Georgina Czsharina's POV
Nakasimangot ako sa oras na iyon. Nakatingin lang ako sa bintana sa kung saan man ako dinala ng bwesit na lalaking 'to. I don't know where i am that time, ni hindi ko nga mahagilap ang network ng phone ni Austin dahil parang pati internet ay hindi nakikisama sa akin.
Bullshit! Sambit ng isipan ko. Halos isumpa ko si Austin sa oras na iyon dahil bukod sa nakatitig ito sa mukha ko, parang may balak yata na 'di maganda ang hunghang na 'to.
"Ba't ang sama ng tingin mo?" sita ko rito.
Umayos ito saka nagtaas ng tingin. "Buti nga ang tingin ko lang ang masama, eh ba't sa'yo, ba't 'yang mukha mo yata ang may sira? Hindi ko ma-drawing, grabe...at kung ma-drawing ko nga 'yan, ang dami sigurong bura."
Wow!? hello joke? Joke ba 'yon?
Inarapan ko siya, ang lakas talaga ng loob ng batugan na 'to.
"Ang mabuti pa, iuwi mo na ako..." demand ko pa rito.
"Excuse me, ikaw 'tong nagpumilit na sumama sa akin, and FYI, dito ako maglalagi sa buong linggo, kaya kung gusto mong umuwi, mag-commute ka. May bente ako d'yan." Ngisi pa nito.
"Isa ka na lang, at tatamaan ka talaga sa akin!" sabi ko pa saka umingos. Kung nakakamatay lang ang salita, pinatay ko na 'tong taong 'to!
"You know what, una, sinampal mo ako, pangalawa, naging bad-shot ako sa daddy ko, tapos ngayon...you're invading my space here, kung kailan...gusto ko sanang mapag-isa. Umamin ka nga, may pagka-kabute ka yata ano? Bigla-bigla ka na lang kasing sumusulpot eh."
"Excuse me!" Gigil na sambit ko. Kung 'di lang talaga masama ang magmura, kanina ko pa 'to pinaliguan ng mura ko.
"Oh, d'yan ka na lang ba habambuhay? Hindi ka ba kakain?" tanong pa nito sa akin habang hawak ang isang packlunch. Kung hindi ako nagkakamali, parang bumili ito kanina sa sentro bago pumunta rito.
I remain my pace. Silent and unbothered. 'Bahala ka d'yan!' sambit pa ng isip ko sa oras na iyon. Kung nasusukat lang ang height ng pride ko, baka six-footer na rin ang taas nito!
Humarap lang si Austin sa akin saka nag-umpisang kagatin ang hawak na pagkain.
'Mabilaokan ka sana!' sabi ko pa habang todo lunok ng aking laway. Hindi ako nagpakita ng kahinaan sa oras na iyon.
"You want?" tanong pa nito sa akin saka inilapag sa may table ang naiwang pagkain.
"Dito lang 'to ha, kukuha muna ako ng tubig." Paalam pa nito sa akin.
Nang makaalis na ito ay agad namang kuha ko sa mismong pack-lunch at nilantakan ng walang patawad ang pagkaing iyon. Sarap na sarap ako sa sandaling iyon, it's like i forgot to use my manners while eating that delicious food.
Nang bumalik si Austin ay dala na niya ang isang baso ng tubig.
"Here, drink it. Baka kasi nabulunan ka. Alam ko namang kakainin mo talaga ang pagkaing 'yon, kahit pa...karne 'yon ng kuneho.""What the...ano? Paki-ulit nga 'yong sinabi mo?" sambit ko sa bwesit na lalaking 'yon.
"Ang sabi ko, kinain mo ang corned rabbit na ulam ko, nilagay 'yon sa shawarma toppings na nilantakan mo, masarap no? ano sa palagay mo?" ngisi pa nito.
Nawala ang kulay ko sa mukha sa oras na iyon, if that's true? I am a rabbit eater!
No way!
Naghistirikal ako sa oras na iyon.
"Ahh! Bwesit ka!" sabi ko pa kay Austin.
"Opps! Don't try to scream now, baka akalain pa ng makakarinig sa atin, iniihaw na baka ang boses mo..." dagdag pa nito.
"Ahh! I can't take it anymore!" sigaw ko pa habang gigil na hawak ang plastic spoon.
"Eh 'di umalis ka kung gusto mo..." mahinahong sambit ni Austin sa akin. Kahit kailan talaga ang kupal talaga ng lalaking 'to.
"Magha-half-bath muna ako sa baba ha, huwag kang sumunod, baka sumilip ka..."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. 'The nerve?! Ako sisilip?' litanya ng isip ko. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ng pinsan ko sa lalaking 'to, iniisip ko na baka ginayuma niya ang pinsan ko o 'di kaya naman ay ginawa niya ito sa santong paspasan, baka tinutukan nito ng baril si Sugar kaya ginawa ang karumal-dumal na bagay na iyon!
Nailing na lang ako sa pinag-iisip. I can't believe about this, hindi ko na matitiis ang lalaking 'to sa iisang abandonadong lugar na gaya nito!
Mabilis akong tumayo saka iniwan ang pinagkainan. Bumaba ako sa isang makinilyang elevator na mano-mano ang pagbaba gamit ang pulley. Hindi ko rin naman kasi kabisado ang pasikot-sikot dito, medyo malayo na rin ang hagdan kung sa likod ako dadaan.
Nang makababa sa ground floor ay nakita ko ang iilang kwarto na nakahilera doon. Para itong maze na kung papasok ka sa isa doon, ay malamang hindi ka na makakabalik. Tila horror house ang ambiance ng lugar na iyon, idagdag pa ang kinakalawang na railings at maduming sahig.
Ewww! Bakit kaya ganito ang hide-out ni Austin Monticllio? Naisip ko tuloy na isa siyang drug-lord, baka dito niya pinapatay ang mga bibiktimahin niya.
Matapos gagahasain--papatayin--saka ililibing!
"Oh my god! kailangan ko nang umalis!" sambit ko saka naglakad ng nakapaa. Pumasok ako sa isang silid doon at nagimbal sa mga nakita. It's like an armory room where all guns are arranged in the wall, some are in the table, and a huge chart are in the middle of the room--para itong classroom.
Tama nga ba ang kutob ko? Gangster yata si Austin Monticillo, kaya siguro hindi siya pinatulan ni Romary dahil mamamatay-tao ito!
Madali akong naglakad sa kabila at nakita ang isang back-door, nang makapasok ako ay napatili ako nang malakas dahil nakita kong nakahubot-hubad si Austin.
"Ahhh!" sigaw ko habang tabon ang dalawang mata. Nakatalikod ito, at nakikita ko ang pwet niya! Pwet na matambok!
"Shit! Sinabi kong h'wag kang manilip!" sigaw pabalik ni Austin sa akin habang madaling isinuot ang kaniyang boxer short.
"Hoy! Hindi ako naninilip..."
"Hindi naninilip? Eh anong ginagawa mo rito?"
"Hinahanap ko ang daan!" sabi ko habang tabon pa rin ang mga mata ko.
"Hey, i'm done!" sabi ni Austin sa akin kaya dahan-dahan kong tinanggal ang aking mga kamay.
Nang makitang nakabihis na siya ay agad akong tumalikod at nagmartsa palayo.
"Hey? where do you think you're going? Alam mo ba ang daan palabas?" tanong niya.
Napahinto ako sa paglalakad, saan nga ba ang daan?
Medyo creepy pa naman ang gusaling iyon saka idagdag mo pa ang maraming pasikot-sikot at mga pintuan na parang gaya sa horror movies.
"Hindi, pero hahanapin ko..."
"Ow, talaga? Baka magkamali ka at doon ka pumasok sa kwarto ng mga alaga ko..."
Napalingon ako sa sinasabi niya.
"Anong alaga? May alaga ka rito?" pabalik na tanong ko.
"Yes."
"Ano? Aso?"
Ngumisi si Austin saka nagkibit-balikat.
"Ayoko, baka sakaling sabihin ko sa'yo ay bumalik ka sa kwarto ko, doon sa itaas."
"Hmm, i won't take any longer to stay here with you. Mas gugustuhin ko pang maglakad ng isang milya kaysa makasama ka!" protesta ko pa rito.
"Okey, ikaw ang bahala...nasa paligid lang naman sila...don't worry, they won't bark you."
Nakaramdam ako ng kaginhawaan.
"Because...they will surely crawl and bite you."
"Crawl?" ginapangan ako ng kaba. Gumagapang? Ano ba 'yon?
"Ano ba kasi ang mga alaga mo Austin?"
"Mga pythons." Simpleng sambit niya na ikinabahala ng dibdib ko. Hate na hate ko pa naman ang mga ahas!
"Sige na, umalis ka na. You may go..." ngiti pa nito sa akin.
Hindi ako natinag, hindi gumalaw, ni paghinga ay kalkulado na sa oras an iyon.
"Oh, ba't parang namumutla ka? Akala ko ba'y aalis ka na?" sabi pa nito sa akin.
"Damn you, paano ako aalis kung hindi ko naman alam saan ang main door, tapos tinatakot mo pa ako na may mga ahas dito, sino bang sira-ulo ang gagalaw? You're insane!" litanya ko pa rito.
Humagalpak siya ng tawa saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ang baba ko saka iniangat sa mukha niya.
"Look at you, you're trying to be strong, even you're vulnerable, i like that...."
"Tse! Tumahimik ka! Manyakis!" sabi ko pa saka mabilis siyang itinulak. Isang rason na lang talaga, kung mananatili siyang manyak sa akin, sisipain ko na talaga ang itlog niya!
Nagbalik ako sa dinaanan ko patungo sa itaas. Wala akong lingon-lingon sa kaniya, bahala na. Kung kailan man siya aalis sa lugar na ito, iyon na lang din ang oras na sasama ako pauwi. I will just call Sugar later, manghihiram ulit ako ng phone sa manyakis na 'yon. I sighed and rest my body in that couch.
Tinapunan ko ng tingin ang bahaging iyon ng gusali. Kaya ko itong linisin habang nandoon. Naisip ko ang isang plano...
Operation linis make-over na lang muna ako, para naman, hindi ako mahiyang humiram ng phone mamaya.
Sinimulan ko nang maghakot ng mga karton at nilagay iyon sa gilid.
"Ano ang ginagawa mo?" sita niya sa akin that time. Nasa likuran ko na pala siya at pinatutuyo ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang towel.
"Naglilinis, ano pa ba?"
"At bakit mo naman nililinis 'yan?"
"Para maging malinis..." pagmamaang-maangan ko pa.
"Hmm, don't me, Abejuela, sinong niloloko mo?"
Dahil sa narinig ay hinarap ko siya habang nakapamaywang. "Okey, i need a phone again. Gusto kong tawagan ang pinsan ko, gusto kong sabihin na kasama kita ngayon."
"Oh, no...no...no. At ano? Para makuha niya ang number ko? then, she will blackmail me, she will hire a computer programmer then hack my accounts? my banks and my company?"
"Ha?" nalilitong tanong ko.
'May mas exaggerated pa pala kaysa sa akin?' Oh god, if he only knew...tawang-tawa ako sa isipan ko sa sandaling iyon.
Naubo na lang ako sa pinag-iisip that time. Ewan ko talaga!
Austin's POV"Ayaw mo ba talagang matulog dito?" tanong ko ulit kay Georgina Czsharina dahil nakahalukipkip lang ito sa gilid na parang tuod. Ewan ko ba kung ba't tumataas ang presyon ng dugo ko sa babaeng 'to.She just shake her head."Bahala ka, lalamukin ka riyan," sabi ko saka sumandal sa headrest ng kama ko. Malaki ang kama ko na pwede sa pang tatlong tao, pero siya itong nagmamatigas. As if naman ito na gagalawin ko siya that time, hell no!"Dito lang ako, mahirap na..." mahinang sambit nito saka kinuha ang isang throw pillow. Nasa couch ito habang tabon ng isang kumot na kinuha ko sa kabilang kwarto. If i know, ilang taon na itong walang laba dahil bibihira lang namang pumunta si Vittos sa hang-out place namin. Kinuha ko iyon sa higaan nito.Nahiga na ako sa oras na iyon pero ayaw akong dalawin ng antok. Panay baling ako sa higaan habang nakikiramdam sa paligid. Mahirap na baka kasi kung ano ang maisipang gawin ng babaeng ka
Georgina Czsharina's POVNang mga oras na iyon ay nasa kotse na kami ni Austin. Papasok na siya habang dala ang kaniyang aquaflask, medyo wala itong imik simula pa kanina. Katunayan, tinetyempo ko ang sasabihin that time dahil baka mag-iba na naman ang isip nito at iwanan ako sa haunted building na iyon."Mag-seatbelt ka." Mahinang sambit nito sa akin."Uh, okey." Sabi ko saka sinunod ang utos niya. But, it's kinda disturbing because i can't find the lock of it, hinanap ko iyon sa gilid ko pero wala akong nakikitang buckle lock.Narinig ko kung paano siya nagpakawala ng isang malalim na hininga saka hinawakan ang balikat ko para umayos."Ako na." Mabilis niyang hinugot ang isang buckle lock na naupoan ko pala. Nang mahugot niya iyon ay nilagay niya ito sa kabilang strap. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin that time, lalo pa ng gadangkal na lang ang lapit namin sa isa't isa. Naaamoy ko ang kaniyang gamit na sabon at ang kaniyang musky cinnamon scent na may halong tila menthol. 'My g
Georgina Czsharina's POVNang mga oras na iyon ay nasa kusina na kaming tatlo, tahimik kami habang nagsasandok ng mga nakahandang pagkain. Tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang naririnig namin. Nang lumapit si Lorna sa amin, dala ang aming panghimagas ay nagsalita ito. "Senyorita Georgina, heto po ang leche flan, saka buko pandan," sabi nito habang nakangiti sa akin."Thank you, Lorna. Ilagay mo lang d'yan, please." Utos ko pa rito. Nakita ko kung paano siya tumingin kay Austin at Sugar na tila nagtataka kung ano ang ugnayan ng mga ito."Sige po, tawagin n'yo na lang ako kapag may kailangan po kayo," she politely said as she bow her head. Mabilis itong pumanhik sa kusina.I am observing the two of them while i am busy chewing my food. Inabot ko ang baso saka dahan-dahang nagsalita. "Ano ang plano?" tanong ko pa rito."Payag ako sa gagawing test," sabi ni Sugar sa akin.Tahimik lang si Austin saka muling n
Austin's POVNakatingin lang ako sa mga files na nakatambak sa aking mesa. Isang oras na akong tinatamad sa oras na iyon at ni hindi ko man lang ito ginagalaw, ni isang files ay wala akong nasisimulan. Malalim ang iniisip ko sa oras na iyon. Hindi ko akalain ang nalaman, and , as i promised to her, gagawin ko ang lahat para sa batang dinadala ni Sugar. Malaki ang pasanin ko sa oras na iyon dahil na rin sa mga naipangako ko sa mismong babae."Aish!" napahilamos ako sa sariling mukha. Hindi pa nagtagal ay narinig ko ang mahinang katok sa pinto."Come on in," sabi ko pa sa oras na iyon. Doo'y nakita ko ang pagpasok ni Raine. Suot nito ang kaniyang magarang damit, at kung kukwestyonin ko ang sarili, alam ko na ang sadya nito ngayon sa akin."Kuya..." nakangiti ito sa akin ng kay tamis."Oh, bakit?" walang emosyon na sambit ko."Kuya, can i leave for one week? May pictorial ako sa Bali." Sabi pa nito sa akin saka naupo sa kalapit na swivel chair.Bumuntonghininga ako, wala naman akong maga
Georgina Czsharina's POVNakatayo ako sa may labas ng gusali, it's almost thirty minutes, pero wala pa rin akong nakikitang Austin. Ang usapan namin ay dito ako maghihintay para madali raw niya akong makita. Nakakibit-balikat ako habang dala ang sports sling bag. Lukot ang mukha ko dahil aside sa medyo nababagot na ako sa paghihintay ay nararamdaman kong nagbabadya na ang ulan."Nasaan na kaya 'yon?" sinipat ko ang suot na wrist watch. It's now 5:30 o'clock.Saktong tumalikod ako ay narinig ko ang malakas na pagbusina ng isang sasakyan. Agad akong napalingon kung nasaan iyon. It's him, walang iba kung 'di si Austin."Sharina!" tawag pa niya.Sumimangot ako, "ang tagal mo naman," gusto kong ipakita na dismayado ako."Sorry, na-traffic ako," sabi pa nito na agad lumabas saka pinagbuksan ako ng pinto."Get in, tara na, baka maabutan tayo ng ulan."Kahit naiinis ako sa sandaling iyon, ay wala akong nagawa kung 'di sumunod. Kung hindi lang talaga kay Sugar ay hindi ako makikisama sa lalaki
Georgina Czsharina's POVNang makarating kami sa mansyon ay wala akong imik kay Austin. Tuloy-tuloy lang din ako sa kwarto ko that time, i just let Sugar to accompany Austin that time, sila lang naman talaga dapat ang mag-usap. I have no right to stand between them. Nagtataka si Sugar kung bakit daw dumiretso ako sa kwarto. "Cous, may problema ba kayo ni Austin? Nag-away na naman ba kayo?" tanong ito sa akin nang pumasok siya sa loob.Hindi ako sumagot. Yakap ko lang ang unan ko."Umalis na siya, now tell me, ano ba kasing nangyari?"Marahan akong umupo sa kama saka sumandal sa headrest. "Naiinis lang ako." Tipid na sambit ko sa pinsan ko.Tumaas ang kilay nito. "Ha? Bakit naman?""Naiinis ako sa lalaking 'yon, alam mo bang nakita ko siya kanina na may kahalikan na babae sa resto! The nerve of him!" Hindi umimik si Sugar, katunayan, parang ako lang yata ang over ang reaction that time."Cous? Hindi ka ba nagseselos?" sambit ko pa ulit kay Sugar.Umiling lang ito. "No.""Ha? Hindi ka
Austin's POVAlam kong nabigla si Sharina sa ginawa ko. Nakita ko kung paano mag-react ang mukha niya. Her pretty face blushed as she avoid my eyes."Come on, magsaya tayo!" sabi ko pa sa mga kasama, gayundin sina Paris at Raquel na halos lumambitin sa kaibigan ko.Narinig namin ang pag-indak ng musika sa dance floor na noo'y sumakop sa amin. Nagsimula kaming pumunta sa gitna, hawak ko ang kamay ni Sharina na noo'y ayaw magpahawak sa akin. Ako lang itong makulit sa kaniya."Ano ba, ayokong sumayaw..." narinig ko pang sambit nito sa'kin."Come on, hanggang dito pa rin ba...KJ ka pa rin?" tanong ko rito.She avoid me as she could, she can't stand with me, at halatang ayaw akong makasama. Tinulak niya ako sa oras na iyon saka pumunta sa kung saan. Hinabol ko siya sa alon ng mga tao. The massive impact hits the dancefloor at doo'y nawala ito sa paningin ko. "Damn!" litanya ko nang hindi ko na makita si Sharina. I feel guilty dahil nagmukha akong insensitive sa ginawa ko rito kanina."Dud
Georgina Czsharina's POV"Sharina!" nagising ako sa sandaling iyon, nabosesan ko si mama. Teka umuwi si mama? Napabalikwas ako sa oras na iyon, nanlalagkit ako sa suot na damit hindi ko rin alam kung ba't ganito ang histura ko ngayon. 'Aish! nakalimutan ko, galing pala ako sa galaan kagabi!' kamot-ulong sambit ko habang hawak ang sumasakit na ulo."Sharina! Bumangon ka nga riyan, ano bang nangyari sa hitsura mo?"Mama? Nagbalik ka po?""Yes, darling. Nandito ako para kunin ka. Aalis ka kasama ko," sabi pa nito.Natigilan ako sa mga oras na iyon. Hindi ko maproseso ang sinasabi niya."Ha? Ano po?""Ang sabi ko, aalis tayo..."Nang mga oras na iyon ay nagtungo si Sugar sa kwarto ko, bakas sa mukha nito ang pagkakabigla nang makita si mama."T-tita?""Oh, nandito ka pala Sugar," baling ni mama sa pinsan ko."Tita, saan n'yo po dadalhin si Sharina?"Matigas itong tumingin sa kaniya. "It's none of your business hija, ang mabuti pa'y tulungan mo ako na pabangunin 'to si Sharina rito, aalis
Georgina Czsharina's POVNang makarating kami sa mansyon ng mga Domingo ay agad na bumungad sa amin ang mga katulong at ang madrasta ni Lesley. Nakapamaywag pa ito sa amin."At sinong nagsabi sa inyo na pwede kayo sa pamamahay ko?" Hindi kami nagpatinag. "Bahay 'to ni dad, tita." Singit naman ni Lesley sa madrasta nito. Nahilaw ito sa sinabi ng paslit.Susugod na sana siya sa amin sa oras na iyon at gusto niyang saktan si Lesley nang biglang pumanaog ang isang matandang lalaki."Veronica! Ayaw pasakite akoang anak!" dumagundong ang boses nito. Natigilan din ang babaeng si Veronica that time, napangiti ito at tila umaarte na wala itong kasalanan. "Sweetie, i am just trying to...""Enough, i heard everything." Lumapit sa amin si mayor saka nakipagkamay sa akin, pati na rin kay Austin."I am glad to meet you.""Hello po, mayor." Sabi ni Austin sa sandaling iyon."Thank you for bringing my daughter home.""Daddy, sila po ang parents ng bestfriend ko," pakilala pa ni Lesley sa amin."Oh g
Georgina Czsharina's POV Nakarating na kami sa school sa oras na iyon. Nakita namin ang karamihang magulang na masayang nakikihalubilo sa mga estudyante. Naka-color coding sila gaya namin. Nagsuot kami ni Austin ng kulay violet, iyon din kasi ang gustong kulay ni Niah. "Daddy, nandoon po ang attendance." Turo naman ni Niah sa bandang kaliwa. Nakaupo doon ang teacher nila. "Come on, hon. Mag-attendance muna tayo." Hawak ni Austin sa akin. "Okey, sige." Mabilis kaming lumapit sa table. Binungad naman kami ni teacher Stephanie ng isang mainit na ngiti. "Hello, mister and mrs. Monticillo. Welcome po sa aming family fun day, mabuti naman po at nakarating kayo." Ngumiti ako kay teacher Stephanie. "We are glad too, teacher. Ah, can i talk to you for a second?" anyaya ko rito. "Oh sure po." Tumayo ito saka sumama sa akin sa gilid, iniwan ko lang si Austin sa table while he is busy writing our names. Nang nasa gilid na kami ay agad kong tinanong ang teacher kung may napapansin siyang
Georgina Czsharina's POV Nasa bahay kami sa Samal this time, dahil dito na nag-aaral si Niah, kinder na ito habang si Drei naman ay magtatatlong taong gulang na sa susunod na buwan. I am a hands-on mom. Ako ang nagluluto ng baon niya at ako rin ang nag-aalaga kay Drei. Mag-aapat na buwan na nang mapagdesisyonan namin ni Austin na pagpahingahin na sina nanay Nena at nanay Seling sa pagtatrabaho sa amin. Masaya na sila sa kanilang retirement plan. Maganda na ang buhay ni nanay Seling, sumama siya sa kapatid at doon nanirahan sa Australia. Sila ang tumira sa resthouse namin doon, as we decide na gawin itong regalo sa kanila. Si papa naman ay masayang nag-all around the world at ginugol ang kaniyang favorite na gawin, ang magcruise ship. He invested sum of money to Collins corporation since gusto rin niyang maglibot sa ibang kontinente ng mundo. Nagbalik ako sa aking gunita that time. Ngayon din kasi ang family day sa school ni Niah at sabay kaming pupunta doon para umattend. I checked
Austin's POV (The bachelor Night) Two years after the wedding. Kinagabihan ay nagpatuloy kami sa isla, iyon din ang panahon para sa gaganaping pagtitipon ng elite bachelors sa larangan ng business, at saktong napasali ako sa rank as the greatest entrepreneurs, maraming mga nadagdag sa samahan namin nina Magnus at ngayon nga ang official initiation kay Flinn as one of our member. Nakaupo kami sa mga VIP seat habang tanaw ang pagdating ni Flinn sa main entrance. Nang makapasok siya sa malawak na bulwagan ng St. Gaston's Venue hall ay agad na nag-cue ang technical group para sa kaniyang magpasok. "Let's give him a massive applause, Mr. Flinn Duvant Driblim, the owner of Driblim Group of Companies." Dinig ko pa ang masigarbong palakpakan habang tinatawag ako sa entabladong iyon. Limang taon na ang nakakaraan mula nang mamulat ako sa kompanyang aking pinundar. Edad trenta y siete na ako ngayon at heto nga't isa nang propesyonal na pilantropo at negosyante. Nandito ako sa isang parangal
Austin's POV (Gala mode sa beachline) Nang mga sandaling iyon ay nagpunta kami sa beachline ng isla, napakaganda ng tanawin lalo na dahil nag-aagaw ang kulay sa kalangitan, a mixed of orange-red with the haze of sunset of it. Hawak-kamay kami ni Sharina habang nakayapak. Payapa ang lahat at tila nakikisama ang magandang panahon sa aming dalawa. I cleared my throat, knowing that it is the time to say this words. "Sharina." "Hmmm? Bakit?" "May sasabihin sana ako." "Hmm, ano, tungkol saan?" "About these set-up. Ang totoo kasi..." Nakita ko siyang napangiti. "I know, alam ko na ang lahat." Natigilan ako sa sinabi niya, what does she meant to say? "About this surprise?" Tumango siya. "Oo, alam ko na ang plano mo, Monticillo, I know that you're a man full of surprises," ngiti pa ni Sharina. "Actually, naghinala na ako noong papunta pa lang tayo sa barko, i know na kakuntsaba mo si Ax, pati na rin sila papa, nakaramdam ako na may pinaplano kayo, and I am sure na pati rin ang act
Georgina Czsharina's POV Nang mga oras na iyon ay kakalapag lang namin sa Palau, sakay kami ng helicopter na ka-tie up ng cruise ship. Si Ax na rin ang nagmaneho sa amin papunta doon. Hindi mawala sa akin ang panay na pagsilip sa ibaba, nakikita ko ngayon ang magagandang tanawin. Nabungaran ko na ang magagandang isla sa ibaba. Iyon ang bungad ng Palau. "Ang ganda!" bulalas ko pa sa sandaling iyon. Napapalakas ang sigaw ko sa sandaling iyon dahil hindi kami magkaintindihan ni Austin, nakasuot kami ng helmet at may earpiece iyon para sa signals namin. Nakangiti lang siya sa akin. katabi niya si Ax na nasa driver's seat, nasa likod lang ako, ewan ko ba pero sabi ni Austin, he can be a co-pilot to Ax. Hindi ko nga maisip na marunong din pala siyang magpalipad ng eroplano at helicopter. Ang dami ko pa talagang hindi alam sa asawa ko. "Malapit na ba tayo?" sambit ko rito. "Yes." Si Ax ang sumagot sa akin. "Just chill, Sharina, malapit na tayo," ngisi pa nito sa akin. Nasandal ako hab
Austin's POV Ito na ang huling game na dapat naming maipanalo ni Sharina sa sandaling iyon. Nakatingin ako sa repleksyon ng aking mukha sa salamin, nasa banyo ako sa sandaling iyon. Nang makapagpunas ako ay agad akong lumabas, nakita ko agad si Sharina na kaharap si Connor. Agad ko silang pinuntahan. Namagitan ako sa kanila, at agad na kinuha ang braso ni Sharina. Nagpunta kami sa gilid at agad siyang kinausap, "Come on here, hon, don't let our enemy read your weakness." Makahulugang sambit ko sa kaniya. "Hindi naman talaga ako matalino...." Sabi niya sa akin. I just stare at her. "You're not smart, i know, pero kaya mong bigyan ng solusyon ang lahat, Sharina. That's your strength." Sa sandaling iyon ay bumakas sa labi niya ang isang masayang ngiti. "Thank you hon. I love you..." she softly speak. "I love you too, Sharina." I replied as i kiss her again. Nagpatuloy kami sa daan, nagpunta rin kami sa huling game show challenge ni Ax. Ang blind choosing if sino ang lalaking kapa
Georgina Czsharina's POV Nagpunta kami sa area kung saan madalas ako, iyon ang tagong likod ng barko. Kinaladkad ko si Austin habang nakangiting tinatahak ang lugar. "Come on, let's check here, baka nandito ang ilan..." sabi ko rito. "Imposibleng nandito ang mga itlog, malayo na ito sa route natin," sabi pa ni Austin. "Let's just try." Nang makarating ay naupo muna ako sa bleacher saka hinayaan si Austin na magcheck sa mga potted flowers na nandoon. Napasandal ako sa bleachers at nasagi ang isang supot. "Hon!" tawag ko kay Austin. "B-bakit, hon?" "Come here, may tatlong itlog dito!" "Ha?" "Oo, halika!" Madaling pumunta si Austin sa akin at tiningnan ang mga itlog. "Kumpleto na tayo!" "Oo, come on, let's go!" Tumayo ako, mabilis na kinuha ni Austin ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Sa sandaling iyon ay naramdaman kong bumabalik ako sa aking teenage life, that time where I start to feel how my heart pumps like there's no tomorrow, kung kailan naramdaman kong may mga b
Georgina Czsharina's POV Kinagabihan ay nagsalu-salo kaming lahat sa VIP dine area, kasama namin ang lahat pati ang kapitan ng barko at si Ax. Nag-usap-usap sila tungkol sa gaganapin na team activity bukas. "So, here's the plan, lahat ng couple sa barko na ito ay sasali sa team activity, sounds good?" nakatingin si Ax sa amin ni Austin that time, nasa harap naman namin ang iba pang VIP guest na masayang tumango-tango. "Sali tayo," ngiti ni Austin sa akin. "Hmm, pag-iisipan ko." Sagot ko pa. "Sige na, para naman masaya ang memories natin dito sa outing natin..." sabi pa ni Austin. Nasagi ng tingin ko si Connor at si Marga sa pinakadulo ng table, magkatabi ito at parang magkakilala rin. Nagtaas ng kamay si Connor sa sandaling iyon saka kinuha ang atensyon ni Ax. "How to join, dude?" Ha? Sasali siya? Sino naman ang kapares niya? Does it mean na mayroon na siyang girlfriend this time? Nagtaka ako sa sandaling iyon. "Of course, you can list your names sa reception area. Time of fi