JarredNaramdaman ko ang kakaibang koneksiyon namin ng babae. Para talagang sinasadya ang lahat ng nangyayari sa aming dalawa.Kung ano kasi ang saya at ligayang nararamdaman ko sa panaginip bilang si Eric John ay katulad na katulad ng nararamdaman ko ngayon.A kind of unnamed foreign feeling of happiness that grows more and deep each time I gaze unto her.'O ide wow! Ni hindi ko nga kilala ang pangalan niya!' protesta ng kabilang isipan ko.Kunsabagay ay totoo naman iyon talaga. I try to imagine. Isa ba itong fairy tale kung saan ako ang prinsepe na gigising sa matagal nang natutulog na si Sleeping Beauty? O 'di naman kaya ay ang prinsepe na magbibigay ng one true love kiss kay Kay Snow White matapos kumain ng may lasong mansanas?Ipinilig ko na lamang sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon matapos matawa ng lihim.Ang baduy mo naman Jarred! Sa dinami-dami ng mga movies at film na mas sikat at angat, iyon pa talagang mga gawa ng Disney Dreamworks ang unang rumehistro sa isip mo? Ib
Edcels Past Mula sa nakasisilaw na liwanag ay lumitaw ang isang emahe. Unti- unti itong nabubuo at nagkakahugis tao.Iyon ay kung tao nga ito.Takot na nagpanic ako at hinila ni Eric papunta sa likod niya. Kabaliktaran naman ng nararamdaman ni Eric. "Sino ka? Magpakilala ka?"Nasa likuran naman ako ni Eric na nakikiramdam sa sitwasyon.Sabay naming nakita ang pagbabago ng imahe mula sa nakakasilaw na liwanag na biglang tahimik na sumabog. Pagkatapos noon ay lumitaw ang isang nakakaakit na engkantada. I thought so, but she looks more than an enchantress! I think a deity or in simple words, a goddess!Ito na na ba si Athena? Ang goddess of beauty ng mga taga Athens? O di kaya ay si Minerva, ang goddess of wisdom? O di naman kaya ay si Medusa? Lihim akong natawa sa pagkakasangkot ng gorgon na si Medusa sa alamat ng Greece. "Still you want to know who I am?" The goddess said in a sarcastic yet enchanting voice. But how she smiled at me, it seemed the glance of her eyes escaped out of
Lance JerichoNaalimpungutang nakabangon ako sa isang banyagang lugar. Matapos kong ilinga ang aking paningin sa buong paligid nang puno ng pagtataka ay sinikap kong ibangon ang sarili.Bigla ko na lamang naramdaman na sumakit ang ulo ko at parang mahihilo. Napasapo ako sa sariling noo na parang kaybigat ng mga sandaling iyon."Ahhh!" Angil ko nang hindi maitayo ang sarili. Napasalampak ako sa malambot na higaan na noon ko lang napagtuunan ng pansin.Balot ng isang maputi at floral designed na table cloth, may dalawang unan at isang wool-made na kumot na kaylambot hawakan at isuklob.Hindi ko naiwasang mapaisip. 'So mayaman ang nagmagandang-loob sa akin? In fairness sa kamang tinutulugan ko ngayon.' ngingiti-ngiting wika ng sarili kong isip. 'Pero siyempre, wala pa ding tatalo sa kwarto ko. Nothing can replace it.' Kambiyo naman ng kabilang isipan ko.Bago pa man ganap akong madala ng pagtatalo ng dalawa kong isip, pinilit ko muling bumangon. Gusto kong malaman kung nasaan ako ngayon.
MJ KriselaMatapos akong madischarge sa hospital ay dalawang araw akong nag-stay sa boarding house ko as the doctor says. Mas makabubuti sa akin kung marelax muna ang isip at katawan ko bago muling bumalik sa pag-aaral.Ayon sa doktor na nag-asikaso sa akin, wala naman daw akong serious na sakit maliban daw sa stress ko dahil sa kung ano'ng bagay na iniisip ko palagi o ginagawa. Nang tanungin ako ng doktor kung ano ang pinagkakabisihan ko o gumugulo sa isip ko lately ay agad kong naisagot ang tungkol sa mga panaginip kong paulit-ulit na dumadalaw sa aking panaginip. Sa bawat pagtulog ko ay lagi ko iyong napapanaginipan o kahit man sa aking munting pagkakapikit.Ang sagot ng doktor ay maaring ang problema ko ay isang mental to spiritual matters o isang supernatural attack syndrome. Ito daw ay tungkol sa pagkakakonekta ng mga panaginip ko sa akin sa kasalukuyang panahon at hindi magandang ang naidudulot niyong epekto lalo na sa aking pisikal na kalusugan.Nakakatawa mang isipin pero ang
Jarred Bumaba na nga ako sa komedor at naratnan ko sina Mommy Cherry Ann at Daddy Ian na masaya at sweet na kumakain. Nahuli ko pa ang dalawa na nagsusubuan ng pagkain. Kilig na kilig naman si Mom habang pinupunasan ni Daddy ang bibig nitong may konting sauce. Parang may ideya na agad ako kung ano ang ulam namin ngayon.Napangiti akong muli sa nakikitang tanawin. Parang bumalik sa pagiging tenedyer ang dalawa at noong panahong bago pa lamang nagkakilala ang mga ito. Siyempre, hindi ko na naabutan o nakita pa ang panahong iyon. Ipinalagay ko na lang iyon.Sa edad na early 50's ay nanatiling maganda at maayos ang pagsasama at bond ng relationship ng aking mga magulang. Bihira kong nakita ang mga ito na nag-away o nagkasagutan.Kunsabagay, ay wala naman dito palagi sa mansiyon ang kaniyang mga magulang, kung hindi out of town, may business meeting o 'di naman kaya ay may urgent appointment.Simula ng mag-back out ang mga ito sa kanilang music career ay puro negosyo na lamang ang inatupa
Lance Jericho"At ikaw ang naging bunga ng gabing iyon." Malungkot na pahayag sa akin ng nagpakilalang totoo kong ina. Gusto kong maawa dito habang isa-isang dinidetalye nito ang lahat ng nangyari simula ng kung paano nito nakilala ang totoo kong daddy at kung paano nagkaroon ng ugnayan ang dalawa kahit may nobya na ang aking daddy na walang iba kundi si Edcel Kate Del Amor. Halos hindi ako makapaniwalang napakamesteryoso pala ng aking pinagmulan. Ang kinikilalang Dad at Mom ko pala na sina Rodrigo Ballesteros at Estrella Vicente ay uncle at auntie ko pala!Gusto kong sumama ang loob sa dalawa dahil sa pagtatago sa akin ng totoong pagkatao ko ng halos twenty years. Ang buong akala ko ay buo ang pamilya ko pero hindi pala. Ibang pamilya pala ang binubuo ko at bumubuo sa akin. Sabihin na nating ayos lang iyon dahil Tito at tita ko naman ang dalawa. Still, lalabas pa din ang katotohanang pamangkin lamang ako ng dalawa."Ibig sabihin po ba nito ay walang anak talaga sina Daddy at Mommy,
JarredHalos hindi malubos maisip kung paano naging ako ang dati ay nanapaginipan ko lang. Gusto kong sabihing may mali sa aking napapanaginipan ngayon.Patuloy ko lang silang tinitingnan buhat sa malayo. Kitang-kita ko sa mga ngiti at kislap ng mga mata ng dalawa ang kakaibang saya at ligaya. Iyon din ang mga bagay na nararamdaman ko ng magkahawak kami ng kamay noong sa hospital. I mean, noong hawak-hawak ng babae ang kamay ko.Isa pang nakapagtatakang tanawin ang nakita ko. Dalawang magkasintahan ay nakatingin lamang sa kanilang dalawa.Ang pares na iyon ay walang iba kundi ang totoong Edcel Kate Del Amor at Eric John Ballesteros. 'Ballesteros? Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang tungkol sa apelyido ng lalaki. Kaano-ano nga ba ito ni Lance Ballesteros? At tungkol naman sa antagonist na si Kenneth Whin Vilagracia, ano naman ang kinalaman ko doon? Iyon nga ba ang pinakamalaking koneksiyon ko rito dahilan para madalas akong managinip tungkol sa kanila?Magka-holding hands naman
Lance Jericho~~~We arrived at home at late nine in the morning. Naabutan namin ni Mom sina Dad at Mom na bising-bisi sa mga mundo nila.Hindi na ako nagtataka palagi dahil laging pagpupulis ang inaatupag ni Dad dahil nga ito na ang passion niya mula pa noong bata,ang pagpupulis.Bukod pa ang pagiging pulitiko nito sa loob ng anim na taon bilang Gobernador ng Las Piñas ay nag-aaral na ito ng pagpupulis. Bale two terms itong nanungkulan at pinalad namang dalawang beses na manalo.Ang aking Mommy Estrella naman ay wala nang inatupag kundi ang mga negosyo na ipinamana pa rito ng Lolo ay Lola ko. Siguro nga ay ganito na talaga ang kapalaran ng mga anak ng mayayamang pamilya. Kulang sa atensiyon, oras, supurta at pagmamahal ng mga magulang dahil inuubos ng mga profession, career, business at appointments ng mga ito. Frustrated na ang time ng mga ito sa pagiging ama at ina kaya wala nang natira. Magtampo man ako ay wala na din akong magagawa.Subalit ngayon ay naintindihan ko na na wala n
Three Months ago...Jarred "Congratulations! Happy Wedding!" Panabay na bati nina Liza, Jaspher, Crystal at Kent. Lahat sila ay parehong kinuha kong mga abay. Naroon din si Lance Venturillo, kaibigan ko, sina Mommy Cherry Ann, Daddy Ian Fidel, maging ang kinilalang magulang ni Shella Mae na sina Aling Patricia at Mang Rigor kasama ang mga kapatid nito na sina Nene at Tonton."Congrats, Mj!" Si Liza na niyakap nang mahigpit si Shella Mae. Ito ang ang kinuhang Maid of Honor ni Mj dahil hindi pwede si Crystal dahil ikakasal na din ito kay Kent Buencamino next week.Wala naman naging problema sa kasunduan ng dalawa. Si Jaspher naman ang kinuha kong bestman dahil ayaw ni Lance. Hindi ko na pinilit ang kaibigan dahil mas gusto lang nito maging abay lang.Naroon din ang iba pang mga kakilala at kaklase ko maging ang kapamilya ko Villagracia. "Thanks!" Maluhang tugon ni Mj. Inawat naman siya ni Liza. "O, huwag ka nang umiyak. Hello, it's your wedding day, tatapusin mo lang ba sa pamamagitan
Jarred Pagpasok na pagpasok ko sa hospital na sinasabi ni Liza ay nagmamadali akong tinungo kaagad ang Inquiry Desk ng hospital."Nurse, may naging pasyente ba kayong nangangalang—" Hinihingal dahil sa kaba na inquire ko sa bantay doon pero agad na naputol nang makita ko si Liza na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay."S-sorry. Just excuse me." Pamamaalam ko na lang na patakbong nilapitan si Liza. Nakita ko kaagad na may mga dugo nga sa damit nito, patunay na totoo ang sinasabi nito kanina sa phone habang kami ay magkausap. "How is she?" Kinakabahang tanong ko agad dahil gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang totoong kondisyon ng babae. "Is she okay now?"Nakita ko mula sa mukha ni Liza ang pangamba at paggusot ng mukha. "Sundan mo na lang ako." Tumango lang ako at agad na sumunod sa kaniya na malakas ang sasal na tibok ng puso ko. Natatakot ako para sa babaeng bukod tangi kong minahal.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito sa buong buhay ko.Isang ta
Mj"He was about to go in an hour."Napalingon ako sa may pintuan nakatayo roon si Liza. Hindi naman ako nagulat dahil hinahayaan ko lang naman na bukas palagi ang kuwarto ko. Ako naman ay nasa bintana, nakanaw sa labas ng bahay at malalim ang iniisip. Hindi ako sumagot sa halip ay muli kong ibinalik ang tingin at atensiyon sa mga nakikita ko sa labas ng bintana.Tinatanaw ko ang paligid ng kinatitirikan ng bahay nina Liza. Sari-saring mukha at disenyo ng bahay ang aking nakikita. Nagtataasan din ang mga bubong na dikit-dikit at walang pagitan. Hindi naman squatters area ang lugar na iyon. Sadya lang siguro iyon ang mga nakikita ko dahil nasa taas ako."Hindi mo ba ako narinig?" Muling pukaw sa akin ni Liza na dinig ko kahit pa nakatalikod ako. Nasa tono ng pananalita nito ang pagkainis sa pangiisnob ko. Dinig kong humakbang ito papunta sa akin na may bigat ang mga paa.Tumabi ito sa akin sa gilid ng bintana."Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" Dagdag pa niya na hinawi ang mahabang
Jarred Alam kong hindi inaasahan ni Shella Mae ang biglang pagsulpot ko ng mga sandaling iyon.Kahit na batid kong may kausap pa ito sa phone ay pilit ko pa ring pinalakas ang loob ko na malapitan siya at makausap. Ayukong masayang ang pagkakataon na ito bago man lang ako ganap na lumayo sa kaniya. Ikalawa, ayuko ring masayang ang todo preparations ni Liza para magkita kami at makapagpaalaman, kung saka-sakali man.May konting kirot na umalma sa puso ko ang ideyang magkakahiwalay na nga kami ni Mj/Shella Mae ng tuluyan.Nakita ko kung paano parang namutla at tila matutunaw sa kinauupuan niya si Shella Mae. Bukod sa nagulat ito ay hindi rin siguro nito sukat isipin na nandoon ako. Lalo kong naramdaman ang pagkataranta ng mukha niya at parang ibig maglaho ng bigla na lamang sa sirkulasyon huwag lang ako makita akong papalapit.“W-what are you doing here?” Hinayaan ko muna ang sariling makalapit sa kaniya ng tuluyan bago ako sumagot.‘What do you mean I’m doing here? It is a restaurant
Liza “Uuwi na ba tayo?” nagtatakang tanong ko kay Mj nang mapansin pumara na ito ng taxi. Nakakunot-noo namang sinulyapan ako ng kaibigan. “What do you mean? Ano pa bang naisip mong gagawin natin bukod pa sa dito sa Drugstore?’ “I mean, hindi ba tayo dadaan ng mall? Mag unwind muna tayo dahil minsan ka lang nakakalabas. I mean, minsan lang gusto mong lumabas.” Pang-iimbento ko ng kuwento na halos ikapilipit ng dila ko. kahit kaylan kasi ay hindi ako nasanay na magsinungaling. Napaisip ang kaibigan na napahinto din sa paglalakad. Nasa loob pa din kasi kami ng malawak na Drugstore na iyon. Matagal siyang napaisip at bago nakapagsalita. “Saan mo ba gustong pumunta?” “Ahmm.” Tugon ko kaagad na nag-isip. Nasa isipan ko na kung saan ko siya dadalhin. Ang address na isinend ko kay Jarred ang unang pumasok sa isipan ko kaagad. “Sa Malhala FoodHouse!” walang gatol kong wika mayamaya matapos kong maalala ang usapan naming ni Jarred. “S-saan?” Maang na tanong ni Mj. “Sa Malhala. Iyon ban
Liza ‘Italy? Ang layo noon ha?’ Hindi ko inaasahang marinig iyon mula kay Jarred. Hindi ko akalaing aalis na pala ito nang hindi sila nagkakaayos ni Mj. Hindi ko maiwasang malungkot sa dalawa dahil sa nalalapit na pagkakalayo. >Do you mean, are you leaving Philippines soon? Hindi agad nakasagot si Jarred. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito o baka naman ay paraan lang nito iyon gaya ng mga nagaganap sa mga teledrama. Tapos matataranta ang girl at hahabulin ang lalaki tapos magkakaabutan sa airport. Inalis ko sa isip ang mga malilikot kong imahinasyon at nagpokus sa isasagot ni Jarred. >Yes. Marami nang naganap sa buhay ko na gusto ko na lang lampasan. Mga one month lang naman ako doon para lang magmind clear at para na din lumikha ng mga bagong memories. Ramdam ko sa text ng kausap ang kakaibang lungkot na nababakas ko sa mga mensahe niyang ipinapadala. >What about Mj? Matitiis mo ba siyang iwan sa ganitong kalagayan niya? >You said it na hindi naman siya buntis di’ba? Why a
Lance Hindi ko alam kung panaginip lang ito pero umaasa akong sana nga. Hawak-hawak ko ang isang magnum na baril ng mga oras na iyon at itinututok ko iyon kay Mj. Noon ko din narealized na nakagapos si Mj sa isang tabi, tigmak sa luha ang mga mata nito at nagmamakaawa. “P-please, don’t do this Lance.” Pagsusumamo niya sa akin. “I-i know it is not you. Sabihin mong hindi ikaw ito, Lance. Hindi ikaw ang Lance na kilala ko… at nakilala ko.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita at napalunok ng laway. “H-hindi ikaw si Lance na nakilala ko at natutunan kong mahalin. I swear, hindi ikaw ‘to.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay parang napakaraming karayom ang tumutusok sa puso ko habang nakikita ang babae, luhaan, sugatan, gapos at nagmamakaawa sa akin. Parang nahahati ang kaluluwa ko. Naroon ang pagkamuhi ngunit nandoon din ang pusong mapagpatawad. Hindi ko maisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon pero I swear, parang isang bahagi ng puso ko ang may basag. Nagulat ako nang n
Lance Alam kong kahit anong oras ay puwede kong sugurin at kunin si Mj sa bahay ni Liza pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Dapat maingat ako sa aking mga kilos at hindi padalus-dalos. Pagkalipas ng ilang linggo ay sa wakas at natagpuan ko na rin ang babae. Ang buiong akala ni Liza ay basta na lamang akong maniniwala sa sinabi nitong wala itong nalalaman tungkol sa lokasyon ni Mj. Masyado itong naging kumpiyansiya at panatag kaya nakalimutan nito kung anong ugali mayrooon ang isang kagaya kong si Lance Jericho Ballesteros. Sa pamamagitan ng sapilitang pagpapaamin rito at sinamahan ko na din ng konting pananakot ay napakanta ko din si Liza. Nanginginig ito noong tinakot ko na masasaktan kung hindi magsasalita. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang pamimilit kong nagawa rito noon. Nasa isip ko pa din ang kawawa at hindi maipintang mukha ng babae ng minsan ay magkita kami at makorner ko siya. ~~~ Hindi ko alam kung saan siya noon nanggaling pero inabangan ko ang kaniyang pagdaan sa lugar
] Lance Alam kong kahit kaharap ko na si Liza kanina ay ramdam ko na may itinatago itong kaalaman sa tunay na lokasyon ni Mj. Batid kong may tinatago ito at ayaw lang sabihin sa akin. Hindi naman nakapagtataka dahil magkaibigan ang dalawa kaya imposibleng ilalaglag nito ang kaibigan. Sa bagay iyon ay hindi naman ako pinanghinaan ng loob. Hinding-hindi ako susuko sa paghahanap kay Mj. Saka lang ako susuko kapag oras na para bumitaw o kapag nakita ko na si Mj at matiyak na ligtas ito. Pauwi na ako sa amin ng hapong iyon nang aksidente kong makita si Mj sa kalsada. Nakatalikod ito at may mga bitbit na mga pinamiling gulay at kung ano-ano pa. Sa palagay ko ay nag-aabang ito ng taxi pauwi sa kanila. Kahit nakatalikod ay alam kong kilalang-kilala ko ang nobya. Sa tindig nito, sa shape ng katawan at maging sa lugay at ayos ng buhok ay hindi ako magkakamaling si Mj nga iyon. Sasal ng tibok ang puso ko at parang dumadagundong sa kaba. Mabilis kong itinabi ang kotse at nagmadaling nilapitan