DZION WILLIAM MHRIZ
“Handa na ba kayo?” I asked, habang naglalakad kami palabas ng Underworld. “Kailangan nating maghiwa-hiwalay mamaya para mas mabilis matapos ’to. I already assigned you to your respective parts and who will be your companion.”
“Aye, aye, Master!” sabay na sigaw nina Terson at Jerome at nag-salute pa. Hays, mga siraulo talaga.
We parted ways when we reached the parking lot. I hop into my car. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang kapirasong papel na naglalaman ng clue para sa misyon naming ito.
“Ako ang tagalutas ng problema.” I read it several times, but I still don’t get it.
I was in the middle of thinking who the hell is the culprit when my phone rang.
“I have something for you, Prince Dzion,” Dex said, and ended the call.
Inis kong hinampas ang stirring wheel ng kotse ko na naglikha ng malakas na tunog dahil sa busina, at saka ko ito pinaharurot ng paalis.
🗡️
“What is it this time, Dex?” I asked, when I arrived at her office.
Lumapit siya sa akin at ibinigay ang isang white envelope. Binuksan ko ’yon at binasa ang mensaheng nilalaman nito.
“The real culprit can stab your back any time.”
“So, ibig sabihin nito kilala ko ang culprit?” I curiously asked, pero hindi niya ako sinagot.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang envelope. Tinanggal niya ang gold na sealing wax na nakalagay roon.
“That is one of the rarest sealing wax in the world. It is made out of real and pure gold with diamonds in it. I concluded that secret messenger of yours was damn rich to afford this. Maybe he or she belongs to a royal family or a noble family, rather.”
“If that’s the case, hindi na tayo mahihirapan mag-imbestiga kung sino ’tong nagpapadala ng sulat dahil ibinuking na niya ang sarili niya sa atin.”
“Leave this to me, Kuya, I’ll handle this one. Just focus on your mission first and do me a favor,” Dex replied, while plastering a smile on her lips.
I was about to reply when I felt my phone vibrating. It’s Terson. Naglakad na ako palabas at pumunta kung saan naka-park ang kotse ko.
“We saw something on the CCTV,” he said. “Mahaba ang buhok ng culprit. That only means that the animal serial killer is a woman.”
“Yesha! Wait for me!” I heard someone screamed from behind. I saw a girl running while chasing a dog. Tumigil sa harap ko ang asong may sugat sa siko kaya kinuha ko ito. I don’t know if it’s just me or its eyes were really full of fear.
“Your Majesty,” the girl bowed her head nang makalapit siya sa akin.
“Here you go. Huwag mong pabayaan ang mga alaga mo dahil delikado na sa panahon natin ngayon, baka hindi na makabalik ’to sa ’yo. Gamutin mo rin pala ang sugat niya para hindi ma-infection,” I handed the dog to her, and she thanked me before she leaves.
I watched their back until my sight cannot reach them. Bumalik lang ako sa katinuan nang muling mag ring ang phone ko.
“Alam na namin kung saan matatagpuan ang serial killer.”
🗡️
Nang makarating ako sa bahay nina Jerome ay ipinakita agad nila sa akin ang CCTV footage na nakuha nila. Wala akong ibang nakita roon kundi isang babae na hinahabol ang alaga niyang aso. This scene was kinda familiar.
“According to the investigation, hindi lang nilason ang mga pusa kundi sugatan din ito. The serial killer’s trademark is the bruise on the animal’s left elbow,” Caz explained.
A memory flashed on my mind. That is the scene when I saw a girl chasing her dog. The bruise on her dog’s left elbow was same as the serial killer’s trademark.
“Nakaharap ko na ang serial killer kanina, pero hindi ko alam na siya pala ’yon. Ipinakita niya sa akin kanina kung paano niya pinapatay ang mga binibiktima niya.”
“Bakit hindi mo sinabi sa amin kanina?!” gulat na ani Terson.
“Alam ko na kung saan natin makikita ang serial killer,” I said, and a grin formed on my lips. “I saw her wearing a uniform from Dungeon Station. That only means that she is one of the authorities. By this case, Gunster, we need a plan.”
🗡️
While preparing ourselves for our mission, my phone vibrates. I received a text message from Dex.
“Nahuli ko na ang taong nagdala ng sulat, pero ayaw nitong umamin. He tested my patience so I killed him.”
“What an idiot,” umiiling na sambit ko nang mabasa ang message niya.
So how are we supposed to know who that sender is kung pinatay niya ’yong maaari naming maging lead para mahanap ito? Dex and her patience…
“Master, handa na kami,” ani Jerome, at inihipan pa ang dulo ng baril niya. “Kating-kati na ang mga kamay ko na patayin ang killer na ’yon.”
Binatukan siya ni Terson. “Wala ka talagang utak! Our mission is to protect that serial killer, and not to assassinate her. Gusto mo bang maparusahan ang Gunster, ha?!”
“Sa misyon na ito, all you need to do is to protect the Crowned Prince and not the leader of this group.”
To avoid the consequences, we planned to do this mission as a commoner and as the Crowned Prince, and not as assassins. It’s my duty to punish my people who disobeyed the rules of my country.
Pagkalabas namin ng office, naabutan namin ang ibang grupo na naghahanda rin para sa kanilang misyon. I roamed my sight around para hanapin ang Fencers, pero hindi na sila mahagilap ng mga mata ko.
“We need to move fast, Gunster, baka maunahan tayo ng kalaban nating grupo,” I ordered, at kumaripas na kami ng takbo palabas ng Underworld.
Nang makarating kami sa labas, sumakay kami sa royal limousine car na madalas kong ginagamit kapag lumalabas ako bilang prinsipe. Si Caz ang nag-drive habang nasa front seat naman ’yong dalawa.
Jerome and Terson are dressed as my knights and Caz as my driver. Dahil malapit lang naman ang Dungeon Station sa Underworld ay mabilis kaming nakarating doon.
Nasa malayo pa lang kami, nakita ko na agad ang paglabas ng mga knights and authorities sa labas ng Dungeon Station. Nakahilera sila habang hinihintay ang pagbaba ko.
Naunang bumaba sina Jerome at Terson upang pagbuksan ako ng pinto. Nang makalabas ako ay sabay-sabay silang nag-bow bilang paggalang.
“We are honored to be visited by the Crowned Prince. What help can we offer to you, your majesty?” the Chivalry Commander asked.
“The news about the animal serial killing has come to my concern, and it is punishable by the law. The culprit must taste her own medicine,” I said, while roaming my sight para hanapin ito, pero hindi ko siya makita dahil sa dami nila.
“Sa ngayon ay hindi pa namin nahahanap ang killer, your highness.”
“We already did.” Kinuha ko kay Terson ang laptop ko. “This device contains all the evidences needed to prove my words, and in this case, one of your knights is the culprit.”
Bakas sa mukha nila ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. Binuksan ko ang laptop at bago ko pa man mai-play ang CCTV footage ay bigla na lang itong tumalsik kasabay ng pagputok ng mga baril.
“Ambush!” sigaw ng commander. “Protect the Crowned Prince!”
BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Momshie ano’ng misyon ang nakuha natin?” tanong ni Thyrie nang makabalik ako sa office. Umupo ako sa swivel chair at itinaas ang paa sa table saka binuksan ang envelope na naglalaman ng misyon namin. Binasa ko ang nilalaman niyon at hindi ko naiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. “It’s an animal serial killing and we need to assassinate the culprit,” I explained. “Napakawalang-puso naman ng tao na ’yan, pati mga hayop ay idinadamay,” umiiling na ani Cath. “Fencers, be ready. Iisa lang ang serial killer, pero marami tayong makakalaban. For sure there are groups who are assigned to protect the culprit.” Lumabas na sila para kumuha ng mga armas sa weapon room ng Fencers, habang ako ay isa-isa kong tiningnan ang mga documents na kasama ng misyon namin. Together with our mission, there is a picture of a cell. Ano’ng kinalaman ng kulungan na ito sa misyon namin? Is it one of the clue where we can find the culprit? Tumayo ako at lumabas ng office habang dala-
BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Paano ba ’yan, Gunster, ako na naman ang nagwagi,” mapang-asar na sambit ko nang tuluyang mawalan ng buhay ang killer. “We are supposed to make her surrender, pero sa ginawa ninyong pag-atake, we failed to save her from your wrath,” ani Caz. Agad niyang naagaw ang pansin ko. Nilapitan ko siya at tiningnan ang leeg niyang nagkaroon ng kaunting laslas dahil sa ginawa kong pagbato ng shuriken kanina. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko kung paano ako tingnan nang masama ni Night Bullet. I turned my gaze to him, pero hindi siya nagpaawat. “Is there a problem, your highness?” I curiously asked, dahilan upang bumalik siya sa katinuan. “W-wala… May iniisip lang ako,” nauutal na sagot niya. “Gunster, let’s go. Bumalik na tayo sa Underworld.” After that, iniwan na nila ako roon at umalis na. Naglakad na rin ako paalis at para puntahan ang Fencers na nakikipaglaban pa rin base sa naririnig ko sa earpiece. “Retreat, Fencers, tapos na ang misyon natin dito.” “M
DZION WILLIAM MHRIZ “Dex!” sigaw ko nang makarating ako sa bahay niya. Agad namang lumabas ang mga guards niya at iginaya ako papunta kung nasaan siya. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko siya sa tapat ng human-sized window ng office niya. Nakatanaw siya sa labas ng bahay. “Bakit hinayaan mong malamangan kami ng Fencers?” Hinarap niya ako. “That ranking was based on your group’s performance,” maikling aniya at marahang naglakad palapit sa akin. “Did your group did well?” Natahimik ako sa tanong niya. Aminado naman ako na puro palpak ang mga nakaraang misyon namin, but I know that she can manipulate the result since she’s the one who’s making it. “’Yan lang ba ang ipinunta mo rito? I didn’t know that you can go this low, kuya, and just for a rank?” “Pumapayag na akong imbestigahan si Midnight Blade.” A smile formed in her lips. “Excellent choice.” 🗡️ Pagbalik ko sa Underworld ay sinalubong ako nina Terson. “Master, may misyon tayong kailangan gawin. Personal na ipinadal
BRIANNA ZAFFIE COLTON “Gumising ka na riyan, Midnight,” pangbubulabog ni Thyrie sa pagtulog ko. Umupo ako sa aking kama at humikab bago siya tiningnan nang masama. “Ano ba, Thyrone?” Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil abala siya sa paghahalungkat nang kung ano sa loob ng cabinet ko. Dahil sa inis ay kinuha ko ang ang dagger sa bed side table ko at binato ’yon sa kanya. Daplis lang ’yon para makuha ang atensiyon niya. “Balak mo ba akong patayin, Zaffrie?!” sigaw niya habang nakahawak sa kanyang dibdib na parang minasilya naman, pero nagsusuot pa siya ng bra. “Ayaw mo kasi akong pansinin. Ano bang nangyayari? Ang aga-aga ay nangbubulabog ka?” “Nakalimutan mo na ba? My gosh, Zaffrie! Ikaw pa naman ang president ng Student Council tapos nakalimutan mo kung anong ganap ngayon?” “Bakit hindi mo na lang sabihin? Ang dami mo pa kasing sinasabi, hindi ako manghuhula.” “Tomorrow is our foundation day sa school, don’t you remember? Today is our preparation day for the event
DZION WILLIAM MHRIZ “Maayos na ba ang lahat?” tanong ko sa kanila. “Ayokong magkaroon ng abeerya mamaya.” “Maayos na. We also build an alliance sa jail booth if ever na walang pumunta sa booth natin ay may maidadala sila,” ani Caz at inayos pa ang salamin niyang nahulog na sa bridge ng kanyang ilong. “Prince Dzion!” sigaw ng isang jail guard na tumatakbo palapit sa akin. “Any suggestions sa susunod na ipapahuli?” Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang dumako ang paningin ko sa isang nakakaaga-pansin na mukha ng isang babae. She looks so familiar, but I can’t remember where did I saw her. “Those who are wearing any white clothes,” sagot ko. Umalis na siya, pero ang paningin ko ay nakatuon pa rin sa babaeng naglalakad palayo. “Kilala niyo ba ’yong babaeng iyon?” tanong ko kay Jerome at itinuro ang babae. Nginuya muna niya ang kinakain na hotdog. “Hindi mo ba siya nakikilala? Student Council president natin ’yan. Bakit?” Umiling na lang ako at naglakad na paalis sa booth namin. I d
BRIANNA ZAFFRIE COLTON Yesterday was a tiring day, and today is our last day. Ngayong araw gaganapin yung continuation ng operation sa mga booths at mamayang gabi naman gaganapin ’yong masquerade ball as the closing event of our foundation day. Kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa likod ng booth namin nang marinig kong may tumawag sa first name ko. How dare him? Masamang binalingan ng tingin ang taong ’yon at agad nawala ang kunot ng aking noo nang makita na ang prinsipe pala ’yon. Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilay ko nang makita siya. I even scanned him from head to toe. “Hi, Brianna,” aniya at nakangiti pa sa akin. Kahapon pa niya ako kinukulit. Ano ba’ng problema niya? Does he like me or what? I hope not, dahil kung totoo ngang may gusto siya sa akin, I’m sure that I’ll be in jail in no time because of breaking their prince’s heart. “Ano’ng kailangan mo?” I asked. “I’m sure that you’re aware of tonight’s masquerade ball, right?” aniya, at tumango naman ako bilang sagot. S
BRIANNA ZAFFRIE COLTON’s POV “Alam mo, Momshie, kanina pa kita napapansin, ha. Bakit panay ang tingin mo sa bo*bs ko, ha? Inggit ka ba?” tanong ni Thyrie kaya napatingin ako sa bo*bs ko na hindi kalakihan. “Ano namang kaiinggitan ko riyan? Para ka ngang pader na minasilya, e!” natatawang panlalait ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. “Hay nako, tama na nga. Puro walang katuturan naman ‘yan. Ito ang intindihin ninyo, kami ni Cath ang pumili niyan habang may ka-date ka kagabi,” ani Frizza at inabot sa akin ang envelope. Kinuha ko ‘yon at binuksan. Binasa ko muna kung ilan ang reward na makukuha namin pero agad ko ring itinigil ang pagbabasa nang makita kung ano ang misyon na nakalagay roon. Ibinalik ko sa loob ng envelope ang mga papeles at saka ibinato pabalik kay Frizza. “Ibalik mo, hindi tayo mangingialam sa kaso na ‘yan.”
BRIANNA ZAFFRIE COLTON’s POV “Momshie, sayang ang misyon na ‘yon,” pangungulit sa akin ni Cath at pinagpipilitan ang misyon na nabunot nila. “Oo nga naman, Momshie. Mapaparusahan tayo dahil tinanggihan natin ang misyon na nabunot natin,” dagdag ni Thyrie dahilan upang mas mainis ako. Bakit ba ang kukulit nila? “Hayaan na natin. Hindi naman siguro masyadong mahirap ang ipapataw na parusa. Misyon lang ‘yon at hindi niya tayo papatayin kaya ‘wag kayong mag-over react, okay?” parang nanay na ani Frizza roon sa dalawang makulit. Nang humarap sa akin ni Frizza na nanginginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa kanyang bibig. “Momshie natatakot ako.” Binatukan naman siya ng dalawa dahil sa sinabi. Umiling na lang ako dahil sa ginagawa ng tatlong abnormal. Paano ko ba naging members ‘yan, e mga wala sa katinuan? Saka hindi dapat sila sa Underworld pumunta, sa Asylum dapat
DZION's POV "Mahal na Hari, narito po ang inang Reyna," pag-aanunsyo ng isang kawal. Sinenyasan ko siya na papasukin si Mamita na agad naman niyang sinunod. Nang bumukas ang pintuan, iniluwa niyon si Mamita kasama ang isang maliit na batang lalaki. Nang makita ako nito ay bumitaw siya sa pagkakahawak ni Mamita at tumakbo papunta sa akin. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay agad niya akong hinagkan. "Daddy..." sambit ng aking anak nang humiwalay siya sa akin mula sa pagkakayakap. "Yes, baby?" malambing kong tanong habang nakatingin sa kaniya ay nakangiti pa. "Nasaan si Mommy?" tanong niya. Agad namang kumunot ang aking noo nang dahil sa tanong ng anak ko. Nakita ko naman na tuluyan nang nakalapit sa akin si Mamita. Tumay
ZAFFRIE'S POVNakatulala akong naglalakad papasok sa aming bahay habang iniisip ang nangyari kanina nang magkita kami nina Terson. Bumalik ako sa katinuan nang maramdaman kong may biglang yumakap sa aking bewang. Nang lingunin ko kung sino iyon, nakita ko ang mukha ng inosente kong anak na nakangiti habang nakatingin sa akin.Nginitian ko rin siya at inilagay ang aking braso sa kaniyang balikat upang kayapin siya pabalik. Iginaya niya ako papunta sa sala at inalalayan pa ako sa pag-upo sa sofa."Mommy, how's your day po?" nakangiting tanong niya.Matapos niyon ay yumuko siya at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang paa ko. Pinatong niya ang aking paa sa maliit niyang hita at hinubaran ng sapatos pati na rin medyas."Ang sabi ni teacher, kapag pagod daw ang parents namin
ZAFFRIE's POVKakatapos lang ng trabaho ko sa isang mall bilang isang promodiser. Nang makita kong wala nang customers ay dali-dali akong nagligpit ng mga gamit bago dumiretso sa locker room namin upang magpalit ng damit. Nang matapos na ako, dali-dali na akong lumabas ng store na iyon dahil gusto ko na ako ang magsusundo kay Yanna kahit alam kong susunduin naman siya ni Caz.Habang naglalakad ako palabas ng store ay napansin kong dumarami ang tao sa floor kung nasaan 'yung store na pinagtatrabahuhan ko. Dahil medyo chismosa ako ay medyo tumitingkayad ako para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon ngunit wala pa rin akong makita.Mayamaya lamang ay humawi ang dagat ng mga tao at nakita kong lumabas mula roon ang higit sa sampung mga guwardya na parang may pinoprotektahan sa kanilang likuran o gitna. Nang masiguro na nila na safe rito sa floor
ZAFFRIE'S POVIsinara ko ang aparador ng mga damit ni Yanna bago lumapit sa aking anak. Nakita ko si Caz na nakasandal sa dingding na katabi ng pintuan at kulang na lang ay panlisikan niya ako ng mga mata habang may laser na lumalabas doon at tatama sa akin."Ate, sigurado ka na ba talaga d'yan sa desisyon mo?" nag-aalalang tanong ni Caz habang binibihisan ko si Yanna ng kaniyang uniporme."Pang-ilang beses mo nang tinanong 'yan, Caz. Paulit-ulit ko na ring sinasagot. Nakakainis ka na," may bakas ng inis na sagot. Wala siyang nagawa kun'di ang mapakamot na lang sa kaniyang ulo. Pang-ilang beses na rin niyang ginagawa iyan tuwing sumasagot ako nang pareho pa rin ang sagot."Mommy at Tito, 'wag na kayong mag-away. Ang turo ninyo sa akin ay laging magmahalan tapos kayo pa 'yung nag-aaway d'yan," nakabusangot na pan
ZAFFRIE's POV"Mission succeeded!" sabay-sabay naming sigaw bago nagpalakpakan."Good job, everyone! Pwede na kayong umuwi," sambit ng Manager namin at iniwan na kami.Katatapos lang naming mag-intindi ng isang birthday party. Ang theme ng party niya ay cafè kaya naman ang buong crew rito ang nag-asikaso ng mga kailangan kanina. Kakatapos lang ng party niya kaya naman nagliligpit na kami upang makauwi na. Baka naghihintay na si Yanna sa bahay, kawawa naman at wala siyang kasama roon."Grabe! Ang yaman nila, ano? Nagawa nilang rentahan ang buong cafè at oras ng buong crew," napapailing na ani Hans. "Binibili lang nila ang oras natin nang walang pagod. Samantala ang mga katulad natin, kailangan pang kumayod nang kumayod para may maipangkain tayo.""Oo nga pala
ZAFFRIE's POVKakatapos ko lang maglako ng isda kanina. Kumukuha kasi ako ng iba't-ibang racket para may maitustos ako sa mga kailangan namin ni Yanna. Bilang isang ina, kailangan ko nang mas pagtuunan ang mga pangangailangan niya at hindi ko na dapat pairalin pa ang mga luho ko katulad nang dati kong buhay."One cappuccino, please," narinig kong sambit ng costumer na nasa harapan ko. Dumukot siya sa kaniyang wallet at iniabot sa akin ang pera kaya malugod ko namang tinanggap iyon.Sanay na ako sa ganito dahil ganito rin naman ang mga nagiging trabaho ko habang Assassin ako noon. Medyo nakakapanibago na nga lang ngayon dahil tanging ang trabahong ito na lang ang inaasahan kong magbibigay ng pera sa akin."Miss, nasaan na 'yung order ko? Ang tagal naman!" narinig kong reklamo ng nag-order kanina dahilan upang bum
After 6 years... ZAFFRIE's POV | Continuation of Chapter One | "Yanna!" sigaw ng isang tinig mula sa aming likuran dahilan upang sabay kaming napatingin ng aking anak. Oo nga pala, pareho kami ng pangalan. "Daddy!" masayang sambit ni Yanna. Bumitaw siya sa pagkakahawak mula sa aking kamay bago mabilis na takbo papunta sa direksiyon ni Caz at sa kasamang si Hans. "Ito, may dala kaming pasalubong para sa inyo," aniya. Itinaas niya ang hawak na plastic upang ipakita sa amin bago kami iginaya papasok sa loob ng aming bahay. "Daddy, ang dami namang foods!" masayang ani Yanna. Bilang kaniyang ina, kinuhanan ko siya ng fried chicken bago iniabot iyon. Magalak naman niyang tinanggap iyon at nakangiting kinag
DZION's POV Habang naghihintay kami ng resulta, kasabay rin niyon ay ang mabilis na paglipas ng araw. Nakalabas na rin ako ng hospital noong araw rin na nagising ako. Noong una nga'y gusto pa akong i-confine ng mga doctor kahit na stressed lang ako pero hindi ako pumayag dahil alam kong pineperahan lang nila ako. Kahit na maayos na ang aking pakiramdam, pinipilit pa rin nila na manatili ako roon. Sa bawat paglipas ng oras, mas kinakabahan ako habang nag-iintay ng resulta sa DNA test ni Yna. Kahit saang anggulo, hindi ko makita kung paano siya naging si Golden. Although may pagkakapareho sila pero hindi niya kamukha si Golden. Kung totoo man ang sinasabi niya, baka naman naninibago lang ako sa kaniyang mukha dahil matagal ko na siyang hindi nakikita. It has been seventeen years since I last saw her and we were only eight years old when s
DZION's POVPagmulat ko'y bumungad agad sa akin ang puting kisame. Nang igala ko ang aking paningin ay nakita kong nandito sa loob ng iisang kwarto ang buong Fencers at Gungsters kung nasaan ako."Gising ka na pala," sambit ni Yna na kagigising lang din. Nilingon ko naman agad siya. Nag-inat muna siya na animo'y galing sa mahimbing na pagkakatulog sa gilid ng higaan ko."Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya at medyo umatras ng kaunti upang dumistansiya sa kaniya."Nawalan ka ng malay kagabi kaya narito ka ngayon. Dahil sa stress at shock kaya narito ka ngayon," paliwanag niya sa akin. Agad naman akong napakapit sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Unti-unting bumalik ang mga ala-ala ko kag