ng tiyuhin.Isinara ni Timothy ang pinto ‘saka nito binuksan ang shotgun door at iminuwestra ang kaliwang kamay kay Caroline. Nagtataka man ang dalaga ay sumakay na rin siya sa shotgun seat. Nakatuon ang tingin niya sa lalaki nang isara nito ang pinto at umikot sa driver’s seat at maupo sa harap ng manibela. Timothy started the engine, at hindi pa rin makapagsalita si Caroline.“Papa, isasama po ba natin si Tita? Can she go with us?” tanong ulit ni Bullet.Nilingon ni Caroline si Bullet at nginitian ito ‘saka umayos ng upo. Nagkasalubong naman ang tingin nila ni Timothy sa rearview mirror. Dapat ay nasa bah
TININGALA ni Caroline ang kalangitan na nasasabugan ng mga bituin. Sa dami ng mga nangyari sa loob lamang ng isang araw, hindi na niya alam kung ano ang mga uunahing isipin. At ang panonood na lang sa mga bituin ang tanging paraan para kahit papaano, pumayapa naman ang isip niya.“Tea?” anang boses na nagpalingon sa kaniya sa likuran.She saw Timothy expertly holding a saucer with a cup of tea in his right hand and a mug of brewed coffee, based on its aroma, on the left as he approached her. Inilahad nito ang tsaa sa kaniya.“Thank you,” sambit niya nang tanggapin iyon. Pinanood niya ang pag-upo nito sa kabilang dulo ng steel bench na kinauupuan niya. Ang prim at ang sexy nito kung umupo. Palaging naka-otso ang mga binti, siguro dahil sa haba ng mga iyon.“Thank you for letting Silver stay here for tonight.”“Nag-e-enjoy ang mga bata. Kung ang pagtulog niya rito ang paraan para makalimutan niya ang nangyari kaninang umaga, bakit hindi. Hindi deserved ni Bullet ang magkaroon ng trauma.
“MIMI?”Napaigtad si Caroline nang marinig ang tawag na iyon ng bunsong anak buhat sa likuran nila. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha bago tinapunan ng tingin ang lalaking katabi ‘saka nila sabay na nilingon ang paslit.“What did you do to my mom, Tito?” masungit at tuwid na tanong ni Lottie nang makalapit ito sa kinaroroonan ng dalawa. Umikot ito sa harapan ng dalawa at agad na niyakap ang ina. “Niaaway mo mimi ko?” Masama ang tinging ipinukol nito kay Timothy.Napaawang ang mga labi ng lalaki at nanghihingi ng saklolo ang tingin kay Caroline.“No, sweety. Hindi niya ako inaaway.”“Then why are you crying, Mimi?” Tiningala nito ang ina at pinunasan ng maliliit nitong kamay ang namamasa pang mukha ni Caroline.Hindi alam ni Caroline ang isasagot sa anak. Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga at akma nang magsasalita nang unahan siya ni Timothy.Matiim na tinitigan ni Timothy ang bunsong anak nila. “Your mom is worried about her work. Hindi na kasi siya magiging tutor ni
“Good afternoon, Mr. Donovan. Angelo Cervantes from ValSecA. Pleased to meet you, sir,” bati ng lalaking nakasuot ng smart formal attire na cream trouser, mint green button-down shirt, at white sneakers nang tumayo ito para salubungin si Timothy. Inilahad niya ang kamay nang makalapit ito sa kaniya.Tinanggap naman ni Timothy ang palad nito para makipagkamay. “Please to meet you too, Mr. Cervantes. Have a seat please,” pagbati niya rito ‘saka inilahad ang kanang kamay para ialok dito ang upuang inuupuan nito bago siya dumating.“My apology to keep you waiting," paghingi niya ng paumanhin `saka naupo sa bakanteng upuan sa katapat ni Angelo.“You are still early, sir. Nasa itaas lang naman ng hotel na `to ako naka-check-in.”Tumango si Timothy bilang tugon sa kaharap. Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa si Angelo, dinampot nito ang folder na nakapatong sa mesa malapit sa kopitang pinag-inuman at inilahad iyon kay Timothy. Tinanggap iyon ng binata at walang salitang binuklat ang folder pa
“DADA, when will you and mimi get married?” inosenteng tanong ni Charlotte habang sinusuklayan nito ang laruang manika.Natigilan naman si Timothy. Nilingon niya ang anak at hindi agad nakasagot sa taong kausap sa telepono. “I will call you back.” Tinapos niya ang tawag at naupo sa single couch para samahan ang kambal. Sasagot na sana siya sa tanong ng bunso niya, ngunit naunahan siya ni Clover.“Mima won't marry him, Lottie.”“Bakit hindi, Clover? Anak nila tayo kaya dapat papakasal na sila!”“Having us doesn't mean they have to get married. Mima doesn't love him anyway. Mima loves that Jordan.”Kunot ang noong nailipat ni Timothy ang tingin sa panganay na anak. Hindi niya alam kung ano'ng nalalaman ni Clover at nasasabi nito ang ganoon.Hinaplos niya ang buhok ng bunso na nasa harapan niya. “Once your mom recovers from all of these, we will talk about it, honey,” malambing niyang saad rito.Nag-angat naman ng mukha si Clover na nasa kaliwang gilid ng center table at nagkukulay. “Are
Inikot-ikot ni Timothy ang basong hawak habang prenteng nakaupo sa ergonomic chair at matiim na nakatitig sa labas ng malaking bintana ng sarili niyang opisina. Hindi niya maiwasang hindi mahulog sa malalim na pag-iisip tuwing sumasagi sa isip niya ang mga nangyari this past years. He was lost when they lost Caroline. Ang hirap ng adjustment na kailangan niyang gawin lalo na pagdating sa pagiging ama sa dalawa nilang anak. Clover and Charlotte did not grow up with him, kaya sobrang hirap mangapa. At alam niyang naging mahirap din sa dalawa ang biglang pagkawala ng ina ng mga ito.And now that Caroline was back, the kids were so excited to reunite with their mom. The problem is, Caroline couldn’t recognize them. She was trying, unfortunately, the overdose of the drugs that Jordan gave her, made Caroline’s memory—lost. And the experts are still monitoring her condition as she undergoes rehabilitation.Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung mabilis nilang nahanap si Jordan. But what
TIMOTHY couldn't process what he just heard from the officers. Jordan, the mastermind, was nowhere to be found. Caroline was drugged intentionally to erase her memory. At mababa ang chance na maibalik pa ang memorya nito. Ang sabi ng ina nito, six years ago ang naaalala ni Caroline nang ipaalaga ito ni Jordan dito. Memory nito hanggang sa bago niya ito na-meet sa tulay para sagipin siya sa pag-aakala nitong tangka niyang pagsu-suicide. Alaala kung saan bago ang kasal nito kay Jordan na hindi natuloy dahil sa pagkakabuntis sa kapatid niya.The situation became too complicated. Nagpapasalamat na lang siyang nagising itong hindi na naghihisterya para hanapin si Bullet. Ngunit hindi dahil unti-unti na itong nakaka-recover, kundi dahil hindi na nito naaalala kung bakit ito nasa hospital ngayon, maging ang pamangkin niyang inakala nitong anak.“Si Jordan? Baka hinahanap na ako ni Jordan. Kasal namin ngayon, Mister,” puno ng pag-aalala ang namamaos na boses ni Caroline nang sabihin nilang na
“Mamila? Mami ka ni Mima po?” nandidilat ang mga matang tanong ni Lottie.Mabilis na tumango-tango si Celine na sinasabayan ng paghikbi at pagsinghot. Inangat niya ang mga braso para abutin ang paslit na may bilugan at nangungusap na mga mata.“Mamila!” Pasugod na nilapitan ni Lottie ang lola nilang ngayon lang nakita.Sumisikip naman ang dibdib na agad sinalubong ni Celine ang isa sa mga apo at mahigpit itong niyakap.“Apo ko!” Hindi pa rin makapaniwala, ngunit ramdam ni Celine ang kakaibang saya habang yapos-yapos ang paslit. Hinagod-hagod niya ang mahaba nitong buhok at mas humigpit pa ang yakap dito habang tumatagal.Matapos ang ilang sandaling yakapan, kusang bumitiw si Charlotte sa lola niya at sinapo ang magkabila nitong pisngi.“Where have you been, po, Mamila? Mimi said you were in a faraway place—”“You were with Mima the whole time she was missing, right? Why you didn't tell grandpa? Why didn't you inform us that Mima is alive and she was with that evil man? Why you didn't
Nanlalatang inilapat ni Timothy ang likod sa sandalan ng backseat nang makasakay sa sasakyan. Ramdam niya ang buong pagod, ngunit alam niyang wala siyang karapatang indahin ang kahit anong pakiramdam matapos na maihatid ang nag-iisang kapatid sa huli nitong hantungan.“Dada...” mahinang tawag ni Charlotte na nasa kabilang dulo ng upuan, katabi ng kakambal na si Clover.Tumayo si Lottie at lumipat sa tabi ng ama kaya napagitnaan na ito ng dalawa. “Dadalawin natin si Mima?” tuwid na ang pananalitang tanong nito.“Mimi isn't fine yet, Lottie,” masungit na sagot ni Clover na ikinalingon dito ni Charlotte at ng ama ng dalawa.Malalim namang napabuntonghininga si Timothy. Ilang araw na buhat nang matagpuan nila si Caroline na nakalugmok sa lupa, sa kalsada ilang metro mula sa bahay-bakasyunan ng kapatid at tinatawag nang paulit-ulit ang pangalan ng pamangkin niya.At mula naman nang mai-confine ito, magigising lang ito para tawagin ang pangalan ni Bullet kaya kailangan itong pakalmahin ng
“HONEY?”Sabay na napalingon ang tatlo sa gawi ng pintuan ng banyo nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Jordan na ikinatalima ni Clarisse.“Come on, son.” Hinatak ni Clarisse ang wheelchair para mailabas ito sa closet, habang nakaalalay sa magkabilang hawakan sa likod ng upuang de-gulong si Bullet.“Clarisse!” dinig nilang tawag ni Jordan kaya mabilis na pinalitan ni Clarisse ang anak sa pagtutulak sa wheelchair ni Caroline nang tuluyan silang makalabas sa secret door ang tatlo.“Mom....” kabadong tawag ni Bullet sa ina habang mabibilis ang hakbang ng maiikli nitong binti na sinusundan ang dalawa.“Just walk fast, son, and don't look back.”“Clarisse, I'm warning you! Nasaan si Caroline?!” sigaw na naman ni Jordan.“Clarisse, mabuti pa ibalik mo na lang ako sa loob. Bumalik na lang tayo,” ani Caroline, nilingon niya ang babaeng nagtutulak sa wheelchair niya.“No, Carol. Kailangan nating makaalis dito, or else, Jordan will kill us, and you will never see your twins anymore!”“P
“WHAT the hell do you mean by that?” paasik na tanong ni Clarisse sa security guard. Plano sana niyang lumabas para makapag-jogging sa palibot ng lugar, subalit ayaw siyang palabasin ng bantay!“Pasensiya na po, Ma'am. Mahigpit pong bilin ni Sir Jordan na walang lalabas at papasok hangga't walang pahintulot niya.”Napamaang siya sa narinig. Pinamaywangan niya ito at pinanlakihan ng mga mata. “In my freaking own house? Alam mo ba na ako ang may-ari ng property na `to?” sindak niya sa guard na ikinatungo lang nito ng ulo.“Pasensiya na po talaga, Ma'am. Sumusunod lang po ako kay sir.”“Damn it!” Walang nagawang tinalikuran ni Clarisse ang lalaki.She wanted to go outside para sana kontakin ang Kuya Timothy niya at humingi ng tulong dito. Hindi niya puwedeng gamitin ang cellphone o kahit ang landline dahil naka-monitor iyon sa cellphone ni Jordan. Hindi naman siya puwedeng umalis nang hindi niya dala ang anak, kaya iyon ang naisip niyang paraan.But the hell with Jordan. Mukhang pinaghihi
MARIING ipinikit ni Caroline ang mga mata nang maramdaman ang pagbukas ng pintuan. Halos pigilin niya ang paghinga at mahigpitan ang pagkakayakap kay Bullet na natutulog sa kanan niya habang pinakikiramdaman ang kilos ni Jordan.Lumapit sa kama ang kinilala niyang asawa at naramdaman na lang niya ang pagdampi ng labi nito sa pisngi at sentido niya, dahilan para maamoy niya ang alak sa hininga at singaw ng katawan nito bago lumayo. Dinig niya ang yapak ng mga paa nito patungo sa bathroom. “Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.Inalis ni Caroline ang pagkakayakap sa paslit sa takot na magising ito dahil sa bigat ng braso niya. Hinila na lang niya ang comforter para itakip nang maigi sa katawan niya.Ilang sandali pa, narinig na niya ang muling pagbukas ng pinto sa banyo kaya ipinikit niya ulit ang mga mata at pinakiramdaman na lang ang paligid.“Hey, honey…” ungot ni Jordan nang umupo ito sa kaliwang pwesto ni Caroline. Isiniksik niya ang k