Share

Chapter 53

Nasa hapag na sila at kasalukuyan ng kumakain ng umagahan nang biglang tumunog ang cellphone ni Baxter.

Nasa tabi ito ng kaniyang plato nang mga oras na iyon dahil maaga itong gumising para maglaro na naman.

Nagyabang pa nga ito sa kaniya na nambugbog na naman daw siya sa kaniyang laro. Hindi niya naman maipagkakailang magaling talaga ito sa laro nito. Sa katunayan nga ay isa na itong sikat na streamer ngunit hindi pa ito nag- face reveal.

Kumbaga ay kilala siya pero hindi kilala ang totoo niyang mukha.

Nagdadalawang isip ito na sagutin dahil nga nasa harap ito ng hapag ngunit pinili na lamang nitong sagutin iyon dahil nga baka importante ito.

"Hello?" Nakakunot noong tanong nito at itinigil ang pagkain.

Sila ni Vin ay tahimik lang silang nagpatuloy sa kanilang pagkain. Wala naman silang koneksiyon sa tawag nito.

"What?" Narinig niyang tanong nito pagkatapos ay napakunot ang noo kaya napalingon siya rito habang sumusubo.

"Okay." Sabi lang nito pagkatapos ay padabog na inilapag ang cel
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status