Lance JerichoHumanga ako sa naiibang energy ng babae na kitang- kita ko sa 'di kalayuan. Nanatili akong nakamasid at nakaantabay sa mga magaganap kaya nakita ko ng detalyado ang buong pangyayari. Kitang-kita ko sa maganda at maamong mukha ng babae ang naiibang tapang at bagsik na sinasalamin ng matagal na pagkaapi.Nakikita ko sa babaeng ito ang madalas na nangyayari sa mga bidang babae sa mga teleserye matapos api-apihin. Ang nangyari ay isa sa mga sign ng sikat na linyang 'Tikman mo ang ganti ng isang api.' Dahil doon, mas lalo akong humanga sa babae at naging dahilan ng mas lalo kong pagnanais na mapasaakin siya. Mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para itangi siya bukod sa lahat ng babaeng nakilala ko. Mula sa araw na ito, isang desisyon ang lihim na nabuo sa sa isipan ko.'Today and onwards, I will make things work to win that lady as mine. I will not let myself fail for that, I swear to myself.'Muli, napansin na naman ng mga kasama ko ang aking pananahimik."Hello? Nandiyan
Lance Matagal ko nang gustong gawin ito kaya heto na ako ngayon at papalapit na sa babae. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin itong mapangahas na hakbang. Ang alam ko lang ay sincered ako sa aking layuning makilala pa ang babae ng lubusan.Nagkataon naman na nakita ko siyang mag-isa lamang at nakaupo sa isang round bench na yari sa marble. Mag-isa lang siya dahil ang mga kasama niya ay naroon at kasama si Jarred sa pagpipicture. Nakikita kong enjoy na enjoy si Jarred habang kinukuhanan ng litrato ng isa pang babaeng kaibigan din niya."What a flirty man! Kalalaking tao ay ang landi-landi!" Sulsol ng isip ko na sinisira naman ang moods ko. Hindi ko alam kung may mood swing lang ako o talagang mainit lang ang dugo ko kay Jarred.Iiling-iling na iwinaksi ko na lamang iyon sa isipan ko at ipinokus sa babaeng nakatarget lock na sa puso ko. All of these days, lagi na akong nangongolekta ng mga impormasyon sa babae at naghahanap ng mga mahahalagang datos tungkol
Jarred Minsan ko pang sinipat ang sarili ko habang hubo't hubad na nakatayo sa loob ng shower room. Medyo nakaramdam ako ng ginaw ng gabing iyon kahit maga-alas siyete pa lamang ng gabi ayon sa tantiya ko.Pag-uwi ko kasi ng school ay nakatulog ako ng mahimbing. Ginising na lamang ako ng sunod-sunod na tunog ng maingay na alert tone ng phone ko. Nasisilaw na sinipat ko ang pangalang nakarehistro sa phone ko.Si Jaspher ang tumatawag. Nangyaya ito para sa isang dinner. Wala daw ito kasamang lumabas kaya pinipilit akong sumama. Si Lance naman daw ay busy sa lovelife nito kaya una nang tumanggi ng tinawagan nito.Malas ko naman at ako ang nakuha nitong kadinner date. No choice ako lalo pa at idagdag na mas close kami kaya hindi ko na ito nagawang tanggihan pa.Ipinihit ko ang shower options sa lukewarm mode. Magkambing-kambingan muna ako ngayon sapagkat 'di ko kaya ang ginaw this time.Nasinghot ko ang mala-Jasmin na albatross na nakasabit sa tabi ng shower. Pumupuno ang amoy niyon sa k
LancePasado alas says na nang ganap na madaanan ako ni Jaspher sa mansiyon. Nasa sala na ako ng mga sandaling iyon ng makarinig ng busina mula sa labas.Nabungaran ko naman sina Mommy at Daddy na busy sa mga ginagawa ng mga ito. Nakita ko din ang santambak na papeles na nakapatong sa mesa ni Daddy Ian. May isang kape ding umuusok pa ang nakapatong sa isang platito ang makikita sa mesa nito.Ayuko na sanang abalahin sila sa mga kabisihan nila pero ayuko ding magmukhang walang respeto sa kanila na kahit ang magpaalam ay hindi man lang nagawa."Dad? Mom?" Tawag ko sa kanila. "Magpapaalam lang po sana ako na sa labas magdi-dinner.Hinarap ako ni Dad at sandaling iniwan ang ginagawa. Marahan nitong ibinaba ang sout na salamin at tuminginsa akin."Bakit mo naman naisip na sa labas kumain? May problema ka ba sa mga ulam na niluluto ni Yaya Marie mo?" Mariin akong umiling. "That's not what I mean, Dad." Giit ko na lang. "Niyaya kasi ako ng isa kong kaibigan na lumabas kami ngayon para magdin
MJ"Lance Jericho Ballesteros, right?" Agaw atensiyon ng magandang food attendant sa amin na abala pa din sa pag-explore ng buong paligid.Hindi ko na namalayang nakalapit na ang babae sa amin.Tango ang naging tugon ni Lance. "Right this way, Sir." Aya nito na nagpatiunang lumakad. Sinulyapan naman ako ni Lance upang tiyaking nasa likuran lang ako nito at pinauna akong lumakad kasunod ng FA."You go first, baka mawala ka dito." Concern na wika nito sa akin. Hindi naman ako nag-inarte pa at sumunod na sa direksyong tinutukoy ng babae.Dumaan kami sa maluwang na pathway. Doon ay napansin ko ang mga nagsisikislapang mga maliliit na chandelier na may iba't ibang dim na kulay.Nakadaragdag iyon sa naiibang ambiance ng paligid na lalong nagpacool sa lugar. Ang mga dim light na ito ay represents ng romantikong outputs ng restaurant na angkop sa mga couples o kahit magkaibigan.Napansin ko ding may pacandle sa bawat mesa. Dadalawa din ang mga upuan na yari sa rattan at well-designed naman an
MjPasado alas nuebe na nang ganap akong ihatid ni Lance sa boarding house ko. Pagkatapos kasi naming kumain ni Lance sa Shanghai ay napagpasyahan pa naming gumala sa sa buong Las Piñas. Ang magagandang spot ng City ay hindi nakaligtas sa aming dalawa. Marami pa sana kaming lilibutin kaso alam kong limitado lang ang oras kaya naman ay iginiit ko kay Lance na uuwi na ako.Hindi naman tumanggi ang binata sa kahilingan ko. Dis oras na din kasi ng gabi kaya nagpumilit na akong umuwi. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang maisip kong nasaan na kaya nakarating ang dalawa. Hindi ko na din kasi nakita ang dalawa sa aming paglabas kanina ni Lance. Hindi ko na din pinagaksayahan ng panahon na hanapin siya dahil inaantok na din ako. Dire-diretso na kaming lumabas ng Shanghai at hindi na nagtagal doon. "Tahimik ka yata? May masakit ba sa iyo?" Puna ni Lance habang hindi inaalis ang tingin sa dinadaanan. "Kanina pa kita napapansing tahimik e."Sinubukan ko namang magdahilan. "Medyo nahihilo
Lance Nakikita ko sa mga mata ni Mj ang hindi malamang gagawin dahil sa mga oras na iyon. Hawak-hawak niya ang malaking kumpol ng pinagsamang mga red roses na isa-isang kong ipinabibigay sa pamamagitan ng mga pinakiusapan kong bumigay na personalidad. Sinadya ko iyon para hindi masyadong obvious sa babae at para na din mas masorpresa ito.Bale kung tototalin ay nasa eighteen na iyon plus pa ng tatlong roses na nasa likuran ko. Sinadya ko talagang itago iyon para hindi niya makita. Iyon ang huling sorpresa kong ibibigay sa kaniya at heto na nga ako, papalapit na sa kinaroroonan niya. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mukha niya at hindi mapakaling awra habang papalapit ako ng papalapit.Suot ko naman ang pinakamatamis na ngiting maibibigay ko ever since sa kahit na sinong babae. Hindi ko iyon pinakawalan at nawawala sa mga labi ko.Alam kong hindi ako effortless na tao pero lalong hindi ako grandeng manligaw kasi never naman ako nanligaw like this before.I had never been serious i
Liza Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nakita ko si Jarred na naglalakad sa papunta sa isang direksiyon. Laglag ang balikat niya, malamlam ang mukha at parang naiiyak na pasuray na naglalakad papasok sa loob ng lugar na iyon.May malaking basement kasi ang school kung saan doon na ka-reserved lahat ng mga transportasyon na ginagamit ng mga mag-aaral ng St. Luke University.Iyong mga motor naman na may mapupuwestuhan sa mga gilid ay allowed naman na doon na lamang sa mga lilim at bakanteng lugar dahil baka mapuno ang buong basement sa dami ng mga sasakyan.Walang kiming tinawag ko ang pangalan niya."Jarred!" Hindi na muna niya ako nilingon dahil hindi din niya tiyak kung saan banda nanggagaling ang boses at pagtawag. Muli kong inulit ang pagtawag sa kaniya.Mabuti naman at nakita na niya ako kaagad at nakilala na din siyempre.Dahan-dahan akong lumapit ako sa kaniya at hinihintay naman niya akong makalapit sa kinaroroonan niya."Ano'ng nangyari?" Kaswal kong tanong sa kaniya d
Three Months ago...Jarred "Congratulations! Happy Wedding!" Panabay na bati nina Liza, Jaspher, Crystal at Kent. Lahat sila ay parehong kinuha kong mga abay. Naroon din si Lance Venturillo, kaibigan ko, sina Mommy Cherry Ann, Daddy Ian Fidel, maging ang kinilalang magulang ni Shella Mae na sina Aling Patricia at Mang Rigor kasama ang mga kapatid nito na sina Nene at Tonton."Congrats, Mj!" Si Liza na niyakap nang mahigpit si Shella Mae. Ito ang ang kinuhang Maid of Honor ni Mj dahil hindi pwede si Crystal dahil ikakasal na din ito kay Kent Buencamino next week.Wala naman naging problema sa kasunduan ng dalawa. Si Jaspher naman ang kinuha kong bestman dahil ayaw ni Lance. Hindi ko na pinilit ang kaibigan dahil mas gusto lang nito maging abay lang.Naroon din ang iba pang mga kakilala at kaklase ko maging ang kapamilya ko Villagracia. "Thanks!" Maluhang tugon ni Mj. Inawat naman siya ni Liza. "O, huwag ka nang umiyak. Hello, it's your wedding day, tatapusin mo lang ba sa pamamagitan
Jarred Pagpasok na pagpasok ko sa hospital na sinasabi ni Liza ay nagmamadali akong tinungo kaagad ang Inquiry Desk ng hospital."Nurse, may naging pasyente ba kayong nangangalang—" Hinihingal dahil sa kaba na inquire ko sa bantay doon pero agad na naputol nang makita ko si Liza na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay."S-sorry. Just excuse me." Pamamaalam ko na lang na patakbong nilapitan si Liza. Nakita ko kaagad na may mga dugo nga sa damit nito, patunay na totoo ang sinasabi nito kanina sa phone habang kami ay magkausap. "How is she?" Kinakabahang tanong ko agad dahil gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang totoong kondisyon ng babae. "Is she okay now?"Nakita ko mula sa mukha ni Liza ang pangamba at paggusot ng mukha. "Sundan mo na lang ako." Tumango lang ako at agad na sumunod sa kaniya na malakas ang sasal na tibok ng puso ko. Natatakot ako para sa babaeng bukod tangi kong minahal.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito sa buong buhay ko.Isang ta
Mj"He was about to go in an hour."Napalingon ako sa may pintuan nakatayo roon si Liza. Hindi naman ako nagulat dahil hinahayaan ko lang naman na bukas palagi ang kuwarto ko. Ako naman ay nasa bintana, nakanaw sa labas ng bahay at malalim ang iniisip. Hindi ako sumagot sa halip ay muli kong ibinalik ang tingin at atensiyon sa mga nakikita ko sa labas ng bintana.Tinatanaw ko ang paligid ng kinatitirikan ng bahay nina Liza. Sari-saring mukha at disenyo ng bahay ang aking nakikita. Nagtataasan din ang mga bubong na dikit-dikit at walang pagitan. Hindi naman squatters area ang lugar na iyon. Sadya lang siguro iyon ang mga nakikita ko dahil nasa taas ako."Hindi mo ba ako narinig?" Muling pukaw sa akin ni Liza na dinig ko kahit pa nakatalikod ako. Nasa tono ng pananalita nito ang pagkainis sa pangiisnob ko. Dinig kong humakbang ito papunta sa akin na may bigat ang mga paa.Tumabi ito sa akin sa gilid ng bintana."Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" Dagdag pa niya na hinawi ang mahabang
Jarred Alam kong hindi inaasahan ni Shella Mae ang biglang pagsulpot ko ng mga sandaling iyon.Kahit na batid kong may kausap pa ito sa phone ay pilit ko pa ring pinalakas ang loob ko na malapitan siya at makausap. Ayukong masayang ang pagkakataon na ito bago man lang ako ganap na lumayo sa kaniya. Ikalawa, ayuko ring masayang ang todo preparations ni Liza para magkita kami at makapagpaalaman, kung saka-sakali man.May konting kirot na umalma sa puso ko ang ideyang magkakahiwalay na nga kami ni Mj/Shella Mae ng tuluyan.Nakita ko kung paano parang namutla at tila matutunaw sa kinauupuan niya si Shella Mae. Bukod sa nagulat ito ay hindi rin siguro nito sukat isipin na nandoon ako. Lalo kong naramdaman ang pagkataranta ng mukha niya at parang ibig maglaho ng bigla na lamang sa sirkulasyon huwag lang ako makita akong papalapit.“W-what are you doing here?” Hinayaan ko muna ang sariling makalapit sa kaniya ng tuluyan bago ako sumagot.‘What do you mean I’m doing here? It is a restaurant
Liza “Uuwi na ba tayo?” nagtatakang tanong ko kay Mj nang mapansin pumara na ito ng taxi. Nakakunot-noo namang sinulyapan ako ng kaibigan. “What do you mean? Ano pa bang naisip mong gagawin natin bukod pa sa dito sa Drugstore?’ “I mean, hindi ba tayo dadaan ng mall? Mag unwind muna tayo dahil minsan ka lang nakakalabas. I mean, minsan lang gusto mong lumabas.” Pang-iimbento ko ng kuwento na halos ikapilipit ng dila ko. kahit kaylan kasi ay hindi ako nasanay na magsinungaling. Napaisip ang kaibigan na napahinto din sa paglalakad. Nasa loob pa din kasi kami ng malawak na Drugstore na iyon. Matagal siyang napaisip at bago nakapagsalita. “Saan mo ba gustong pumunta?” “Ahmm.” Tugon ko kaagad na nag-isip. Nasa isipan ko na kung saan ko siya dadalhin. Ang address na isinend ko kay Jarred ang unang pumasok sa isipan ko kaagad. “Sa Malhala FoodHouse!” walang gatol kong wika mayamaya matapos kong maalala ang usapan naming ni Jarred. “S-saan?” Maang na tanong ni Mj. “Sa Malhala. Iyon ban
Liza ‘Italy? Ang layo noon ha?’ Hindi ko inaasahang marinig iyon mula kay Jarred. Hindi ko akalaing aalis na pala ito nang hindi sila nagkakaayos ni Mj. Hindi ko maiwasang malungkot sa dalawa dahil sa nalalapit na pagkakalayo. >Do you mean, are you leaving Philippines soon? Hindi agad nakasagot si Jarred. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito o baka naman ay paraan lang nito iyon gaya ng mga nagaganap sa mga teledrama. Tapos matataranta ang girl at hahabulin ang lalaki tapos magkakaabutan sa airport. Inalis ko sa isip ang mga malilikot kong imahinasyon at nagpokus sa isasagot ni Jarred. >Yes. Marami nang naganap sa buhay ko na gusto ko na lang lampasan. Mga one month lang naman ako doon para lang magmind clear at para na din lumikha ng mga bagong memories. Ramdam ko sa text ng kausap ang kakaibang lungkot na nababakas ko sa mga mensahe niyang ipinapadala. >What about Mj? Matitiis mo ba siyang iwan sa ganitong kalagayan niya? >You said it na hindi naman siya buntis di’ba? Why a
Lance Hindi ko alam kung panaginip lang ito pero umaasa akong sana nga. Hawak-hawak ko ang isang magnum na baril ng mga oras na iyon at itinututok ko iyon kay Mj. Noon ko din narealized na nakagapos si Mj sa isang tabi, tigmak sa luha ang mga mata nito at nagmamakaawa. “P-please, don’t do this Lance.” Pagsusumamo niya sa akin. “I-i know it is not you. Sabihin mong hindi ikaw ito, Lance. Hindi ikaw ang Lance na kilala ko… at nakilala ko.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita at napalunok ng laway. “H-hindi ikaw si Lance na nakilala ko at natutunan kong mahalin. I swear, hindi ikaw ‘to.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay parang napakaraming karayom ang tumutusok sa puso ko habang nakikita ang babae, luhaan, sugatan, gapos at nagmamakaawa sa akin. Parang nahahati ang kaluluwa ko. Naroon ang pagkamuhi ngunit nandoon din ang pusong mapagpatawad. Hindi ko maisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon pero I swear, parang isang bahagi ng puso ko ang may basag. Nagulat ako nang n
Lance Alam kong kahit anong oras ay puwede kong sugurin at kunin si Mj sa bahay ni Liza pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Dapat maingat ako sa aking mga kilos at hindi padalus-dalos. Pagkalipas ng ilang linggo ay sa wakas at natagpuan ko na rin ang babae. Ang buiong akala ni Liza ay basta na lamang akong maniniwala sa sinabi nitong wala itong nalalaman tungkol sa lokasyon ni Mj. Masyado itong naging kumpiyansiya at panatag kaya nakalimutan nito kung anong ugali mayrooon ang isang kagaya kong si Lance Jericho Ballesteros. Sa pamamagitan ng sapilitang pagpapaamin rito at sinamahan ko na din ng konting pananakot ay napakanta ko din si Liza. Nanginginig ito noong tinakot ko na masasaktan kung hindi magsasalita. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang pamimilit kong nagawa rito noon. Nasa isip ko pa din ang kawawa at hindi maipintang mukha ng babae ng minsan ay magkita kami at makorner ko siya. ~~~ Hindi ko alam kung saan siya noon nanggaling pero inabangan ko ang kaniyang pagdaan sa lugar
] Lance Alam kong kahit kaharap ko na si Liza kanina ay ramdam ko na may itinatago itong kaalaman sa tunay na lokasyon ni Mj. Batid kong may tinatago ito at ayaw lang sabihin sa akin. Hindi naman nakapagtataka dahil magkaibigan ang dalawa kaya imposibleng ilalaglag nito ang kaibigan. Sa bagay iyon ay hindi naman ako pinanghinaan ng loob. Hinding-hindi ako susuko sa paghahanap kay Mj. Saka lang ako susuko kapag oras na para bumitaw o kapag nakita ko na si Mj at matiyak na ligtas ito. Pauwi na ako sa amin ng hapong iyon nang aksidente kong makita si Mj sa kalsada. Nakatalikod ito at may mga bitbit na mga pinamiling gulay at kung ano-ano pa. Sa palagay ko ay nag-aabang ito ng taxi pauwi sa kanila. Kahit nakatalikod ay alam kong kilalang-kilala ko ang nobya. Sa tindig nito, sa shape ng katawan at maging sa lugay at ayos ng buhok ay hindi ako magkakamaling si Mj nga iyon. Sasal ng tibok ang puso ko at parang dumadagundong sa kaba. Mabilis kong itinabi ang kotse at nagmadaling nilapitan