Share

Chapter 2: Her Death

Author: Jack Ryo
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

MONICA’s POV

NAGTUNGO ako sa libingan ni ate. Nagdala ako ng isang bocquet ng hyacinth—bulaklak na sumisimbolo ng katahimikan niya sa kabilang buhay. Kasa-kasama ko ngayon si Jordan na nasa aking likuran.

Ngayon ang unang monthsary magmula nang mamatay ang ate ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on matapos ang aksidenteng nangyari sa kaniya. Lubha ko itong dinamdam. Pakiramdam ko’y isa lamang panaginip ang lahat.

Naramdaman ko na lamang ang biglang pagbuhos ng luha sa aking mga mata at lumakbay ito patungo sa aking pisngi. Kaagad ko rin itong pinunas at sinabayan ng pagsinghot ng aking sipon.

Muling nanumbalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala naming dalawa ni ate. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang tuluyang pagbagsak ng aking mga luha. Nawalan din ako ng lakas kung kaya’t babagsak na sana ako no’n sa lupa kung hindi lamang ako mabilis na nasalo ni Jordan.

“Ayos lamang ba kayo, prinsesa?” nag-aalala niyang tanong.

Niyakap ko si Jordan dahil sa lubha kong pagdadalamhati. Bumagsak sa balikat niya ang mga luhang galing sa aking mga mata.

“Jordan! Ansakit pa rin! Hindi ko kayang kalimutan si ate!” sigaw ko habang patuloy ang pag-uunahan ng aking mga luha. Tila may mabigat na bagay ang paulit-ulit na dumudurog sa puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay.

Niyakap din ako ni Jordan. Ramdam ko ang marahang paghimas niya sa aking likuran upang pagaanin ang kalooban ko.

“Naranasan ko na rin ang mamatayan, prinsesa. At totoong napakasakit nito. Parang gusto ko nang maglaho na lang nang bigla at sumama sa kanila. Pero . . . pinalipas ko na lang ang mga araw. Alam kong darating din ang araw na tuluyan ko na ring matatanggap ang nangyari at kailangan kong ipagpatuloy ang mabuhay.”

Inilayo ko ang katawan ko sa katawan ni Jordan upang tingnan siya sa mga mata. Ngayong napag-iisip ko, sigurado ngang mas masakit pa sa nararamdaman ko ngayon ang naramdaman niya noon nang mamatay ang kaniyang mga magulang, dahilan upang maging ulila siya.

Tumingin din sa akin si Jordan at sinundan ng pagngiti sa akin. Walang kasing tamis ang ngiting ipinakita niya sa akin. Tila kinurot nito ang puso ko para sa emosyong hindi ko pa nararamdaman towards sa kaniya. “Kaya mo iyan, prinsesa. Magpakatatag ka lang.”

Lumunok ako ng laway at tuluyan ko nang inilayo ang katawan sa kaniya. Pinunas ko na rin ang luha sa aking mga mata at muli ay suminghot ng sipon.

Inabot sa akin ni Jordan ang kaniyang panyo. “Hindi ko pa ‘to nagagamit kaya huwag kang mag-alala,” sabi niya.

Nagdalawang-isip naman akong tanggapin iyon pero nang idiin niya ito sa akin ay napilitan ako. Tinanggap ko na lamang iyon at pinunas ko iyon sa gilid ng aking mga mata, maging sa aking pisngi.

“Lalabhan ko na lang ‘to. Ibabalik ko rin sa ‘yo.”

“Walang problema, prinsesa,” nakangiti niyang tugon, muli ay tila kinurot at kinuryente ang puso ko sa kung ano mang dahilan.

Am I liking him now?

Hindi iyon puwede. Hindi ako puwedeng magkagusto sa kaniya. Hindi iyon matatanggap nina ina at ama. At bukod doon, aminado akong hindi ako magkakagusto sa kaniya dahil sa family background niya bilang butler. Gusto kong magkaroon ng mapapangasawa na mula sa isang mayamang pamilya, isang sikat, at isang lalaking kaiinggitan ng mga babae. I don’t think na mapapasok si Jordan doon.

Still, I appreciate Jordan as a human being, not as a person na makakasama ko hanggang sa pagtanda ko.

Lumunok ako ng aking laway at kinalimutan si Jordan. Muli akong humarap sa puntod ni ate at marahang ipinatong ang bulaklak sa puntod. “Ate, magpahinga ka lang. Alam kong nasa mabuti ka nang kalagayan ngayon. Aalagaan ko sina ina at ama. Iingatan ko rin ang sarili ko. Wala kang dapat na alalahanin sa aming lahat,” sambit ko. “Aalis na kami,” sabi ko at naglakad na nga ako palayo patungo sa aming kotse. Sumunod naman sa akin si Jordan.

Siya ang nagbukas ng pinto para sa akin at pumasok naman ako. Nagtungo naman siya sa driver’s seat at saka sinimulan nang magmaneho.

“Tumawag nga pala ang mahal na reyna. Gusto ka niyang kausapin,” sabi ni Jordan.

“Talaga? Tumawag siya sa ‘yo?” durog ang boses kong tanong.

“Oo, mahal na prinsesa. Kanina pa siya tumatawag sa phone mo. Nakapatay yata. Kaya ako ang tinawagan niya.”

“Gano’n ba? Tungkol naman saan?”

“Hindi ko rin alam. Hindi niya sinabi. Basta’t pinapapunta ka lamang niya. May mahalaga yata siyang sasabihin sa ‘yo.”

Pinabilis ko sa pagmamaneho si Jordan. Wala pang isang oras ay narating na namin ang kaharian. Mabilis akong nagtungo sa kuwarto ng hari at reyna na sina Queen Madeline at King Ferdinand. May royal guard na nagbabantay sa labas ng kuwarto. Nang makita niya ako ay hinubad niya ang kaniyang sumbrero, kasunod ang mababang pagyuko sa akin at ang sumbrero naman ay nasa kaniyang dibdib. Ganito ang paraan nila ng pagbibigay galang sa royal family.

“Pumasok na po kayo, mahal na prinsesa. Kanina pa kayo hinihintay ng mahal na reyna at mahal na hari!”

Nginitian ko lamang ang guwardiya at pumasok na ako.

Malawak ang silid-tulugan nina ina at ama. Naririto rin kasi ang opisina nila.

“Prinsesa!” pagtawag sa akin ni ina na nakaupo sa sopa. Katabi niya si ama.

“Magandang araw, ina, ama,” sabi ko naman habang naglalakad patungo sa kanila. Umupo ako sa kaharap nilang sopa.

May nakahaing tea sa center table na siya nilang pinagsasaluhan ngayon.

“Nagpunta ka raw sa puntod ng prinsesa?” paniniguro ni ama sa akin kasunod ang paghigop niya sa tea.

“Opo, ama. Na-miss ko lang siya.”

Naaawa nila akong tiningnan.

“Bakit niyo nga pala ako gustong makausap?” tanong ko.

Nagtinginan sina ina at ama na tila hindi sila komportable sa kanilang sasabihin. Matapos ang kanilang pagtitinginan ay nagklaro ng lalamunan si ama.

Napaisip naman ako kung bakit ganito ang ikinikilos nilang dalawa. Nawiwirdohan ako.

“Ano po ba iyon? Sabihin niyo na po sa akin.”

Tumabi sa akin si ina at hinawakan ang aking kamay habang nakapako ang tingin sa akin. Hindi pa man sila humihingi ng pabor sa akin ay tila ramdam ko na ang pakiusap sa kanilang mga mata na pumayag ako sa kung ano man ang sasabihin nila.

“Prinsesa, alam mo naman ang tungkol sa nangyari sa iyong kapatid, hindi ba? Kinalulungkot naming nangyari iyon sa kaniya. Pero ang kasunduang pinirmahan namin ng kaharian ng Karan, hindi iyon puwedeng mabali.”

“Ina, ano po bang ibig niyong sabihin?” naguguluhan kong tanong.

“Gusto ka naming ipakasal sa prinsipe ng Karan kapalit ang iyong ate.”

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 3: Change of Plan

    MONICA’s POV“Gusto ka naming ipakasal sa prinsipe ng Karan kapalit ang iyong ate,” wika ni ina na labis kong ikinabigla.Napahawak ako sa sopa habang nakapako ang tingin kay ina at hindi alam kung paano tutugunan ang sinabi niya. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko’y isa lamang kalokohan ang mga sinasabi niya. But there’s no way na magsasalita si ina ng isang kalokohan. It must be true.Nagtinginang muli sina ina at ama, parehong kabado sa isasagot ko.“Pasensya ka na, Princess Monica. Ngunit wala na kaming magagawa pa ngayon. Mahalaga ang papel ng pakikipag-isa ng dalawang kaharian upang mas mapatatag natin ang ating bansa laban sa Shina,” paliwanag ni ama.Naikuyom ko ang aking isang kamao na ngayo’y nakapatong na sa aking hita.“Hindi pa ako handang magpakasal, ina,” sabi ko kay ina, at tumingin ako kay ama, “ama,” dagdag ko. “Masyado

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 1: The Plan

    MONICA’s POV“ATE, ayos lamang ba talaga sa ‘yo na magpakasal ka sa kaniya?” tanong ko kay ate habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok.Nginitian ako ni ate habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa aming harapan. “Ayos lamang iyon, Princess Monica.”“Kunsabagay, guwapo rin naman ang prinsipe ng Karan. Hindi ka na lugi sa kaniya. Pero paano si . . .” Huminto ako sa pagsasalita upang hayaang maisip ni ate kung sino ang taong tinutukoy ko. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.“Si France?” Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni ate habang ibinaba ang kaniyang tingin. Nararamdaman ko ang panghihinayang sa mga mata niya.“Oo, ate. Alam kong . . . gusto mo siya,” sambit ko.Si France ay matagal nang manliligaw ni ate. Kami lamang dalawa ang nakaalam nito dahil pilit itong itinatago ni ate sa mga magulang namin.Dala

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 2: Her Death

    MONICA’s POVNAGTUNGO ako sa libingan ni ate. Nagdala ako ng isang bocquet ng hyacinth—bulaklak na sumisimbolo ng katahimikan niya sa kabilang buhay. Kasa-kasama ko ngayon si Jordan na nasa aking likuran.Ngayon ang unang monthsary magmula nang mamatay ang ate ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-move on matapos ang aksidenteng nangyari sa kaniya. Lubha ko itong dinamdam. Pakiramdam ko’y isa lamang panaginip ang lahat.Naramdaman ko na lamang ang biglang pagbuhos ng luha sa aking mga mata at lumakbay ito patungo sa aking pisngi. Kaagad ko rin itong pinunas at sinabayan ng pagsinghot ng aking sipon.Muling nanumbalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala naming dalawa ni ate. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang tuluyang pagbagsak ng aking mga luha. Nawalan din ako ng lakas kung kaya’t babagsak na sana ako no’n sa lupa kung hindi lamang ako mabilis na nasalo ni Jordan.

  • Arranged Married to the Prince   Chapter 1: The Plan

    MONICA’s POV“ATE, ayos lamang ba talaga sa ‘yo na magpakasal ka sa kaniya?” tanong ko kay ate habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok.Nginitian ako ni ate habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa aming harapan. “Ayos lamang iyon, Princess Monica.”“Kunsabagay, guwapo rin naman ang prinsipe ng Karan. Hindi ka na lugi sa kaniya. Pero paano si . . .” Huminto ako sa pagsasalita upang hayaang maisip ni ate kung sino ang taong tinutukoy ko. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.“Si France?” Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni ate habang ibinaba ang kaniyang tingin. Nararamdaman ko ang panghihinayang sa mga mata niya.“Oo, ate. Alam kong . . . gusto mo siya,” sambit ko.Si France ay matagal nang manliligaw ni ate. Kami lamang dalawa ang nakaalam nito dahil pilit itong itinatago ni ate sa mga magulang namin.Dala

DMCA.com Protection Status