Nakaalis na ang mommy niya papuntang Canada. Nalungkot siya sa simula pero nang lumaon ay nasanay na rin siya. Mas lalo ring naging salbahe ang pakikitungo ng mga steps niya sa kanya pero hinayaan na lamang niya dahil ayaw niya ng gulo. Iniisip na lamang niya na babalikan siya ng mommy niya pagdating ng panahon.
" Luna, please? Samahan mo naman ako mamaya sa gym para manood ng game ng baby ko. " Pakiusap niya sa bestfriend niya with matching puppy eyes pa. Natawa ito sa tinuran niya."Ewan ko sa'yong babae ka. Bakit ba patay na patay ka sa lalaking 'yon? Eh, hindi naman niya pansin ang presence mo. Magsasayang lang tayo ng oras doon." Napailing na turan ni Luna sa kanya.Bagaman may katarayan ang dating ng kaibigan niya ay ito naman ang biggest supporter niya. Wala namang iba dahil nag-iisa lang ito. Bahagya niyang inayos ang makapal na salamin sa mga mata niya. She was diagnosed to have astigmatism at the age of six kaya nga mula noon ay nakasuot na siya niyon." He's my first and last love that's why. And dapat nandun ako to give him moral support. " Pagrarason niya rito habang niyuyugyog ang balikat nito. " Saka have you forgotten na kinausap niya ako two weeks ago sa bahay namin? " Her eyes twinkling." Tumigil ka nga Stacey! Ang bata-bata mo pa ang landi-landi mo na!" Mahinang asik ni Luna sa kanya. They are currently in third year high school at Ateneo De Davao, ang sikat na University ng mga may kaya sa siyudad ng Davao." Sige na naman please, sandali lang tayo doon. Gusto ko lang siyang makitang maglaro kahit thirty minutes lang." Pangungulit niya pa rin rito. Alam na alam kasi ni Stacey na mahal na mahal siya ng kaibigan, kaya sure siya na sasamahan siya nito.Makahulugan siyang tinitigan ng kaibigan bago ito nagsalita."Sige na nga. Kung di lang kita mahal." Pagsang-ayon ni Luna at yumakap sa kanya." Thank you friend. Love you too. " Ani Stacey na may ngiti na sa mga labi.The two of them had been friends since first year high school. Naging magkaklase sila at magkasundo sa halos lahat ng bagay. Bagama't magkaiba ang dalawa physically hindi iyon naging hadlang para maging magkaibigan sila. Luna was a tomboyish at isa sa pinakamayaman ang pamilyang pinagmulan sa lungsod ng Davao.Isa itong Dizon kaya maraming koneksyon ito sa school. Hindi ito nabubully dahil sa status nito sa lipunan. Mayaman din naman ang daddy niya pero hindi naman sikat sa Davao ang pangkaraniwan niyang apelyido. Mahirap ang pamilyang pinagmulan ng mga magulang niya, pero dahil napakasipag ng daddy Roger niya kaya yumaman sila hindi nga lang kasing yaman ng mga Dizon ang Morado sa lugar nila.She was a nobody kung ituring ng iba. Her mom leave her for money, her dad take her for granted. Mas gusto pa nitong kasama ang hindi nito mga anak. She felt left out and rejected with her own parents. She has no one to run to. Except for Luna Dizon. Her ever protective and loyal friend.She was a geek kung ituring ng karamihan sa university na pinag-aaralan nila. She was branded as little miss Tapya ng mga naging kaklase nila ni Luna dahil literal na wierdo ang tingin ng karamihan sa kanya but not her friend Luna. From her thick eye glassess to her manang uniforms. Madalas tawag sa kanya ay baduy because of her fashion. She is like the laughing stock in their school. But it didn't stop her from crushing on Hunter Florendo. The hunk and matinee idol of their university.Nasa fifth year na ito ng kursong civil engineering. Anak ng presidente ng kanilang university. Tall, tanned-skinned, sculptured body to die for with irresistibly handsome face. Ang biggest assets nito ay ang gray hooded eyes at dimples sa mga pisngi nito kapag ngumingiti. He was like a star to her na ang hirap abutin sa tulad niyang walang maipagmamalaki.At the gym." Go! go Hunter! go Hunter! Go! " Panay ang cheer ng crowd sa kuponan ng ADDU varsity players. At dahil home court ang laro, ang daming nanood na mga estudyante from high school level to college level .Nakikiingay din si Stacey with all her heart pa kahit patago lang. Championship game kasi ngayon kaya excited ang lahat, maging ang puso niya. Ang lakas-lakas ng tibok niyon.Engrossed na engrossed na nanonood ang dalagita. Kaya kitang-kita niya kung papaano binantayan ang binata ng mga kalaban. Halos lahat walang kurap na nakasunod sa bawat galaw ng binata sa court.Hunter Florendo was the team captain, the forward as well as the rebounder of their team. With a towering height enough to qualify him in the PBA. Known for being a playboy manwhore that made girls go gaga over him. And that includes her with all honesty in her part.His biceps and triceps flexes as he tried to escape from his opponent. Looking for a perfect time to shoot the ball in the basket. He keep on dribbling from right to left habang sumenyas sa ka team. Mabilis na pinasa ang bola kay Keith at pagkatapos umabante sabay talon ng mataas to catch the ball again to make a good three point shot.Dribbling once again, Hunter made a long jump to shoot the ball but then someone blocked him. At tall man from the other team. Bagsak ang binata at sapol ang gwapong mukha nito."Hunter! " On instinct Stacey immediately shouted his name . Not minding the look of those shocked expectators. Mas nangingibabaw kasi ang tinig ng dalaga. Parang maiiyak nang makita ang duguang ilong at labi ng binata. She wanted to go to him. Akma siyang bababa sa mataas na bahagi ng gym kung saan sila nakaupo ni Luna, para puntahan sana ang lalaki pero mabilis naman siyang nahawakan ng kaibigan upang pigilan sa nais niyang gawin. Hinila siya nito at naupo pabalik sa upuan niya." Gaga! Pinagtitinginan ka ng mga tao. Nanlilisik ang mga mata ng mean girls sa'yo." Pabulong na saway ni Luna sa kanya. Nag-init ang buong mukha niya sa sinabi nito. Nakalimutan niyang nasa gitna sila ng mga taong mapanghusga.Poor Stacey Morado. Siya na naman ang gagawing topic ng tsismis ng mga estudyante sa university nila bukas ng umaga. Nanliliit sa kanyang sarili na napakagat-labi ang dalagita. Nagkasya na lang siya sa pagtingin at pagpalakpak ng mga kamay para suporta sa lalaki. Hindi na siya nagti-cheer pa. She just sat there and focus on his game.Gabi na nang matapos ang laro. Nanalo ang hime court nila. Nagmamadali siyang umuwi ng kanilang bahay dahil ala-sais y medya na sa relos niya. Siguradong uulanin na naman siya ng matinis na tinig ng Tita Cathy niya. Kasama pa ang mga anak nitong sina Violet at Purple. Hindi rin mahilig sa pink ang madrasta niya? Biro niya sa isip.Hindi nga siya nagkamali dahil nasa gate palang siya ay sinigawan na agad siya ng Tita Cathy niya. Nanlilisik ang mga mata nito."Bakit ngayon ka lang bata ka?!" Hinila agad nito ang mahaba at kulot niyang buhok." Masakit po tita, tama na po." Pakiusap niya sa madrasta dahil parang matatanggal na iyon sa anit niya. Wala pa naman ang daddy niya kaya malaya siyang saktan nito. Nasa out of town conference na naman ito. Lagi itong ganoon. Iniiwan siya sa kamay ng mga halang ang kaluluwa na ka sisterhood ni Hitler." Tama lang iyan sa malanding babae na iyan mommy! " May sumigaw naman sa likuran niya. Ang dalawang stepsisters niya. Lumapit din ang dalawa at bigla siyang sinampal sa pisngi ni Violet." Napakailusyonada mo namang malandi ka! May pa Hunter-hunter kapang nalalaman. Hindi ka ba nahiya sa itsura mo? " Walang pakundangan nitong sigaw sa kanya. Pakiramdam niya ay namanhid bigla ang kaliwang pisngi niya." Bagay lang iyan sa'yo, ang kapal-kapal kasi ng mukha mo. Hindi mo ba alam na boyfriend ni ate Violet si Hunter Florendo? " Asik naman ni Purple na bahagya pang dinuro-duro ang ulo niya. Kambal ang dalawang bruhilda sa buhay niya at nasa third year na ito ng kursong HRM. Kung tutuosin mas matanda sa kanya ang dalawa pero kung umasta ay mas bata pa sa kanya.Alam naman niyang hindi totoo ang sinabi ni Purple sa kanya. Alam kaya niya ang totoo na walang girlfriend ang ultimate crush niya. Oo maraming babae ang nagkakagusto rito pero alam din niyang napakaplayboy nito. Everything for him is just plain sex, iyon ang madalas sabihin ni Luna sa kanya dahil kabarkada ng kuya nito ang binata. At ang nakita niya noon sa pool ng bahay nila ay isa lamang dare o laro iyon ng grupo. Walang relasyon ang dalawa, period.Hindi na lamang siya nakipagtalo sa tatlo at minabuting tumulong sa paghahanda ng hapunan sa kusina. Matapos siyang tantanan ng tatlo. Mas naging mapang-abuso ang pamilya ng kanyang madrasta. Hindi man lang alintana ng mga ito na nasasaktan na siya. At ang daddy niya ay nabibingi-bingihan lang sa sitwasyon niya. He favored them against her only child. Masakit iyon sa puso niya pero pilit niyang kinakaya. Sandali na lang Stacey, kukunin ka rin ng mommy Jane mo.Kapag nasa business trip ang daddy niya ay malaya siyang alilain ng mga ito. Nagbabago lang ang pakikitungo ng mga ito kapag nandyan ang daddy niya. Pero hinahayaan na niya dahil nasasanay na siya sa kagaspangan ng mga ugali nito.Bagamat nakatira siya sa poder ng ama ay hindi iyon ipinagmamalaki ng dalagita. Instead, she would tell her classmates that she was their housemaid para hindi na siya masaktan pa. Kung tutuusin ang daddy niya ang gumagastos sa lahat maging ang pagpapaaral sa stepsisters niya. Wala rin namang trabaho ang tita Cathy niya." Kaya ko na dito, Stacey. Doon ka na maghintay sa hapag. " Ani ng kusinera nila." Hayaan niyo na po ate Erin gusto ko pong tumulong sa inyo. " Napakunot-noo ang may edad twenty na dalaga. Sinipat nito ang mukha niya. At saka Napailing-iling ito pagkatapos." Lagi ka na lang sinasaktan ng mga sampid na iyan. Akala mo kung sino kung umasta, eh ikaw naman ang totoong anak ng daddy mo." May inis sa tinig nito habang may pag-aalala sa kanya. Meron pa palang nagmamahal sa kanya ang kusinera at yaya Mina niya." Okay lang ako ate Erin, mamaya ikocold compress ko ito para mawala ang pamumula. 'Wag na po kayong mag-alala. " Tipid na ngiti ang iginawad niya sa babae.¤¤¤¤¤Naglalakad siyang walang ulo nang pumasok sa campus ng university nila." Yuck! Hindi na nahiya. Itsura nito napaka-chaka! Hmp! " That was one of the mean girl in their campus. Bading ito pero mukhang babae ang ayos. Gusto niyang matawa. Akala mo kung sino eh mas totoo naman ang dede niyang nakatago kaysa rito. Hindi na lang niya pinansin iyon sa halip ay tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Kaya naman hindi siya nakahuma nang may biglang humila sa buhok niya." Aray! " Napaigik siya sa sakit na nadama. Hindi niya iyon napaghandaan." You bitch! Don't turn your back on me when I'm still talking to you!" Napapikit siya hindi pa nga nawawala ang sakit sa anit niya kagabi at ngayon meron na namang humila sa buhok niya." Oh crap." Hinawakan niya ang kamay ng bakla para tanggalin sa pagkakahila sa buhok niya. Humarap siya rito pagkatapos." Please let go of my hair." Pakiusap niya sa mababang tinig. Ngumisi ito sa kanya pero hindi parin binibitawan ang buhok niya. The crowd started to circle them. Nakikiusyuso na ang mga ito at tumatawag na sila ng pansin.This gay is just so mean, bagay ang tawag sa grupo nito na mean girls of the campus." I will let go of your hair if you promise to stay away from Hunter." Mas lalo siyang napapikit dahil sa sakit. Napatango-tango siya. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi naman niya sinusundan ang binata. Oh well, slight lang naman. Halos maiyak na siya bago nito bitawan ang buhok niya.Sa nangyari ay nagtatakbong tinungo ni Aera ang likurang bahagi ng university nila. At doon malaya siyang umiyak nang umiyak sa sama ng loob at kahihiyang naranasan. Hanggang kailan siya magiging ganito? She had been bullied since she stepped on that school. Wala naman siyang ginagawa sa mga iyon bakit palagi siyang sinasaktan ng mga ito? Hindi pumasok ang kaibigan niya kaya walang magtatanggol sa kanya.Maya-maya nang mahamig ang sarili ay nagpasyang tumayo na si Aera. Tinahak niya ang daan pabalik. First time niyang makapunta sa parteng iyon ng paaralan kaya naman nakadama siya ng takot nang maisip na nag-iisa lang siya sa lugar na iyon. Nagulat pa siya nang sa pagbalik niya ay may sumalubong sa kanya. At iyon ay walang iba kundi si Hunter."Hey! What are you doing in this secluded place of the school?" May lamyos sa tinig nitong wika sa kanya. Bahagya niyang Kinusot-kusot ang mga mata at baka namamalikmata lang siya.Nang mapagtanto na totoo ito ay nanlaki ang mga mata niya at umawang ang labi niya." Baka mapasukan ng langaw ang bibig mo." Ito ang pangalawang beses na nakita ni Stacey ang binata sa malapitan and she couldn't believe it in her eyes. Napakurap-kurap siya nang ngumiti ito at lumabas ang biloy sa magkabilang pisngi nito. Hindi siya nakapagsalita, nanatiling nakaawang ang labi. Naaaliw naman na biglang bumaba ang mukha ng lalaki sa kanya to level her face. She blush kasabay ang pagririgudon ng dibdib niya." H-Ha? " Disoriented niyang saad sa binata. Sinundan ba siya ng lalaki sa lugar na ito?" Do you remember the last time we talked? "" Hah? " Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ano ba ang ipinahihiwatig nito?" I said you're cute, right? " Napatango-tango si Stacey sa binata. Naaalala pa pala nito ang una nilang pagkikita. " It's actually true, Stacey. And because of that I want to ask you a favor? "" W-What favor? " Naguluhan niyang tanong rito. Nagtatanong ang inosenteng mga mata sa binata. She didn't wore her eyeglasses dahil sa pag-iyak kanina." Mind if I kiss your lips? " Naging malamyos ang tinig nito. She felt like special." Wha-. " Hindi na nito hinintay ang sasabihin niya dahil walang babala siyang siniil nito ng makapugto-hiningang halik. Pinanginigan ng kalamnan ang dalagita. She was being kissed by her ultimate crush. Nanatiling tikom ang labi niya dahil sa gulat at sa kadahilang hindi siya marunong humalik. Ganito pala ang halik. Napakatamis, napapikit siya nang lumalim ang halik nito sa kanya. Her legs felt jelly kaya naman awtomatikong napahawak siya sa mga braso nito bilang suporta. He bit her lower lip to part her lips. Mahina siyang napadaing dahilan para maipasok ni Hunter ang dila sa loob ng bibig niya. She felt dizzy afterwards. They kiss for a few minutes. Naputol lamang iyon nang makarinig sila ng hiwayan sa likod lamang nila. Her face turned into crimson red. Ang mga mata'y napatitig sa binata." Your five minutes is up, Florendo! " Sigaw ng isang babae. Mabilis siyang ginawaran muli ng halik ni Hunter bago nito tuluyang nilubayan ang namumula niyang labi. Ngumisi ito pagkatapos nilang maghiwalay. Windang na windang pa siya sa nadamang sensasyon. Nanatiling nakahawak ang mga kamay niya rito dahil sa panghihina. He was also holding her waist to steady her." Thanks for your cooperation, Stacey. Actually, it was just a dare. No hard feelings, I hope you don't mind? " Tinalikuran na siya nito pagkatapos iyong sabihin sa kanya. Humahalakhak pa ang mga kasamahan nito at nag-apiran pagkatapos. Naiwan siyang natulala at di makapaniwala. He actually stole her first kiss! And just leave her afterwards!" I'm impressed Florendo. Naniniwala na akong matinik ka sa mga chicks, kahit na nasa high school palang pinatos mo na." Tudyo ng isa sa binata. Nag apiran ang mga ito at nagtawanan. Feeling ni Stacey ay pinaglalaruan siya ng mga ito. Ang akala niyang kabaitang ipinakita ng binata sa kanya noon ay isang pagkukunwari lang pala. Hindi agad nag sink in sa utak niya ang lahat pero nang marealized ang ginawang katangahan ay nakadama siya ng hiya. Pinaglaruan lang siya ng binata. Lumarawan ang sakit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa mga ito. Her eyes started to water again. Bago pa mapansin ng mga ito ang pagluha niya ay mabilis na siyang umalis siya sa lugar na iyon.Ten years later. Ormoc, Leyte. " Bakit mo naman ginawa 'yon, bru? Kawawa naman si Uno. Ang sugid pa namang manligaw sa'yo." ani Sophie sa kanya. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Kung makapagsalita ito ay parang walang mga lalaking pinaiyak noon. Mabuti pa nga siya dahil sinasabi niya agad sa mga ito na wala itong mahihita sa kanya. She's brutally frank to the point na napapaiyak na ang mga lalaking nanliligaw sa kanya. Kapag kasi may magtangkang manligaw sa kanya ay agad niya itong dini-discouraged. Mahirap na baka umasa pa sa wala. " Mas mabuti nang maaga niyang malaman na wala siyang makukuhang oo sa akin. Ayoko siyang masaktan pa lalo, bru. Ewan ko naman kasi sa kanya. Masyadong makulit eh friendship lang naman ang kaya kong ibigay sa kanya." She reasoned. Kahit ano talaga basta tungkol sa lovelife niya ay may rason siya. " Really huh? Baka naman tomboy ka friend kaya hanggang ngayon ay wala ka pa ring boyfriend?" Natawa siya
Lulan na siya ng eroplano. Hindi siya makatulog dahil kabadong-kabado ang pakiramdam niya. Hindi umepekto ang pang-iencouraged ng kaibigan sa kanya dahil parang may dagang naghahabulan sa dibdib niya. This morning ay inihatid siya ni Sophie from Ormoc to Cebu gamit ang fast craft na pag-aari ng asawa nito. At sa airport ng Cebu sila naghiwalay nito.Less than one hour ang flight niya from Cebu to Davao pero hanggang ngayon ay hindi siya mapakali.What would be their reaction to each other sa muling pagkikita nila ng binata. Bagaman editor siya ng isang sikat na magazine sa probinsya ay hindi naging aktibo ang social media life niya. Wala siyang oras para mag facebook, instagram at iba pa. She dedicated herself to her work dahil gusto niyang sa muli nilang pagkikita ng kanyang ama ay may maipagmamalaki na siya. She tried to relax at sumandal sa upuan niya. She closed her eyes and think of beautiful things happened in her life. Ngunit nakatulog siya . Hindi niya akalaing sa pagtulog ni
" Kainis na lalaking iyon. Napakapresko, akala mo kung sino?" She was ranting inside the room. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon nalang ang naging reaction niya sa binata. Kung tutuusin wala naman itong ginawang masama sa kanya. Nagpapaka-gentleman lang naman ito sa kanya. Siya lang naman itong iba ang nararamdaman ukol rito. Minasama niya ang kabutihang ginawa nito at tinarayan ito ng harap-harapan. Hindi na siya nahiya gayong ito ang may-ari ng bahay na tinutuluyan nila ngayon ng researcher niya. Maya-maya'y napakunot-noo siya. Hindi ba siya nakilala nito? Ay tanga! di ba nga naka make over siya ngayon? Tama pala. Malaki na ang ipinagkaiba niya ngayon kompara noon. She was an ugly duckling that turned into a swan. Nagpasya na lang siyang magpahinga na muna dahil napagod pa rin siya kahit papaano sa ilang oras na biyahe niya mula Ormoc hanggang Insular village. Ala singko y medya nang magising siya mula sa pag-idlip. Ni hindi niya na nagawang magpalit kanina dah
Nakaalis na si George ngunit hindi pa rin siya binibitiwan ng binata. Sa halip ay sumunod sila sa pagpasok ni George sa bahay habang karga pa rin siya ng binata. Gusto niyang magprotesta pero hindi niya nagawa. Palingon-lingon kasi ang baklang staff sa kanila. Ano na lamang ang iisipin nito sa kanila? Pumasok na si George sa guestroom sa baba ng bahay nang magpumiglas ang dalaga. " You can put me down, now." Ani niya sa binata. Pulang-pula pa rin ang mukha niya sa hiyang nadama. " No. Ihahatid kita sa silid mo." Walang kangiti-ngiting sagot ng binata sa kanya. Patuloy ito sa pag-akyat sa hagdan na kasama siya. "Argh!" Napaismid si Stacey sa sagot ng binata sa kanya. " Pwede mo namang enjoyin ang pagkarga ko sa'yo imbes na magmaktol ka dyan." Walang pakundangan nitong wika sa dalaga. " Hoy, Mr. Hunter Florendo, iisipin ko na talagang nananantsing ka sa akin dahil hindi mo ako maibaba? " Iyon ang lumabas sa bibig niya gayong
Inspired na inspired siya ngayon dahil sinagot na siya ni Stacey. Isang whirlwind romance ang namagitan sa kanila ng dalaga. He's already thirty two, handa na siya sakaling gusto na niyang lumagay sa tahimik. Gusto niyang ipagtapat sa nobya na nakikilala niya ito pero humahanap pa siya ng tiyempo kung papaano dahil mahirap na at baka mabulilyaso pa ang pangarap niya. Ang nadama niya sa dalaga ay isang matinding atraksyon na hindi pa niya naramdaman kahit kaninong babae. Parang may hinihintay siya noon na hindi niya mawari at nang dumating ito ay biglang nagulo ang tahimik niyang mundo." Aw! Nasaan na ba ang mga langgam dito? " Panunukso ni George sa nakikitang lambingan nilang dalawa. She was sitting on his lap habang sinusubuan ng pagkain ang nobyo. " Humanap ka na kasi ng fafa mo, George." Nakangiting tudyo ni Stacey rito. " Sana all may fafa Hunter! " Halata sa mukha nito ang inggit sa kanila. Hindi pa rin ito makapaniwala na naging si
Alam ng dalaga na lasing na siya kaya naman pinilit niyang magpakatatag nang ibaba siya ng nobyo sa kotse nito. " I can manage." Malamig niyang sabi rito. Naiinis siya sa nobyo dahil sa ginawa nito. Umalis sila nang hindi man lang nakapagpaalam sa may kaarawan o sa kaibigan nito. Ano ang karapatan nitong ipahiya siya sa lalaking nakasayaw niya kanina? Heh! boyfriend mo ang lalaking 'yan kaya may karapatan siya. Saad ng isip niya. Tinulungan siya nitong isuot ang seatbelt pero pumiksi si Stacey at tinabig ang kamay ni Hunter." Well you stop resisting?" saway ng binata sa nobya. "I told you I can manage. Hindi ko kailangan ng tulong mo, I still have my hands, can't you see?" Matigas na sambit ng dalaga sa lalaki. Salubong ang kanyang mga kilay bago ibinaling pa kaliwa ang mukha. Wala siyang balak makipagtitigan rito. She pursed her lips afterwards." Sandali nga muna, galit ka ba sa akin dahil sinaway ko kayo ng lalaking 'yon?
Saan ka pupunta? " Tinig iyon mula sa binata. She was packing her things dahil ngayon ang araw ng flight niya pauwing Ormoc . Tapos na ang trabaho nila ng kanyang mga staffs kahapon pa. Ang iba nga ay nauna ng umuwi kasama si George, siya lang ang naiwan dahil sa request ng kanyang nobyo. Bahagya niya lang itong binalingan at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng kanyang mga gamit. " I have a flight to Cebu at five pm." Salat sa emosyon na sagot ng dalaga." Don't go. Please don't go." Hindi niya namalayang nasa likod na niya ito at mahigpit na yumakap sa likod niya. Nasa tinig nito ang pakiusap. Napabuntung-hininga ang dalaga." Hunter, nasa Ormoc ang trabaho ko. I need to be back today dahil bukas may bago na naman akong client na aasikasuhin." She tried her best not to stuttered. This is the part that she will break his heart. Instead, she felt her heart ache.Anong nangyayari sa kanya? Tapos na ang misyon niya sa Davao. Her one week stay with him
Seryoso ang dating ng mukha ni Stacey habang pabalik na sila ng opisina. She was pissed dahil hindi man lang siya ipinagtanggol nito kanina sa babaeng mahadera. Naglalakad sila nang walang salitang namutawi sa mga labi nila. Naramdaman na lang ng dalaga ang pagsalikop ng kamay ng nobyo sa kamay niya. She stilled. Ayaw niya itong lingunin dahil naiinis siya rito. " May problema ba tayo, sweetheart? " Ani ng nanantiyang tinig nito. Napapiksi siya nang maramdaman ang paninindig ng mga balahibo niya sa batok. His voice was like whispering to her ear. Sa halip ay nanatiling tikom ang kanyang labi. Marahan siyang hinila paharap ng binata. He looked into her seagreen eyes, nangungusap ang mga iyon, it made her defenses shattered into pieces. Walang babala siyang niyakap ng binata nang mahigpit." I'm sorry, sweetheart. I didn't know that she would kissed me like that. Hindi ko naman siya hinalikan pabalik dahil hindi ko gusto ang halik niya at saka hindi ikaw i
Who is he, kuya? " Tanong ng sampung taong gulang na batang babae. Nakasuot ito ng pink baby dress and she's chubby. Bagay na bagay ang nakapigtail na mga buhok. She's cute and pretty even at a young age. Tinuro nito ang binatang nakatayo sa main door ng bahay nila. Nilingon iyon ng nakakatandang kapatid na si JR. Umilaw ang nga mata nito. Nagmamadaling sinalubong iyon ng binatang kapatid. " Hey man! Kailan ka pa dumating?" Nakatawang nagyakapan ang dalawa. " I just arrived, idiot! " Pabirong binatukan nito si JR at nakita iyon ng bata. Binato nito ang di nakikilalang lalaki. " Ouch! " Napaigik ang bisita dahil ibinato rito ni Shiloh ang hawak na barbie. " You're bad. Why did you hit my kuya? " Nakapamewang nitong sita sa bisita. Natawa naman ang kapatid sa tinuran ng bata. Agad nitong nilapitan ang nakababatang kapatid. Umuklo ito para maabot ang kapatid. " Hey, princess. You shouldn't threw your toys to our visitor, that's bad." A
Paano niya ngayon susuyuin ang dalaga matapos marinig nito ang mga sinabi ni Vioet? Nahihirapan siya. Kanina pa rin nakaalis sina Blake at Sophie. Umakyat siya ng hagdan at agad tinungo ang silid ng dalaga. Hindi iyon nakalock kaya naman madali siyang nakapasok. Nakita niya itong nakaupo sa kama nito. " I've been waiting for the past hour, mister. Now, explain everything to me." Seryoso ang tonong wika nito. Napahinga ng malalim si Hunter dahil sa narinig mulla rito. Buong akala niya ay magtatalak agad ang dalaga sa kanya." O-okay. Wala kaming relasyon ni Violet, sweetheart. Hindi rin ako ang ama ng ipinagbubuntis niya. Believe me, ikaw lang ang babaeng hindi ko sinuotan ng kapute kapag nagtatalik." Pinamulahan ng pisngi ang dalaga dahil sa kapranghan ng lalaki. Lumapit ito at ginagap ang kamay niya. "I purposely got you pregnant, sweetheart dahil ikaw lang ang babaeng gusto kung buntisin and not Violet." Alanganing ngumiti ang binata dahil nagulat ang
Hindi maalala ng dalaga kung ilang beses nilang pinagsaluhan ni Hunter ang pag-iibigan sa pisikal na bagay. Nagising siyang nananakit ang buong katawan. Humikab siya at inilibot ang paningin sa buong silid. Napakunot-noo siya at nagtaka nang bumungad sa kanya ang sariling silid. Paano siya napunta rito? Ang naalala niya ay sa guestroom siya nakahiga kanina. Hinanap sa paligid ang binata pero wala ito roon. Sinipat niya ang orasan sa bedside table. Oh! Ala-sais na pala ng gabi. Hindi man lang siya nakakain ng tanghalian. Nasaan na ang lalaking iyon? Nagpasyang bumangon ang dalaga para maligo dahil nanlalagkit ang pakiramdam niya. Matapos makapaligo at makapagbihis ay nagpasyang lumabas ang dalaga. Ingay ng nagkakasayahang mga tao ang narinig niya sa sandaling nakababa na siya. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang matagal ding hindi nakikitang kaibigan dahil sa ginawang pagtikis niya rito.Naluluhang lumapit siya kay Soph
Nakikiliti si Stacey sa paraan ng paghalik ni Hunter sa kanya. His lips and tounge travels to her eyes, nose, cheeks and lips. He sexily bit her earlobes na nagdulot sa dalaga ng init sa katawan. Napapikit si Stacey nang magsimulang maglakbay ang mga kamay ng binata sa maseselang bahagi ng katawan niya. Mahigpit siyang napakapit sa bedsheet ng kama. Ilang buwan din ang tiniis niya mula ng huli siyang angkinin ng lalaki. Kaya naman ngayon ay para siyang mababaliw sa mga ipinaranas nito sa kanya. She wanted him so bad that it aches her to the core.Bumaba pa ang mga halik ng binata sa leeg niya leaving traces sa bawat maraanan ng mga labi nito. And Stacey couldn't helped but moan sexily. Hindi na nga niya napansin ang ginawang mga tunog dahil sa kagagawan nito sa katawan niya.She pulled his hair when his mouth lowered down to her babybump. He gently kiss and carress it. While mumbling words of encouragement to his still unborn child. " Kapit ka ng mahigpit
Maaga pa lang ay nakaabang na ang binata sa labas ng bahay ng dalaga. Inaabangan niya ang paglabas nito sa garden ng bahay para magpaaraw. Madalas iyong gawin ng dalaga siguro ay dahil buntis ito. Pinagmamasdan niya ang bahay sa harapan niya. Maya-maya lang ay lalabas na ang dalaga. Sinabi sa kanya ni manang Mina kahapon bago paman sila nagkausap ng dalaga at ng ama nito. Nakaramdam ng pagkasabik si Hunter sa naisip. Miss na miss na niya ang dalaga. Sabik na siyang muli itong mayakap at mahalikan. Ngunit kailangan niyang magtiis. Hindi niya na gusto pang daanin sa dahas ang dalaga at baka makasama pa sa anak nila. Sigurado naman siyang anak niya ang sanggol sa sinapupunan nito dahil dama niya kahit pa hindi nito sinasabi sa kanya iyon. Napangiti siya nang dahan-dahan nang sumikat ang araw. Ngunit napakunot-noo nang makitang nagtatawan ang lalaki kahapon at ang dalaga habang magkapanabay na itinulak-tulak ang wheelchair ni Roger. Agad ang pagsalakay ng inis sa nakita. Nagseselos siya s
" Akala niya siguro madadala ako sa pabulaklak niya, hmp!" inis na turan ng dalaga sa kanyang sarili. Ewan niya pero hanggang ngayon ay inis pa rin siya sa binata. Sinusuyo siya nito pero wala paring epekto iyon sa kanya. Hindi na niya napansin si Mina na masasalubong niya. " Ang bilis naman yata umalis ng bisita mo, hija? " Bungad sa kanya nito. Nakatawa pa ang matanda sa busangot niyang mukha. " Baka pumangit si baby dahil sa hilatsa ng mukha mo. " Patuloy pa nito." Pinaalis ko na, nay." Napasimangot niyang sagot rito. Napakunot-noo naman ito sa sinabi niya. " Aba'y gusto pa namang dalawin ni Hunter ang daddy mo." Napakamot ito sa ulo. Tinaasan lamang iyon ng kilay ng dalaga. " Ayoko po siyang makausap, nay." Napahalukipkip siya. Napabuntung-hininga ang matanda. " Hija, hindi naman sa lahat ng panahon ay maiiwasan mo ang ama niyang dinadala mo. Maano ba'y bigyan mo ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa'yo. Magkalinawan kayo. Siguro
" Ano ang masamang hangin ang nagpadpad sa inyo rito? Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis. " Banta niya sa tatlo." Aba't akala mo kung sino, ah! " Sagot naman ng madrasta sa kanya." Oo nga, bakit hindi mo kami papasukin ha? " Segunda naman ni Purple. Ang isa sa stepsister niya. Ngunit hindi niya pinansin ito. Wala siyang balak papasukin ang mag-iina sa pamamahay nila ng daddy niya. Tama na ang ginawang kabulastugan ng mga ito sa pamilya niya. Akmang tatalikuran na niya ang tatlo nang sigawan siya ni Violet. " Hoy! Saan ka pupunta? Papasukin mo kami ngayon na! " Sabay kalampag ng gate. Nag-iiskandalo na ang tatlong babae sa labas nila. But she didn't mind. Nakadama siya ng saya sa nakikita. Noon siya ang pinapalayas ng mga ito. Ngunit ngayon ang tatlo naman ang nagdurusa ngayon. Nalaman siguro ng tatlo na nakabangon na ang kompanya ng daddy niya dahil sa ginawa ni Hunter dito. Parang may kumirot sa puso niya nang maalala ang binata. Nandito ngayon sa harap niya ang babaeng
Mabilis na pinahid ni Stacey ang mga luhang sumungaw sa kanyang mga mata nang mapansing nagising na ang ama. Isang tipid na ngiti agad ang iginawad niya rito nang mabaling sa kanya ang paningin nito. " Dad, si Stacey po ito." agad niyang pakilala rito. Maagap niya itong nilapitan sabay hawak sa mga kamay nito. Lumarawan sa mukha ng ama ang pagkagulat kasabay ang pagkislap ng luha sa mga mata nito. " A-anak." Sa nanginginig na tinig ay sambit nito. Walang babalang niyakap ito ng dalaga. " Sorry po daddy. Sorry po, hindi ko po alam na may sakit kayo." umiiyak niyang wika sa ama. Hindi makayakap pabalik ang ama dahil sa kalagayan nito. Matapos yakapin ang ama ay ginagap niyang muli ang mga palad nito. " Pangako daddy, hindi ko na po kayo iiwan. Aalagaan ko po kayo." pinahid niya ang mga luhang namalisbis sa mga mata ni Roger. " S-sorry, anak. P-patawarin mo rin ang daddy sa mga p-pagkukulang ko sa'yo." sa garalgal na tinig ay sabi nito.
Tama ba talagang iwasan natin sila? " hindi maiwasang itanong ni Stacey sa kaibigan at maging sa sarili niya. Napahinto siya sa paglalakad. Napapagod na rin siya sa sitwasyon nila. They've been hiding for the past two months, dalawang buwan na lang at manganganak na siya. Hindi niya gusto na magisnan ng kanyang anak ang patuloy na pagtatago nila. Nilingon siya ni Luna at tuluyan na itong tumigil sa paglalakad. " H-hindi ko alam ang isasagot diyan, Stacey. But yeah, napapagod na ako sa sitwasyon natin na palipat-lipat ng tirahan. Hindi naman kasi pwede na ganito na lang tayo palagi, umiiwas at nagtatago. Kailangan din nating harapin ang tinakasan natin. We need to have closure with them para matapos na 'to lahat. " mahabang paliwanag ni Luna sa kanya. Napatitig siya sa kaibigan. Tama ang mga sinabi nito. Kailangang harapin nilang dalawa ang tinakasan nila. Bumuntung-hininga siya. Kailangan rin ba niyang harapin ang daddy niya? Napakurap-kurap siya. Kaya niya na ba? Hindi siya makasago