Georgina Czsharina's POVNakatayo ako sa may labas ng gusali, it's almost thirty minutes, pero wala pa rin akong nakikitang Austin. Ang usapan namin ay dito ako maghihintay para madali raw niya akong makita. Nakakibit-balikat ako habang dala ang sports sling bag. Lukot ang mukha ko dahil aside sa medyo nababagot na ako sa paghihintay ay nararamdaman kong nagbabadya na ang ulan."Nasaan na kaya 'yon?" sinipat ko ang suot na wrist watch. It's now 5:30 o'clock.Saktong tumalikod ako ay narinig ko ang malakas na pagbusina ng isang sasakyan. Agad akong napalingon kung nasaan iyon. It's him, walang iba kung 'di si Austin."Sharina!" tawag pa niya.Sumimangot ako, "ang tagal mo naman," gusto kong ipakita na dismayado ako."Sorry, na-traffic ako," sabi pa nito na agad lumabas saka pinagbuksan ako ng pinto."Get in, tara na, baka maabutan tayo ng ulan."Kahit naiinis ako sa sandaling iyon, ay wala akong nagawa kung 'di sumunod. Kung hindi lang talaga kay Sugar ay hindi ako makikisama sa lalaki
Georgina Czsharina's POVNang makarating kami sa mansyon ay wala akong imik kay Austin. Tuloy-tuloy lang din ako sa kwarto ko that time, i just let Sugar to accompany Austin that time, sila lang naman talaga dapat ang mag-usap. I have no right to stand between them. Nagtataka si Sugar kung bakit daw dumiretso ako sa kwarto. "Cous, may problema ba kayo ni Austin? Nag-away na naman ba kayo?" tanong ito sa akin nang pumasok siya sa loob.Hindi ako sumagot. Yakap ko lang ang unan ko."Umalis na siya, now tell me, ano ba kasing nangyari?"Marahan akong umupo sa kama saka sumandal sa headrest. "Naiinis lang ako." Tipid na sambit ko sa pinsan ko.Tumaas ang kilay nito. "Ha? Bakit naman?""Naiinis ako sa lalaking 'yon, alam mo bang nakita ko siya kanina na may kahalikan na babae sa resto! The nerve of him!" Hindi umimik si Sugar, katunayan, parang ako lang yata ang over ang reaction that time."Cous? Hindi ka ba nagseselos?" sambit ko pa ulit kay Sugar.Umiling lang ito. "No.""Ha? Hindi ka
Austin's POVAlam kong nabigla si Sharina sa ginawa ko. Nakita ko kung paano mag-react ang mukha niya. Her pretty face blushed as she avoid my eyes."Come on, magsaya tayo!" sabi ko pa sa mga kasama, gayundin sina Paris at Raquel na halos lumambitin sa kaibigan ko.Narinig namin ang pag-indak ng musika sa dance floor na noo'y sumakop sa amin. Nagsimula kaming pumunta sa gitna, hawak ko ang kamay ni Sharina na noo'y ayaw magpahawak sa akin. Ako lang itong makulit sa kaniya."Ano ba, ayokong sumayaw..." narinig ko pang sambit nito sa'kin."Come on, hanggang dito pa rin ba...KJ ka pa rin?" tanong ko rito.She avoid me as she could, she can't stand with me, at halatang ayaw akong makasama. Tinulak niya ako sa oras na iyon saka pumunta sa kung saan. Hinabol ko siya sa alon ng mga tao. The massive impact hits the dancefloor at doo'y nawala ito sa paningin ko. "Damn!" litanya ko nang hindi ko na makita si Sharina. I feel guilty dahil nagmukha akong insensitive sa ginawa ko rito kanina."Dud
Georgina Czsharina's POV"Sharina!" nagising ako sa sandaling iyon, nabosesan ko si mama. Teka umuwi si mama? Napabalikwas ako sa oras na iyon, nanlalagkit ako sa suot na damit hindi ko rin alam kung ba't ganito ang histura ko ngayon. 'Aish! nakalimutan ko, galing pala ako sa galaan kagabi!' kamot-ulong sambit ko habang hawak ang sumasakit na ulo."Sharina! Bumangon ka nga riyan, ano bang nangyari sa hitsura mo?"Mama? Nagbalik ka po?""Yes, darling. Nandito ako para kunin ka. Aalis ka kasama ko," sabi pa nito.Natigilan ako sa mga oras na iyon. Hindi ko maproseso ang sinasabi niya."Ha? Ano po?""Ang sabi ko, aalis tayo..."Nang mga oras na iyon ay nagtungo si Sugar sa kwarto ko, bakas sa mukha nito ang pagkakabigla nang makita si mama."T-tita?""Oh, nandito ka pala Sugar," baling ni mama sa pinsan ko."Tita, saan n'yo po dadalhin si Sharina?"Matigas itong tumingin sa kaniya. "It's none of your business hija, ang mabuti pa'y tulungan mo ako na pabangunin 'to si Sharina rito, aalis
Austin's POVTiim-bagang kong ibinaba ang telepono sa oras na iyon. Naupo ako sa aking swivel chair saka isinalikop ang dalawang kamay. Nag-isip ako sandali kung ano na ang magiging takbo ng plano namin ngayon, lalo pa't papunta na sa Australia si Georgina.Naiinis ako sa sandaling iyon, hindi ko alam ang mararamdaman.Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahinang katok sa labas ng pinto. "Come on in," sabi ko pa habang nasa ganoong ayos."Kuya, i have something for you..." sabi ni Aquil habang hawak ang dalang mga folder."Ano 'yan?""Mga fundings for Croatia's negotiation, 80% funds approved by dad." Sabi pa nito sa akin. Hindi na rin masama, okey na sa akin ang 80%. Nang mga sandaling iyon ay tumunog ulit ang phone ko, natigilan si Aquil saka nagpapalit-palit ng tingin sa akin at sa phone ko na nasa mesa."Bakit ayaw mong sagutin, kuya?" pagtataka pa nito."Just go now, Aquil..." pagtataboy ko pa rito. Nang makalabas na ito ay siya namang paghinto ng tawag mula kay Sharina. Napatin
Georgina Czsharina's POVNang mga oras na iyon ay tanaw ko ang makulimlim na kalangitan. It's winter here in Australia at kung 'di ako nagkakamali, katatapos lang ng ulan sa mga oras na iyon. Mamasa-masa kasi ang sahig ng landing area ng airport, idagdag din ang manaka-nakang pag-ambon ng kalangitan. I regret why i dressed like this, hindi ko tuloy maiwasang ginawin dahil sa suot na jeans. Bagama't may jacket ay ramdam ko pa rin ang lamig ng paligid.Nakasunod ako kay mommy habang kausap ang ka-partner niyang si Ginoong John. Hindi ito palasalita sa akin, seryoso rin ito saka madalas ay panay negosyo ang topic nila ni mom."Hija, bilisan mo riyan..." tawag ni mom sa akin dahil napapalayo na sila.Nang mga oras na iyon ay sumunod lang ako sa kanila, holding my baggage. Tikom ang bibig ko habang hawak ang phone. Nakita ko roon ang recent call ko, it was Austin's number. Hindi pa rin ito tumatawag o nagpaparamdam sa sandaling iyon. Gusto ko sanang kamustahin si Sugar. But, i guess i need
Georgina Czsharina's POV Nakarating na kami sa sinasabi ni mom na resthouse niya sa Australia. Kasama rin namin sina Anicka at ginoong John. Katunayan, nagtataka lang ako dahil hindi sumama sa amin ang mommy ni Anicka. Nagpaiwan lang ito doon sa airport. Ilag din ito kay mom, na parang may kung ano ang nasa pagitan nila. Nasa balkonahe ako habang tanaw ang nagtataasang pine trees. Mayayabong ang puno doon habang tanaw ko naman sa ibaba ang isang ilog. Nasa country side ang location namin kaya maganda ang ambiance at temperatura. Lalo na ngayon na tag-lamig na. Suot ko na ngayon ang sweater na pilit pinapasuot ni mom sa akin. Nasa gitna ako ng pagmumuni nang maramdaman kong may tao sa aking likuran. Hindi ako natinag at nanatili sa aking kinatatayuan. "Hija." Tawag sa akin ni mom. Nilapitan niya ako saka nag-abot ng ginger tea. Nilingon ko siya saka inabot ang tasa. Kapwa kami nakatanaw sa labas habang hawak ang magkaparehong korte ng tasa. Tahimik kong hinipan iyon. "Anak, may s
Austin's POV "Any reports?" bungad ko kay Annie na noo'y aligaga habang dala ang gabundok na pile ng papel. Nakasunod lang ito sa akin papunta sa aking opisina. Ngayon ang huling araw ko sa kompanya dahil sa ilang buwan na leave. Pupunta ako ng Australia. Nag-presenta ako na ako muna ang mamamahala sa itatayong kompanya ni dad sa Australia. It's now under construction at kailangan ng guidance ang mga engineer doon. That's great! "Ah, sir, we need a three months budget for marketing department, wala si sir President at si ma'am Raine, si sir Aquil din nagsabi na you're the allowed signatory for cash expenses..." Sabi ni Annie na noo'y papasok na sa opisina ko. "Okey, ilagay mo rito ang mga iyan at pipirmahan ko, akin na rin ang mga cheke," utos ko rito. "A minute, sir." Sabi pa nito saka mabilis na umalis at tila hangin na nawala sa harap ko. Naupo ako sa aking swivel chair at sinimulang tingnan ang mga papel at isa-isang pinirmahan iyon. Ilang minuto pa'y bumalik si Annie dala
Georgina Czsharina's POVNang makarating kami sa mansyon ng mga Domingo ay agad na bumungad sa amin ang mga katulong at ang madrasta ni Lesley. Nakapamaywag pa ito sa amin."At sinong nagsabi sa inyo na pwede kayo sa pamamahay ko?" Hindi kami nagpatinag. "Bahay 'to ni dad, tita." Singit naman ni Lesley sa madrasta nito. Nahilaw ito sa sinabi ng paslit.Susugod na sana siya sa amin sa oras na iyon at gusto niyang saktan si Lesley nang biglang pumanaog ang isang matandang lalaki."Veronica! Ayaw pasakite akoang anak!" dumagundong ang boses nito. Natigilan din ang babaeng si Veronica that time, napangiti ito at tila umaarte na wala itong kasalanan. "Sweetie, i am just trying to...""Enough, i heard everything." Lumapit sa amin si mayor saka nakipagkamay sa akin, pati na rin kay Austin."I am glad to meet you.""Hello po, mayor." Sabi ni Austin sa sandaling iyon."Thank you for bringing my daughter home.""Daddy, sila po ang parents ng bestfriend ko," pakilala pa ni Lesley sa amin."Oh g
Georgina Czsharina's POV Nakarating na kami sa school sa oras na iyon. Nakita namin ang karamihang magulang na masayang nakikihalubilo sa mga estudyante. Naka-color coding sila gaya namin. Nagsuot kami ni Austin ng kulay violet, iyon din kasi ang gustong kulay ni Niah. "Daddy, nandoon po ang attendance." Turo naman ni Niah sa bandang kaliwa. Nakaupo doon ang teacher nila. "Come on, hon. Mag-attendance muna tayo." Hawak ni Austin sa akin. "Okey, sige." Mabilis kaming lumapit sa table. Binungad naman kami ni teacher Stephanie ng isang mainit na ngiti. "Hello, mister and mrs. Monticillo. Welcome po sa aming family fun day, mabuti naman po at nakarating kayo." Ngumiti ako kay teacher Stephanie. "We are glad too, teacher. Ah, can i talk to you for a second?" anyaya ko rito. "Oh sure po." Tumayo ito saka sumama sa akin sa gilid, iniwan ko lang si Austin sa table while he is busy writing our names. Nang nasa gilid na kami ay agad kong tinanong ang teacher kung may napapansin siyang
Georgina Czsharina's POV Nasa bahay kami sa Samal this time, dahil dito na nag-aaral si Niah, kinder na ito habang si Drei naman ay magtatatlong taong gulang na sa susunod na buwan. I am a hands-on mom. Ako ang nagluluto ng baon niya at ako rin ang nag-aalaga kay Drei. Mag-aapat na buwan na nang mapagdesisyonan namin ni Austin na pagpahingahin na sina nanay Nena at nanay Seling sa pagtatrabaho sa amin. Masaya na sila sa kanilang retirement plan. Maganda na ang buhay ni nanay Seling, sumama siya sa kapatid at doon nanirahan sa Australia. Sila ang tumira sa resthouse namin doon, as we decide na gawin itong regalo sa kanila. Si papa naman ay masayang nag-all around the world at ginugol ang kaniyang favorite na gawin, ang magcruise ship. He invested sum of money to Collins corporation since gusto rin niyang maglibot sa ibang kontinente ng mundo. Nagbalik ako sa aking gunita that time. Ngayon din kasi ang family day sa school ni Niah at sabay kaming pupunta doon para umattend. I checked
Austin's POV (The bachelor Night) Two years after the wedding. Kinagabihan ay nagpatuloy kami sa isla, iyon din ang panahon para sa gaganaping pagtitipon ng elite bachelors sa larangan ng business, at saktong napasali ako sa rank as the greatest entrepreneurs, maraming mga nadagdag sa samahan namin nina Magnus at ngayon nga ang official initiation kay Flinn as one of our member. Nakaupo kami sa mga VIP seat habang tanaw ang pagdating ni Flinn sa main entrance. Nang makapasok siya sa malawak na bulwagan ng St. Gaston's Venue hall ay agad na nag-cue ang technical group para sa kaniyang magpasok. "Let's give him a massive applause, Mr. Flinn Duvant Driblim, the owner of Driblim Group of Companies." Dinig ko pa ang masigarbong palakpakan habang tinatawag ako sa entabladong iyon. Limang taon na ang nakakaraan mula nang mamulat ako sa kompanyang aking pinundar. Edad trenta y siete na ako ngayon at heto nga't isa nang propesyonal na pilantropo at negosyante. Nandito ako sa isang parangal
Austin's POV (Gala mode sa beachline) Nang mga sandaling iyon ay nagpunta kami sa beachline ng isla, napakaganda ng tanawin lalo na dahil nag-aagaw ang kulay sa kalangitan, a mixed of orange-red with the haze of sunset of it. Hawak-kamay kami ni Sharina habang nakayapak. Payapa ang lahat at tila nakikisama ang magandang panahon sa aming dalawa. I cleared my throat, knowing that it is the time to say this words. "Sharina." "Hmmm? Bakit?" "May sasabihin sana ako." "Hmm, ano, tungkol saan?" "About these set-up. Ang totoo kasi..." Nakita ko siyang napangiti. "I know, alam ko na ang lahat." Natigilan ako sa sinabi niya, what does she meant to say? "About this surprise?" Tumango siya. "Oo, alam ko na ang plano mo, Monticillo, I know that you're a man full of surprises," ngiti pa ni Sharina. "Actually, naghinala na ako noong papunta pa lang tayo sa barko, i know na kakuntsaba mo si Ax, pati na rin sila papa, nakaramdam ako na may pinaplano kayo, and I am sure na pati rin ang act
Georgina Czsharina's POV Nang mga oras na iyon ay kakalapag lang namin sa Palau, sakay kami ng helicopter na ka-tie up ng cruise ship. Si Ax na rin ang nagmaneho sa amin papunta doon. Hindi mawala sa akin ang panay na pagsilip sa ibaba, nakikita ko ngayon ang magagandang tanawin. Nabungaran ko na ang magagandang isla sa ibaba. Iyon ang bungad ng Palau. "Ang ganda!" bulalas ko pa sa sandaling iyon. Napapalakas ang sigaw ko sa sandaling iyon dahil hindi kami magkaintindihan ni Austin, nakasuot kami ng helmet at may earpiece iyon para sa signals namin. Nakangiti lang siya sa akin. katabi niya si Ax na nasa driver's seat, nasa likod lang ako, ewan ko ba pero sabi ni Austin, he can be a co-pilot to Ax. Hindi ko nga maisip na marunong din pala siyang magpalipad ng eroplano at helicopter. Ang dami ko pa talagang hindi alam sa asawa ko. "Malapit na ba tayo?" sambit ko rito. "Yes." Si Ax ang sumagot sa akin. "Just chill, Sharina, malapit na tayo," ngisi pa nito sa akin. Nasandal ako hab
Austin's POV Ito na ang huling game na dapat naming maipanalo ni Sharina sa sandaling iyon. Nakatingin ako sa repleksyon ng aking mukha sa salamin, nasa banyo ako sa sandaling iyon. Nang makapagpunas ako ay agad akong lumabas, nakita ko agad si Sharina na kaharap si Connor. Agad ko silang pinuntahan. Namagitan ako sa kanila, at agad na kinuha ang braso ni Sharina. Nagpunta kami sa gilid at agad siyang kinausap, "Come on here, hon, don't let our enemy read your weakness." Makahulugang sambit ko sa kaniya. "Hindi naman talaga ako matalino...." Sabi niya sa akin. I just stare at her. "You're not smart, i know, pero kaya mong bigyan ng solusyon ang lahat, Sharina. That's your strength." Sa sandaling iyon ay bumakas sa labi niya ang isang masayang ngiti. "Thank you hon. I love you..." she softly speak. "I love you too, Sharina." I replied as i kiss her again. Nagpatuloy kami sa daan, nagpunta rin kami sa huling game show challenge ni Ax. Ang blind choosing if sino ang lalaking kapa
Georgina Czsharina's POV Nagpunta kami sa area kung saan madalas ako, iyon ang tagong likod ng barko. Kinaladkad ko si Austin habang nakangiting tinatahak ang lugar. "Come on, let's check here, baka nandito ang ilan..." sabi ko rito. "Imposibleng nandito ang mga itlog, malayo na ito sa route natin," sabi pa ni Austin. "Let's just try." Nang makarating ay naupo muna ako sa bleacher saka hinayaan si Austin na magcheck sa mga potted flowers na nandoon. Napasandal ako sa bleachers at nasagi ang isang supot. "Hon!" tawag ko kay Austin. "B-bakit, hon?" "Come here, may tatlong itlog dito!" "Ha?" "Oo, halika!" Madaling pumunta si Austin sa akin at tiningnan ang mga itlog. "Kumpleto na tayo!" "Oo, come on, let's go!" Tumayo ako, mabilis na kinuha ni Austin ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Sa sandaling iyon ay naramdaman kong bumabalik ako sa aking teenage life, that time where I start to feel how my heart pumps like there's no tomorrow, kung kailan naramdaman kong may mga b
Georgina Czsharina's POV Kinagabihan ay nagsalu-salo kaming lahat sa VIP dine area, kasama namin ang lahat pati ang kapitan ng barko at si Ax. Nag-usap-usap sila tungkol sa gaganapin na team activity bukas. "So, here's the plan, lahat ng couple sa barko na ito ay sasali sa team activity, sounds good?" nakatingin si Ax sa amin ni Austin that time, nasa harap naman namin ang iba pang VIP guest na masayang tumango-tango. "Sali tayo," ngiti ni Austin sa akin. "Hmm, pag-iisipan ko." Sagot ko pa. "Sige na, para naman masaya ang memories natin dito sa outing natin..." sabi pa ni Austin. Nasagi ng tingin ko si Connor at si Marga sa pinakadulo ng table, magkatabi ito at parang magkakilala rin. Nagtaas ng kamay si Connor sa sandaling iyon saka kinuha ang atensyon ni Ax. "How to join, dude?" Ha? Sasali siya? Sino naman ang kapares niya? Does it mean na mayroon na siyang girlfriend this time? Nagtaka ako sa sandaling iyon. "Of course, you can list your names sa reception area. Time of fi