Nanatili ang malamig na ekspresyon ni Natalie habang pabalik siya sa kanyang upuan. Walang emosyon na maaninag sa kanyang maputlang mukha. Nakasunod sa kanya si Mateo at ramdam pa rin ang masidhing titig nito sa kanya na tila sinusunog ang kanyang likod.“Natalie!”Ang boses nito ay puno ng pinaghalong galit at inis at umalingawngaw iyon mula sa likuran niya. Hindi niya ito pinansi, tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nanatiling taas-noo. Sunod niyang narinig ang mabilis na mga yabag na humahabol sa mga yabag niya ngunit hindi pa rin siya tumigil o lumingon.Hindi pwede.**Nang makabalik na siya sa mesa, agad na tumayo si Rigor at hinila ang silya papunta sa tabi niya. Ang kilos nito ay magiliw at masyadong sabik. “Dito ka na maupo, Natalie.”Nagulat man, magalang pa rin siyang tumango matapos magpasalamat. Walang alinlangan siyang naupo ngunit nanatiling maingat pa rin ang mga galaw.Nakabalik na rin si Mateo sa kabilang dako ng mesa at naupo sa dating pwesto. Nang makita nito ang gin
“Ah,” malakas na hikab ang pinakawalan ni Rigor. Mapulang-mapula na din ang mukha nito at hirap na itong makatayo ng tuwid. Iwinasiwas niya ang kamay sa era, senyales na suko na siya. “Hindi ko na kaya, Mateo. Talon na ako. Panalo ka na. Matanda na ako, hindi na ako dapat nakikipagsabayan sa mga bata pagdating sa inuman.” Dagdag pa nito ng may pilit na tawa.“Talaga ba?” sagot naman ni Mateo na may mapanuyang tono. Nanatili pa rin ang talim ng tingin. “Sayang naman. Gusto ko pa sanang uminom. Sayang ang espesyal na okasyon na ito at ang mga alak na inorder ko.”Samantala, kalmadong pinanonood lang ni Natalie ang mga nangyayari. Napanatili niya ang walang bakas na emosyon. Hanggat maari ay ayaw niyang makialam dahil iba naman ang pakay niya sa lugar na iyon. Tahimik niyang sinenyasan ang isang waiter at humiling ng mainit na tasa ng tubig. Nang dumating ang hininging tubig na mainit, maingat niya itong ipinwesto sa harapan ni Rigor.“Inumin mo ‘yan,” malambing na alok niya. “Makakatul
“Naku, hindi mangyayari ‘yan, Dad.” Malambing na pagtutol ni Irene sa sinabi ng ama. “Paano naman mangyayari ‘yon? Hindi ko mapapantayan ang regalo ni mommy sayo dahil gawa iyon ng may pagmamahal---isang bagay na hindi kailanman nabibili ng pera. Hindi ba, Dad?”Humagalpak ng tawa si Rigor, tumango ito habang tinitingnan ang sweater na bigay ng asawa. “Tama ka, wala itong katumbas.”“Suotin mo, Dad, para makita natin kung bagay sayo.” Mungkahi ni Irene.“Sige,” maingat na sinunod ni Rigor ang mungkahi ng anak at tinanggal ito sa kahon. Sinuot niya ang relo at inikot-ikot sa kanyang kanang kamay para pagmasdan ang ganda at pagkapulido ng gawa nito. “Napakaganda. Ito ang unang Rolex ko. Maraming salamat, anak.”“You’re welcome, Dad,” sagot ni Irene. May pagmamalaki ito sa boses at sinadyang lakasan ang boses. “Ang mahalaga, nagustuhan mo ang regalo ko.”Ang lahat ng mga mata ay lumipat kay Mateo na tahimik lang sa kanyang pwesto kanina pa. Wala pa ring mababasang ekspresyon sa mukha nit
Nakatuon ang atensyon ni Natalie sa natitirang piraso ng cake sa kanyang plato. Bagamat pabago-bago ang gana niya sa pagkain nitong mga nakaraang araw, ang saktong tamis at creamy texture nito ay nagdulot sa kanya ng kakaibang ginhawa sa gitna ng tensyon sa silid na iyon.Napansin ni Rigor ng simutin niya ang laman ng platito gamit ang kutsara. Napapikit pa si Natalie sa sobrang ligaya. “Mukhang nagustuhan mo nga ang cake.”“Mm, masarap. Sakto ang tamis.” Sagot ni Natalie habang maingat na inilalapag ang kutsara.“Nat, marami pa,” udyok nito sa kanya. “Gusto mo bang ipaghiwa kita ulit?”Hindi sumagot si Natalie pero nang tingnan niya ang cake, parang inaanyayahan siya nitong kumain pa. Napalunok siya ng laway. Nakangiting pinagmasdan ni Rigor ang anak kaya hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Sapat na ang mapungay na mga mata ni Natalie na nakatutok sa cake. Naghiwa siya ng panibago at inilagay sa platito ng anak. Ang kaniyang maamo at maalagang kilos bilang ama ay hindi akma sa
“Copy, sir,” mahinahong tugon ni Alex sa utos ng boss niya habang inaanyayahan si Natalie na sumunod sa kanya papunta sa naghihintay na sasakyan.Umugong ang makina at dahan-dahang umalis ang sasakyan. Hindi maitatangging tahimik ngunit nanatiling mabigat pa rin ang hangin. Kinuha ni Alex ang karton ng cake kay Natalie at nagpaalam kung pwede na sa trunk compartment na lang iyon ilagay. Pumayag naman siya para makapagpahinga naman siya. Napapikit si Natalie dahil sa dami ng nangyari ngayong gabi.Habang papalayo ang sasakyan ni Natalie, nakahinga na ng maluwag si Irene. Nanumbalik din ang ngiti nito sa labi. Dahil wala na ang itinuturing niyang pinakamalaking banta sa pwesto niya sa buhay ni Mateo---nabawasan ang kaba sa dibdib niya.Samantala, nananatiling walang emosyon si Mateo habang pinapanood ang kotseng sinasakyan ni Natalie. Malinaw niyang inuulit sa isipan ang mga nangyari kanina sa loob ng restaurant. Pagkatapos ay siniguro niyang maayos na nakasakay sa isa pang sasakyan ang
Umalab ang galit ni Mateo, ang hawak niya sa kahon ng cake ay lalong humigpit, halos masira na ito. Ang matalim niyang tingin ay sinalubong ang matapang na tingin ni Natalie. Ang bawat hibla ng kanyang kalamnan ay puno ng tensyon.“Paano kung sirain ko ‘to? Kung itapon ko’ to?”Hindi natinag si Natalie kahit pa katakot-takot na ang ekspresyon sa mukha ng kausap. “Inuulit ko, akin na ang cake na ‘yan. Ibigay mo sa akin. Hindi ako nagbibiro.”Ang pinapakita nitong tapang ay lalo lang nagpaningas ng galit ni Mateo. “Bakit? Bakit napakahalaga ng cake na ito para sayo, Natalie?”Ang katanungang iyon ay dumagdag lamang sa napakaraming tanong niya. Hindi niya maiwasang isipin na niloko siya---hindi lang ni Natalie kundi ng buong sitwasyon. Isang mapait na tawa ang tumakas mula sa mga labi ni Mateo habang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kahon.“Mukha bang nagbibiro rin ako? Malalaman natin ngayon kung gaano kahalaga sayo ang cake na ‘to.”Pagkatapos ideklara iyon, sa pamamagitan ng i
Pilit na pinakalma ni Mateo ang bagyong nag-aalab sa kanyang kalooban sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Ang kanyang emosyon ay binubuo ng magulong mga alon ng selos, pagkabigo at isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Sa pamamagitan ng mahahaba niyang hakbang, nakalapit siya muli kay Natalie at ang boses niya at matalas at puno ng awtoridad.“Tumigil ka na sa kakaiyak!” Bagamat may bahid ng desperasyon, may bahid din iyon ng galit. “Para isang cake lang---ibibili kita ng bago. Kahit ilan pa ang gusto mo. Para ‘yan lang!”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumayo si Natalie. Hindi man lang siya nito tiningnan, tumalikod na ito at naglakad palayo.Nagpalitan ng hindi komportableng tingin sina Alex at Tomas. Wala silang balak makialam at mas gugustuhin pa nilang maglaho na lang para hindi na nila nakita ang nangyari.Nagtiim ang panga ni Mateo, nasapol ang kanyang pride dahil sa pagwawalang-bahala sa kanya ni Natalie. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso, pilit niyang pin
“Pare, ano ba talaga ang nararamdaman mo?” Hindi pa rin nagpaawat si Leo.Nanatiling tahimik si Mateo habang ang tanong na iyon ng kaibigan ay parang patalim na tumatagos sa pilit niyang pagtanggi sa katotohanan. Hiniwa rin nito ang manipis na pader ng kang tunay na emosyon at iniwang hubad ang kanyang nararamdaman. May maliit na bahagi ng pag-unawa sa kanyang kaisipan, ngunit hindi ito mabuo-buo.“Pakinggan mo ako,” dagdag ni Leo. “Lagi mong sinasabi na wala kang ibang gusto kundi ang kabutihan ni Natalie. Na gusto mo siyang makausad, pero sa tuwing nakikita mo siyang nagiging malapit sa ibang lalaki---nagkakaganyan ka. Isang tingin lang mula kay Natalie, nawawala na ang kontrol mo.” Paliwanag nito. “Kaya kung ako sayo, tanungin mo muna ang sarili mo kasi mas alam mo ‘yan---ano ba talaga ‘yang nararamdaman mo?”Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Mateo at pilit niyang nilunok iyon. Nagsimulang manginig ang kamay niya at wala siyang maisagot kay Leo.Para kay Leo naman, sapat
May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na
“Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor
“Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni
Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a
Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo
Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n
Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala
Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon
Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i