Nasa hapag na sila at kasalukuyan ng kumakain ng umagahan nang biglang tumunog ang cellphone ni Baxter.Nasa tabi ito ng kaniyang plato nang mga oras na iyon dahil maaga itong gumising para maglaro na naman.Nagyabang pa nga ito sa kaniya na nambugbog na naman daw siya sa kaniyang laro. Hindi niya naman maipagkakailang magaling talaga ito sa laro nito. Sa katunayan nga ay isa na itong sikat na streamer ngunit hindi pa ito nag- face reveal.Kumbaga ay kilala siya pero hindi kilala ang totoo niyang mukha.Nagdadalawang isip ito na sagutin dahil nga nasa harap ito ng hapag ngunit pinili na lamang nitong sagutin iyon dahil nga baka importante ito."Hello?" Nakakunot noong tanong nito at itinigil ang pagkain.Sila ni Vin ay tahimik lang silang nagpatuloy sa kanilang pagkain. Wala naman silang koneksiyon sa tawag nito."What?" Narinig niyang tanong nito pagkatapos ay napakunot ang noo kaya napalingon siya rito habang sumusubo."Okay." Sabi lang nito pagkatapos ay padabog na inilapag ang cel
Hindi niya alam pero tila ba walang kalakas- lakas ang katawan niya. Siguro ay dahil hindi siya nakakakain ng maayos dahil sa sitwasyon niya. Sino ba naman kase ang makakakain ng maayos kung nakakulong siya at hindi niya alam kung ano ang nangyayari labas.Baka mamaya pala ay nasa panganib na ang kaniyang anak ay wala pa siyang kaalam- alam dahil nakakulong lang siya sa apat na sulok ng silid na iyon.Umaga na naman, panibagong araw na naman ang dadaan ngunit siya ay nananatili pa ring naroon.Walang lakas ang katawan niya dahil tila ba hapong- hapo siya. Pagod na pagod ang pakiramdam niya siguro dahil na rin sa pag- iyak at sa kanyang pag- iisip ng mga posibilad na pwedeng mangyari sa kaniyang anak.Nasisiguro naman niyang hindi pababayaan ni Axe Finn ang anak nila dahil kahit hindi nito nakasama si Vin simula baby ito ay nakita niya naman ang koneksiyon nito sa anak niya.Isa pa ay tinanong niya noon si Vin kung kamusta naman ang pakikitungo nito sa kaniya, ayon sa anak niya ay tala
"Yes pumunta na kayo dito ngayon din. May kailangan akong asikasuhin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinatay niya ang tawag."What are you thinking? Bakit pati ako ay kailangan mong pabantayan?" Hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Lizette.Hindi niya ito sinagot bagkus ay dinampot niya ang cellphone nito at inilagay sa kaniyang bulsa."Pati yang cellphone ko dadalhin mo pa? What is the meaning of this Vince?" Tanong nito habang hindi maipinta ang mukha.Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa kaniyang ginagawa. Dinampot niya ang laptop kung saan naka- direct ang hidden camera sa loob ng opisina ni Axe Finn at nilagay sa kaniyang tenga ang isang bluetooth earpiece na maliit lang at hindi pansin sa kaniyang isang tenga upang marinig niya pa rin ang magiging usapan sa opisina nito.Kailangan niyang maging attentive sa pakikinig sa mga gagawin nitong plano dahil malapit- lapit na ang eleksiyon.Kailangan niyang i- meet ang influencer na kinausap niya kahapon. Kailangan niya
Dumating siya sa kaniyang bahay ng mag- aalas dose. Naabutan niya doon ang kaniyang Ama na kanina pa pala naghihintay sa kaniya."O Pa, nandito ka pala." Ngiting bati niya rito pagkatapos ay kaagad na niyakap ito ngunit hindi man lang ito gumalaw sa kaniyang kinauupuan upang yakapin siya pabalik.Hindi na lamang siya umimik pagkatapos ay umupo sa tapat ng inuupuan nito.Tumingin ito sa kaniya pagkatapos ay sumandal sa sofa at ilang sandali pa ay ipinag- krus nito ang mga kamay sa kaniyang dibdib."Anong petsa na pero wala ka pang ginagawang hakbang. Nakukuha mo pa talagang pumunta sa kung saan- saan." Sita nito sa kaniya."Pa pumunta ako sa influencer na kinuha nila at binayaran ko para hindi ito umattend sa campaign rally nila." Sagot niya naman rito.Mas sumama lamang ang mukha nito dahil sa sagot niya."Sa tingin mo sasapat iyon? Sa tingin mo hindi niya kayang kumuha ng iba para sa campaign rally niya?" Inis na tanong nito sa kaniya. Bakas na bakas din ang galit sa mukha nito dahil
Hapon na siguro nang magising si Jazz. Dahil sa panghihinang naramdaman niya nang magising siya ay mas pinili na lamang niya ang matulog pa upang kahit papano ay makabawi siya ng kaniyang lakas.Nang magising nga siya ay medyo may lakas naman na siyang nararamdaman ngunit nanduon pa rin ang panghihina niya.Kahit nanghihina ay ginawa niya ang lahat para makabango siya. Mabuti na lang din at hindi naiisipan ni Vince na itali ang mga kamay niya habang nakakulong siya doon dahil kapag nagkataon na nakatali pa ang mga kamay niya ay ubos na ubos na ang lakas niya panigurado.Napatitig siya sa mga pagkaing nasa lamesa. Mga bagong lagay iyon dahil hindi naman iyon ang mga pagkaing naiwan niya kagabi.Doon siya nakaramdam ng gutom habang nakatitig siya sa pagkaing nasa mangkok. Ngunit tila ba walang lakas ang kamay niya upang abutin iyon. Kanina ay napaginipan niya ang kaniyang anak at nagkita na daw sila kung saan niyakap siya nito ng mahigpit. Paulit- ulit nitong sinasabi sa kaniya na na-
Nang matapos siyang maligo ay dumiretso siya sa kaniyang kama. Nakasuot pa lamang siya ng roba at hindi pa nakakapagbihis ng lumapit siya sa kaniyang bintana upang tumanaw sa labas.Medyo dark ang kulay ng kaniyang kurtina at isa pa ay ang bintana siya sa kaniyang silid ay salamin kung saan tinted ito. Hindi kita sa labas kung may tao ba sa loob kaya malaya niyang nakikita ang tagpo sa labas. Hinawi niya ang bintana.Sa tapat ng kaniyang bahay ay may isang tindahan kung saan may isang lalaking nakamasid sa kaniyang bahay. Idagdag pa na patingin- tingin ito sa kaniyang cellphone.Biglang nagtagis ang kaniyang mga bagang habang nakatitig rito. Isa ba itong espiya?Bigla niyang binuksan ang kaniyang closet at inilabas doon ang isa pa niyang laptop at ni- review ang kuha ng kaniyang cctv sa harap ng kaniyang bahay nitong mga nakalipas na araw.Doon niya nakita na halos bente kwatro oras na naroon ito. Napakuyom ang mga jamay niya dahil sa kaniyang nakikita. So pinapabantayan siya?O tao
Pagkatapos niyang makausap ni Baxter ay lumabas na siya sa kaniyang library upang kumain na. Gabi na ng mga oras na iyon at nasisiguro niyang gutom na ang anak niya.Paglabas nga niya roon ay dumiretso siya kaagad sa katabing silid ng kaniyang library kung saan doon ang silid pansamantala nito.Kaagad naman siyang nakarating sa tapat ng pinto at pagkatapos ay kumatok. Pagkatapos niyang kumatok ay pumasok na siya kaagad sa loob. Naabutan niya si Vin na naka- headset at tila nanunuod dahil nakatutok ito sa cellphone nito.Ni hindi nga rin nito napansin ang pagpasok niya sa silid nito. Tanging nang umuga lamang ang kama nito dahil umupo siya ay tyaka lamang ito nag- angat ng tingin sa kaniya.Nagulat pa nga ito ng makita siya pagkatapos ay tinanggal ang pagkakakabit ng headset niya sa kaniyang cellphone upang marinig din niya ang pinapakinggang nito.Bigla niyang tiningnan kung ano ang pinapanuod nito. Naglalaro ang pinapanuod nito habang nagsasalita at doon niya na- realize na isa itong
Sa labas pa lang ng punerarya ay madami ng mga tao. Ang iba nga roon ay mga pulis na noong makita siya ay kaagad na sumaludo ang mga ito sa kaniya.Tinanguan niya naman ang mga ito bilang pagbigay galang pagkatapos ay nilapitan siya ng isa sa mga ito."Magandang gabi Mayor." Bati nito sa kaniya."Nasaan ang pamilya ng biktima?" Tanong niya rito habang naglalakad. Itinuro nito ang daan papasok sa punerarya."Nandiyan sila sa loob Mayor." Sagot nito at nauna ng naglakad papasok.Napatingin siya sa kaniyang dadaanan dahil may mga naka- display pang kabaong. Ano nga ba ang inaasahan niya sa isang punerarya? Alangan namang mga gamot ang makita niyang naka- display doon diba?Naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil sa mga pumapasok sa kaniyang isip.Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa malapit sa loob ng morgue ngunit doon pa lamang ay rinig na rinig na niya ang mga pagtangis. Pagtangis na puno ng sakit ang pagdadalamhati na alam niyang siya ang may kasalanan.Kung hindi sana ni