Share

Ang Naghihiganteng Puso
Ang Naghihiganteng Puso
Author: AveryHayz

One

" Maghiwalay na tayo! Matagal ko ng napapansin ang pambababae mo. Wag ka ng magkaila pa Roger! " Sigaw ng mommy Jane niya.

" Pag-usapan natin 'to, Jane. Mali ang binibintang mo. Secretary ko lang si Cathy--. "

" Alam ko ang sinasabi ko, Roger. Kayong dalawa. ng sekretarya mo ang nakita kong nag check-in sa Marco Polo! " Sabay duro sa asawa. Galit na galit ito habang umiiyak. Hindi ito makapaniwala sa natuklasan. Bata pa lang ang anak nila ay nagsusumbong na ito na kahalikan nito ang sekretarya nito noon pero hindi siya naniniwala dahil bestfriend ng asawa niya ang dating asawa ng babae.

Umiiyak naman na nakikinig si Stacey sa away ng mga magulang. Matagal na niyang alam ang ginagawa ng ama. Six years old pa lang siya at hanggang ngayong fifteen na siya ay alam niyang may kabit ang ama. At walang iba kundi ang secretary nito. Lumaki siyang dikit sa ama, palaging sumasama sa opisina nito kaya alam niya ang milagrong ginagawa nito kasama si Cathy.

Kung hindi lang dumating sa buhay nila ang babaeng iyon, hindi sana magkakaganito ang mga magulang niya. Masaya sana ang pamilya niya.

" H-Hindi ako iyon, Jane! Nagkakamali ka ng nakita--. " Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil pinutol na ito ng ina.

" Maghiwalay na tayo, Roger. " Naging seryoso ang bukas ng mukha nito maging ang tinig.

" Mom! " Naibulalas ni Stacey. Hindi siya makakapayag na maghiwalay ang dalawa.

" Daddy, please wag niyo pong gawin ito. " Umiiyak na pakiusap niya sa dalawa. Hindi niya kaya kapag tuluyang maghiwalay ang dalawa. Mahal na mahal niya ang mga magulang.

"Jane, hindi ako makakapayag! " Tumaas na rin ang tinig ng daddy niya. Tumawa ng mapakla ang mommy niya.

" Really Roger? Eh baka nga magsaya ka pa diyan dahil sa wakas ay maghihiwalay na tayo? Hindi ko na kayang iniiputan mo pa ang ulo ko. Kung ayaw mo na sa akin marapat lamang na palayain mo na ako. " Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Maya-maya ay bumuntung-hininga ang kanyang ama.

" Kung iyan ang gusto mo, sige pumapayag na ako. " Para itong talunan matapos iyong sabihin.

" Please po wag kayong maghiwalay! Mommy! Daddy! " Masakit na masakit ang puso ni Stacey sa natunghayang desisyon ng mga magulang. Hindi niya kayang maghiwalay ang mga ito. Lumapit siya sa ina para makiusap rito.

" P-Please don't do this mom. "

" Dad, please. " Ngunit binalewala ng dalawa ang pakiusap niya. Nagpasya na ang mga ito. Hindi man lang isinaalang-alang ang damdamin niya bilang anak ng mga ito.

" My decision is final, anak. Hihiwalayan ko na ang babaero mong ama. " Hindi man lamang sumagot ang kanyang ama.

Tinalikuran na siya ng dalawa. Nanlulumong napaupo ang dalagita habang patuloy sa pagluha. Hindi man lamang inisip ng mga ito kung ano ang mararamdaman niya. Higit siyang nasasaktan sa desisyon ng mga magulang.

¤¤¤¤¤

" Doon ka muna sa mommy mo anak, may lakad kasi kami ng tita Cathy mo. " Ani ng daddy niya.

Hindi pumayag ang ama niya na sa mommy niya siya sumama. Mula kasi sa mahirap na pamilya ang kanyang mommy at wala rin itong trabaho. Kaya hinayaan siya ng ina na sa daddy niya siya tumira. Iyon ang napagkasunduan ng dalawa. Lunes hanggang huwebes ay sa ama siya matutulog. Biyernes hanggang Linggo ay sa mommy niya siya matutulog. Nahihirap man ang kalooban ay tinanggap na lang ni Stacey ang naging kapalaran. Likas siyang mabait na anak kaya hindi na siya nagreklamo pa.

She learned to accept her situation. Masuwerte na rin siya at nakapag-aral siya sa eksklusibong paaralan.

" Mom, dito daw po muna ako sa inyo. " May pagmamahal na niyakap niya ang ina at hinalikan ito sa pisngi. Matamis ang ngiting iginawad nito sa kanya.

" Walang problema anak. Basta ba kakain ka ng toyo? Alam mo namang walang trabaho ang mommy mo. "

" Kahit ano po mommy, kakainin ko po basta handa niyo po? " Napangiti siya sa ina.

" Kamusta naman ang daddy mo, anak? " Tanong nito sa kanya.

" M-May date po sila ni t-tita Cathy. " Alanganin niyang sagot sa ina. Baka kasi magselos ito. Mapait na ngumiti ang ina sa kanya.

" Sabi ko ng nga ba, noon pa talaga may kutob na ako na may relasyon silang dalawa. " Palatak ni Jane.

" Mom. " Tawag niya sa ina. Hindi niya nais ituloy ang sasabihin ng mommy niya. Nasasaktan rin siya sa maaaring mararamdaman nito.

" O siya, hindi natin pag-uusapan ang daddy mo." Nakataas ang dalawang kamay sa ere bilang pagsuko.

" Siyanga pala, kamusta ang pag-aaral mo anak? " Maya-maya ay dugtong nito. Napangiti siya. Likas siyang matalino kaya lagi siyang nasa top one ng klase.

" I'm at the top one, mom. " Nakangiting balita niya rito.

" Wow! Ang talino talaga ng baby ko. " Tuwang-tuwa itong pinisil ang magkabilang pisngi niya.

" Aw! mom, masakit po. " Saway niya sa ina na nakangiwi. Natawa ito.

" I'm so proud of you anak. " Larawan sa mukha nito ang matinding saya. Ilang sandali pa ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Bigla iyong lumungkot.

" Nak, may sasabihin sana si mommy sa'yo. "

" What is it, mom? " Hindi maitago ang pagtataka sa mukha ng dalagita. Bigla kasi ang pagbago ng awra nito.

" Stacey anak, aalis ako papuntang Canada after two months. Gusto kong doon ka muna sa daddy mo, anak. "

" Mommy, bakit po kayo aalis? " Takang tanong niya. Malungkot itong tumingin sa kanya.

" Natanggap ako bilang caregiver anak. Kailangan kong gawin ito kaya sana maintindihan mo? "

" Ayoko po, mommy! " Napaluhang sigaw niya sa ina. Hindi man lang ba siya mamimiss nito at lalayo pa talaga? Hinawakan siya sa magkabilang balikat ng ina.

" Makinig ka anak. Hindi ko rin gustong malayo sa'yo pero kailangan kong gawin para sa kinabukasan mo. Gusto kong maganda pa rin ang buhay mo naghiwalay man kami ng daddy mo. Gusto kong maipagmalaki mo ako anak. " Mahabang wika nito. Pero nag-iba na ang pakiramdam ni Stacey. Maiisip pa lang niya na lalayo ang ina ay nasasaktan na siya. Paano pa kaya kung makaalis na ito? Hindi siya komportable sa piling ng kanyang daddy at madrasta. Sinasaktan siya ng tita Cathy niya. Kinakawawa, mayroon naman silang mga katulong pero kapag wala ang kanyang daddy ay siya ang pinagtatrabaho nito.

Ilang beses na siyang nagsumbong sa kanyang ama pero hindi naman siya pinakikinggan nito. Laging inuuna ang madrasta at mga anak nito. Pakiramdam tuloy niya ay siya ang sampid sa bahay nila. Hindi niya masabi sa ina dahil baka magkagulo pa ang mga magulang.

" Sasama po ako, mommy !" Naibulalas niya bigla sa ina. Napahawak sa mga kamay nito. Malungkot na ngumiti ito sa kanya.

" Hindi pupwede anak, wala tayong bahay doon. Stay-in ako sa papasukan ko at isa pa hindi pa kita kayang pag-aralin. "

" Kung hindi niyo po ako isasama, sa Lola Marsha na lang po ako pupunta. "

" Wag na wag mong gagawin iyan, anak !" Galit kasi ito sa kanyang lola dahil nag-asawa ito noon ng mas bata rito ng sampung taon sa edad na fifty-five. Natahimik siya at hindi nakaimik. " Makinig ka sana Stacey, intindihin mo ang sitwasyon natin. Doon ka muna sa daddy mo habang wala pa ako. Pangako kukunin kita sa kanya kapag may pera na ako. " Patuloy pa nito.

Hindi na lamang nagsalita pa ang dalagita. Naiintindihan niya ang mommy niya. Wala siyang magawa dahil nagdesisyon na ito. Hindi man lang ba inisip nito ang mararamdaman niya? Paano kaya kung sabihin niya rito na sinasaktan siya ng kanyang madrasta? Don't do it! Saway ng isip niya. Baka magkagulo pa lalo ang pamilya niya.

" Mangako po kayo na kukunin niyo ako kay daddy kapag naging okay na ang buhay niyo sa Canada? " She asked with pleading eyes. Malungkot na ngumiti ang mommy niya. Hinahaplos nito ang ulo niya.

" Pangako anak. Kukunin kita sa daddy mo kapag maganda na ang kalagayan ko doon. " Niyakap siyang muli ng ina at h******n sa kanyang ulo.

¤¤¤¤¤

Malungkot na umuwi ng bahay si Stacey. Labag sa kalooban niya ang gagawin ng ina pero wala siyang magawa dahil hindi naman ito nagpapigil sa kanya. Nais sana niyang sumama rito pero hindi ito pumayag. Malalim ang buntung-hiningang ginawa niya bago nag door bell sa malaking gate ng bahay nila. Ilang sandali ay bumukas ang gate at iniluwa ang yaya Mina niya.

" Bakit ngayon ka lang umuwi, anak? Kanina ka pa hinahanap ng daddy mo." Nasa tono nito ang pag-aalala sa kanya. Rumehistro ang takot sa mukha ni Stacey sa narinig mula rito.

" B-Bakit po ya? " Kabado niyang tanong rito na agad pumasok sa gate. Magkasunod silang pumasok ng bahay.

" Iyong madrasta mo sinisiraan ka na naman. Wala na talagang ginawa ang mga iyon kundi saktan ang damdamin mo. Akala mo kung sino ang mag-iinang iyon eh sampid naman ng bahay na 'to. " Hindi maiwasan ng yaya niya na makadama ng galit sa mga ito. Simula kasi nang pumisan ang mga ito sa kanila ay nagulo bigla ang dati tahimik niyang buhay.

" Hayaan niyo na po ya. Okay lang po ako, hindi naman po ako sinasaktan ng daddy. Pumasok na po tayo sa loob. " Pag-aya niya sa babae. Tuluyan na silang pumasok sa main door ng bahay.

" Dumating na pala ang magaling mong anak, Roger! " Iyon agad ang ibinungad ng tita Cathy niya. Napaigtad pa siya dahil sa tinis ng boses nito.

" G-Good evening po tita. " Nakayuko niyang bati rito. Hindi niya pa nakikita ang ama marahil ay nasa taas ito kaya sumigaw ang madrasta niya. Ilang sandali ay bumaba ang galit na anyo ng daddy Roger niya.

" Good evening po dad. " Bati niya sa ama. Hindi niya ipinahalata rito na natakot siya sa nakitang anyo nito. Nakaalis na rin ang yaya Mina niya papasok sa kusina dahil maghahanda pa ito ng hapunan nila. Lumapit siya sa ama para magmano ngunit inilayo nito ang palad sa kanya.

" Hindi ito oras ng uwi mo, Stacey! " Dumagundong ang tinig nito sa kanya.

" D-Dad. " Hindi siya makaimik. Napapiksi pa siya palayo rito nang magsalita itong muli.

" Didn't I tell you to go home early? It's already eight in the evening at ngayon ka lang nakauwi!"

" N-Namasyal po kami ni mommy, dad. Kumain sa labas at-. " Ngunit pinutol siya nito.

" I didn't asked you that! Sa susunod na ulitin mo ito ay igagrounded kita ng isang linggo! "

" Dad-. " Ngunit tinalikuran na siya ng ama. Nakita pa niya ang pagngisi ng madrasta niya sa kanya.

Lulugo-lugong umakyat siya ng kanyang silid. Bakit palagi siyang pinagdidiskitahan ng madrasta niya? Wala na talaga itong ginawa kundi sulsulan ang daddy niya.

Nag half bath siya bago humiga sa kama. Malungkot siyang tumingin sa kisame ng kwarto niya. Inaalala ang masasayang samahan nila ng kanyang mga magulang. Bakit iyon nagawa ng daddy niya gayong napakabait at maalalahanin ng mommy Jane niya? Nakatulugan na nga niya ang pag-iisip.

Kinabukasan.

" Wow! Gising na pala ang prinsesa. " Pang-aalaska ni Purple sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ito. Sabado ngayon kaya walang pasok sa eskwela.

" Senyorita, huh? Ipagluto mo kami ng mga barkada ko mamaya ha! " Segunda naman ni Violet. Napakunot-noo siya. Magdadala ito ng mga kaibigan sa pamamahay niya?

" Hindi mo ako alila, Violet. Mayroon namang mga kasambahay bakit hindi sila ang utusan mo? " Ngumisi si Violet. Kamukhang-kamukha ito ng ina. Matanda sa kanya ang kambal ng pitong taon pero kung umasta ang mga ito ay daig pa ang teenager na kagaya niya. Mga walang breeding talaga! Hiyaw ng isip niya.

Nagsimula na siyang kumain.

" Gusto kong ang prinsesa ang magsisilbi sa amin, eh. Anong magagawa mo? " Ani Violet. Tumawa at nag apir pa talaga ang dalawa.

" Ayoko. " Hindi nagpapatalong sagot niya.

" Eh kung isumbong kita kay tito na nagbo-boyfriend na? Ano kaya ang gagawin niya sa'yo? " Nakakaloko namang saad ni Purple. Bumangon ang inis sa kanyang dibdib. Wala talagang magawa ang mga ito kundi ang pagkaisahan siya pero hindi siya magpapatalo sa mga ito. Siya ang legal na anak, marapat lamang na hindi siya magpapaapekto sa mga pang-iinis ng dalawa sa kanya.

" Wala akong paki dahil hindi naman totooo ang binibintang mo, Purple. " Ipinagpatuloy na niya ang maganang pagkain. Tumigil na rin ang dalawa sa pang-aasar sa kanya.

Out of town ang daddy't tita Cathy niya kaya sila lang tatlo ang naiwan. As usual feeling mayaman talaga ang dalawa, kung makaasta ay parang mga legal na anak ng daddy niya. Ang kakapal ng mga mukha! Nanggigigil siya habang nakatanaw sa swimming pool sa ibaba lang ng veranda niya. Totoo ang sinabi ni Violet kanina sa agahan. Nagdala ito ng mga barkada. Nag-iinuman at naghaharutan pa ang mga ito. Napaismid siya.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang nakipaghalikan si Violet sa isang matangkad na lalaki sa gitna ng pool. Naghihiyawan pa ang mga nakapaligid sa kanila.

Napapikit siya nang humarap sa direksyon niya ang lalaki.

' Hunter! ' Napatakip siya ng kanyang baba. Parang may aspiling tumusok sa murang puso. niya. Boyfriend ba ito ni Violet? Syunga! Kita mo namang naghalikan di ba? Pamimilosopo ng isip niya. Namanhid bigla ang mga tuhod niya. Nanghihinang napaupo sa sahig ng silid niya si Stacey.

Alam naman niyang playboy ang binatang sikat at basketball team captain ng Ateneo De Davao University. Magtataka pa ba siya? Nasa huling taon na ito sa kursong civil engineering at kasing edad ng mga stepsisters niya.

Agad inabot ang cellphone sa side table niya. Pinindot ang numero ng kaibigang si Luna. Mabilis namang sumagot ang nasa kabilang linya.

" Hey stays, what's up? " Medyo may pagkaastig pa ang tono ni Luna. Totomboy-tomboy kasi ito dahil puros lalaki ang mga kuya nito.

" Hello, Luna. Pwede ba tayong magkita ngayon sa gmall? " Nasa tinig niya ang pakiusap.

" Sure! May problema ba? " Hindi rin maiwasan ni Luna ang magtanong sa kanya.

" Mamaya ko na lang sasabihin sa'yo. Magkita tayo sa arcade after an hour. "

" Okay. " Ani Luna.

" Bye. " Sabay na paalam ng dalawa sa isa't-isa.

¤¤¤¤¤

" Aalis po muna ako, ya. " Paalam niya sa yaya Mina niya.

" Saan ka ba pupunta, anak. Kabilin-bilinan sa akin ng daddy mo ay huwag kitang hahayaang mag-aalis ng bahay. "

" Naku, ya. Sandali lang po ako sa gmall. Magkikita po kami ni Luna doon dahil may project kami. " Katwiran niya. Napakunot-noo ang noo ng babae.

" Bakit sa mall kung gagawa ng project anak? "

" Ano kasi ya. Bibili kami ng mga materials para sa gagawin naming project. " Napatango-tango ang babae. Pigil ang hiningang hinintay ang pagpayag nito sa kanya.

" O siya, basta wag kang magpapagabi? Mag-iingat ka. Magpahatid ka na kay Oscar. "

" Maraming salamat po yaya. Magko-commute lang po ako ya. " Nakangiting niyakap ay hinalikan ito sa mga pisngi bago nagtatakbong umakyat muli sa silid para magbihis.

Nagkukumahog siya sa pagbibihis. She's wearing a nude modest prairie dress, she partnered it with her converse snickers. Long sleeve ang manggas na kita lamang ang mga kamay niya at hanggang sakong pa ang haba. Para siyang taga ibang era sa suot. Isinuot pa niya ang makapal na eyesglasses bago sinukbit sa balikat ang backpack niya.

Palabas na siya nang main door nang may biglang pumasok doon dahilan para magkabanggaan sila.

" Ouch! " Napasigaw siya sa sakit at gulat. " Bumangga lang naman siya sa isang matigas na kahoy. Maagap din ang mga kamay na sumalo sa kanya sa muntikan na niyang pagkatumba. Her palms landed on a hard chest.

Dahan-dahan siyang tumingala para lamang magulat sa nakita. Awtomatikong bumitiw ang mga kamay rito at napaatras ng dalawang hakbang. Pakiramdam niya ay napaso siya sa pagkakadikit nilang iyon kahit na ba balut na balot siya ng damit sa katawan. But the man in front of her is naked from top at naka swimming trunk lang ito sa ibaba. Napatakip siya bigla ng kamay sa kanyang mga mata.

' Oh! Her virgin eyes! ' Tili ng isip niya. Nagririgudon rin ang tibok ng puso niya. Ito ang unang pagkakataong makita niya ito ng malapitan at mahawakan nang hindi sinasadya.

She heard him chuckled. Napakaganda ng masculine voice nito. Para itong dj sa fm station.

" What are you, lady? " Pinamulahan siya ng mukha nang tingnan niya ito sa mga mata. He look at her from head to toe. Feeling tuloy niya ay nanliit siya. Napakapangit niya kompara sa lalaki. Para silang beauty and the beast sa pelikula at siya ang beast. She knew from the very start that she looked different from her age. Matangkad na siya sa taas na five feet seven pero hanggang dibdib lang siya ng lalaki. Hunter was six feet five.

She cleared her throat.

" P-Pwede bang umalis ka sa daraanan ko? " She can't helped but stuttered. The right side of his lips twitch. Hindi niya kayang makipagtitigan sa lalaki ng matagal. Baka mahalata pa nito na deads siya rito. Ngunit hindi ito tuminag sa kinatatayuan.

" Are you from the eighteen hundreds? " He asked again.

" Pakiusap, paraanin mo ako mister. " Akma siyang lalabas ngunit hinarang siya nito.

" I didn't know we still have Maria Clara in the twentieth century. I didn't realize it 'till now that you're in front of me. " Tumawa pa ito nang malutong. Mas lalo namang namula ang mga pisngi ni Stacey. Lumihis siya ng daan ngunit nahila pa siya nito.

" Bitiwan mo ako, pakiusap. " She said pleading. Pilyong ngumiti ang binata sa kanya.

" Nah. " Umiling -iling pa ito. " Tell me first your name? " Walang nagawa ang dalagita kundi ang sagutin ito. Hindi talaga siya padadaanin nito kung hindi niya ito sasagutin.

" S-Stacey. Pwede na ba akong lumabas? " She innocently ask him.

" And I'm Hunter. " He introduced himself. Iniabot pa nito ang palad para makipagkamay sa kanya. Gulat na napatingin siya sa kamay nito. " Aren't you going to take it? " His talking about his own hand. She sigh and accepted his hand for a shake.

" Pwede na ba akong dumaan? " Nag-aalala na siya sa kaibigan sa oras na usapan nila. Tumabi ito sa kanan para makadaan siya. Pero bago pa siya makalabas ay bumulong pa ito sa kanya.

" You're cute in that dress. " Para namang sasabog ang kanyang dibdib sa sinabi ng lalaki sa kanya. Nanginginig ang mga paa sa ilalim ng suot na dress. Na-tense yata siya bigla sa encounter nila ni Hunter.

At hanggang makasakay siya ng taxi papuntang gmall ay dama pa rin niya ang panginginig ng kalamnan. Nakadama siya ng saya. Akala niya ay isa ring bully si Hunter. May kabaitan rin pa la ito di tulad ng ibang sikat at gwapo na may pagkasuplado.

" Can you beleive kung sino ang nakausap ko ngayon lang? " Excited niyang turan kay Luna nang marating ang mall. Nagtaka pa ito sa itsura niyang parang bulate na binudburan ng asin dahil sa tindi ng kilig na nadama.

" Sino naman? " Napasimangot na tanong ngbkaibigan sa kanya.

" Si Hunter! " Kilig na kilig pa ang itsura ni Stacey.

" Hala siya, parang bulate kung makakilig diyan. " Saway ni Luna sa kanya.

" Ang saya-saya ko, friend. Sa wakas pinansin niya rin ako. Hay, Hunter my baby! " Nangangarap na naman ito ng gising.

" Tumigil ka diyan, nakakahiya naman sa mga taon oy! "

" Ah basta masay ako ngayon. "

" Akala ko pa naman kung ano ang problema mo kanina, iyon pala nasa cloud nine ka na. " Iiling-iling na wika ni Luna sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status