MATAGAL din bago muling bumalik ang diwa ni Arianne matapos mawalan ng malay pagkatapos na marinig ang masamang balita tungkol kay Jino. Sa kaniyang pagmulat ng mga mata ay napansin niyang ang iba't ibang mga mukhang nakatunghay sa kaniya na para bang matagal na hinintay ang kaniyang muling paggising. Isang pamilyar na boses ang agad na umagaw ng kaniyang atensiyon na lumapit sa tabi niya at ginagap ang kaniyang palad na marahang pinisil. "How do you feel right now?" Anang asawa niya na kitang-kita sa mukha ang nakaguhit na pag-aalala. Balak niya sanang sagutin ang tanong ng asawa pero muling sumagi ang tungkol sa kaniyang anak na lalaki. "S-si Jino? Nasaan si Jino?" halos paanas na tanong niya sa asawa na malungkot lang siyang tinitigan. "Please take a rest. Ako na ang bahala sa paghahanap kay Jino. Sa ngayon, you just need to rest and don't put you mind into worries. Let me do it." Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha sa pagkakataong iyon. Iba't ibang ne
WHAT!! Halos pumuno ang malakas at tila rumaragasang boses ni Drax sa kuwartong iyon matapos marinig mula sa mga tauhan nito ang nangyaring pagkawala ni Jino. "Kung hindi ba naman kayo sang katerbang pagkatanga! Iisang tao lang, natakasan pa kayo! Mga inutil!" Kamuntik na niyang itapon ang hawak na telepono kung hindi lang agad na rumesponde si Izaac Jed. "Relax. Ang puso mo." Pagpapakalma nito sa kaniya habang gumagapang sa kaniyang tiyan ang dalawa nitong kamay. Katatapos lang nilang muling magtalik para ipagdiwang ang nalalapit na tagumpay ng bigla ay tumawag ang kaniyang mga inutusan at ganoon na ang ang balita. Tila naman kumalma ang kaniyang maningas na emosyon at napalitan ng isang di pangkaraniwang sensasyon na naging dahilan upang muli siyang tigasan. Naramdaman niya na lang din ang mainit at banayad na haplos ng mga palad ng kaniyang kuya Jed sa kaniyang kahabaan. Napangiti siyang tinitigan ito na si
MALIWANAG na noon ang buwan kahit alas siyete pa lamang ng gabi. Noon ay nakauwi na si Naikkah sa kanilang bahay at nailuto na din ang mga nakuhang shells. Matapos makapaghanda ng hapunan ay nagpaalam siyang may saglit na pupuntahan. Hindi naman naging maimbestiga ang Ginang pagkatapos nang lahat nang nangyari sa kaniya sa buong maghapon. Nagtataka man ang kaniyang nanay ay hindi na din nagawang kuwestiyunin pa ang pagbabagong naganap sa kaniya sa buong araw. Siguro ay naisip na lang nito na mabuti naman ang nagaganap sa anak kaya hindi na iyon pinansin. Maluwag na nakaalis si Naikkah ng mga sandaling iyon. Hindi tulad ng dati na tinatadtad muna siya ng tanong ng ina bago pa man siyang makalayo sa kanilang bakuran. Nakakapanibago man ay hindi na din niya kaylangang magtaka dahil sa totoo lang ay mas nakakapanibago siya kaysa rito. Malayo pa ay dinig na niya ang mahina ngunit maalong hampas ng tubig sa dalampasigan. Iisa lang ang nasa isipan niya tungkol sa naririnig na karani
TAHAN na! Jino will be fine, I believe." Malayo pa ay narinig na niya ang mga salitang iyon mula sa asawa ni Arianne na si Jake. Yakap nito ang asawa at patuloy na hinahaplos ang likod na para bang binibigyan ito ng comfort. Sa kaniyang pagtataka ay agad siyang nangusisa siya sa katulong ng mansiyon na matagal nang naninilbihan sa pamilyang ito. "Ano'ng nangyayari?" nagtataka at kunot ang noong tanong niya sa katulong na nagbabakasakaling may makuhang sagot. Mahigpit na umiling ang kausap. "Hindi ko din po alam Ma'am. Ang alam ko lang po ay may problema ang pamilya tungkol kay Jino." Bigla ay nakaramdam siya ng pagkabahala nang marinig ang pangalan ni Jino. Sari-saring negatibong bagay din ang biglang nagsalimbayan sa kaniyang isipan nang mga sandaling iyon. 'Ano kaya ang nangyari sa pamangkin niya?' isang tanong na pumurma sa isipan n Parang iba kasi sa pandinig nya ang pag-alo ng asawa nito. It sounds terrible what happened to her nephew. "Sige, kung hindi mo masamain ay
HINGAL na hingal na si Naikkah sa ginawang paghila sa katawang na lalaking mas lalong bumigat dahil sa basang-basa ito sa tubig papuntang pampang. Noon niya narealized na kaya pala nagpapakita sa kaniya si Jino ay dahil pala sa lalaking ito na iyon nga ay naabutan niyang palutang-lutang sa pampang. Sa pamamagitan ng sariling lakas ay sinikap niyang hilahin ang katawan ng naturang lalaki upang dalhin sa pampang. Medyo malalim pa kasi sa bandang iyon kaya sinikap niyang hilahin ito sa mas mababaw malapit sa pampang. Gustuhin niya sanang sumigaw upang humingi ng saklolo at upang tulungan na din siya sa paghila rito subalit naisip niyang walang posibleng tao ang naroon malapit sa kaniyang lokasyon. Isolated ang nasabing lugar at halos madalang ang mga taga isla ang nagagawi roon. Ewan lang ba at kung bakit siya ay napadpad sa bahaging iyon ng mangroves area nang walang nararamdamang anuman kahit panganib. Hirap na hirap man ay sinikap niyang muling hilahin ang lalaki. Naging dahila
LIHIM siyang napangiti nang muli namang maalala iyon kahit pa para na naman siyang niyakap ng isang malamig na hangin. Ang lamig din na ibinibigay ng tubig sa kaniyang katawan habang patuloy na hinihila ang mabigat at basang katawan ng estrangherong ito ay mas lalong nanuot sa buo niyang kalamnan. Sinubukan niyang sulyapan ang nasa unahan. Sandali na lamang at makakaahon na sila pareho sa malamig na tubig na ito. Ilang pagsisikap na lang ay nasa tabing dagat na sila. Noon sumagi sa isip niya ang kondisyon ng naturang lalaki. Kanina ay sinubukan niya ito pulsuhan kung humihinga pa at doon nga ay natiyak niya na buhay pa ito kaya mabilis niyang hinila. Hindi niya maintindihan kung anong mahika ang biglang lumukob sa kaniya nang makita ang katawan nitong palutang-lutang. Instant na binigyan siya ng command sa isip na kumilos kaya naman patakbo pa niyang nilangoy ang nasabing nilalang para tiyakin kung humihinga pa at para mailigtas sa pagkalunod. Hindi naman siya nakapag-aral ng nursin
Marahang napalingon si Jino matapos marinig ang isang pagtawag sa kaniyang pangalan.Boses iyon ng kaniyang asawa. Tiyak na hinahanap na naman nito siya gaya ng karaniwan nang nangyayari.Napakamot sa ulong tumayo siya at bitbit ang isang tasang pinagkapihan niya kanina.Noon ay ubos na ang hinihithit niyang sigarilyo.Agad na niyang sinalubong ang asawa na parang 'di maipinta ang mukha. Namamawis ito at halatang pagod na pagod sa kakalakad."Bakit? Anong problema?" nag-aalalang tanong niya rito sabay hapit sa sexy nitong beywang.Matulis ang ngusong nagreklamo na naman ito. "Kanina pa kita hinanap!" anitong naging isip bata. "Napagod tuloy ako." reklamo pa nito na kitang-kita ang mga namumuong pawis sa noo at leeg.Pagak siyang tumawa na kaagad niya ding pinigilan dahil nangasim ang hitsura nito bigla."Langhiya ka!" anito sa kaniya sabay hampas sa braso niya. Nagsalubong din ang mga kilay nito. Indikasyon na galit na ito ngayon. "Nakuha mo pa talagang tumawa ha? Sa lagay ko ngayon
Arianne!"Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Jake nang maabutan ang asawa na noon ay binalak na saktan ang sarili sa pamamagitan ng paghiwa ng sariling braso gamit ang isang matalim na kutsilyo. Kagagaling lang niya noon sa opisina at noon ay mag-aalas singko pa lamang ng hapon. Wala pa noon si Kayla Reece dahil tiyak niyang nasa school pa ito ng mga oras na iyon. Wala din ang kanilang Inay Leah dahil busy din ito sa isang Fitness Program na ito ang namamahala. Sa edad ng agwela ay hindi niya maisip na magtuturo pa din ito ng zumba sa mga gustong matuto ng ganitong sayaw. Wala naman siyang naging pagtutol dahil sa mga edad nito ay isang bagay na makakabuti rito ang mga ganoong bagay. Ang panatilihing malus0g at malakas ang pangangatawan sa kabila ng edad nito ay isang maituturing na healthy lifestyle at higit pa roon ay makakatulong ng husto upang labanan ang mga sakit na kakambal ng pagtanda."Arianne, throw that knife away!" Muling sigaw niya upang awatin muli ang asawa dahil bi
BONUS CHAPTER: GANOON na lamang ang palahaw na iyak ni Yna, asawa ni Joshua Arevallo ng araw na iyon. Iyon ay ganap nang alas -singko ng hapon pero hindi pa din nakakauwi si Glory Belle, ang panganay na anak ng mag-asawa. Magaanim na taon pa lamang ito at kasalukuyang nasa ikatlong baitang at nagaaral sa Central Cebu Elementary School. Hindi kalayuan sa bahay nila kaya may tiwala siyang hindi mapapano ang bata. Idagdag pa na kasa-kasama nito ang yaya Cherry nito at hatid-sundo sa school na pinapasukan nito. Ano kaya ang nangyari at wala pa din ang kaniyang anak at ang kaniyang Yaya?May ilang minuto na ang paroo't parito ang ginawa ng babae habang ang mga mata ay hindi inaalis sa may pintuan. Alalang-alala na si Yna dahil supposed to be ay hindi pa din nakakauwi ang kanilang anak. Dapat alas-singko pa lamang ay nakauwi na ang bata. Dahil sa labis na pag-alala ay nagawa niyang tawagan ang asawang si Joshua. Batid niyang nasa office pa nito ito at tiyak na busy pa sa lahat ng mga pape
LUMIPAS ANG ILANG BUWAN... "LADIES and gentleman, I would like and proudly to announce you, our new CEO of Hotel Uno, Mr. Kent Jino Zeke Domingo!" Malakas na anunsiyo ni Zieth kate sa lahat ng mga staffs, employees, co-partners, guests at iba pang importanteng tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan na mula sa mga karamihan ay pamilya Del Fuego at Domingo. "Mr. new CEO, please come forward." hiling ng kaniyang Tita Zeith Kate. Nakangiti namang pumagitna si Jino sa nakahilerang mga tao at masayang kumaway sa lahat. Isang palakpakan muli ang iginawad sa kaniya ng lahat. "Thank you. Thank you po sa inyong lahat." Pahayag niya na hindi mapunit-punit ang mga ngiti at iginala ang mga mata sa lahat. Naroon ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake, ang kaniyang tito Nikko at pamilya nito, ang kaniyang Tito Joshua kasama din ang pamilya nito, ang kaniyang Lolo Ron at Lola Zen, ang kaniyang Lola Adelaida at asawa ni Zieth Kate na si Kurt Justin Steve D
KAAGAD na sinalakay ng kaba ang dibdib ni Jino nang makita ang muling pagtutok ni Donya Fatima ng baril sa likuran ng ulo ni Naikkah. Iyon ang pagkakataon na hinihintay niya upang sumalakay rito. Hindi niya sinayang ang bawat segundong nalingat si Donya Fatima. Huli na nang makita nito siyang pasugod. "Walang--" Wika nitong naputol dahil matapos niyang tabigin ang baril na hawak nito ay tumama ito sa isang bahagi ng poste. "Ano bang ginagawa mo! Bitawan mo ang baril ko!" Wika ni donya Fatima sa kaniya na patuloy na ayaw patalo sa pakikipag-agawan ng bala. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Naikkah na magmulat at nakita nito siya na patuloy na nakikipag-agawan ng baril sa matanda. "Jino??" Sambit ni Naikkah nang makita siya. Ramdam niya ang kakaibang tuwa sa puso nito nang makitang bumalik siya para rito. "Tumakas ka na, sige na Naikkah. Iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin!" Malakas na sigaw niya sa babae na nanatiling pa ding nanonood sa kanila. "Sabi kong bitawan m
GULAT na gulat si Naikkah nang ganap na makilala kung sino ang bumaril sa kaniya. Agad siyang natumba dahil sa impact ng tumamang bala sa balikat niya. Sapo-sapo ang tinamaang kanang balikat na ngayon ay nagdurugo na, nahihilong tumingala siya upang tiyakin kung sino nga talaga ang nasa likod ng pagkabaril niya. Hinintay niyang makalapit ang nasabing bulto ng taong papalapit ang mga yabag at kahit sa kabila ng panlalabo ng kaniyang mga mata ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng bultong iyon.Isang babae, may hawak na baril na bahagya pang umuusok ang nasa kaniyang harapan ngayon at tinitingnan siyang walang kaemo-emosyon. "I-ikaw??" Gulat na bulalas niya. "P-paano niyo po ito nagawa sa akin? A-ano bang k-kasalanan ko sa inyo?" Hirap na hirap niyang wika sapagkat napapaimpit siya ng daing sa walang tigil na pagdurugo at pangingirot ng kaniyang sugat. Hindi siya makapaniwalang si Donya Fatima nga ito nasa harapan siya. "Oo Naikkah! Ako nga ito!" Mayabang na wika ni Donya Fatima. Kit
HINDI nakaligtas sa mata ni Naikkah ang lihim na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Jino. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatawa nito pero para siyang nainsulto na ewan. "Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba?" Mataray na naman niyang wika na gusto pang sapakin si Jino kung hindi lang siya natakot na baka makabig nito ang manibela sa gagawin niyang iyon sa lalaki. Nilingon naman siya ng lalaki at sinagot. "Wala naman. Nakakatuwa ka lang tingnan kapag naasar." Tugon nito na pinapungay na naman ang mga mata. Inirapan lamang niya ang lalaki at muling inawas ang tingin. "You look disgusting but i swear, you are still beautiful in my eyes. I miss that face." Hirit pa nito na hindi na niya pinansin. Iniwas na lamang niya ang mukha hindi dahil ayaw na niyang makita pa si Jino kundi dahil--- 'My gosh! Why do i blushed?' Sa huli ay dinaig pa din ng kaniyang mataray na mukha ang namumula sanang pisngi niya dahil sa kilig na naramdaman. Uso pa ba sa kaniya ang bagay na iyo
MATAGAL nang nakaalis sina Jino At Naikkah nang bigla namang dumating sa mansiyon De Domingo si Nikko. Nagulat na lamang sina Arianne at Jake nang madatnan nito silang mag-asawa sa sala ng mansiyon kasama ang kanilang mga magulang."Nikko? Come over here, my son. Join us for this merienda!" Masayang tawag ni Zenaida, ang mommy nila. Katabi nito ang asawang si Ronaldo na ngayon ay nasa edad otsentay tres na."O Nikko? Napabalik ka? May nakalimutan ka ba?" Agad na tanong ni Jake sa kapatid. Nagtataka kasi ito kung bakit bumalik ang kapatid gayong nagpaalam na ito kanina na uuwi na kasama ang pamilya nito.Kita sa mukha nito ang pag-alala."I am sorry, Kuya...but I have something more important to tell you right away!" Tugon nito na hindi mapakali. Napansin ni Arianne na may hinahanap ito."Who are you looking for?" Nakakunot-noong tanong naman nito kay Nikko."Where's Jino? May kailangan siyang malaman tungkol sa ina ni Juno at kailangan niyang mag-ingat sa mga ito.""Kanina pa siya na
TAHIMIK na nakasakay lamang si Naikkah sa driver seat katabi si Jino. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din maabsorb ng utak niya ang mga nalaman. Ayon sa mga datos na nakalahay sa folder na ipinakita ni Jino, may mental disorders si Juno. Ito ay matagal nang tinatago ng lalaki sa kaniya. Lingid sa kaalaman niya na may dahilan pala ang bilang pagbabago ng ugali nito paminsan-minsan. Binalewala na lamang niya iyon dahil para sa kaniya, lahat naman ng tao ay may tinatagong moody swing. Imbes na bigyan niya iyon ng maling kahulugan ay inisip na lamang niyang natural na iyon sa mga lalaki.Hindi nakapagtataka kung bakit naging mabigat para sa kaniya na tanggapin na lang bigla ang mga nalaman. Ang isa pa niyang ipinaglalaban ay naniniwala siyang mahal siya ni Jino at hindi siya nito sasaktan ng ganoon-ganoon na lang.Mas nanaig pa din ang pagmamahal niya sa lalaki. Kaya ang nangyari, gusto pa din niyang makauwi sa mansiyon ng mga Dolmenazav upang kahit paano ay mapaghandaan ang ba
NAGULAT si Jino sa naging reaksiyon ni Naikkah matapos nitong mabasa ang nilalaman ng folder na ibinigay niya rito. Tama ang kaniyang hinala, hindi nga nito papaniwalaan ang lahat. Kung hindi nagawang kumbinsihin ng lagda at testify ng police ang babae, then how could he? "Pawang kasinungalingan lang ang lahat ng iyan!" Tanggi ni Naikkah sa mga rebelasyon at mahigpit na pinunit ang folder. Sinamantala ng babae ang pagkagulat niya kaya nagawa nitong mapunit ang mga papel nang walang kahirap-hirap. "Naikkah!" Tanging nasambit na lamang niya at walang nagawa kundi pagmasdan ang mga nagliliparang pira-piraso ng nasabing police report. Muli siyang nabigla nang bigla itong magpalahaw ng iyak at hesterical na sinasapak ang sariling ulo. "This is not true! It can't be true!Sinisiraan niyo lamang si Juno! pare-pareho lang kayo!" Mabilis niyang dinaluhan ang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso upang awatin sa pananakit nito sa sarili. "Naikkah, stop it! You're hurting yourself!"
NARAMDAMAN ni Naikkah ang isang mainit na dampi ng halik sa bandang buhok niya. Maging ang isang tilamsik ng tubig na kung hindi siya magkakamali ay luha ni Jino. Hindi pa siya tulog, nagkukunwari lamang. Malinaw pa nga niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki. Tinakpan lamang niya ang kaniyang mga tainga at mukha dahil ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyari. Ang una ay hindi niya akalaing ampon lamang si Juno ng pamilya Dolmenazav. Ang hindi pa niya maisip ay kung bakit doon pa talaga sa party nabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Juno. Sa totoo lang kasi ay puwede namang magyari iyon sa ibang panahon? Sumagi sa isipan niya na baka nadulas lamang si Don Edmund sa pagsabi noon dahil sa hindi na ito maawat. Ito namang tungkol sa pagkakatuklas ni Jino sa kalagayan niya ay hindi niya din alam kung paano nito nalaman. Pinaimbestigahan ba siya ng lalaki? Lihim na sinusubaybayan? Ang gulo-gulo ng is