Lulan na siya ng eroplano. Hindi siya makatulog dahil kabadong-kabado ang pakiramdam niya. Hindi umepekto ang pang-iencouraged ng kaibigan sa kanya dahil parang may dagang naghahabulan sa dibdib niya. This morning ay inihatid siya ni Sophie from Ormoc to Cebu gamit ang fast craft na pag-aari ng asawa nito. At sa airport ng Cebu sila naghiwalay nito.
Less than one hour ang flight niya from Cebu to Davao pero hanggang ngayon ay hindi siya mapakali.What would be their reaction to each other sa muling pagkikita nila ng binata. Bagaman editor siya ng isang sikat na magazine sa probinsya ay hindi naging aktibo ang social media life niya. Wala siyang oras para mag f******k, i*******m at iba pa. She dedicated herself to her work dahil gusto niyang sa muli nilang pagkikita ng kanyang ama ay may maipagmamalaki na siya.She tried to relax at sumandal sa upuan niya. She closed her eyes and think of beautiful things happened in her life. Ngunit nakatulog siya . Hindi niya akalaing sa pagtulog niya ay dinalaw siya ng nakaraan." Hey! saan ka pupunta? " Hindi pa siya nakakalayo sa lugar na iyon nang may biglang pumigil sa kaliwang braso niya. Dahilan para mapahinto siya. Hindi niya ito nilingon. Tuluyan nang namalisbis sa magkabilang pisngi ang mga luha niya. Nagpumiglas siya. Alam niyang si Hunter iyon. Amoy palang ng pabango nito ay kilala na niya." L-let go of me." mahina niyang wika sa nanginginig na tinig. Naroon na naman ang init na kanyang naramdaman kanina nang magkadaiti ang mga balat nila. Pero hindi siya binitiwan nito. Bigla siyang hinila nito kaya naman hindi niya napaghandaan iyon at napasubsob siya sa matigas na dibdib nito." Oyyy! " Kantiyaw ng mga kaibigan nito." Tototohanin ma na talaga yan, bro? " Sigaw ng isang boses lalaki.Narinig niyang may naghiwayan sa paligid nila. She froze. Umatras yata ang mga luha sa kanyang mga mata at kusa itong tumigil sa pagdaloy. Nakadama siya ng pagrerebelde sa puso niya. Pinagkakatuwaan ba siya ng mga ito?Ramdam niya ang mainit nitong mga braso na pumulupot sa bewang niya. Dahan-dahan siyang nagtaas ng mukha para makita ang itsura nito. At halos madurog ang puso niya sa sobrang sakit na nadama nang makitang nakakaloko itong ngumisi sa kanya." Well, hello there princess. " Napaawang ang labi niya sa narinig na tinuran nito. Saka walang babalang hinalikan siyang muli nito. Marahas iyon at mapaghanap na halos ikapugto ng kanyang hihinga. She wiggled and tried to talk to him. Pero naging dahilan iyon para pasukin ng dila nito ang loob ng bibig niya. Her eyes widened.' Oh no! ' piping saway ng isip niya. Ang kaninang pagpupumiglas niya ay naging mahina at wala sa sariling iniangkla ang mga braso sa leeg ng lalaki. Ilang sandali lang at natoto na siyang makipagsabayan sa paghalik nito. And she couldn't helped but moan. Pakiramdam niya ay naging jelly na naman ang kanyang mga paa. May kung anong kiliti siyang nadama sa paraan ng paghalik nito. Wala na siyang pakialam kung may nakatingin man sa kanila. Bahala na. She closed her eyes and savour the feel of his tounge to hers. Ayaw man niyang aminin pero nasarapan siya sa pinagsaluhan nila. It was her second torrid kiss for this day!Naghiwalay lang sa pagkakahugpong ang mga labi nila nang mauubusan na sila ng hininga. Habol pa rin ang hininga na namumungay ang mga matang tumingin sa binata. Her swollen lips partly open. Nanatili rin siyang nakaangkla sa leeg nito.May kung anong kislap sa mata ng binata ang nakita niya. Pero agad din iyong nawala nang mapakurap-kurap ito. Tumikhim pa ito pagkatapos." You can let go now." In his husky voice. Naguguluhan siyang napabitaw rito. Naisahan na naman siya nito. Sukat doo'y napakuyom ng mga kamay ang dalagita. Pigil ang pagbangon ng matinding galit sa lalaki habang namumula ang magkabilang pisngi niya." How dare you kissed me! " Umangat ang kanang kamay niya para ito'y samapalin. Hindi inaasahan iyon ni Hunter, kaya agad rumehistro sa mukha nito ang gulat. Pagkuwa'y mabilis na siyang umalis doon. Naiwan itong nakasunod ng tanaw sa kanya.Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ni Stacey habang palayo sa lugar na iyon. Napakasakit isipin na pinaglalaruan lang siya ng binata.Kailangan niya si Luna ngayon pero hindi niya ito makita. Nagpasya nalang siyang umuwi ng bahay. Hindi niya akalain na sa pag-uwi niya ay higit na masakit ang madadatnan niya.Sinalubong siya ng daddy niya pag-uwi niya ng bahay. Galit na galit ang anyo nito napapatiim-bagang." Dad." Masigla niyang bati sa ama. Lumapit siya rito at akmang hahalikan ito sa pisngi nang bigla nalang siyang sinampal nito. Napabaling pakaliwa ang mukha niya. Agad iyong namula at may dugong dumaloy sa labi niya." D-dad bakit po? " Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito sa mga mata nito. Agad na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Kahit minsan hindi siya sinaktan nito. Anong kasalanan niya at ngayon ay pinagbuhatan siya ng kamay nito?" I am so disappointed on you,Stacey! Ang bata-bata mo pa nakikipag-nobyo ka na. Kung hindi sinabi sa akin ng tita Cathy mo ang lahat malamang hanggang ngayon ay wala parin akong alam sa mga pinaggagawa mo." Hindik na napatingin siya sa tita cathy niya na nakahawak sa braso ng daddy niya. Tahimik ito at pinapakalma ang kanyang ama." Daddy, wala po akong nobyo. Nagkakamali po si tita nang sinabi sa inyo. Maniwala po kayo dad. Hindi ko po magagawa iyon. Gusto ko pa pong makatapos ng pag-aaral ko." Umiiyak na paliwanag niya rito. Pero umiling lamang ito." Hindi sinungaling ang tita cathy mo, Aera. Nagmamalasakit lang siya saiyo. Habang wala ako at nagtatrabaho ay nakikipaglandian ka sa lalaking napakatanda sa'yo! " Asik nito sa kanya at ipinakita sa kanya ang video clip na nasa cellphone nito. Namumula na ito sa galit sa kanya. Napaawang ang labi at nanlaki ang mga mata ni Stacey sa nakita. Siya at si Hunter habang naghahalikan sa loob ng campus." Dad, let me explain po." Pakiusap niya sa ama. Paano nagawa ng lalaki iyon sa kanya? Bumangon ang galit sa puso niya. Hindi pa ito nakontento sa ginawang panghahalik sa kanya dahil sa dare, siniraan pa siya sa ama. How could that man!" Love, tama na 'yan. Baka tumaas na naman ang alta-presyon mo. Ako na ang bahala kay Stacey. Malambing na wika nito habang hinahaplos sa likod ang daddy niya." Daddy, totoo po ang sinasabi ko. Wala po talaga akong nobyo--. " pero pinutol siya nito sa pagsasalita." Saan ba ako nagkamali sa pagpapalaki sa'yo, Stacey ?" Larawan ng matinding disappointment ang mukha nito. Umiling-iling siya sa nagsasalitang ama." Daddy, please po maniwala naman po kayo." Akmang lalapitan ang ama pero pinigilan siya nina Purple at Violet na mga braso." Matatangap ko na nagnakaw ka ng alahas sa tita Cathy mo, pero ang magnobyo sa murang edad ay hindi ko pinahihintulutan. Katulad ka rin ng ina mong hindi nakontento at iniwan ako. " Napatda siya. Anong pinagsasabi ng daddy niya?" Wala po akong ninakaw na alahas, dad. " Mariin niyang tanggi. " Nagkakamali po kayo daddy. Ang totoo po ay sinasaktan ako ng mga ito kapag umaalis ka. Hindi ko sila isinumbong sa'yo dahil ayokong magkagulo tayo rito. "" ' Wag kang maniwala dad, pasaway si Stacey kapag wala kayo. Nagdadala ng mga lalaki sa loob ng silid niya. " Sulsol naman ni Purple." Inagaw niya po sa akin si Hunter. " Segunda naman ni Violet." Sinungaling! Mga sinungaling kayo! Dad please maniwala naman po kayo, oh? Nagsasabi po ako ng totoo." Akma siyang lalapit sa ama uli pero hindi siya makakilos dahil parang bakal ang mga kamay na nakahawak sa kanya. Nakita niyang natigilan ang ama." Roger, hindi ako makakapayag na pagbibintangan akong sinungaling ng suwail mong anak! " Baling ni Cathy sa daddy niya. Napatiim-bagang si Roger at matalim siyang tinitigan nito." Now, I want you to pack all your things. At wala kang ititira kahit na isa. Dahil ngayun din ay babalik ka na sa mommy mo!" Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito.Hindi nito pinakinggan ang pakiusap niya. Masakit iyon sa kanya dahil ama niya ang nagpaalis sa kanya.Alam niyang siniraan siya ng mag-ina sa daddy niya kaya nagalit ang ama sa kanya. Pero wala siyang magawa dahil hindi siya pinaniwalaan nito. Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi nito. At fifteen ay hinayaan siyang bumiyaheng mag-isa nito. Ni hindi na siya nakapagpaalam sa kaibigan niyang si Luna. Kinuha kasi ng ama niya ang natatanging cellphone niya. Maging si yaya Mina ay walang nagawa nang magpaalam siya rito.Pinahid niya ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Naging mabuti ang buhay niya sa piling ng lola niya. Hindi ito nangiming kupkopin siya nang magpunta siya ng Ormoc kung saan ito nakatira.Ang mommy Jane naman niya ay nakapag-asawa ng mayamang Canadian at itinuring siya bilang anak nito. Ibinigay sa kanya ang lahat ng luho. Pinag-aral sa mamahaling paaralan at binigyan ng pagmamahal. Sa paaralang nilipatan niya nakilala ang kaibigang si Sophie. They became best of friends at tinulungan siya nitong i make over ang itsura niya.Ang dating mahaba at kulot na buhok ngayon ay tuwid na. Hinayaan niyang maretain ang natural na kulay maple brown niyang buhok. Pinanipis ang mga kilay niya para mas ma emphasize ang bilugan niyang mga mata. They are sea green in color namana niya sa fil-am na ina. Hindi na rin siya nagsusuot ng nerd eyeglasses dahil pinalaser na ang mga mata niya. Matangos din ang ilong niya bagay na bagay sa red full lips niya.Ang sabi nga ni Sophie sa kanya pwede siyang maging modelo dahil mas tumangkad pa siya ng ilang pulgada at umabot na siya ng five feet nine. She is flawless from head to toe. Sexy with the right curves, asset nga niya ang mayayaman niyang dibdib. Maging ang pananamit niya ay may sense of fashion na. Tuluyan na ngang nagbago ang tunay niyang itsura. Maging ang pananaw niya sa buhay. Thanks to her ever loyal friend hindi siya tinalikuran nito kahit kailan.Ngayon pagkatapos ng sampung taon aapak na naman siya sa lugar kung saan gusto niyang kalimutan. Ang lugar kung saan gusto nalang niyang ibaon sa limot. Her past. Pero wala siyang choice dahil kailangan iyon ng trabaho niya.Gusto niyang kabahan nang umapak na ang mga paa niya sa arrival area ng airport. Kaunti lang naman ang dala niyang damit dahil plano niyang tatlong araw lang niya gagawin ang pag-iinterview sa lalaki.Maya-maya'y natanaw niya si George sa waiting area ng airport." Ms. Stacey , over here! " Pakaway-kaway pa ito sa kanya. Napangiti siya at tinahak ang daan papunta rito. Kinuha agad nito ang traveling bag niya at ito na ang nagdala. Nagtaka pa ito dahil maliit na bag lang ang dala niya." Kamusta ka rito? " tanong niya sa researcher habang naghihintay sila ng masasakyan." Ok lang ako Ms." sagot nito. Ilang sandali pa ay may tumigil na black Montero Sport sa harapan nila. Bumukas ang pinto niyon sa tapat nila. Napakunot-noo ang dalaga. Bakit nakaharang ang sasakyan na ito sa harapan nila?" Nandito na pala ang sasakyan natin Ms. Stacey ! Pasok po." nakangiting turan ni George sa nagtatakang dalaga." Kaninong sasakyan 'to? " bulong na tanong niya rito." Sakay na muna Ms. sa loob ko na ipapaliwanag sa'yo." putol nito sa sasabihin niya. Walang nagawang pumasok na siya sa likurang bahagi ng SUV, kasunod ang researcher niya." Now talk? " baling niya agad dito." Ms. Stacey, ganito po kasi iyon. Gusto ni Mr. Florendo na doon tayo titira sa kanya habang ginagawa mo ang interview sa kanya. Naghire na rin siya ng mga photographers para kumuha ng litrato niya. He got everything prepared nang sabihin kong lilipad ka ng Davao to do his interview. Feeling ko tuloy may past kayo, Ms. " Panunudyo pa nito sa dalaga." Tumigil ka nga! Hindi ako makakapayag na doon tayo titira. Akala ko ba sa Marco Polo ka naka check-in? And excuse me, wala kaming past. " Umiral ang pagkamaldita niya. Inirapan pa niya ang researcher." Nakalimutan ko pong magbook ulit nang mag-offer sa akin ng matitirhan si Mr. Florendo, Ms." Nagpacute pa ito sa kanya." Why didn't you tell me ahead of time? " Tumaas na ang boses niya dahilan para lingunin sila ng driver." Ok ra mo diha ma'am, sir? "" Opo Mang Dado. Okay lang po kami ni Ms. Stacey." Pinandilatan niya si George. Tumango ang driver rito at nagpatuloy na sa pagtingin sa harap. Hindi niya napansin ang malaking pagbabago sa siyudad na iniwanan niya. Marami nang malalaking shopping malls at building establishments." Eh Ms, kasama kasi iyon sa kondisyon ni Mister Florendo . Ang doon tayo mamalagi sa mansion niya habang ginagawa ang interview mo sa kanya." katwiran ni George sa kanya. Nagpupuyos ang kalooban sa narinig rito." Bakit ba ang daming arte ng lalaking 'yan? Akala mo naman kung sinong umasta. " Nayayamot niyang tanong rito. Nagkibit-balikat lamang ang katabi sa kanya. She felt like he was playing with her emotions again. Pwes! Hindi na siya ang dalagitang si Stacey ngayon. She has grown into a beautiful woman at may career na inaalagaan. Namalayan na lamang niyang nakatulog siya.Pakiramdam niya'y idinuduyan siya. May naamoy siyang mabango kaya naman mas sumiksik pa siya rito at ikinawit ang mga kamay sa batok nito.Naalimpungatan si Stacey nang makarinig ng mga hagikgikan. Napakunot ang noo niya. Saka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Those tantalizing brown eyes met her gaze. Lihim siyang napalunok. She was mesmerize by the way he looked at her. Paano niya iyon makakalimutan. Ganun na lamang ang pagtili niya nang makilala ang taong kumarga sa kanya." Ayyy! Put me down! " pagpapasag niya rito. She heard him chuckled. Nagpatuloy pa rin siya sa pagpipiglas. Akala pa naman niya ay nakahiga siya sa malambot na kama. Kaya feel na feel niya itong niyakap. Ngunit ang bwisit na lalaki pala ang mabungaran niya.
" Calm down. I'm not going to hurt you, woman." Said by the familiar soothing voice." Just please put me down." pakiusap niya rito. Hindi siya komportable sa posisyon nilang dalawa. It made her whole body burn.Tumigil ka, gaga! saway niya sa isip. Her heart start to skip a beat. Pero hindi niya ipinahalata rito ang naramdaman sa pagkakadikit nilang iyon.Sumunod ito at ibinaba siya. Nasa gitna kasi sila ng hagdan. Nang makabawi sa pagkabigla ay inirapan niya ito." Hindi mo na dapat ginawa 'yon!" asik niya dito na nakaarko ang isang kilay. Tumawa lang ito habang nakataas ang dalawang kamay. His laughter once again affected her. But she concealed herself. Hindi pwedeng mahulog na naman siya sa bitag nito. Not now, never! " Whoa! walang ibig sabihin iyon. Nakatulog ka sa biyahe papunta rito at gentleman ako kaya ako na ang kumarga sa'yo. Your researcher was in his room already." dugtong pa nito. Walang anuman na katwiran nito." Kahit na, you could have woke me up. I am not your responsibility Mr.! Kaya kong umakyat sa matarik na hagdan na 'to. " Inirapan niya ito pagkatapos.Napahalukipkip ang dalaga. She was pissed. Hindi niya akalain na sa ganitong paraan sila muling magkikita ng lalaking kinamumuhian niya. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya. But she tried to composed herself. Ayaw niyang ipakita rito that she was affected of his presence bigtime.
" Ok, I will not defend myself anymore. Ituturo ko na lang sa'yo kung saan ang magiging silid mo dito sa bahay. Come with me." akmang hahawakan siya nito sa braso niya para igiya pero pumiksi siya." I am not disabled. Kaya ko ang sarili ko." Pormal na wika niya dito. Napangiti lang ito at sumenyas sa kanya. Wala siyang pakialam isipin man nito na napakasuplada ng editor in chief ng Overpowered Men magazine. So she followed him. " After you, Miss." napasimangot siya sa tinuran nito." Hmp! " sabay irap. dito.Lumakad na silang dalawa. Nagtataka ang dalaga kung bakit ito pa mismo ang magdadala sa kanya sa magiging silid niya sa bahay nito. Pwede namang kasambahay na lang nito. Pero nagtiyaga pa talaga itong ihatid siya sa silid niya. Hindi siya komportable sa distansya nila kaya mas lumayo pa siya rito. Nakahinto na sila sa isang pinto ngayon ng lalaki. Lumapit ito sa kanya dahilan para mapaatras siya ng dalawang pulgada. Iyon pala'y pinihit lang nito ang pinto para bumukas. Tumikhim ito pagkatapos na ginawa iyon." This will be your room, Miss. Kung may kailangan ka may intercom sa loob, you can dial the numbers there para mapuntahan ka agad. At kung may kailangan ka sa akin, katukin mo lang ang katabing pinto mo and I'll be there for you." kumindat pa ito sa kanya." Presko! " turan niya at agad nang pumasok sa silid niya. Hindi na ito nakapag-react pa dahil mabilis na niyang naisara ang pinto sa harap nito.Tatawa-tawang napailing nalang si Hunter sa tinuran ng dalaga." Kainis na lalaking iyon. Napakapresko, akala mo kung sino?" She was ranting inside the room. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon nalang ang naging reaction niya sa binata. Kung tutuusin wala naman itong ginawang masama sa kanya. Nagpapaka-gentleman lang naman ito sa kanya. Siya lang naman itong iba ang nararamdaman ukol rito. Minasama niya ang kabutihang ginawa nito at tinarayan ito ng harap-harapan. Hindi na siya nahiya gayong ito ang may-ari ng bahay na tinutuluyan nila ngayon ng researcher niya. Maya-maya'y napakunot-noo siya. Hindi ba siya nakilala nito? Ay tanga! di ba nga naka make over siya ngayon? Tama pala. Malaki na ang ipinagkaiba niya ngayon kompara noon. She was an ugly duckling that turned into a swan. Nagpasya na lang siyang magpahinga na muna dahil napagod pa rin siya kahit papaano sa ilang oras na biyahe niya mula Ormoc hanggang Insular village. Ala singko y medya nang magising siya mula sa pag-idlip. Ni hindi niya na nagawang magpalit kanina dah
Nakaalis na si George ngunit hindi pa rin siya binibitiwan ng binata. Sa halip ay sumunod sila sa pagpasok ni George sa bahay habang karga pa rin siya ng binata. Gusto niyang magprotesta pero hindi niya nagawa. Palingon-lingon kasi ang baklang staff sa kanila. Ano na lamang ang iisipin nito sa kanila? Pumasok na si George sa guestroom sa baba ng bahay nang magpumiglas ang dalaga. " You can put me down, now." Ani niya sa binata. Pulang-pula pa rin ang mukha niya sa hiyang nadama. " No. Ihahatid kita sa silid mo." Walang kangiti-ngiting sagot ng binata sa kanya. Patuloy ito sa pag-akyat sa hagdan na kasama siya. "Argh!" Napaismid si Stacey sa sagot ng binata sa kanya. " Pwede mo namang enjoyin ang pagkarga ko sa'yo imbes na magmaktol ka dyan." Walang pakundangan nitong wika sa dalaga. " Hoy, Mr. Hunter Florendo, iisipin ko na talagang nananantsing ka sa akin dahil hindi mo ako maibaba? " Iyon ang lumabas sa bibig niya gayong
Inspired na inspired siya ngayon dahil sinagot na siya ni Stacey. Isang whirlwind romance ang namagitan sa kanila ng dalaga. He's already thirty two, handa na siya sakaling gusto na niyang lumagay sa tahimik. Gusto niyang ipagtapat sa nobya na nakikilala niya ito pero humahanap pa siya ng tiyempo kung papaano dahil mahirap na at baka mabulilyaso pa ang pangarap niya. Ang nadama niya sa dalaga ay isang matinding atraksyon na hindi pa niya naramdaman kahit kaninong babae. Parang may hinihintay siya noon na hindi niya mawari at nang dumating ito ay biglang nagulo ang tahimik niyang mundo." Aw! Nasaan na ba ang mga langgam dito? " Panunukso ni George sa nakikitang lambingan nilang dalawa. She was sitting on his lap habang sinusubuan ng pagkain ang nobyo. " Humanap ka na kasi ng fafa mo, George." Nakangiting tudyo ni Stacey rito. " Sana all may fafa Hunter! " Halata sa mukha nito ang inggit sa kanila. Hindi pa rin ito makapaniwala na naging si
Alam ng dalaga na lasing na siya kaya naman pinilit niyang magpakatatag nang ibaba siya ng nobyo sa kotse nito. " I can manage." Malamig niyang sabi rito. Naiinis siya sa nobyo dahil sa ginawa nito. Umalis sila nang hindi man lang nakapagpaalam sa may kaarawan o sa kaibigan nito. Ano ang karapatan nitong ipahiya siya sa lalaking nakasayaw niya kanina? Heh! boyfriend mo ang lalaking 'yan kaya may karapatan siya. Saad ng isip niya. Tinulungan siya nitong isuot ang seatbelt pero pumiksi si Stacey at tinabig ang kamay ni Hunter." Well you stop resisting?" saway ng binata sa nobya. "I told you I can manage. Hindi ko kailangan ng tulong mo, I still have my hands, can't you see?" Matigas na sambit ng dalaga sa lalaki. Salubong ang kanyang mga kilay bago ibinaling pa kaliwa ang mukha. Wala siyang balak makipagtitigan rito. She pursed her lips afterwards." Sandali nga muna, galit ka ba sa akin dahil sinaway ko kayo ng lalaking 'yon?
Saan ka pupunta? " Tinig iyon mula sa binata. She was packing her things dahil ngayon ang araw ng flight niya pauwing Ormoc . Tapos na ang trabaho nila ng kanyang mga staffs kahapon pa. Ang iba nga ay nauna ng umuwi kasama si George, siya lang ang naiwan dahil sa request ng kanyang nobyo. Bahagya niya lang itong binalingan at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng kanyang mga gamit. " I have a flight to Cebu at five pm." Salat sa emosyon na sagot ng dalaga." Don't go. Please don't go." Hindi niya namalayang nasa likod na niya ito at mahigpit na yumakap sa likod niya. Nasa tinig nito ang pakiusap. Napabuntung-hininga ang dalaga." Hunter, nasa Ormoc ang trabaho ko. I need to be back today dahil bukas may bago na naman akong client na aasikasuhin." She tried her best not to stuttered. This is the part that she will break his heart. Instead, she felt her heart ache.Anong nangyayari sa kanya? Tapos na ang misyon niya sa Davao. Her one week stay with him
Seryoso ang dating ng mukha ni Stacey habang pabalik na sila ng opisina. She was pissed dahil hindi man lang siya ipinagtanggol nito kanina sa babaeng mahadera. Naglalakad sila nang walang salitang namutawi sa mga labi nila. Naramdaman na lang ng dalaga ang pagsalikop ng kamay ng nobyo sa kamay niya. She stilled. Ayaw niya itong lingunin dahil naiinis siya rito. " May problema ba tayo, sweetheart? " Ani ng nanantiyang tinig nito. Napapiksi siya nang maramdaman ang paninindig ng mga balahibo niya sa batok. His voice was like whispering to her ear. Sa halip ay nanatiling tikom ang kanyang labi. Marahan siyang hinila paharap ng binata. He looked into her seagreen eyes, nangungusap ang mga iyon, it made her defenses shattered into pieces. Walang babala siyang niyakap ng binata nang mahigpit." I'm sorry, sweetheart. I didn't know that she would kissed me like that. Hindi ko naman siya hinalikan pabalik dahil hindi ko gusto ang halik niya at saka hindi ikaw i
Eksaktong isang buwan na ang lumipas nang makaramdam ng pangangasim ng sikmura si Stacey. Nagmamadali siyang bumangon at tinungo ang banyo para doon dumuwal ng dumuwal. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagsusuka na halos laway lang naman ang lumalabas. Nanghihinang napaupo siya sa sahig ng bathroom.May nakain ba siyang masama kagabi at ganito na lang ang pakiramdam niya? Nang sa tingin niya ay okay na siya ay nagpasya siyang tumayo at bumalik ng kanyang kama.Nanghihina pa siya at hindi niya kayang pumasok sa trabaho. Tatawagan na lang niya ang kaibigan para sabihin dito na hindi siya makakapasok. " I can't go to work today, baks. I think Im sick, ang sama ng pakiramdam ko kanina nang magising ako. Parang hindi ako natunawan sa nakain ko kagabi, eh." bungad niya agad sa kabilang linya. Unang beses niyang naramdaman ang ganito kaya nahihirapan siyang tukuyin kung ano ang sakit niya. " Ano bang nararamdaman mo, baks? Baka kung ano na 'yan? Ang mabut
" Kaya ko na ang sarili ko, Hunter." pigil niya sa lalaki sa akmang pagbuhat nito sa kanya. " You're still not okay." salungat nito sa kanya. At saka walang babala siyang binuhat ng tuluyan. Wala siyang nagawa kundi nanguyapit na lang sa leeg nito at inihimlay ang mukha sa dibdib ng binata para itago ang pamumula ng mga pisngi. Pagkatapos ay dinala siya nito sa cr para umihi. Maingat siyang ibinaba ni Hunter sa loob ng banyo. Napataas ang isang kilay ng dalaga nang manatili roon ang binata." What are you doing?!" asik ni Stacey rito. His face has a blank expression." I'm staying." pormal nitong sagot sa dalaga. Sukat dooy napasinghap si Stacey." No way! " bulalas ng dalaga. Hindi maaari, he might take advantage of her. Naisip niya pero. hindi nakahuma nang sumagot ang binata. " Yes way! " sagot naman ng binata. Nagtagisan sila ng tingin sa isa't-isa. Pero ang dalaga rin ang unang sumuko dahil hindi niya kayang makipagtitigan dit