KING “ANY good news, Ate?” Pabagsak na naupo ako sa upuan sa loob ng opisina ni Ate Kiarra sa bahay nila sa Makati. “Anong news? Sa annulment?” “Yeah.” “Why don’t you ask Daddy?” Halata ang pagsusungit sa boses niya. Bahagya akong napakunot ng noo. “Sabi niya itanong ko sa ‘yo, nag-usap na yata kayo. He said your husband could help me.” “Oh. Tawagan mo si JM. Pinalayas ko kagabi, e.” “What?! Bakit naman?” “May hinawakang hindi dapat.” Natawa ako sa sinabi ng kapatid ko. “Baka hindi sinasadya.” “Binalaan ko na ‘wag humawak, sumige pa rin. Ayon pinauwi ko sa magulang niya.” “Hindi mo man lang pinag-explain?” “Eh, ikaw ba, pinag-explain mo si Ayeisha? Huh? Makapagsalita ka, akala mo hindi tayo magka-ugali.” “Fine. Saan ko ba siya p’wedeng puntahan?” “ZL Lounge? I don’t know.” “Okay.” Tumayo ako kapagkuwan. “Good night, sis.” “Please send my regards to the twins,” “I will.: Ngumiti ako sa kan’ya. “Eh, kay Kuya JM?” pabirong tanong ko. “No. Get out!” taboy niya sa akin ka
KING’S POV Three months later… NALUNGKOT kong tinanaw ang papaalis na sasakyang kinalulunanan ng mga anak namin ni Ayeisha. Kahit din naman ang kambal namin ay sobrang nalulungkot dahil sa pagkawala ng ina nila. Sa totoo lang, halos wala na akong oras sa kanila kakahanap kay Ayeisha. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming lead sa pagkawala niya. Ang taxing sinakyan niya ay peke lang din ang plate number at biglang nawala rin nang suyurin ang cctv kung saan sila pumunta. Sinakto niyang magpalit siguro ng sasakyan sa walang security camera kaya hindi rin matunton. At isa nga sa suspect ay si Mr. Hart. Kita naman sa CCTV at sa palitan nila ng mensahe ni Ayeisha. Wala pang kongkretong ebidensya pero hindi pa rin siya ligtas. Under investigation pa rin siya. Bawal siyang umalis ng bansa rin. Wala naman may ibang motibo kung hindi siya lang. Siya lang itong patay na patay kay Ayeisha. Kaagad na nagbihis ako. Pupunta na naman ako sa police station para makibalita. Pero bigo na naman ako. K
AYEISHA ANG aga-aga pero buntonghininga kaagad ang ginawa ko. Narinig ko na naman ang maingay na boses ng lalaki. Alas kuwatro pa lang nang-iistorbo na. Talagang kakalampagin ang pintuan niyo. Ewan ko lang kung hindi ka pa magising. Tumingin ako kay Ruth na nagbibilang ng pera. Sabi niya, naipon niya sa huling dalawang nakatal*k niya. Buti nga namigay, e, sa mga nakaraan niya, wala siyang natanggap. Sa tingin ko, nagkakaisip na rin siyang tumakas dito. Hindi na kasi siya kumukontra sa akin. Kahapon may tinapon ako sa labas nang utusan akong magtapon ng basura. Kahapon lang ako nasinagan ng araw sa loob ng tatlong buwan. Masisilip mo sa bintana, hanggang doon lang. Hindi mo nga mailalabas ang mga kamay para damhin ang hangin. “Anong gagawin ko kapag nabunot ka bukas?” Napapikit ako sa narinig. “Wala bang ibang paraan, Ruth? Wala ka bang nakakausap na mga kliyente nila? May mabuting tao pa rin naman siguro.” “Hayok sila sa s*x kaya mas pipiliin nilang kampihan ang club. Hangga’t ma
KING’S POV “Three months na, Dad. Wala bang paraan para mapadali ang paghahanap kay Ayeisha?” Habang tumatagal, lalo akong nakaramdam nang takot. Paano kung may nangyaring masama sa kan’ya. Gabi-gabi na lang umiiyak ang dalawa kakabanggitnila ng pangalan ng ina. Hindi ko rin alam ang isasagot kaya mahigpit na yakap na lang ang sinasagot ko sa kanila. “Hindi gano’n kadali hanapin ang taong walang iniwang bakas, King. Lahat naman ginagawa namin. Lahat ng koneksyon ko ay ginamit ko na. Pero wala pa rin. Sa AO ba walang balita? Hindi ko pa nakakausap si BK tungkol sa update.” “Galing kanina doon. Kay Mr. Hart sila nakatutok ngayon dahil sa mga kakaibang kilos niya ngayon. At ‘yong pinanggalingan ng bote, hindi pa rin matunton.” “Anong balita sa anak ko, King?” Sabay kaming napatingin nang marinig ang boses ni Tatay Thunder. Umiling ako sa kan’ya na ikinahawak niya sa noo niya. “I’m sorry, ‘Tay,” tanging sambit ko. Pasalampak siyang naupo sa sofa ng aking condo. Alam kong hindi ri
AYEISHA“MAGIGING akin ka na rin sa wakas, Ayeisha,” anas ni Mr. Hart nang maihiga niya ako sa kama. Hinaplos pa niya ang pisngi ko. “Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito.”“Ito ang una’t huling pagkakataon mo, Joeffrey,” may pait sa aking boses.“I know. Still, masaya ako.” Napalunok ako nang maramdaman ang kamay niya sa aking balikat. Bumaba kasi ang kamay niya doon para ibaba din ang strap ng aking damit.Akmang sisilipin niya ang dibdib ko nang pigilan ko.“H-hindi na ba magbabago ang isip mo, Joeffrey?”Ngumisi siya. “Nandito na ako, Ayeisha. Kaya wala nang atrasan.” Sabay punit niya sa aking damit na ikinagulat ko.Dali-dali kong tinakpan ang aking dibdib nang biglang bumukas ang pintuan. Napatingin kami parehas doon ni Joeffrey.“Fvck!” “K-King,” anas ko nang makilala ang lalaking pumasok. May hawak siyang baril nang mga sandaling iyon na nakatutok sa amin.“H-Hernandez,” nauutal na sambit ni Joeffrey nang umalis sa pagkakadagan sa akin.Wala akong narinig na boses
AYEISHA BALIK sa normal ang buhay nang mga sumunod na araw. Pero sa bahay lang muna ako nagtatrabaho. Gusto ko lang mag-spend ng time sa pamilya ko. Inaasiko ko rin si King bago siya pumasok maging ang mga bata. “Behave, a?” bilin ko sa dalawa nang ihatid namin sa eskuwela. “Yes, Mommy!” halos sabay na sabi ng dalawa. Nakangiting hinatid ko sila nang tanaw. “Ma’am, pasok na po.” Nilingon ko si Yaya. Bawal nga talaga akong bumaba dahil sa mga nangyari. Pero gusto ko lang silang tanawin hanggang sa pagpasok sa loob ng room nila. Pabalik na kami nang makatanggap ako ng mensahe. Na-set na raw ang schedule ng check up ko kung saan nagtatrabaho si Tito Ace. Ngayon pa lang talaga ako magpapa-check up sa totoo lang. Kaagad kong tinawagan si King pagdating sa bahay. Nasa opisina siya ngayon. Ngayon lang din siya nakabalik sa trabaho niya nang maayos kakahanap nga sa akin. May meeting si King kaya hindi ko siya nakausap. Kaya naman sinalubong ko siya sa labas para sabihin ang balita sa
AYEISHA“OKAY ka lang, anak?” Napalingon ako nang marinig ang boses ng ama.Ngumiti ako sa kan’ya. “Ayos lang po.”“Pansin ko, tahimik ka mula nang dumating ka.”Mapakla akong ngumiti. “Halata ba?”“Oo. Napansin ni Mommy mo kaya tinanong na kita.”“May iniisip lang po ako.”“Gaya ng?”Hinarap ko si Daddy nang maayos.“Ikaw po Daddy, after niyong magsama ni Mommy at nagkaroon ng anak, wala ka na pong ibang naging karelasyon? I mean kahit na patago. Siyempre, lalaki po kayo. Mas mahina sa tukso ang mga lalaki kasi.”“Hindi ko alam kung maniniwala ka, anak, pero ang Mommy mo lang ang huling naging babae ko. Of course, sunod ka.” Ngumiti siya sa akin.‘Yan din ang pagkakaalam ko, sa amin lang umiikot ang buhay ni Daddy. Kung meron man siyang babae, kami ‘yon ni Mommy.“Never kang t-tumikim or t-tumingin sa mga babae?” Natawa siya sa sinabi ko.“Tumingin, oo. May mata rin kami, e. Pero hindi ako naaakit. Kasi sa paningin ko, ang pangit nila?” patawa niya na ikinatawa ko lang ng mahina. “Al
AYEISHA "Gusto mo bang kausapin ko ang boyfriend mo?" "'W-wag na, Ruth. Nasabi na niya. Ano pang kailangan kong malaman? Isa pa, nagtanong na ako, hindi man lang siya umamin. Akala ko talaga kasi, nambababae siya, hindi pala. Iba pala ang gumugulo sa isipan niya. Saka hindi rin siya makikinig pala sa ‘yo, kasi iisa lang ang pinanggalingan natin. Kaya paano ka niya paniniwalaan?” “May point ka. Eh, anong balak mo ngayon?” “Itutuloy ko, malamang, akuin niya man o hindi.” Tumitig siya sa akin pagkuwa’y ngumiti nang pilit. “Nandito lang ako kapag kailangan mo, Asha.” Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti rin ng pilit. “Salamat, Ruth. Ikaw lang kasi ang makakaintindi sa akin ngayon.” Sasagot sana ako nang biglang mahulog ang isang paso malapit sa akin. Nilingon ko pa iyon. Napakunot ako ng noo nang makitang may tumakbo papasok. Hindi lang ‘yon. Pamilyar sa akin ang likod niya maging ang gupit. Tumingin ako kay Ruth na napakagat ng labi. “Pusa?” kunwa’y sabi ko. “S-siguro,” nahi
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth