BRIANNA ZAFFRIE COLTON
Bumagsak ang lalaki at kumalat ang dugo niya sa lupa habang nakatarak pa rin ang dagger ko sa kanyang ulo. Hingal na hingal na tumakbo palapit sa akin si Zio at inalalayan ako sa likod.
“You’re bleeding,” aniya, habang nakatingin sa kamay niyang puno ng dugo ko. Punong-puno ng pag-aalala siyang tumingin sa mga mata ko. “May first aid kit ka bang dala?” Umiling ako bilang sagot. “Stupid.”
Dahan-dahan niyang hiniga ang likod ko sa hita niya at pinunit ang laylayan ng kanyang damit. Muli niya akong hinawakan at maingat na pinaupo ngunit hindi ko maiwasang mapangiwi nang kumirot ang sugat ko.
“Tiisin mo ’to.” Maingat niyang ibinenda ang kapirasong tela sa sugat ko. Hindi ko naiwasang mapasigaw nang hinigpitan niya ang pagkakatali nito upang tumigil sa pagdurugo.
Nang matapos ’yon ay hinang-hina akong sumandal sa dibdib niya, dahilan upang medyo mapaiktad siya.
“Let me rest on your chest for a while,” I said, at wala na akong natanggap na apela niya hanggang tuluyan akong lamunin ng kadiliman.
🗡️
“Ano ba kasi’ng nangyari, Papa Night?”
Kahit nakapikit ako ay kilalang-kilala ko na agad ang napakalanding tono ng pananalita ni Thyrie. Siguradong tatalon-talon na naman ang malalanding organs niya sa katawan dahil sa kilig.
Marahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad din akong pumikit nang masilaw ako sa chandelier ng kwarto ko.
“Gising na si Midnight,” dinig kong sabi ni Frizza.
They used to call me by my name when other people are not around, pero kapag ganitong may iba kaming kasama at miyembro pa ng kalaban naming grupo, code name lang ang maaari naming sabihin. It’s for our own safety rin naman.
Mabilis pa sa alas-kwatrong lumapit sa akin ang tatlo kong kaibigan at nasa likuran lang nila si Zio.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Thyrie, at tumango naman ako bilang tugon.
“Medyo kumikirot na lang nang kaunti ang mga sugat ko, pero maayos na ang pakiramdam ko,” nakangiting sagot ko. As if naman na makikita nila ang ngiti ko, e may tabon na tela sa kalahati ng mukha ko. “Oo nga pala, paano ako nakabalik dito?”
Sabay-sabay silang lumingon sa direksyon ni Zio. “Your knight in shining armor saved you from death. You should thank him, Midnight,” mapang-asar na sagot ni Catherine, kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Um… guys, parang gusto ko ng drinks,” pagbawi niya, at tumingin kina Thyrie at Frizza. “Gusto n’yo rin ’di ba?” Umiling ang dalawa, pero wala na silang nagawa nang hilahin sila ni Cath palabas ng kwarto ko.
Nabalot ng katahimikan ang kwarto ko nang umalis ang tatlo kong kaibigan. Hinila ni Zio ang upuan palapit sa tabi ng kama ko at doon siya umupo.
“Masakit pa ba?” tanong niya, at hindi ko naiwasang paikutin ang mga mata ko.
“Ikaw kayang hiwain ko ng espada sa likod ’tapos tatanungin din kita kung masakit,” I sarcastically said while rolling my eyes.
I heard him chuckled at halos kumawala ang puso ko nang marinig ’yon. Even his laugh is as handsome as him. What a perfect man. Kung ibang babae siguro ako, I’ll be the one to make a first move.
“By the way, did I succeed in our mission?”
Umiling siya, dahilan upang manlumo ako. So, they did and we lose.
“I know what you’re thinking. We lose too. Blazer ang tumapos ng misyon na hindi mo napagtagumpayan.”
“Mabuti naman kung gano’n. Makakatulog pa rin pala ako nang maayos mamaya lalo na’t nalaman ko na natalo ka ng grupong mas mababa sa inyo,” I said with a grin on my lips.
“It’s fine with me. Don’t ever think that I’ll go low as you are whenever we succeed a mission against your group.”
Sa ’di malamang dahilan ay naramdaman ko ang biglang pagkulo ng dugo ko. Awtomatikong gumalaw ang aking kamay papunta sa ulo ko ngunit laking dismaya ko nang hindi ko nakapa ang gold single-pronged hairpin na palaging nakatusok sa buhok ko.
Inis kong hinilis paalis ang mga nakalagay na gamit sa ibabaw ng bed side table ko, dahilan upang lumikha iyon ng napakalakas na tunog ng pagkabasag ng mga gamit. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa niyon ang tatlo kong mga kaibigan at mababakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala.
“Midnight!” saway ni Frizza, pero hindi ako nagpaawat.
“Papa Night, lumabas ka muna bago pa lumala ang sitwasyon,” mahinahong pakiusap ni Thyrie, kaya walang nagawa si Zio kundi lumabas.
“Ano bang nangyayari sa ’yo, Zaffrie?!” pagpapagalit ni Thyrie sa akin, pero hindi ko siya sinagot. Hinang-hina akong sumandal sa headboard ng kama ko at doon ay muli akong nilamon ng kadiliman.
🗡️
Madilim na paligid, nagsisigawang mga tao, isang ring sa loob ng arena at dalawang taong itinataya ang kanilang buhay para lang makapaglibang ng mga manonood. Pinagpupustahan at hinahatulan kung sino lang ang nararapat mabuhay.
“One! Two!” pagbilang ng referee habang pinapanood ang unti-unting pagkamatay ng isang lalaki. “Three!” kasabay ng huling pagbilang ay siya namang pagtunong ng bell.
Isa lang ang ibig sabihin nito… katapusan na ng kaawa-awang lalaki.
“M-maawa kayo… gusto ko pang ma–”
Alingawngaw ng isang baril ang pumigil sa pagmamakaawa ng lalaki. Umagos ang masaganang dugo sa loob ng ring habang ang mga tao ay tila walang pakialam sa taong binawian ng buhay.
“Para sa huling round ng Underground Combat Fight…” muling sambit ng announcer. “…makakasama natin ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Diorama Mafia Clan, Christian Diorama!”
Agad binalot ng sigawan ang buong arena nang lumabas ang isang lalaking matangkad, makinis at may napakalaking pangangatawan. May bitbit itong sniper riffle habang ang mga bala naman nito ay nakapulupot sa kanyang katawan.
“Diorama! Diorama!”
Makikita sa hilera ng mga VIPs ang ama nito na nagpapatakbo ng iba’t ibang sindikato at siya ring Mafia Lord ng Diorama Clan.
“At ang magiging katunggali… isang misteryosong tao na gumagamit lamang ng kutsilyo sa pakikipaglaban ngunit nangunguna at pinakamalakas na underground fighter sa buong Underground Society!” pakilala ng announcer at sinasabayan pa ito ng drum roll. “Midnight Blade!”
Mula nang mamatay ang mga magulang ko at mahiwalay ako sa aking kapatid, pinilit kong buhayin ang aking sarili nang sa gayon, kapag dumating ang tamang panahon ay makapaghihiganti ako sa mga taong sumira ng pamilya ko at pumatay sa aking mga magulang.
When I am in the darkest part of my life, there, I met Forester Valeria. Tinulungan niya ako sa pagpapatuloy ko sa buhay. Ipinasok niya ako sa Underground Society at hinasa ang aking kakayahan sa pakikipaglaban.
Nang matuto ako, nabuhay kami sa pakikipaglaban sa mga maiimpluwensyang Mafia Clan at underground fighters hanggang tinagurian akong Midgnight Blade dahil sa pakikipaglaban ko na ang tanging sandata ay kutsilyo lamang.
“Midnight! Midnight!” sigawan ng mga tao, at halos mawala na ang boses ng mga taong sumusuporta sa kalaban ko.
Masama akong tiningnan ni Diorama habang nilalagyan ng bala ang sniper riffle niya. Ngumisi ako kahit hindi niya makikita dahil sa bagay na nakatabon sa aking mukha.
Maangas kong pinaglandas ang talim ng dagger ko sa aking hintuturo na nagdulot ng hiwa sa aking balat. Hindi ko alintana ang sakit at mas ngumisi pa nang makita ang galak sa kanyang mukha habang pinapanood ang pagtulo ng dugo sa aking daliri.
“Tingnan natin kung makakangisi ka pa nang ganyan mamaya,” natatawang bulong ko sa aking sarili.
“Kaya mo ’yan, Midnight!” sigaw ni Forester or Blaze sa Underground Society. After years of our friendship, our feelings developed and we became lovers.
Nagsimula na ang countdown na makikita sa napakalaking screen ng arena. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang unti-unting nababawasan ang segundo ng isang minute.
Three… two… one…
“Let the fight begin!”
Hindi pa nakakababa ng ring ang referee ngunit agad na akong pinaulanan ng bala ni Diorama. Sa ilang taong pakikipaglaban ko sa arena na ito ay hindi ako nakakita ng malinis na laban.
Depensa at pag-iwas lamang ang ginagawa ko habang patuloy niya akong pinapaulanan ng mga bala. His gun has limitations.
Nang dumating na ang oras na hinihintay ko; ang pagkaubos ng bala ng baril niya, ginamit ko ang pagkakataong iyon para sumugod.
Natataranta niyang nilagay ang mga bala sa kanyang baril, ngunit dahil sa pagmamadali niya ay lalo lang tumatagal ang pag-reload niya.
Nakangisi akong tumakbo palapit sa kanya at inindayugan siya ng saksak ngunit mabilis siyang nakaiwas. Gumulong ako at hindi nag-aksaya ng pagkakataon. Dumukot ako ng shurikens sa aking bulsa at sabay-sabay siyang binato nito.
May ilan siyang nailagan ngunit hindi siya makakaligtas lalo na’t napakarami kong ibinato sa kanya. Nagkaroon siya ng ilang malalalim na sugat pero hindi naging sapat iyon para mamatay siya.
Tumayo ako at pinaikot ang dagger sa aking mga daliri at mapang-asar na naglakad palapit sa kanya. Takot at pangamba ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya habang nire-reload ang kanyang baril.
Nang malapit na ako sa kanya, ibinuwelo ko ng hagis ang dagger ko, ngunit bago ko pa ’yon magawa ay isang alingawngaw ng baril ang aking narinig.
Parang biglang bumagal ang ikot ng mundo dahil nakita ko kung paano unti-unting lumalapit sa akin ang mga balang pinakawalan ng kalaban.
Naiwasan ko ang iba ngunit ang iba ay dumaplis sa aking balat pati na rin sa balabal na tumatakip sa kalahati ng mukha ko.
Ang maingay na paligid pati na rin ang aking kalaban ay biglang tumahimik at napatigil nang makita nila kung paano nalaglag ang kalahati ng balabal sa aking mukha, dahilan upang makita nila ang labi at baba ko. Ginamit ko ang pagkakataong iyon at ibinato ko ang aking dagger patungo sa kalaban ko. Tumama ito sa kaliwang dibdib niya at tuluyan ng nabitawan ang sniper riffle niya.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan upang maging magkatapat lang kami. Hingal na hingal siya at naghihikahos na parang nilalabanan pa si Kamatayan.
“Babae ako pero natatalo ko kayo,” sabi ko, tama lang para marinig niya.
Ngumisi siya ngunit agad ding nawala ’yon nang umubo siya ng dugo.
“I-it’s fine with m-me to lose against a woman, but don’t ever think that I’ll go low as y-you are now.”
Parang nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi niya, pero hindi ko na siya pinatulan dahil mamamatay rin naman siya ngayon at sa kamay pa ng isang babae. Nilapit ko ang aking labi sa tainga niya.
“Bibigyan kita ng pribelehiyong makilala ang babaeng papatay sa ’yo,” mapang-asar kong bulong, pero tumawa lang siya. “Zaffrie Colton, a Princess from Europhia.”
Dahan-dahan akong lumayo ako sa kanya at mababakas ang gulat sa kanyang mukha. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para kunin ang sniper riffle at itapat sa ulo niya.
“May you rest in hell, Deviliarama”
DZION WILLIAM MHRIZ “Kumusta si Midnight?” Iyon agad ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa loob ng office namin. Dinakuan ko ng tingin si Caz na kasalukuyang kunot-noong nakatingin sa akin. “Bigla siyang nag-hysterical at nawalan muli ng malay,” simpleng sagot ko, at nakita ko ang biglaang pagtayo niya sa peripheral vision ko. “What did you do?!” galit na aniya, at hinawakan pa ako nang mahigpit sa kwelyo. I grinned. “Do you like her?” I asked. Biglang lumambot ang ekspresyon niya at pabarog akong binitawan. Bahagya naman akong napaatras sa ginawa niyang iyon. “Ano ba, Caz! Baka nakakalimutan mong leader natin ’yan at isa siyang Prinsipe sa labas ng Underworld,” pag-awat ni Jerome. “I don’t f*cking care. Bullsh*t Royalties and their rules!” galit na ani Caz, at padabog na lumabas ng office. “Mukhang tinamaan ng espada ni Midnight. Sapul sa puso e,” natatawang ani Terson, pero agad din siyang huminto nang makita niyang masama akong nakatingin sa kanya. Huminga ako nang mal
DZION WILLIAM MHRIZ “Handa na ba kayo?” I asked, habang naglalakad kami palabas ng Underworld. “Kailangan nating maghiwa-hiwalay mamaya para mas mabilis matapos ’to. I already assigned you to your respective parts and who will be your companion.” “Aye, aye, Master!” sabay na sigaw nina Terson at Jerome at nag-salute pa. Hays, mga siraulo talaga. We parted ways when we reached the parking lot. I hop into my car. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang kapirasong papel na naglalaman ng clue para sa misyon naming ito. “Ako ang tagalutas ng problema.” I read it several times, but I still don’t get it. I was in the middle of thinking who the hell is the culprit when my phone rang. “I have something for you, Prince Dzion,” Dex said, and ended the call. Inis kong hinampas ang stirring wheel ng kotse ko na naglikha ng malakas na tunog dahil sa busina, at saka ko ito pinaharurot ng paalis. 🗡️ “What is it this time, Dex?” I asked, when I arrived at her office. Lumapit siya sa akin at ibin
BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Momshie ano’ng misyon ang nakuha natin?” tanong ni Thyrie nang makabalik ako sa office. Umupo ako sa swivel chair at itinaas ang paa sa table saka binuksan ang envelope na naglalaman ng misyon namin. Binasa ko ang nilalaman niyon at hindi ko naiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. “It’s an animal serial killing and we need to assassinate the culprit,” I explained. “Napakawalang-puso naman ng tao na ’yan, pati mga hayop ay idinadamay,” umiiling na ani Cath. “Fencers, be ready. Iisa lang ang serial killer, pero marami tayong makakalaban. For sure there are groups who are assigned to protect the culprit.” Lumabas na sila para kumuha ng mga armas sa weapon room ng Fencers, habang ako ay isa-isa kong tiningnan ang mga documents na kasama ng misyon namin. Together with our mission, there is a picture of a cell. Ano’ng kinalaman ng kulungan na ito sa misyon namin? Is it one of the clue where we can find the culprit? Tumayo ako at lumabas ng office habang dala-
BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Paano ba ’yan, Gunster, ako na naman ang nagwagi,” mapang-asar na sambit ko nang tuluyang mawalan ng buhay ang killer. “We are supposed to make her surrender, pero sa ginawa ninyong pag-atake, we failed to save her from your wrath,” ani Caz. Agad niyang naagaw ang pansin ko. Nilapitan ko siya at tiningnan ang leeg niyang nagkaroon ng kaunting laslas dahil sa ginawa kong pagbato ng shuriken kanina. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko kung paano ako tingnan nang masama ni Night Bullet. I turned my gaze to him, pero hindi siya nagpaawat. “Is there a problem, your highness?” I curiously asked, dahilan upang bumalik siya sa katinuan. “W-wala… May iniisip lang ako,” nauutal na sagot niya. “Gunster, let’s go. Bumalik na tayo sa Underworld.” After that, iniwan na nila ako roon at umalis na. Naglakad na rin ako paalis at para puntahan ang Fencers na nakikipaglaban pa rin base sa naririnig ko sa earpiece. “Retreat, Fencers, tapos na ang misyon natin dito.” “M
DZION WILLIAM MHRIZ “Dex!” sigaw ko nang makarating ako sa bahay niya. Agad namang lumabas ang mga guards niya at iginaya ako papunta kung nasaan siya. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko siya sa tapat ng human-sized window ng office niya. Nakatanaw siya sa labas ng bahay. “Bakit hinayaan mong malamangan kami ng Fencers?” Hinarap niya ako. “That ranking was based on your group’s performance,” maikling aniya at marahang naglakad palapit sa akin. “Did your group did well?” Natahimik ako sa tanong niya. Aminado naman ako na puro palpak ang mga nakaraang misyon namin, but I know that she can manipulate the result since she’s the one who’s making it. “’Yan lang ba ang ipinunta mo rito? I didn’t know that you can go this low, kuya, and just for a rank?” “Pumapayag na akong imbestigahan si Midnight Blade.” A smile formed in her lips. “Excellent choice.” 🗡️ Pagbalik ko sa Underworld ay sinalubong ako nina Terson. “Master, may misyon tayong kailangan gawin. Personal na ipinadal
BRIANNA ZAFFIE COLTON “Gumising ka na riyan, Midnight,” pangbubulabog ni Thyrie sa pagtulog ko. Umupo ako sa aking kama at humikab bago siya tiningnan nang masama. “Ano ba, Thyrone?” Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil abala siya sa paghahalungkat nang kung ano sa loob ng cabinet ko. Dahil sa inis ay kinuha ko ang ang dagger sa bed side table ko at binato ’yon sa kanya. Daplis lang ’yon para makuha ang atensiyon niya. “Balak mo ba akong patayin, Zaffrie?!” sigaw niya habang nakahawak sa kanyang dibdib na parang minasilya naman, pero nagsusuot pa siya ng bra. “Ayaw mo kasi akong pansinin. Ano bang nangyayari? Ang aga-aga ay nangbubulabog ka?” “Nakalimutan mo na ba? My gosh, Zaffrie! Ikaw pa naman ang president ng Student Council tapos nakalimutan mo kung anong ganap ngayon?” “Bakit hindi mo na lang sabihin? Ang dami mo pa kasing sinasabi, hindi ako manghuhula.” “Tomorrow is our foundation day sa school, don’t you remember? Today is our preparation day for the event
DZION WILLIAM MHRIZ “Maayos na ba ang lahat?” tanong ko sa kanila. “Ayokong magkaroon ng abeerya mamaya.” “Maayos na. We also build an alliance sa jail booth if ever na walang pumunta sa booth natin ay may maidadala sila,” ani Caz at inayos pa ang salamin niyang nahulog na sa bridge ng kanyang ilong. “Prince Dzion!” sigaw ng isang jail guard na tumatakbo palapit sa akin. “Any suggestions sa susunod na ipapahuli?” Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang dumako ang paningin ko sa isang nakakaaga-pansin na mukha ng isang babae. She looks so familiar, but I can’t remember where did I saw her. “Those who are wearing any white clothes,” sagot ko. Umalis na siya, pero ang paningin ko ay nakatuon pa rin sa babaeng naglalakad palayo. “Kilala niyo ba ’yong babaeng iyon?” tanong ko kay Jerome at itinuro ang babae. Nginuya muna niya ang kinakain na hotdog. “Hindi mo ba siya nakikilala? Student Council president natin ’yan. Bakit?” Umiling na lang ako at naglakad na paalis sa booth namin. I d
BRIANNA ZAFFRIE COLTON Yesterday was a tiring day, and today is our last day. Ngayong araw gaganapin yung continuation ng operation sa mga booths at mamayang gabi naman gaganapin ’yong masquerade ball as the closing event of our foundation day. Kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa likod ng booth namin nang marinig kong may tumawag sa first name ko. How dare him? Masamang binalingan ng tingin ang taong ’yon at agad nawala ang kunot ng aking noo nang makita na ang prinsipe pala ’yon. Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilay ko nang makita siya. I even scanned him from head to toe. “Hi, Brianna,” aniya at nakangiti pa sa akin. Kahapon pa niya ako kinukulit. Ano ba’ng problema niya? Does he like me or what? I hope not, dahil kung totoo ngang may gusto siya sa akin, I’m sure that I’ll be in jail in no time because of breaking their prince’s heart. “Ano’ng kailangan mo?” I asked. “I’m sure that you’re aware of tonight’s masquerade ball, right?” aniya, at tumango naman ako bilang sagot. S
DZION's POV "Mahal na Hari, narito po ang inang Reyna," pag-aanunsyo ng isang kawal. Sinenyasan ko siya na papasukin si Mamita na agad naman niyang sinunod. Nang bumukas ang pintuan, iniluwa niyon si Mamita kasama ang isang maliit na batang lalaki. Nang makita ako nito ay bumitaw siya sa pagkakahawak ni Mamita at tumakbo papunta sa akin. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay agad niya akong hinagkan. "Daddy..." sambit ng aking anak nang humiwalay siya sa akin mula sa pagkakayakap. "Yes, baby?" malambing kong tanong habang nakatingin sa kaniya ay nakangiti pa. "Nasaan si Mommy?" tanong niya. Agad namang kumunot ang aking noo nang dahil sa tanong ng anak ko. Nakita ko naman na tuluyan nang nakalapit sa akin si Mamita. Tumay
ZAFFRIE'S POVNakatulala akong naglalakad papasok sa aming bahay habang iniisip ang nangyari kanina nang magkita kami nina Terson. Bumalik ako sa katinuan nang maramdaman kong may biglang yumakap sa aking bewang. Nang lingunin ko kung sino iyon, nakita ko ang mukha ng inosente kong anak na nakangiti habang nakatingin sa akin.Nginitian ko rin siya at inilagay ang aking braso sa kaniyang balikat upang kayapin siya pabalik. Iginaya niya ako papunta sa sala at inalalayan pa ako sa pag-upo sa sofa."Mommy, how's your day po?" nakangiting tanong niya.Matapos niyon ay yumuko siya at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang paa ko. Pinatong niya ang aking paa sa maliit niyang hita at hinubaran ng sapatos pati na rin medyas."Ang sabi ni teacher, kapag pagod daw ang parents namin
ZAFFRIE's POVKakatapos lang ng trabaho ko sa isang mall bilang isang promodiser. Nang makita kong wala nang customers ay dali-dali akong nagligpit ng mga gamit bago dumiretso sa locker room namin upang magpalit ng damit. Nang matapos na ako, dali-dali na akong lumabas ng store na iyon dahil gusto ko na ako ang magsusundo kay Yanna kahit alam kong susunduin naman siya ni Caz.Habang naglalakad ako palabas ng store ay napansin kong dumarami ang tao sa floor kung nasaan 'yung store na pinagtatrabahuhan ko. Dahil medyo chismosa ako ay medyo tumitingkayad ako para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon ngunit wala pa rin akong makita.Mayamaya lamang ay humawi ang dagat ng mga tao at nakita kong lumabas mula roon ang higit sa sampung mga guwardya na parang may pinoprotektahan sa kanilang likuran o gitna. Nang masiguro na nila na safe rito sa floor
ZAFFRIE'S POVIsinara ko ang aparador ng mga damit ni Yanna bago lumapit sa aking anak. Nakita ko si Caz na nakasandal sa dingding na katabi ng pintuan at kulang na lang ay panlisikan niya ako ng mga mata habang may laser na lumalabas doon at tatama sa akin."Ate, sigurado ka na ba talaga d'yan sa desisyon mo?" nag-aalalang tanong ni Caz habang binibihisan ko si Yanna ng kaniyang uniporme."Pang-ilang beses mo nang tinanong 'yan, Caz. Paulit-ulit ko na ring sinasagot. Nakakainis ka na," may bakas ng inis na sagot. Wala siyang nagawa kun'di ang mapakamot na lang sa kaniyang ulo. Pang-ilang beses na rin niyang ginagawa iyan tuwing sumasagot ako nang pareho pa rin ang sagot."Mommy at Tito, 'wag na kayong mag-away. Ang turo ninyo sa akin ay laging magmahalan tapos kayo pa 'yung nag-aaway d'yan," nakabusangot na pan
ZAFFRIE's POV"Mission succeeded!" sabay-sabay naming sigaw bago nagpalakpakan."Good job, everyone! Pwede na kayong umuwi," sambit ng Manager namin at iniwan na kami.Katatapos lang naming mag-intindi ng isang birthday party. Ang theme ng party niya ay cafè kaya naman ang buong crew rito ang nag-asikaso ng mga kailangan kanina. Kakatapos lang ng party niya kaya naman nagliligpit na kami upang makauwi na. Baka naghihintay na si Yanna sa bahay, kawawa naman at wala siyang kasama roon."Grabe! Ang yaman nila, ano? Nagawa nilang rentahan ang buong cafè at oras ng buong crew," napapailing na ani Hans. "Binibili lang nila ang oras natin nang walang pagod. Samantala ang mga katulad natin, kailangan pang kumayod nang kumayod para may maipangkain tayo.""Oo nga pala
ZAFFRIE's POVKakatapos ko lang maglako ng isda kanina. Kumukuha kasi ako ng iba't-ibang racket para may maitustos ako sa mga kailangan namin ni Yanna. Bilang isang ina, kailangan ko nang mas pagtuunan ang mga pangangailangan niya at hindi ko na dapat pairalin pa ang mga luho ko katulad nang dati kong buhay."One cappuccino, please," narinig kong sambit ng costumer na nasa harapan ko. Dumukot siya sa kaniyang wallet at iniabot sa akin ang pera kaya malugod ko namang tinanggap iyon.Sanay na ako sa ganito dahil ganito rin naman ang mga nagiging trabaho ko habang Assassin ako noon. Medyo nakakapanibago na nga lang ngayon dahil tanging ang trabahong ito na lang ang inaasahan kong magbibigay ng pera sa akin."Miss, nasaan na 'yung order ko? Ang tagal naman!" narinig kong reklamo ng nag-order kanina dahilan upang bum
After 6 years... ZAFFRIE's POV | Continuation of Chapter One | "Yanna!" sigaw ng isang tinig mula sa aming likuran dahilan upang sabay kaming napatingin ng aking anak. Oo nga pala, pareho kami ng pangalan. "Daddy!" masayang sambit ni Yanna. Bumitaw siya sa pagkakahawak mula sa aking kamay bago mabilis na takbo papunta sa direksiyon ni Caz at sa kasamang si Hans. "Ito, may dala kaming pasalubong para sa inyo," aniya. Itinaas niya ang hawak na plastic upang ipakita sa amin bago kami iginaya papasok sa loob ng aming bahay. "Daddy, ang dami namang foods!" masayang ani Yanna. Bilang kaniyang ina, kinuhanan ko siya ng fried chicken bago iniabot iyon. Magalak naman niyang tinanggap iyon at nakangiting kinag
DZION's POV Habang naghihintay kami ng resulta, kasabay rin niyon ay ang mabilis na paglipas ng araw. Nakalabas na rin ako ng hospital noong araw rin na nagising ako. Noong una nga'y gusto pa akong i-confine ng mga doctor kahit na stressed lang ako pero hindi ako pumayag dahil alam kong pineperahan lang nila ako. Kahit na maayos na ang aking pakiramdam, pinipilit pa rin nila na manatili ako roon. Sa bawat paglipas ng oras, mas kinakabahan ako habang nag-iintay ng resulta sa DNA test ni Yna. Kahit saang anggulo, hindi ko makita kung paano siya naging si Golden. Although may pagkakapareho sila pero hindi niya kamukha si Golden. Kung totoo man ang sinasabi niya, baka naman naninibago lang ako sa kaniyang mukha dahil matagal ko na siyang hindi nakikita. It has been seventeen years since I last saw her and we were only eight years old when s
DZION's POVPagmulat ko'y bumungad agad sa akin ang puting kisame. Nang igala ko ang aking paningin ay nakita kong nandito sa loob ng iisang kwarto ang buong Fencers at Gungsters kung nasaan ako."Gising ka na pala," sambit ni Yna na kagigising lang din. Nilingon ko naman agad siya. Nag-inat muna siya na animo'y galing sa mahimbing na pagkakatulog sa gilid ng higaan ko."Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya at medyo umatras ng kaunti upang dumistansiya sa kaniya."Nawalan ka ng malay kagabi kaya narito ka ngayon. Dahil sa stress at shock kaya narito ka ngayon," paliwanag niya sa akin. Agad naman akong napakapit sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Unti-unting bumalik ang mga ala-ala ko kag