* Point of View ni Pryce *
---
Nakatayo ako roon, hindi makagalaw, at siguradong namumula ang mga pisngi dahil sa inis, hiya, kilig at marami pang ibang feelings matapos umalis si Blair. Sa totoo lang, namangha ako at natigilan nang hinubad niya ang helmet nya kanina at nakita ko ang kanyang maganda at kabighabighaning mukha.
Nakakainis! Ano ba kasi ang meron sa babaeng iyon na hindi ako makapag-isip o makapagsalita ng maayos kapag nasa harapan ko siya? Tinawag niya akong sweetheart ngayon. Ano ang ibig sabihin nito? I hope na hindi niya ako pinaglalaruan lang. Damn it! She better be not a freaking playgirl.
Ngunit hindi pa rin ako maka get over kagabi. She could be gay, kaya medyo malaki ang tsansa ko sa kanya, di ba? Shit, t
* Point of View ni Blair *---Tiningnan ko ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa na nakita ko. At, ako ay parang timang na natulala ngunit mabilis na nakabawi nung tumingin siya sa akin habang magkasalubong ang mga kilay niya at may mukha na para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.Saka ko lang naalala na hawak ko pa rin pala ang gago nung bumalikwas siya, at dahil huli na ako sa akto na nakipag-buno rito, pinakawalan ko siya ngunit tinulak siya sa sahig na medyo malakas, at unang lumapag ang kanyang mukha. Dang!"F*ck!" Nagmura siya, at hindi ako naawa sa kanya. Aba, bakit naman ako magi-guilty, diba? Nararapat sa kanya iyon. Kulang pa nga, eh."Uh... Hi, there!" Bati ko sa diyosang may-ari nit
* Point of View ni Pryce *---Nandito ako sa canteen habang kumakain ng tanghalian at napansin ko lang na wala pa si Blair kahit saan ako tumingin rito sa paligid.Nang nasa rooftop kami kanina, natutulog lang ang gaga. At, no, hindi ako nadismaya. Naiinis lang ako ng kaunti. Maaari naman naming pag-usapan ang tungkol sa ilang mga bagay, 'di ba? Ngunit, ugh! Hindi bale na. Sa palagay ko kailangan kong magsinungaling kay Ginang Johnson tungkol sa pagpapadala kay Blair sa Principal’s Office. Sasabihin ko na sumama ako para pagsabihan ang mga mag-aaral na na sangkot sa gulo kaninang umaga.Ang aking mga mata ay patuloy na naghahanap sa freak dito, ngunit bigo ako. Nagtataka ako kung saan siya maaaring magpunta para kumain ng t
* Pryce's Point of View *---Lumipas ang mga oras hanggang dumating ang hapon, at heto ako nakaupo sa loob ng aking sasakyan, nagpapasyang magmamaneho na pauwi o pupunta ba sa ibang lugar. Wala namang naghihintay sa akin sa bahay, kaya mas mabuting pumunta ako sa ibang lugar para hindi ko na siya maisip. Alam niyo na kung sino.Noong paaandarin ko na sana ang aking sasakyan, may dalawang mag-aaral na babae ang dumaan sa harap ng kotse ko.At ayun, huminto sila doon para ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Napabuntong-hininga na lang ako at naghintay na makaalis sila. Hindi nila ako nakikita sa loob dahil tinted ang bintana at windshield ng sasakyan ko.Habang nagkukwentuhan sila, narinig kong bin
* Point of View ni Blair *---Miyerkules ngayon, ikatlong araw ng pasukan, at nandito ako sa parking lot. Well, ipinarada ko na lang ang aking motorbike sa ibang lugar, because she really made sure na pumunta dito ng maaga ngayon. Ayon, naunahan ako.Then nagtungo ako sa locker area para mag-ayos at kumuha ng mga gamit. Ngayon ko lang napansin na wagas pa rin pala kung tumitig sa akin ang mga estudyante rito. Ano ba kasi ang problema ng mga taong ito? Hindi ba sila nagsasawa na titigan ako? Pangatlong araw ko na dito ah. Bakit kailangan ninyong maging harsh sa akin, Mga Tao? Nakakainis na kayo ha.Sa wakas ay nakarating na ako sa aking locker, at may naririnig ako mula sa ilan
* Point of View ni Blair *---Nagpasya akong mag-teleport pabalik sa comfort room kung saan ako nanggaling kanina. Wala na sigurong tao doon dahil malapit na ang first period sa umaga.Tapos, inisip ko yung lugar, at andito na ako. Instant.Nasa parehong cubicle ako tulad ng kanina, at may naririnig akong dalawang babae na nagtatalo. Ang isa sa kanila ay may boses na pamilyar sa akin. Sino kaya itong mga ito?At saglit kong iniisip kung sino yung may pamilyar na boses, at naalala kong boses iyon ni Leanne, ang captain ng mga cheerleaders. Parang galit siya or something like that.“Sabi ko naman sayo, Rey, ayokong makita kayong dalawa na naglalan
* Point of View ni Pryce *---Kinakabahan akong naghihintay dito sa opisina ng punong-guro, at pagkatapos, bumukas ang pinto. Heto na siya.At lumantad ang pinakamagandang babae sa aking panaginip.“Umm, magandang hapon po sa inyong lahat. May tumawag sa akin para pumunta dito?" Bati ni Blair habang hawak ang isang strap ng kanyang itim na backpack.“Buti naman at naparito ka na, Ms. Kendall. Pumasok ka at umupo." Sabi ni Ron sa kanya, at pumasok na siya.“Ay, salamat, Sir. At pakiusap, tawagin niyo na lang po akong Blair, Sir. I don't want to sound like our science teacher,” Blair stated and smiled whil
* Point of View ni Blair *---“Magandang hapon sa inyong lahat! Pakipasa ang inyong takdang-aralin sa harap."We had our chemistry class with Marge, and luckily, hindi late ang seatmate ko. Panonoorin at pakikinggan ko talaga siyang kumanta kung nagkataon na late siya ulit.Habang nakatuon ang atensyon ko sa klase, hindi ko maiwasang isipin ang nangyari doon sa opisina kanina. At ngayon, napansin ko lang na hindi man lang siya makatingin sa akin.Hindi ko mapigilang mapangiti hanggang sa tinawag ni Marge ang pangalan ko, at nabaling sa harap ang atensyon ko.“Blair, pansinin mo naman ang talakayan dito, o hahayaan kitang
* Point of View ni Blair *---“Hi, Blair! Uuwi ka na ba?" Tanong sa akin ng boses ng isang babae. At sa pagtingin ko sa kaliwa ko, nakita ko ang isang magandang nilalang na nakaponytail ang kanyang blonde na buhok. Pero pamilyar ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita?Ay, tama, naalala ko na! Ito ang babaeng hinalikan ni Leanne sa CR kaninang umaga. Jowa ito ng team captain ng cheerleaders. Ang ganda niya pala. Pero mas maganda parin si... Alam niyo na.“Umm, yep,” maikling sagot ko, tapos may inabot siya sa akin na parang papel, o di kaya ay letter o kung ano-ano lang. Ito ay isang sobre at scented.Then I looked at her in confusion, and she just smiled wh