CHAPTER 53Unang araw ko pa lang sa PMA bilang Plebe ay masasabi kong pamatay na sa hirap. Alam ko naman na hindi madali ang pagdadaanan kong training ngunit wala sa hinagap ko na ganoon nga katindi ang dapat na pagdaanan ng isang PMA.April 1, reception day naming mga Plebe. Ito ang una at pinakamadugong araw namin sa Academy. Lahat kaming mga first year ay magtipon-tipon sa Baremeo Field para sa aming oath bilang mga bagong kadete ng Armed Forces of the Philippines.Napakaraming ipinagbabawal sa amin na pakiwari mo'y hindi ka binibigyan ng kahit anong kalayaan. Kaya dapat bago pumasok ay gawin na ang gustong gawin dahil sa camp, pili na lang ang maari mong magawa. Kailangan lagi kaming nakasuot ng aming uniform sa tuwing lumalabas kami sa aming kuwarto. Maliban sa pasko, kami ay hindi na pinapayagang lumabas o kaya ay magkaroon ng kahit anong uri ng kasiyahan. Pinagbabawal sa aming manood sa formation ceremony ng mga upper class men at bawal din ang kahit sumilip sa aming bintana ng
Chapter 54Nagulat ako nang makita kong naroon si Rave kasama ng mga iba pang Plebes. Hindi imposible dahil alam kong kaya niyang ma-meet ang mga qualifications lalo pa't binabaan na ito ng high school graduate na lang. Ngunit sa kabilang banda, imposible dahil alam kong wala sa plano niya ang pagsusundalo. Wala nga ba talaga o hindi lang ako naging interasadong alamin ang mga plano niya sa buhay. Sa araw na iyon ay inatasan akong maging buddy nila habang inoorganisa pa nila ang magiging mga squad leaders.Nang magtama palang ang aming mga paningin ay napakarami ko sa kaniyang gustong itanong ngunit wala pang pagkakataon. Ipinagbabawal kasi ang pag-uusap lalo na sa kanilang mga plebe. Nang nasa kanal na kami para sa kaniyang paggapang ay nagkaroon na ako ng pagkakataon para tanungin siya."Anong ginagawa mo?” pabulong kong tanong."Anong ginagawa ko? Heto, gumagapang dito sa mabahong kanal." Napangiti siya.“Hindi ako nagbibiro. Bakit ka narito?"Oo nga't kinakaya niya ang lahat na pi
CHAPTER 55Final foot march nila. Maaga akong nagising para samahan sila. Maganda ang panahon. Hindi katulad nang sa amin na halos isama kami ng agos sa lakas ng ulan. Mabilis silang nag-formation sa harap ko pagkatapos nilang nag-agahan. Dalawang kadete ang dapat sa isang tent at dahil ako ang kanilang squad leader, mag isa lang ako sa tent ko ngunit sila ang may hawak sa lahat ng gamit ko. Umalis kami ng 6:00 ng umaga sa Camp at nakarating kami sa aming destinasyon ng tanghali na. Binigyan namin sila ng pagkakataong makapag-relax dahil sa sobrang hirap ng kanilang pinagdaanan. Sa mga upper class ako nakiharap noon at silang mga plebe ang magkakasama. Nakita kong si Rave mismo ang nagtayo ng aking tent at nag-ayos ng aking tutulugan.Pagkatapos nilang nananghalian ay muli naming silang pinagtraining sa combat. Hanggang sa dumating ang hapunan. Sandali akong nakipagsaya sa mga squad members ko. Kailangan kong iparamdam sa kanila na kahit gaano ako ka-istrikto sa kanila sa kanilang mga
CHAPTER 56Pagdating ko sa bahay ay ako ang nagulat sa ibinalita sa akin ni Mommy."Naku ate, sana mas maaga kang dumating. Noong nakaraang araw lang umalis si Dindo. Isang araw at isang gabi lang kasi siya dito."Hindi ako agad nakapagsalita. Tinitigan ko pa nga si Mommy. Binabasa ko ang mukha niya kung pina-prank niya ako.“Oh bakit ka ganyan tumingin sa akin? Hindi ka ba naniniwala?”“Yung totoo kasi Mom ah.”“Anong yung totoo ka diyan? Hindi naman imposible na pupuntahan ka nong tao. Bakit ba?”"Si Dindo, bumisita dito sa bahay?" Hindi ako makapaniwala. “Pagkatapos ng tatlong taon? Ngayon lang siya bibisita?”"Oo, nga. Bakit baa ng kulit mong bata ka.”“Bakit daw?”“Anong bakita daw? Boy friend mo yung tao, natural lang na gusto ka niyang makita.”Buntong-hininga ang sagot ko kay Mommy.“Alam mo bang nangitim siya lalo at pumayat. Sabi ko nga maghintay pa siya ng kahit isang Linggo hanggang matapos ang training mo sa Baguio pero mukhang nagmamadali.”“Ano pa bang aasahan ko do’n M
CHAPTER 57 Iniwan mo pala si Teddy Dindo sa bahay ng lolo at lola mo. Binisita ko sila noong nakaraang taon, nakiusap ako sa kanila na dalhin ko na lang ito noon sa kuta namin. Pumayag naman sila. Tumakas lang kasi ako noon, nagbabakasakali akong magbakasyon ka ngunit mula pala nang nangyari ang pamamaril ay hindi ka na muli pang bumalik sa lugar kung saan natin binuo ang ating mga alaala. May mga gabing umiiyak ako sa tuwing kasama ko si Teddy Dindo. Isinama ko siya sa batis, sa gubat at doon sa malaking puno malapit sa bahay ng lolo't lola mo. Kinakausap ko siyang parang ikaw para lamang maibsana ng pagkasabik ko sa’yo. Para akong tanga na yumayakap at humahalik sa isang Teddy Bear at sinasabi ng paulit-ulit ang katagang mahal na mahal na mahal kita habang iniisip kong ikaw siya. Habang nasa batis kami noon nni Teddy Dindo ay umaasa kaming babalikan mo. Naghihintay na sana maalala mo. Ngunit nabigo kami. Alam ko kasing iniwan at gusto mo na siyang kalimutan dahil ang taong nagbigay
Chapter 58Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Rave. Huminga ako ng malalim. Hindi ko pa siya kayang kausapin. Napakalakas pa rin kasi sa akin ng impact ng kababasa kong sulat sa akin ni Dindo. Tinatamaan pa rin ako sa kaniyang mga sinabi. Pinatay ko na muna ang cellphone ko. Ilang sandali pa ay may katok sa pintuan ko.Tinatamad akong pagbuksan."Sino 'yan?" tanong ko."Si Mommy, tumatawag kasi si Rave. Tinatanong niya kung nakarating ka na. Gusto ka raw kausapin, anak. Tatawag siya uli.""Sabihin ninyo Mom, tulog ako. Sabihin ninyo nagpapahinga ako. Saka Mom, mauna na lang kayo kumain mamaya. Gusto ko lang bumawi sa mga pagod ko." sagot ko. “Ako na lang ang tatawag sa kanya.”"Okey ka lang ba anak?""Okey lang ho ako. Pahinga lang katapat nito Mom."Pinilit kong makatulog. Gusto kong paggising ko ay wala na yung nararamdaman kong sakit at lungkot sa nabasa ko sa sulat ni Dindo.Madaling araw nang magising ako. Kinuha ko ang cellphone ko at ini-on ko hab
CHAPTER 59 Niyakap ko siya. Wala kasi akong ibang maisagot sa kaniya. Awang-awa ako sa nakikita kong paghihirap ng kaniyang kalooban."Matatanggap ko sana kung may nagawa akong pagkakamali na maaring nagpabago sa desisyon mo. Kaya lang wala e. Mahal na mahal kita chief, kaya ako parang asong ulol na bubuntot-buntot sa'yo mula noon kahit alam kong may iba ka na at haggang ngayon na iniwan ka. Mahal na mahal kita kaya kahit sarili kong pangarap ay kaya kong ipagpalit just to be with you. Hindi kita sinisisi sa desiyon ko. Sarili kong desisyon iyon. I am telling you these, para malaman mong hindi lang si Dindo ang may mga isinakripisyo, sana maisip mong ako rin naman. May mga ginagawa rin ako para mapansin mo. Nagkataon lang na siya ang lahat mo at ako ang balewala sa’yo. Ang masakit sa akin, gusto kong palayain kita para sa kaniya ngunit nasaan ba siya? Kaya kong ipagkatiwala ka sa kaniya kung sa kaniya ka talaga magiging masaya ngunit paano ko gagawin iyon kung ni hindi mo alam kung b
CHAPTER 60Paano paalam na chief! Mag-iingat kang lagi ha.Naputol na ang record. Napaupo ako sa kama. Damn! Bakit lagi na lang akong umiiyak! napakabigat lang kasi sa dibdib na may nasasaktan ako. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko pero sa tingin ko, kailangan kong manindigan, sa bulong ng kahapon o sa sinasabi ng ngayon. At ngayon, may gusto na akong paninindigan, hanggang sa huling laban. Sana nga hindi ako magkakamali sa aking gagawing desisyon ngayon.Sa bakasyon ay muli kong pinag-isipan ang lahat. Minabuti kong huwag na munang tawagan o kaya i-text si Rave at pakiramdaman kung ano nga ba talaga siya sa buhay ko. Alam kong iyon din ang gusto niyang gawin ko. Kailangan kong manindigan kung sino sa kanilang dalawa lalo pa't may nasasaktan na din ako na nagmamahal sa akin. Mahal ko si Dindo ngunit pinaglalayo kami ng aming prinsipyo at ng pagkakataon. Kahit sa sulat niya ay hindi niya sa akin masabi na kaya niyang talikuran ang kaniyang ipinaglalaban para sa pagmamahal niya sa
FINAL CHAPTER“Go Mama.” Sigaw ng kinikilig na si Shantel."Of course! Yes!" sagot ko. Yumuko din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming tumayo. Nagyakapan at binuhat niya ako. Ipinaikot niya ako habang nakayakap sa kaniya. Ibinaba niya ako at pinunasan niya ang aking luha. Hinalikan niya ako sa labi. Sumabay iyon sa isang masigabong palakpakan."Tuloy na ang kasal. Double wedding!" wika niya at nag-apir sila ni Rave. Halatang planodo na pala nila ang lahat.Muling itinuloy ni Shantel at Miley ang kanilang pagkanta. Bumalik kami ni Dame sa likod para muling simulan ang aming paglalakad palapit sa aming mga minamahal.On this dayI promise foreverOn this dayI surrender my heartAko ang unang naglakad. Sumunod si Dame. Dama ko ang bawat linya ng kanta. Para akong dinuduyan sa langit. Tanging si Dindo ang nasa paningin ko habang naglalakad ako. Napakaguwapo ng aking magiging asawa sa suot niya. Idagdag pa ang kaniyang nakakikilig na ngiti. Hawig na hawig niya talaga si Ejay Fal
CHAPTER 102Dumating ang doctor. Pinalabas kami ni Rave para maeksamin pa daw si Dindo ng maigi. Sila man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kakausapin na dapat nila kami para taggalin ang life support ni Dindo ngunit heto’t nangyari ang isang himala. Naka-recover si Dindo sa hindi nila malaman na kadahilanan.Masaya kami ni Rave sa labas ng kuwarto ni Dindo. Yumakap siya sa akin. Hindi nga lang mahigpit dahil ayaw niyang magalaw ang sugat ko. Sunod naming pinuntahan si Dame sa kaniyang kuwarto. Mahina man si Dame nguni ligtas na siya. Nagawa na nitong itaas ang kamay niya para sumaludo sa akin nang makita kami ni Rave na pumasok sa kuwarto niya. Bakas sa mukha nina Rave at Dame ang kakaibang saya. At sa harap ko, nakita kong hinagkan ni Rave ang labi ni Dame. Tanda na iyon ng isang simula ng tapat at magtatagal na pagmamahalan.Ilang araw pa ay tuluyan ng lumakas si Dindo. Ako man din ay halos bumalik na sa normal ang aking katawan. Ako na ang matiyagang nagbabantay sa kaniya. Masaya
CHAPTER 101Paggising ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog. Mabilis kong nilingon ang kama na kung saan nakahiga si Dindo ngunit wala na ang kama niya doon. Pinanghinaan na ako ng loob. Alam kong mahaba ang tulog ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kinalalagyan ng kama ni Dindo. Umagos ang aking luha. Sumisikip ang aking dibdib. Ang tahimik na pagluha ay naging hagulgol. Hangga’t hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw sa pangalan ni Dindo. Awang-awa ako sa kanya na kahit sahuling sandali ng kanyang buhay ay hindi man lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Buong buhay niya ay puro pasakit at hirap kasama na doon yung mga panahong dumating si Rave sa buhay ko. lalong nadagdagan yung sakit na kanyang dala-dalawa. Sa buong buhay niya, ako lang ang tanging niyang minahal. Ako rin pala ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nahihirapan akong huminga. Para akong nalulunod sa matinding emosyon ng pagkawala sa akin ni Dindo.May humawak sa kamay ko. Pinisi
CHAPTER 100Nang una ay wala pa akong naririnig hanggang sa lumakas ng lumakas ang kanilang mga sinasabi.“Tita! Tita gising na siya. Gising na si chief!” masayang nasambit iyon ni Rave.Nakita ko si Mommy sa kabilang bahagi ng kama. Hinawakan niya ang palad ko. Naroon din sa paanan ko si Claire. May luha sa kanilang mga mata ngunit nang makita ni Mommy na nagbukas ako ng aking mga mata ay napalitan iyon ng ngiti at tawa.“Sandali lang, tatawag ako ng doktor tita.” Mabilis na lumabas si Rave."Salamat sa Diyos. Salamat anak at buhay ka. Dalawang araw kang walang malay. Salamat anak at lumaban ka para sa amin ni bunso."Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Ngumiti ako. Hinalikan niya ako sa noo."Anak laban lang ha. Tinawag na ni Rave ang anak. Gagaling ka. Hinidi mo kami iiwan. Hindi ko na kakayanin pang pati ikaw ay mawala sa amin ni bunso!"Noon ko lang din naisip ang lahat mula nang nabaril ako at tuluyan na akong ginapi ng kawalang pag-asa. Buhay ako. Buhay na buhay ako.Mabilis na pu
CHAPTER 99Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sandali akong nagising. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata. Wala ako naririnig sa paligid ngunit malinaw kong nakita ang pagbukas din ng mga mata ni Dindo. Nahihirapan niyang inaabot ang kamay ko habang nakahiga kami magkatabing stretcher. Pilit ko ding inabot ang kaniyang kamay. Ginamit ko ang natitira kong lakas para pisilin iyon ngunit hindi ko kayang gawin. Sandaling nakita ko ang ngiti sa labi ni Dindo hanggang sa tuluyang unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko nagawang mapanatili ang kaniyang mga palad sa akin dahil sa sobrang kahinaan. Nahulog ang kamay niya kasabay ng kaniyang pagpikit. Tinawag ko siya. Pinilit kong may lumabas na tinig sa aking labi ngunit walang kahit anong tunog akong mailikha. Gusto kong sabihin sa kanya na lumaban kami. Kailangan naming magpakatatag. Na nandito lang ako para sa kanya ngunit hanggang sa isip ko lang ang lahat. Hanggang sa itunulak na ng isang nakaputi ang kaniyang stretc
CHAPTER 98Ang kanina'y makulimlim na kalangitan ay tuluyan nang bumigay. Pumatak ang ulan. Sabay ang madamdaming paggapang namin palapit sa isa't isa ang pagtawag ng pangalan ng bawat isa sa amin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang luha. Umiiyak siya. Ganoon din ako. Hirap akong huminga dahil sa mga tama ko sa katawan. Nagsalubong ang aming mga palad. Hindi ko na iyon binitiwan. Gusto kong maramdaman siya. Sa kabila ng nararamdaman kong hapdi ng tama ng bala ay mas gusto kong mayakap siya hanggang sa lumalaban pa kami para sa aming mga buhay. Pinilit pa rin niyang gumapang palapit sa akin. Sinikap niyang maigapang ang sugatang katawan.“Hindi, hindi tayo susuko dude ko. Hindi tayo mamatay di ba?” bulong niya. Nakita kong pinilit niya talagang tumayo pagkatapos niyang huminga ng malalim. Nang nakatayo na siya kahit pa duguan na siya ay nagawa niya akong buhatin. “Aya, dude ko… Aya. Huwag kang pipikit ha? Huwag kang bibigay dude ko.” Ang madamdamin niyang pagtawag sa aking pangalan ay
CHAPTER 97Mga putok ng baril ang siyang hudyat para ituloy ang laban dahil nasa paligid na namin ang mga kaaaway.Kasunod iyon ng isa pang putok hanggang sa natumba ang isang rebelde na malapit sa amin."Kung ayaw ninyong umalis dito, utang na loob, gamitin ninyo ang hawak ninyong baril!" si Rave. Siya ang bumaril sa rebeldeng dapat kikitil na sa aming buhay.Ikinasa ni Dindo ang hawak niyang armas. Ganoon din ako. Nagkatinginan kami."Sigurado ka, kaya mo talaga?""Kaya ko. Ako na lang ang magsisilbing back up ninyo. Dito lang ako.”“Kahit anong mangyari ngayon, lagi mo lang tandaan na nandito ako para sa’yo. Wala akong hindi kayang gawin para sa’yo dahil mahal na mahal kita.”“Sige na, dude. Tulungan mo na sina Dame at Rave."Gumapang siya at umasinta. Alam kong hirap ang kalooban niyang kalabanin at barilin ang dati niyang mga kasamahan ngunit ginagawa na niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa akin. Noon ko lalong napatunayan kung gaano niya ako kamahal.Nakita kong maraming inasint
CHAPTER 96“Katapusan mo na! Papatayin kita hayop ka!” sigaw ko kasabay ng kaagad kong pagkalabit sa gatilyo...Inulit ko pa, inulit ng inulit ng inulit...Ngunit walang putok...Walang bala ang lumabas. Nanlumo ako.Walang bala ang naagaw kong baril.Nagtawanan silang lahat. Lalo akong kinabahan."Ano ha? Akala mo mauutakan mo pa kami gaga!" singhal ng kumander nila.Hindi ko kailangan sagutin iyon. Hindi ko kagustuhang magkamali sa aking diskarte."Sige Jacko. Dalhin mo ang mainit na tubig na iyan at ibuhos mo sa kaniya para malapnos siyang buhay!"“Pero kumander paano naman yung usapan. Mas masarap ‘yang kainin na hindi luto. Pwede bang matikman na muna bago lutuin ng buhay?” paningit ng dumidila-dila pang isang rebelde.“Oo nga kumander. Tirahin na muna kaya namin ‘yan.”“Tumahimik nga kayo. Kahit naman lapnos na ang balat niyan ay titirahin niyo pa rin. Mamayang gabi na lang ‘yan tirahin kapag hindi pa dumating ang kanyang tagapagligtas para bukas ng umaga, hindi na ito sisikata
CHAPTER 95Madaling araw nang kumulog at kumidlat. Bumuhos ang ulan. Naging dobleng pasanin ang ibinigay niyon sa akin. Malamig at tuluyan nang parang walang pakiramdam ang aking mga paa. Namamanhid na ang aking katawan. Dahil sa pagod, hirap at hapdi ng natalian kong kamay at paa, idagdag pa ang mga suntok at sipa nila sa akin ay hindi ko na kaya pang pigilan ang aking pagluha. Gusto kong ilabas ang sakit na aking nararamdaman. Ganito ba kahirap ang kailangan kong pagdaanan? Paano kung bukas nga ay hindi na ako sisikatan ng araw? Paano kung hanggang bukas wala pa rin ang aking tagapagligtas? Ngayon palang naiisip ko na ang gagawin ng lahat sa akin. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa babuyin ako’t pagpapasa-pasaan.Isa pang nakakapagbagabag sa akin ay ang takot na maaring nasa hospital si Dindo ngayon kung hindi man siya natuluyan kanina ng mga rebelde. Bakit laging ganoon? Bakit lagi akong walang magawa kung nasa kapahamakan ang taong mahal ko? Lagi bang kailangang ako ang