Maagang nagising si Natalie. Magiging abala siya buong maghapon kaya napagpasyahan niyang simulant ang araw ng mas maaga kaysa nakasanayan niya. Abala siya sa pagsuot ng uniporme sa trabaho nang mag-vibrate ang telepono niya. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, saglit siyang natigilan bago sagutin ang tawag.“Hello?”[Natalie,] mahinahon na bungad sa kanya ni Jose Panganiban sa kabilang linya. [May oras ka ba mamayang hapon? Kung oo,Kung oo, pwede na nating puntahan ang family court para tapusin ang proseso.]Parang malamig na simoy ng hangin ang mga salitang iyon kay Natalie. Alam niyang mabilis na abogado si Jose Panganiban pero hindi niya inakalang mabilis din pala ito.“Ang bilis naman.”Sa palagay ni Natalie ay naging epektibo ang pag-arte ni Irene kagabi kaya hindi na nag-aksaya ng oras pa si Mateo at sinimulan na ang lahat. Ang isiping iyon ay nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib, ngunit maagap naman niyang napigilan.Sa mahinahong tono, may sagot si Natalie. “Sure, may
Hindi man magsalita si Mateo, alam n ani Isaac na hindi na ito natutuwa sa pagdaan ng mga oras. Likas na maikli ang pasensya ng boss niya at hindi ito sanay na naghihintay. Dalawang tasa na ng matapang na kape ang naubos nito ngunit imbes na maging aktibo ito---tila lalong lumalim ang inis sa bawat galaw ng kamay ng malaking orasan na nakasabit sa pader.Hindi maisatinig ni Isaac pero hindi niya maiwasang magtanong. “Ano bang ginagawa ni Natalie? Sinasadya ba talaga niyang subukin ang pasensya ni sir?”Palubog na ang araw at humahaba na ang mga anino sa lobby ng family court, wala pa ring pinagbago, mabigat at tahimik pa rin ang atmospera doon. Paminsan-minsan ay sinisira ng malakas na pag-ring ng telepono ni Natalie ang katahimikan. Ngunit, ganoon pa rin. Wala pa ring sagot.**Alas singko na ng matapos ang kabuuan ng operasyon.“Naku po!” bulong ni Natalie sa sarili. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nagmadali siyang maligo at magbihis. Pagkatapos ay tinungo ang opisina para kunin a
Kung tutuusin, hindi naman ito ang unang beses na pinuna ni Mateo si Natalie ng ganoon, kung meron mang hindi kumupas, iyon ay ang sakit ng mga salita galing sa kanya. Tumigil sa paghakbang palayo si Natalie. Mistulang napako siya sa kinatatayuan, litong-lito at muling sinubukan unawain kung saan nagmumula ang galit nito.“Mag-isip ka, Natalie! Ano nga ba ang hindi mo maintindihan?” Tanong niya sa sarili. Alam niyang nagkamali siya at alam niyang sa dami ng mga araw na pwede siyang magkamali----nataon pa sa araw na iyon.Umikot siya at humakbang pabalik kung nasaan ito at may sinseridad na nagsalita. “Mali ako dahil na-late ako at dahil sa akin, maantala ang mga plano niyo. Gusto mo bang magpa-reschedule ako para bukas ng umaga?”Humagalpak ng tawa si Mateo. Ang mukha ay nanatiling kalmado ngunit ang kanyang madilim na mga mata ay nag-aalab ng malinaw na mensahe ng pagkadismaya.“Busy akong tao, Natalie at hindi ko pwedeng pagbigyan kung kailan mo lang maisip na gawin ito. May kumpany
Magniningning ang mga mata ni Nilly sa determinasyon habang papalapit kay Natalie. Matagal na niyang kinukumbinsi ang kaibigan na ipaglaban ang karapatan nito. At kahit na may mga inaalok sa kanya si Mateo, alam ni Nilly na hindi to tatanggapin ng kaibigan. Pero ibang usapan kapag sarili niyang karapatan ang nakataya. “Come to think about it, dati, hindi ka lumalaban dahil alam mong wala kang panalo. Pero iba na ngayon---si Rigor mismo ang nagbukas ng pagkakataon para sayo. Senyales na ito galing sa universe, Nat! Kaya pakiusap, huwag mong sayangin ito!”Nag-alinlangan si Natalie, isang palatandaan ang paglalaro niya ng mga daliri sa kanyang kandungan. “Hindi ko lang maintindihan kasi, Nilly. Bakit ngayon? Nagbago na ba talaga siya? Hindi mawala sa isip ko na siguradong may dahilan siya.”“Eksakto!” Sang-ayon ni Nilly. “Isipin mo, kung may plano nga ‘yang tatay mo, may karapatan kang kunin ang nararapat na para sa inyo ni Justin. Nasa tamang gulang ka na at ikaw ang tumatayong guardia
“Rigor!” Sigaw ni Janet, nanggagalaiti ito. “Sinusubukan mo talaga ako!” Dinuro niya ang lalaki, ang mga mata ay nagliliyab. “Ikaw…paano mo nasasabi ang mga bagay na ‘yan? Baka nakakalimutan mo kung sino ang dahilan kung bakit maayos ang buhay mo ngayon? Lahat ng magagandang bagay na nangyayari sayo ay dahil kay Irene! Kung hindi dahil sa kanya, wala na ang lahat sayo! Ang lahat ng swerte na nangyayari sa pamilyang ito ay dahil kay Irene! Naiintindihan mo ba ako?”Tipid na ngumiti si Rigor sa kabila ng paghuhuramentado ng asawa. Inayos pa niya ang natabinging salamin at tinitigan ang babae ng mata sa mata. “Ganoon ba?”Malumanay ang kanyang boses ngunit sapat ang talim. “Hm, maaring ‘yan ang gusto niyong paniwalaan ko. Pero alam ko kung ano ang totoo. Noong gabing iyon sa Golden Palace, hindi si Irene ‘yon---kundi si Natalie.”Nanahimik ang buong silid at tila huminto ang oras kasabay ng bigat ng mga isiniwalat ni Rigor. Nawalan ng dugo ang mukha ni Irene at ng nagtangka itong magsali
Umupo muli ng maayos si Rigor matapos tanggihan ni Natalie ang alok na pagkain. Kalmado ito at maingat. “Kung ganoon, hintayin na lang natin na maihain ang hapunan bago tayo kumain ng sabay-sabay.”Habang sinasabi iyon, nanumbalik ang talim sa kanyang mga tingin at tumigil kina Irene at Janet na para bang pinapaalalahanan sila sa napagkasunduan nila. Pagkatapos ay kay Natalie naman. “Nat, wala ka bang sasabihin sa Tita Janet at sa kapatid mo?”Nanlumo si Natalie sa narinig ngunit inaasahan na niya ang senaryong iyon. Kailangan din niyang manatiling kalmado. Tipid siyang ngumiti at mahinahong sinunod ang utos ng ama.“Good evening po.”Ang ngiti ni Janet ay maaliwalas ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. Gaya ni Natalie, kailangan din niyang magpanggap na natutuwa kahit na naghihimagsik ang kalooban. “Mabuti at napilit ka ng tatay mo. Ang tagal na rin ng huli tayong magkasama sa pagkain, ano? Alam niyo, napakagandang pagkakataon talaga ng birthday ng tatay niyo para magkasama-sam
Hindi natutuwa si Mateo. Ang galit nito ay ramdam ng lahat, parang paparating na bagyo ngunit hinarap ito ni Natalie ng may ngiti na may panunuya. Dati ng naging ugat ng pagaaway nila noon si Rigor dahil inakala ni Mateo na may relasyon sila ni Natalie. Hindi rin malabong iyon ang tumatakbo sa isip nito ngayon nang makita siya. Dahil hindi niya maamin na anak siya ni Rigor at hindi babaeng bayaran, hinayaan niyang iyon nga ang isipin ni Mateo. Hindi naman niya inakalang darating ang araw na magkakaharap sila. Hindi rin mapakali si Rigor.“Wow, anak na ako ngayon ng matagal at mabuti niyang kaibigan,” napangiti si Natalie sa naisip. “Ito pala ang sinasabi niyang gusto niyang magkasama-sama kami.”Nag-alangan si Rigor at mabilis na umiwas sa mga mapanuring mata ni Mateo. “Natalie, Mateo…uhm…”naputol ang kanyang sasabihin at muling iniwas ang tingin mula sa matalim na tingin ni Natalie.Ayaw ni Natalie na maunahan pa siya kaya diretso siyang tumingin kay Mateo at ngumiti ng matipid. “Mag
Nanatili ang malamig na ekspresyon ni Natalie habang pabalik siya sa kanyang upuan. Walang emosyon na maaninag sa kanyang maputlang mukha. Nakasunod sa kanya si Mateo at ramdam pa rin ang masidhing titig nito sa kanya na tila sinusunog ang kanyang likod.“Natalie!”Ang boses nito ay puno ng pinaghalong galit at inis at umalingawngaw iyon mula sa likuran niya. Hindi niya ito pinansi, tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nanatiling taas-noo. Sunod niyang narinig ang mabilis na mga yabag na humahabol sa mga yabag niya ngunit hindi pa rin siya tumigil o lumingon.Hindi pwede.**Nang makabalik na siya sa mesa, agad na tumayo si Rigor at hinila ang silya papunta sa tabi niya. Ang kilos nito ay magiliw at masyadong sabik. “Dito ka na maupo, Natalie.”Nagulat man, magalang pa rin siyang tumango matapos magpasalamat. Walang alinlangan siyang naupo ngunit nanatiling maingat pa rin ang mga galaw.Nakabalik na rin si Mateo sa kabilang dako ng mesa at naupo sa dating pwesto. Nang makita nito ang gin
Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na puno ay parang mga higanteng anino na gumagalaw kasabay ng nagngangalit na bagyo.Pinili ni Natalie na magpatuloy, kahit na ang bawat hakbang niya ay lumulubog sa maputik na lupa. Ang mga hibla ng buhok niya ay dumidikit sa mukha at ang kanyang paghinga ay mabigat habang nagpapatuloy siya sa paghahanap.Matagal-tagal na rin siyang naglalakad, ngunit wala pa ring bakas ni Mateo.Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Natalie. “Sa iba ba siya dumaan? Imposible naman. Sigurado akong doon ako dumaan sa kung saan siya dumaan. Eto lang ang pwede niyang daanan.”Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib niya. “Hala. Paano kung…paano kung nakabalik na si Mateo sa kotse at wala ako doon?”Imbes na maging ok
Napaisip si Mateo. “Talaga bang naiinis siya sa amoy ng damit ko?”Hindi pa niya nagagawang magsalita ay nahila na pabalik ni Natalie ang kamay at nagawa ng buksan ang pintuan sa likod ng kotse.“Sandali, huwag ka ng lumipat sa likod. Lalo kang makakaramdam ng hilo kapag dyan ka pumwesto.” Dali-dali niyang hinubad ang suot na jacket, nirolyo ito at itinapon sa likod ng sasakyan. “Ayan, itatapon ko ‘yan sa unang basurahan na madadaanan natin, okay?”Nag-iisip si Natalie, nakapamewang pa ito. Hindi man niya gustong aminin, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa simpleng kilos na iyon. “Bahala ka.”“Dito ka na ulit sa harap.”“Oo nga!”Muntik ng matawa si Mateo, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pero naisip niya kung bakit nagkakaganoon si Natalie. “Nagseselos ba siya?”Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang katabi at kahit na pumayag na itong maupo ulit sa harapan, may paraan ng pag-iwas si Natalie ng tingin sa kanya. Ipinagpatuloy din nito ang pagbubukas sa
“Last na ‘to, promise.” Tiyak ang pagkakasabing iyon ni Mateo. May tipid na ngiti din ito sa labi. Isang ngiti na hindi madaling basahin. “Tama ka. Napagdesisyunan ko na, na ito na ang huling beses. Pagbalik natin sa Pilipinas, hindi na kita guguluhin.”Nalito si Natalie at halata iyon sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. May kung anong bigat sa dibdib niya nang marinig iyon pero pinili niyang huwag na lang itong pansinin.“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Tumawa si Mateo ng may panunukso sa tinig. “Mag-asawa tayo dati, Nat. Siguro naman, kabisado mo kahit paano ang ugali ko.”Syempre, kabisadong-kabisado ni Natalie. At dahil nga kabisado niya, hindi siya lubos makapaniwala. Marami na siyang narinig na pangakong parang may kasiguraduhan kahit wala naman pagdating sa huli. Ilang beses na itong nangakong hindi na lalapit pero si Mateo mismo ang lumalabag sa pangako niya.Pero hindi na nakipagtalo si Natalie.Sa halip ay tumango siya. “Salamat kung ganoon.”Iyon lang ang sagot niya--
Namilog ang mga mata ni Natalie sa gulat. Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!” Himutok niya sa sarili.Palakas ng palakas ang loob nito at sinusubukan pa din ang swerte niya. Sa inaasta nito ngayon, kulang na lang na ipamukha sa kanya ni Mateo na dapat niyang tanggapin ang presensya nito sa ayaw at sa gusto niya.“Alam mong gusto kita, Natalie,” hindi ito nag-atubili. “Talaga bang kaya mong tiisin na may isang taong may gusto sayo at labis na nag-aalala?”Napaawang ang bibig ni Natalie sa baluktot na lohikang ginamit sa kanya ni Mateo. Para sa kanya, wala itong ka-kwenta-kwentang rason.Nagbuga siya ng hangin habang pinipigil ang sarili. Napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng halaga ang kahibangan ni Mateo. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Matulin at determinado ang bawat hakbang niya.“Natalie? Natalie! Hintay!”Narinig niya ang galit na boses ni Mateo na tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit pero hind
Walang taong mabait sa iba nang walang dahilan. Hindi inosente si Natalie at lalong hindi siya mapagpanggap. Matagal na niyang alam na may gusto sa kanya si Mateo.Yun nga lang, mas gusto nito si Irene.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi nito kayang mamili sa pagitan ng dalawang babae. Alam naman siguro niyang hindi pwedeng magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya ng sabay. Bukod sa komplikado, magulo din. Pero hindi na muna niya gustong isipin ‘yon sa ngayon.Dahil sa sandaling hiningi ni Mateo sa kanya ang diborsyo, natapos na rin ang lahat kaya hindi niya maintindihan kung bakit lumalapit pa ito sa kanya.Pinag-aaralan ni Natalie si Mateo, sinusubukan niyang basahin ang magulong laman ng isip nito. Palagi itong mayabang, palaging sigurado sa kanyang mga desisyon. Pero pagdating sa kanya, bigla itong nag-aalinlangan.Hindi na naitago ni Natalie ang paglitaw ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng tao at mga bagay? Pwede kang magkaro
“Teka, paano ko siya dadalhin sa ospital?” Tanong ni Natalie sa sarili. “Nakalimutan kong wala nga pala kami sa Pilipina kung saan gamay ko ang sistema at may koneksyon ako sa mga ospital. Hindi ganito ang sistema dito sa Canada.”Hindi rin Canadian citizen si Rigor at sa pagkakaalam niya, mahirap magpa-admit kapag naka-tourist visa lang. Kahit pumayag na ito na magpa-ospital, siguradong madugo ang proseso dahil sa patakaran. Wala na silang oras pa.Mabilis na kinalkal ni Natalie ang utak para sa solusyon. Kailangan niyang makahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanila. Kailangan niya ng isang taong may kapangyarihan para lagpasan ang lahat ng patakaran at maging madali ang proseso.Halos hindi na niya kailangang mag-isip dahil may pangalan na ang taong kailangan niya.Mateo Garcia.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya ito pagkatapos ng engkwentro nila kanina.Ngunit pinaalala niya sa sarili na hindi ito ang tamang oras para pai
Halatang mas masama ang lagay ni Rigor kaysa pinapakita niya. Ang pamumutla na nasundan ng pagsusuka at pagtatae maghapon ay nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Matapos makita ang lahat ng sintomas, inisip ni Natalie na posibleng sanhi ito ng food intolerance dahil sa pag-aadjust ng katawan sa bagong klima at lugar.“Hindi naman ito seryoso,” paliwanag sa kanya ng ama, sabay kumpas ng kamay. “Ano lang ‘to…naninibago lang ang sikmura ko sa pagkain at tubig dito. Ayos lang ako.”Ngunit lumalim lang ang kunot sa noo ni Natalie. Bilang isang alagad ng medisina, alam niyang hindi dapat binabalewala ang food intolerance dahil maaari itong humantong sa dehydration o iba pang komplikasyon kapag hindi nabigyan ng tamang lunas.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, nagpasya siyang huwag na lang makipagtalo dahil nasa ibang bansa sila at marami pa siya inaasa sa ama. Hindi niya gugustuhing magkaproblema sila---lalo na ngayon na abot kamay na nila ni Justin ang bagong buhay na inaasam nila.Napa
May mga bagay na hindi na kailangang iutos pa sa kanya ni Mateo. Sa tagal na niyang nagtatrabaho para rito---nasanay na si Isaac na alamin ang mga bagay na maaaring makatulong sa hinaharap lalo na pagdating sa personal na buhay ng boss. Habang nasa labas ito, siya naman ay abala sa pagkalap ng mga impormasyon kung bakit umalis si Natalie at nagpunta ng Canada. Unti-unti niyang nabuo ang isang kwento na maaaring magbigay linaw sa lahat.“Galing ang impormasyon na nakuha ko sa rehabilitation center ni Justin Natividad, ang nakababatang kapatid ni Natalie,” panimulang paliwanag ni Isaac.“Oh, tapos?” Tumaas ang kilay ni Mateo habang hinihintay ang kasunod pang detalye.“Kararating lang last week ng resulta ng aplikasyon ni Justin galing Wells Institute, sir.”“At ano ang resulta?” lumalim ang kunot sa noo ni Mateo. Hindi na siya makapaghintay.“Pumasa ang bata. Kwalipikado si Justin. Ang balita, mataas ang nakuhang marka.”“Hm, Wells Institute?” ulit ni Mateo. Halatang nalilito siya. Wal
“Sasaktan niya ba ako? Diyos ko po.”Nanigas si Natalie at ang nanlalaki niyang mga mata ay nakatuon kay Mateo. Bawat kalamnan ng kanyang katawan ay napuno ng takot habang hinihintay ang kahihinatnan niya.Isang malamig na hangin ang dumampi sa pisngi niya habang lumilipad ang kamao nito---ipinikit niya ang mga mata. Ngunit ang inaasahan niyang sakit mulo sa suntok nito ay hindi dumating.Sa halip…Bang!Ang puno sa tabi niya ay umuga ng bumagsak ang kamao ni Mateo doon. Umalingawngaw ang tunog ng pagtama ng mga buto sa kahoy at may mga nalaglag na dahoon sa paanan niya.Hindi mahina ang suntok na pinakawalan nito.“Mateo!” bulalas ni Natalie. Nabahala siya at inabot ang kamay ng lalaki. “Nasaktan ka ba? Patingin---”Ngunit bago niya makuha ang kamay nito, mabilis na naiiwas ni Mateo ang kamay. May ngiti ito sa labi. Isang ngiting may sakit kaysa nakakatawa.“Titingnan mo? Para saan, Natalie?” May pait na tanong nito. “Mahalaga ba talaga ako sayo?”Para siyang sinampal ng mga salitang