MJDumalaw nga ako kay Crystal at naabutan ko doon si Liza na hinihintay ang aking pagdating. Isang bente minutos lang din ang layo ng sitio Masinloc sa mismong bayan. Hindi naman ako nakaramdam ng pagod o nabagot sa tagal ng biyahe.Hindi din kamahalan ang pamasahe ko. Tanging sling bag lang ang dala ko na naglalaman ng mga personal na gamit bilang babae at ang aking cellphone. Hindi na ako nagaksayang mag-ayos pa. Matapos manipelyo at suklayin ang buhok ay dumeretso na ako sa abangan ng bus.Pagbaba ko ng bus ay sumakay pa ako ng traysikel papuntang looban. Papasok pa kasi ang bahay ni Crystal at mabaku-bako pa ang daan.Agad akong sinalubong ng yakap ni Liza nang matanaw ako buhat sa malayo. Naramdaman ko agad ang pag-alala na nasa loob nito habang higpit ko siyang yakap. Hinaplos ko pa ang likod niya para pagaanin ang loob nito."Tahan na. Ikaw na din ang maysabing okay lang si Crystal di'ba?" Mahinang saway ko."I know." Mahinang tugon nito habang nananatiling nasa balikat ko ang
Kent BuencaminoPansamantalang naudlot ang aming usapan nang bigla ay may balitang rumehistro sa aking phone. It was a text coming from anybody out there.» How dare you do this to me? Pagkatapos kung ipagkatiwala sa iyo ang aking sarili? Damn you, Kent! Wala kang pinagkaiba sa ibang lalaki!»Hindi ko kilala ang may-ari ng text pero sa klase ng text ay pamilyar sa akin.Kahapon lang kami nagbreak ng babaeng iyon. One week ding nanlamig kami sa isa't isa hanggang sa magdecide akong makipagbreak rito.Walang nakakaalam sa aming lima na may nililigawan at napasagot akong babae. Palihim lang ang aming relasyon dahil iyon na din ang aming usapan.At iyon na nga, may nangyari na sa amin ng babae at pagkatapos noon ay parang siga na namatay ang pag-ibig ko rito matapos buhusan ng malamig na tubig.Nai-block ko na siya sa F* account ko. Maging sa call and text ay isa siya sa mga naka blacklist.Wala na kaming communication after what happens between us. It's just one night affair! Pagkatapos n
LizaHindi ko alam kung ano ang itinatagong problema ni MJ pero kitang-kita ko buhat sa malayo na nagpahid ng luha ang kaibigan namin. Nakatalikod siya sa gawi ko pero alam na alam ko ang kilos niya kahit hindi man tuwirang makita ko na ginawa niya ang bagay na iyon.Bilang isang kaibigan na palagi niyang kasama at kausap, halos alam na alam ko na ang bawat galaw ng mga mukha niya. Palagi ko siyang tinatanong kung okay lang, ina-update kong kumusta na, kung kumain na ba o maysakit. Palagi kong iniisip kong baka napano na siya o wala ba siyang sakit. Daig ko pa nga ang maging boyfriend niya e. ‘By the way, speaking of boyfriend. Lahat lang naman iyon ay ginawa ko dahil sa pakiusap ni Mr. Jarred Lloyd Villagracia. Pinakiusapan niya akong alagaan si Shella Mae aca Mj sa abot ng aking makakaya. Noong una ay tumanggi ako sa proposal nito, dahil kahit sabihin man nito o hindi ang bagay na iyon ay kasama na sa pagiging kaibigan ang pag-care, support at pagalalay sa mga kaibigan sa lahat ng
Zennedy Cortes Ballesteros Nagulat man ako sa biglang pagsulpot ng anak ko sa bahay ay labis naman ang sayang naramdaman ko nang makita ang anak at mabungaran sa sala ng bungalow kong bahay.Hindi ko inaasahang dadalaw ito sa akin dahil hindi naman ito tumawag o nagtext man lamang kaya ganoon na lang ang pagkasorpresa ko."Anak ko!" Wika ko na agad kong niyakap ang nakangiti kong anak habang kausap ang mayordoma ko. Mahigpit kong niyakap si Lance at gumanti naman ito ng yakap. Kalaunan ay kumalas na din siya sa pagkakayakap sa akin.Ginagap ko ang kamay ng anak ko at sabay kaming naupo sa sofa. Puno nang pananabik na kinumusta ko ang kalagayan niya."I am fine, Mom." Aniya na parang kulang ang sigla ng boses. "Pauwi na din ako nang maisip kitang dalawin dito."Sumungaw sa mukha ang labis na tuwa at pinatunayan iyon ng pagkislap ng aking mga mata.Kumusta naman ang pag-aaral ng Lance ko?" Malambing na wika ko rito na parang binibebe ang anak ko. Kahit man ako ay nababaduyan sa klase n
MJ KriselaDecember 24.Mag-isa lamang ako sa isang lugar na nasa likuran ng canteen ng campus. May mga treehouse kasi doon na natatanawan ang malapit na sapa.Madalas doon nagtatambay ang mga Wattpader, mga guitarist na gustong mag alone in the woods, at mga singer na gustong bumirit at magdissappear sa magulong mundo ng realidad.Minsan pa nga, may mga nandoon para mag emote, magdrama at mag-inarte. Depende sa moodswing at sa porpuse ng pagpunta doon. Lahat naman ng tao ay may iba't ibang karanasan sa buhay at may iba't ibang paraan kung paano ito remedyuhan o iresolba.What about me? Well, nandoon din ako para makapag-isip at makapag-unwind. Marami na din kasing nasa isipan ko na hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang mga sagot sa mga tanong na iyon.Dala-dala ko ang laptop ko na kabibili ko lang nitong nakaraang linggo. Nahihirapan na din kasi akong sumadya sa computer shop para magresearch ng mga projects o mag-encode. Nagiging hassle pa iyon sa akin.Nakasleep ang monitor ng la
MJ KriselaHindi ko alam kong dapat pa bang bigyan ng pagkakataong maayos muli ang pagmamahalan namin ni Jarred. Naguguluhan na din kasi ako sa mga nagaganap. Nang magkita kami sa tila burol na lugar na iyon, marami ang ala-ala ang muling bumalik sa isip ko. Mga ala-alang masaya at mga nakaraang hindi ko kayang burahin sa isipan ko.Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa din ako makatulog ng mga oras na iyon. Tahimik na sa labas, ewan ko pero honestly ay ngayon lang nagkaroon ng ganitong katahimikan sa lugar kung saan nagbo-board ako.Wala ngayon ang maingay na inuman ng mga lalaking lasenggero na kaboard mate ko at nasa kabilang room lang. Wala na din ang mga maiingay na girls na ang huling kumanta kahit alas diyes na.Wala naman kasing ganoong higpit na rules ang landlady namin. Basta ang alam ko lang pagpatak ng alas onse ay sarado na ang pinakamain gate ng nasabing paupahan. Dapat ay bago magalas onse ay nasa loob na ang lahat ng mga nakarent ng boarding house. Inila-lock kasi ang g
Jarred LloydNakagising ako sa sunod-sunod na yugyog ni Yaya Marie nang umagang iyon. Gumising na daw ako at umaga na. Nang makita nitong gumalaw na ako sa kinahihigaan ay agad din itong bumaba ng kama ko at nironda ang buong kwarto ko na alam kong makalat dahil sa pag-iinom ko kagabi. Hindi na ako nagtanong kung paanong nakapasok ito dahil may mga duplicate talaga ito sa bawat kwarto. Alam kong kawalan iyon ng respeto sa privacy ko lalo pa at kuwarto ko iyon. Minsan pa naman ay nakakatulog ako ng n*******d at nakaboxer lang. Gayunman ay wala naman akong magiging problema dahil si Yaya naman ito. Isa pa ay mula pagkabata ay nakita na nito ang buong kahubaran ko. Puwera na lang sa abas ko ngayon at siyempre, sa size ng k*****a ko ngayon. Nasa katanungan ko na din kung nakita ba nito akong luhaan kanina dahil bakat pa din sa mga mata ko ang bakas ng natuyong luha. Sa tingin ko ay hindi. Nakadapa kasi ako ngayon at nakasubsob sa isang puti at napakalambot na unan. Napatihaya lang ako
Lance JerichoHumanga ako sa naiibang energy ng babae na kitang- kita ko sa 'di kalayuan. Nanatili akong nakamasid at nakaantabay sa mga magaganap kaya nakita ko ng detalyado ang buong pangyayari. Kitang-kita ko sa maganda at maamong mukha ng babae ang naiibang tapang at bagsik na sinasalamin ng matagal na pagkaapi.Nakikita ko sa babaeng ito ang madalas na nangyayari sa mga bidang babae sa mga teleserye matapos api-apihin. Ang nangyari ay isa sa mga sign ng sikat na linyang 'Tikman mo ang ganti ng isang api.' Dahil doon, mas lalo akong humanga sa babae at naging dahilan ng mas lalo kong pagnanais na mapasaakin siya. Mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para itangi siya bukod sa lahat ng babaeng nakilala ko. Mula sa araw na ito, isang desisyon ang lihim na nabuo sa sa isipan ko.'Today and onwards, I will make things work to win that lady as mine. I will not let myself fail for that, I swear to myself.'Muli, napansin na naman ng mga kasama ko ang aking pananahimik."Hello? Nandiyan