Author's Note: Ano ang dapat abangan?
1. Paanong naging isa si Kenneth Whin Villagracia at si Ian Fidel Villagracia?2. Kung Ballesteros si Eric John, ano ang koneksiyon nila ni Lance Jericho?3. Sino si Rodrigo Ballesteros? Kung hindi siya totoong ama ni Lance ano siya nito?Sundan.___________JarredHindi din biro ang ginawang pangungumbinsi ni Coach Eric sa akin para lang ituloy ko ang paparating na selection sa amin ni Lance.This coming Saturday na ito.Sa malaking covered gym ng campus gaganapin ang matinding bakbakan namin ni Lance para sa pagpili ng Ball pride ng St. Luke University ng Las Piñas.Laban ng ball strategies at shooting skills ito malala.But I'm not afraid. why should I?Sa lahat ng nakalaban ko na sa ring, hindi si Lance ang taong magpapatiklop sa akin.Three pointer kaya 'to?Si Lance, sisiw lang 'yan pagdating na sa finals.Kalalaking tao kabado at nawawala sa diskarte kapag hindi natuupad ang shooting goal.Mabilis itong maging nega kapag naasar.Lumalabas ang bul*k nitong ugali kapag nalalamangan na sila ng score.Bukod pa sa pagiging buwaya nito kapag napasa kamay na ang bola.Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang tungkol doon.Ano ba naman ang mapapala ko aber? Bakit ko pag aaksayahan ng pansin kung ano man ang ugaling mayroon si Lance?Walang kaalam-alam ang lahat kung paano ko pinaghahandaan ang magaganap.Tulad ngayon, nasa isang covered court ako ngayon.Niyaya ko ang aking kaibigan na si Jaspher, isa ding doktor ang kinukuha."Mukhang todo na iyang paghahanda niyo sa match selection niyo ni Lance a?"Para pa akong nagulat nang bigla itong magsalita.Ang pagkaalala ko kasi ay nagpaalam ito na gagamit ng kubeta.Hindi ko namalayang nakabalik na pala ito at nasa likuran ko na.Kasalukuyan akong nagwa-warm up noon kaya halos di ko na narinig ang papalapit nitong yabag.Idagdag pa ang iniisip ko kanina patungkol kay Lance.Si Lance Jericho ay iba doon sa binanggit ko nakaraan na si Lance na pinagtitripan ako.Barkada ko din iyon, lagi kong kasa-kasama pati na din si Jaspher.Btw, si Jaspher nga pala ay nasa 5'3 tall, mga ganoon. Hindi ko na din kasi natanong. Hindi masyadong kaputian, simpleng lalaki kung manamit at di maarte.Tungkol sa location or residence naman ni Lance ay wala na akong masasabi.Hindi ko na alam kung nagboboard lang ito o may sariling bahay.Last na nagkausap at magkasama kami, nabanggit nito na uuwi ito.May family matters daw na kaylangan asikasuhin.Ang ipinagtataka ko lang, why so long? It's been two weeks since umuwi ito.Hanggang ngayon ay 'di pa rin ito nakakabalik. Wala ding nakakilala sa barkada nilang iyon.What was happen to him ay isang katanungan."Hoy! Okay ka lang?"Para akong nahimasmasan ng bigla akong tapikin sa balikat ni Jaspher dahil napaisip ako ng matagal tungkol kay Lance."Kanina ka pa tulala." muling sabi ni Jaspher dahil parang wala akong narinig."-Ha? O-oo. Okay lang ako." tugon ko na parang taranta."Okay? Let me say how you're okay? Kanina ka pa, wala sa sarili." Hindi kumbinsidong pahayag ni Jaspher. " Nasa training grounds ka pero parang wala dito ang atensiyon mo?"Tiningnan ko ito ng marahan. Si Jaspher Del Valle na nakasuot ng blue jersey, terno sa short nito ay nasa harap ko ngayon at gustong malaman kung ano daw ang problema ko."Pambihira ka naman! naasar na wika nito."Ano na? titingnan mo na lamang ako at walang balak sagutin ang tanong ko?"Nakita ko ang pagkaasar sa facial expression nito at the way he delivered his words.Nagtaka ito nang biglang tumawa ako." Luh? Mas lumala!" anitong nagkiki emoji ang hitsura."Anong nakakatawa? May nakakatawa?" Tumaas pa ang kulay nito sa inis."Hindi kasi... dati rati wala ka namang paki ke tahimik ako o maingay, you don't have any time to be bothered about me. Nakakapanibago lang."Napaawang ang bibig nito. "Wow. Jarred, Ikaw ba yan? English anakkanamputcha!"Tuluyan akong napahalakhak sa expressions nito."Oo nga. Nakakapanibago.""Ewan ko sa iyo Jarred. Magpractice ka na nga. Wala kang kwentang kausap."Iyon lang at iniwan na nito ako. Alam ko ang kahinaan nito. Pag binabara ang sinabi nito o in-ignore, bigla itong init ang ulo at magwo-walk out na parang inagrabyado.Taglay ang mukha ng isang api ay didistansiya ito bigla at maghahanap ng lugar na makapagsarili ito.Kapag ganoon na ang takbo ng sitwasyon, isa lang ang alam ko.Nasira ko naman ang araw nito.Itinawa ko na lamang ang tungkol doon.~~~Eric John''s Past"Gawin mo na ang lahat sa akin, wag lang kay Edcel." wika ko kay Kenneth habang kinakalagan nito si Edcel."Parang awa mo na, Kenneth Whin, Don't do anything to her! I promise you, I will kill you if you dare to touch her!" wika ko habang walang magawa kundi tingnan si Kenneth na pinakakawalan si Edcel sa pagkakagapos.Wala namang nagawa ang babae kundi humikbi na lamang. Bagay na lalong dumudurog sa puso ko.Siguro nga ay wala nang mas sasakit pa sa katotohanang wala man lamang akong nagawa para ipagtanggol ang babaeng pinakamamahal ko.'Eh sa nakagapos ako e. How I wish na si Superman ako para mapatid ko ang lubid na marahas na nakagapos sa katawan ko.Hindi ko alam kong makakatulong ang mga sinabi kong iyon o mas laloamang magpalala ng sitwasyon naming dalawa."Alam mo Eric, kung ako sa iyo manahimik ka na lang." saway ng isang tauhan. "Wala ka rin namang magagawa e, tingnan mo nga sarili mo. Isang talunang nakagapos, paano mo matutulungan ang nobya mo?"katabi nito ang isa pang kasamahan na nakisimpatiya at sabay akong pinagtawanan ng mga ito.Nanahimik na lang ako dahil tama ang mga ito.Hindi makakatulong sa kanila ni Edcel ang pagtatalak kong ito.Nakita kong tangan-tangan ni Kenneth si Edcel."Hoy, kayo! bantayan niyo iyang mabuti ha?! 'Wag na 'wag niyong hayaang makatakas iyan! Malilintikan kayo sa akin!" Anitong may halong pagbabanta." E-eric!" halos paanas na tawag ni Edcel sa pangalan ko habang unti-unti na silang nawawala sa paningin ko.Nasundan ko na lamang ng tingin ang dalawang papalayo.Napapiksi ako ng muli kong sinubukang kumawala sa pagkakagapos.Ang daming naglalaro sa isipan ko ngayon na posibleng gagawin ni Kenneth laban sa babaeng pinakamamahal ko.Mga bagay na kahit itanggi ko ay pilit na isinisiksik ng aking malayang imaginasyon at hinala.At sa bagay na iyon ay wala na akong magagawa pa.Siguro ay nakasulat na sa tadhana ang kahihinatnan naming dalawa ni Edcel sa kamay ni Kenneth Whin Villagracia."Pagbabayaran mo ang gagawin mong ito kay Edcel, Kenneth Whin!" malakas na sigaw ko at ewan kung narinig pa nito iyon. "I swear, sisingilin kita kapag inabuso mo ang babaeng pinakamamahal ko! Isinusumpa ko!"Katulad ng isang dark spell, ang aking winika ay sinabayan ng kulog at pagkidlat.Tiyak na diringgin ng itaas ang aking mga sinabi.Nagdilim na lamang bigla ang aking paligid ng bigla akong tinamaan sa batok ng isang dulo ng riffle na mula sa mga kasamahan ni Kenneth.________JarredGabutil ng mais ang pawis ko nang nakagising mula sa isang panaginip.Ang weirdo ng panaginip kong ito, palagi at paulit-ulit.Minsan ay naisip ko kung ano ba talaga ang meron ako at ang panaginip na iyon kung bakit parang may isang bahagi ko na nakadugtong sa kwentong iyon.Kung meron man talaga, ano naman ang koneksiyon ko?Wala naman akong kilalang John Eric Villagracia o na-met na taong ganoon ang pangalan?Mukhang hindi na ito tama ang nangyayari sa akin.Paano kaya kung kumunsulta ako sa isang fortune reader?Para malinaw at maintindihan ko kung bakit ako nakakapanaginip ng gayong mga bagay na wala naman ni sa hinagap ko?Sa kabilang banda, ay lihim akong natawa sa mga iniisip ko?Fortune reader? What the F!Kelan pa ako naniwala sa tinatawag na "himalad"?Ang himalad ay isang tradisyunal na paghuhula ng kinabukasan ng isang tao sa pamamagitan ng paghawak sa palad nito at pagbasa ng kapalaran ng may-ari niyon thru vision.Masyado nang improvised at high-tech ngayon kaya kabaliwan ang maniwala sa mga ganoong bagay.Isa pa, bata pa lamang ako ay contradict na ako sa paniniwala sa kapalaran.Destiny? Fate? Meant to be?What an insanity!Nucks! May alam akitch. Haha.Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at iwinaksi ang tungkol doon.sinulyapan ko ang suot kong wristwatch.It's about four o'clock in the early morning.It's not time yet, but I want to wake up na.Inalis ko ang puting kumot sa na siyang tumatakip sa aking abs.Matapos ang pag-inat ay tumayo na ako at nagwarm up saglit. Sinusubukan kong alisin ang pangangawit ng mga buto ko sa leeg at pati na rin sa mga binti at balikat.Then only I realized a thing hard on my boxer when I unintentionally give an eye to my body below.'What!' I said consciously.Well, siguro normal na talaga iyon especially when teenager comes at this stage.Laging nakataas ang flag, ika nga.Lihim akong napangiti as my hands slowly caress my belly down to my middle.I softly putted my hands inside my boxer just to feel it warms.I also lost it outside so it can breathe slowly and freely. Haha.What a silly moment!It's just a second only and I take back my hands off to my thing and hey! I smells it!And sadly , it's maasim! Haha. kidding. Next is getting more censored! Words are unnecessary to be tell.Skip... Skip... Skip...I brushed my tooth at that moment nang biglang nag ring ang cellphone ko.I just let it ringed until I complete my doing.It does not matter kung maasar man o magalit na ang kung sino mang caller na ito.That I don't care! charisss!Finally, when I had wipe my face, I took my Vivo y7 which I putted on a table and answered the call which kept on ringing.I response in a hurry."H-hello? Who is this? Why are so hurry? And it's too early huh?" tuloy-tuloy na usisa ko.Keaga-aga ay nireregla naman ako.Sino ba kasi itong kanina pa tawag ng tawag na akala mo ay may byaheng pa-Palawan?Oh! Speaking of Palawan, my dream tour destination!"Hello, Jarred,This is Jaspher, How are you?"Napasirko ang kilay ko sa sobrang bilis ng pagsasalita ng kausap.To the point na walang balak itong gumamit ng mga bantas."I'm so sorry, naabala kita." pagpapatuloy ng kausap.Wala kasi akong number nito at wala din naman akong balak hingiin iyon dahil hindi ako interesadong maging textmate ito."Iimbitahin lang sana kita, if you won't mind. Are you free today!"Sa wakas ay huminga din ang nasa kabilang linya."Iimbitahan? For what? So where the hell are you now at nakalimutan mong may pasok tayo ngayon?"Napahalakhak si Lance sa sinabi ko. "Gago! Nandito na ako sa boarding house ko.Kagabi pa ako nakabalik. At anong pinagsasabi mong may pasok ngayon? Wake up, Jarred, wala tayong subject pag Saturday, in case na nakalimutan mo na.Nucks! Spoken in dollars ang lolo niyo.Medyo napahiya ako dahil nakalimutan ko ngang Sabado ngayon."Well then, tungkol saan ba itong napatawag ka at kaaga-aga ay nambubulabog ka na naman?""Haha. sorry kung naistorbo kita." medyo nahiyang wika ni Lance na nakuha pa ding tumawa. "Today is my birthday! Would you like to join me?"Medyo na-excite ako pagkarinig sa salitang birthday. Mostly, 'pag may birthday, may kainan!Haha. Exactly!"No problem.Game ako diyan parr." walang atubiling sagot ko, without thinking kung papayagan ba ako ni Dad.Honestly, wala si Dad sa bahay ngayon. They have a short vacation together with Mom on Cebu. It will be a couple of days or may be a week.Chamba! The home is mine! I can do whatever I can.Oppps! Wait Jarred, have you forgotten? Yaya Marie is right out there.I laughed as I remember my Dad's home instant investigator!Si Yaya ang klase ng taong di mo basta makukumbinsing maniwala sa sinasabi mo as long as you never show her a proof!What a class yet intelligent Yaya!But anyway, she's not the kind that will cause me problem. I have a lots of means around.I smiled like a naughty kid.Para pa akong nagulat nang muling magsalita si Lance na nakalimutan kong nasa kabilang linya pa."Ano na parr? Anong desisyon mo?"Isa din itong kausap ko na may pagkapulis din sa pagiging apurado sa pasya ko."Parang nagsabi naman ako na payag na ako?" I complain."Oo nga. Pero hindi klaro e." katwiran ni Jaspher na sobrang pasiyensiyoso."Then it's my final answer... Yes!"Natawa pa ito dahil sa klase ng pagkadeliver ko ng sagot."Okay. I'll just send you the location. See you there, Jarred!"Muli ay nagsalita naman ito ng parang walang pagitan.At ang mas nakaka hmmp.. ay ini-off kaagad nito ang tawag without waiting my closing approach!Inalis ko na lamang sa isip ko ang pagkadismayang iyon at baka maspoiled lang ang araw ko.____________MJ KriselaIt was Saturday morning and I haven't class today.I was planning to go for a ride, nuckss! Haha.Para namang may motor ako ano?I laughed as I begin to have a solo conversation with myself.I'm just so boring kapag no classes. What I am supposed to do?What if, maglalaba na lang ako. Less expenses kesa gumala ako.E wala naman akong enough budget!Napaupo ako sa isang tabi just to deal with myself. Ano na? Gagala o maglalaba?Kung maglalaba ako, mapapagod naman ako in the whole day!Alam niyo naman ang pagod kapag naglalaba diba?Dama niyo ba rin iyon? Ako kasi, damang-dama ko. Huhu.What I need is enjoyment! Refreshment ba! Para maka-inhale din sa lahat ng stress sa buhay.It tooks few minutes before I finalized my decision.Gagala na lang para mas cool.Pero saan ba ang destinasyon?Hmmp. Mas cool kung may kasama ako! Pero sino naman? Wala akong circle of friends e.Ganito na lang. Daanan ko na lang si Cristyl Zid.Sino naman si Cristyl Zid?Ahyy, oo nga pala. Siya pala ang isa sa mga bukod tanging kaklase kong kakampi ko laban kina Naomi and her friends.Well, di ko siya nabanggit earlier kasi nga absent siya for about a week.Namatayan kasi ng kamag-anak kaya napa no choice kundi umuwi sa kanila.About Crystyl Zid, isang morenang possessed 4'7 height, with a curve red lips, curly black hair and thick black eyebrows in both side.Haha. Daig ko pa ang lesbian kapag nag-describe sa isang babae. Imagine, doon talaga ako nauna sa lips nito?Inalis ko na lang sa isipan ko ang tungkol sa bagay na iyon.After some minutes, natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaligpit na.I am ready! So where's the map na Dora?MJ KriselaThe waiting is over! This is my turn!Iyon ang mga salitang hihigit na nagbigay sa akin ng lakas ng loob at tapang para harapin ang napakalaking oppurtunidad na ito.To show the beauty I've got!To win the crown of this coming Mutya ng St.Luke University!To stunned the world in exact! Hehe. Kidding!I smiled as I turn around in front of a standing tall, semi-circle mirror. I also begin dreaming myself bearing the crown into my head, smiled at everyone while waving my hands proud and confidentially beautiful with a heart!Nucks! Pia Worstbatch este Wurtzbach pala, ikaw ba yan?Muli akong napangiti nang muli kong sinipat ang sarili ko at pinagmasdan sa harap ng mahabang salamin. Muli kong ipinagpatuloy ang aking naudlot na daydreaming."Contestant number three!" Malakas na wika ng M.C ng nasabing pageant. Sinulyapan ko ang number na nakasabit sa aking beywang knowing kung numero ko ang susunod. Mahirap na at baka sumablay pa ako dahil doon. Naroon pa ako sa backstage at nalin
MJ KriselaDinig na dinig ko sa boses ni Liza ang kakaibang excitement at tuwa.Maging ang maiingay at dumadagundong ng tugtog na halos pumuno sa aking mga tainga.Pinapunta nito ako sa kung saan ito naroon na hindi naman dinetalye kung saan ito naroon. Halos hindi pa kami magkarinigan dahil sa malakas na tugtog."Ano ba ang meron diyan at sobra naman ang ingay? Daig pa ang may banda." Reklamo ko rito dahil halos di na nga niya ako marinig."Hindi kita masyadong marinig!" Tugon naman nito na biglang napasigaw. "Hey! Wait! I was talking to my friend. Susunod na ako." Anito pang parang kinikiliti."Okay! See you around!" Tugon ng baritonong boses.Unti-unti na ring lumilinaw sa akin kung saan ang totoong lokasyon nito.Confirmed! Nasa bar ang bruhang ito! Napahalukipkip pa ako matapos ang isiping iyon."Hey, ano na? Pupunta ka ba dito?" Untag nito sa akin. Noon ay napansin kong malinis at klarado na itong magsalita. Naisip niyang baka nagsadya muna ito sa C.R para makapag usap sila ng mat
JarredHindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko habang nasa mga bisig ko ang babaeng ito. Nakikita ko siya pala sa Tourism department pero madalang lang. Palabas na ako ng men's room nang makarinig ako ng malulutong na tawanan. Naging interesado ako at siguro marahil ay dala na din ng kuryusidad.Nasa labas lang ako pero nakikita ko at naririnig ang mga panunukso at tawanan ng ilang mga babae at dalawang lalaki laban sa isang kaawa-awang babae.It's Halloween. Kaya naman katakot-takot na pambubuly ang naranasan nito.Nang makita kong malilinsad na ang babae, ewan ko pero natagpuan ko na lang ang sariling sinalo ang katawan nito bago pa man iyon sumayad sa maruming semento.Ang hindi ko maipaliwanag ay ang kakaibang pitlag ng puso ko. Hindi ko maisalarawan ang kakaibang saya na umaapaw sa buong pagkatao ko.This strange feeling gottin' more deep. And the way I gently touched her, joy continues overflowing like a flushing water.Ano ba itong nararamdaman ko? Akala ko panaginip lang
Edcel's Past "E-eric?!" Tawag kong muli sa pangalan nito habang patuloy kaming pinapalutang sa ere ng malakas ng kung ano'ng malakas na enehiya. Mahigpit pa rin naming hawak sa kamay ang isa't isa. Letting no one of us could be parted again.Gumuhit din sa mukha ko ang takot. Kung para saan ang takot na iyon at alam kong sa takot na muli na namang kaming magkahiwalay.Pambihira! Pati sa kabilang-buhay ang lahat ay against pa din sa aming pagmamahalan?"Humawak ka lamang Edcel, 'wag na wag kang bibitaw. Ipangako mo!" Tiningnan ko si Eric sa mga mata. Parang nababasa ko ang katatagan roon? Saktong lingon ko sa aking kanan nang makita ang papasugod na alimpuyo ng hangin. Sa puntong iyon ay mas lalong dumuble ang takot kong nararamdaman.Noong bata pa ako, gusto kong tumangging maniwala na wala nang emosyon o pandama ang mga patay. Na hindi na sila masasaktan o alam pa ang mga salitang masaya, malungkot, takot at iba pa.Ano't sa mga sandaling ito, halos panawan ako ng pag-asa?"E-eri
Rodrigo BallesterosSeven o'clock in the evening at my office. Dismayadong napasalampak ako ng upo sa monobloc chair kasabay ng pagbagsak ng isang file folder na kinalaman ng walang improvement report. Kaharap ko ngayon ang isang private investigator na kasalukuyang nagrereport sa akin tungkol sa isang murder case ng kapatid ko. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ding linaw ang kaso. Nanatiling unresolved case ang pagkamatay ni Eric John, ang kapatid ko. 'Could there be hope? Magkakaroon pa ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko gayong hanggang ngayon ay wala pa ding malinaw na lead sa kaso. Ni wala improvement report na nagaganap.' malungkot na bulong ng sarili kong isip.It's been years and it's too long para hanggang ngayon ay wala pa ding nangyayari sa kaso.What the hell on earth na hindi makilala ang murderers for about 20 years of investigation.How long hindi ba? And until now, there is not even a single witness appears or even lead of suspects.Kung tutuusin, next month ay mat
JarredNaramdaman ko ang kakaibang koneksiyon namin ng babae. Para talagang sinasadya ang lahat ng nangyayari sa aming dalawa.Kung ano kasi ang saya at ligayang nararamdaman ko sa panaginip bilang si Eric John ay katulad na katulad ng nararamdaman ko ngayon.A kind of unnamed foreign feeling of happiness that grows more and deep each time I gaze unto her.'O ide wow! Ni hindi ko nga kilala ang pangalan niya!' protesta ng kabilang isipan ko.Kunsabagay ay totoo naman iyon talaga. I try to imagine. Isa ba itong fairy tale kung saan ako ang prinsepe na gigising sa matagal nang natutulog na si Sleeping Beauty? O 'di naman kaya ay ang prinsepe na magbibigay ng one true love kiss kay Kay Snow White matapos kumain ng may lasong mansanas?Ipinilig ko na lamang sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon matapos matawa ng lihim.Ang baduy mo naman Jarred! Sa dinami-dami ng mga movies at film na mas sikat at angat, iyon pa talagang mga gawa ng Disney Dreamworks ang unang rumehistro sa isip mo? Ib
Edcels Past Mula sa nakasisilaw na liwanag ay lumitaw ang isang emahe. Unti- unti itong nabubuo at nagkakahugis tao.Iyon ay kung tao nga ito.Takot na nagpanic ako at hinila ni Eric papunta sa likod niya. Kabaliktaran naman ng nararamdaman ni Eric. "Sino ka? Magpakilala ka?"Nasa likuran naman ako ni Eric na nakikiramdam sa sitwasyon.Sabay naming nakita ang pagbabago ng imahe mula sa nakakasilaw na liwanag na biglang tahimik na sumabog. Pagkatapos noon ay lumitaw ang isang nakakaakit na engkantada. I thought so, but she looks more than an enchantress! I think a deity or in simple words, a goddess!Ito na na ba si Athena? Ang goddess of beauty ng mga taga Athens? O di kaya ay si Minerva, ang goddess of wisdom? O di naman kaya ay si Medusa? Lihim akong natawa sa pagkakasangkot ng gorgon na si Medusa sa alamat ng Greece. "Still you want to know who I am?" The goddess said in a sarcastic yet enchanting voice. But how she smiled at me, it seemed the glance of her eyes escaped out of
Lance JerichoNaalimpungutang nakabangon ako sa isang banyagang lugar. Matapos kong ilinga ang aking paningin sa buong paligid nang puno ng pagtataka ay sinikap kong ibangon ang sarili.Bigla ko na lamang naramdaman na sumakit ang ulo ko at parang mahihilo. Napasapo ako sa sariling noo na parang kaybigat ng mga sandaling iyon."Ahhh!" Angil ko nang hindi maitayo ang sarili. Napasalampak ako sa malambot na higaan na noon ko lang napagtuunan ng pansin.Balot ng isang maputi at floral designed na table cloth, may dalawang unan at isang wool-made na kumot na kaylambot hawakan at isuklob.Hindi ko naiwasang mapaisip. 'So mayaman ang nagmagandang-loob sa akin? In fairness sa kamang tinutulugan ko ngayon.' ngingiti-ngiting wika ng sarili kong isip. 'Pero siyempre, wala pa ding tatalo sa kwarto ko. Nothing can replace it.' Kambiyo naman ng kabilang isipan ko.Bago pa man ganap akong madala ng pagtatalo ng dalawa kong isip, pinilit ko muling bumangon. Gusto kong malaman kung nasaan ako ngayon.
Three Months ago...Jarred "Congratulations! Happy Wedding!" Panabay na bati nina Liza, Jaspher, Crystal at Kent. Lahat sila ay parehong kinuha kong mga abay. Naroon din si Lance Venturillo, kaibigan ko, sina Mommy Cherry Ann, Daddy Ian Fidel, maging ang kinilalang magulang ni Shella Mae na sina Aling Patricia at Mang Rigor kasama ang mga kapatid nito na sina Nene at Tonton."Congrats, Mj!" Si Liza na niyakap nang mahigpit si Shella Mae. Ito ang ang kinuhang Maid of Honor ni Mj dahil hindi pwede si Crystal dahil ikakasal na din ito kay Kent Buencamino next week.Wala naman naging problema sa kasunduan ng dalawa. Si Jaspher naman ang kinuha kong bestman dahil ayaw ni Lance. Hindi ko na pinilit ang kaibigan dahil mas gusto lang nito maging abay lang.Naroon din ang iba pang mga kakilala at kaklase ko maging ang kapamilya ko Villagracia. "Thanks!" Maluhang tugon ni Mj. Inawat naman siya ni Liza. "O, huwag ka nang umiyak. Hello, it's your wedding day, tatapusin mo lang ba sa pamamagitan
Jarred Pagpasok na pagpasok ko sa hospital na sinasabi ni Liza ay nagmamadali akong tinungo kaagad ang Inquiry Desk ng hospital."Nurse, may naging pasyente ba kayong nangangalang—" Hinihingal dahil sa kaba na inquire ko sa bantay doon pero agad na naputol nang makita ko si Liza na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay."S-sorry. Just excuse me." Pamamaalam ko na lang na patakbong nilapitan si Liza. Nakita ko kaagad na may mga dugo nga sa damit nito, patunay na totoo ang sinasabi nito kanina sa phone habang kami ay magkausap. "How is she?" Kinakabahang tanong ko agad dahil gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang totoong kondisyon ng babae. "Is she okay now?"Nakita ko mula sa mukha ni Liza ang pangamba at paggusot ng mukha. "Sundan mo na lang ako." Tumango lang ako at agad na sumunod sa kaniya na malakas ang sasal na tibok ng puso ko. Natatakot ako para sa babaeng bukod tangi kong minahal.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito sa buong buhay ko.Isang ta
Mj"He was about to go in an hour."Napalingon ako sa may pintuan nakatayo roon si Liza. Hindi naman ako nagulat dahil hinahayaan ko lang naman na bukas palagi ang kuwarto ko. Ako naman ay nasa bintana, nakanaw sa labas ng bahay at malalim ang iniisip. Hindi ako sumagot sa halip ay muli kong ibinalik ang tingin at atensiyon sa mga nakikita ko sa labas ng bintana.Tinatanaw ko ang paligid ng kinatitirikan ng bahay nina Liza. Sari-saring mukha at disenyo ng bahay ang aking nakikita. Nagtataasan din ang mga bubong na dikit-dikit at walang pagitan. Hindi naman squatters area ang lugar na iyon. Sadya lang siguro iyon ang mga nakikita ko dahil nasa taas ako."Hindi mo ba ako narinig?" Muling pukaw sa akin ni Liza na dinig ko kahit pa nakatalikod ako. Nasa tono ng pananalita nito ang pagkainis sa pangiisnob ko. Dinig kong humakbang ito papunta sa akin na may bigat ang mga paa.Tumabi ito sa akin sa gilid ng bintana."Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" Dagdag pa niya na hinawi ang mahabang
Jarred Alam kong hindi inaasahan ni Shella Mae ang biglang pagsulpot ko ng mga sandaling iyon.Kahit na batid kong may kausap pa ito sa phone ay pilit ko pa ring pinalakas ang loob ko na malapitan siya at makausap. Ayukong masayang ang pagkakataon na ito bago man lang ako ganap na lumayo sa kaniya. Ikalawa, ayuko ring masayang ang todo preparations ni Liza para magkita kami at makapagpaalaman, kung saka-sakali man.May konting kirot na umalma sa puso ko ang ideyang magkakahiwalay na nga kami ni Mj/Shella Mae ng tuluyan.Nakita ko kung paano parang namutla at tila matutunaw sa kinauupuan niya si Shella Mae. Bukod sa nagulat ito ay hindi rin siguro nito sukat isipin na nandoon ako. Lalo kong naramdaman ang pagkataranta ng mukha niya at parang ibig maglaho ng bigla na lamang sa sirkulasyon huwag lang ako makita akong papalapit.“W-what are you doing here?” Hinayaan ko muna ang sariling makalapit sa kaniya ng tuluyan bago ako sumagot.‘What do you mean I’m doing here? It is a restaurant
Liza “Uuwi na ba tayo?” nagtatakang tanong ko kay Mj nang mapansin pumara na ito ng taxi. Nakakunot-noo namang sinulyapan ako ng kaibigan. “What do you mean? Ano pa bang naisip mong gagawin natin bukod pa sa dito sa Drugstore?’ “I mean, hindi ba tayo dadaan ng mall? Mag unwind muna tayo dahil minsan ka lang nakakalabas. I mean, minsan lang gusto mong lumabas.” Pang-iimbento ko ng kuwento na halos ikapilipit ng dila ko. kahit kaylan kasi ay hindi ako nasanay na magsinungaling. Napaisip ang kaibigan na napahinto din sa paglalakad. Nasa loob pa din kasi kami ng malawak na Drugstore na iyon. Matagal siyang napaisip at bago nakapagsalita. “Saan mo ba gustong pumunta?” “Ahmm.” Tugon ko kaagad na nag-isip. Nasa isipan ko na kung saan ko siya dadalhin. Ang address na isinend ko kay Jarred ang unang pumasok sa isipan ko kaagad. “Sa Malhala FoodHouse!” walang gatol kong wika mayamaya matapos kong maalala ang usapan naming ni Jarred. “S-saan?” Maang na tanong ni Mj. “Sa Malhala. Iyon ban
Liza ‘Italy? Ang layo noon ha?’ Hindi ko inaasahang marinig iyon mula kay Jarred. Hindi ko akalaing aalis na pala ito nang hindi sila nagkakaayos ni Mj. Hindi ko maiwasang malungkot sa dalawa dahil sa nalalapit na pagkakalayo. >Do you mean, are you leaving Philippines soon? Hindi agad nakasagot si Jarred. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito o baka naman ay paraan lang nito iyon gaya ng mga nagaganap sa mga teledrama. Tapos matataranta ang girl at hahabulin ang lalaki tapos magkakaabutan sa airport. Inalis ko sa isip ang mga malilikot kong imahinasyon at nagpokus sa isasagot ni Jarred. >Yes. Marami nang naganap sa buhay ko na gusto ko na lang lampasan. Mga one month lang naman ako doon para lang magmind clear at para na din lumikha ng mga bagong memories. Ramdam ko sa text ng kausap ang kakaibang lungkot na nababakas ko sa mga mensahe niyang ipinapadala. >What about Mj? Matitiis mo ba siyang iwan sa ganitong kalagayan niya? >You said it na hindi naman siya buntis di’ba? Why a
Lance Hindi ko alam kung panaginip lang ito pero umaasa akong sana nga. Hawak-hawak ko ang isang magnum na baril ng mga oras na iyon at itinututok ko iyon kay Mj. Noon ko din narealized na nakagapos si Mj sa isang tabi, tigmak sa luha ang mga mata nito at nagmamakaawa. “P-please, don’t do this Lance.” Pagsusumamo niya sa akin. “I-i know it is not you. Sabihin mong hindi ikaw ito, Lance. Hindi ikaw ang Lance na kilala ko… at nakilala ko.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita at napalunok ng laway. “H-hindi ikaw si Lance na nakilala ko at natutunan kong mahalin. I swear, hindi ikaw ‘to.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay parang napakaraming karayom ang tumutusok sa puso ko habang nakikita ang babae, luhaan, sugatan, gapos at nagmamakaawa sa akin. Parang nahahati ang kaluluwa ko. Naroon ang pagkamuhi ngunit nandoon din ang pusong mapagpatawad. Hindi ko maisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon pero I swear, parang isang bahagi ng puso ko ang may basag. Nagulat ako nang n
Lance Alam kong kahit anong oras ay puwede kong sugurin at kunin si Mj sa bahay ni Liza pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Dapat maingat ako sa aking mga kilos at hindi padalus-dalos. Pagkalipas ng ilang linggo ay sa wakas at natagpuan ko na rin ang babae. Ang buiong akala ni Liza ay basta na lamang akong maniniwala sa sinabi nitong wala itong nalalaman tungkol sa lokasyon ni Mj. Masyado itong naging kumpiyansiya at panatag kaya nakalimutan nito kung anong ugali mayrooon ang isang kagaya kong si Lance Jericho Ballesteros. Sa pamamagitan ng sapilitang pagpapaamin rito at sinamahan ko na din ng konting pananakot ay napakanta ko din si Liza. Nanginginig ito noong tinakot ko na masasaktan kung hindi magsasalita. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang pamimilit kong nagawa rito noon. Nasa isip ko pa din ang kawawa at hindi maipintang mukha ng babae ng minsan ay magkita kami at makorner ko siya. ~~~ Hindi ko alam kung saan siya noon nanggaling pero inabangan ko ang kaniyang pagdaan sa lugar
] Lance Alam kong kahit kaharap ko na si Liza kanina ay ramdam ko na may itinatago itong kaalaman sa tunay na lokasyon ni Mj. Batid kong may tinatago ito at ayaw lang sabihin sa akin. Hindi naman nakapagtataka dahil magkaibigan ang dalawa kaya imposibleng ilalaglag nito ang kaibigan. Sa bagay iyon ay hindi naman ako pinanghinaan ng loob. Hinding-hindi ako susuko sa paghahanap kay Mj. Saka lang ako susuko kapag oras na para bumitaw o kapag nakita ko na si Mj at matiyak na ligtas ito. Pauwi na ako sa amin ng hapong iyon nang aksidente kong makita si Mj sa kalsada. Nakatalikod ito at may mga bitbit na mga pinamiling gulay at kung ano-ano pa. Sa palagay ko ay nag-aabang ito ng taxi pauwi sa kanila. Kahit nakatalikod ay alam kong kilalang-kilala ko ang nobya. Sa tindig nito, sa shape ng katawan at maging sa lugay at ayos ng buhok ay hindi ako magkakamaling si Mj nga iyon. Sasal ng tibok ang puso ko at parang dumadagundong sa kaba. Mabilis kong itinabi ang kotse at nagmadaling nilapitan