* Point of View ni Blair *
---
"WHAT DO YOU MEAN SHE’S GOING TO DIE?!!!" Napasigaw ako nang marinig ko ang sinabi ng seer ng mga Northern Witches na nakatira sa kanlurang bahagi ng dimensyong ito.
Hinulaan niya na si Pryce ay mapapatay ng pinuno ng mga werewolves na si Damien. At ayokong tanggapin iyon. Hinding-hindi ko ito matatanggap!
Pumunta kami dito para malaman kung bakit gustong patayin ng mga halimaw na werewolf si Pryce at kung ano ang kailangan nila sa kanya. At ito ang balitang bumungad sa akin.
Kusang tumubo ang mga pangil ko kahit na hindi ko hiniling na maging bampira habang nagsisimula nang umapoy ang mga kamay ko, at dahan-dahan itong dumadaloy patungo sa mga bras
* Point of View ni Pryce *---"Sagutin mo ang telepono, Cassie!" I cursed out as I dialed her number again. Kailangan ko ng kausap ngayon.Kakagising ko lang mula sa nakakabahalang bangungot, at ito ay talagang ramdam ko na para totoo, na kahapon ay kinidnap ako, at gusto nila akong patayin. At hindi mga normal na tao ang dumukot sa akin. Para silang mga halimaw. Iyon ang naaalala ko. Wala kasi akong makita dahil nakablindfold ako. Pagkatapos, may dumating upang iligtas ako at pinatay niya yata ang lahat ng masasamang tao na gustong manakit sa akin, at sinunog niya ang lugar.And the last thing I remembered was Blair kissing me. Well, iyon ay isa pang pangyayari sa panaginip ko na klarong klaro na natatandaan ko.
* Point of View ni Pryce *---"Hi, Prycie! Kamusta?" Bati sa akin ni Cassie sa kabilang linya ng telepono.Bakit parang iba ang boses niya? Parang may masamang nangyari. Malungkot ba siya, o umiiyak? I wonder."Hi, Cassie! I'm absolutely fine. How about you? Bakit parang ang lungkot mo? Is there something wrong? Umiiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya, at narinig kong bumuntong hininga siya.Hindi kasi ako sanay na marinig siyang malungkot o nalulungkot o kahit umiiyak. I mean, she's always happy, ecstatic to be exact. She always have that good mood dahil kahit break na sila ng first boyfriend niya, masaya pa rin siya tungkol dito. Dahil alam niyang hindi siya ang tamang
* Point of View ni Blair *---"Pwede bang bilisan natin? Marami pa akong gagawin." Nagprotesta ako habang ang mga babaeng kasama ko ay busing-busy na pumipili ng isa pang batch ng iba't ibang uri ng mga damit at tuxedo na kailangan kong isukat.Kasalukuyan kaming nasa mall sa tindahan ng damit ng mama ni Marvy. Dress shop ba ‘to? O boutique? Hindi ko talaga maalala kung ano ang eksaktong tawag dito."Anim na dress na lang, Blair," Drea said while getting two dresses in a hanger.Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala naman akong magagawa dito."At apat na tuxedo, Blair," sumunod si Lee habang may hawak na mga bungkos at bungkos ng damit sa k
* Point of View ni Blair *---"Sigurado ka ba talaga dito, Claude?" Pangatlong beses na akong tinanong ng nanay ko habang nag-aalalang nakatingin sa akin.Napagpasyahan kong pupunta ako sa domain ng mga werewolves, na matatagpuan sa kagubatan ng A m a z o n, para malaman kung bakit nila gustong patayin si Pryce at kung kailan sila kikilos."Don't worry, Mom. I will be back in one piece, I promise," sabi ko habang inaayos ang backpack ko na naglalaman ng mga notebook, camera, pagkain, at iba pang kailangan ng isang researcher.Pupunta ako doon upang maging bihag para makapasok ako sa kanilang teritoryo, palasyo, o kung anumang meron sila doon.“B
* Point of View ni Blair * --- "Hindi, papatayin ko kayong lahat bago niyo pa ako mapapatay!" Sigaw ko nang may kumpiyansa dahil gusto ko lang mang-asar ng kaunti sa mga halimaw na ito. "Ows, talaga? At paano mo naman gagawin ‘yun?" Tanong ng isang lalaki sa kaliwa ko habang tumatawa naman ang iba. "I'll stick a silver bullet in your head," sagot ko, at pagkatapos, may biglang humablot ng baril sa kamay ko at dinurog iyon gamit ang mga kamay lang niya. "Tingin ko’y marami kang alam tungkol sa mga werewolves, tama ba? At ano na ang gagawin mo ngayon na wala na ang iyong munting baril?" Tanong nung isang babae, at wala akong magawa kundi kumapit ng mahigpit sa phone ko at magkamot ng ulo. Well, sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pwede na ba nila akong ihatid sa campsite o kung anuman ang tawag nila sa kampo nila? "Okay, boys! Dalhin na natin siya sa kampo." Utos ng babae habang nag-transform siya
* Point of View ni Blair * --- "Ladies and gentlemen, good evening! I would like to welcome you all to the Big Hunt! Tonight, we are going to be challenged and be fed by these humans in front of us." May nagsalita na nilalang na may malaking boses at sinundan ng mga alulong at hiyawan ng mga tao sa paligid namin. Nakalabas na rin kami mula sa kulungan, at ngayon ay napapaligiran ng maraming gutom na mga werewolves. At nakikita ko na ang ibang mga taong preso ay sobrang kinakabahan at natatakot. Like, hello, sino ba ang hindi matatakot? Maaaring ito na ang huli nilang sandali sa mundong ito. Medyo dim ang ilaw dahil nagmumula lang ito sa apoy mula sa mga sulo sa paligid namin. At ang nakapalibot sa amin ay maraming mga puno at halaman na mayabong. Tapos, napatingin ako sa babaeng katabi ko, at alam ko na siya yung kasama ko kanina sa underground cage. Ang akala kong matandang babae ay mukhang labing-walong taong gulang lan
* Point of View ni Blair * --- "Ano pa ba ang hinihintay mo? Bakit hindi ka tumatakbo? Gusto mo na bang mamatay ngayon?" Tanong ko sa middle-aged na walang modo na mama kanina. Tumingin siya sa akin at saka tumango. Hays, baliw na talaga siya. "Magiging pareho din ang lahat. Mapapagod ka lang sa pagtakbo patungo sa kamatayan mo." Malungkot niyang sambit, at napa-scuff ako. Pambihira naman kasi ang mindset ng taong ito. Na sa kanya na siguro ang lahat ng negativity sa mundo. Okay lang sana kung may kapansanan siya, pero wala eh. Nakakalakad naman siya ng maayos. Baka sakit sa mentality lang talaga ang meron ang itong isang ‘to "What? Seriously? Hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo?" Bulalas ko, at napakamot na lang ako sa ulo dahil sa frustration. Ano ba ang gagawin ko sa lalaking ito? "Bakit hindi ka rin tumatakbo?" Naguguluhang tanong niya pabalik sa akin, at nilingon ko ang mga mukhang sobrang gutom na mga
* Point of View ni Cassandra * —"Woah, calm down, couzin! Ako 'to. Si Sander, ang cute mong pinsan." Sabi ko kay Blair habang nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Sino ba naman ang hindi magugulantang kapag may napakatulis na espada na nakatutok sa mukha mo? Wala naman siguro, ano? Isang maling galaw mo lang, siguradong tigok ka. "Oh, I’m sorry," Sambit niya habang ibinababa ang espada at ibinigay ito kay Freddy. "Hoy! Ano ba?" Sigaw niya nang bigla ko siyang niyakap ng napakahigpit. Sobrang nag-aalala lang talaga ako sa kanya. Akalain mo ba namang sa sobrang lakas ng loob niya, hinarap niya ang daan-daang werewolves? Ewan ko lang kung buhay pa ang mga iyon. Ang galing niya rin kasi may mga nailigtas siyang mga tao. "Nag-aalala ako ng todo sayo, Blairie! Shuta ka, baliw! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung mawawala ka. But f*ck yeah, you are alright!" Masayang bati ko sa kanya habang nakayakap pa rin sa ka
!!! This is a FREE chapter. !!! .Hi, kamusta ka? I hope you are well. .Maraming salamat sa pagbabasa nitong aklat, at sana ay nag-enjoy ka. Ito na ang end ng book na ito. At kung gusto mong basahin ang kasunod ng kwentong ito, mahahanap mo ang aklat na Price Of Pryce sa profile ko. Kaya lang, English version 'yon. Wala pang translated.Anyway, kung makahanap ako ng panahon, i-tatranslate ko din 'yun into Filipino. Basahin niyo rin ang iba ko pang books kung gusto niyo lang. Salamat. (-: .Also, gagawin kong WEBCOMIC ang book na ito at yung Ghost In Red, at saka yung The Nerd DJ. I-check niyo na lang soon sa kung saan. Hopefully, pwede na dito sa GoodNovel at MegaNovel. Ulit, salamat ng marami. And have a nice day or night! ..~Nagmamahal ninyong author, YERB (-;
* Point of View ni Cassandra *---Habang umiiyak ako at nakatitig sa bangkay ng matalik kong kaibigan, naramdaman kong may kung anong namumuo sa paligid ko. Pamilyar ang kapangyarihan na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay force field ito ni Blair.Napatingin ako sa direksyon niya, and she's all on fire. Pagkatapos ay hinawakan niya ng dalawang kamay ang braso ng kalaban na nakahawak sa kanya. Hindi lang pala ito nakahawak ngunit nakatusok sa dibdib niya. Naku po! Hindi maaari!At hindi kalaunan ay nagsisimula nang maging abo ang lahat ng nasa paligid niya dahil sa apoy na kumakalat na nagmula sa kanya. Nauna na na naglaho ang halimaw na pumatay kay Pryce.Pero si Bair… Oh, hindi!Sinubukan kong tumakas sa force field niya para pigilan siya sa delikadong niyang plano, pero hindi ko magawa. Masyadong itong matibay."Claude! Tumigil ka!" Narinig ko ang sigaw ni Tita Claudia habang nagpupumilit din siyang makawala sa force field na nilikha ni Blair sa paligid ng bawat witch dito.Alam ko
* Point of View ni Blair *---"Mas malakas ka sa inaakala ko, Hybrid." Nagsalita si Damien nang mapagtanto niya na hindi niya ako dapat maliitin kahit pa na literal na mas maliit nga ako kaysa sa kanyang mala-higante na laki ngayon. I’m smol but teribol.Ang mga werewolves sa paligid ay talagang naging mas malaki at mas malakas nga habang ang buwan ay sumisikat mula sa silangan.At alam ko na walang kalaban-laban ang mga kasamahan ko sa mga halimaw na ito."Ows, talaga? Akala ko rin kasi na mas malakas ka sa inaakala ko. ‘Yun lang ba lahat ang meron ka?" Sarkastiko na gante ko at ngumisi sa kanya, at halatang naiinis na siya.Gusto kong sukatin kung gaano kalakas ang isang ‘to. Aaminin ko na siya nga ang pinakamalakas na nilalang na nakasagupa ko sa tanang buhay ko. Malamang, mahigit-kumulang isang libong taong gulang na ang gurang na ito. Inatake ako ni Damien, pero ang bagal niya, lalo na ngayon na mas malaki ang katawan niya. Talaga nga namang may downside ang lahat ng bagay, ano
* Point of View ni Alison *---Paano ako makakatakas mula sa pagkakahawak niya? Ang sakit ng mga balikat ko, at kakainin na niya yata ang ulo ko. Ang baho pa ng hininga ng hinayupak na ito.Patuloy akong nakahawak sa leeg niya para ilayo sa mukha ko ang malaki niyang bibig na may mga matutulis na ngipin habang pilit ko siyang sinisipa sa tadyang, pero walang silbi."Ali!" Narinig ko na sigaw ni Blair, ngunit hindi ko siya makita kahit saan."Napakalakas ng halimaw na ito... Hindi ko kaya... Aaaargh!" Halos wala na akong masabi dahil nawawalan na ako ng lakas. Bumabaon ng husto ang mga kuko nya sa laman ko, at halos nasa loob na ng bibig niya ang ulo ko.Pagkatapos ay mabuti na lang at tumira si Blair ng isang bolang apoy sa kalaban, ngunit tila hindi natinag ang halimaw na Damien. Pero nagsimula ng masunog ang bahibo niya, at sa wakas ay binitawan na niya ako. At tuluyan na lumayo siya sa akin habang abala siya sa pagpatay ng apoy na gumagapang na sa kanyang buong katawan."Ayos ka l
* Point of View ni Pryce *---"Alright. Then we fight with all we have. Just be safe always in here. I'll be checking on you from time to time." Bilin sa akin ni Blair, at iniisip ko kung maaari ba akong sumali sa kanilang digmaan. Gusto kong tumulong."Um, pwede ba akong tumulong sa labanan?" I asked her, and with that, tinignan niya ako ng matalim.Damn, wrong move, Pryce. Mukhang galit yata siya o nag-aalala. Well, pareho yata."No! That'll never gonna happen! Mananatili ka rito kasama ng pinsan ko, and if there is a need for me to be here, I'll be around!" Singhal niya, at pumayag na lang ako sa gusto niya. Wala akong laban kung hindi ako sasang-ayon sa nakakatakot na freak na ito. Ito pala ang isa niyang side sa likod ng masayahin na mukha niya."Tandaan nating lahat na ngayong gabi ang Super Blue Blood Moon ay liliwanag sa kalangitan, at dahil doon, ang mga werewolves ay na sa kanilang pinakamalakas na anyo. Maaaring hindi sila matatablan ng ating mga sandata at spell, ngunit u
* Point of View ni Pryce * --- "Hi, Mom! Ayos naman ang lahat. So far." Sabi ni Blair at niyakap ang kakadating lang. Okay, nanay niya nga ito. Ang ganda niya at mukhang napaka-bata pa sa personal. "Hi, Tita C! Okay naman kaming lahat." Bati ni Cassie sa mama ni Blair na kanina pa nag-aalala at tumango bilang tugon na tila naka-hinga na ng maluwag. Ano nga ulit ang pangalan niya? C? Ano nga ba yung C? Ay, oo, tama Claudia pala. Ang alam ko, siya ang napakahigpit na tita ni Cassie na minsan niya lang na kwento sa akin nung mga bata pa kami. "Magandang araw, Kamahalan!" Bati ni Alison sa kanya habang nakayuko ito. Teka, Kamahalan? "Magandang araw din, Alison!" Sagot niya sa dalaga, at ngayon, nasa akin na ang tingin niya.Naku, po! Ano ang dapat kong sabihin? Damn it! Ina ng girlfriend ko ‘to. For the freak's sake, mag-isip ng magandang sasabihin, Pryce. Right now! Should I greet her normally? Bow before her? Smile? Stare? Ano ba naman oh! "Uh... umm... Hi, Mrs. Cavanau
* Point of View ni Pryce * --- Pagdilat ko ng aking mga mata, nandito na kami sa kwarto ko. Tumingin ako sa paligid, at nakita ko si Blair habang sinusubukan niyang tingnan kung nasa ayos ba ang lahat. Bigla siyang lumingon sa akin ng tila may napansin siyang kakahina-hinala. Ano kaya iyon?“Bakit, Blair?” Tanong ko sa kanya. "Naparito sila. Mga hayop na ‘yon." Sagot niya at napamura, and that shocked me. Damn, alam nila kung saan ako nakatira. Napakahirap lang talagang paniwalaan na papatayin ako bukas ng mga halimaw na iyon. Ngunit ang hinaharap ay ang hinaharap, at wala akong ideya kung paano namin mapipigilan iyon. "Ligtas ba tayo dito?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya dahil nagsimula na siyang gumawa ng force field sa paligid ng kwarto ko. Nabanggit niya na pinapahina nito ang pakiramdam ng mga werewolves. Hindi nila madaling masesense ang aura at amoy namin. "Yep, for now," sagot ni Blair at saka nag-teleport sa aking kama. Umupo siya doon at parang may iniisip na nap
* Point of View ni Blair * --- Naglalakad siya pababa ng hagdan na taglay ang lahat ng kanyang kaluwalhatian at kagandahan. At parang naging slow motion lahat ng nasa paligid ko. Iba talaga ang tama kapag nasisilayan mo ang taong nakatadhana para sa iyo. At ang saya ko ay tila walang paglalagyan nang malaman ko na ang tao na aking pinakamamahal ay mate ko.Ito siya, ang babaeng nagparamdam sa akin na ang pag-ibig ay maaaring gumawa ng napakaraming bagay at pakiramdaman sa isang tao. She brought out the best in me, as well as the worst. Kayang kong ibuwis ang buhay ko para sa kanya, at kaya ko ring pumatay para sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, isang ngiti na bihirang makita ng sinuman. At tinitigan ko lang siya ng may pagtataka hanggang sa makarating siya sa harapan ko. How is it even possible na may mas ikagaganda pa pala siya sa ganda niyang taglay? Ang swerte ko talaga. Nang namalayan ko na nakatingin din pala si Pryce sa akin, tinignan ko ang sarili ko at ang suot k
* Point of View ni Blair * --- "So, ito ang bago mong bahay?" Tanong sakin ni Pryce habang nakaupo kami dito sa balcony at nakatingin sa lawa at magagandang bundok na nakapalibot sa property ko. Talaga namang ang hirap niya na papaniwalain na kami ay mga supernatural na nilalang. At sa kabutihang palad, hindi siya masyadong nabigla. "Yup, my mom designed it. At madalas siyang bumisita dito." Sagot ko at hinila siya palapit sa akin habang pinulupot ko ang isang braso sa bewang niya. Pagkatapos ay isinandal niya ang kanyang ulo sa aking kanang balikat at hinawakan ang aking kamay kung saan ramdam ko pa rin ang spark mula sa kanyang paghawak. "Hmm... Ang ganda dito. Pero… ano ang susunod nating gagawin?" She let out and asked curiously while playing with my fingers. "Uh... Well, I'm supposed to have this date with you tonight, but asking you out slipped my mind. It has been a very tough week. You know?" Sagot ko at huminga ng malalim. Napakahirap lang talaga magisip ng maayos s