Home / Romance / Arranged Married to the Prince / Chapter 3: Change of Plan

Share

Chapter 3: Change of Plan

Author: Jack Ryo
last update Huling Na-update: 2022-02-03 22:47:29

MONICA’s POV

“Gusto ka naming ipakasal sa prinsipe ng Karan kapalit ang iyong ate,” wika ni ina na labis kong ikinabigla.

Napahawak ako sa sopa habang nakapako ang tingin kay ina at hindi alam kung paano tutugunan ang sinabi niya. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko’y isa lamang kalokohan ang mga sinasabi niya. But there’s no way na magsasalita si ina ng isang kalokohan. It must be true.

Nagtinginang muli sina ina at ama, parehong kabado sa isasagot ko.

“Pasensya ka na, Princess Monica. Ngunit wala na kaming magagawa pa ngayon. Mahalaga ang papel ng pakikipag-isa ng dalawang kaharian upang mas mapatatag natin ang ating bansa laban sa Shina,” paliwanag ni ama.

Naikuyom ko ang aking isang kamao na ngayo’y nakapatong na sa aking hita.

“Hindi pa ako handang magpakasal, ina,” sabi ko kay ina, at tumingin ako kay ama, “ama,” dagdag ko. “Masyado pa akong bata para magpakasal.”

Huminga nang malalim si ama. “Prinsesa, ang tanging gagawin mo lamang ay ang magpakasal sa prinsipe ng Karan. Kung iniisip mo na kailangan mo nang ibigay ang sarili mo sa prinsipe, hindi iyon gano’n. Nasa ‘yo iyon. Desesyon mo iyon. Pero ang kasal, napakaimportante no’n para sa dalawang kaharian.”

Napakagat ako sa ilalim ng aking labi. Naguguluhan ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

“Pag-isipan mo ito nang mabuti, prinsesa. Nakasalalay sa ‘yo ang magiging kapalaran ng bansang ito laban sa Shina.”

Tama naman ang sinasabi nina ina at ama. Importante ang pagkakaisa ng dalawang bansa. Pero, paano ko pakakasalan ang lalaking natutunan ng mahalin ni ate? Nakokonsensya ako para sa kaniya.

Tumayo ako. “Ina, ama, gusto ko munang mag-isa ngayon. Nagugulo pa ang utak ko,” sabi ko.

“Pag-isipan mo ito nang mabuti,” payo ni ama.

Matapos no’n ay yumuko na ako sa kanila upang magbigay galang at lumabas na ng kuwarto.

Dali-dali akong nagtungo sa kuwarto ko at bigla na lamang bumuhos ang luha sa aking mga mata. Tumalon ako patungo sa aking kama at niyakap ang unan. Ibinuhos ko lamang sa aking kama ang lahat ng luha at narararamdaman kong inis ngayon sa mga nangyayari.

Kung pagtitimbangin ko ang sarili kong emosyon sa kapalaran ng aming kaharian, hindi hamak na mas tamang piliin ko ang kapalaran ng aming kaharian kaysa sa pansariling kapakanan ko lamang.

Ni wala nga akong narinig na ano mang pagrereklamo kay ate nang malaman niyang ipapakasal siya sa prinsipe ng Karan alang-alang sa pagpapatatag ng relasyon ng dalawang bansa. Tapos, magrereklamo ako ngayon?

Ano ba, Monica? Mag-isip ka nga nang maayos! Huwag kang maging selfish!

Kaya lang ayoko pa talagang magpakasal!

Sumigaw na lamang ako nang sumigaw sa kuwarto ko habang umiiyak. Pinag-isipan ko nang mabuti ang desesyong gagawin ko. Matapos ang halos isang oras ay nakapagdesesyon na ako.

Hindi ko dapat na pairalin ang aking emosyon. Kailangan kong gawin ang kung ano ang dapat.

Pag-ibig sa prinsipe? Matututunan ko rin namang mahalin ang prinsipe na kagaya sa pagkatuto ni ate na ibigin ito!

Guwapo ang prinsipe, mayaman, sikat. Pasok siya sa taste ko kaya ano pa ba ang pinag-iinarte ko?

Nang makapagpasya ay muli akong bumalik sa kuwarto nina ina at ama at umupo sa sopa na kinaupuan ko rin kanina. Sila naman ay naroroon pa rin na tila andami nilang napag-usapan.

“Nakapagdesesyon na po ako, ina, ama,” sabi ko. “Papayag po akong magpakasal sa prinsipe.”

Mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi nila. Makita ko lamang ang kanilang ngiti na tila nabawasan kahit na papaano ang alalahanin nila ay gumagaan ang pakiramdam ko.

“Maraming salamat, prinsesa. Alam naming masyadong mabigat ang pakiusap naming ito. Pero wala lang talaga tayong choice ngayon,” paliwanag ni ama.

“Naiintindihan ko po iyan, ama. Gagawin ko po ito alang-alang sa pagkakaisa ng dalawang kaharian.”

“Natutuwa kaming malaman iyan,” sabi ni ina, nilapitan ako, niyakap at hinimas ang aking braso. “Maraming salamat, prinsesa.”

Ngumiti na rin ako at napangiti na rin sila.

“Alam na po ba nila ang tungkol dito?” tanong ko.

“Sino? Ang royal family ng Karan?” ani ina.

“Opo,” sabi ko naman.

“Oo. Katunayan, matagal na namin itong napag-usapan. Ngayon lamang kami nagkalakas ng loob na sabihin ito sa ‘yo.”

“Gano’n po ba?” sabi ko nang may lungkot sa mga mata, naalala ko na naman kasi si ate. “Hindi ko po alam kung paano ko ipaliliwanag kay ate ang tungkol dito, ina. Nakokonsensiya ako para sa kaniya.”

Gumuhit din ang lungkot sa kanilang mga mata matapos ang sinabi ko na nagpaaalala sa kanila sa kanilang yumaong anak.

“Huwag mong alalahanin ang iyong kapatid, Prinsesa Monica. Hindi rin niya gusto noon na magpakasal sa prinsipe. Sadyang sinunod lamang niya ang kautusan namin ng iyong ama. Kung naririto lamang siya ngayon, siguradong susuportahan ka niya. Inaalala ng kapatid mo ang buong kaharian.”

Niyakap ako ni ina na nagparamdam naman sa akin ng relief.

“Tama ang mahal na reyna, Prinsesa Monica. Huwag kang masyadong mag-isip ng mga kung anu-ano.”

Nginitian ko lamang si ama. Matapos no’n ay nagpaalam na ako sa kanila at bumalik na sa aking kuwarto.

Humiga ako sa kama at tinawagan si Lyka at tinanong kung ayos lamang ba sa kaniya na magpunta ngayon sa kaharian. Hindi naman siya tumanggi. Matapos ang isang oras ay dumating na nga siya.

Nakahiga kami ngayon sa aking kama habang nakatalukbong ang mga kumot mula sa dibdib namin hanggang sa paa. Pareho kaming nakahawak ng isang romance novel na bagong publish lamang ng paborito naming novelist.

Habang nagbabasa kami ay pinag-iisipan kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa plano ng mga magulang ko. Hanggang sa napagdesesyunan ko na ngang sabihin ito.

Kinuha ko sa kamay niya ang libro na ikinataka naman niya.

“Oh bakit, Princess Monica?”

Sinara ko rin ang librong hawak ko at itinabi ang mga ito sa bedside table.

“Lyka, may importante akong sasabihin ngayon.”

“Ano naman iyon?” pagtataka niya.

“Lyka,” sabi ko sa naiiyak na tono, pero wala naman talaga akong balak na umiyak pa. Nailabas ko na ang nararamdaman ko kaya wala na akong dahilan upang umiyak pang muli.

“Ano iyon, Princess Monica?”

“Alam mo naman ang tungkol sa pagkakaisa ng dalawang kaharian, hindi ba?”

Tumango siya nang nagtataka. “Oo naman, Princess Monica, why?”

“Ako ang gustong ipakasal nila sa prinsipe ng Karan,” sambit ko.

Nanlaki ang mga mata ni Lyka at bumilog ang kaniyang bibig dahil sa sobrang gulat. “S-seryoso ba iyan, Princess Monica? Legit?”

Tumango ako nang marahan, nahihiya.

Tumili siya nang malakas na tila nakakita ng ipis na lumilipad at dumadapo sa kaniya.

“Huy, ano ka ba? Huwag ka ngang sumigaw, baka marinig ka ni Jordan, kung ano ang isipin no’n!”

Tinakpan naman ni Lyka ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay dahil sa sinabi ko. Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang pagsigaw habang nakatakip ang kaniyang bibig na parang ewan.

Matapos ay huminga siya nang malalim.

“Huwag ka ngang mag-reak nang ganiyan, Lyka. Ako na natatakot sa ‘yo,” reklamo ko nang kunot-noo.

“Seryoso ba talaga, Princess Monica? Ikakasal ka na? Ang kaibigan ko, ikakasal na?”

“Oo nga. Huwag mo nang ulit-ulitin,” sabi ko nang nakasimangot.

Nawala ang pagkasabik sa mukha niya nang mapansin ang malungkot na ekspresyon sa mukha ko.

“Teka, bakit mukhang hindi ka yata masaya? Ayaw mo ba?” inosente niyang tanong.

Ini-pout ko ang lips ko habang nilaro-laro ang gilid ng kumot. “Ayoko pa sana. Gusto ko pang namnamin ang pagiging single. Hindi pa ako handang magpakasal.”

“Eh paano iyan?”

“Ayun nga, Lyka. Hindi ako puwedeng magpaka-selfish dahil sovereignty ng bansa natin sa mga isla ang nakasalalay rito. Kahit sinong tanungin natin, sigurado namang isasagot nila sa atin na mas importante ang bagay na iyon kaysa magpaka-single.”

“Huwag mo na kasing isipin ang single single na iyan. Angguwapo kaya ni Prince Joseph!”

“Alam ko,” sabi ko. “Kaya lang, iniisip ko pa lang na tila inaagawan ko si ate, nakokonsensiya ako.”

“Oo nga pala. Ang ate mo. Pero maiintindihan din naman niya iyon. Ambait ni Princess Eunice. Siguradong hindi iyon magtatanim ng sama ng loob sa ‘yo.”

“Alam ko naman iyon. Pero nahihiya pa rin ako.”

“Kung ako sa ‘yo hindi na ako mag-iisip ng mga kung anu-ano. Ayos lang iyan. Ikaw lang ang mase-stress. Bahala ka.”

Napabuntong-hininga na lamang ako.

“Anyway, tinanggap ko na ang alok ng mga magulang ko kaya wala na ‘tong bawian.”

Hinawakan ni Lyka ang mga braso ko at niyugyog ito nang niyugyog na parang ewan. Heto na naman siya sa pagiging maharot niya.

“Gosh! Hindi ko talaga inasahan na ang NBSB na katulad mo ay ikakasal na lang bigla. Nakakagulat! Ano, titigil ka na sa pag-aaral?”

Umiling ako. “Hindi ako titigil sa pag-aaral. Gusto kong makapagtapos.”

“Dapat lang. Dalawang taon na lang ang kailangan natin, ‘no! Siguradong magugulat ang lahat nito!”

“Sigurado iyon,” sambit ko naman.

“Nagkita na ba kayo ng prinsipe?”

“Hindi pa nga, eh. Wala pang plano sina ina at ama kung kailan ang magiging first date namin. Sobrang awkward no’n. Sigurado.”

“Sa simula lang iyan, Princess Monica. Anyway, congrats, ah! Bigyan mo ang mga magulang mo ng isang cute na cute na kambal!”

Namula naman ako sa hiya at hinampas ko pa nang mahina ang binti ni Lyka. “Ano ka ba, masyado ka namang advance mag-isip. W-wala pa sa isip ko ang mga iyan.”

“Naku, pakipot pa. Ang Prince Joseph na iyon. Kung ako sa ‘yo hindi na ako mag-iinarte!”

“Hindi naman sa nag-iinarte. Pero nag-aaral pa nga ako, ‘di ba? Ayoko nga ng responsibilidad. At saka, sina ina at ama na rin naman ang nagsabi na hindi namin kailangang magsama sa iisang kuwarto kaagad. Nasa amin pa rin ang desesyon. At sa ngayon, ayoko pa talaga.”

“Ikaw. Nasa ‘yo naman, Princess Monica. Your body, your rule.”

Mayamaya ay nag-ring ang telephone na nasa bedside table. Bumangon ako at sinagot ito.

“Hello?”

“Ako ‘to, anak.” Si ama ang tumatawag.

“Bakit po, ama?”

“Nakapag-set na kami ng date niyo ni Prince Joseph para bukas. Susunduin ka niya after school.”

“G-gano’n po ba? Okay po, hintayin ko na lang siya.

“Sige. Ibababa ko na.”

Ibinaba na nga namin ang aming telepono. Bumalik ako sa pagkakahiga sa tabi ni Lyka.

“Sino iyon?”

“Si ama.”

“Ano raw sabi?”

“May date daw kami ni Prince Joseph bukas.”

Gumihit ang tuwa sa mga mata ni Lyka, halos umabot sa kaniyang tainga ang kaniyang ngiti. Hinahampas-hampas niya ako na kilig na kilig. Parang mas excited pa kaysa siya sa akin.

Samantalang ako, medyo nabibigla pa rin.

Makaka-date ko bukas si Prince Joseph? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Naguguluhan ako.

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 1: The Plan

    MONICA’s POV“ATE, ayos lamang ba talaga sa ‘yo na magpakasal ka sa kaniya?” tanong ko kay ate habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok.Nginitian ako ni ate habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa aming harapan. “Ayos lamang iyon, Princess Monica.”“Kunsabagay, guwapo rin naman ang prinsipe ng Karan. Hindi ka na lugi sa kaniya. Pero paano si . . .” Huminto ako sa pagsasalita upang hayaang maisip ni ate kung sino ang taong tinutukoy ko. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.“Si France?” Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni ate habang ibinaba ang kaniyang tingin. Nararamdaman ko ang panghihinayang sa mga mata niya.“Oo, ate. Alam kong . . . gusto mo siya,” sambit ko.Si France ay matagal nang manliligaw ni ate. Kami lamang dalawa ang nakaalam nito dahil pilit itong itinatago ni ate sa mga magulang namin.Dala

    Huling Na-update : 2022-02-03
  • Arranged Married to the Prince   Chapter 2: Her Death

    MONICA’s POVNAGTUNGO ako sa libingan ni ate. Nagdala ako ng isang bocquet ng hyacinth—bulaklak na sumisimbolo ng katahimikan niya sa kabilang buhay. Kasa-kasama ko ngayon si Jordan na nasa aking likuran.Ngayon ang unang monthsary magmula nang mamatay ang ate ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on matapos ang aksidenteng nangyari sa kaniya. Lubha ko itong dinamdam. Pakiramdam ko’y isa lamang panaginip ang lahat.Naramdaman ko na lamang ang biglang pagbuhos ng luha sa aking mga mata at lumakbay ito patungo sa aking pisngi. Kaagad ko rin itong pinunas at sinabayan ng pagsinghot ng aking sipon.Muling nanumbalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala naming dalawa ni ate. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang tuluyang pagbagsak ng aking mga luha. Nawalan din ako ng lakas kung kaya’t babagsak na sana ako no’n sa lupa kung hindi lamang ako mabilis na nasalo ni Jordan.

    Huling Na-update : 2022-02-03

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 3: Change of Plan

    MONICA’s POV“Gusto ka naming ipakasal sa prinsipe ng Karan kapalit ang iyong ate,” wika ni ina na labis kong ikinabigla.Napahawak ako sa sopa habang nakapako ang tingin kay ina at hindi alam kung paano tutugunan ang sinabi niya. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko’y isa lamang kalokohan ang mga sinasabi niya. But there’s no way na magsasalita si ina ng isang kalokohan. It must be true.Nagtinginang muli sina ina at ama, parehong kabado sa isasagot ko.“Pasensya ka na, Princess Monica. Ngunit wala na kaming magagawa pa ngayon. Mahalaga ang papel ng pakikipag-isa ng dalawang kaharian upang mas mapatatag natin ang ating bansa laban sa Shina,” paliwanag ni ama.Naikuyom ko ang aking isang kamao na ngayo’y nakapatong na sa aking hita.“Hindi pa ako handang magpakasal, ina,” sabi ko kay ina, at tumingin ako kay ama, “ama,” dagdag ko. “Masyado

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 2: Her Death

    MONICA’s POVNAGTUNGO ako sa libingan ni ate. Nagdala ako ng isang bocquet ng hyacinth—bulaklak na sumisimbolo ng katahimikan niya sa kabilang buhay. Kasa-kasama ko ngayon si Jordan na nasa aking likuran.Ngayon ang unang monthsary magmula nang mamatay ang ate ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on matapos ang aksidenteng nangyari sa kaniya. Lubha ko itong dinamdam. Pakiramdam ko’y isa lamang panaginip ang lahat.Naramdaman ko na lamang ang biglang pagbuhos ng luha sa aking mga mata at lumakbay ito patungo sa aking pisngi. Kaagad ko rin itong pinunas at sinabayan ng pagsinghot ng aking sipon.Muling nanumbalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala naming dalawa ni ate. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang tuluyang pagbagsak ng aking mga luha. Nawalan din ako ng lakas kung kaya’t babagsak na sana ako no’n sa lupa kung hindi lamang ako mabilis na nasalo ni Jordan.

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 1: The Plan

    MONICA’s POV“ATE, ayos lamang ba talaga sa ‘yo na magpakasal ka sa kaniya?” tanong ko kay ate habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok.Nginitian ako ni ate habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa aming harapan. “Ayos lamang iyon, Princess Monica.”“Kunsabagay, guwapo rin naman ang prinsipe ng Karan. Hindi ka na lugi sa kaniya. Pero paano si . . .” Huminto ako sa pagsasalita upang hayaang maisip ni ate kung sino ang taong tinutukoy ko. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.“Si France?” Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni ate habang ibinaba ang kaniyang tingin. Nararamdaman ko ang panghihinayang sa mga mata niya.“Oo, ate. Alam kong . . . gusto mo siya,” sambit ko.Si France ay matagal nang manliligaw ni ate. Kami lamang dalawa ang nakaalam nito dahil pilit itong itinatago ni ate sa mga magulang namin.Dala

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status