MJ Krisela
The waiting is over! This is my turn!Iyon ang mga salitang hihigit na nagbigay sa akin ng lakas ng loob at tapang para harapin ang napakalaking oppurtunidad na ito.To show the beauty I've got!To win the crown of this coming Mutya ng St.Luke University!To stunned the world in exact! Hehe. Kidding!I smiled as I turn around in front of a standing tall, semi-circle mirror. I also begin dreaming myself bearing the crown into my head, smiled at everyone while waving my hands proud and confidentially beautiful with a heart!Nucks! Pia Worstbatch este Wurtzbach pala, ikaw ba yan?Muli akong napangiti nang muli kong sinipat ang sarili ko at pinagmasdan sa harap ng mahabang salamin. Muli kong ipinagpatuloy ang aking naudlot na daydreaming."Contestant number three!" Malakas na wika ng M.C ng nasabing pageant. Sinulyapan ko ang number na nakasabit sa aking beywang knowing kung numero ko ang susunod. Mahirap na at baka sumablay pa ako dahil doon. Naroon pa ako sa backstage at nalingunan ko si Naomi taglay ang numerong number four.Nagtama ang mga paningin namin at pakiramdam ko ay nagsa-Charles ako sa pelikulang X-Men ng Marvels film. Wala siyang nababasa sa isipan nito ng kahit na ano, maliban sa kabulukan ng pag-iisip nito.Nakita ko kung paano ito plastik na ngumiti at may halong pangungutya.Hindi ko na ibinalik ang ngiti ko rito.'Bahala siyang maging toxic, duhh!' wika ng isip ko dahil parang nagkaroon ng koneksiyon sa pagitan ng mga isip namin. Waring nag-uusap ang aming mga isip!Wala naman sa ugali ko ang magtaray. Kaswal lang ang kilos ko maging ang facial expression ko ay natural na natural.Sanay na ako sa pakikisama at pakikipag usap na mayroon ang impaktitang iyon. To the point na parang normal na ang lahat sa akin.Sa hindi naman ako naaapektuhan dahil ayukong mag paapekto!Binalewala ko na lamang iyon at hinintay na matawag ang numero nito. Alam ko na kung sino na ang susunod.Nang muling magsalita ang M.C at tawagin ang numero nito, nakaismid pang dumaan ito sa gawi ko at pinandilatan ako ng mga mata."Ihanda mo na ang sarili mong matalo!" Mayabang na wika nito sa akin na nakapameywang na tinabig ako. "I'll assured you, ako ang mananalo at akin ang korona. Stop dreaming!" Dagdag pa nito at tuloy-tuloy na humakbang para magpose sa mga manonood.Gusto kong manggigil sa babaeng ito pero pinigil ko na lamang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagkagat ng aking pang-ibabang labi.'Napakatoxic talaga ng babaeng iyon!' inis na sabi ko ko ngunit sarili ko na lang ang nakarinig. Wala pa man ay masyado nang kumpiyansiya ito sa sarili.Muli, pinalis ko na lamang ang pagkainis na iyon sa aking isipan. Makakasira lamang iyon sa aking poise at diskarte.'We will see it, Naomi.' pagpapakalma ko sa sarili ko.Dumating na rin ang pinakahihintay ko. Ang numero ko na ang itinawag. Lima lang kaming contestant ang nakikipagsapalaran. Kung ano ang dahilan, iyon lang ang di ko na alam.Ako, si Naomi, si Cheska na Computer Engineering , si Valen sa BS in Education at si Mary Claire na BS in accountancy.Kilala si Naomi Baltazar dahil sa madalas nitong pagmo-modeling. Hindi ko naman iyon itinatanggi. Kahit black beauty, madalas itong kinukuha bilang commercial artist ng mga sikat na beauty products. Idagdag pa na kilala din ang Mommy nito bilang isang beauty artist at may sariling Beauty and Wellness Shop na pinakamahalaan mismo ng Mommy nito.Sikat at kilala ang business nito lalo pa't isa ding commercial model ang Mommy nito noong kapanahunan nito.Iyon lang ang nasagap kong chismis , este pam-iimbestiga. Hindi ako naging interesado sa kahit na sinong tao pero mas mabuti kong may pabackground check ako sa aking makakalaban.Isang malaking advantage iyon sa akin lalo na at lagi ako nitong pinupulaan.Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo nito sa akin. O baka naman kasi ay sakit na talaga nito iyon kapag may nakikilala itong mas magaling rito o sa tuwing ito ay nasasapawan.Matapos na ang production number, sports wear, casual wear at isinunod na ang talent portion.Liban sa pagsasayaw, wala na akong maipagmamalaki pang talent. Siguro, iyong manguha ng impormasyon ng kalaban o mag-spy. Haha.Drama ang napiling talent ni Naomi. The thing I hate most!Ewan ko, but I got really dismayed those kind of talent. Lalo na iyong iyakan? Shit! Mapapamura talaga ako ng malutong gaya sa Crispy fried chicken.Parang nakokornihan ako, nababagot 'pag ganoon na ang ganap. Something I can't explain!Ah Basta! I really really hate dramas, especially those dramatic people.Natapos din ang nakakabagot na talent ni Naomi at sinundan ng mga natitirang kandidata.isinunod na ang talent portion. Nakatayo na kaming lahat noon at may kaniya-kaniyang styling poise.Sinulyapan ko si Naomi na nasa third right after me na bunga ng aming choreo. Napansin kong parang namamawis ito, parang di mapakali.Kumibit-balikat na lamang ako na lihim na napangiti.'Ayy, yung mayabang, tinatablan din pala ng kaba?'Alam ko na kung bakit kinakabahan ito ngayon.Alam ko kung ano ang kahinaaan nito, ang English.Hindi naman sa paninira pero sa totoo lang ay mapurol ang ulo ni Naomi sa English.Mapa-grammar usage, pronunciation, spelling, definition at vocabulary ay bagsak na bagsak ito. Advantage para sa kaniya.'The moment na hindi na nais pang maganap ni Naomi.Bago pa man mangyari ang inaasahan ko, bigla na lamang akong ginising sa aking daydreaming ng isang malakas na ring ng cellphone ko._______________Jarred Lloyd...At dumating na nga ang pinakahihintay ko...at ni Lance Jericho.Kapwa hinintay naming dalawa ng buong pananabik ang mga sandaling ito...Ang sandaling hihirangin ang isa sa amin ni Lance ang magiging captain ball ng team na ilalaban sa Del Salle University ng La Union.and here we are!Me against Lance in the court. Who will win?Pormal ang anyong nasa isang tabi lang ako at nagwa-warm up sandali. Nakailang jumping jacks lang ako at napahinto saglit upang mag normal breathing.Hindi naman ako hiningal pero ewan ko at bakit ganito ang pakiramdam ko.Para bang may masamang mangyayari onwards or afterwards.'Wew! Ano ako, manghuhula?' protesta ng sarili kong isip. 'Pero pwede namang sabihing malakas ang pang-amoy ko pagdating sa panganib'.Natatawa ako sa nagaganap na tunggalian at sagutan ng aking sariling isip.Nasulyapan ko si Lance na ganoon din ang ginagawa. Wala si Coach Eric sa paligid ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta.Ang paalam nito kanina ay may aasikasuhin lang na importanteng bagay para daw sa preparasyon.Abala si Lance sa pag-practice at wala itong pakialam sa mga nakapaligid dito.Napalingon ako nang magsalita si Coach Eric mula sa aking likuran."Kumusta? Ready ka na ba?"Naramdaman ko na naman ang kamay niya sa mga balikat ko."Oo Coach." Tugon ko na kaswal na ngumiti rito. "Medyo kinakabahan lang.""Ano ka ba? Selection pa lamang ito,hindi actual na laro." Natatawang wika ni Coach."Kahit na Coach, hindi ko pa rin maiwasan." Katwiran ko. "Pero kung talagang di ako papalarin, okay lang naman sa akin. At least I did my best.""Hey, ano ka ba." Pagco-comport nito sa akin. Tinapik-tapik pa nga nito ang balikat ko. "Don't say that, believe in yourself. You can do this, I am counting on you."Pilit akong ngumiti kay Coach. Alam ko, ramdam ko na kahit hindi man sabihin nito ay alam kong mas pabor ito sa akin kesa kay Lance."Salamat Coach."Ngiti na lang ang naging tugon nito."O pa'no,maiiwan na kita. Ihahanda ko na kayo sa isang game. I-ready mo na ang sarili mo."Isang tango ang itinugon ko at nasundan ko na lang ng tingin si Coach habang papaalis.Habang papalayo ito ay marami at samu't saring kaisipan ang pumapasok sa utak ko. Iniisip ko na mag give up sa selection mamaya at hayaan na lang si Lance na mapili.For what reason somehow ay hindi naman kawalan sa kaniya kung hindi siya mapili na captain ball.Marami namang ibang oppurtunidad ang naghihintay sa akin like singing in our band. Hindi naman sa pagmamayabang pero taglay ko din naman ang boses ni Dad na mala-Eric Santos.Kaya I do not care kung matalo man ako.By the way, nakalimutan ko nga pala sabihing mahina talaga ang utak ko sa English.Kita niyo naman, never pa ako nagsalita sa English. Mas gusto kong Tagalog lang ang lingguwahe ko.Hindi ko alam kung bakit. Minsan ay naiisip ko na ampon ako. Ang Mommy ko kasi ay magaling sa English. Palagi nga nitong kino-correct ang mga grammar ko kapag narinig ako nitong magsalita.Bukod sa pagatul-gatol ang pagsasalita ko ay hindi ako marunong mag-construct ng words.Para pa akong nagulat nang biglang magsalita si Coach Eric na di ko namalayang nasa harap ko na."O para ka namang nakakita ng multo?" natatawang wika nito nang makita ang reaksiyon niya. "Shall we proceed na? Hinihintay ka na ni Lance. Ready na siya, ikaw na lang ang hindi. ""H-ha e, sorry Coach." tugon ko na napakamot ng ulo. "Marami lang gumugulo sa isip ko ngayon.""Naku! babae ba iyan?""Hindi Coach. Personal na problema lang.""O sige, sinabi mo e." napapailing na sagot nito. Tena, at baka mainip ang iba."Tumayo na ako para di na ako kulitin ni Coach. Alam ko ang ugali nito, hangga't may bagay itong nais malaman mula sa akin, hinding-hindi nito ako titigilan.______________
Lance JerichoPagod ang katawang nahiga ako sa malambot na kama ko nang gabing iyon. Matapos ang dalawang game ng matching at selection sa pagitan namin ni Jarred, sa wakas ay nakapagpahinga na din.Isinalya ko ang tila mabigat kong leeg sa malambot na unan na nababalutan ng bughaw at nature designed na unan.Parang mag kaka stepneck yata ako, hinala ng sarili kong isip.Hinilot ko saglit ang nananakit kong sentido pati na rin ang dalawa kong paa na parang namanhid.Normal na talaga itong nangyayari after a game. Nasanay na ako kaya halos saulo ko na ang gagawin ko. Hindi ko na rin inabala pa si Yaya Marie dahil kaya ko rin naman. Idagdag pa na tiyak na nagpapahinga na ito sa mga oras na iyon.Kinuha ko ang isang ointment na kabibili ko lang nitong nakaraang araw. Ito na ang palagi kong ginagamit nitong past few weeks dahil sa napapadalas na ang practice ko as a preparation.Mabisa daw itong pain reliever ayon sa kaibigan ko. Salamat sa buhay ni Kent Villabarcia.Isa ito sa mga circle of friends ko. Lima kami na I will discuss later ang mga pangalan nila. Lahat kami ay parehong nasa upmost na uri ng mga kabataan as of these days.May vlogger, isang band member, may artist at isang commercial model. Panglima sa kaniya na buhay bola ang inaatupag.It was just a minute ago nang hindi ko namalayang nakatulog na ako.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng panaginip ngayon.~~~Eric John's PastI was die! I know, I had been murdered an hour ago!But where I am now? Nasa heaven na ba ako? O nasa empiyerno na?Nagpalinga-linga ako sa paligid ko. May hinahanap ang mga mata ko. Hindi ko mapangalanan. Pakiramdam ko ay isang bahagi ng kaalaman ko ay nawala.Puwera sa puso ko na alam ang nararamdaman. Na kahit walang ala-ala ay patuloy na tumitibok para sa isang tao. Na nananatiling kilala kung sino ang nais makita at hinahanap.My heart felt a trembling yet fiery soul of anger for what I have been seen! In second reason, a compassion for what happened to her!Parang madudurog ang puso ko lalo na nang makita ko siya. Punit ang damit, duguan at parang lantang gulay.Alam ko ,ramdam ng puso ko na galit siya, sumisigaw ang kaluluwa niya! Hustisya at katarungan sa walang awang paglapastangan sa pagkatao niya.Tahimik kong pinanood ang pagdurusa niya. Wala akong magawa upang tulungan siya.Ni hindi ako makagalaw, ni hindi makapagsalita.Sinubukan kong atakihin ang isa sa kanila upang pigilan ito sa masamang tangka sa babaeng walang iba kundi ang aking nobya.Pero sa huli, lumusot lang ako at nagmistulang hangin.Noon ko natiyak na isa na akong kaluluwa. Isang ligaw na kaluluwa na naghahanap ng katarungan.Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Ayaw kong makita ang mga susunod na mangyayari na alam kong ikakagalit ko.Lumipas ang mga sandali nang hindi ko namamalayan. Nang muli kong imulat at igala ang mga mata ko ay nakita ko si Edcel.Masaya at nakangiti habang nakatingin sa akin.Wala na akong mababakas na takot sa mukha niya katulad nang kanina ay nakita ko siya.I saw how terrible she is, pale, helpless and hopeless earlier. but how she smiled at me right now, was really different and yet full of peace.Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay dahan-dahang lumapit sa akin."E-edcel!" Banggit ko sa pangalan niya na halos lumabas sa bibig ko. Niyakap ko siya ng buong higpit."Ngayon ay malaya na tayong magmahalan sa walang hanggan. Wala nang hahadlang pa sa ating pagmamahalan." Masiglang pahayag niya matapos makipagkalas sa akin. Ewan ko, pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya kesa sa sinasabi niya.Ako man ay parang hinaplos ng malamig na hangin. Parang kinurot ng kung ano ang puso ko dahil sa mga naganap ilang sandali pa lang ang nakakalipas.Pinatay ako sa pinakamalupit na paraan matapos pahirapan. Balewala iyon lahat sa akin, pero itong nangyari sa aking nobya ay halos humati sa puso at kaluluwa ko.Halos madurog ang kaluluwa ko na nasaksihan ang malagim at kahabag-habag na kamatayan ni Edcel mula kay Kenneth Whin.Matapos nitong pagsawaan ang katawang ng nobya, walang awa nitong sinaksak sa dibdib ang babae.Nag-aapoy na galit at pagkamuhi ang sa akin ay lumukob.Batid niya ang iniiisip ko. Maging ito ay hindi rin naging madaling tanggapin ang kapalaran at kinasapitan sa kamay ng sakim at mamatay-taong si Kenneth Whin Ballesteros."I'm sorry..." Wika ko sa kaniya na halos di ko mabanggit dahil kulang ako ng lakas ng loob. Idagdag pa na nadudurog ang puso ko hanggang ngayon.Tiningnan ko ang mga mata niya. Sinubukan kong basahin kung ano ang nasa isip niya.Una siyang umiwas ng tingin sa akin at napayuko."I-i did nothing to protect you from him.I-i am very sorry..." Muli kong wika na 'di naiwasang mapaiyak.Muling umangat ang ulo niya at masaya akong nginitian kahit may luha ang mga mata."It's okay", matatag nitong tugon. "It is done, we can do nothing to change our fate."Maging siya ay wala na ding choice kundi tanggapin ang katotohanan.____________Jarred Lloyd11:55 PM.Batid ko ang iniisip ni Coach. Alam kong ako ang gusto nitong maging captain ball ng team St. Luke Dragon Knights. Subalit pormal na idinaan sa matching at selection para mas accountable at kapani-paniwala ang game.Kita ko ang lungkot sa mukha nito kanina dahil sinadya kong maglaro ng poor performance dahil ayuko nang magcompete pa kay Lance.Madali naman akong kausap. Kaya binibigay ko na kay Lance ang sitwasyon at pagkakataon.Masaya ako na makawala sa team at hayaang maghari si Lance. Aabangan ko din at panoorin kung paano siya matalo at mapahiya.Sa mga skills at attidude nito sa paglalaro, klaradong matalo ang St.Luke sa darating na Inter-campus Ball League Competition.Well then, I will got my revenge!Nuks.. Nakaenglish na din. Teka, ano bang ibig sabihin noon? Kinuha ko lang iyon sa isang latest film na pinapanood ko kamakailan.Napakamot na lang ako ng ulo habang nakahiga at malalim na nag-iisip.Kanina pa ako nakauwi at nasa kwarto. Kanina pa din ako palipat-lipat ng puwesto sa higaan pero di pa rin ako dalawin ng antok.'Utang na loob, espiritu ng antok ngayon ay sumanib! Gusto ko nang makatulog.'Iyon ang hiyaw ng isip ko pero kanina pa ako naiinip kahihintay ng antok ay di pa rin ako nito nagawang dalawin.Hanggang sa naisipan kong mag open ng mobile legend ko. Namiss ko na rin magmobile games at gamitin ang paborito kong si Gusion at si Eudura.____________Lance JerichoTigmak sa luha na napamulat ako ng mga mata matapos ang tila teleseryeng panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit, pero tila may malaking koneksiyon ako sa mga tauhang iyon.Ilang linggo na itong mga wierdong panaginip ko. At hindi ko alam kung saan napulot ng isip ko ang mga pangyayaring iyon.Hindi ko kilala ang mga nakita kong persona na iyon. Wala akong matandaang may nakilala ako na ganoon ang mga pangalan.Ang alam ko lang, nasasaktan ako sa Hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko kasi ay ang laki-laki ng koneksiyon ko sa dalawa sa panaginip.Saglit ko munang inalis sa isip ko ang mga bagay tungkol doon. Nag-inat muna ako at minasahe ang leeg.Sinulyapan ko din ang suot na wristwatch. Noon ko nalaman na alas-dose pa lang ng gabi. Hindi na din ako nakapalit ng damit at nakajersey pa din ako ng mga oras na iyon. Siguro ay sa sobrang pagod ay di ko na nagawa pang makapagpalit. Idagdag pa na gabi na natapos ang selection. Kung hindi ako magkamali ay alas dyes na iyon.Maging nga ang mga tao sa bahay ay nagpapahinga na ng mga oras na iyon liban kay Mang Jose na night guard ng mansiyon namin.Wala ngayon dito ang Mom at Dad ko hanggang sa weeekend. It was Wednesday and my parents took a short vacation. Gusto sana akong isama ng mga ito pero tumanggi ako.Sinabi ko na tinatamad ako at walang gana. Isa pa, try outs namin ngayon. Hindi na nila ako napilit dahil alam nila kung gaano kahalaga sa akin ang basketball.Bukas pa din malalaman ang results ng selection. Gusto ko sana ay ngayon na kaagad malaman pero tumanggi si Coach Eric dahil anito, pagod na sila pareho ni Jarred at ng iba pang mga players.Nakaismid akong umalis kagabi. Hindi naman sa nanghuhusga ako pero alam ko, ramdam ko na mas pinapaboran nito si Jarred kesa sa akin.Hindi din lingid sa kaalaman ko na bi si Coach. Kitang-kita ko palagi kung paano nito tingnan si Jarred at kung paano nito itrato ang huli.Hindi ko alam kung ano ang meron kay Jarred. Liban sa gwapo ako, matangkad, mestiso at hmmm.. syempre famous, ano at si Jarred pa rin ang nakikita nito?I don't have this feeling jealous, I just wondered.Kung sa size ay jumbo naman itong sa akin ah?Lihim akong napangiti dahil sa mga iniisip ko. Bakit iyon ba ang pumasok sa isip ko? E ang usapan kanina ay tungkol lang sa results ng selection?'O pwede naman mas mahilig si coach sa mga juts?'Napabuga na lamang ako ng hangin matapos mapailing ng sunod-sunod.MJ KriselaDinig na dinig ko sa boses ni Liza ang kakaibang excitement at tuwa.Maging ang maiingay at dumadagundong ng tugtog na halos pumuno sa aking mga tainga.Pinapunta nito ako sa kung saan ito naroon na hindi naman dinetalye kung saan ito naroon. Halos hindi pa kami magkarinigan dahil sa malakas na tugtog."Ano ba ang meron diyan at sobra naman ang ingay? Daig pa ang may banda." Reklamo ko rito dahil halos di na nga niya ako marinig."Hindi kita masyadong marinig!" Tugon naman nito na biglang napasigaw. "Hey! Wait! I was talking to my friend. Susunod na ako." Anito pang parang kinikiliti."Okay! See you around!" Tugon ng baritonong boses.Unti-unti na ring lumilinaw sa akin kung saan ang totoong lokasyon nito.Confirmed! Nasa bar ang bruhang ito! Napahalukipkip pa ako matapos ang isiping iyon."Hey, ano na? Pupunta ka ba dito?" Untag nito sa akin. Noon ay napansin kong malinis at klarado na itong magsalita. Naisip niyang baka nagsadya muna ito sa C.R para makapag usap sila ng mat
JarredHindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko habang nasa mga bisig ko ang babaeng ito. Nakikita ko siya pala sa Tourism department pero madalang lang. Palabas na ako ng men's room nang makarinig ako ng malulutong na tawanan. Naging interesado ako at siguro marahil ay dala na din ng kuryusidad.Nasa labas lang ako pero nakikita ko at naririnig ang mga panunukso at tawanan ng ilang mga babae at dalawang lalaki laban sa isang kaawa-awang babae.It's Halloween. Kaya naman katakot-takot na pambubuly ang naranasan nito.Nang makita kong malilinsad na ang babae, ewan ko pero natagpuan ko na lang ang sariling sinalo ang katawan nito bago pa man iyon sumayad sa maruming semento.Ang hindi ko maipaliwanag ay ang kakaibang pitlag ng puso ko. Hindi ko maisalarawan ang kakaibang saya na umaapaw sa buong pagkatao ko.This strange feeling gottin' more deep. And the way I gently touched her, joy continues overflowing like a flushing water.Ano ba itong nararamdaman ko? Akala ko panaginip lang
Edcel's Past "E-eric?!" Tawag kong muli sa pangalan nito habang patuloy kaming pinapalutang sa ere ng malakas ng kung ano'ng malakas na enehiya. Mahigpit pa rin naming hawak sa kamay ang isa't isa. Letting no one of us could be parted again.Gumuhit din sa mukha ko ang takot. Kung para saan ang takot na iyon at alam kong sa takot na muli na namang kaming magkahiwalay.Pambihira! Pati sa kabilang-buhay ang lahat ay against pa din sa aming pagmamahalan?"Humawak ka lamang Edcel, 'wag na wag kang bibitaw. Ipangako mo!" Tiningnan ko si Eric sa mga mata. Parang nababasa ko ang katatagan roon? Saktong lingon ko sa aking kanan nang makita ang papasugod na alimpuyo ng hangin. Sa puntong iyon ay mas lalong dumuble ang takot kong nararamdaman.Noong bata pa ako, gusto kong tumangging maniwala na wala nang emosyon o pandama ang mga patay. Na hindi na sila masasaktan o alam pa ang mga salitang masaya, malungkot, takot at iba pa.Ano't sa mga sandaling ito, halos panawan ako ng pag-asa?"E-eri
Rodrigo BallesterosSeven o'clock in the evening at my office. Dismayadong napasalampak ako ng upo sa monobloc chair kasabay ng pagbagsak ng isang file folder na kinalaman ng walang improvement report. Kaharap ko ngayon ang isang private investigator na kasalukuyang nagrereport sa akin tungkol sa isang murder case ng kapatid ko. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ding linaw ang kaso. Nanatiling unresolved case ang pagkamatay ni Eric John, ang kapatid ko. 'Could there be hope? Magkakaroon pa ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko gayong hanggang ngayon ay wala pa ding malinaw na lead sa kaso. Ni wala improvement report na nagaganap.' malungkot na bulong ng sarili kong isip.It's been years and it's too long para hanggang ngayon ay wala pa ding nangyayari sa kaso.What the hell on earth na hindi makilala ang murderers for about 20 years of investigation.How long hindi ba? And until now, there is not even a single witness appears or even lead of suspects.Kung tutuusin, next month ay mat
JarredNaramdaman ko ang kakaibang koneksiyon namin ng babae. Para talagang sinasadya ang lahat ng nangyayari sa aming dalawa.Kung ano kasi ang saya at ligayang nararamdaman ko sa panaginip bilang si Eric John ay katulad na katulad ng nararamdaman ko ngayon.A kind of unnamed foreign feeling of happiness that grows more and deep each time I gaze unto her.'O ide wow! Ni hindi ko nga kilala ang pangalan niya!' protesta ng kabilang isipan ko.Kunsabagay ay totoo naman iyon talaga. I try to imagine. Isa ba itong fairy tale kung saan ako ang prinsepe na gigising sa matagal nang natutulog na si Sleeping Beauty? O 'di naman kaya ay ang prinsepe na magbibigay ng one true love kiss kay Kay Snow White matapos kumain ng may lasong mansanas?Ipinilig ko na lamang sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon matapos matawa ng lihim.Ang baduy mo naman Jarred! Sa dinami-dami ng mga movies at film na mas sikat at angat, iyon pa talagang mga gawa ng Disney Dreamworks ang unang rumehistro sa isip mo? Ib
Edcels Past Mula sa nakasisilaw na liwanag ay lumitaw ang isang emahe. Unti- unti itong nabubuo at nagkakahugis tao.Iyon ay kung tao nga ito.Takot na nagpanic ako at hinila ni Eric papunta sa likod niya. Kabaliktaran naman ng nararamdaman ni Eric. "Sino ka? Magpakilala ka?"Nasa likuran naman ako ni Eric na nakikiramdam sa sitwasyon.Sabay naming nakita ang pagbabago ng imahe mula sa nakakasilaw na liwanag na biglang tahimik na sumabog. Pagkatapos noon ay lumitaw ang isang nakakaakit na engkantada. I thought so, but she looks more than an enchantress! I think a deity or in simple words, a goddess!Ito na na ba si Athena? Ang goddess of beauty ng mga taga Athens? O di kaya ay si Minerva, ang goddess of wisdom? O di naman kaya ay si Medusa? Lihim akong natawa sa pagkakasangkot ng gorgon na si Medusa sa alamat ng Greece. "Still you want to know who I am?" The goddess said in a sarcastic yet enchanting voice. But how she smiled at me, it seemed the glance of her eyes escaped out of
Lance JerichoNaalimpungutang nakabangon ako sa isang banyagang lugar. Matapos kong ilinga ang aking paningin sa buong paligid nang puno ng pagtataka ay sinikap kong ibangon ang sarili.Bigla ko na lamang naramdaman na sumakit ang ulo ko at parang mahihilo. Napasapo ako sa sariling noo na parang kaybigat ng mga sandaling iyon."Ahhh!" Angil ko nang hindi maitayo ang sarili. Napasalampak ako sa malambot na higaan na noon ko lang napagtuunan ng pansin.Balot ng isang maputi at floral designed na table cloth, may dalawang unan at isang wool-made na kumot na kaylambot hawakan at isuklob.Hindi ko naiwasang mapaisip. 'So mayaman ang nagmagandang-loob sa akin? In fairness sa kamang tinutulugan ko ngayon.' ngingiti-ngiting wika ng sarili kong isip. 'Pero siyempre, wala pa ding tatalo sa kwarto ko. Nothing can replace it.' Kambiyo naman ng kabilang isipan ko.Bago pa man ganap akong madala ng pagtatalo ng dalawa kong isip, pinilit ko muling bumangon. Gusto kong malaman kung nasaan ako ngayon.
MJ KriselaMatapos akong madischarge sa hospital ay dalawang araw akong nag-stay sa boarding house ko as the doctor says. Mas makabubuti sa akin kung marelax muna ang isip at katawan ko bago muling bumalik sa pag-aaral.Ayon sa doktor na nag-asikaso sa akin, wala naman daw akong serious na sakit maliban daw sa stress ko dahil sa kung ano'ng bagay na iniisip ko palagi o ginagawa. Nang tanungin ako ng doktor kung ano ang pinagkakabisihan ko o gumugulo sa isip ko lately ay agad kong naisagot ang tungkol sa mga panaginip kong paulit-ulit na dumadalaw sa aking panaginip. Sa bawat pagtulog ko ay lagi ko iyong napapanaginipan o kahit man sa aking munting pagkakapikit.Ang sagot ng doktor ay maaring ang problema ko ay isang mental to spiritual matters o isang supernatural attack syndrome. Ito daw ay tungkol sa pagkakakonekta ng mga panaginip ko sa akin sa kasalukuyang panahon at hindi magandang ang naidudulot niyong epekto lalo na sa aking pisikal na kalusugan.Nakakatawa mang isipin pero ang
Three Months ago...Jarred "Congratulations! Happy Wedding!" Panabay na bati nina Liza, Jaspher, Crystal at Kent. Lahat sila ay parehong kinuha kong mga abay. Naroon din si Lance Venturillo, kaibigan ko, sina Mommy Cherry Ann, Daddy Ian Fidel, maging ang kinilalang magulang ni Shella Mae na sina Aling Patricia at Mang Rigor kasama ang mga kapatid nito na sina Nene at Tonton."Congrats, Mj!" Si Liza na niyakap nang mahigpit si Shella Mae. Ito ang ang kinuhang Maid of Honor ni Mj dahil hindi pwede si Crystal dahil ikakasal na din ito kay Kent Buencamino next week.Wala naman naging problema sa kasunduan ng dalawa. Si Jaspher naman ang kinuha kong bestman dahil ayaw ni Lance. Hindi ko na pinilit ang kaibigan dahil mas gusto lang nito maging abay lang.Naroon din ang iba pang mga kakilala at kaklase ko maging ang kapamilya ko Villagracia. "Thanks!" Maluhang tugon ni Mj. Inawat naman siya ni Liza. "O, huwag ka nang umiyak. Hello, it's your wedding day, tatapusin mo lang ba sa pamamagitan
Jarred Pagpasok na pagpasok ko sa hospital na sinasabi ni Liza ay nagmamadali akong tinungo kaagad ang Inquiry Desk ng hospital."Nurse, may naging pasyente ba kayong nangangalang—" Hinihingal dahil sa kaba na inquire ko sa bantay doon pero agad na naputol nang makita ko si Liza na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay."S-sorry. Just excuse me." Pamamaalam ko na lang na patakbong nilapitan si Liza. Nakita ko kaagad na may mga dugo nga sa damit nito, patunay na totoo ang sinasabi nito kanina sa phone habang kami ay magkausap. "How is she?" Kinakabahang tanong ko agad dahil gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang totoong kondisyon ng babae. "Is she okay now?"Nakita ko mula sa mukha ni Liza ang pangamba at paggusot ng mukha. "Sundan mo na lang ako." Tumango lang ako at agad na sumunod sa kaniya na malakas ang sasal na tibok ng puso ko. Natatakot ako para sa babaeng bukod tangi kong minahal.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito sa buong buhay ko.Isang ta
Mj"He was about to go in an hour."Napalingon ako sa may pintuan nakatayo roon si Liza. Hindi naman ako nagulat dahil hinahayaan ko lang naman na bukas palagi ang kuwarto ko. Ako naman ay nasa bintana, nakanaw sa labas ng bahay at malalim ang iniisip. Hindi ako sumagot sa halip ay muli kong ibinalik ang tingin at atensiyon sa mga nakikita ko sa labas ng bintana.Tinatanaw ko ang paligid ng kinatitirikan ng bahay nina Liza. Sari-saring mukha at disenyo ng bahay ang aking nakikita. Nagtataasan din ang mga bubong na dikit-dikit at walang pagitan. Hindi naman squatters area ang lugar na iyon. Sadya lang siguro iyon ang mga nakikita ko dahil nasa taas ako."Hindi mo ba ako narinig?" Muling pukaw sa akin ni Liza na dinig ko kahit pa nakatalikod ako. Nasa tono ng pananalita nito ang pagkainis sa pangiisnob ko. Dinig kong humakbang ito papunta sa akin na may bigat ang mga paa.Tumabi ito sa akin sa gilid ng bintana."Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" Dagdag pa niya na hinawi ang mahabang
Jarred Alam kong hindi inaasahan ni Shella Mae ang biglang pagsulpot ko ng mga sandaling iyon.Kahit na batid kong may kausap pa ito sa phone ay pilit ko pa ring pinalakas ang loob ko na malapitan siya at makausap. Ayukong masayang ang pagkakataon na ito bago man lang ako ganap na lumayo sa kaniya. Ikalawa, ayuko ring masayang ang todo preparations ni Liza para magkita kami at makapagpaalaman, kung saka-sakali man.May konting kirot na umalma sa puso ko ang ideyang magkakahiwalay na nga kami ni Mj/Shella Mae ng tuluyan.Nakita ko kung paano parang namutla at tila matutunaw sa kinauupuan niya si Shella Mae. Bukod sa nagulat ito ay hindi rin siguro nito sukat isipin na nandoon ako. Lalo kong naramdaman ang pagkataranta ng mukha niya at parang ibig maglaho ng bigla na lamang sa sirkulasyon huwag lang ako makita akong papalapit.“W-what are you doing here?” Hinayaan ko muna ang sariling makalapit sa kaniya ng tuluyan bago ako sumagot.‘What do you mean I’m doing here? It is a restaurant
Liza “Uuwi na ba tayo?” nagtatakang tanong ko kay Mj nang mapansin pumara na ito ng taxi. Nakakunot-noo namang sinulyapan ako ng kaibigan. “What do you mean? Ano pa bang naisip mong gagawin natin bukod pa sa dito sa Drugstore?’ “I mean, hindi ba tayo dadaan ng mall? Mag unwind muna tayo dahil minsan ka lang nakakalabas. I mean, minsan lang gusto mong lumabas.” Pang-iimbento ko ng kuwento na halos ikapilipit ng dila ko. kahit kaylan kasi ay hindi ako nasanay na magsinungaling. Napaisip ang kaibigan na napahinto din sa paglalakad. Nasa loob pa din kasi kami ng malawak na Drugstore na iyon. Matagal siyang napaisip at bago nakapagsalita. “Saan mo ba gustong pumunta?” “Ahmm.” Tugon ko kaagad na nag-isip. Nasa isipan ko na kung saan ko siya dadalhin. Ang address na isinend ko kay Jarred ang unang pumasok sa isipan ko kaagad. “Sa Malhala FoodHouse!” walang gatol kong wika mayamaya matapos kong maalala ang usapan naming ni Jarred. “S-saan?” Maang na tanong ni Mj. “Sa Malhala. Iyon ban
Liza ‘Italy? Ang layo noon ha?’ Hindi ko inaasahang marinig iyon mula kay Jarred. Hindi ko akalaing aalis na pala ito nang hindi sila nagkakaayos ni Mj. Hindi ko maiwasang malungkot sa dalawa dahil sa nalalapit na pagkakalayo. >Do you mean, are you leaving Philippines soon? Hindi agad nakasagot si Jarred. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito o baka naman ay paraan lang nito iyon gaya ng mga nagaganap sa mga teledrama. Tapos matataranta ang girl at hahabulin ang lalaki tapos magkakaabutan sa airport. Inalis ko sa isip ang mga malilikot kong imahinasyon at nagpokus sa isasagot ni Jarred. >Yes. Marami nang naganap sa buhay ko na gusto ko na lang lampasan. Mga one month lang naman ako doon para lang magmind clear at para na din lumikha ng mga bagong memories. Ramdam ko sa text ng kausap ang kakaibang lungkot na nababakas ko sa mga mensahe niyang ipinapadala. >What about Mj? Matitiis mo ba siyang iwan sa ganitong kalagayan niya? >You said it na hindi naman siya buntis di’ba? Why a
Lance Hindi ko alam kung panaginip lang ito pero umaasa akong sana nga. Hawak-hawak ko ang isang magnum na baril ng mga oras na iyon at itinututok ko iyon kay Mj. Noon ko din narealized na nakagapos si Mj sa isang tabi, tigmak sa luha ang mga mata nito at nagmamakaawa. “P-please, don’t do this Lance.” Pagsusumamo niya sa akin. “I-i know it is not you. Sabihin mong hindi ikaw ito, Lance. Hindi ikaw ang Lance na kilala ko… at nakilala ko.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita at napalunok ng laway. “H-hindi ikaw si Lance na nakilala ko at natutunan kong mahalin. I swear, hindi ikaw ‘to.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay parang napakaraming karayom ang tumutusok sa puso ko habang nakikita ang babae, luhaan, sugatan, gapos at nagmamakaawa sa akin. Parang nahahati ang kaluluwa ko. Naroon ang pagkamuhi ngunit nandoon din ang pusong mapagpatawad. Hindi ko maisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon pero I swear, parang isang bahagi ng puso ko ang may basag. Nagulat ako nang n
Lance Alam kong kahit anong oras ay puwede kong sugurin at kunin si Mj sa bahay ni Liza pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Dapat maingat ako sa aking mga kilos at hindi padalus-dalos. Pagkalipas ng ilang linggo ay sa wakas at natagpuan ko na rin ang babae. Ang buiong akala ni Liza ay basta na lamang akong maniniwala sa sinabi nitong wala itong nalalaman tungkol sa lokasyon ni Mj. Masyado itong naging kumpiyansiya at panatag kaya nakalimutan nito kung anong ugali mayrooon ang isang kagaya kong si Lance Jericho Ballesteros. Sa pamamagitan ng sapilitang pagpapaamin rito at sinamahan ko na din ng konting pananakot ay napakanta ko din si Liza. Nanginginig ito noong tinakot ko na masasaktan kung hindi magsasalita. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang pamimilit kong nagawa rito noon. Nasa isip ko pa din ang kawawa at hindi maipintang mukha ng babae ng minsan ay magkita kami at makorner ko siya. ~~~ Hindi ko alam kung saan siya noon nanggaling pero inabangan ko ang kaniyang pagdaan sa lugar
] Lance Alam kong kahit kaharap ko na si Liza kanina ay ramdam ko na may itinatago itong kaalaman sa tunay na lokasyon ni Mj. Batid kong may tinatago ito at ayaw lang sabihin sa akin. Hindi naman nakapagtataka dahil magkaibigan ang dalawa kaya imposibleng ilalaglag nito ang kaibigan. Sa bagay iyon ay hindi naman ako pinanghinaan ng loob. Hinding-hindi ako susuko sa paghahanap kay Mj. Saka lang ako susuko kapag oras na para bumitaw o kapag nakita ko na si Mj at matiyak na ligtas ito. Pauwi na ako sa amin ng hapong iyon nang aksidente kong makita si Mj sa kalsada. Nakatalikod ito at may mga bitbit na mga pinamiling gulay at kung ano-ano pa. Sa palagay ko ay nag-aabang ito ng taxi pauwi sa kanila. Kahit nakatalikod ay alam kong kilalang-kilala ko ang nobya. Sa tindig nito, sa shape ng katawan at maging sa lugay at ayos ng buhok ay hindi ako magkakamaling si Mj nga iyon. Sasal ng tibok ang puso ko at parang dumadagundong sa kaba. Mabilis kong itinabi ang kotse at nagmadaling nilapitan