" Kaya ko na ang sarili ko, Hunter." pigil niya sa lalaki sa akmang pagbuhat nito sa kanya.
" You're still not okay." salungat nito sa kanya. At saka walang babala siyang binuhat ng tuluyan. Wala siyang nagawa kundi nanguyapit na lang sa leeg nito at inihimlay ang mukha sa dibdib ng binata para itago ang pamumula ng mga pisngi. Pagkatapos ay dinala siya nito sa cr para umihi.Maingat siyang ibinaba ni Hunter sa loob ng banyo. Napataas ang isang kilay ng dalaga nang manatili roon ang binata." What are you doing?!" asik ni Stacey rito. His face has a blank expression." I'm staying." pormal nitong sagot sa dalaga. Sukat dooy napasinghap si Stacey." No way! " bulalas ng dalaga. Hindi maaari, he might take advantage of her. Naisip niya pero. hindi nakahuma nang sumagot ang binata." Yes way! " sagot naman ng binata. Nagtagisan sila ng tingin sa isa't-isa. Pero ang dalaga rin ang unang sumuko dahil hindi niya kayang makipagtitigan ditMahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela habang nagmamaneho. Naiinis siya dahil sa inakto ng dalaga sa harap ng Nigel na iyon. Sweet na sweet ang mga ito kanina sa labas ng hospital. Gustong-gusto na niyang suntukin ulit ang lalaki kanina, kundi lang siya nag-aalala sa kalagayan ng dalaga ay ginawa na niya talaga. Kaya naman pilit niyang pinapakalma ang sarili huwag lang niya itong suntukin ulit." Damn! " napamura siya sa isip dahil sa nadamang inis. " No cussing." maagap naman na saway ng dalaga sa kanya. Saglit niya itong nilingon nang may pagtataka. " Yeah, you blurted out." kompirmasyon ng dalaga sa kanya. He mouthed sorry afterwards. Nakangiting tumango lang ang dalaga. Pinili na lamang ng binata ang tumahimik Hindi niya pwedeng galitin si Stacey at baka magtalo pa silang dalawa. Nagising siya sa pakiramdam na lumulutang. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Buhat-buhat siya ng binata paakyat sa pamilyar na hagdan.
He doesn't want to leave her pero wala siyang choice kundi iwan ito dahil kailangan siya sa kanyang opisina. He has a lot of things to do na hindi niya pwedeng balewalain. Natambak ang mga papeles na dapat niyang pirmahan mula nang umalis siya papuntang Ormoc a week ago. Napabuntung-hininga ang binata habang lulan ng kanyang black bugatti chiron super sport 300 patungong HF Construction. Ang unang negosyong naipundar niya nang walang tulong galing sa mga magulang niya. He worked very hard to reached his greatest dream. And that was to stand on his own. At nagawa nga niya, isa na siyang sikat at matagumpay na business tycon sa larangan ng building and structures. " Damn! " napahampas siya sa manibela ng kotse. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya dinala ang dalaga pabalik ng bahay niya. Kahit na nga ang totoo ay niloko siya nito at pinagsinungalingan pa. She confessed to him her planned sa pamamagitan ng sulat . Ni wala itong mukha na sabihin sa kany
Nagising siyang nananakit ang buong katawan. Napagod siya sa ginawa nila ng lalaki kagabi. Nagtaka siya nang hindi ito makita sa tabi niya. Bumangon siya at nagpasyang maligo. Nanlalagkit kasi ang pakiramdam niya. Matapos magbihis ay nagpasya siyang pumunta muna ng hardin ng bahay. Nababagot siya at gusto niyang aliwin ang sarili. Gusto rin niyang sumagap ng sariwang hangin doon. Tinatahak niya ang daan papuntang gazebo nang makarinig ng anasan. Naningkit ang mga mata ng dalaga habang inaaninag ang mga tao sa loob ng naturang gazebo. " Love me please, Hunter." narinig niyang pakiusap ng babae. Mas lumapit pa siya roon. Nanlaki ang kanyang mga mata at natutop niya ang labi para hindi makagawa ng ingay nang makitang umupo paharap sa binata ang halos hubad na babae. And was grinding on his lap. Nakita niyang napapikit ang binata habang ginagawa iyon ng babae. Nakahawak naman ang mga kamay ni Hunter sa bewang ng babae. Bukas na din ang lahat ng butones ng suot na dam
Nasaan ka na ba, sweetheart? Lulugo-lugong umuwi ng bahay ang binata. Nagsisisi siya kung bakit hindi niya agad binalikan ang dalaga matapos niyang bumaba sandali kanina. Hindi niya akalaing naroroon sa baba si Violet at hinihintay siya. Naging kampante siya dahil akala niya walang balak umalis ang dalaga. Tulog na tulog ito matapos ang mga pinagsaluhan nilang dalawa. Pero nagkamali siya ng iniisip sapagkat sa pangalawang pagkakataon iniwan na naman siya nito ng walang paalam. At sa pagkakataong ito ay wala itong iniwan na sulat. Hindi niya maiwasang hindi masaktan sa ginawa nito. Plano na sana niyang kausapin ang babae para humingi ng tawad at ipagtapat rito ang tunay niyang nararamdaman. He realized that he really love her so much when Violet seduced him. Hindi niya maaatim na mahalikan siyang muli ng dating ex-girlfriend. He felt disgusted of Violet's touches. Mas gusto niya si Stacey. His beautiful and innocent Stacey. He felt contented around her kahit na ba sinaktan
" Napakarami na nitong pinamili natin. Tama na oy. Hindi ko pa nga alam ang gender ng baby ko, Luna." Nakatawang saway niya sa kaibigan. Sumimangot lang ito. Natutuwa siyang pagmasdan ito na abala sa pamimili ng mga gamit ng baby niya. " Hayaan mo na ako friend, gusto kong ini-spoil ang inaanak ko, noh." Maarteng wika nito" Talaga lang ha." wika niya. Magtatatlong buwan na siyang nakikitira kasama ng kanyang kaibigan sa Davao at nagpapasalamat siya dahil wala man lang ideya ang binata sa kinaroroonan niya. Hindi naman kasi siya sikat kaya walang pakialam ang mga taong nakakasalamuha niya. Hindi rin niya kinontak si Sophie dahil alam niyang tinawagan na rin ito ng lalaki tungkol sa kanya. Malaki na ang tiyan niya at isang linggo na lang ang hinihintay niya at malalaman na niya ang gender ng baby niya. Excited na siyang mangyari iyon. " Napagod ako. Kumain na muna tayo? " yaya ni Luna sa kanya. " Sige, gutom na rin kami ni baby. " Pagsang-ayon n
" Basta po sabihin niyong wala ako rito, manang" pagbibigay instruction ni Luna sa kasambahay. Naalarma bigla ang itsura ng matanda. " Naku ma'am. Nasabi ko na po kay sir Xenon na nandito kayo. Paano ko po iyon gagawin? " Naguguluhang napakamot-kamot ito sa sariling ulo. Napabuntung-hininga naman si Luna. Sasakit na talaga ang ulo niya sa mga nangyayari. Hindi sila pwedeng magkita ng lalaki. Dalawang taon siyang nagtago rito tapos ngayon ay malalaman nitong naririto siya. Hindi siya makakapayag na mangyari iyon. " Sabihin niyo na lang po na may sakit ako at hindi ko siya mahaharap" hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Luna samantalang si Stacey ay nakamasid lang sa kanila. Bagaman nagugulan sa mga nangyari ay hindi nito maiwasang maawa sa kaibigan. Alam niyang nahihirapan ang kaibigan ngayon. " Sigurado po ba kayo ma'am na iyon ang sasabihin ko kay sir Xenon?" alanganin na ang itsura na paniniguro nito. Halatang hindi sanay magsinungaling ang matanda.
Tama ba talagang iwasan natin sila? " hindi maiwasang itanong ni Stacey sa kaibigan at maging sa sarili niya. Napahinto siya sa paglalakad. Napapagod na rin siya sa sitwasyon nila. They've been hiding for the past two months, dalawang buwan na lang at manganganak na siya. Hindi niya gusto na magisnan ng kanyang anak ang patuloy na pagtatago nila. Nilingon siya ni Luna at tuluyan na itong tumigil sa paglalakad. " H-hindi ko alam ang isasagot diyan, Stacey. But yeah, napapagod na ako sa sitwasyon natin na palipat-lipat ng tirahan. Hindi naman kasi pwede na ganito na lang tayo palagi, umiiwas at nagtatago. Kailangan din nating harapin ang tinakasan natin. We need to have closure with them para matapos na 'to lahat. " mahabang paliwanag ni Luna sa kanya. Napatitig siya sa kaibigan. Tama ang mga sinabi nito. Kailangang harapin nilang dalawa ang tinakasan nila. Bumuntung-hininga siya. Kailangan rin ba niyang harapin ang daddy niya? Napakurap-kurap siya. Kaya niya na ba? Hindi siya makasago
Mabilis na pinahid ni Stacey ang mga luhang sumungaw sa kanyang mga mata nang mapansing nagising na ang ama. Isang tipid na ngiti agad ang iginawad niya rito nang mabaling sa kanya ang paningin nito. " Dad, si Stacey po ito." agad niyang pakilala rito. Maagap niya itong nilapitan sabay hawak sa mga kamay nito. Lumarawan sa mukha ng ama ang pagkagulat kasabay ang pagkislap ng luha sa mga mata nito. " A-anak." Sa nanginginig na tinig ay sambit nito. Walang babalang niyakap ito ng dalaga. " Sorry po daddy. Sorry po, hindi ko po alam na may sakit kayo." umiiyak niyang wika sa ama. Hindi makayakap pabalik ang ama dahil sa kalagayan nito. Matapos yakapin ang ama ay ginagap niyang muli ang mga palad nito. " Pangako daddy, hindi ko na po kayo iiwan. Aalagaan ko po kayo." pinahid niya ang mga luhang namalisbis sa mga mata ni Roger. " S-sorry, anak. P-patawarin mo rin ang daddy sa mga p-pagkukulang ko sa'yo." sa garalgal na tinig ay sabi nito.