Share

Arranged Married to the Prince
Arranged Married to the Prince
Author: Jack Ryo

Chapter 1: The Plan

Author: Jack Ryo
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

MONICA’s POV

“ATE, ayos lamang ba talaga sa ‘yo na magpakasal ka sa kaniya?” tanong ko kay ate habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok.

Nginitian ako ni ate habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa aming harapan. “Ayos lamang iyon, Princess Monica.”

“Kunsabagay, guwapo rin naman ang prinsipe ng Karan. Hindi ka na lugi sa kaniya. Pero paano si . . .” Huminto ako sa pagsasalita upang hayaang maisip ni ate kung sino ang taong tinutukoy ko. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.

“Si France?” Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni ate habang ibinaba ang kaniyang tingin. Nararamdaman ko ang panghihinayang sa mga mata niya.

“Oo, ate. Alam kong . . . gusto mo siya,” sambit ko.

Si France ay matagal nang manliligaw ni ate. Kami lamang dalawa ang nakaalam nito dahil pilit itong itinatago ni ate sa mga magulang namin.

Dalawang taon na ang nakararaan nang magpasya ang mga kaharian ng Karan at Sovia na mag-isa. Ipakakasal nina ina at ama si ate sa anak ng kaharian ng Karan. Arrrange marriage ang magiging kasal nila at ang mismong mga magulang namin ang nag-set nito. Magmula no’n, hindi na tumanggap pa si ate ng ano mang panliligaw mula sa kahit na kanino. Pero base sa mga nakikita ko ngayon sa behavior ni ate, masasabi kong nagugustuhan na niya si France.

“Mas mahalaga ang pagkaka-isa ng kaharian ng Karan at ng Sovia. Emosyon lang ‘to. Mawawala rin ‘to matapos ang ilang buwan. O baka nga ilang linggo lang. Matututunan ko ring mahalin ang prinsipe kaya huwag mo akong alalahanin,” sambit ni ate nang nakangiti.

Bagama’t nakangiti ay ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Ginagawa lamang talaga niya ito alang-alang sa pagkaka-isa ng aming mga kaharian. Pero ramdam kong sa loob-loob niya’y napipilitan lamang siya.

Kailangan ng dalawang kaharian na magkaisa dahil sa tensyong nagaganap ngayon sa iba’t ibang bansa. Ang terror country na Shina ay inaangkin ang ilang isla na teritoryo ng aming kaharian. Dahil hindi kaya ng aming kaharian na mag-isang makipag-agawan sa Shina ay nagpasya si ama na kausapin ang hari ng Karan upang doon pagplanuhan ang mga susunod na hakbang ng dalawang bansa laban sa Shina.

At ang nakikita nilang paraan upang maging maganda ang kalalabasan ng pag-iisa ng dalawang bansa ay ang ipakasal ang mga anak nila.

Nakilala na namin si Prince Joseph dahil maraming beses na rin kaming nakapag-set ng meeting sa isa’t isa upang kilalanin ang bawat miyembro ng royal families. Masasabi kong napakabait ni Prince Joseph at tiwala kaming lahat sa kaniya na hindi niya sasaktan o pagbubuhatan ng kamay ang aking ate. Subukan lamang niya itong gawin at ako ang makakaharap niya.

Natapos ko nang suklayin ang buhok ni ate. May date pa silang dalawa ngayon ni Prince Joseph sa isang five star hotel kaya naman nagpaganda talaga siya ngayong araw.

“Ayan na, ate! Tapos na! Angganda mo talaga kahit na kailan!” komento ko, na may halong pambobola. Pero totoo namang maganda si ate. Tanggap kong mas maganda siya sa akin at pinupuri ko siya roon. Bilugan ang kaniyang may pagkaasul na mga mata, may mahahabang pilikmata, manipis na mapulang labi, at may gintong mahabang kulot na buhok.

“Naku, salamat, Princess Monica. Sana maging maayos ang pang-apat na date namin ni Prince Joseph.”

“Good luck, ate!” sabi ko.

“Salamat! Good luck din sa ‘yo! Pumasok ka na rin sa school mo.”

“Siyempre naman!” sabi ko at kinuha ko na ang backpack ko sa ibabaw ng kama ni ate at sinuot na ito.

“Sige mauna na ako, ate,” sabi ko at lumabas na nga ako.

Nagtungo ako sa parking area ng kaharian namin at tinungo ang itim na sasakyang nakalaan para sa akin. Palapit pa lamang ako ay lumabas na ang butler ko na si Butler Jordan. Matangkad ito at parehas kaming nineteen years old. Guwapo siya at may singkit na mga mata at makakapal na kilay.

Ang kaniyang ama ay dating butler nina ina at ama. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang ay inampon na siya ng mga magulang ko at sinanay na makipaglaban. Gusto nga rin daw kasi niyang maging butler na kagaya sa kaniyang mga magulang.

Wala namang pagdadalawang-isip ang mga magulang ko na tanggapin siya upang maging butler ko.

Nag-aaral din siya na kagaya ko. Ngunit ang kondisyon lamang ng mga magulang ko kay Jordan ay kung saan ako pupunta ay naroroon din dapat siya. Kaya naman, kung ano ang course ko ay iyon din ang course niya upang hindi siya makalayo sa akin. Magkaklase pa nga kami.

Tinanggap naman ni Jordan iyon. Ang importante lang naman talaga sa kaniya ay ang makapagtapos ng pag-aaral.

Sobrang malapit na kami ni Butler Jordan sa isa’t isa. Para ko na nga rin siyang nakatatandang kapatid. Kahit na magkasing-edad lamang kami, nakatatandang kapatid ang turing ko sa kaniya dahil nga mas matangkad siya at mas mukha naman talaga siyang nakatatanda kaysa sa akin.

Yumuko siya upang magbigay-galang sa akin.

“Magandang umaga, mahal na prinsesa!” pagbati niya sa akin.

“Magandang umaga rin sa ‘yo!” nakangiti ko namang tugon.

Binuksan niya ang kotse.

“Salamat!” sabi ko naman at pumasok na sa backseat.

Marahan naman niyang sinara ang pinto at nagtungo na siya sa driver’s seat upang magmaneho.

“Nagawa mo ba iyong assignment mo, Jordan?” tanong ko.

“Opo, mahal na prinsesa.”

Pinagdikit ko ang magkabila kong mga palad, at binigyan siya ng tinging paawa at pa-cute. “Sige na, please! Hindi ko lang nagawa kagabi!”

Nagbuntong-hininga siya. “Lagi namang hindi ka gumagawa ng mga assignment. Huling pagpapahiram ko na ‘to sa ‘yo, Princess Monica,” sabi niya habang kinukuha ang kaniyang notebook sa kaniyang backpack.

“Oo na. Huling beses na nga ‘to. Sorry na nga!” sabi ko naman nang may pagtatampo.

Inabot niya sa akin ang kaniyang notebook. “Heto, prinsesa,” sabi niya at tinanggap ko naman nang nakangiti.

“Salamat ulit!”

Matapos no’n ay pinatakbo na ni Jordan ang kotse. Dalawampung minuto ang karaniwang ginugugol namin sa biyahe. Ngunit sa pagkakataon ngayon ay medyo traffic kaya umabot ang biyahe ng thirty minutes.

Nang tumingin ako sa wrist watch ko ay naalarma ako nang makitang five minutes na lamang ay magsisimula na ang klase. Pinabilis ko pa nang pinabilis si Jordan.

Mayamaya ay narating na rin namin ang school. Alam ng mga guwardiya kung sino ang mga tao sa loob ng kotse namin. Kabisado na kasi nila ang kotse na sinasakyan ko.

Nagpatuloy sa pagtakbo ang kotse hanggang sa nagtungo ito sa parking area. Taranta na ako. Pero kalmado lang si Jordan.

“Prinsesa, hindi mo naman kailangang mataranta. Hindi naman tayo pagagalitan ni Mr. Smith.”

“Nakakahiya kasi! Alam mo bang noong isang araw, narinig ko si Veronica sa restroom kasama si Rebecca, pinag-uusapan nila ako. Unfair daw ang trato ng mga teacher natin sa atin kumpara sa iba. Totoo naman iyon. Hindi ko sila masisisi. Kaya nga hangga’t maaari, ayokong gumawa ng mga bagay na lalo nilang pag-iisipan ng masama.”

“Hayaan mo sila. Lahat naman ng tao may opinyon. Nasa ‘yo na lang iyan kung paano mo iyon iha-handle.”

“Haist, andami mong sabi. Tara na!” sabi ko at tumakbo na nga ako patungo sa school building. Wala ring ibang nagawa si Jordan kundi ang tumakbo rin.

Nang nasa hagdan na ako, sa pagmamadali ko ay natalisod ako nang itatapak ko na sana ang kaliwa kong paa sa panglimang baitang ng hagdan. Napasigaw ako dahil nawalan ako ng balanse.

Buti na lang at nasalo ako ni Jordan na nasa aking likuran. Ang kaso nga lang, nang saluhin niya ako ay hindi niya kinaya ang bigat ko, isama na rin na mabilis ang mga pangyayari.

Nang masalo niya ako ay bumagsak siya sa sahig habang yakap-yakap ako at sinigurong hindi ako titilapon sa kung saan.

Nanlaki ang aking mga mata sa takot na baka kung ano ang mangyaring masama kay Jordan. Dali-dali akong bumangon at nag-aalalang sinuri ang katawan niya.

“A-ayos ka lang ba, Jordan? Naku, pasensya na!” sabi ko, nag-aalala, natataranta.

Dahan-dahan siyang bumangon. Nang gamitin niya ang kaniyang kanang kamay upang bumangon ay napaungol siya na tila may bali siya sa kaniyang braso.

“Mukhang hindi ka okay? Dalhin na kita sa clinic!”

“Huwag na. Pumunta ka na ng classroom. Baka ma-late ka pa. Pupunta na lang ako ro’n sa clinic nang mag-isa.”

Pinalo ko ang balikat niya. “Ano ka ba naman? Mas importante pa ba na hindi ako ma-late? Huwag ka nang umangal at tara na!”

Matapos no’n ay dahan-dahan nga siyang bumangon. Halatang nahihirapan siya. Ayaw lamang niya itong ipakita sa akin. Either ayaw niyang nag-aalala ako o ayaw niyang ipakita sa akin na nahihirapan siya at maaaring makaapekto iyon sa pagtingin ko sa kaniya bilang isang epektibong butler.

Nang marating ang clinic ay binigyan ng nurse ng first-aid ang braso ni Jordan. Sinabi rin ni Jordan na wala ng ibang parte ng katawan niya ang masakit maliban sa kanang braso niya na malakas na tumama sa sahig.

Umupo ako sa isang upuan sa tabi ng kama kung saan nakahiga at nagpapahinga si Jordan.

“Tinawagan ko na si Sir Smith. Ipinaalam ko na sa kaniya ang nangyari,” sabi ko sa kaniya. “Buti na lang hindi tumama iyong ulo mo sa sahig!” dagdag ko.

“Sinikap ko talagang hindi tumama nang malakas ang ulo ko. Mahirap kapag nangyari iyon.”

Muli kong pinagdikit ang mga palad ko sa harap niya. “Jordan, pasensya na ulit! Sa kamamadali ko, heto tuloy ang nangyari!”

“Huwag mo nang isipin iyan. Maliit na bagay. Ang mas malala ay kung ikaw ang nabalian ng buto. Siguradong tanggal na ako sa trabaho ko. Ayokong biguin ang mga magulang mo.”

“Huwag nga iyan ang isipin mo. Kung gaano kahalaga ang buhay ko, gano’n din ang sa ‘yo.”

Umiling siya. “Alam nating dalawang hindi iyan totoo.”

“Ayokong makipagtalo. Dito ka na muna. Babalik na ako sa classroom. Balikan na lang kita mamayang lunch.”

“Sige! Ipasa mo na rin pala iyong assignment ko, ah?” pakiusap niya.

Ngumiti ako. “Okay. No problem!”

Bumalik na nga ako sa aking classroom. Dali-dali akong nagtungo sa seat ko sa unang bahagi ng first row. Katabi ko ang bestfriend ko na si Lyka na anak ng magistrate ng kaharian. Kulot ang buhok nito na maikli. May bahagya siyang matambok na pisngi at matangos na ilong. May kaunting freckles din sa ilalim ng kaniyang mga mata pero hindi naman ito humahadlang upang maipakita niya ang ganda ng buong pigura ng kaniyang mukha.

“Princess Monica, anong nangyari sa bebe ko?” nag-aalala niyang bungad sa akin habang hinuhubad ko ang aking back pack at inilagay sa ilalim ng aming desk, matapos no’n ay umupo na ako sa tabi niya.

Ang tinutukoy niyang bebe niya ay si Jordan. Crush kasi niya ang lalaking iyon pero sa akin lamang niya ito ipinagsasabi. Wala pa siyang lakas na loob na sabihin ito sa binata.

Para hindi mahalata ni Jordan ang pagkagusto niya rito, lagi niya itong inaaway na parang bata.

“Okay na siya ngayon, Lyka. Fortunately, wala namang nangyaring masama sa kaniya.”

Nagbuntong-hininga siya na tila nakaramdam ng relief.

“Buti na lang. Kapag may nangyaring mas masama sa kaniya, hindi ko talaga alam ang gagawin ko,” sabi pa niya. “Hindi pa ako nakakapagtapat ng feelings sa kaniya, ‘no,” dagdag niya nang pabulong sa akin.

“Sabihin mo na kasi. Tinatagalan mo pa. Pakipot ka pa, eh.”

“Luh! Grabe sa pakipot, ah?” angal niya. “Pero promise, after nating gumrwadewyt, magtatapat na talaga ako ng nararamdaman sa kaniya!”

“Dapat lang. Malay mo may magustuhan na siyang iba, hindi ba?”

“Wala iyon. Kilala ko iyon. Wala iyong ibang gawin kundi ang protektahan ka. Unless ikaw ang matipuhan niya.”

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Para bang diring-diri ako sa ideya pa lang na magkakagusto sa akin si Jordan.

Don’t get me wrong. Wala akong pangmamaliit sa kaniya. Kilala ko na siya magmula nang magtungtong kami sa teenage namin. Sadyang hindi ko lang maisip na magkakaroon ng intimacy sa aming dalawa knowing na lagi kaming magkasama sa halos lahat ng pagkakataon outside ng kaharian.

“Magtigil ka nga diyan. Nakakakilabot, ‘no. Hindi ako magkakagusto ro’n!—at siya rin sa akin.”

Mayamaya ay nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa palda na aking uniporme. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay bahagya akong napaisip kung bakit tumatawag sa akin ngayon ang butler ni ate. Never pa itong tumawag sa akin at ngayon ang unang pagkakataon.

Sinagot ko ang tawag niya. “Hello!”

“Magandang umaga, Prinsesa Monika!” sabi ng butler ni ate sa agresibo at nag-aalalang tono, dahilan upang makaramdam ako ng pagkabahala.

“Yes, napatawag kayo?”

Nagkaroon muna ng saglit na katahimikan sa kabilang linya na tila hindi ito handang magsalita ngunit tinatatagan lamang niya ang loob.

“Hello? A-anong problema?” pagtataka ko.

“Sino iyan?” tanong pa sa akin ni Lyka nang may pagtataka sa mga mata. Ngunit hindi ko siya sinagot.

Abala ang isipan ko sa nakaiintrigang tono ng pagsasalita ng butler sa kabilang linya.

“Si Prinsesa Eunice, naaksidente ang sinasakyan niyang kotse!”

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 2: Her Death

    MONICA’s POVNAGTUNGO ako sa libingan ni ate. Nagdala ako ng isang bocquet ng hyacinth—bulaklak na sumisimbolo ng katahimikan niya sa kabilang buhay. Kasa-kasama ko ngayon si Jordan na nasa aking likuran.Ngayon ang unang monthsary magmula nang mamatay ang ate ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on matapos ang aksidenteng nangyari sa kaniya. Lubha ko itong dinamdam. Pakiramdam ko’y isa lamang panaginip ang lahat.Naramdaman ko na lamang ang biglang pagbuhos ng luha sa aking mga mata at lumakbay ito patungo sa aking pisngi. Kaagad ko rin itong pinunas at sinabayan ng pagsinghot ng aking sipon.Muling nanumbalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala naming dalawa ni ate. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang tuluyang pagbagsak ng aking mga luha. Nawalan din ako ng lakas kung kaya’t babagsak na sana ako no’n sa lupa kung hindi lamang ako mabilis na nasalo ni Jordan.

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 3: Change of Plan

    MONICA’s POV“Gusto ka naming ipakasal sa prinsipe ng Karan kapalit ang iyong ate,” wika ni ina na labis kong ikinabigla.Napahawak ako sa sopa habang nakapako ang tingin kay ina at hindi alam kung paano tutugunan ang sinabi niya. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko’y isa lamang kalokohan ang mga sinasabi niya. But there’s no way na magsasalita si ina ng isang kalokohan. It must be true.Nagtinginang muli sina ina at ama, parehong kabado sa isasagot ko.“Pasensya ka na, Princess Monica. Ngunit wala na kaming magagawa pa ngayon. Mahalaga ang papel ng pakikipag-isa ng dalawang kaharian upang mas mapatatag natin ang ating bansa laban sa Shina,” paliwanag ni ama.Naikuyom ko ang aking isang kamao na ngayo’y nakapatong na sa aking hita.“Hindi pa ako handang magpakasal, ina,” sabi ko kay ina, at tumingin ako kay ama, “ama,” dagdag ko. “Masyado

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 3: Change of Plan

    MONICA’s POV“Gusto ka naming ipakasal sa prinsipe ng Karan kapalit ang iyong ate,” wika ni ina na labis kong ikinabigla.Napahawak ako sa sopa habang nakapako ang tingin kay ina at hindi alam kung paano tutugunan ang sinabi niya. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko’y isa lamang kalokohan ang mga sinasabi niya. But there’s no way na magsasalita si ina ng isang kalokohan. It must be true.Nagtinginang muli sina ina at ama, parehong kabado sa isasagot ko.“Pasensya ka na, Princess Monica. Ngunit wala na kaming magagawa pa ngayon. Mahalaga ang papel ng pakikipag-isa ng dalawang kaharian upang mas mapatatag natin ang ating bansa laban sa Shina,” paliwanag ni ama.Naikuyom ko ang aking isang kamao na ngayo’y nakapatong na sa aking hita.“Hindi pa ako handang magpakasal, ina,” sabi ko kay ina, at tumingin ako kay ama, “ama,” dagdag ko. “Masyado

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 2: Her Death

    MONICA’s POVNAGTUNGO ako sa libingan ni ate. Nagdala ako ng isang bocquet ng hyacinth—bulaklak na sumisimbolo ng katahimikan niya sa kabilang buhay. Kasa-kasama ko ngayon si Jordan na nasa aking likuran.Ngayon ang unang monthsary magmula nang mamatay ang ate ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on matapos ang aksidenteng nangyari sa kaniya. Lubha ko itong dinamdam. Pakiramdam ko’y isa lamang panaginip ang lahat.Naramdaman ko na lamang ang biglang pagbuhos ng luha sa aking mga mata at lumakbay ito patungo sa aking pisngi. Kaagad ko rin itong pinunas at sinabayan ng pagsinghot ng aking sipon.Muling nanumbalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala naming dalawa ni ate. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang tuluyang pagbagsak ng aking mga luha. Nawalan din ako ng lakas kung kaya’t babagsak na sana ako no’n sa lupa kung hindi lamang ako mabilis na nasalo ni Jordan.

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 1: The Plan

    MONICA’s POV“ATE, ayos lamang ba talaga sa ‘yo na magpakasal ka sa kaniya?” tanong ko kay ate habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok.Nginitian ako ni ate habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa aming harapan. “Ayos lamang iyon, Princess Monica.”“Kunsabagay, guwapo rin naman ang prinsipe ng Karan. Hindi ka na lugi sa kaniya. Pero paano si . . .” Huminto ako sa pagsasalita upang hayaang maisip ni ate kung sino ang taong tinutukoy ko. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.“Si France?” Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni ate habang ibinaba ang kaniyang tingin. Nararamdaman ko ang panghihinayang sa mga mata niya.“Oo, ate. Alam kong . . . gusto mo siya,” sambit ko.Si France ay matagal nang manliligaw ni ate. Kami lamang dalawa ang nakaalam nito dahil pilit itong itinatago ni ate sa mga magulang namin.Dala

DMCA.com Protection Status