Hindi alam ni Arianne kung ilang oras na siyang natutulog. Siguro ay sa sobrang pagod pagkatapos niyang magsilang ng sanggol na lalaki ay mahina pa rin ang kaniyang katawan. Idagdag pa ang nagaganap sa kaniya ngayon at sa katotohanang kaniyang natuklasan. Pagkagising niya ay madilim na ang paligid at bahagyang liwanag na lang ang tumatanglaw sa loob. Mag-isa na din siya sa kwartong iyon at wala na si Blake.Naramdaman niyang naaalog ang kaniyang katawan at napansin niyang para siyang itinutulak sa di malamang direksiyon ng isang di nakikilalang personalidad. Nakalagay siya sa isang kamang de-gulong na karaniwang makikita sa mga hospital. Mga mapupusyaw na ilaw ang bumabati sa kaniya at kumakaway sa dinadaanan.‘S-sino ka?” Paanas niyang wika habang patuloy siyang itinutulak ng di nakikilalang estranghero. “A-at san mo ako dadalhin? P-pakiusap? Tumigil ka na … nahihirapan na ako…” halos padaing niyang sumamo sa estrangherong iyon dahil bawat alog ng kaniyang katawan ay siya namang kirot
Ngiting tagumpay ang nakalarawan sa mukha ni Blake John nang makalabas na ito ng study room. Iniwan na nito sa hired killer ang lahat at ipinaubaya ang pagligpit kay Arianne. Tiwala-tiwala naman siya dahil base sa records nito ay hindi pa ito pumalpak. At hindi basta-bastang halaga ang ibinayad niya rito. Kahit pa mana ganoon ay ayaw niyang sa kmaay niya mismo mamamatay si Arianne. Minsan niya lang gagawin ito at hindi na din ito mauulit. Paglabas niya ay dumeretso siya sa dining room ng mansiyon at tumungo sa ref para kumuha ng yelo. Pagkatapos niyon ay tumungo naman siya sa kwarto niya at kumuha ng isang Louis Roederer- Crystal Brut champagne. Nagsalin siya ng kaunti sa isang champagne glass at nilagyan ng konting yelo. Humagod hanggang lalamunan ang sarap nito. It tasted sounds like a trumpet to his ears! Its soothing appetite raised her triumphant into the air. He finally accomplished his mission without any hassle or anomaly. He gave a toast for himself. Drawing near to the fron
Nagpapasalamat si Jake na hindi napano ang nobya niya. Ayon sa doctor na nag-examine rito, ilang days lang at makakarecover na rin daw ito. Ilang days na ring patuloy na kinukunsumo ng gamot pampatulog ang sistema ng katawan nito. “Bilib ako sa mga vital organs niya at sa formation ng kaniyang mga cells.” Humahangang pahayag nito. Family doctor nila ito simula pa noon kaya kapag emergency ang pinag-uusapan, to the rescue kaagad ito. “She can heal herself in a seconds, kusang nagri-rebuild ang mga tissues niya and working in harmonious body system. Bihira ang nagtataglay ng ganoong katangian kasi mostly people are commonly inactive body cells tulad na lang ng mga laging exposed sa radiations or pressures.” Mahaba-habang wika pahayag nito habang ngiti-ngiti. Matiyaga naman siyang nakabantay sa babae na noo’y mahimbing namang natutulog matapos maturukan ng gamot.Tiningnan nito siya pagkatapos ay lumapit sa bandang tenga nito at may mahinang ibinulong. “kapag nagsama ang mga genetic chro
Nabigla si Jake nang madatnan si Arianne na hirap na hirap na inaabot ang isang mansanas na nakapatong sa mesa. Lumabas muna siya sandali at bumili ng iba pang mga gamot para mas mapabilis ang pagrecover ng babae. Pagbukas niya nag pinto ng room niya ay ganoong tagpo ang eksenang naabutan niya.Huli na para maagapang masalo pa niya ito. Mabilis niyang dinaluhan ang nobya matapos itong bumagsak sa sahig.“Arianne,” dalo niya sa babaeng napangiwi sa sakit dahil sa naramdamang paglagpak nito. “Bakit mo naman pinilit na abutin ang mansanas, eh pwede ka namang tumawag. O hindi kaya ay antayin na lang ako. Yan tuloy napano ka.” Sermon niya rito pero wala naman sa boses niya ang galit. Agad niyang binuhat ito para ibalik sa kama.“P-pasensiya na.” halos padaing nitong sagot na napamasahe sa bandang puwetan na bahagyang namaga. “Kanina pa ako nagugutom.”“Next time, wag mo na uling gagawin iyon ha?” pahayag niyang parang nangangaral sa isang bata.Tumango naman ito kahit panay parin ang haplos
Matuling lumipas ang mga araw at ganap nang nakarecover ulit si Arianne. Noon ay nakaupo ito sa kama at nakadungaw sa tinted na window glass nang madatnan ni Jake. Galing siya sa labas at bumili ng makakain. Inabutan niya wala ito sa kama sa halip ay nakadungaw sa labas ng bintana at parang malalim ang iniiisip. Tumikhim siya para mapansin nitong nasa pintuan na siya."Mukhang malalim yata ang iyong iniiisip?" wika niya habang nilapag ang mga dala- dalang supot na may lamang mga prutas ulit at kasama na din ang mga gamot niya. Saka pa lamang ito lumingon sa kaniya. nilapitan niya ito at niyapos mula sa likod. "May gumugulo ba sa iyong isipan? Pwede ko bang malaman iyan?" malambing na usisa niya habang hinahalikan- halikan pa ito sa likod ng leeg nito.Hindi siya nito sinagot. Nanatili itong nakatulala at malalim ang iniisip. kahit pa sabihing hindi pa ito nakarecover ay nagawa pa rin niyang katalikin ito nakaraang gabi. Subalit nagtataka na naman siya ulit. Iniisip niya na baka bumalik
Sa Isang abandonadong lugar dinala si Blake ng kaniyang kotse. Ayon sa address na binigay ni Jake kung saan may mahalaga silang pag-uusapan. Isang mahalagang usapan na hindi pwedeng marinig sa linya. Sinipat niyang muli ang address na nakasent sa cellphone. Matapos matiyak tama ang pinuntahan niya ay inioff na niya ang cellphone at mabagal na humakbang papasok sa abandonadong building na iyon.Medyo madilim sa bandang loob dahil walang ilaw sa kasalukuyan sa lugar na iyon. Buti na lang at nadala niya ang kaniyang cellphone. Ito ang ginamit niyang panilaw habang naglalakad papasok pa sa loob.Sinulyapan niya ang suot na wrist watch. Maga alas nuebe na ng umaga. Nagtataka siyang nadidismaya kung bakit wala pa rin ang kausap. Wala rin siyang nakitang kotse sa labas kaya sigurado siyang siya ang nauna sa kanila. 'Nasaan na kaya ang bw*s*t na iyon? Ang tagal naman nun?' bubulong-bulong niyang wika at panay ang linga ng mga paningin.Iniisip niya na baka natakot na ito at umatras. O pwede d
Napigil ni Jake ang daliri sa gatilyo ng hawak na baril dahil sa sumigaw. Dahil medyo madilim at malayo ang kinaroroonan ng may-ari ng boses, hindi niya ito kaagad nakilala. Narinig niyang bumilis ang mga yabag papalapit sa kaniya. Mahihinuhang tumatakbo ang nasabing may ari ng yabag na iyon.Sinulyapan niya si Blake na noon ay nawalan na ng malay dahil sa tinamong tadyak at bugbog mula sa kaniya. Isinuksok na niya ang baril sa likod at hinintay na makalapit ang babaeng may-ari ng boses.Tila nagulat naman siya nang makita si Zieth Kate ."Zieth!?" Luhaan ang babae na kaagad pinahid ang mga luha sa mga mata nito. "Ako nga , kuya Jake." pahayag nito na dinaluhan si Blake."Kuya??" mahinang tawag nito na kinalong ang duguang katawan ng kapatid. Luhaang niiyakap pa nito si BLake at inalam kung may iba pang mga sugat. "I begged you, spare his life.You don't need to kill him. I don't want everything will be puttin end in this way." Tumalikod siya dahil ayaw niyang makita ang ganoong tanaw
Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Grace ng makatanggap ng tawag mula Kay Arianne ng umagang iyon."Best? Ikaw na talaga ito?!naibulalas nito nang marinig ang boses ni Arianne. "Hindi ba ito isang panaginip lang ?" Kinurot pa nito ang sariling balat para mapatunayan kung totoong gising nga ito o natutulog lang at anumang oras ay magigising. Nang makaramdam ng sakit mula sa sariling kurot ay nakumpirma nitong buhay pa nga ito."Oh Diyos ko!" Laking tuwa nito dahil sa wakas ay narinig ang boses ng kaibigan."Kumusta ka na? Matagal ka ding nawala sa amin. Alam mo bang pinag -alala mo kaming lahat?"Humingi siya ng dispensa rito dahil sa natagalan siya bago nakapagparamdam. Ayaw niya kasing may iba pang nakakaaalam na buhay siya bukod kay Jake , Inay Leah at si Grace. Alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon para lumantad siya at lalong hindi dapat malaman ni Blake na buhay siya. "I'm sorry bess." tugon niya. "Ayuko pa sanang sabihin ang tungkol sa akin dahil ayukong malaman
Gabi. Malalim na ang gabi. Nakamulat si Jake nang maramdaman ang kakaibang init ng kaniyang katawan.Mula sa mapusyaw na lampshade ay aninaw niya ang kaniyang abs na kitang-kita ang mga linya.At mula din sa tanglaw niyon ay nalaman niyang n*******d siya.At sa isang pagtingin niya ibabang bahagi niya ay kitang-kita niya si Arianne na pinagsasawaana ang kaniyang kahabaan.Halos maligo iyon sa laway ni Arianne na walang hintong isinusubo iyon.Halos umangat ang katawan niya sa sensasyong dulot ng ginagawa ng babae.Nanginginig din ang kaniyang buong kalamnan dala ng luwalhating nararanasan.Mayamaya ay huminto ang babae at pinagapangan siya ng halos mula sa puson paakyat sa mga labi niya.Agad nitong hinuli ang mga labi niya at m*****g na nakipag espadahan ng dila.Hindi niya alam kung bakit ganito kapusok ngayon si Arianne.Habang angkin nito ang mga labi niya ay walang tigil pa din ang taas-baba ng kamay nito sa kaniyang kahabaan.At habang magkadikit ang mga katawan nila ay lalong lu
Kausap ni Jake ang isa sa mga kasosyo niya sa Hope Marketing. Iyon ang pangalan ng isa sa mga pinagkaabalahan niya.Isa iyong company ng mga Home appliances, gadgets at Kitchenwares."Well, wala naman akong nakita na gusot o butas about my clients proposal so I suggest na idaan na natin ito sa board meetings on next week?" Tinig ni Mr. Jonathan Villadencio."Sure. As far as I know, idadaan naman sa majority ang nasabing projects." panatag na tugon niya rito. Nakikinig lamang sa usapan nila si Jino na kinakalikot ang sariling tainga."That's not my point, Jake." Pakli nito. "What I mean is, kung na-review mo ito ng husto, makikita mo na agad ang grounds at pwede mo na iyong dagdagan or bawasan. After all, it is you who was the biggest share in this company.You should study well the proposal. Sa akin ay paalala lang."Hindi niya masisi si Jonathan kung ganito na ito ka-advanced mag-isip.Hindi din biro ang pagiging namumuhunan.In this nature of business, mas madalas mas mga dayuhan ang
FIVE YEARS LATER.."Hi. Good morning Ms.Z. I am Kurt Justin Steve Del Pacio." wika ng lalaking maluwag na nakangiti kay Zeith Kate na noon ay nakaupo sa cubicle at busy sa sandamakmak na papeles.After five years bago din nakabangon ang company. Maayos na uli ang takbo ng negosyo ng Hotel Uno. Iyon ay dahil sa maayos ,patas at matalinong pamamalakad niya.Maayos na ang lahat, maliban sa pamilya nila na hanggang ngayon ay lubog pa din. Lubog sa kahihiyan."Excuse me, do you hear me, Ma'am?" untag nito sa kaniya dahil parang hindi niya ito narinig. "I am your new COO. Can you please direct me about my obligations and duties?" May kakaiba siyang naaabsorb na negative energy sa lalaki. Hindi niya alam kung galit ba iyon, pagkadismaya o pagkapikon."Ah, it's you..." wari ay natauhan siya pero sa totoo lang ay kanina pa niya ito naririnig. Masyado lang abala ang isip niya sa ibang bagay."Well, I'm so sorry for that. I was just in blanked space, alam mo na, life is about stress." dagdag pa
Naabutan ni Jake na balisa si Arianne at alalang-alala. Panay din ang sulyap nito na para bang may inaasahang darating at may hinihintay sa bandang iyon.Naisip niya na kahit minsan lagi silang nag-aaway at nagkakatampuhan ay thoughtful pa rin ang nobya.Alam niya ring para sa kaniya at dahil sa kaniya kaya tigmak sa luha ang mga mata nito ngayon.Pumasok sa isip niya na sa likod dumaan para isipin nito na hindi siya nakaligtas.Hindi naman sa intensiyon niyang saktan ito.Gusto lang niyang alamin kung gaano siya kaimportante rito.Nakita niya kung paano magbagong bigla ang ekspresyon sa mukha ng babae.Nagliwanag ang mukha nito pagkakita sa kaniya. "Siyempre naman." natatawa pero namumula ang mukhang tugon nito. "Sino bang hindi mag alala?"Nilapitan niya ang nobya at masuyong niyakap."Para sa akin ba ang mga luha at pag-alalang iyan?"Kumalas ito sa pagkakayakap at naiinis na pinarunggitan siya."Alam mo, nakakainis ka! Sino pa ba sa akala mo ang dapat kong ipag-alala?"Naningkit na
Kapwa napatingin sina Arianne at Jake sa may-ari ng putok ng baril na bumasag sa pinakahihintay na sandaling pagkikita ng mag-ina.Bahagyang napaatras silang dalawa matapos makita na papalapit si Don Arthur na may hawak na riffle at nakaumang sa kanilang dalawa.Agad na itinago ni Arianne sa pamamagitan ng pagtakip ng mga braso at kamay nito sa anak.Ang sandaling iyon ay sinamantala ni Blake.Kaagad na sinugod nito si Jake at inundayan ng suntok. Nagpang abutan ang dalawa hanggang sa umabot sa pag-agawan ng baril."See? Sabi ko naman sa inyo! Hindi kayo makakalabas ng buhay dito!" pahayag ni Blake matapos saglit na maghiwalay ang dalawa sa pagiging daig pa ang gagamba matapos ang Isang saway mula kay Don Arthur."Enough!" malakas na awat nito sa dalawa at nagpaputok ng Isang beses bilang warning shot. Kapwa duguan ang dalawa sa mga tinamong sugat mula sa isa't isa.Nag-alalang sinulyapan naman ni Arianne si Jake habang karga-karga pa din ang bata.Nagpaawat naman sina Blake at Jake.
"NOOOOOHHHHHHHHH!"Pawis na pawis ang noong napabalikwas ng bangon si Blake mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napakasama ng panaginip niya, para talagang totoong-totoo ang napanaginipan niya.Chineck niya sandali ang sarili at baka totoo ngang nangyari iyon. Tinampal niya pa ang sariling mukha at kinurot ang sariling braso upang tiyaking buhay nga siya at panaginip lang iyon.Tumigil lang siya sa nakakatawang ikinikilos niya nang matiyak na panaginip lang iyon. Nakumpirma niya iyon ng makaramdam siya ng sakit.Natatawang napakamot siya ng ulo.Sinulyapan niya ang anak na katabing natutulog.Mahimbing na mahimbing pa rin itong nakapikit.Inalis niya ang kumot na bumabalot sa kaniya at nagpasyang kumuha ng maiinom sa kusina.Mapusyaw na liwanag lamang ang hatid na dala ng lampshade na nasa ibabaw ng kaniyang maliit na round table.Gayunman, nagawa nitong mabigyan siya ng liwanag para makatayo at makakilos ng maayos nang hindi nakakadisturbo sa anak o makalikha ng kahit na mahinang ingay
Hindi makapaniwala si Don Ronaldo at Nuera Zenaida nang makita sina Jake at Arianne na bumaba mula sa isang taxing huminto sa labas ng gate ng kanilang mansiyon. Kasalukuyang nasa terrace noon ang mag-asawa at panatag na nagkakape ng makarinig ng paghinto ng isang passenger taxi sa tapat ng pinakamalaking main gate ng mansiyon."Look who's coming!" nasorpresang kalabit ni Nuera Zenaida sa asawa na noon ay nakatalikod sa gawi niya. "Is that Jake?"Naging interesado naman ang asawa matapos niyang mabanggit ang pangalan ng panganay na anak na lalaki.Dahil medyo may kalayuan ang kinaroroonan nila bagaman tanaw nila sa malayo kung may dumarating ay hindi pa din nila maaninag ng klaro ang mukha at makilala agad kung sino man ang dumating.Idagdag pang medyo may edad na din silang mag-asawa pareho kung kaya't may konting depek na din ang kanilang paningin."I don't think so." unsure na tugon ng asawa. "Halika, salubungin natin at nang makilala natin kung sino iyang dumarating." Yaya nito at
Ayon sa napagkasunduan nina Miguel at Blake, ibinigay niya rito ang halagang hinihinging kapalit nito bilang pananahimik niya.Limang milyong piso kapalit ng pagtikom ng bibig nito tungkol sa kinalaman niya sa pagkawala ni Arianne, tungkol sa pagkidnap sa babae at ang utos ng pagpatay dito.Hindi na niya sinabi Daddy Arthur niya ang tungkol sa kasunduan nila.Mas minabuti niyang Siya na lang ang nakakaalam doon tutal siya naman ang nakipag negotiate dito."Siguro naman ay okay na iyang halagang natanggap mo, Miguel." wika niya sa lalaki matapos maibigay dito ang attached case na may lamang lilibuhing pera.Nasa isang sikat na Four Star Restaurant sila at katatapos lang makipagnegosasyon. Umorder lamang siya ng dalawang San Miguel Pilsen para sa kanilang dalawa. Gaya ng napag-usapan ay walang kiming iniabot niya rito ang pera.Abot-tenga naman ang ngiting tinanggap iyon ni Miguel."Huwag mo na kaming gagambalain pa. At sana wag ka nang magpapakita pa, dahil hindi pa din alam ni Daddy A
Walang sinabing anuman si Jake nang dumating na si James para sunduin si Arianne. Sakay ng motorsiklo nito, nangingitngit na sinundan na lamang niya ng tingin ang dalawang daig pa ang magjowa.Ipinipaliwanag ito ng makita niyang yumakap si Arianne sa likod nito.Dahil doon, lalo siyang tinutupok ng selos ngayon! 'Magbestfriend lang daw? Sinong niloloko ng dalawang iyon? Baka naman kasi ibang combat training na ang ginagawa ng dalawa?Tapos malalaman na lang niya, natumba na si Arianne, aca nahulog ang loob sa lalaki?Nakuyom niya ang sariling kamao at napamuramg sinipa ang glass window nilang pintuan.'Shit!" angil niya at isinalya ang pinto na lumikha ng nakakabadtrip na tunog. Naisipan niyang magpakalunod sa alak ng umagang iyon. Sobra na itong nararamdaman niyang paninibugho. Kaylangan niya itong mai-released kahit papaano.Alak ang unang sumagi sa isipan niya kaya lumabas siya sandali upang bumili ng dalawang bote ng Red Horse 1000 ml. Ilang sandali pa ay pabalik na siya ng bah