RUTH’S POVINIWAN ko ni Benrick sa silid niya dahil magluluto raw siya. Parang gusto kong sabihing iba na lang ang ipagluto niya. Invite niya ulit ang magandang kapitbahay niya. Wala pang bente minuto nang balikan niya ako kung kumusta daw ang pakiramdam ko.“Okay na ako. Magaling na.” Deretso kapa naman siya na ikinakunot niya ng noo.“‘Wag mo nga ako pinagloloko, Ruthy. Pumikit ka muna at matulog. Gigisingin na lang kita kapag luto na ang pagkain.” Tumagilid ako. “Yayain mo ulit ang kapitbahay mong maganda,” ani ko sa mahinang boses.“Oo, yayain ko ulit kapag hindi ka kumain.”Inis na nilingon ko siya sabay bato ng unan. “Eh ‘di, yayain mo! Paki ko!”“Tigilan mo na nga kaka-selos kasi baka lumala pa ‘yang sakit mo.”“Hindi ako nagseselos, Ben.”“Eh, ano tawag mo sa ginagawa mo?”Saglit akong natigilan. “‘Wag mo na nga akong kinakausap, Benrick. Hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo.”“O-okay. Magpahinga ka na para bumuti na ang pakiramdam mo bukas. At para makauwi ka na rin kay K
RUTH“SA tingin ko nga mag-grocery na tayo. Konti na lang pala ang stock mo dito ng karne. Ang sibuyas at onion leaves ay gano’n din. Last na ‘yong ginamit ko kanina.” Lumipat ako sa kabilang side para tingnan ang mga condiments niya. Tumayo din ako para tingnan ang nasa taas ng drawer niya. Pababa na ako noon sa upuang tinungtungan ko nang mapansing titig na titg siay sa akin.“Benrick?” ani ko.“Hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik ka nga tapos heto, makakasama din kita.”Humakbang ako papalapit sa kanya at huminto sa tapat niya.“Tingin ko, kailangang itulog mo na yan, Ben. Parang kulang ka sa tulog. Ang ilalim ng mata mo nangingitim.” Hinigit ni Benrick ang bewang ko at niyakap ako nang mahigpit. “Paano kung paggising ko, e, wala ka na naman? Paano kung panaginip lang pala ito.”Hinaplos ko ang pisngi niya pagkuwa’y ngumiti nang matamis. “Kung panaginip nga ito, Ben, sulitin natin. Iparamdam natin kung gaano natin ka-mahal ang isa’t-isa. Gusto kong punuin din natin ng saya a
BENRICK’S POV“BIHIRA ka na yata dito umuuwi, anak,” ani ng ina habang naghahapunan kami. Dito sa bahay ako ngayon dumiretso dahil tinawagan ako ni Mommy. Nagpaalam naman ako kay Ruthy na dito kakain. Saka ibibigay ko rin kasi ang pinapabigay ng aking kapatid na si Ayeisha. Nakipagkita ako sa kanya kanina dahil may pinag-usapan kaming mahalaga tungkol sa kompanya niya na mina-manage ko.“Um, busy lang po, ‘My.”Umangat lang kilay ni Mommy. “Busy saan?”“Kompanya at sa iniwan ni Ayeisha.”“Yeah. Pero matagal-tagal mo nang magkasabay na mina-manage ‘yan. Lagi kang umuuwi dito. Pero bakit ngayon parang ayaw mo na kahit bisita?”“Mom,”“Bali-balita kasi, may dumalaw sa ‘yo na babae sa A&K. Totoo ba?”Napalunok ako sa narinig. Alam ko namang makakarating sa kanila ito pero hindi ko expected na magiging interesado si Mommy. May mga babaeng pumupunta sa opisina pero wala namang sinasabi.“What's her name, son?” Napatingin ako kay Daddy.“Ruth po. Ruth Zaldua.” Napalabi pa ako sa sinabi.“Wo
RUTH’S POVHINDI mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina kaya tahimik ako hanggang makarating kami ng Baguio. Kaya nang tanungin ako ni Benrick kung ano bang nangyari sa akin, ang tanging sagot ko lang ay, “pagod lang sa biyahe.” Kaagad nga akong nahiga sa kama nang makarating."Order lang ako ng makakain, baby."Tango lang ang isinagot ko kay Benrick. Pero nang makalabas siya ng inuukupang silid ay napaupo ako. Nakatanaw pa rin ako sa nilabasan niya.Nakikita ko namang seryoso si Benrick sa akin. At si Irene baka parte lang siya ng nakaraan ni Benrick. Pero normal bang halikan ka sa labi? Hindi, ‘di ba? Sa pisngi siguro ayos lang.Akmang hihiga ako nang tumunog ang telepono ko. Akala ko si Benrick kaya mabilis kong kinuha iyon. Pero natigilan ako nang makita ang pangalan na iyon. Imbes na sagutin ay pinatay ko na lang at nahiga.Bumalik si Benrick na may dalang pagkain. Magpapahinga daw muna kami pagkatapos ng lunch namin at mamayang alas singko ng hapon ay pupunta na sa bahay ng ka
RUTH “SAAN ba tayo ngayon, baby?” masuyo kong tanong. Kakaalis lang namin sa tinitirhang bahay dito sa Baguio. Maaga niya akong ginising kahit na late kaming nakauwi dahil sa party. Iba ang saya niya nang gisingin niya ako. “I pissed you off yesterday, so I'll make it up.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Alam mo bang antok pa ako, baby?” ani ko. “Yeah. My apologies for disturbing your sleep, baby, pero last day na natin today. At gusto kong gawing special ito since first time nating mag-travel na official couple.” “Ben,” “Um,” “Alam mo bang ang cheesy mo? Sobra.” “Thank you, baby.” “I love you, Benrick Santillan,” masuyong sabi ko na ikinangiti niya. “Thank you for loving me,” masuyo niya ring tugon. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan nang tatlong beses. “Matulog ka na lang muna. Gisingin na lang kita pagdating natin. Okay?” “Sure? Antok pa talaga ako.” “Yes, baby.” Bago ako pumikit ay naramdaman ko ang paghalik niya sa aking kamay. Napakasuwerte ko kay Benrick.
RUTH'S POV KATAHIMIKAN ang nagisnan ko nang umaga na iyon. Napahawak din ako sa tiyan kong kumukulo. Ilang oras ba akong nakatulog? Napapikit ako nang bumalik sa alaala ko nang nangyari kahapon kaya napabalikwas ako nang bangon. Nasaan ako? Inilinga ko ang aking paningin sa magarang silid na iyon. Nandito na ba ako sa poder ng Boss nila Tatay? Dali-dali akong bumangon at lumapit sa bintana para sumilip. Napaawang ako ng labi nang makita ang ilang paroo't parito habang may bitbit na mga baril. Nanlumo ako bigla. Nandito na nga ako sa poder ng Boss nila Tatay. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. Isang moreno, matangkad at seryosong lalaki ang bumungad sa akin. Hindi ko masabing gwapo dahil sa maraming tatoo sa katawan nito. Nakasandong puti lang siya at itim na pantalon. "Mabuti naman at gising ka na. Kailangan mo nang magsimulang magtrabaho sa akin." Naupo siya sa kama at seryosong nakatingin sa akin. "S-sino ka?" "Kailangan pa bang tanungin 'yan? Alam mo
BENRICK’S POV 3 years later… PAGKALAPAG ng chopper sa helipad na pinasadya kong ipagawa sa bahaging iyon ng kasukalan ng San Remigio ay kaagad kong dinayal ang numero ni Ayeisa– ang kakambal ko. Maghahatid lang ako ng perang kailangan niya. Kalahating oras pa akong naghintay sa maliit na kubong naroon bago dumating ang kapatid ko. Dapat sa bayan kami lalapag kaso baka makita ni Kuya King ang chopper namin. Kilala niya ito dahil ilang beses na niyang nahiram noon. “Benrick!” “Kuya,” pagtatama ko. “Benrick nga lang, e,” aniya. Marahas na lang akong napabuntonghininga. Minsan tuloy napagkakamalang siya ang mas matanda sa akin. “Kumusta?” “Eto, super pagod. Baka gusto mo nang bumalik, huh? Maawa ka naman sa akin, Ayeisha. Napapag-iwanan na ako ng mga kaibigan ko.” Paulit-ulit ko kayang sinasabi ‘yan sa kakambal. Saka nami-miss na namin siya pati ang pamangkin ko. Tumawa lang siya. “Malapit na. Hinihintay ko na lang ang year end nila Halina tapos balik na ako.” “Yeah, nabanggit
RUTH’S POVTULALA na naman ako habang nasa harap ng pagkain. Hindi pa ako nangangalahati sa pagkain ko, mukhang maabutan na naman ako ng bell. Sa totoo lang, wala akong gana kumain. Wala naman na kasing rason para kumain. Wala nang rason para mabuhay. Hindi ko alam kung bakit nandito pa ako. Ilang beses ko na ring pinagtangkaang wakasan ang buhay ko pero nagigising pa rin ako sa aking maliit na higaan.“Oy, Ruth. Marami nang naghahanap sa ‘yo sa club. Hindi ka ba isasama ni Manong sa aalis sa linggo?”“May deal kami, Evelyn. Nagawa ko na ang pinapagawa niya kaya hindi muna ako lalabas.”“Mabuti ka pa. Ano ba kasi ang pinapagawa lagi sa ‘yo ni Manong? Ilang taon ka na ring ganyan.”Napatigil ako sa pagnguya. “‘Wag mo nang alamin, Evelyn. Mas lalong hindi mo magugustuhan.”Hindi na lang nakaimik ang kaibigan. Hirap na nga ito sa pagbukaka at pag-repack aalamin pa ang ginagawa niyang buwis-buhay. Pagkarinig ng bell ay mabilis na nagsitayuan ang mga kasamahan ko. Nagpahuli ako. Hindi ta
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth