Home / Mystery/Thriller / Assassin's World / Chapter 4: Golden Bullet

Share

Chapter 4: Golden Bullet

Author: Queen Assassinate
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

BRIANNA ZAFFRIE COLTON

“Ang taray ng Momshie mo Zaffrie! A hairpin delivery from Night Bullet!” pang-aasar ni Cath, at saka sinipat ang board kung saan siya babato ng dagger.

“Manahimik ka na lang d’yan, Catherine, kung ayaw mong sa ’yo ko ihagis ’tong dagger ko,” pagbabanta ko, at saka hinagis ang natitira kong dagger. Bull’s eye!

Dahil ubos na ang pantira ko ay pumunta na ako sa loob para hugutin sa board ang mga daggers ko. May iilang dumaplis sa akin na naiwasan ko naman agad. Masama kong tiningnan ang tatlo na sablay tumira… o baka naman ay sinasadya nila.

“Tapos na ang training. Tara na at pag-aaralan pa natin ang nakuha kong misyon,” I announced, at nauna nang lumabas ng training arena.

Habang naglalakad pabalik sa office ay maraming Assassins ang bumabati sa akin. Kahit nakasuot ako ng usual outfit ko with cloak and mask ay nakikilala pa rin nila ako dahil nag-iisa lamang ako na may touch of gold ang suot. Bilang Assassins ay kailangang naka-all black kami para maayos na makapag-blend sa paligid lalo na sa gabi, pero dahil mahilig ako sa gold ay ’yon ang isinusuot ko. At least naka-black pa rin.

Pagdating ko sa office ay kinalkal ko agad ang mga gamit ko para hanapin ang envelope, ngunit nang makita ko ’yon ay nasa ibang lagayan na. Siguro ay pinakielaman na naman ng tatlo.

Nilabas ko lahat ng dokumento na nasa loob ng envelope. Pictures, documents and evidences ang laman n’on. Isa-isa kong tiningnan ’yon hanggang dumating ako sa pictures.

“Of all people, bakit sa amin pa napunta ito? Sa Gunster dapat ang misyon na ’to.”

“Momshie! We have something to tell–”

Hindi na naituloy ni Frizza ang sinasabi niya nang makita nila akong seryosong nakatingin sa kanila. Nabasa nila ang ibig kong sabihin kaya umupo na sila sa sofa. Tumayo ako habang hawak ang papel na naglalaman ng main mission namin.

“I read these documents and I learned that this mission isn’t suitable to our group. I suggest that we need to trade this mission to the Gunster,” sabi ko, na ikinalaki ng mga mata nila.

“Ano ba ang misyon natin, Momshie, at handa kang ipagpalit ang misyon natin sa kinasusuklaman mong grupo?” kunot-noong tanong ni Frizza.

Inabot ko sa kanila ang papel na hawak ko, dahilan upang magtabi-tabi sila at sabay-sabay na basahin ’yon.

“Steal the Golden Bullet came from Princess Golden Wasovich Cazburn’s heart.”

Sabay-sabay na tumingin sa akin ang tatlo at pare-pareho lang sila ng ekspresyon; nakakunot-noo at nakabukas ang bibig. Nang matauhan siguro si Frizza ay agad siyang lumapit sa akin at itinukod ang kamay niya sa office table ko para suportahan ang katawan niya.

“Hindi ba’t bali-balita na matagal nang sarado ang kasong ’to? Bakit parang nauungkat na naman? At saka hindi natin trabaho ’to dahil pagpatay lamang sa mga criminal ang ginagawa natin,” pag-apela ni Frizza.

Tumayo na rin si Thyrie. “Paano ba ’to nakalusot kay Papa Supremo? O baka naman may ibang nagpalit ng misyon natin?”

“Imposible ang sinasabi ninyo. Ako lang ang may kopya ng susi ng office at wala nang iba,” confused kong sagot. Napa-crossed arms ako habang naglalakad pabalik-balik sa iisang pwesto hanggang tumigil ako sa tapat ng tatlo. “Kung totoo man ang sinasabi ni Thyrie, it’s between the three of you. One of you might be the mole of this group.”

Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagtaas nila ng dalawang kamay. “Wala kaming kinalaman d’yan, Momshie! Magkakasama tayong tatlo buong araw,” ani Cath.

Nilapitan ko si Cath habang matalim ang tingin sa kanya. “Why don’t you look on the other side? An ally might be the one who gave this to us,” sabi ko, at lumayo na rin sa kanya. “Kidding aside! Let’s just focus on our mission, kung paano mapapalitan ’to or magplano na lang tayo kung ano’ng gagawin natin dito.”

🗡️

I’m currently wearing my all black outfit but with a touch of gold: mask, tank top, ripped short skirt with an excess long cloth behind, above the knee socks, gears for my every single joints and my leather boots. I also wear my favorite leather belt where my other weapons are hidden.

“Mukhang mapapalaban tayo rito, Momshie,” ani Frizza, habang pinapakintab ang espada niya.

Hinugot ko ang aking espada at inilandas ang aking hintuturo sa talim n’on. It’s been a while since I used my sword to kill people. And yes, we kept our mission.

“Saan nga uli ang location ng bala?” tanong ni Cath.

“Kung tatanggapin natin ang misyon na ’to, what are the advantage and disadvantage of this? Will it benefit us?” tanong ni Thyrie

“Pabor sa atin ang misyon na ’to dahil dito lang din sa city naka-locate ang hahanapin natin. I know for sure na sa mansion lang nila nakatago ’yon.”

“At the Cazburn’s Royal Mansion that is located here in Geordan.”

“Bakit hindi na lang natin bigyan ng bala ang nagpa-misyon at i-spray paint na lang natin? Hindi ba’t less effort ’yon?” Thyrie suggested.

“We can’t fool Supremo. For sure ay maraming mata ’yon sa loob at labas ng Underworld,” I said, as I contradicted his suggestion.

“Okay, wala nang atrasan ’to!” Lumabas na kami ng Underworld at sumakay sa inarkila naming van. When we were about to go, I stopped Thyrie.

“Hintayin ninyo ako rito, nakalimutan ko ang hairpin ko,” sabi ko. Hindi ko na sila hinintay na sumang-ayon pa at mabilis akong bumaba ng van.

🗡️

While on our way, normal lang ang paligid namin not until I accidentally looked at the rear view mirror. Someone is following us.

“Thyrie, iliko mo ang van sa sunod na kanto,” utos ko, habang nakaturo sa isang kanto na ikinakunot ng noo ni Thyrie.

“Why would I do that? Maliligaw tayo dahil walang daan d’yan na papunta sa city.”

“Sundin mo na lang!” I shouted, kaya dali-daling sinunod ni Thyrie ang sinabi ko. “Huli ka.”

Walang pasabi kong binuksan ang pinto ng van kahit patuloy pa rin itong tumatakbo. Akmang ititigil sana ni Thyrie ang pagmamaneho ngunit sinigawan ko siya kaya itinuloy na niya.

Pagdungaw ko pa lang sa labas ay mabilis ko rin ipinasok ang ulo ko nang magsimulang magpaputok ang mga kalaban. Mula sa pocket ng belt ko ay naglabas ako ng tatlong shurikens at sunod-sunod na ibinato ’yon sa kanila. Mula sa likod na salamin ng van ay nakita ko ang paggewang-gewang ng sinasakyan nila dahil tinamaan ng shuriken sa leeg ang lalaking nagmamaneho. Bumangga ito sa isang basurahan.

“Maghanap ka ng daan palabas sa kantong ’to para makabalik tayo sa dating dinaraanan natin,” utos ko, na agad namang sinunod ni Thyrie.

Dahil sa tulong ng mapa ay nakahanap din si Thyrie ng ruta palabas ng kantong napasukan namin. Muli kaming bumalik sa daan na tinatahak namin kanina.

“You should be alert, Thyrie. Naturingan kang Assassin pero mahina kang makaamoy ng kalaban na sumusunod sa atin,” panlalait ko, habang pinapaikutan siya ng mata.

🗡️

“Wow, d’yan ba talaga nakatago ang bala? E parang isang taon tayong maghahanap d’yan sa sobrang lawak at laki ng mansion nila, e,” manghang ani Thyrie, habang nakanganga ang bibig at pinaiikutan ng tingin ang lugar.

“Mansion lang ba talaga ’yan o palasyo na?” ani Cath.

“G*ga! Mag-isip ka nga, Catherine. Saan ka makakakita ng dalawang Reyna at Hari sa iisang bansa lang?” ani Frizza, at binatukan si Cath dahilan upang samaan siya ng tingin nito.

Napailing na lang ako at napahilamos sa mukha dahil sa frustration. Dahil sa inis ay iniwan ko sila roon at mag-isang tinahak ang kasalungat na direksyon ng palasyo– ang gubat.

Related chapters

  • Assassin's World   Chapter 5: Joined Forces

    “Hintayin ninyo ako rito, nakalimutan ko ’yong hairpin ko,” sabi ko. Hindi ko na sila hinintay na sumang-ayon pa at mabilis akong bumaba ng van. Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa Underworld nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Pinindot ko muna ang elevator’s button bago tiningnan kung sino ang tumatawag. Unknown Number is calling… “Sino kaya ’to?” kunot-noong tanong ko, at ipinasok na muli ang aking cellphone sa bulsa. Nang makababa ang elevator papunta sa Underworld ay halos takbuhin ko na distansya nito papunta sa aming office. “Midnight Blade! Midnight Blade!” a voice from behind shouted. Nilingon ko siya at nakita ko ang pamilyar na outfit nito. “Yna, bakit?” Nang makalapit siya sa akin, halos mapigtal ang litid ko sa lakas ng pagsampal niya. Lumingon ang ulo ko sa kabilang direksyon at agad naramdaman ang hapdi nito sa aking pisngi. Napahawak ako roon at masama siyang tiningnan. “How dare you?!” “How dare you!” she shouted while emphasizing each words, at dinuro

  • Assassin's World   Chapter 6: Failed Mission

    BRIANNA ZAFFRIE COLTON Bumagsak ang lalaki at kumalat ang dugo niya sa lupa habang nakatarak pa rin ang dagger ko sa kanyang ulo. Hingal na hingal na tumakbo palapit sa akin si Zio at inalalayan ako sa likod. “You’re bleeding,” aniya, habang nakatingin sa kamay niyang puno ng dugo ko. Punong-puno ng pag-aalala siyang tumingin sa mga mata ko. “May first aid kit ka bang dala?” Umiling ako bilang sagot. “Stupid.” Dahan-dahan niyang hiniga ang likod ko sa hita niya at pinunit ang laylayan ng kanyang damit. Muli niya akong hinawakan at maingat na pinaupo ngunit hindi ko maiwasang mapangiwi nang kumirot ang sugat ko. “Tiisin mo ’to.” Maingat niyang ibinenda ang kapirasong tela sa sugat ko. Hindi ko naiwasang mapasigaw nang hinigpitan niya ang pagkakatali nito upang tumigil sa pagdurugo. Nang matapos ’yon ay hinang-hina akong sumandal sa dibdib niya, dahilan upang medyo mapaiktad siya. “Let me rest on your chest for a while,” I said, at wala na akong natanggap na apela niya hanggang tul

  • Assassin's World   Chapter 7: Person of Interest

    DZION WILLIAM MHRIZ “Kumusta si Midnight?” Iyon agad ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa loob ng office namin. Dinakuan ko ng tingin si Caz na kasalukuyang kunot-noong nakatingin sa akin. “Bigla siyang nag-hysterical at nawalan muli ng malay,” simpleng sagot ko, at nakita ko ang biglaang pagtayo niya sa peripheral vision ko. “What did you do?!” galit na aniya, at hinawakan pa ako nang mahigpit sa kwelyo. I grinned. “Do you like her?” I asked. Biglang lumambot ang ekspresyon niya at pabarog akong binitawan. Bahagya naman akong napaatras sa ginawa niyang iyon. “Ano ba, Caz! Baka nakakalimutan mong leader natin ’yan at isa siyang Prinsipe sa labas ng Underworld,” pag-awat ni Jerome. “I don’t f*cking care. Bullsh*t Royalties and their rules!” galit na ani Caz, at padabog na lumabas ng office. “Mukhang tinamaan ng espada ni Midnight. Sapul sa puso e,” natatawang ani Terson, pero agad din siyang huminto nang makita niyang masama akong nakatingin sa kanya. Huminga ako nang mal

  • Assassin's World   Chapter 8: Ambush

    DZION WILLIAM MHRIZ “Handa na ba kayo?” I asked, habang naglalakad kami palabas ng Underworld. “Kailangan nating maghiwa-hiwalay mamaya para mas mabilis matapos ’to. I already assigned you to your respective parts and who will be your companion.” “Aye, aye, Master!” sabay na sigaw nina Terson at Jerome at nag-salute pa. Hays, mga siraulo talaga. We parted ways when we reached the parking lot. I hop into my car. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang kapirasong papel na naglalaman ng clue para sa misyon naming ito. “Ako ang tagalutas ng problema.” I read it several times, but I still don’t get it. I was in the middle of thinking who the hell is the culprit when my phone rang. “I have something for you, Prince Dzion,” Dex said, and ended the call. Inis kong hinampas ang stirring wheel ng kotse ko na naglikha ng malakas na tunog dahil sa busina, at saka ko ito pinaharurot ng paalis. 🗡️ “What is it this time, Dex?” I asked, when I arrived at her office. Lumapit siya sa akin at ibin

  • Assassin's World   Chapter 9: The Serial Killer

    BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Momshie ano’ng misyon ang nakuha natin?” tanong ni Thyrie nang makabalik ako sa office. Umupo ako sa swivel chair at itinaas ang paa sa table saka binuksan ang envelope na naglalaman ng misyon namin. Binasa ko ang nilalaman niyon at hindi ko naiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. “It’s an animal serial killing and we need to assassinate the culprit,” I explained. “Napakawalang-puso naman ng tao na ’yan, pati mga hayop ay idinadamay,” umiiling na ani Cath. “Fencers, be ready. Iisa lang ang serial killer, pero marami tayong makakalaban. For sure there are groups who are assigned to protect the culprit.” Lumabas na sila para kumuha ng mga armas sa weapon room ng Fencers, habang ako ay isa-isa kong tiningnan ang mga documents na kasama ng misyon namin. Together with our mission, there is a picture of a cell. Ano’ng kinalaman ng kulungan na ito sa misyon namin? Is it one of the clue where we can find the culprit? Tumayo ako at lumabas ng office habang dala-

  • Assassin's World   Chapter 10: The Ranking

    BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Paano ba ’yan, Gunster, ako na naman ang nagwagi,” mapang-asar na sambit ko nang tuluyang mawalan ng buhay ang killer. “We are supposed to make her surrender, pero sa ginawa ninyong pag-atake, we failed to save her from your wrath,” ani Caz. Agad niyang naagaw ang pansin ko. Nilapitan ko siya at tiningnan ang leeg niyang nagkaroon ng kaunting laslas dahil sa ginawa kong pagbato ng shuriken kanina. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko kung paano ako tingnan nang masama ni Night Bullet. I turned my gaze to him, pero hindi siya nagpaawat. “Is there a problem, your highness?” I curiously asked, dahilan upang bumalik siya sa katinuan. “W-wala… May iniisip lang ako,” nauutal na sagot niya. “Gunster, let’s go. Bumalik na tayo sa Underworld.” After that, iniwan na nila ako roon at umalis na. Naglakad na rin ako paalis at para puntahan ang Fencers na nakikipaglaban pa rin base sa naririnig ko sa earpiece. “Retreat, Fencers, tapos na ang misyon natin dito.” “M

  • Assassin's World   Chapter 11: His Plan

    DZION WILLIAM MHRIZ “Dex!” sigaw ko nang makarating ako sa bahay niya. Agad namang lumabas ang mga guards niya at iginaya ako papunta kung nasaan siya. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko siya sa tapat ng human-sized window ng office niya. Nakatanaw siya sa labas ng bahay. “Bakit hinayaan mong malamangan kami ng Fencers?” Hinarap niya ako. “That ranking was based on your group’s performance,” maikling aniya at marahang naglakad palapit sa akin. “Did your group did well?” Natahimik ako sa tanong niya. Aminado naman ako na puro palpak ang mga nakaraang misyon namin, but I know that she can manipulate the result since she’s the one who’s making it. “’Yan lang ba ang ipinunta mo rito? I didn’t know that you can go this low, kuya, and just for a rank?” “Pumapayag na akong imbestigahan si Midnight Blade.” A smile formed in her lips. “Excellent choice.” 🗡️ Pagbalik ko sa Underworld ay sinalubong ako nina Terson. “Master, may misyon tayong kailangan gawin. Personal na ipinadal

  • Assassin's World   Chapter 12: Foundation Day

    BRIANNA ZAFFIE COLTON “Gumising ka na riyan, Midnight,” pangbubulabog ni Thyrie sa pagtulog ko. Umupo ako sa aking kama at humikab bago siya tiningnan nang masama. “Ano ba, Thyrone?” Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil abala siya sa paghahalungkat nang kung ano sa loob ng cabinet ko. Dahil sa inis ay kinuha ko ang ang dagger sa bed side table ko at binato ’yon sa kanya. Daplis lang ’yon para makuha ang atensiyon niya. “Balak mo ba akong patayin, Zaffrie?!” sigaw niya habang nakahawak sa kanyang dibdib na parang minasilya naman, pero nagsusuot pa siya ng bra. “Ayaw mo kasi akong pansinin. Ano bang nangyayari? Ang aga-aga ay nangbubulabog ka?” “Nakalimutan mo na ba? My gosh, Zaffrie! Ikaw pa naman ang president ng Student Council tapos nakalimutan mo kung anong ganap ngayon?” “Bakit hindi mo na lang sabihin? Ang dami mo pa kasing sinasabi, hindi ako manghuhula.” “Tomorrow is our foundation day sa school, don’t you remember? Today is our preparation day for the event

Latest chapter

  • Assassin's World   Chapter 56: Zio

    DZION's POV "Mahal na Hari, narito po ang inang Reyna," pag-aanunsyo ng isang kawal. Sinenyasan ko siya na papasukin si Mamita na agad naman niyang sinunod. Nang bumukas ang pintuan, iniluwa niyon si Mamita kasama ang isang maliit na batang lalaki. Nang makita ako nito ay bumitaw siya sa pagkakahawak ni Mamita at tumakbo papunta sa akin. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay agad niya akong hinagkan. "Daddy..." sambit ng aking anak nang humiwalay siya sa akin mula sa pagkakayakap. "Yes, baby?" malambing kong tanong habang nakatingin sa kaniya ay nakangiti pa. "Nasaan si Mommy?" tanong niya. Agad namang kumunot ang aking noo nang dahil sa tanong ng anak ko. Nakita ko naman na tuluyan nang nakalapit sa akin si Mamita. Tumay

  • Assassin's World   Chapter 55: Wrong

    ZAFFRIE'S POVNakatulala akong naglalakad papasok sa aming bahay habang iniisip ang nangyari kanina nang magkita kami nina Terson. Bumalik ako sa katinuan nang maramdaman kong may biglang yumakap sa aking bewang. Nang lingunin ko kung sino iyon, nakita ko ang mukha ng inosente kong anak na nakangiti habang nakatingin sa akin.Nginitian ko rin siya at inilagay ang aking braso sa kaniyang balikat upang kayapin siya pabalik. Iginaya niya ako papunta sa sala at inalalayan pa ako sa pag-upo sa sofa."Mommy, how's your day po?" nakangiting tanong niya.Matapos niyon ay yumuko siya at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang paa ko. Pinatong niya ang aking paa sa maliit niyang hita at hinubaran ng sapatos pati na rin medyas."Ang sabi ni teacher, kapag pagod daw ang parents namin

  • Assassin's World   Chapter 54: Back

    ZAFFRIE's POVKakatapos lang ng trabaho ko sa isang mall bilang isang promodiser. Nang makita kong wala nang customers ay dali-dali akong nagligpit ng mga gamit bago dumiretso sa locker room namin upang magpalit ng damit. Nang matapos na ako, dali-dali na akong lumabas ng store na iyon dahil gusto ko na ako ang magsusundo kay Yanna kahit alam kong susunduin naman siya ni Caz.Habang naglalakad ako palabas ng store ay napansin kong dumarami ang tao sa floor kung nasaan 'yung store na pinagtatrabahuhan ko. Dahil medyo chismosa ako ay medyo tumitingkayad ako para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon ngunit wala pa rin akong makita.Mayamaya lamang ay humawi ang dagat ng mga tao at nakita kong lumabas mula roon ang higit sa sampung mga guwardya na parang may pinoprotektahan sa kanilang likuran o gitna. Nang masiguro na nila na safe rito sa floor

  • Assassin's World   Chapter 53: ID

    ZAFFRIE'S POVIsinara ko ang aparador ng mga damit ni Yanna bago lumapit sa aking anak. Nakita ko si Caz na nakasandal sa dingding na katabi ng pintuan at kulang na lang ay panlisikan niya ako ng mga mata habang may laser na lumalabas doon at tatama sa akin."Ate, sigurado ka na ba talaga d'yan sa desisyon mo?" nag-aalalang tanong ni Caz habang binibihisan ko si Yanna ng kaniyang uniporme."Pang-ilang beses mo nang tinanong 'yan, Caz. Paulit-ulit ko na ring sinasagot. Nakakainis ka na," may bakas ng inis na sagot. Wala siyang nagawa kun'di ang mapakamot na lang sa kaniyang ulo. Pang-ilang beses na rin niyang ginagawa iyan tuwing sumasagot ako nang pareho pa rin ang sagot."Mommy at Tito, 'wag na kayong mag-away. Ang turo ninyo sa akin ay laging magmahalan tapos kayo pa 'yung nag-aaway d'yan," nakabusangot na pan

  • Assassin's World   Chapter 52: Silver

    ZAFFRIE's POV"Mission succeeded!" sabay-sabay naming sigaw bago nagpalakpakan."Good job, everyone! Pwede na kayong umuwi," sambit ng Manager namin at iniwan na kami.Katatapos lang naming mag-intindi ng isang birthday party. Ang theme ng party niya ay cafè kaya naman ang buong crew rito ang nag-asikaso ng mga kailangan kanina. Kakatapos lang ng party niya kaya naman nagliligpit na kami upang makauwi na. Baka naghihintay na si Yanna sa bahay, kawawa naman at wala siyang kasama roon."Grabe! Ang yaman nila, ano? Nagawa nilang rentahan ang buong cafè at oras ng buong crew," napapailing na ani Hans. "Binibili lang nila ang oras natin nang walang pagod. Samantala ang mga katulad natin, kailangan pang kumayod nang kumayod para may maipangkain tayo.""Oo nga pala

  • Assassin's World   Chapter 51: Marriage

    ZAFFRIE's POVKakatapos ko lang maglako ng isda kanina. Kumukuha kasi ako ng iba't-ibang racket para may maitustos ako sa mga kailangan namin ni Yanna. Bilang isang ina, kailangan ko nang mas pagtuunan ang mga pangangailangan niya at hindi ko na dapat pairalin pa ang mga luho ko katulad nang dati kong buhay."One cappuccino, please," narinig kong sambit ng costumer na nasa harapan ko. Dumukot siya sa kaniyang wallet at iniabot sa akin ang pera kaya malugod ko namang tinanggap iyon.Sanay na ako sa ganito dahil ganito rin naman ang mga nagiging trabaho ko habang Assassin ako noon. Medyo nakakapanibago na nga lang ngayon dahil tanging ang trabahong ito na lang ang inaasahan kong magbibigay ng pera sa akin."Miss, nasaan na 'yung order ko? Ang tagal naman!" narinig kong reklamo ng nag-order kanina dahilan upang bum

  • Assassin's World   Chapter 50: Revelations

    After 6 years... ZAFFRIE's POV | Continuation of Chapter One | "Yanna!" sigaw ng isang tinig mula sa aming likuran dahilan upang sabay kaming napatingin ng aking anak. Oo nga pala, pareho kami ng pangalan. "Daddy!" masayang sambit ni Yanna. Bumitaw siya sa pagkakahawak mula sa aking kamay bago mabilis na takbo papunta sa direksiyon ni Caz at sa kasamang si Hans. "Ito, may dala kaming pasalubong para sa inyo," aniya. Itinaas niya ang hawak na plastic upang ipakita sa amin bago kami iginaya papasok sa loob ng aming bahay. "Daddy, ang dami namang foods!" masayang ani Yanna. Bilang kaniyang ina, kinuhanan ko siya ng fried chicken bago iniabot iyon. Magalak naman niyang tinanggap iyon at nakangiting kinag

  • Assassin's World   Chapter 49: The Result

    DZION's POV Habang naghihintay kami ng resulta, kasabay rin niyon ay ang mabilis na paglipas ng araw. Nakalabas na rin ako ng hospital noong araw rin na nagising ako. Noong una nga'y gusto pa akong i-confine ng mga doctor kahit na stressed lang ako pero hindi ako pumayag dahil alam kong pineperahan lang nila ako. Kahit na maayos na ang aking pakiramdam, pinipilit pa rin nila na manatili ako roon. Sa bawat paglipas ng oras, mas kinakabahan ako habang nag-iintay ng resulta sa DNA test ni Yna. Kahit saang anggulo, hindi ko makita kung paano siya naging si Golden. Although may pagkakapareho sila pero hindi niya kamukha si Golden. Kung totoo man ang sinasabi niya, baka naman naninibago lang ako sa kaniyang mukha dahil matagal ko na siyang hindi nakikita. It has been seventeen years since I last saw her and we were only eight years old when s

  • Assassin's World   Chapter 48: DNA

    DZION's POVPagmulat ko'y bumungad agad sa akin ang puting kisame. Nang igala ko ang aking paningin ay nakita kong nandito sa loob ng iisang kwarto ang buong Fencers at Gungsters kung nasaan ako."Gising ka na pala," sambit ni Yna na kagigising lang din. Nilingon ko naman agad siya. Nag-inat muna siya na animo'y galing sa mahimbing na pagkakatulog sa gilid ng higaan ko."Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya at medyo umatras ng kaunti upang dumistansiya sa kaniya."Nawalan ka ng malay kagabi kaya narito ka ngayon. Dahil sa stress at shock kaya narito ka ngayon," paliwanag niya sa akin. Agad naman akong napakapit sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Unti-unting bumalik ang mga ala-ala ko kag

DMCA.com Protection Status